Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng...

21
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilya

Transcript of Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng...

Page 1: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

Edukasyon sa

Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.2 (Week2)

Ang Kahalagahan ng Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2 (Week 2): Ang Kahalagahan ng Pamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax : (032) 255-6405 Email Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Babyline N. Hernaez

Editor : Jane O. Gurrea

Tagasuri : Hipolito Q. Pegarido

(Moderator): Nova C. Pardillo

Tagaguhit : Babyline N. Hernaez

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico - Dr. Ester A. Futalan - Dr. Leah B. Apao Chief, CID - Dr. Mary Ann P. Flores EPS in LRMS - Mr. Isaiash T. Wagas EPS in EsP - Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

i

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 2 (Week 2)

Ang Kahalagahan ng Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao

8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan

ng Pamilya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan

ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral

ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang

pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang

kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-

alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo

ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman

ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding

subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa

iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa

ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang

magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

iii

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Ang Kahalagahan ng

Pamilya)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng

silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang

mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang

bagong konsepto at mga kasanayan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

iv

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo

sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap

o talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa

o masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

1

Alamin

Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito

hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa

tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag

may dumadating na problema.Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay

sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag

kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang kanilang

buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga

ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken

family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay

para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.

Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga

panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang

dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong

humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang

may buong pamilya.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng

pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili

tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. EsP8PBIb-1.3

2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng

pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. EsP8PBIB-1.4

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan at

maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kasanayan at

pagpapahalaga:

A. Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa pamilya.

B. Naisasagawa nang buong husay mahirap man o madali ang anumang

karanasan o sitwasyon ng pamilya .

C. Naipamamalas ang mga pagpapahalaga sa bawat miyembro ng pamilya at

ang kanilang mga tungkulin.

Aralin

2

Ang Kahalagahan ng Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

2

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyun na nasa ibaba. Isulat ang Oo at Hindi sa kahon.

1. Tutulong lamang sa mga gawain sa bahay kung inuutusan.

2. Ang ama ang haligi ng tahanan.

3. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae.

4. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan.

5. Nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang.

6. Ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya.

7. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao.

8. May panlipunan at pmpolitikal na gampanin ang pamilya.

9. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

10. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

3

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng

masayang mukha kung mabuting gawain at malungkot na

mukha naman kung hindi mabuting gawain ang nasa larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

4

Balikan

Panuto: Punan ng mga salita ang mga patlang upang mabuo ang konsepto ng

aralin. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba.

1. Ang ay pamayanan ng mga tao ( community

of persons ) na kung saan ang maayos na paraan ng

pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

2.Nabuo ang pamilya sa ng isang lalaki at

babaeng nagpasiyang magpakasal

habangbuhay.

at magsama ng

3.Ang pamilya ang at pinakamahalagang yunit ng

lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na

sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.

4.Ang pamilya ang na paaralan ng

pagmamahal.

5.May panlipunan at na gampanin ang

pamilya.

pamilya pagmamahalan una orihinal pampulitikal

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

5

Tuklasin

Panuto: Isulat ang katangiang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya.

Para mapuno ang “kahon”kailangang magkaroon ng sumusunod na

katangian ang isang pamilya.

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa ng mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at

Gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain.Lahat ng sagutang papel

at mga proyektong nagawa at ipapasa sa guro upang mabigyan ng

nararapat na marka.

stress ispirituwal Nagkakasama sama

kumunikasyon pagpapahalaga Pananagutan

Ang mga katangiang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya ay

may1. sa isa’t isa. Nagpapakita ng 2. at may mabuting 3

. Sila ay may panahong 4. . Ang pamilya ay sumusunod

sa kanilang mga paniniwalang 5. at umaayon sa kanilang mga

pagpapahalaga.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

6

Suriin

Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong naniniwalang

ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na

gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at

iba pang magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng

mga bagay na ito.

Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya.

Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng

mga tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang

anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga

pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at

paghikayat sa isa’t isa.

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring

mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa:

• isang ina, ama, at mga anak, o

• isang ina na may isa o higit pang anak, o

• mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo

Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong

silang humubog ng mga taong nagiging katulad natin.

Pananagutan/Komitment

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng

pananagutan sa isa’t isa sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang

pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang

pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Narito ang

ilan:

• Maging tapat sa inyong pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at

gumugol ng mas maraming oras sa piling nila.

• Tumawag at magsabing ―mahal kita‖ kung naglakbay ka sa malayo.

• Bumuo ng mga alaalang pampamilya. Magtago ng family album na may mga

retrato at kuwento.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

7

Pagpapahalaga

Kapag ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at

gawa, naipakikita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin sila.

Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang iba. Ngunit, hindi nila

malalaman ang nararamdaman natin hangga’t hindi natin sinasabi. Maraming

pamilya ang may espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga

Ama upang maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang

nagdiriwang ng mga tanging araw para parangalan ang mga bata. Narito ang ilang

ideya tungkol sa ibang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga:

• Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.

• Sorpresahin ang isang miyembro ng pamilya (halimbawa, isang ginawang kard)

kahit na walang okasyon

• Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit,

paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.

Pag-agapay

Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya. Magagamit nila ang

problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa. Kung

medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang

oportunidad para maging matatag. Narito ang ilang bagay na

maaaring subukin kung dumating ang problema.

• Sa pamamagitan ng pagsasama-sama. Malalagpasan ng pamilya ang kahit

pinakamahirap na problema.

Komunikasyon

Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng

komunikasyon. Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang isa’t isa.

Kailangang may makahati tayo sa ating mga iniisip at damdamin. Sa ganitong

paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isa’t isa.

Araw-araw, nagbibigay ng pagkakataon ang buhay para gawin ito. Narito ang

isang halimbawa:

• Maging isang mabuting tagapakinig — matanda man o bata.

• Kung mainisin o masyadong tahimik ang isang miyembro ng pamilya, tanungin

kung ano ang problema, ngunit maging sensitibo rin kung nangangailangan ito

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

8

ng mapag-isa.

• Maging ispesipiko. Sabihing isa-isa ang problema. Igalang ang ideya ng bawat

isa kahit hindi ninyo ito sinasang-ayunan.

Oras

Dahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay, wala tayong

panahong makita o makasama ang isa’t isa. Mahalagang maglaan ng panahon

para magkasama-sama upang makita ang isa’t isa at

maging matibay ang bigkis ng pamilya. Maraming paraan para magkasama- sama.

Halimbawa:

• Magtrabaho bilang isang pamilya sa isang proyektong pang-eskwela o

pangkomunidad, gaya ng pamumulot ng basura.

• Dumalo sa miting ng mga magulang, sa isang pangyayaring pang-isport o pang-

eskuwela, at sa mga seremonyang kumikilala ng tagumpay ng isang miyembro

ng pamilya.

Pagpapahalaga at Paniniwala

Nagsisimba man sila o hindi, may pinananaligang dakilang kabutihan o

kapangyarihan sa kanilang buhay ang matatatag na pamilya. Ang pananalig na

iyon ang nabibigay sa kanila ng lakas at layunin. Iniimpluwensiyahan nito ang

kanilang pang-araw-araw na kaisipan at kilos. Ang sumusunod ang ilan sa mga

paraan kung paano maipapatupad ng pamilya ang kanilang paniniwala:

• Ipagdiwang ang religious holidays sa piling ng pamilya.

• Makipagpangkat sa inyong pamilya sa pangangalaga ng kalikasan: bawasan

ang mga ginagamit; muli’t muling gamitin ang ilang bagay, mag-recycle ng

papel, bote, plastik at iba pang karaniwang itinatapon.

