eal of artnership Filipino...Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring...
Transcript of eal of artnership Filipino...Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring...
7
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 3
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad/
Kulturang Napapaloob sa Awiting-Bayan
Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 3: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad/Kulturang
Napapaloob sa Awiting-Bayan
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jeason L. Masauding
Editor: Sandra S. Dimasuhid, Arnie P. Taclap, Shyrl Z. Tano
Tagasuri: Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Tagalapat: Lloyd Ivonn Mark Ordinaria
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
1
Alamin
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad mula sa usapan (F7WG-II-a-b-7)
Nasusuri ang kulturang napapaloob sa awiting-bayan (F7PB-II-i-12)
Balikan:
Sa nakaraang modyul, kayo ay nakabubuo ng sariling paghahatol o
pagmamatuwid sa ideyang napapaloob sa awit na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya.
Si Pilemon Awiting- Bayan ng Sugbuwanon
Si Pilemon, Si Pilemon
Namasol sa kadagatan Nakakuha, nakakuha
Ug isdang tambasakan Guibaligya,guibaligya Sa merkado’ng guba
Ang halin puros kura, ang halin puros kura Igo ra ipanuba
1. Sa awiting-bayan na ito naipapakita ang tradisyon nating mga Pilipino ang uminom kagaya ni Pilemon. Ano ang pananaw mo sa kaugaliang ito? Tama ba na iinom tayo at maglasing? Ipaliwanag.
2. Isa sa hanapbuhay nating mga Pilipino ay ang pangingisda. Ang pangingisda ba ay isang marangal na gawain? Oo o hindi, bakit?
Dayag, Alma M., Ailene
Baisa-Julian, Nestor S.
Lontoc, at Carmela
Esguera-Jose. Pinagya-
mang Pluma 7. Quezon City:
Phoenix Publishing House 2017.
8/22/20
2
Modyul
3 Nasusuri ang antas ng wika batay sa
pormalidad mula sa usapan
Tuklasin
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Piliin sa loob ng kahon ang akmang sagot para sa paglalarawan dito.
lispu datung yosi purita sikyo
1.___________ 2. ____________
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p2 https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?& 5EBNH%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&ptb=110AF036-D978-4476-9E67-
3.___________ 4. ____________
5.----------------------- -
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849
ed63&p22=%5EBNH%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&ptb=110AF
036-D978-4476- 9E67- s=1p&filter=on&imgDetail=true
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849
ed63&p=%5EBNH%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&pg=AJimage
&pn=1&ptb=
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p2=%5EBNH%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&pg=AJimage&pn=6&ptb=110AF036-D978-4476
3
Suriin
Awiting-Bayan
Ang awiting- bayan ay nagsisimula bilang mga tulang may sukat at tugma at
minsa’y walang sukat at tugma na kalaunay nilalapatan ng himig upang maihayag
nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o
pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man masusulat ay sa isip at puso naman ng
mga mamamayan nanahan at naisatiting ang mga awit kaya naman maituturing
walang kamatayan ang mga ito.
Ang kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon
na lalo pang pinaningning ng mga katutubong panitikan.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng awiting-bayan sa kabisayaan:
Dandansoy
Dandansoy bayaan ta ikaw Pauli ako sa payaw
Ugaling kon ikaw hidlawon Ang payaw imo lang lantawon
Dandansoy kon imo apason Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon Dandansoy bayaan ta ikaw
Pauli ako sa payaw Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon Dandansoy kon imo apason
Bisan tubig di magbalon Ugaling kon ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon
Ili-Ili tulog anay
Ili-ili tulog anay, Wala diri imong nanay.
Kadto tienda bakal papay. Ili-ili tulog anay.
Mata ka na tabangan mo ikarga ang nakumpra ko
kay bug-at man sing putos ko Tabangan mo
ako anay ili ili tulog anay
wala diri imo nanay kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay.
Ang mga Bisaya ay isa sa mga katutubong Pilipino na binubuo ng malaki at
maraming porsyento ng tao at naninirahan sa rehiyon ng Kabisayaan at ilang bahagi
ng Mindanao. Pinapanatili pa rin ng mga Bisaya ang mga nakasanayang tradisyon
dito sa Pilipinas, tulad ng:
*pagdiriwang ng kapistahan
*paghahanda ng pagkain sa mga namayapang kamag-anak tuwing Araw ng Patay
sa paniniwalang bumibisita sila
*pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo
4
*Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw
*pagpapakasal bago magkapamilya
*mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak
Sa Visayas, may tatlong diyalektong ginagamit: ang Hiligaynon ng Kanlurang
Kabisayaan, Bisaya ng Gitnang Kabisayaan, at Waray ng Silangang Kabisayaan.
Pangunahing pamumuhay ang pagsasaka, pangingisda, pagkuha ng kopra,
Binibigyang halaga at sobra-sobra ang kanilang pagpapanatili at pagmamalaki sa
kasaysayan at nakaraan. Malapit ang pakikitungo sa pamilya at kilala rin nila (kahit
malayong kamag-anak na).
Maraming kaugalian ang mga Bisaya na pinupuri ng ibang katutubo sa
Pilipinas. Ilan sa ito ang pagiging relihiyoso at pagiging deboto, may malasakit sa
kapwa kahit ano pa man ang itsura o pinagmulan o paniniwala, pagiging matulungin
sa lahat ng bagay (kahit sa problema ng kapit-bahay o malayong kadugo), pagbibigay
respeto at hindi pangingi-alam sa pribadong buhay ng ibang tao at ibang aspeto nito,
pagiging maasikaso sa panauhin, makakalikasan, at pagiging masayahin.
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mga tao,
mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit sa lugar,
okasyon, panahon gayundin sa taong kausap. Halimbawa, kapag may mga
nakasalubong ka sa umaga ay maaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan o
pormalidad sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa, kung
ang principal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na “ Magandang umaga
po” ang sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigan mong matalik o BFF mo na ang
makasalubong mo. Maaaring maging “ Kumusta, Tol!” o kaya’y “ Uy Pre!” na may
kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo pang
kilalanin ang mga antas ng wika batay sa pormalidad.
Mga Salitang Impormal o Di- Pormal- mga salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
1. Balbal (slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang
ang mga salitang ito sa di-pormal na uri ng salita kaya’t karaniwang hindi
ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng
sumusunod:
• Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng salitang “Amerikano na
naging Kano”
• Pagbalitaktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging “ astig”
5
• Paggamit ng saltang Ingles at pagbibigay rito ang ibang kahulugan tulad ng
toxic na binigyang ng kahulugang “hindi maaayos ang kalagayan o hindi
maayos na tao” tulad ng “ toxic na schedule” o “toxic na kasamahan.”
• Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin
na ang kahulugan ay “karma”.
Iba pang halimbawa: bagets - kabatan lespu - pulis
charing - biro nenok - nakaw datung - pera sikyo - guwardiya
erpat - tatay yosi - sigarilyo
2. Kolokyal (Colloquial)
Ito’y isa pang uri ng mga salitang di-pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
Halimbawa:
pa’no mula sa paano kelan mula sa kailan
p’re mula sa pare meron mula sa mayroon
te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan
Bahagi pa rin ito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog o “Tag-lish” o
Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
• Aatend kaba sa birthday ni Lina (Tag-lish)
• Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan (Tag- Espanyol)
3. Lalawiganin ( Provincialism)
Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawiganin o probinsiya o o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas
na maaring magbigay ng ibang kahulugan dito. Halimbawa:
• tanan mula sa salitang Bisaya na ang sabihin ay “ lahat”
• ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “ ewan”
• manang at manong mula sa Ilocano na ang ibig sabihin ay “ ate” at “
Kuya”
• ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”
Mga Salitang Pormal- mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa
paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at sa iba pang
usapan o salitang pang-intelektuwal.
Halimbawa:
• Maybahay sa halip na waswit
• Ama at ina sa halip na erpat at ermat
6
• Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay,
kasabihan at kawikaan at lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimabawa:
• “Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-aagawan sa nagmamanibalang
na manga.”
• “ Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kaniyang pagngiti’y binubukulan
mandin ng pag-ibig.”
Mula sa “ Ang Dalaginding” ni :Inigo Ed Regalado
Pagyamanin
Panuto: Suriin at bumuo ng isang diyalogo gamit ang antas ng wika batay sa pormalidad.
Antas ng Pormalidad
ng Wika
______________________________________________
Pamagat ng Diyalogo
___________________
__________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________
___________________
__________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________
___________________
__________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________
___________________
__________________________________________________
______________________________________________________
Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela Esguera-Jose. Pinagya-mang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing
House 2017. 8/22/20
7
______________________________________________________
___________________
__________________________________________________
______________________________________________________ ______________________________________________________
Isaisip
Gawain: TANONG KO, SAGUTIN MO! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano nakatutulong ang paggamit nang antas ng wika batay sa pormalidad sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Paano gagamitin ang mga salitang pormal at di-pormal sa isang usapan? _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga uri ng mga salitang pormal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga uri ng mga salitang di- pormal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
8
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tradisyon ng mga
kabisayaan?
A. pagpapakasal bago magkapamilya
B. pagdidiwang ng kapistahan
C. pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo
D. pagsamba sa mga diyos-diyosan
2. Alin sa ibaba ang tatlong diyalektong ginagamit sa Visayas?
A. Hiligaynon ng Kanlurang Kabisayaan, Bisaya ng Gitnang Kabisayaan,
at Waray ng Silangang Kabisayaan
B. Subanen, Muslim, Badjao
C. Manobo, Ilonggo, Ilocano
D. Tagalog, Waray, Cebuano
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang ay mga pangunahing
pamumuhay ng mga kabisayaan?
A. pangangalakal B. pagsasaka C. pagkuha ng kopra D. pangingisda
4. Alin sa ibaba ang kultura ng mga Bisaya na kilala sa pagiging malapit ang pakikitungo sa pamilya maging hanggang sa _______?
A. malayong kaibigan B. malayong kamag-anak C. malayong kakilala D. malayong katrabaho
. 5. Alin sa ibaba ang pinaniniwalaan ng mga Bisaya ang kultura na pinupuri ng
ibang katutubo sa Pilipinas maliban sa _______? A. pagmahal sa kaibigan
B. pagiging maasikaso sa panauhin C. pagiging masayahin
D. pagiging relihiyoso
9
Para sa bilang 6-15 Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginagamit ng bawat tauhan sa usapang
naganap. Kilalanin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot na nasa loob ng kahon.
____________6. Roy: Pre! Saan ka pupunta,ano ang seksyon mo? ____________7. Boyet: Oy pare! Ikaw pala iyan! Kumusta kana? Parang magkapareho tayo ng seksyon. Arat na! puntahan na natin ang ating klasrom. ____________8. Roy: Pare may bago tayong ka klase at nakakasilaw ang kanyang kagandahan. ____________9. Shane: Magandang araw, kumusta kayo tanan? Ako nga pala si Shane.
____________10. Boyet: Magandang araw din sa iyo. Napakaganda mo naman animoy ika’y isang tala sa kalangitan. ____________11. Shane: Salamat! Ambot hindi naman ako maganda. ____________12. Roy: Oo nga boyet!. Sigurado akong matapang ang erpat niyan. ____________13. Boyet: Talaga naman pare mukhang mayamanin at maraming salapi sa bulsa. ____________14. Shane:Kayo talaga mga mabobola!Pero bago ang lahat, kaarawan ko ngayon,iimbitahan ko kayo sa bahay mamaya mayroong tipar
doon. ____________15. Roy: Naks! Talaga naman ha! mayroon na namang chibog mamaya pareng boyet.
A. Balbal C. Lalawiganin B. Kolokyal D. Pormal
10
Isagawa
Panuto: Bumuo ng isang sariling kathang awiting- bayan na sumasasalamin sa
kultura at tiyak na mayroong positibong kaugalian na maipapakita dito.
____________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
11
Pamantayan sa Pagsulat ng Awiting- Bayan
Binigyan ng Tuon 5 puntos Natatangi
3-4 puntos Katamtamang
Kagalingan
2-1 Nangangailangan
ng Tulong
Paksang-Diwa Makabuluhan, naging parang bago dahil sa pamamaraan ng pagsasalaysay at estilo.
Makabuluhan, bagama’t hindi nagmistulang orihinal.
Naging napakakaraniwan ng paksa.
Istilo ng pagkasulat Angkop ang
napiling paksa o tema ng awiting-bayan. Masyadog maayos at malinaw ang pagkabuo.
Angkop ang
napiling paksa o tema ng awiting-bayan. Malinaw ang pagkakalahad.
Angkop ang
napiling paksa o tema. Mahusay ang pagkakabuo.
Akma sa kultura at
kaugalian
Napakaayos ang paglalahad sa
kultura at kaugalian ng nabuong awiting- bayan.
Maayos ang paglalahad sa
kultura at kaugalian ng nabuong awiting- bayan.
Pangkaraniwan lamang ang
kultura at kaugaliang napili.
Kabuuang Puntos https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento
12
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1. D 2. A 3. A 4. B 5. A 6. B 7. A 8. D 9. C 10. D 11. C 12. A 13. D 14. A 15. A
13
Sanggunian
Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela Esguera-Jose.
Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House 2017.
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p25EBNH%
5Expu642%5ETTAB03%5EPH&ptb=110AF036-D978-4476-9E67
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p22=%5EBN
H%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&ptb=110AF036-D978-4476-
9E67=1p&filter=on&imgDetail=true
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p=%5EBNH
%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&pg=AJimage&pn=1&ptb=
https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=7849ed63&p2=%5EBNH%5Expu642%5ETTAB03%5EPH&pg=AJimage&pn=6&ptb=110AF036-D978-4476
https://www.facebook.com/2135388093199789/posts/ili-ili-tulog-anay-lyricsili-
ili-tulog-anaywala-diri-imong-nanaykadto-tienda-bak/2195255123879752/
https://www.smule.com/song/visayan-song-cebuano-folk-song-dandansoy-
karaoke-lyrics/174093258_3170294/arrangement
14
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray. My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high,
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee. And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone
Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good-by! I give thee all: parents and kindred and friends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that lightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!
I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance
of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.
I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
“I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.”