Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex...

53
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning ACCORD Project 2007 Pagbubuo ng Contingency Plan 3

Transcript of Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex...

Page 1: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparednessat Contingency Planning

ACCORD Project 2007

Pagbubuo ngContingency Plan

3

Page 2: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

The European Commission’s Humanitarian Aid department (ECHO) is one of

the world’s largest providers of financing for humanitarian aid operations.

Through its Disaster Preparedness Programme (DIPECHO) it assists vulnerable

people living in the main disaster-prone regions of the world in reducing the

impact of natural disasters on their lives and livelihoods.

Inilathala ng Corporate Network for Disaster Response (CNDR) at ng CARE © 2009

ISBN 978-971-94364-0-9

Hinihimok at pinahihintulutan ang pagsipi sa nilalaman ng manwal na ito. Banggitin ang pangalan ng

CNDR at CARE sa bawat pagsipi.

Nagsulat: Ma. Stella A. Dulce

Patnugot: Ma. Cecilia L. de los Reyes, Marieta Lupig Alcid, Floreen Simon at Celso B. Dulce, Jr.

Cover design, layout at artwork: Karl Frederick M. Castro at Jose Leon A. Dulce

Ang manwal ng Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning ay inilathala na may suporta

mula sa European Commission Humanitarian Aid department, sa ilalim ng “Fifth DIPECHO Action Plan for

Southeast Asia.”

Page 3: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Mga Nilalaman

Listahan ng Pagdadaglat

Ilang Tala Hinggil sa Modyul 1

Modyul 3 – Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 1 – Paghahanda para sa Contingency Planning Workshop 3

Sesyon 2- Pagbalik-aral sa Contingency Plan 8

Sesyon 3 – Risk Reduction Measures 13

Sesyon 4 – Pagbuo ng Layunin ng Contingency Plan 17

Sesyon 5 – Ang Barangay Disaster Coordinating Council Bilang 21

pangunahing Organisasyon sa Komunidad

Sesyon 6 – Action Planning 37

Sesyon 7 – Pagbubuo ng mga Patakaran at Alituntunin para sa 44

Panahon ng Disaster

Page 4: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Listahan ng Pagdadaglat

AADC Agri-Aqua Development CoalitionACCORD Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for

Resilience to DisastersBDCC Barangay Disaster Coordinating CouncilCBDRM Community-based disaster risk reductionCBEWS Community-based early warning systemCF Community facilitatorCNDR Corporate Network for Disaster ResponseCP Contingency planCPWS Contingency planning workshopCVA Capacities and vulnerabilities assessmentCRA Community risk assessmentDILG Department of Interior and Local GovernmentDPT Disaster preparedness trainingDRM Disaster risk managementDRR Disaster risk reductionECHO European Commission Humanitarian Aid departmentECM Evacuation centre managementER Emergency responseEWS Early warning systemFGD Focus group discussionLGU Local government unitMDCC Municipal Disaster Coordinating CouncilOCD Office of Civil DefencePAGASA Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services AdministrationP/R/NDCC Provincial/Regional/National Disaster Coordinating CouncilPHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and SeismologyPSWS Public Storm Warning SignalRBA Rights-Based ApproachTNA Training needs assessment

Page 5: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Ang manwal ng Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning ay halaw sa

karanasan ng mga komunidad, paralan at mga local na pamahalaan na lumahok sa proyektong

Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for Resilience to

Disasters (ACCORD). Sa kanila iniaalay ang manwal na ito. Pinasasalamatan din ang mga staff

ng ACCORD na nakibahagi sa pagpapayaman ng manwal na ito: Merdi Jean Arcilla, Sindhy Obias,

Gladys Montales, Sharon Coralde, Aldin Beta-a, Ciriaco Santiago III, Mia Marie Brusola, Wilma

Maligaso at September Magaway. Pinasasalamatan din ang Philippine Atmospheric, Geophysi-

cal and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Institute of Volcanology and

Seismology (PHIVOLCS), Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Civil

Defense (OCD), Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) at Center for Disaster Preparednes

(CDP) sa kanilang suporta sa ACCORD at sa pagbubuo ng manwal na ito.

Pasasalamat

Page 6: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng
Page 7: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Ilang Tala Hinggil sa Modyul

Ang modyul na ito ay pagsasalin ng mga napag-aralan mula sa naunang modyul ng Disaster Preparedness. Kaiba sa naunang modyul ng Disaster Preparedness, and modyul na ito ay gabay sa aktwal na pagbubuo ng isang contingency plan. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay may mabubuo nang contingency plan.

Ang serye ng mga pagsasanay ay naglalayong makabuo ng isang contingency plan na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng mga taga-komunidad. Ang contingency plan ay isang planong ang layunin ay siguraduhin ang kahandaan at kakayahan ng komunidad upang maagap na makapagsagawa ng mga hakbang-pangkaligtasan bilang paghahanda sa panganib, at makapag-organisa at magsagawa ng epektibo at napapanahong tulong sa panahon ng disaster. Mula sa mga kaalaman tungkol sa mga konsepto at mga terminolohiya ng DRR, at sa kasanayang kakailanganin upang mailarawan ang aktwal na mga hazard at epekto nito sa komunidad, bubuuin sa ikatlong modyul ang mga aksyong kailangang gawin at ipatupad upang maging handa ang komunidad sa disaster. Ang mga workshop sa modyul ng contingency planning ay lalahukan ng mga susing tao sa komunidad kabilang ang mga miyembro ng BDCC, ilang guro, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor gaya ng kabataan, kababaihan, senior citizen, at iba pang mga may kasanayan o kakayahang makatulong sa pagbuo ng CP. Sa mga workshop dito sa modyul ng contingency planning pagsasama-samahin at paguugnay-ugnayin ang mga resulta ng mga workshop sa dalawang naunang modyul. Babalik-aralan at patototohanan ang mga naunang resulta ng mga workshop at magbubuo ng mga aktwal na hakbang at alituntunin upang maisalin ang plano sa aktwal na pagpapapababa ng risk ng komunidad. Ito ang aktwal na paglalapat ng mga plano sa kalagayan ng komunidad na may kaakibat na aktwal na aksyon at pagpapakilos sa BDCC.

Tandaan natin na ang mga susunod na sesyon ay iba sa nakagawian sa naunang mga modyul. Ang mga sumusunod na session plan ay magsisilbing gabay lamang sa pagdaraos nang magkakasunod na pulong

Page 8: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ng mga susing tao ng komunidad upang makalap at masinop nila ang lahat na impormasyon na kailangan upang mabuo ang contingency plan. Ang nakasaad na tagal ng sesyon ay pagtantya lamang sa tagal ng idaraos ng mga pulong. Mas mainam kung ang lahat ng kalahok sa pulong ay makapaglalaan ng sapat na panahon upang matapos ang mga naitakdang gawain para sa araw na iyon nang walang pagmamadali.

Page 9: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 1. Paghahanda para sa Contingency planning (CP) Workshop

LayuNIN Ng Pag-aaraL

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay makapagpipinal ng lalamanin ng CP workshop.

Mga SuSINg MeNSaHe

MGA BAGAy NA MAHALAGANG MAUNAWAAN SA PAGHAHANDA PARA SA CP workshoP

Ang pagbubuo ng isang 1. contingency plan ay isang mahalagang proseso para sa isang komunidad. Mangangailangan ito ng sapat na panahon mula sa mga naatasang bumuo ng mga lalamanin nito. Kapag hindi naunawaan at hindi nabigyang pagpapahalaga ang buong proseso, maaaring hindi maging epektibo ang mabubuong CP ng komunidad at kung gayon ay hindi gagana sa panahon ng emergency.

Page 10: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ang pagbubuo ng isang CP ay pinagtutulung-tulungan ng 2. tagapagpadaloy at mga kinatawan ng komunidad. Kinakailangang makapaglaan sila ng maraming panahon upang masinop at mabuo ang mga inisyal na dokumento. Bahagi ng proseso ang pagpapakilala sa isa’t-isa upang makatulong 3. sa mabilis na talakayan. Mahalaga rin ang paglalatag ng proseso ng workshop upang maging malinaw sa mga kalahok ang mga susunod pang gawain pagkatapos ng unang sesyon. Ang paglalatag naman ng inaasahan ay makatutulong upang mailinaw ng tagapagpadaloy kung alin sa mga inaasahan ng mga kalahok ang kaya at hindi kayang tugunan ng proseso.Bahagi ng paghahanda ang pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang 4. mga pagsasanay at ang kaugnayan ng mga ito sa gagawing CP workshop. Ipauunawa na ang mga ito ay hindi hiwa-hiwalay na mga pagsasanay kundi mga bahagi ng isang buong programa ng pagpapalakas ng kakayahan ng komunidad. Isa sa mga pangunahing layunin ng mga pagsasanay ay makabuo ng isang Contingency plan. Ang mapipinal na lalamanin ng mga 5. workshop ay disenyong susundin ng lahat ng kalahok. Maaaring tapusin ito sa tatlong (3) sunud-sunod o hiwa-hiwalay na araw depende sa kung ano ang kakayanin ng mga kalahok. Tiyakin lamang na sa pagsasagawa ng hiwa-hiwalay na araw na mga pulong ay matapos ang lahat ng workshop sa loob ng hindi hihigit sa dalawang linggo.

PaMaMaraaN aT daLoy

UNANG PULONGSa pagbubukas ng pulong, ipaliliwanag ng tagapagpadaloy ang layunin ng aktibidad. Susunod dito ang pambungad na pananalita ng kapitan ng barangay o ng kaniyang kinatawan.

Susunod ang pagpapakilala ng bawat kalahok at paglalahad ng kanilang mga inaasahan. Ipaliliwanag ng tagapagpadaloy na mas maganda kung hindi lamang pangalan at inaasahan sa workshop ang ibabahagi ng mga kalahok kundi maging ang kanilang mga naging pagtingin sa gawain sa disaster risk reduction, mga nakuhang pagsasanay, mga mahahalagang napag-aralan nila, at iba pa. Magpapakilala at magbibigay rin ng mga inaasahan ang tagapagpadaloy.

Page 11: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Pagkatapos ng pagpapakilala at paglalahad ng mga inaasahan, lalagumin ng grupo ang mga inaasahan ng lahat ng kalahok sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga magkakatulad o magkakahawig at paghihiwalay naman ng mga naiiba. Ipaliliwanag ang mga paksang nilalaman ng CP workshop at itutugma ito sa mga inaasahan ng mga kalahok na masasagot sa proseso ng workshop at mga talakayan. Gayundin, ipaliliwanag ng mabuti kung bakit ang mga naihiwalay na mga inaasahan ng mga kalahok ay hindi matutugunan ng workshop. MGA PAKSANG IDADAAN SA WORKSHOP UPANG MABUO ANG CP:

Pagbabalik-aral sa CP at mga bahagi nito;•Pagbubuo o paglilista ng mga • risk reduction measure;Pagbubuo ng pangkalahatang layunin ng CP;•Pagbabalik-aral sa mga tungkulin at pagpapasigla ng BDCC;•Pagbubuo ng • action plan;Pagbubuo ng mga patakarang susundin sa panahon ng • disaster; atPaghahanda ng mga dagdag na sipi o • annex

Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng workshop para sa dalawang araw. Isusulat sa pisara o sa papel ang mga plano para sa mga sesyong isasagawa kasama ang paksa, tagapagpadaloy, at araw, oras at lugar ng pagdaraos. Pag-uusapan kung ano ang mga maaaring maging problema sa dalawang araw na workshop at kung ano ang mga maaaring gawin upang matuloy pa rin ang mga workshop.

Magtatakda ng mga grupo o indibidwal na magtitiyak sa iba pang mga pangangailangang teknikal o lohistikal para sa maayos na pagdaraos ng mga workshop. Kakailanganin ng mga taong magtitiyak sa mga sumusunod:

Pagpapaalala ng iskedyul sa mga kalahok;•Paghahanda ng pagkain;•Pagtatakda at paghahanda ng lugar para sa • workshop;

Page 12: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Paghahanda ng mga dokumento at iba pang gamit; at•Pagdodokumento ng mga • workshop. Kadalasan ay sa kalihim ng barangay o barangay secretary naiaatang ang gawaing ito.

Bago maghiwa-hiwalay, titiyakin ng tagapagpadaloy ang sumusunod:Matalakay ng grupo ang lahat ng mga katanungan ng mga kalahok;•Mailinaw ang mga susunod na hakbang sa lahat ng kalahok;•Maitakda ang susunod na pulong, lugar na pagdarausan, at •oras ng pulong;Mabalikan ang lahat ng napagkasunduan upang •hindi ito makalimutan ng mga kalahok; atMaipaalala sa lahat na bago idaos ang susunod na pulong, •ang kalihim ng barangay ay magbibigay ng katitikan (minutes) na nilagdaan ng kapitan. Titiyakin na lahat ng mga kalahok ay mabibigyan ng sipi upang masariwa sa lahat ang mga mahahalagang puntong natalakay at makapaghanda sa talakayan sa susunod na pulong.

Page 13: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

IBA PANG MGA DAPAT TANDAANBilang paghahanda para sa unang pulong, narito ang ilang gawaing mahalagang maipatupad:

Pagkuha ng suporta ng kapitan ng barangay. Bilang pinuno ng •BDCC, mahalaga ang papel ng kapitan sa pagbubuo at pagpapatupad ng CP. Kung may maayos na ugnayan ang mga nagpapatakbo ng proyekto sa mga lider ng komunidad, ang pagkuha ng suporta ng kapitan ng barangay sa pagbubuo ng CP ay hindi dapat maging malaking usapin. Sa naging karanasan ng ACCORD Project, kadalasan ay aktibong nakikibahagi ang mga kapitan ng barangay sa mga aktibidad ng proyekto. Kung taliwas sa ganito ang sitwasyon, mahalagang maipaunawa sa kapitan ang kahalagahan ng CP at ang mahalagang papel nya para sa epektibong pagbubuo nito.Pagtiyak ng partisipasyon ng mga susing tao sa Komunidad. •Pupuntahan ng tagapag-padaloy lahat ng mga miyembro ng BDCC, mga di pormal na lider ng komunidad, mga napiling representante ng mga kabataan, kababaihan, senior citizen at kung may mga ibang indigenous groups, kung may aktibong grupong simbahan at ibang mga organisasyong aktibo sa barangay at ilang guro o principal ng eskwelahan, kung mayroon. Lahat ng mga ito ay hihikayating maging bahagi ng pagbubuo ng CP.

Kapag naitakda na ang pinal na araw, oras, at lugar ng unang pulong, ihahanda ng tagapagpadaloy ang mga lohistikal at teknikal ng mga pangangailangan.

MaTeryaLeS Na KaILaNgaN

Manila Paper•Pentel Pen•Masking Tape•

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Page 14: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sesyon 2. Pagbalik-Aral sa Contingency plan (CP)

LayuNIN Ng Pag-aaraL

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga kalahok ay:Makapagbabahagi ng nalalaman hinggil sa • contingency plan batay sa mga nakuhang pag-aaral sa modyul ng DPT; atMatukoy ang mga bahaging nabuo na at alin ang mga kailangang •tapusin sa loob ng naitakdang mga araw ng workshop.

Mga SuSINg MeNSaHe

Ano ang 1. Contingency plan o CP? Ang contingency plan o CP ay isang planong isinasagawa ng komunidad upang mailinaw ang layunin at mga aksyong gagampanan ng lahat ng miyembro ng komunidad upang mapaghandaan ang mga kritikal na sitwasyon at upang maiwasan o mabawasan ang matitinding epekto ng disaster.

Ang CP ay ginagawa upang tiyakin ang kahandaan at kakayahan ng komunidad upang maagap na makapagsagawa ng mga hakbang-pangkaligtasan bilang paghahanda sa mga panganib, at makapag-organisa at makapagsagawa ng epektibo at napapanahong tulong sa panahon ng disaster. Ito ang nagsisilbing gabay ng komunidad sa panahon ng emergency.

Ano ang2. contingency planning?Ang contingency planning ay isang prosesong nagpapahalaga sa partisipasyon ng komunidad sa pagbuo ng isang planong makatutulong sa kanila sa panahon ng disaster. Sa ganitong paraan matitiyak ang pag-ako o pagmamay-ari ng komunidad sa plano.

Ang mga gawain sa contingency planning workshop ay bahagi ng proseso

Page 15: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

ng komunidad upang mabuo ang plano.

Ang isang CP ay may iba’t ibang bahagi:3. Pagsusuri ng sitwasyon o • Community risk assessment (CRA) – Ang bahaging ito ay ang buod o summary ng lahat ng resulta ng CRA tools na ginamit katulad ng hazard assessment, hazard map, disaster history, CVA, risk ranking, worst-case scenario, at iba pa. Ang buod (hindi lalagpas sa dalawang pahina), ay nagsisilbi ring pambungad o introduction ng CP. Ang detalye ng CRA ay ilalagay sa mahahalagang dagdag na sipi (annex).Layunin ng CP – Malinaw na nagsasaad ng layunin ng komunidad sa •pagbuo nila ng CP. Ang layunin ay ipinahahayag sa pamamagitan ng benepisyo o pagbabago sa kalagayan na matatamo ng komunidad mula sa matagumpay na pagpapatupad ng plano.Konsepto ng operasyon – Nilalaman nito •ang bahaging magbibigay ng ideya kung paano maipatutupad ang napagkaisahang plano. Dito mauunawaan kung paano epektibong maisasakatuparan ang mga hakbang na kailangang isagawa sa panahon ng emergency. Dito rin naililinaw ang mga responsibilidad ng mga komite at lahat ng residente ng barangay.

Mahahalagang dagdag na sipi (annex)Lahat ng resulta ng CRA (• disaster history/timeline, community mapping, worst case scenario, imbentaryo ng mga rekurso ng komunidad, listahan ng mga pangangailangan ng komunidad batay sa worst-case scenario, atbp.);Masterlist ng lahat ng nakatira sa komunidad;•Directory ng lahat ng opisyal, mga susing tao sa •komunidad, mga organisasyon at upisinang lalapitan o makakapagbigay ng tulong, atbp.; at Disenyo ng • community drill

Mahalagang maipaunawa sa mga kalahok na ang layunin sa pagbabalik-aral sa CP ay hindi lamang kung naaalala pa ng mga kalahok ang mga bahagi nito kundi ang kakayanang maisalamin ito sa aktwal na mga kaganapan o mga pangyayari at aktibidad sa komunidad nila. Maaari

Page 16: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ring hindi alam ng mga kalahok na bahagi ng CRA ang pinag-uusapan (halimbawa: ang ginawang pagdrowing ng hazard map). Gayunpaman, ang mas mahalagang malaman ay kung naiuugnay nila ang mga ito sa tingin nilang mga dapat na lamanin ng isang CP.

PaMaMaraaN aT daLoy

Hatiin sa dalawang grupo ang mga kalahok. Batay sa mga naunang 1. pagsasanay sa Disaster Preparedness, tanungin kung ano ang mga bahagi o nilalaman ng isang CP. Subukang magdetalye hangga’t kaya.

Ang mga grupo ring ito ang magsasailalim sa proseso ng validation ng mga resulta ng CRA kaya’t maaari ring hatiin ang mga kalahok ayon sa dami ng dokumentong babalikan at aaralin. Tandaan: Hindi kailangang eksaktong termino ang isagot ng mga kalahok. Hikayating sumagot ang mga kalahok ayon sa kanilang naintindihan sa mga naunang mga pagsasanay.

Ikumpara ang mga sagot ng bawat grupo sa nakahandang biswal na 2. nagsasalarawan ng mga bahagi ng CP.

Isa-isang ibahagi ang iba pang mga resulta ng mga workshop ng mga kalahok batay sa mga nagdaang pagsasanay sa Disaster Preparedness. Karaniwang tapos na ang mga sumusunod na dokumento – CRA (hazard assessment table, time line, CVA, worst-case scenario, resource and needs inventory), EWS, evacuation plan at ECM plan.

Dapat nakahanda ang mga output na ito at nakapagpakopya upang maibahagi sa mga grupo.

Ipamahagi ang mga bawat output sa mga grupo at idadaan ito 3. ng grupo sa proseso ng validation. Sa prosesong ito, maaaring pabulaanan o pagtibayin ng mga kasapi ng grupo ang nakasaad sa mga dokumento. Kadalasan ay mabilis lamang ito lalo na kung maayos ang pagkakaproseso at resulta ng mga nakaraang workshop.

Batay sa pagbabalik-aral, ang mga dapat pang bigyan ng panahon

Page 17: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

upang malalimang pag-usapan ay ang mga sumusunod:risk reduction measures. ;Layunin;. Istruktura, komposisyon at tungkulin ng . Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC);Action plan. ;Emergency policies. - mga patakaran o standard operating Procedure (SOP);Masterlist. ng lahat ng nakatira sa komunidad;Directory. ; at Disenyo ng . drill

Tandaan: Ipaliwanag na hindi nila kailangang tapusin lahat ng mga bahaging hindi pa kumpleto. Ang mahalagang matiyak ay ang mga bahagi ng risk reduction measures, layunin, BDCC, action plan, at emergency policies. Ang disenyo ng drill, masterlist, at directory ay gagawin na lamang ng isang maliit na grupo sa iba pang mga susunod na sesyon.

Sa pagtatapos ng sesyon, dapat napagkaisahan ang iskedyul ng 4. pagtalakay sa mga mahahalagang paksa. Batay sa mga paksang

Page 18: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

tatalakayin, aaralin ng lahat ang kanilang naging output sa mga workshop at maghahanda ng mga katanungan at mga mungkahi.

MaTeryaLeS

Flipchart • ng mga bahagi ng CP Cut-out• na stars ipangtatanda sa mga bahagi ng CP na tapos naChalk•Pentel pen•Manila paper• .Kakailanganin din ang ilang kopya ng mga •resulta ng nakaraang mga workshop.

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Page 19: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 3. Risk reduction measures

LayuNIN Ng Pag-aaraL

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay: Makapagtutukoy ng mga • risk reduction measure na kailangang isagawa sa komunidad nila; atMaihanay ang mga natukoy na • risk reduction measure ayon sa pangangailangan at sa kakayahang ipatupad ito.

Mga SuSINg MeNSaHe

Ang mga 1. risk reduction measures ay mga paraan o hakbang na kailangang isagawa ng komunidad upang mapalakas ang kanilang kakayahang maging handa sa mga panahong may emergency at mabawasan ang mga pinsalang epekto ng disaster.

Matutukoy ang mga paraang ito sa pagbabalik-aral sa mga resulta 2. ng hazard assessment (HA) at capacities and vulnerabilities assessment (CVA). Makatutulong din na mabalikan ang worst-case scenario upang lalong maintindihan ang mga dapat paghandaan ng komunidad.

Tandaan na ang mga 3. risk reduction measure na nakapaloob sa Contingency plan (CP) ay hazard-specific din. Ibig sabihin, sa pagbabalik-aral sa hazard assessment, ang bibigyan lamang ng diin ay ang mga may kaugnayan sa partikular na hazard na napili ng komunidad batay sa risk ranking na isinagawa. Ang resulta naman ng CVA ay magiging angkop sa iba’t ibang hazard.

MGA HALIMBAWA NG MGA risk rEDuCtion MEAsurEs:Kung ang • hazard ay bagyoa. Gawing taunang aktibidad ng komunidad ang magtanim ng mga puno na sasalag sa malakas na hampas ng hanging dala ng bagyo. b. Magbuo ng EWS na susundin ng barangay upang maihanda ang lahat ng miyembro ng komunidad sa mga pagkakataong may bagyo.

Page 20: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

c. Maghanda ng pagkaing pang-emergency gaya ng mga de lata; lalagyan ng tubig; first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas; at mga plastik na supot.

DALAWANG URI NG 4. risk rEDuCtion MEAsurESUna ay ang mga kagyat na paraan (4.1. short-term) at

kayang gawin ng mga taga-komunidad (doable). Ang kakayanang gawin ay nakabatay sa itinakdang panahon na kadalasan ay isang taon at nakabatay sa mga rekursong mayroon ang komunidad. Ito ang mga paraang dapat maging bahagi ng action plan ng komunidad.

Mga halimbawa: training;•Drill • bilang pagsasanay ng evacuation plan;Public awareness;•Pagtatanim ng puno sa tabing ilog. •

Ang ikalawa at ikatlong halimbawa ay kayang isagawa ng mga taga-komunidad sa sarili nila.

Ikalawa ay ang mga 4.2. risk reduction measure o mga paraang mangangailangan ng higit sa isang taon o pangmatagalan ang implementasyon batay sa laki ng kinakailangang pondo, panahon, at iba’t ibang kakayahang kakailanganin upang maisagawa ang mga ito.

Maaari ring ito ay mga gawaing hindi kakayanin ng komunidad na isagawa bagamat nakikitang may pangangailangan. Dahil kailangang maisagawa sa komunidad, ang mga paraang ito, ang mga ito ay inihahanay bilang adbokasiya o advocacy issues. Kailangang mailagay bilang bahagi ng Action plan ang mga adbokasiyang nakikitang malaki ang maitutulong sa komunidad at pinag-aaralan kung kanino ilalapit ang pangangailangan para sa dagdag na pondo at kasanayan upang maipatupad ito. Hindi sapat na tukuyin at ihanay lamang ang ganitong gawain. Mahalagang matukoy rin ang mga gagawing hakbang upang maipatupad ang mga ito.

Page 21: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Ang ika-apat na halimbawa ng risk reduction measure sa itaas (pagtatanim ng puno) ay maaaring mangailangan ng tulong mula sa ibang organisasyon upang malaman kung anong uri ng puno ang kailangang itanim nila, saang bahagi ng ilog ito itatanim, at paano maghahanap ng pondong pambili ng mga binhi ng mga punong ito.

PaMaMaraaN aT daLoy

Balikan ang 1. CrA workshop results (DPT session 1) at tingnan ang hazard assessment, CVA, worst case scenario, gap analysis. Umabot ang sesyon ng CRA sa pagtukoy ng risk reduction measures kaya ito ang tuntungan sa pagdetalye nito dito sa sesyon.

Ipaskil ang lahat ng resulta ng CRA 2. workshop sa DPT.

Hatiin ang mga kalahok sa kani-kanilang grupo at ipasagot ang mga 3. sumusunod na tanong:

Batay sa natalakay sa DPT, partikular sa sesyon ng CRA, anu-ano ang mga nakikita nilang kailangang gawin ng barangay upang mabawasan ang nakapamiminsalang epekto ng disaster? Alin sa mga gawaing ito ang kayang isagawa ng barangay gamit ang sariling kakayahan at mga rekurso? Alin ang mga gawaing kailangang ipatupad ngunit

Page 22: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

hindi kakayaning mag-isa ng barangay? Kanino maaaring ilapit ang mga advocacy issue na ito?

Maguulat ang mga grupo ng resulta ng kani-kaniyang workshop at sisikapin ng tagapagpadaloy na pag-isahin ang mga ito. Sa proseso ng pag-iisa ng mga resulta ng workshop aalamin kung bakit tinitingnang mahalaga ang mga nabanggit na paraan o hakbang, anu-ano ang mga detalye ng pagsasagawa ng mga ito, at iba pang mga tanong na magbibigay-linaw sa plano. Sa proseso, makikita rin ang mga hakbang na hindi natukoy ng mga kalahok at mahalagang talakayin din ito sa kanila upang maiproseso kung ito ay mahalaga o di-mahalaga para sa komunidad.

MaTeryaLeS

Masking tape. Manila . o kraft paperMarkers. Resulta ng sesyon tungkol CRA sa DPT.

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras o higit pa

Page 23: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 4. Pagbuo ng Layunin ng Contingency plan

LayuNIN

Pagkatapos ng sesyon na ito, inaasahang ang mga kalahok ay makapagbubuo ng pangkalahatang layunin para sa contingency plan (CP) ng kanilang komunidad.

Mga SuSINg MeNSaHe

Ang layunin ng isang1. contingency plan ay nagpapahiwatig ng mga benepisyo o pagbabago sa kalagayan na nais matamo ng komunidad sa pag-iwas nila sa mga posibleng pinsala ng hazard sa buhay at kabuhayan. Nakakamit ang layuning ito sa pamamagitan ng mahusay at epektibong pagtugon sa mga disaster.

Ang layunin ay nakabatay sa kongkretong kalagayan ng komunidad na natukoy batay sa worst-case scenario. Ito ay dapat ding nakabatay sa kongkretong kakayahan ng komunidad upang matiyak ang pagkamit nito.

Ang pagbubuo ng isang layunin ay dumadaan sa proseso ng 2. paglilinaw sa problemang nais nitong resolbahin. Hangga’t hindi malinaw sa mga kalahok kung ano ang kahalagahan ng pagbubuo ng isang CP, malayong maging matagumpay ang lahat ng gawaing may kaugnayan dito.

Batay sa naunang susing mensahe, ang problemang malinaw sa komunidad ay ang sitwasyong nangyari na sa kanila na tinatawag na worst-case scenario. Nililinaw na ito ay nangyari dahil sa kalagayan ng kanilang komunidad at ito

Page 24: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ang kinakailangan nilang sikaping baguhin. Maaari ring batay sa mga pagsusuri ay makapagtukoy rin ng mga posibleng scenario na hindi pa nararanasan sa komunidad. Ang kanilang naranasan at ang mga posibleng maranasan pa nila ay pagsasamahin upang makabuo ng mas malapit sa katotohanan na worst-case scenario.

Kapag naiintindihan ng mga kalahok ang kahalagahan ng proseso ng pagbubuo ng layunin, maiintindihan din nila na ang mga isasagawang plano at mga alituntunin ay tungo sa pagkamit ng layuning itinakda nila.

Ang layunin ng CP ng 3. barangay ay dapat umaayon sa layunin ng CP ng munisipyo. Kung wala pang CP ang munisipyo, ang layunin ng CP ng barangay CP ay maaaring gamiting batayan ng munisipyo sa pagbubuo ng sarili nilang layunin.

Ano ang pagkakaiba ng 4. layunin ng CP at ng layunin ng Action plan?Ang layunin ng CP ay ang maabot ang isang sitwasyon o makamit ng komunidad ang tinarget na benepisyo kung sakaling magkaroon ng disaster. Maaaring hindi baguhin ang layunin ng CP bawat taon.

Sa action plan naman, ang layunin ay makamit ang itinakdang mga gawain sa loob ng isang panahon, kadalasan ay sa loob ng isang taon. Ang mga gawain sa action plan ay mag-aambag upang makamit ang pinakalayunin ng contingency plan.

PaMaMaraaN aT daLoy

Sa umpisa ng sesyon, tanungin ang mga kalahok kung natatandaan 1. nila ang resulta ng workshop hinggil sa worst-case scenario. Babalikan ito at ipapaskil ng tagapagpadaloy ang biswal ng

Page 25: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

worst-case scenario mula sa CRA workshop. Iisa-isahin nila ang mga resultang dulot ng isang disaster sa kanilang komunidad at tatalakayin kung bakit ito nangyari.

Batay sa kalagayang inilalarawan2. sa worst-case scenario, itanong sa mga kalahok kung ano ang mga nais nilang maisagawa upang maiwasan ang pangyayari ng worst-case scenario. Gusto bang ilikas ang lahat na pamilya ng barangay upang makaiwas sa disaster? Gusto bang protektahan ang ilang porsyento ng populasyon sa barangay na direktang maaapektuhan ng landslide? Ang mga ito ay halimbawang tanong lamang. Dapat makapaghanda ang tagapagpadaloy ng mga tanong batay sa worst-case scenario ng komunidad.

Palalimin ang pagtalakay hinggil sa mga natukoy na layunin. 3. Alamin kung ano ang kanilang mga naging batayan sa pagtukoy ng mga layunin at saan nagmumula ang ganoong pagtingin. Sa pagsagot ng mga kalahok sa mga tanong na ito, lalong naililinaw sa kanila kung ano ang tunay na pangangailangan ng kanilang komunidad.

Tutulong ang tagapagpadaloy na iugnay ang kanilang mga sagot sa mga karapatan nila ayon sa natapos na sesyon sa RBA at CBDRM. Ililinaw din ang mga limitasyon sa pagbubuo ng layunin. Mahalagang ang isang layunin ay makatotohanan o realistic—kaya nilang makamit gamit ang sarili nilang lakas at tulong ng mga sumusuporta sa kanila.

Buuing muli ang dalawang grupo at magpagawa sa kanila ng layunin 4. batay sa mga sagot nila sa unang tanong. Bago ito, ipaliwanag ang mga pamantayan sa pagbubuo ng layunin at magpaskil ng biswal ng isang halimbawa ng layunin ng CP ng isang komunidad na dumaan na sa prosesong ito.

Bigyan ang mga grupo ng ilang minuto upang tapusin ang 5. workshop. Ibabahagi ng bawat grupo ang resulta ng kanilang workshop sa buong kapulungan. Ang mga resulta ng workshop ay dadaan sa proseso ng critiquing hanggang maabot ng buong

Page 26: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

kapulungan ang kaisahan sa pinakawasto at pinaka-akmang pormulasyon ng kanilang layunin batay sa mga inilahad na mga problema at sitwasyon ng kanilang barangay.

Halimbawa ng layunin ng isang CP: “Maprotektahan ang buhay at 6. kabuhayan ng 300 pamilya ng barangay Cagsao mula sa paghagupit ng bagyo.”

MaTeryaLeS

Pentel pen•Manila paper•Biswal ng • worst-case scenarioBiswal ng isang halimbawa ng layunin•

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Page 27: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 5. Ang Barangay Disaster Coordinating Council o BDCC Bilang Pangunahing Organisasyon sa Komunidad

LayuNIN

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay:Makapagbalik-aral • (review) at maipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang BDCC bilang isang organisasyon;Maipaliwanag ang istruktura ng BDCC, mga komite at mga •tungkulin ng mga ito, hatian ng mga gawain, at kung sinu-sino ang mga miyembrong gumaganap dito; Mareorganisa ang kanilang BDCC, kung kinakailangan, upang •lalong maging aktibo ito at mabigyan din ng pagkakataong maging bahagi ng istruktura ang komunidad; at Maikumpara ang BDCC sa • Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) at maipaliwanag ang ugnayan nito sa isa’t-isa.

Mga SuSINg MeNSaHe

Mahalaga ang papel ng Barangay 1. Disaster Coordinating Council (BDCC) sa gawaing disaster preparedness. Ito ang pangunahing istruktura sa komunidad na may opisyal na atas sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa disaster risk reduction. Mahalaga, kung gayon, na nauunawaan ng mga kasapi nito ang kanilang mga tungkulin at pananagutan sa komunidad.

Sa kabila ng pagiging mahalaga at mapagpasya ng organisasyong 2. ito, kadalasan itong binubuo sa mga komunidad para lamang masabing mayroon silang BDCC. Sa ganitong sitwasyon, hindi lubos na naiintindihan ng mga itinalagang opisyal at miyembro nito ang kahalagahan ng istrukturang ito maging ang kanilang mga pangunahing tungkulin. Kung ang mga opisyal at miyembro ay hindi nauunawaan ang kahalagahan ng BDCC, lalong hindi ito mauunawaan ng lahat ng

Page 28: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

taga-komunidad. Dahil dito, mahina o walang suportang naibibigay ang komunidad sa BDCC. Ang lahat ng ito ay nagiging dahilan ng hindi pagiging epektibo ng BDCC.

May mga batas na naging daan sa pagbubuo ng BDCC. Kailangang 3. maunawaan ang konteksto kung saan ito binuo, at ang kahalagahan nito sa panahon ngayon.

Ang mga sumusunod na punto tungkol sa BDCC ay halaw sa Department of interior and Local Government (DILG) Manual ng 1977:

Batay sa mga rekisitong nakasaad sa 3.1. Barangay Disaster Preparedness Plan (BDPP), ang BDCC ay kailangang itatag upang magbigay ng proteksyon sa buhay at ari-arian sa lahat ng klase ng emergency.

Organisasyon – Ang pagbubuo ng BDCC ay dapat umaayon 3.2. sa mga partikular na pangangailangan ng komunidad. Binubuo ito ayon sa mga nakasaad sa BDPP at ang mga responsibilidad at tungkulin ng mga ito ay nakatakda sa manwal.

Batayang konsepto – Ang pinakadahilan ng pag-oorganisa 3.3. ng BDCC ay para sa pansariling proteksyon ng komunidad sa pamamagitan ng pagbuo at pagsanay sa mga miyembro nito upang maipatupad ang mga tungkulin ng mga komite.

Page 29: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Ang BDCC ay binubuo dapat ng mga pinakakwalipikadong 3.4. miyembro ng komunidad na nakapagsanay, o may mga karanasan at partikular na mga kasanayan, para sa proteksyon at pangangalaga sa mga taga-komunidad.

Nagbabalik-aral tungkol sa BDCC hindi para sukatin kung epektibo o hindi ang kasalukuyang pamunuan at kasapian ng BDCC. Hindi rin ito ang pagkakataon na singilin sila sa kanilang mga ginawa o hindi ginawa bilang mga opisyal at miyembro. Ang pagbabalik-aral ay ginagawa upang magbigay-linaw sa kanilang mga tungkulin at kung paano nila ito epektibong magagampanan. Ito rin ay paraan upang maintindihan ng mga taga-komunidad ang mga gawain at responsibilidad ng BDCC at mabigyan sila ng pagkakataong makatulong upang maging aktibo at epektibo ito.

Iisa-isahin ang mga kailangang ipaliwanag hinggil sa BDCC katulad ng istruktura at ibig sabihin nito, mga komite, mga kasapi at tungkulin ng bawat komite, at komposisyon at miyembro ng BDCC.

ORGANISASyON AT ISTRUKTURA NG BDCCAng sumusunod ay isang halimbawa ng istruktura ng BDCC.

Page 30: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ang BDCC ay binubuo ng mga action service at staff service na katumbas ng mga komite. Ito ang itinuturing na mga pangunahing komite. Ang mga sumusunod ang bumubuo ng action service:

warning service •rescue service•Evacuation service•Disaster relief service•Medical service•Fire Brigade service•Damage Control service •

Ang bawat komite ay may lima (5) hanggang sampu (10) o mas marami pang miyembro depende sa laki ng barangay.

Ang mga staff o support service naman ay binubuo upang magbigay ng suporta sa mga action service. Ito ay ang mga sumusunod:

security service•supply service•transportation service•Communications service•

Ang dalawang uri ng mga komiteng ito ang bumubuo ng Barangay Disaster Coordinating Council.

Bukod sa mga miyembro ng mga komiteng ito, hinihikayat na mas lalong paramihin pa ang mga sasanaying volunteer. Sa panahon ng disaster, tiyak na kakailanganin ang mas maraming tulong kaya’t mainam kung maraming

mahihikayat na magparehistro bilang boluntaryong miyembro ng BDCC. Ang mga volunteer ay makakatulong sa BDCC hindi lamang sa panahong may disaster kundi pati sa panahon bago at pagkatapos ng disaster. Mahalaga lamang tiyakin na sila ay dumaan sa mga pagsasanay.

Page 31: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Chairman: Felix C. OlorVice Chairman: Maximo Ticod

Mga tungkulin:Manguna sa pagpapatawag ng • emergency meeting na dapat lahukan ng Konseho ng Barangay at lahat ng namumuno sa mga komite ng BDCC; Manguna sa pakikipag-ugnayan sa MDCC upang magpa-•abot ng kalagayan ng barangay at humingi ng karagdagang tulong para sa pagtugon sa emergency situation;Mamuno sa implementasyon ng • Barangay Contingency plan;Sumubaybay sa lahat ng komite upang matiyak na lahat •ay gumagampan ng kanilang mga tungkulin; Kumuha ng mga ulat mula sa lahat ng komite upang tugunan ang •mga lilitaw na pangangailangan sa panahon ng emergency;Magbigay ng kautusan ng paglikas kung kinakailangan batay sa ulat •ng Early Warning Committee at batay sa EWS ng komunidad; atMakipag-ugnayan sa lahat ng mga posibleng • donor.

Staff TeamsSecurity CommitteePinuno: Eustaquio P. OdtohanMga kasapi: Carlito Maraon Lahat ng barangay tanod

Mga tungkulin:Mag-organisa o magbuo ng mga taong magbibigay ng seguridad, •kaayusan, at katahimikan sa barangay at sa evacuation center;Manguna sa pagbabantay ng mga ari-arian ng mga •residente sa komunidad at sa evacuation center;Manguna sa pagtitiyak sa maayos na daloy ng trapiko •ng mga sasakyan sa panahon ng paglikas;

MGA TUNGKULIN AT MGA RESPONSIBILIDAD NG BDCCAng mga tungkulin at responsibilidad ng mga miyembro ng BDCC ay nakasaad sa BDPP. Ang mga komite ng BDCC ay may kani-kanilang mga tungkulin na ginagampanan sa mga panahong may emergency. Upang maging sistematiko ang paggampan nila, kailangang magtakda ng mga regular na pagpupulong ang bawat komite at bumuo ng sariling sistemang gagabay sa kanila.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga tungkulin sa panahon ng disaster1 ng mga kumakatawan sa BDCC ng Bgy. Tambis 1 sa St. Bernard, Southern Leyte.

1 Mainam na ang mga tungkulin ay mahahati sa bago ang disaster, sa panahon ng disaster, at pagkatapos ng disaster

Page 32: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Humingi ng tulong mula sa munisipyo para sa karagdagang •seguridad at kaayusan sa panahon ng emergency;Magbigay ng kautusang pang-seguridad para sa lahat, maging •para sa seguridad sa gawain ng bawat Komite;Kasama ang mga kagawad ng mga purok, patuloy na mag• monitor ng kalagayan ng barangay at mag-ulat sa Chairman ng resulta ng pagmo-monitor; atManguna sa pagtitiyak ng katahimikan at kaayusan sa lahat ng pagkakataon.•

Supply CommitteePinuno: Ricardo AisoKasapi: Erlinda Olayon

Mga tungkulin:Manguna sa pagsasa-ayos ng mga kakailanganing suplay sa •panahon ng emergency nang may sapat na koordinasyon sa Chairman ng BDCC at sa iba pang komite;Mamili ng mga • relief good at iba pang pangangailangan ng mga tao;Mag-• turn-over ng mga suplay sa Relief Committee;Magpa-abot sa • Chairman ng status ng suplay dalawang (2) araw bago ito maubos;Makipag-ugnayan sa mga NGO at iba pang ahensya •na posibleng maging donor; atTumanggap ng donasyon mula sa iba’t-ibang •organisasyon, NGO, simbahan, at iba pa.

Transportation CommitteePinuno: Lorenzo PabioMga kasapi: Mr. Renato Odtohan Timoteo Libut Lahat ng may-ari ng sasakyan o nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan

Mga tungkulin:Manguna sa pagbibigay ng serbisyong transportasyon sa panahon ng • emergency;Manguna sa nagtitiyak na unang mailikas ang mga bata, •buntis, may kapansanan, matatanda at kasunod na maililikas ang mga karaniwang tao at mga alagang hayop;Magdala ng mga maysakit at • casualties sa ospital;Magdala sa mga tao sa mga tinukoy na evacuation center;•Mag-• monitor ng kalagayan ng mga kalsada at pagpapa-abot ng mga rutang ligtas at di- ligtas na daanan;Manigurong maayos ang pagpapasakay sa mga •lilikas upang hindi magkasakitan;Manguna sa pagtitiyak na ang lahat ng dapat lumikas •ay nakasakay at walang naiwan; atMakipag-ugnayan sa lahat ng komite na maaaring •mangailangan ng serbisyong transportasyon.

Page 33: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Communication Committee Pinuno: Raquel Odtohan Mga kasapi: Jonathan Pequero Dean Batuigas

Mga tungkulin:Manguna sa pakikipag-ugnayan tungkol sa lahat ng •impormasyon na may kinalaman sa disaster at ibahagi sa BDCC para sa maayos na pagtugon sa emergency;Tumanggap ng mensahe mula sa MDCC at ipa-abot ito sa BDCC;•Humingi ng dagdag na materyales at kagamitan para sa komunikasyon;•Makipag-ugnayan sa pinuno ng • Evacuation Committee upang tumulong sa pagbibigay impormasyon tungkol sa pagbakwit at sa pagbalik sa komunidad ng lahat; atMagsagawa ng mga talakayan o pag-aaral hinggil sa •kalusugan at kalinisan (health and sanitation).

Operating TeamsEarly Warning CommitteePinuno: Darwin EspolteroMga kasapi: Rodinson Pabio Nicomedes Pabio Rowell Lagrimas Neil Berongoy

Mga tungkulin:Manguna sa pag-alam ng mga babala at abiso mula sa Philippine •Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA)/ Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at magpa-abot ito sa BDCC para sa karampatang aksyon; Manguna sa pagtitiyak sa mahigpit na koordinasyon sa • Damage Control Committee para sa pagmo-monitor ng disaster situation;Magbigay ng babala sa mga tao at indibidwal sa buong •komunidad batay sa nakalap na impormasyon at sa mga karampatang aksyon na pinagdesisyunan ng BDCC;Manguna sa pagtitiyak na ang lahat ng kagamitan para sa • early warning ay nasa maayos na kondisyon lalo na sa panahon ng emergency (halimbawa: rain gauge, batingting, hand-held radio, megaphone, atbp.);Magsagawa ng regular na obserbasyon sa kalagayan o sitwasyon •ng panahon partikular ang pagtatala ng dami ng ulan lalo na kapag ang Warning level 1 ay idineklara na ng PAGASA;Magsumite ng ulat sa MDCC hinggil sa naitalang dami ng •ulan at iba pang mahahalagang obserbasyon; atTuluy-tuloy na mag-• monitor sa rain gauge at agad na magpa-abot sa BDCC Chairman kung nagiging delikado na ang sitwasyon upang makapaghanda para sa gagawing paglikas, kung kinakailangan.

Page 34: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Rescue CommitteePinuno: Maximo TicodMga kasapi: Antonio Espoltero Jr. Jaime Berdijo Leopardo Paña

Mga tungkulin:Manguna sa koordinasyon at pag-oorganisa ng iba’t ibang ahensya, mga •volunteer at iba pang rescue unit sa pagsasagawa ng rescue operation;Magsagawa ng aktwal na pagliligtas sa mga biktima at nasa aktwal na panganib;•Magsagawa rin ng pagkuha sa mga labi o katawan •ng naging biktima ng disaster;Manguna sa pagtitiyak na maayos ang lahat ng kagamitan at suplay •para sa pagsasagawa ng mabilis at maayos na rescue operation;Tumulong sa • Medical Committee sa pagliligtas ng buhay ng mga biktima;Magparehistro ng lahat ng tutulong sa rescue operation •bago sila magsagawa ng rescue operation;Manguna sa pagtitiyak ang pagtugon lalo na sa mga nasa mas malala •ang kalagayan, at mas bulnerable tulad ng mga bata at matatanda; at Sinisikap na hindi madagdagan ang pinsala sa taong nailigtas.•

Evacuation CommitteePinuno: Carmelita B. KuizonMga kasapi: Grace Olor Irenea Cabilan Daisy Berongoy Emelia Padil Editha Odtohan Anecita Amoguez

Mga tungkulin:Manguna sa paghahanda, kasama na ang pakikipag-ugnayan sa mga •kinauukulan, ng mga lugar o gusaling gagawing evacuation center; Manguna sa pagtanggap at pagrehistro ng mga bakwit; •Mamahala sa pabibigay ng • room assignment para sa mga bakwit;Mag-ulat sa BDCC • Chairman hinggil sa kalagayan ng mga pasilidad sa evacuation center at tumiyak na ang mga ito ay ligtas para sa mga tao;Magtiyak na mayroong • masterlist ng mga bakwit;Maghanda ng listahan ng kakailanganin sa paglikas at magtiyak ng mahigpit •na koordinasyon sa kinauukulang komite kagaya ng koordinasyon sa Relief at Supply Committee para sa mga pangangailangan sa mga relief good;Magsagawa ng oryentasyon o paglilinaw ng mga patakaran at sistemang dapat •sundin sa loob ng evacuation center upang mapanatili ang kaayusan at sistema;Bumuo ng mga • task group para sa mga gawaing may kaugnayan sa kalusugan, pagkain, sanidad, seguridad at impormasyon;Tumulong sa maayos na paglikas;•Tumulong sa mga • relief operation; atMagsagawa ng • networking, public information at pagpapalitaw ng pondo/rekurso (resource generation).

Page 35: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Relief Committee Pinuno: Vicenta A. MaraonMga kasapi: Cornelia Suhillo Irenea Cabilan Margie Merto Catalina Nantes Rosita Pabio

Mga Tungkulin:Tumanggap at mag-imbak ng mga • relief at iba pang emergency supply;Makipag-ugnayan sa • Evacuation Committee para sa listahan ng mga nakalikas na magiging basehan ng pamamahagi ng relief;Tumiyak na may maayos na listahan o imbentaryo ng •lahat ng suplay na natatanggap at naipamimigay; Mag-ayos ng sistema, at makipag-ugnayan sa • Security Committee para sa maayos na pamamahagi ng relief;Mamahagi ng mga • relief good sa mga pamilya ayon sa masterlist at sa pangangailangan ng mga bakwit; atTumiyak na may maayos na listahan ng nabigyan ng • relief sa pamamagitan ng pagpapapirma sa mga nakatanggap nito.

Medical CommitteePinuno: Leonita B. PabioMga kasapi: Junita Cabilan Perlita Batuigas Cerelina Cela

Mga tungkulin:Manguna sa paglalapat ng paunang-lunas (• first aid) sa mga sugatan o nasaktan;Mag-• monitor ng kalagayang pangkalusugan ng mga bakwit;Makipag-ugnayan sa Barangay Health Workers (BHW) at Barangay •Nutrition Scholar (BNS) na nakatalaga sa bawat purok upang malaman kung sino ang maysakit at nangangailangan ng atensyong medikal;Magsagawa ng kagyat na • referral sa Rural Health Unit (RHU) para sa mga may malubhang sakit o karamdaman;Tumulong sa pagsasagawa ng • feeding program para sa mga bata;Magbigay ng mga pag-aaral at oryentasyon tungkol sa •kalusugan at kalinisan upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkalat ng sakit habang nasa evacuation center;Tumiyak na mayroong sapat na suplay ng gamot para sa • first aid kit at nakikipag-ugnayan sa Supply Committee hinggil dito; Makipag-ugnayan sa • Fire Brigade Committee para matiyak na may sapat na malinis na tubig sa evacuation center;Magsagawa ng inspeksyon sa mga palikuran, paliguan, •at drainage sa loob ng evacuation center;

Page 36: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Partisipasyon – Lilinawin sa talakayan na hindi lamang opisyal 4. ng barangay ang maaaring maging kasapi ng BDCC. Bibigyang-diin na bukas ito sa lahat at mahalaga ang partisipasyon ng ordinaryong miyembro ng komunidad sa BDCC.

Ang BDCC ay binubuo dapat ng mga pinakakwalipikadong miyembro ng komunidad na nakapagsanay, o may mga karanasan at partikular na mga kasanayan para sa proteksyon at pangangalaga sa mga taga-komunidad.

Iwasan lamang ang pagiging miyembro ng isang tao sa iba’t ibang komite. Kapag naging miyembro sa maraming komite, hindi makagagampanang isang tao nang maayos sa kanyang tungkulin.

Sa aktwal na workshop, kadalasan ay hindi kumportable ang mga lider ng komunidad na balasahin ang BDCC. Habang kinikilala ng mga lider ang

Magrekomenda ng pagsasagawa ng • water testing kung kinakailangan;Manguna sa pagmo-• monitor ng pagtatapon ng basura upang matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa mga sakit na maaaring idulot ng hindi maayos ng pagtatapon nito;Mag-ulat hinggil sa bilang ng casualty sa RHU laluna •kung magtatagal sa evacuation center;Tumiyak na ang mga natatanggap na gamot ay hindi pa mag-e-• expire; atMag-ayos ng kalinisan at pangkalahatang kaayusan ng• evacuation center.

Damage Control CommitteePinuno: Nicomedes PabioMga kasapi: Eulalia Golez Marlyn Kuizon Ricardo Aiso

Mga tungkulin:Manguna sa pagmo-• monitor sa disaster situation na may mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Early Warning Committee;Manguna sa pagsasaayos at pagpapanumbalik ng mga mahahalagang •serbisyo katulad ng kuryente, komunikasyon, at tubig. Kasama rin dito ang pagsasaayos ng mga drainage kung kinakailangan;Manguna sa paglilinis at pagsasaayos ng mga kalye, tulay, at •iba pang maaaring daanan para sa maayos na paglikas;Manguna sa pagsasagawa ng mga gagawing pansamantalang bahay-•tuluyan (temporary shelter) kasama na ang mga pasilidad na kakailanganin kagaya ng palikuran, paliguan, drainage at iba pa;Magtukoy ng mga ligtas na lugar at ruta para sa paglikas; at•Manguna sa paghuhukay o pag-aayos ng paglilibingan •ng mga namatay kung kinakailangan.

Page 37: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

halaga ng pagsama sa BDCC ng mga volunteer at hindi lider, magkakaisa ang lahat na ang resulta ng workshop gaya ng komposisyon ng BDCC ay mungkahi lamang at mangangailangan ng aksyon ng konseho habang nasa sesyon ito para aprubahan ang contingency plan.

Dagdag pa, ang mga kalahok sa workshop ang mismong nagpapalista ng kanilang pangalan sa komite na napili nila. Sa ganitong paraan, hindi sila napipilitan lamang. Sila ay naninindigan na maging bahagi ng partikular na komite na pinili nila. Muli, ito ay mangangailangan ng aksyon ng konseho.

Ang MDCC ay bahagyang pinag-aaralan din sa antas ng 5. mga barangay at komunidad. Mahalagang malaman ang mga tungkulin ng MDCC at kung ano ang relasyon nito sa BDCC upang maintindihan ang mga aksyong isinasagawa ng MDCC sa panahon ng disaster. Mahalagang mapag-aralan ang relasyon ng dalawa upang magkatulungan sa palitan ng datos at pagkakaroon ng koordinasyon at pagtutulungan sa pagtugon sa panahon ng emergency.

Ang pagtatatag ng MDCC ay nakasaad sa Presidential Decree 1566.

Page 38: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

TUNGKULIN NG MDCC:

Magtatag ng isang sentro ng operasyon para sa mga panahong •may disaster o Disaster Operations Center (DOC);Magpapatupad sa buong munisipyo ng mga patakaran •ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC);Papayuhan at tuturuan ang mga BDCC tungkol •sa gawaing disaster risk management; at Magbigay ng mga rekomendasyon sa PDCC kung kinakailangan.•

Istruktura ng MDCC – ang sumusunod ay ang istruktura ng MDCC sa Calabanga, Camarines Sur.

Hon. Evelyn S. YuMunicipal Mayor

Chairperson

Assistant Chairperson

Disaster Operation Center (DOC)

OCD Deputized Officer

Com

mun

icat

ion

War

ning

and

Pub

lic

Info

rmat

ion

Engi

neer

ing

and

Dam

age

Cont

rol T

eam

Evac

uati

on

Team

Fire

and

Re

scue

Tea

m

Hea

lth

Team

Publ

ic S

afet

y an

d Se

curi

ty T

eam

Relie

f an

d Re

habi

litat

ion

Team

Tran

spor

tati

on a

nd

Gene

ral S

ervi

ces

Team

Disaster Analysis UnitPlans and Operations

UnitResources Management

Unit

Page 39: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Ang MDCC ay may tatlong (3) staff element, kaiba sa apat (4) ng BDCC. Ito ay ang mga sumusunod:

Disaster Analysis team•Plans and operations team•resources team•

May walong (8) task unit ang MDCC na kaiba din sa pito (7) ng BDCC. Ito ay ang mga sumusunod:

Communications, warning and Public information •transportation and General services•Evacuation team•Fire and rescue•health•Public safety and security•relief and rehabilitation•Engineering and Damage Control•

Tandaan: Mahalagang makipag-ugnayan ang BDCC sa MDCC at tukuyin kung sino sa kanila ang kanilang kaugnay o kausap lalo na sa pagsisinop ng CP at sa taunang pagrebisa nito kung kinakailangan. Kadalasan, ang umuugnay sa mga BDCC ay ang Deputized oCD o Municipal Planning and Development officer o kaya ay ng kinatawan ng DILG.

PaMaMaraaN aT daLoy

Balikan ang kasalukuyang komposisyon ng BDCC sa komunidad. 1. Alamin kung anu-ano ang mga komite na alam nila at mga tungkulin nito, sinu-sino ang mga miyembro at anu-ano ang isinasagawa ng mga ito sa ngayon.

Ikumpara ang kasalukuyang istruktura ng BDCC mula sa nasasaad 2. sa DILG Manual. Talakayin ang mga bahaging mahahalaga na hindi nauunawaan sa umiiral na sistema. Ipakita ang istruktura ng BDCC na nasa isang malaking papel.

Talakayin ang mga tala hinggil sa MDCC. Tingnan ang 3. pagkakapareho o pagkakaiba nito sa BDCC, laluna sa usapin ng mga komite at mga gawain nito. Kung papansinin, hindi magkapareho

Page 40: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ang mga komite ng BDCC at MDCC. Magkaiba rin ang lawak ng kanilang sakop at mga tungkulin. Maaaring ang mga komiteng magkakapareho ay mag-uugnayan upang mas malinaw ang pagtutulungan sa panahon ng emergency. Maaari ring magtakda ang MDCC ng mga komiteng katuwang ng mga komite sa BDCC upang mas malinaw kung sino ang mga lalapitan nito sa takdang panahong.

Ipaskil ang istruktura ng MDCC sa tabi ng istruktura ng BDCC upang makatulong sa pagtukoy ng mga pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang istruktura.

Ang mahalaga rito ay ang pag-unawa na ang mga organisasyong ito ay binuo para sa magkakaparehong layunin kaya’t mas maganda ang maidudulot ng mahigpit na ugnayan nila.

Pagkatapos ng talakayan, alamin kung sinu-sino ang gustong 4. magboluntaryo bilang miyembro ng mga komite. Kung maaari, lahat ng kalahok ay maging miyembro sa iba’t ibang komite. Mahalaga ang magiging papel ng mga bagong miyembro laluna’t nakapagtapos

Page 41: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

sila ng training at inaasahang mas may kakayahang gumampan ng maayos ng kanilang tungkulin.

Hatiin ang mga kalahok ayon sa kanilang mga komite at sagutan 5. ang tanong na: ano sa tingin nila ang dapat nilang gawin kung mangyayari ang worst-case scenario sa kanilang lugar. Sa pagkakataong ito, tutulungan ng tagapagpadaloy ang bawat komite na makapag-isip ng mga panimulang gawaing kailangan upang magampanan nilang mabuti ang kanilang mga tungkulin. Halimbawa rito ay anong mga paghahanda ang kanilang kailangang gawin habang walang nagbabadyang panganib, sino ang kanilang mga dapat ugnayan, ano ang sistemang susundin sa panahon ng disaster, at iba pang mga aktibidad na kailangang isagawa bago, sa panahon ng, at pagkatapos ng isang disaster.

Sa pag-uulat ng bawat grupo, ikumpara ang listahan ng mga gawain 6. na resulta ng kanilang workshop mula sa mga gawain na nakasaad sa DILG Manual. Iproseso ito hanggang sa maintindihan ng bawat kalahok ang gawain ng BDCC at ng bawat komite.

Balikan ang mga komite at ang mga napagkasunduang gawain ng 7. mga ito at tingnan ang komposisyon ng mga ito. Itala rito ang mga bagong volunteer mula sa mga nakapagtapos ng mga training at batay sa kasanayan ng mga ito.

Isaalang-alang na ang 8. tasking ay voluntary. Ang mga nagsasanay na hindi pa kasapi ng mga komite ang siyang pipili kung saan nila gustong magpalista. Ang kabuuang resulta ay ihaharap sa kapulungan at pag-uusapan ng maayos kung may mga hindi pagkakasunduan.

Ipapaliwanag na ang lahat ng napagkasunduang pagbabago sa 9. gawain at miyembro ay ipapa-abot sa konseho ng barangay upang hingin ang kanilang pagsang-ayon.

Page 42: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

MaTeryaLeS Na KaILaNgaN

DILG • ManualBiswal ng BDCC at MDCC • structureManila paper•Pentel pen•Masking tape•

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Page 43: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Sesyon 6. Action planning

LayuNIN

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay makabubuo ng isang action plan na kakayaning ipatupad ng buong barangay sa loob ng isang taon.

Mga SuSINg MeNSaHe

Ang 1. action plan ay isang planong kayang isagawa ng komunidad sa isang takdang panahon (isang taon) upang makatulong sa pagkamit ng layunin ng Contingency plan.

Ang action plan ay naglalaman ng mga gawain o hakbang na gagawin bago, habang at pagkatapos ng disaster na kayang isagawa sa loob ng isang taon. Tinutukoy din dito kung kailan dapat isagawa ang mga hakbang na ito, sinu-sino ang mga dapat na magpatupad at gumawa ng mga ito, at anu-ano ang mga rekursong gagamitin o kakailanganin sa pagsasagawa ng mga ito.

Ang 2. action plan ay nakabatay sa sariling kakayahan at rekurso ng barangay at hindi nakaasa sa tulong na maaaring manggaling sa labas ng barangay.

Ang 3. action plan ay bahagi ng contingency plan ng barangay. Sinisikap nito na maabot, sa isang takdang panahon, ang ilang rekisitos upang ang kabuuang layunin ng contingency plan ay makamit.

Ang mga gawaing nakapaloob 4. sa action plan ay hinahalaw mula sa mga risk reduction measure

Page 44: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

na natukoy ng komunidad na ibinatay naman sa resulta ng kanilang community risk assessment (CRA).

Ang action plan ang naglalaman ng mga:Mga • risk reduction measure na kayang ipatupad sa loob ng isang taon; Mga gawaing • advocacy na gagawin ng BDCC para sa mga risk reduction measure na pangmatagalan at mangangailanagn ng rekurso mula sa labas; atMga gawin para matupad ng BDCC ang mga tungkulin nila.•

Dalawa ang basehan ng action plan: ang mga resulta ng CRA, partikular ang risk reduction measures, at ang mga tungkulin ng BDCC at mga komite nito.

Ang mga puwang o 5. gap na resulta ng pagkumpara ng mga pangangailangan at ang hawak na mga rekurso ay kabilang sa mga bagay na dapat gawin bago ang isang disaster o bago ang tinatantyang panahon ng pagdating ng tinutugunang hazard. Isinasama rin ang mga ito sa action plan.

Page 45: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Kadalasan, ang mga gawain sa 6. action plan ay nakatuon sa paghahanda para sa disaster.

Tandaan natin na kagaya ng kinapapalooban nitong 7. contingency plan, ang action plan ay hazard-specific din.

Upang maintindihan ang mga salitang kadalasang gamit ng mga 8. lokal na pamahalaan, ang Action plan sa NDCC ay tinatawag nilang sectoral Plan. May dinadaanang proseso na tinatawag nilang Planning Assumptions. Dito, tinutukoy kung magkano ang kailangang budget, para saan ito gagamitin, saan ito kukunin, kung magkano ang calamity fund ng barangay, at ilang araw ang itatagal ng pondo kapag may disaster.

Ang prosesong ito ay dinadaanan sa pagbuo ng Action Plan ng komunidad. Sa Susing Mensahe #5 sa itaas, hindi kaiba ang layunin ng proseso kung saan ikinukumpara ang mga natukoy na mga pangangailangan sa kasalukuyang hawak na rekurso. Ang mga puwang o kakulangan ay tinutukoy at pinaplano kung saan ito posibleng makukuha, at kung kailan at sinu-sino ang gagawa ng paraang ito. Sa prosesong ito, nililinaw na hanggat maaari, ang tutukuying gawain ay iyong nakabatay sa sariling kakayahan at rekurso ng komunidad upang matiyak na magagawa ito. Sa mga mahalagang gawaing hindi maiwasan na mangailangan ng pondo, tutukuyin kung saan ito makukuha o maaaring mailapit at pagtutulungang aksyunan ng mga komite. Iiwasang magplano ng mga gawaing nakabatay sa mga rekursong hindi pa hawak ng komunidad o hindi tiyak ang pagkukunan.

PaMaMaraaN aT daLoy

Ilatag ang napagkaisahang 1. worst-case scenario ng barangay sa buong kapulungan. Kasamang ilahad ang listahan ng mga natukoy na kakailanganin (anticipated needs) at listahan ng mga rekursong mayroon na ang komunidad. Batay sa mga nabanggit, tutukuyin ng mga kalahok: (1) ang mga puwang o mga kailangan pang hanapin o aksyunan (gaps); at (2) kung aling komite ang dapat umaksyon upang mapunan ang mga puwang na ito.

Page 46: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Hatiin ang mga kalahok ayon sa kinapapaloobang mga komite ng BDCC. 2. Balikan ang worst-case scenario, ang mga natukoy nilang gawain ng komite, at mga naihanay na risk reduction measure. Mula sa mga ito, ilalatag ng bawat komite ang mga hakbang na dapat nilang gawin.

Ipakita sa mga kalahok ang biswal ng 3. worst-case scenario habang nakapaskil naman sa pisara ang mga listahan ng mga kasapi ng bawat komite. Ibalik sa mga komite ang binuo nilang mga listahan ng mga gawain (resulta ng naunang workshop). Mula dito ay pasagutan at ipagawa sa bawat grupo ang mga sumusunod:

a. Tukuyin kung alin sa mga puwang ang dapat isagawa ng kanilang komite at talakayin kung paano nila ito maaaksyunan. Bukod sa natukoy na mga puwang, itanong din kung anong mga paghahanda ang dapat nilang isagawa bilang komite upang magampanan nila ang mga natukoy na emergency task at function ng komite.

b. Itakda ng bawat grupo ang iskedyul kung kailan nila maisasagawa ang mga natukoy na gawain. Kasama na ring tukuyin ang mga rekursong kakailanganin upang maisagawa ang mga ito.

c. Ipaalalang muli sa mga kalahok na pangunahing tukuyin ang mga rekursong hawak na nila sa komunidad. Ito ang mga kagamitan o pondo na kayang desisyunan ng konseho kapag may emergency. Sa ganitong paraan, matitiyak na ang natukoy na gawain o aktibidad ay maisasagawa ng walang malaking problema. Hindi naman pagbabawalang magtukoy ng mga gawaing mangangailangan ng rekursong higit sa kung ano ang mayroon sa komunidad. Laluna kung ang mga natukoy na gawain ay napakahalaga para sa kahandaan ng barangay. Tutukuyin lamang kung saan maaaring manggaling ang mga natukoy na rekurso at anu-anong mga hakbang ang kailangang isagawa upang matiyak na mapasakanila ito bago pa man ang panahon ng emergency. Kung ang mga natukoy na gawain ng mga komite ay kumplikado, maaari nila itong hati-hatiin at gawing serye ng mga hakbang o mga aktibidad na kailangang isagawa upang makamit ang pangunahing gawaing natukoy. Mahalagang lagyan din ng karampatang iskedyul at mga rekursong kakailanganin ang bawat hakbang.

Page 47: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

aktibidad 1: Pagtakda ng mga maaayos na evacuation center

Mga kailangangang isagawa upang makamit ang natukoy na aktibidad:Magtukoy ng mga posibleng 1. evacuation site;Puntahan isa-isa ang mga posibleng 2. evacuation site upang tiyakin na umaayon ang lugar sa mga rekisitos ng tamang evacuation center; atMagsagawa ng koordinasyon sa mga taong namamahala sa mga lugar na napili.3.

Upang makatulong sa pagsagot ng mga komite, magpaskil ng halimbawa ng isang table kung saan mas malinaw na makikita ang mga tanong na dapat sagutin ng mga kalahok at ang pagkaka-ugnay-ugnay ng mga ito.

