OUTCROPOPISYAL NA PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS BAGUIO | MAPAGPALAYANG KAISIPAN SA MALAYANG PAHAYAGAN | TOMO 34 | ISYU 03 | AGOSTO 2007
PAGLUPIG SA BARIKADA
Ang Pagkilos ng mga Estudyante Laban sa Tuition at Laboratory Fee Increase
Hindi napigilan ng mga lubid na
nakapalibot sa lobby ng Iskolar
ng Bayan Building ang humigit-
kumulang 800 na estudyanteng
nag-walkout sa klase para tawirin
ito at iparating sa Board of Regents
(BOR) ang kanilang panawagang
ibasura ang pagtataas ng mga bayarin
sa unibersidad.
Sa protestang naganap noong ika-22 ng
Agosto sa UP Baguio (UPB), iniulat ni Student
Regent Terry Ridon sa mga estudyante ng
UPB na nakumbinsi ang BOR na kawawa
ang UP kapag ipinagpatuloy ang pagpataw ng
mataas na matrikula. Ito ay matapos niyang
ipresenta ang isang preliminary policy review sa
ginanap na miting ng BOR sa kampus sa araw
na iyon. Dinagdag pa niyang nagkamali ang
BOR sa pag-apruba noong December 15, 2006
ng implementasyon ng pagtataas na ito.
Sa naganap na miting, iminungkahi ni Ridon
ang pansamantalang pagtigil ng pagpataw ng
mataas na matrikula sa susunod na semestre.
Sinabi naman ni UP President Emerlinda
Roman sa mobilisasyon na gustuhin mang
isuspinde ang nasabing pagsingil ng mataas na
matrikula, malabong aprubahan ito ng BOR.
Bagaman naniniwala si Roman na hindi ito
papayagan ng BOR, sinabi niyang “The board
is open. Everything is transparent.” Ang BOR ang
pinakamataas na tagagawa ng polisiya ng UP.
Preliminary Policy Review
Iniulat ni Ridon sa mga estudyanteng
nagprotesta ang ilan sa mga napag-usapan sa
nabanggit na miting. Kabilang na dito ang
pagtalakay sa isinumite niyang preliminary
policy review. Ito ay ukol sa epekto pagtaas ng
matrikula at iba pang bayarin ng mga freshmen
sa lahat ng kurso sa buong UP System ngayong
semestre. Dito ipinakitang lalong mababawasan
ang kukuha sa mga kursong matatawag na
“hindi marketable” at posibleng mawala ang mga
ito. Isang tinuturong dahilan sa posibilidad na
ito ang mataas na matrikula.
“Mismong academic integrity, bukod sa
usapin ng democratic access to education,
ay wawalisin nang buong-buo ng ganitong
patakaran ng komersalisasyon, ang patakaran
ng pagpataw ng mataas na matrikula,” dagdag
ni Ridon.
Base sa pananaliksik ng mga konseho ng
mag-aaral sa UP, ipinakita ni Ridon na dati
nang kakaunti ang kumukuha ng mga kursong
“hindi popular”, at lalong nabawasan ang
nagtuloy sa pagkuha ng mga ito ngayong taon.
Ilan sa mga di-popular na kursong kasama
sa pag-aaral ang BA Filipino, BA Araling
Pilipino at BS Social Work, kung saan wala sa
mga pumasa ng UP College Admission Test
(UPCAT) ang nag-enrol o tumuloy sa pagkuha
ng mga ito ngayong semestre.
Sa naganap na kilos-protesta, sinabi ni
Roman na makikipagtulungan ang kanyang
administrasyon sa opisina ni Ridon sa
pagpapatuloy ng nabanggit na pananaliksik.
Dinagdag pa niyang sa kauna-unahang
pagkakataon, nakapagsumite ng isang
“substantial” na ulat ang isang Student Regent.
Pagtaas ng laboratory fee sa UP Manila
Inaprubahan rin ng BOR sa nabanggit na
miting ang pagtaas sa P 1 000 ng laboratory fee
sa lahat ng klaseng may laboratory component
sa UP Manila (UPM), ayon kay Ridon.
Ayon kay Roman, mismong mga estudyante
ng UPM umano ang humiling ng pagtataas sa
isang konsultasyon. Ito ay dahil sila mismo ang
bumibili ng “expendable materials at supplies,”
gaya ng mga kemikal at reagents para sa kanilang
mga eksperimento.