• Magkakasamang magsimba o magpasalamat, sa anumang paraan ng

pananampalataya ang ginagawa ng inyong pamilya.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

9

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Mahirap o Madali ang bawat

sitwasyon.

1,Gugulin ang mga holiday at espesyal na okasyon sa piling ng

buong pamilya.

2. Magplano ng mga lingguhang gawain na kalulugdan ng buong

pamilya.

3. Gawing malaki o importante ang kaarawan ng bawat isa.

4. Tratuhin ang pamilya kung paano mo tatratuhin ang sarili.

5. Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya’y mahal ninyo.

6. Matutung magsama-sama bilang isang pamilya.

7. Kapag may problema tumawag sa mga kasapi

ng pamilya.

8. Tuparin ang mga pangako sa ibang miyembro

ng pamilya.

9. Huwag alalahanin ang mga nakalipas o ang mga bagay na

wala kayong kapangyarihang kontrolin.

10. Maging bukas-loob na magsabi kung ano ang nakaaabala

sa inyong pag-iisip o ano ang ikinagagalit ninyo, huwag

hayaang lumala ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

10

Isaisip

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot.

1. Dapat lagging maasahan, tumawag sa bahay kung mahuhuli ka sa pag-

uwi.

a. komitment b. oras c.disiplina d.pag-agapay

2. Respetuhin at igalang ang mga miyembro ng pamilya.

a.pagpapahalaga b. pagtutulungan c.pagbibigayan d.pag-uunawaan

3. Humingi ng tulong sa sinumang dumaan na kapamilya na handang

tutulong sa inyo.

a.pagsunod b. paghanga c.pag-agapay d.komitment

4. Magbigay ng pagkakataon para mag-usap sa paglalakad, pagkain o

habang naghuhugas ng pinggan.

a.disiplina b.paghanga c.komunikasyon d. pag-agapay

5. Pag-usapan ang mga pang-araw-araw, gayundin ang mahalagang

bagay.

a.komunikasyon b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komitment

6. Maging tapat sa inyong pamilya.

a.komitment b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komunikasyon

7. Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-

araw.

a.komitment b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komunikasyon

8. Maging isang mabuting tagapakinig- matanda man o bata.

a.komitment b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komunikasyon

9. Magkakasamang magsimba o magpasalamat.

a.komitment b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komunikasyon

10. Bumuo ng mga alaalang pampamilya.

a.komitment b.pag-agapay c.pagpapahalaga d.komunikasyon

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

11

Panuto:

Isulat ang mga taong mahalaga sa iyo

at ang kanyang tungkulin sa pamilya.

Halimbawa:

Nanay Emma – nagluluto ng pagkain

sa bahay

1.

2.

3.

4.

5.

Isagawa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

12

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang mga pangungusap.

1.Blood is thicker than water.Mas matimbang ang dugo kaysa tubig.

2.Ang bunso ay hindi dapat bigyan ng tungkulin sa tahanan.

3.Tungkulin ng anak na igalang ang mga magulang at nakatatandang

kapatid.

4.Sama-samang nagsisikap ang mga kasapi ng pamilya upang makamit

ang minimithi.

5.Imbitahan ang mga kaibigan makipaghapunan sa inyong bahay

araw-araw kasama ang iyong pamilya.

Karagdagang Gawain

Isulat sa dyornal ang isang awit o tula na nagpapahiwatig

ng iyong nararamdaman para sa iyong pamiya.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

13

Susi sa Pagwawasto

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

14

Sanggunian

*Pinoy Collection.com //tungkol sa pamilya

*https://www.google.com/search?q=mga+larawan+ng+pamilya&rlz=1C1CHBF

* http://digitalwriting101.net/content/how-to-use-windows-moviemaker-to-

compose-a-photo-essay/.

*Book of Edukasyon sa pagpapakatao . modyul para sa mga mag-aaral .

Ikawalong baitang. Unang edisyon 2013

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 1.2 (Week2) Ang Kahalagahan ng Pamilyabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP8... · EPS in EsP - Mrs ... 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark