Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa...
Transcript of Unang Markahan Modyul 2: MELBA A. CAROLASAN · Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa...
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
10 Filipino
Pag-uugnay ng kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
Unang Markahan – Modyul 2:
MELBA A. CAROLASAN
A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino 10 – Ikasampung Baitang Support Material For Independent Learning Engagement (Smile) Unang Markahan – Modyul 3: Pag – Uugnay Sa Kahulugan Ng Salita Batay Sa Kayarian Nito. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Melba A. Carolasan, Teacher II – Filipino
Editor: Sheryl C. Deocadez, M.A. Filipino
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino
Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief, CID
Nur N. Hussien – Chief, SGOD
Ronillo S. Yarag – EPSvr- LRMDS
Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS
1
Alamin
Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
(MELCs – F10PT-Ia-b-61)
Ikaw ay inaasahan din na:
1. natutukoy ang kayarian ng salita
2. nagagamit ang mga salita sa pangungusap batay sa kayarian nito
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.
1. Ang isang basong tubig ay ginawa niyang pamatid – uhaw. Paano ginamit ang salitang pamatid –uhaw batay sa kayarian ng salita? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
2. Ang magkaibigang ito ay talaga namang kapit-tuko. Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito? a. Laging magkasama b. Laging nag-aaway c. Magkadikit d. Laging naghaharutan
3. Maalab ang pagmamahalan nina Cupid at Psyche. Ang maalab ay ginamit
bilang _____________. a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
4. Anong salita ang kasalungat ng tambalang salita na balat-sibuyas? a. Iyakin b. Matapang c. Maramdamin d. Sensitibo
5. Ang umindak ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin ng salitang umindak?
a. Tumugtog b. Tumula
2
c. Sumayaw d. Umarte
6. Ang Diyos ang lumikha sa atin. Tukuyin ang salitang-ugat ng lumikha. a. Inilikha b. Likha c. Ikha d. Lumik
7. Hawak-kamay na naglakad ang magkasintahan. Sa anong kayarian ng salita napabilang ang hawak kamay? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
8. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salita na pag-iisang dibdib? a. Pag-aasawa b. Pagmamahalan c. Pagsasama d. Pagkakaibigan
9. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kahulugan? a. Minamahal b. Iniibig c. Sinisinta d. Hinahangaan
10. Hindi tumupad si Psyche sa usapan nila ng kanyang asawang si Cupid. Paano ginamit ang tumupad batay sa kayarian ng salita?
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
11. Ambrosia ang pagkain ng mga diyos – diyosan? Paano ginamit ang diyos-diyosan ayon sa kayarian ng salita?
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
12. Nagtataingang – kawali si Cupid nang kausapin siya ng kanyang inang si Venus. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na nagtataingang – kawali?
a. Nagdudunong – dunungan b. Nagmamatigas c. Sumasagot –sagot d. Nagbibingi-bingihan
13. Dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kanyang mga kapatid. Ang dumakot ay isang maylapi na nangangahulugang________
a. Kumuha b. Dumukot c. Dumulog d. Nangolekta
14. Agad tumalima si Cupid sa utos ng kanyang ina subalit nang makita niya si Psyche tila ba sarili niyang puso ang kanyang napana. Ang tumalima ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Sumuway
3
b. Sumunod c. Sumaklolo d. Sumaludo
15. Sabik na sabik na siyang makita ang kanyang asawa subalit ikinulong siya ng kanyang ina. Batay sa kayarian ng salita, ano ang gamit ng sabik na sabik?
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
Aralin 1
Pag – uugnay sa kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
Balikan
Gawain A. Muling Balikan ang nakaraan! Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche, paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.
lipunan
sarili
pamilya pamayanan
1. Ano ang pagkakamaling nagawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na
suliranin sa kanyang buhay?
2. Paano natin bibigyang- pagpapahalaga ang mga taong nagmamahal sa
atin?
Mensahe mula sa Cupid at
Psyche
4
Tuklasin
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga Pag- uugnay sa kahulugan ng
salita batay sa kayarin nito.
Gawain B: Kilalanin Ko Nga!
Cupid at Psyche Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae.
Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa mga
magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming imibig sa
kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang
tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapagpagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng
alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. ang dapat sana na
atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.
5
Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid
upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay
ang kaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktimang sarili
niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si
Venus sa kanyang anak hondi na rin ito nag – usisa.
Hindi umibig si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring
umbig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay
sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang
dalawang kapatid ay nakapag – asawa na ng hari. Naging malungkot si Psyche sa
mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo
kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak.
Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni
Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na
halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.
Nang nagawa ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos
niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si
Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kanyang libingan
papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay
ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walang kamalay – malay ang
magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag –ibig na
si Cupid.
Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal
na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagaya ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na
kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niya na hindi pa niya nasisilayan
ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may
masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche ay
sinulsulan nila ito na suwayin ang kondisyon ng kanyang asawa.
Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni
Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa aksidente. Nang malaman
ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at dahil dito ay pinahirapan ng husto
6
ang dalaga. Iba’t ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit ito ay
nalagpasang lahat ni Psyche.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa ( Psyche ) ay nagkatagpo sa likod ng
mapait na pagsubok sa kanilang pagsasama. Ito ay hindi na mabubuwag ninuman
maging ng diyosa na kagandahan na si Venus.
Suriin ang katangian nina Cupid ay Psyche. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng
bawat isa. Gawin ito sa sagutang papel.
Suriin
Kayarian ng Salita
1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal
na ibang salita.
Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig
2. Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng salita:
a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa: Kasabay- paglikha, marami
b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa:
Sinasabi, sumahod, tumugon
c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita
Halimbawa: Unahin, sabihin, linisan
d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa: Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan
7
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita
Halimbawa:
Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan
3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
May dalawang uri ng pag-uulit:
a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad
4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.
May dalawang uri ng Pagtatambal:
a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan
Halimbawa: Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba
kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama
Halimbawa: Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.X2MHr2gzbIU
Pagyamanin
A. Ang mga sumusunod na salita ay matatagpuan sa mitolohiyang Cupid at Psyche. Tukuyin kung
Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan ang kayarian ng bawat salita.
1. lumisan - ________________
2. diyos –diyosan - ________________
3. kagandahan - ________________
4. pag-iisang dibdib - ________________
5. tiwala - ________________
6. pagbubukod – bukod - ________________
8
7. tubig - ________________
8. abot-langit - ________________
9. araw –araw - _______________
10. bahaghari - ________________
B. Nauuri – uri ang mga salita ayon sa kayarian.
kapitbahay puno busilak dalagang bukid pali – paligid balik-bayan kahirapan marumi sama – sama lumitaw bulaklak payapa tatalon-talon maalikabok tumalima ligaya hampaslupa puting-puti ingat-yaman halo-halo
Salitang Payak Salitang Maylapi Salitang Inuulit Tambalang Salita
Isagawa
Bubuo kayo ng isang maikling dayalogo na kakikitaan ng mga salitang payak, maylapi, inuulit at
tambalan. Narito ang halimbawa ng isang dayalogo:
Magkaibigan
Ana: Allyssa, Ba’t nawala kayo ng ilang araw? Allyssa: Nagpunta kami sa bahay ng lolo ko sa Bukidnon. Ana: Wow! Ang saya –saya siguro ng naging bakasyon ninyo. Allysa: Masayang-masaya nga. Babalik kami doon sa susunod na taon. Ana: Ano ba ang mayroon doon?
9
Allysa: Ang kalikasan. Sariwang –sariwa ang hangin dahil sa dami ng mga punongkahoy. Ang bahaghari ay parang mas maganda roon kaysa dito sa lungsod.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Napakahusay 4
Mahusay 3
Nalilinang 2
Nagsisi-mula 1
Puntos
Buo ang diwa ng dayalogo
Kalidad sa pagpapahayag
Pamamaraan sa paggamit ng salita
Tumpak ang pagkakabaybay
Madaling Intindihin
Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iugnay ang kahulugan
ng salita batay sa kayarian nito. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel o kuwaderno.
1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag – iisang dibdib? a. Pag-aasawa b. Pagmamahalan c. Pagsasama d. Pagkakaibigan
2. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kahulugan? a. Minamahal b. Iniibig c. Sinisinta d. Hinahangaan
3. Hindi tumupad si Psyche sa usapan nila ng kanyang asawang si Cupid. Paano ginamit ang tumupad batay sa kayarian ng salita? a.Payak b.Maylapi c.Inuulit d. Tambalan
4. Ambrosia ang pagkain ng mga diyos – diyosan? Paano ginamit ang diyos-diyosan ayon sa kayarian ng salita?
10
a.Payak b.Maylapi c.Inuulit d.Tambalan
5. Nagtataingang – kawali si Cupid nang kausapin siya ng kanyang inang si Venus. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na nagtataingang – kawali? a. Nagdudunung – dunungan b. Nagmamatigas c. Sumasagot –sagot d. Nagbibingi-bingihan
6. Dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kanyang mga kapatid. Ang dumakot ay isang maylapi na nangangahulugang________ a. Kumuha b. Dumukot c. Dumulog d. Nangolekta
7. Agad tumalima si Cupid sa utos ng kanyang ina subalit nang makita niya si Psyche tila ba sarili niyang puso ang kanyang napana. Ang tumalima ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin nito? a. Sumuway b. Sumunod c. Sumaklolo d. Sumaludo
8. Sabik na sabik na siyang makita ang kanyang asawa subalit ikinulong siya ng kanyang ina. Batay sa kayarian ng salita, ano ang gamit ng sabik na sabik? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
9. Binuyo ng magkakapatid si Psyche kaya naipagtapat niya ang sekreto ng kanyang asawang si Cupid. Ang binuyo ay isang maylapi na
nangangahulugang___________. a. Nilait b. Nilinlang c. Nilapastangan d. Nilason
10. Bukang-liwayway nang lisanin ni Cupid ang tahanan nila ni Psyche. Ang bukang –liwayway ay isang tambalang salita na nangangahulugang ______. a. Hatinggabi b. Madaling araw c. Takipsilim d. Tanghaling tapat
11. Ang isang basong tubig ay ginawa niyang pamatid – uhaw. Paano ginamit ang
salitang pamatid –uhaw batay sa kayarian ng salita?
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
12. Ang magkaibigang ito ay talaga namang kapit-tuko. Ano ang ibig sabihin ng salitang
ito?
a. Laging magkasama b. laging nag-aaway c. Magkadikit
11
d. Laging naghaharutan 13. Maalab ang pagmamahalan nina Cupid at Psyche. Ang maalab ay ginamit bilang
_____________.
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
14. Anong salita ang kasalungat ng tambalang salita na balat-sibuyas?
a. Iyakin b. Matapang c. Maramdamin d. Sensitibo
15. Ang umindak ay isang maylapi. Ano ang ibig sabihin ng salitang umindak?
a. Tumugtog b. Tumula c. Sumayaw d. Umarte
Karagdagang Gawain
Gawain E. Kakayanin ko..Gagawin ko..kaya go ako! Sa inyong kwadernong pangtakdang-aralin, magtala ng tiglilimang
salita sa payak, maylapi, inuulit, tambalan at gamitin ang mga ito sa
pangungusap. Ang mga salitang ito ay hinango mula sa mitolohiyang Cupid
at Psyche.
Susi ng
Subukin:
1.d 2.a 3.b 4.b 5.c 6.b 7.d 8.a 9.d 10.b 11.c 12.d 13.a 14.b 15.c
Tayahin:
1.a 2.d 3.b 4.c 5.d 6.a 7.b 8.c 9.b 10.b 11.d 12.a 13.b 14.b 15.c
12
Pagwawasto
Sanggunian
(F10PT-la-b-61 MELC)
Filipino- Panitikang Pandaigdig Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest Labels: isinalin sa Filipino ni Vilma C Ambat – Mitolohiya https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.X2MHr2gzbIU