Naniniwala si Ridon na ang pagsisimula ng
pagtataas ng laboratory fee sa isang kampus ay
magbubunsod ng iba pang pagtaas ng bayarin
maging sa ibang kampus. “Hindi pa nagtatapos
ang mga sunud-sunod na pagpapanukala ng
pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin
sa Pamantasan ng Pilipinas,” aniya.
Dayalogo
Sa pangalawang pagkakataon, hinarap ni
Roman ang mga estudyante ng UPB sa isang
open forum sa isang mobilasyon. Matatandaang
sa isang miting ng BOR na ginanap sa kampus
noong ika-29 ng Setyembre 2006, kung
kailan ipinapanukala pa lamang ang pagtaas ng
matrikula at iba pang bayarin, nagsalita rin ito
sa harap ng 700 na estudyanteng nag-walkout
sa klase.
Kinuwestyon ni Deo Florence Onda,
Tagapangulo ng Konseho ng Mag-aaral ng
UPB, kung bakit balak pang itaas ang mga
laboratory fee, maging sa UPB, samantalang
makakakolekta naman nang mas malaki ang
unibersidad sa pagtaas ng matrikula ngayong
taon. Binabalak itaas ang laboratory fee sa mga
asignatura ng Biolohiya, Computer Science, at
isang asignatura ng Matematika sa College of
Science (CS) ng UPB. Pinapanukalang itaas sa
P400-P500 kada unit ang kasalukuyang P200-
P300 laboratory fee dito. (Tignan ang artikulong
Pagpupuno sa Kakulangan sa pahina 2)
Sinabi ni Roman na gagastos ang unibersidad
para sa mga karagdagang permanenteng
NIÑA CAMILLE PACIAL AT ANNE KATHLEEN PAYOS
PAGLUPIG SA BARIKADA / PAHINA 3
02 BALITABALITA UP BAGUIO OUTCROP \ TOMO 34 \ AGOSTO 2007 \ ISYU BLG. 3
KUHA NI SANDRA FERWELO
SITIO MALAPIAT, RIZAL, KALINGA
HULYO 31, 2007
ISANG BUWAN MATAPOS ANG MASAKER.
Hay bata, kung mabubusog ka la-mang sa pagkagat sa iyong mga daliri, maiinda mo na ang gutom na nararanasan mo ngayong wala na ang iyong mga magulang na kabilang
sa mga nasawi sa madugong demolisyon.
sa mgapagpuno
ANNE KATHLEEN PAYOSKONTRIBUSYON NI MARK LESTER RIVERA
Wastong alokasyon ng badyet
ang panawagan ngayon ng
University Student Council (USC)
sa gitna ng paggigiit ng Kolehiyo ng
Agham (College of Science o CS) ng
pagtataas ng mga bayarin sa mga klase
ng laboratoryo.
Itinampok sa mga naganap na
konsultasyon sa CS nitong buwan
ng Agosto ang ipinapanukalang
pagtataas ng mga laboratory fee,
partikular na sa Departamento ng
Biolohiya at Departamento ng
Matematika at Computer Science, na
may kakapusan ng pondo para sa mga
gastusin sa laboratory component ng
mga asignatura.
Sa kasalukuyan, nagbabayad
ang bawat estudyante sa Programa
ng Biolohiya ng P200-P300 na
laboratory fee kada asignaturang may
laboratory component. Pinapanukala
ng Departamento ng Biolohiya na
itaas ito sa P300-P500. Para sa Biology
200 (Undergraduate Thesis 1 at 2)
na kasalukuyang walang laboratory
fee, balak itong patawan ng P 1000
na laboratory fee. Balak ipatupad
ang mga nasabing pagtaas sa susunod
na semestre ng kasalukuyang taong
pang-akademiko. Para sa Disiplina ng
Chemistry naman, mula P300, balak
gawing P500 ang laboaratory fee,
maliban sa Chemistry 11.
Kasalukuyang P200–P300 ang
laboratory fee sa mga asignatura ng
Computer Science (ComSci). Para
sa asignaturang Math 182 naman,
kakulangan
kaliwangsulok
SHARMAINE BILLIONES
Dahil sa mga naganap na
karahasang kinasangkutan
ng mga kabataan, nagpatupad ang
pamunuan ng Lungsod ng Baguio
ng mas pinaagang curfew para sa
mga minor de edad.
