Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong...

34
Health Unang Markahan – Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at Paano Ito Malalabanan? 3

Transcript of Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong...

Page 1: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

Health Unang Markahan – Modyul 3:

Uri ng Malnutrition: Ano Ito at Paano

Ito Malalabanan?

3

Page 2: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhea P. Villagonzalo, Hazel J. Completo

Editor: Elsie E. Gagabe

Tagasuri: Marciano G. Canillas, Marivic O. Arro, Gloria C. Sabanal, Jennie T. Calamba

Alemer O. Veloso, Myleen C. Robinos

Tagaguhit: Daryl Louie S. Onlayao, Dexter A. Licong

Tagalapat: Angelica M. Mendoza

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena

Janette G. Veloso Alma C. Cifra

Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo

Jeselyn B. dela Cuesta Fortunato B. Sagayno

Ma. Cielo D. Estrada Elsie E. Gagabe

Health – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at Paano Ito Malalabanan? Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Page 3: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

3

Health Unang Markahan – Modyul 3:

Uri ng Malnutrition: Ano Ito at Paano

Ito Malalabanan?

Page 4: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health sa

Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

sa araling Uri ng Malnutrition: Ano Ito at Paano Ito Malalabanan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Health Education – Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Uri ng

Malnutrition: Ano Ito at Paano Ito Malalabanan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng

anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng

mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang

pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang

konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong

kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas

nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka

nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga

kompetensi. Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

1

Alamin

Sa modyul na ito mabibigyan kayo ng panahon upang

tuklasin ang iba’t ibang katangian ng malnutrisyon, senyales at

sintomas nito sa ating katawan.

Ang malnutrisyon ay isang kalagayan na kung saan ang

ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina,

mineral at sustansiya upang mapanatili ang kalusugan ng ating

katawan.

Dito mo malalaman ang epekto ng iba’t ibang uri ng

malnutrisyon sa ating katawan.

Matututuhan mo rin dito ang mga dapat at wastong gawin

sa pagpili ng mga pagkaing sapat upang mapigilan ang mga

iba’t ibang anyo ng malnutrisyon at mapanatiling malusog ang

pangangatawan.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na mailalarawan ang mga

katangian, sintomas, sensyales, epekto ng malnutrisyon, at kung

paano ito iiwasan (H3N-Ief-14; H3N-Ief-15).

Page 10: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

2

Subukin

Pagtapatin ang hanay A at B. Isulat ang tamang sagot sa

sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____ 1. Ito ang tawag sa taong

kumakain ng pagkain na kulang sa

kailangang protina, bitamina o

mineral.

a. Protein Energy

Malnutrition

____ 2. Ito ang mga karaniwang

epekto ng malnutrisyon sa ating

katawan

b. Micronutrient

Malnutrition

____ 3. Isang uri ng malnutrisyon na

may kakulangan sa enerhiya dahil sa

hindi sapat ang macronutrients na

natatanggap ng katawan

c. Malnourish

____ 4. Ito ang tawag sa kondisyon ng

katawan na hindi nakatatanggap ng

tamang dami ng sustansiya mula sa

pagkain

d. Matamlay,

nanghihina at

sakitin

____ 5. Isang uri ng malnutrisyon na

tumutukoy sa kakulangan sa

magagamit ng kinakailangang

sustansiya tulad ng bitamina at

mineral na kailangan ng katawan sa

kaunting dami.

e. malnutrisyon

Page 11: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

3

Aralin

1

Uri ng Malnutrition:

Undernutrition

(Kakulangan ng Nutrisyon)

Ang malnutrisyon ay kondisyon ng katawan na hindi

nakatatanggap ng tamang dami ng sustansiya mula sa pagkain.

Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na

dami, uri o kalidad ng sustansiya ng sinasabing malusog

na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon.

Ang undernutrition o kakulangan ng nutrisiyon ay kondisyon

ng katawan na walang natatanggap na sustansiya na galing sa

pagkain.

Balikan

Balikan nating muli ang aral na natutuhan mo sa nakaraang

modyul. Isulat sa sagutang papel ang mga pagkain na dapat

kainin ng isang malusog na bata.

Ang mga pagkain ng malusog na bata ay:

1. __________________________________

2. __________________________________

3. __________________________________

4. __________________________________

5. __________________________________

Page 12: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

4

Mga Tala para sa Guro

Sa panibagong aral na makukuha mo dito, inaasahang

babasahin ang laman nang may pag-unawa at gagawin ng

tapat ang lahat ng mga pagsubok na nakalaan sa bawat

pahina ng modyul. Mayroong mga pagsubok na mas

naisasagawa ng maayos nang may kasama. At kung may

mga panuto na hindi naiintindihan, maaring magkaroon ng

gabay sa bahay o di kaya ay maaaring magtanong sa guro.

Tuklasin

Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung ang pahayag ay

tama at ekis (x) naman kung mali.

________1. Ang malnutrisyon ay kondisyon ng katawan na hindi

nakatatanggap ng tamang dami ng sustansiya mula sa

pagkain.

________2. Ang batang may kakulangan sa protina at bitamina ay

mataba.

________3. Ang prutas at gulay ay nakapagbibigay ng bitamina at

mineral na kailangan ng ating katawan.

________4. Ang isang malnourish na bata ay kumakain ng pagkain

na kulang sa kailangang protina, bitamina o mineral.

________5. Ang batang nakakaranas ng malnutrisyon ay isang

malusog na bata.

Page 13: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

5

Suriin

Ang malnutrisyon ay pagkain ng sobra-sobrang pagkain,

kakaunting pagkain o hindi pagkain ng masustansiya.

Nagaganap ito kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha

nang sapat na sustansiyang kinakailangan nito upang makaligtas

sa mga sakit at mabuhay nang malusog. Sinasabing ang isang

tao na napakahinang kumain o maliit lamang na porsiyento kung

kumain ay matatawag na malnourish.

Karaniwan, ang mga malnourish na tao ay walang sapat na

kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na kulang sa

kailangang protina, bitamina o mineral.

Ang larawang ito ay halimbawa ng isang malnourish na

bata.

Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay makukuha sa

iba’t ibang uri ng pagkain. Ang lahat ng tao ay nangangailangan

ng pare-parehong sustansiya ngunit sa magkaibang dami ayon

sa edad, laki ng katawan at aktibidad.

Narito ang mga sustansiya na makukuha mo sa iba’t ibang

uri ng pagkain:

Page 14: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

6

Go foods –(Carbohydrates)

Tagapagbigay ng lakas. Ito ang pangunahing

pinagkukunan ng lakas ng ating katawan.

Grow foods –(Protein)

Tagapagbuo ng katawan. Pinapalakas ang resistensiya ng

katawan sa impeksyon at nagbibigay lakas sa kalamnan.

Glow foods – (Vitamins / Mineral)

Tagapag-saayos ng takbo ng katawan. Tinutulungan nito

ang wastong galaw ng katawan sa pamamagitan ng

pagsasaayos sa pagtunaw at pamamahagi ng pagkain sa iba’t

ibang bahagi ng katawan.

Page 15: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

7

Fats (Taba)

Mahalaga para sa pag-unlad ng utak at nervous system.

Mahalagang bahagi rin ito ng isang malusog na diet.

Tubig

Nakatutulong sa pagtunaw ng ating mga kinain, sirkulasyon

ng dugo sa katawan at pagpapanatili ng temperatura ng

katawan.

Karaniwang Uri ng Malnutrisyon

Protein-Energy Malnutrition (PEM) - Ito ay tumutukoy sa

kakulangan sa enerhiya dahil sa hindi sapat ang

macronutrients na kaniyang natatanggap tulad ng protein,

carbohydrates, fats at tubig.

Micronutrient Malnutrition - Ito ay tumutukoy sa kakulangan

sa magagamit na kinakailangang sustansiya tulad ng

bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa kaunting

dami. Ang kakulangan sa micronutrient ay nagbubunga ng

maraming sakit at humahadlang sa normal na gawain

ng katawan.

Mga Sintomas ng Malnutrisyon

Ito ay ilan sa mga sintomas ng malnutrisyon:

kakulangan ng gana o interes sa pagkain o inumin;

Page 16: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

8

mas mataas na panganib na magkaroon ng sakit;

pagkawala ng taba at masa ng kalamnan;

pamamaga o paglaki ng tiyan;

mababang timbang; at

mabagal na pagtangkad.

Mga Epekto ng Malnutisyon sa ating Katawan

matamlay at nanghihina

sakitin at madaling nagkakaimpeksiyon

nakakaapekto sa pagpapaunlad ng utak at kakayahan sa

intelektwal

Pagyamanin

Isulat sa sagutang papel ang mga salitang may kinalaman

sa malnutrisyon na nasa Loop a Word.

M A L M G P R O T C

A T L I A R K F T A

L O N C T O P O R R

N A O R B T G H K B

O B S O T E A R B O

U I I N O I W S T H

R O B U Y N K G E Y

I U O T T E L O M D

S E A R F N B T N R

H U B I G E A U I A

O H K E L R T B H T

M A L N D G R I G E

O U T T O Y A G F S

Page 17: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

9

1. Ito ang tawag sa taong walang sapat na sustansiya ang

katawan, mababa ang timbang at laging matamlay at

sakitin.

2. Ito ay nakatutulong sa pagtunaw ng ating mga kinain.

Masarap itong inumin.

3. Ito ay isang uri malnutrisyon na tumutukoy sa kakulangan

sa enerhiya dahil sa hindi sapat ang macronutrients na

kanyang natatanggap sa katawan.

4. Ito ay isang uri ng malnutrisyon na tumutukoy sa

kakulangan sa magagamit na kinakailangang sustansiya

tulad ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa

kaunting dami.

5. Ito ay isang uri ng sustansiya na nagbibigay lakas sa ating

katawan.

Isaisip

Isulat sa sagutang papel ang tama kung ito ay dapat mong

gawin upang makaiwas sa malnutrisyon at mali kung hindi.

_______1. Kumain ng tamang uri ng mga pagkain at sapat na

dami upang magkaroon ng sapat na nutrisyon ang

katawan.

_______2. Palaging uminom ng softdrinks upang magkaroon ng

sapat na sustansiya ang katawan.

_______3. Umiwas sa mga junk food at chichirya upang mas

maging malusog ang katawan.

_______4. Ang wastong pagkain o nutrisyon ay nagdudulot ng

maayos na kalusugan.

_______5. Kumain ng maraming-marami upang tumaba at lumaki

ang katawan ng mabilis.

Page 18: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

10

Isagawa

Gumuhit ng isang larawan sa malinis na papel tungkol sa

slogan na “Gutom at malnutrisyon, sama-sama nating wakasan!”

Gawin itong makulay at malinis.

Tayahin

Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot

sa sagutang papel.

________1. Si Abby ay isang payat na bata. Palagi siyang

matamlay at inaantok sa klase. Minsan lang siyang pumapasok

dahil siya ay sakiting bata. Ano ang nararanasan ni Abby sa

kaniyang katawan?

a. lagnat c. sakit ng tiyan

b. malnutrisyon d. pagod

________2. Bilang isang bata, paano mo maiiwasan ang pagiging

malnourish?

a. kumain ng junk food, kendi at soft drinks araw-araw

b. kumain ng sapat at masustansiyang pagkain

c. kumain lang ng mga gustong pagkain

d. kumain ng wala sa oras

________3. Alin sa mga sumusunod ang sintomas ng malnutrisyon?

a. kakulangan ng gana o interes sa pagkain o inumin

b. malusog at malakas

c. aktibo sa klase

d. masigla

Page 19: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

11

________4. Si Dan ang pinakamaliit sa kanilang magkakapatid.

Siya ay may mababang timbang at madaling mapagod. Ano

ang dapat kainin ni Dan upang siya ay maging malusog na bata?

a. masustansiyang pagkain c. kendi at tsokolate

b. softdrinks at burger d. chichirya

________5. Ano ang naidudulot ng masustansiyang pagkain sa

ating katawan?

a. nagkakasakit agad ang katawan

b. madaling manghina ang katawan

c. mabilis ang paglusog at paglaki ng katawan

d. wala sa mga nabanggit

Page 20: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

12

Aralin

2

Kumain nang Sapat

Lamang!

Ang pagpili ng sapat na pagkaing base sa food pyramid

guide ay isang paraan upang malabanan ang malnutrisyon. Ang

mga bata ay nararapat na kumain ng mga masusustansiyang

pagkain. Pinakamaraming kainin ang mayaman sa

carbohydrates, maraming prutas at gulay, katamtamang dami

ng pagkaing mayaman sa protina at kaunting pagkain ng mga

oily at matatamis na pagkain. Ang batang kumain nang sapat

lamang ay makakaiwas sa malnutrisyon, manumbalik ang sigla at

tiwala sa sarili.

Balikan

Balikan nating muli ang natutuhan mo sa unang aralin. Piliin

ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang ____________ ay ang nagiging kondisyon ng katawan

kapag hindi ito nakatatanggap ng wastong dami ng

sustansiya mula sa pagkain.

a. Nutrisyon c. Overnutrition

b. Malnutrisyon d. Undernutrition

2. Ito ang tagapagbuo ng katawan. Pinapalakas ang

resistensiya ng katawan sa impeksyon at nagbibigay lakas sa

kalamnan.

a. Carbohydrates c. Fats

b. Protein d. Oils

Page 21: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

13

3. Ang ____________ ang tumutukoy sa kakulangan sa enerhiya

dahil sa hindi sapat ang macronutrients na kaniyang

natatanggap tulad ng protein, carbohydrates, fats at tubig.

a. Protein-Energy Malnutrition c. Undernutrition

b. Malnutrisyon d. Micronutrient Malnutrition

4. Ito ay ang tumutukoy sa kakulangan sa magagamit na

kinakailangang sustansiya tulad ng bitamina at mineral na

kailangan ng katawan sa kaunting dami.

a. Protein-Energy Malnutrition c. Undernutrition

b. Malnutrisyon d. Micronutrient Malnutrition

5. Ang _____________ ay nakatutulong sa pagtunaw ng ating

mga kinain, sirkulasyon ng dugo sa katawan at

pagpapanatili ng temperatura ng katawan.

a. tubig c. asin

b. softdrinks d. juice

Page 22: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

14

Tuklasin

Basahin ang tula at isulat sa sagutang papel ang titik ng

tamang sagot sa sumusunod na tanong.

Ang Pagbabago

Bata, bata ano ang iyong ginawa?

Dati rati’y ika’y payat at kawawa.

Nakita ko’y, pagbabago sa katawa’y nakakamangha,

Wastong pagkain ba ang may likha?

Magulang, namulat sa dati mong kondisyon,

Nang malaman nilang iyon pala’y malnutrisyon.

Sumunod sa gabay ng pagkaing ihahanda,

Naging masigla’t sa sarili’y may tiwala.

1. Bakit sinabing dati ang bata ay kawawa?

a. Siya ay kawawa sapagkat siya ay payat.

b. Siya ay kawawa sapagkat sapat ang kaniyang kinakain.

c. Siya ay kawawa sapagkat siya ay malusog.

d. Siya ay kawawa sapagkat siya ay masigla.

2. Sa iyong palagay, nalabanan ba ng bata ang kaniyang

kondisyon kaya nasabing siya ay payat?

a. Oo, dahil marami ang kaniyang kinain tulad ng junkfoods

at kendi.

b. Oo, dahil kumain siya nang sapat na masustansiyang

pagkain

c. Hindi, dahil ayaw niya.

d. Hindi, dahil hindi siya kumakain nang sapat na

masustansiyang pagkain tulad ng gulay, prutas, mga

pagkaing mayaman sa protina.

Page 23: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

15

3. Nang malaman ng kaniyang magulang na tinamaan siya ng

malnutrisyon, ano ang kanilang ginawa?

a. Pumunta sila sa albularyo dahil pinaniniwalaan nilang ito

ay makakagamot sa kaniyang kondisyon.

b. Pinakain nila ng ice cream, junkfoods, burger at

spaghetti.

c. Pinakain nila ng sapat na kanin, pansit, isda, gulay at

prutas ang bata.

d. Lahat ng mga nabanggit.