Halimbawa:

Komite ng Suplay

Gawain Sino ang responsable

Kailan ito isasagawa Budget

Saan kukunin ang budget

Pagsasagawa ng miting ng Komite upang tukuyin kung anu-ano ang mga maaaring kailanganin sa panahon ng emergency

SussieNobyembre 2007

Wala

2. Paghahanda ng memorandum of agreement (MOA) o pakikipag-usap sa mga maaaring utangan ng suplay sa panahon ng disaster

Connie / Aileen

Wala

3. Pakikipag-ugnayan sa mga posibleng donor sa panahon ng emergency

SussieNobyembre 2007

Wala

4. Tiyaking may hawak na kopya ng masterlist ng mga residente ng barangay upang maging basehan sa pagpaplano

SussieNobyembre 2007

Wala

Halimbawa:

Page 48: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Gawain Sino ang responsable

Kailan ito isasagawa Budget

Saan kukunin ang budget

Sa Panahon ng Disaster

1. Pakikipag-ugnayan sa BDCC Chairman tungkol sa mga pangangailangang suplay ng komunidad

SussieSa aktwal na emergency

Wala

2. Pakikipag-ugnayan sa lahat ng Komite upang maipa-abot sa kanila ang mga pangangailangan sa suplay

SussieSa aktwal na emergency

Wala

3. Pagbili / paghahanda ng mga goods, gamot at iba pang suplay na kinakailangan

Sussie at iba pang miyembro ng Komite

Sa aktwal na emergency

Calamity fund ng BDCC

4. Pag-turn-over ng mga suplay sa Relief at Health Committee

Sussie at mga miyembro ng Komite

Sa aktwal na emergency

Wala Wala

5. Pagtulong sa pamamahagi ng mga relief good at pagpapapirma sa mga nakatanggap nito

Sussie at mga miyembro ng Komite

Sa aktwal na emergency

Wala Wala

d. Balikan ang mga itinakdang layunin at pag-aralan kung makakamit ba ang mga ito kapag naisagawa ang lahat ng natukoy na mga aktibidad. Mula dito ay makikita ng mga komite kung anu-ano pa ang mga mahahalagang gawaing kailangang maisagawa upang makamit ang layunin nila.

4. Pag-uulat at pagbubuo ng sesyon. Pagkatapos mag-ulat ng lahatng grupo, pagsama-samahin ang lahat ng mga resulta ng workshop at bubuuin ito ayon sa mga gawain ng BDCC bago, habang, at pagkatapos ng disaster.

Page 49: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

MaTeryaLeS Na KaILaNgaN

Mga biswal ng • worst-case scenario, mga komite ng BDCC, halimbawa ng action plan matrixMga kopya ng resulta ng unang • workshop tungkol sa mga gawain ng bawat komiteManila paper•Pentel pen•Masking tape•

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Mga Pinagsanggunian

1. Mga dokumento ng Project ACCORD, 2008.2. Bgy. Tambis 1 Contingency plan, St. Bernard. 2008

Page 50: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sesyon 7. Pagbubuo ng mga Patakaran at Alituntunin para sa Panahon ng Disaster

LayuNIN

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay makabuo ng mga patakarang gagabay sa kanila sa panahon ng emergency at makatutulong sa pagtugon sa layuning itinakda nila.

Mga SuSINg MeNSaHe

Sa panahon ng 1. disaster, kailangan ang malinaw na mga patakaran upang hindi magkalituhan at makadagdag sa napakaraming problemang hinaharap ng barangay sa kritikal na panahong ito. Sa panahon ng disaster, inaasahang magulo ang pangkalahatang sitwasyon, maraming gawain ang kailangang harapin, maraming tao ang nangangailangan ng tulong, at marami rin ang kailangang tumulong.

Kadalasan din, lumilitaw ang mga bago at hindi inaasahang problema at kapag hindi handa ang barangay ay makasisira ang mga ito sa sistematikong operasyon ng pagtulong.

Kapag walang nakahandang patakaran, tiyak na maraming panahon, pera at iba pang rekurso ang masasayang lamang. Sa ganitong kalagayan, hindi magiging epektibo ang barangay sa pagpigil ng paglala ng sitwasyon.

ANG SUMUSUNOD Ay MGA PATAKARANG KAKAILANGANIN SA 2. PANAHON NG EMErGEnCy:

Mga pangkalahatang patakaran ng • Barangay Disaster Coordinating Council o BDCC. Kabilang dito ang: pagtutukoy ng punong tagapagbigay ng mga atas at kahalili nito; mga paglilinaw sa mga responsibilidad ng mga komite; mga tungkulin ng lahat ng kasapi ng BDCC at maging ng lahat na mamamayan.

Page 51: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Bukod sa nakasulat na mga tungkulin ng BDCC at ng bawat komite nito, may mga patakarang kailangang buuin kaugnay sa pagtugon sa mga partikular na kalagayan at pangangailangan ng bawat komunidad. Halimbawa: pagtutulungan ng BDCC at ng iba pang aktibong mga grupo sa komunidad (simbahan, kabataan, at iba pa) para sa mas epektibong pagtugon sa sitwasyon ng disaster.

Mga pamamaraang susundin sa pagtatasa ng sitwasyon sa •panahon ng emergency tulad ng pagsunod sa kalakarang magsagawa ng damages, needs, and capacities assessment o DNCA bago magdesisyong magsagawa ng pamamahagi ng relief. Sa bubuuing patakaran, mahalagang matukoy kung sinu-sino ang dapat responsable sa pagsasagawa ng DNCA.Mga patakaran at alituntunin sa pagpili ng mga benepisyaryo. Dapat •na mailinaw ito sa mga lider at sa buong komunidad upang hindi maapektuhan ng pulitika o pagpapabor sa ilang miyembro lamang at hindi rin maging dahilan ng inggitan ng mga taga-komunidad. Mga alituntunin sa pag-oorganisa ng • relief operation.Mga patakarang susundin sa kondukta ng • rescue at first aid.Mga patakaran at alituntunin hinggil sa pinansya at •pamamahala ng mga suplay (supplies management).

Page 52: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Mga pangkalahatang patakaran na gagabay sa lahat ng •gawain sa panahon ng emergency kagaya ng pagpapanatili at pagtitiyak ng transparency sa mga gawain. Mahalagang tiyakin ito laluna sa mga sensitibong gawain kagaya ng pamimili ng benepisyaryo ng relief operations, pagtanggap ng mga donasyon, at pamamahala sa pinansya at mga suplay.

Mahalagang malaman din ng taga-komunidad ang mga patakarang 3. nakasaad sa BDCC Manual at mga patakarang binuo ng MDCC. Ang pag-alam sa mga nakasaad sa batas at sa mga patakarang ipinatutupad ng munisipyo at ng barangay ay magiging gabay upang maintindihan nila ang mga aksyon ng MDCC at ng BDCC.

Mahalagang maunawaan ng mga taga-komunidad na hindi arbitraryong sinusunod ang mga patakarang nakasaad sa manwal. Dapat ay pag-aralan muna kung angkop ito sa kalagayan ng komunidad. Ang pag-aaral na ito rin ang makatutulong sa pagbubuo nila ng dagdag pang mga patakarang makatutulong sa pagbawas ng kalituhan sa mga panahong ito.

Sa pag-aaral sa nilalaman ng manwal ng MDCC at BDCC, nalalaman ng mga taga-komunidad kung may mga magkakasalungat na patakaran o mga patakarang hindi nakatutulong sa pagiging epektibo ng isa pa. Makatutulong ito sa pagsisinop ng mga patakaran.

Mahalaga ring tiyakin na ang mga patakaran ay hindi lamang mga patakarang nababasa sa manwal kundi mga patakarang madaling nasusundan at aktwal na naisasagawa ng komunidad.

PaMaMaraaN aT daLoy

Alamin kung may mga umiiral na patakaran o mga ordinansa na 1. ipinapatupad sa kanilang barangay na may direktang kaugnayan sa paggampan ng mga gawain sa panahon ng emergency. Isusulat ang mga ito at ikukumpara sa mga patakaran na nilalaman ng BDCC Manual ng Department of Interior and Local Government o DILG at sa mga patakarang nabuo naman sa antas ng Municipal Disaster Coordinating Council o MDCC (kung mayroon).

Page 53: Pagbubuo ng Contingency Plan · 2020. 10. 6. · • Paghahanda ng mga dagdag na sipi o annex Lalagumin ng tagapagpadaloy ang talakayan sa pamamagitan ng pagpipinal ng disenyo ng

Pagbubuo ng Contingency Plan

Upang makatulong sa pagsisinop ng mga patakaran, magbigay ng 2. ilang halimbawa ng mga problemang maaaring mangyari sa panahon ng emergency. Maaaring gamiting halimbawa ang karaniwang usapin ng diumano’y pagpapalit ng sardinas sa mga donasyong corned beef o kaya’y mga kamag-anak lamang ng mga nasa pamunuan ang nakatatanggap ng mga relief goods.

Mas mabuti kung ang mga problemang gagamitin bilang halimbawa ay mga aktwal nang kinaharap ng mga tao sa barangay sa mga nagdaang sitwasyon ng emergency upang mas madali nilang maunawaan ang kanilang mga magiging batayan sa pagbubuo ng wastong patakaran.

Batay sa mga halimbawang nabanggit at sa naging daloy ng 3. talakayan, magbubuo ng mga patakaran sa panahon ng disaster ang mga kalahok.

MaTeryaLeS Na KaILaNgaN

Biswal ng mga patakaran ng BDCC mula sa DILG • ManualManila paper•Pentel pen•Masking tape •

TagaL Ng SeSyoN

Dalawang oras

Mga Pinagsanggunian

1. Mga dokumento ng Project ACCORD, 2008.2. Contingency plan ng Bgy. Tambis 1, St. Bernard, So. Leyte. 2008.3. Contingency plan ng MDCC, St. Bernard Municipality, So. Leyte. 2008.4. Contingency plan ng MDCC, Calabanga, Cam. Sur. 2008.