4. Paano nagbago ang bata nang sinunod ang gabay sa

paghahanda ng pakain?

a. Nadagdagan ang kaniyang timbang at naging masigla,

aktibo at nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.

b. Palagi siyang nasa loob ng kanilang bahay dahil

nahihiya siyang makihalubilo sa ibang bata.

c. Hindi siya nakikipaglaro sa ibang bata dahil matamlay

siya.

d. Lahat ng mga nabanggit.

5. Sa iyong palagay, paano mo malabanan ang malnutrisyon

kung ikaw ang nasa sitwasyon niya?

a. Kakainin ko ang mga gusto kong pagkain upang

malabanan ang malnutrisyon.

b. Kakain ako nang sapat at masusustansiyang pagkain

upang malabanan ang malnutrisyon.

c. Upang malabanan ang malnutrisyon, kakain ako ng

mga pagkaing mayaman lamang sa carbohydrates.

d. Kakain lamang ako ng mga matatamis na pagkain

upang malabanan ang malnutrisyon.

Page 24: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

16

Suriin

Ang food pyramid ay isang modelo na nilikha at dinisenyo

na maging gabay sa paghahanda ng sapat na dami ng

masustansiyang pagkain. Nilikha ito upang magkaroon ng

malusog na pangangatawan ang isang bata at madaling

malabanan ang anomang uri ng malnutrisyon.

Pag-aralan ang food pyramid guide. Pinapakita rito kung

gaano kadami ang nararapat na ihanda upang maging sapat

ang kakainin ng isang batang katulad mo.

3

4

2

1

tamang-

tama lang

marami

kaunti

lamang

mas

marami

Page 25: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

17

Level 1: Carbohydrates Pagkaing nagbibigay ng lakas sa

katawan.

Level 2: Bitamina at

Mineral

Pagkaing tagapagsaayos ng takbo

ng katawan.

Level 3: Protina Pagkaing tagapagbuo ng katawan.

Level 4: Fats and Oils Pagkaing tumutulong sa pagdaloy ng

ilang mga bitamina sa buong

katawan.

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa

carbohydrates, protina, taba, bitamina, at mineral ay may

kaukulang sapat na dami. Sa pamamagitan nito ay tiyak na

malabanan ang malnutrisyon. Kapag kakaunti at kulang sa

sustansiya ang kakainin hahantong ito sa undernutrisyon. Ang

pagkain naman ng sobrang-sobra ay hahantong sa overnutrition.

Kaya kinakailangang sapat ang dami sa paghahanda ng

kakainin upang malabanan at malayo sa anumang uri ng

malnutrisyon ang mga batang katulad mo.

Page 26: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

18

Pagyamanin

Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (✓)

ang pahayag na nagsasaad na malalabanan ang anumang uri

ng malnutrisyon.

1. Iwasan ang pagkain ng may sapat na nutrisyon.

2. Ang balance diet ay panatilihin.

3. Ang palagiang pagkain ng matatamis ay nakabubuti sa

ating katawan.

4. Nararapat na may prutas sa hapag-kainan.

5. Kumain nang sapat na dami ng pagkain upang maging

aktibo at manumbalik ang tiwala sa sarili.

Page 27: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

19

Isaisip

Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang

bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at

isulat sa sagutang papel.

malnutrisyon

kaunti

malabanan

protina

carbohydrates

Tamang-tama

1. Ang pagsunod sa Food Pyramid Guide ay isang paraan

upang __________ ang malnutrisyon.

2. Ang pagkaing mayaman sa _____________ ay nagbibigay

lakas sa ating katawan.

3. _____________ lamang ang dapat kainin ng mga pagkaing

mayaman sa protina.

4. Kinakailangan __________ lamang ang kainin sa mga

pagkaing mayaman sa “fats at oils” upang maiwasan ang

overnutrition.

5. Malabanan ang _____________ kung ikaw ay kumain nang

sapat.

Page 28: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

20

Isagawa

Gamit ang mga larawan, gumawa ng sariling paghahanda

ng pagkain sa iyong plato. Iguhit sa malinis na papel ang mga

larawang nasa ibaba ayon sa sapat na pagkaing nararapat para

sa iyo.

fruits

grains vegetable

protein

Page 29: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

21

Tayahin

Gawain A. Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang

ipinapahayag ay tama, at Mali naman kung hindi.

______ 1. Ang pagkain ng sobrang dami ay nakakatulong na

maging malusog ang pangangatawan.

______ 2. Malayo sa sakit ang batang sapat sa sustansiya ang

kinakain.

______ 3. Malusog ang pangangatawan ng bata kapag

nalabanan ang malnutrisyon.

______ 4. Hihinto ang pagtaas ng bata kapag kulang sa sustansiya

ang kaniyang kinakain.

______ 5. Nagiging aktibo at nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang

mga bata kapag sila ay kumakain nang sapat.

______ 6. Malayo sa mga sakit ang mga bata kapag nalabanan

ang anumang uri ng malnutrisyon.

Gawain B. Sagutin ang katanungan. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel. (4 puntos)

Paano mo malalabanan ang iba’t ibang uri ng

malnutrisyon?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Page 30: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

22

Karagdagang Gawain

Gawain A. Si Ben ay isang malnourish na bata. Tulungan natin

siyang lumusog at sumigla. Gumawa ng masustansiyang meal

plan para sa agahan ni Ben. Maaari kang gumupit ng mga

larawan sa lumang magazine o dyaryo. Idikit ito sa malinis na

papel.

Page 31: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

23

Gawain B. Tingnan ang dalawang bata, ano-ano ang dapat

nilang gawin upang malabanan ang malnutrisyon? A B

1. __________________________________________________

2. __________________________________________________

3. __________________________________________________

4. __________________________________________________

Page 32: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

24

Tayahin

1.B

2.B

3.A

4.A

5.C

Pagyamanin

1.malnoris

2.tubig

3.protein-energy

4.micronutrient

5.carbohydrates M A L M G P R O T C

A T L I A R K F T A

L O N C T O P O R R

N A O R B T G H K B

O B S O T E A R B O

U I I N O I W S T H

R O B U Y N K G E Y

I U O T T E L O M D

S E A R F N B T N R

H U B I G E A U I A

O H K E L R T B H T

M A L N D G R I G E

O U T T O Y A G F S

Tuklasin

1./

2.X

3./

4./

5.X

Balikan

1.prutas

2.gulay

3.kanin

4.itlog

5.isda

Subukin

1.C

2.D

3.A

4.E

5.B

Balikan

1.b

2.b

3.a

4.d

5.a

Tuklasin

1.A

2.B

3.C

4.A

5.B

Pagyamanin

1.

2./

3.

4./

5./

Isaisip

1.Malabanan

2.Carbohydrates

3.Tamang-tama

4.Kaunti

5.malnutrisyon

Karagdagang Gawain

A.Maaring iba - iba

ang sagot

B.Maaring iba - iba ang

sagot

Tayahin

A

1.Mali 4. Tama

2.Tama 5. Tama

3.Tama 6. Tama

B.Maaaring iba - iba ang

sagot

Isagawa

Isaisp

1.Tama

2.Mali

3.Tama

4.Tama

5.Mali

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Aralin 2

Page 33: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

25

Sanggunian

Arthur O' Sullivan; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles

in action. Upper Saddle River, New Jersey

Malnutrition sa Dorland's Medical Dictionary

Health Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Quezon,

Philippines: Book Media Press, Inc.

The Family Health Guide, Ikalawang edisyon.Maynila: The

Department of Health, Commission onPopulation and

Population Center Foundation

Minerva C. David, et. al., (2014), Music, Art, Physical Education and

Health Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya,

(REX Book Store, Inc.) pp. 402-404

https://www.youtube.com/watch?v=P40htcuItF4&t=78s

Page 34: Unang Markahan Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at ......Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]