Alinsunod sa ipinalabas ng
Opisina ng Alkalde ng Lungsod ng
Baguio na Executive Order (EO)
086, ang curfew para sa mga minor,
na dating mula alas nuwebe ng
gabi, ay ginawang mula alas syete
ng gabi na hanggang alas singko
ng umaga kinabukasan. Ito umano
ay eksperimental na solusyon para
maiwasan ang pagkakasangkot ng
mga kabataan sa mga aberya sa
lungsod kapag gabi. Sinimulan ito
noong ika-23 Hulyo na inasahang
matatapos noong ika-23 ng Agosto
Ngunit muli ay naglabas ng
panibagong panukala ang alkade
sa inilabas na Executive Order
04. Pinagtibay ng E.O 04 ang
pagkakaroon pa ng kaukulang
oras para mapag-aralang mabuti
ang naganap na curfew. Nakasaad
dito na ang pag-aaral ay dapat
dumaan sa legislative process.
Dahil dito, binibigyang oras pa ang
Sangguniang Panlunsod ng Baguio
upang pag-aralan ang pagbibigay
kaganapan ng Amendatory
Ordinance alinsunod sa Ordinance
Numbered 71, Series of 1991 ukol
sa pagpapatupad ng curfew sa mga
minor.
Gang-related violenceAyon kay Alkalde Reynaldo
Bautista ng Lungsod ng Baguio,
marami na ang mga nagsusulputang
gangs at fraternities na nasasangkot
sa mga kaguluhan. Mga bayolenteng
pambubugbog, maging mga
pamamaslang ng mga taong
napagdidiskitaan ang ikinakabit
sa mga pangalan ng mga naturang
grupo. Kadalasang namamataan
sila sa paligid ng Sunshine Park, sa
Baguio City National High School,
at sa Burnham Park.
Nilalayong bigyang solusyon ng
ordinansa ng lungsod ng Baguio
ang mga naturang akto ng juvenile
delinquency. Ayon sa E.O. 086,
bahagi ng pagsasakatuparan ng
curfew ng nakasaad sa Seksyon
16 ng Local Government Code
o Republic Act (RA) 7160 na
panatilihin ang kapayapaan at
kaayusan sa nasasakupang siyudad.
Bahagi rin ito ng nakasaad sa
Section 2 ng RA 9344 na espesyal
na pagbibigay proteksyon sa mga
kabataan.
Ayon pa sa E.O. 086, ang mga
magulang mismo ng mga minor
de edad ang nagmumungkahi na
magkaroon ng kaukulang solusyon
sa mga nagaganap na kaguluhan
kapag gabi. Nakakabahala rin
umano na pabata nang pabata ang
mga nagiging miyembro ng mga
Curfew sa Baguio, mas pinaaga para sa mga Minor
P200 ang laboratory fee. Nais itaas
sa P500 ang bayad ng asignatura ng
Computer Science at P400 para sa
Math 182. Balak din maipapatupad sa
susunod na semestre ang pagtataas.
Ayon sa inilabas na praymer ng
Departamento ng Biolohiya, ang
pagtataas ng laboratory fee ay dahil sa
mga problema sa mga kursong may
laboratoryo, na kalakhan ay dulot
ng kakapusan ng mga kagamitan,
mga kemikal, mga glassware at iba
pa. Sa ginanap na konsultasyon
para sa Departamento ng Biolohiya
noong ika- 13 ng Agosto, ipinakita
ng puno nitong si Propesora Rose
Mary Gutierrez ang mga break-
down ng mga gastusin at pondo para
sa laboratoryo, base sa Ikalawang
Semestre ng Taong Pang-akademiko
2006-2007.
Sa konsultasyon sa Departamento
ng Matematika at Computer Science
(DMCS) na ginanap noong ika–18 ng
Agosto, sinabi ni Jerico Bacani, puno
ng departamento, na ang pagtataas
ng laboratory fee ay para umano
mapunan ang parte ng gastusin para
sa pagmintina at pag-update ng mga
equipment, na karamihan ay mga
kompyuter.
“Full-return Policy”
Ipinapangako ng administrasyon ng
CS na mapupunta sa mga estudyante
ang lahat ng binayaran nila. “I will
make sure that the full-return policy
shall be implemented,” ani Propesor
Wilfredo Alangui, Dekano ng
Kolehiyo ng Agham, sa konsultasyon
ng Departamento ng Biolohiya.
Sa dalawang konsultasyon, iginiit
naman ng ilang estudyante na dapat
masakop na ng pagtaas ng tuition sa
UP nitong taon ang mga gastusin
na ipinakita ng mga nabanggit na
departamento. Magkakaroon umano
ng pagdodoble o redundancy ng
mga bayarin sa parte ng estudyanteng
naapektuhan ng pagtatas ng tuition sa
UP ngayong taon. Ayon pa umano sa
praymer na inilabas ng administrasyon
ng UP System, ukol sa Tuition and
other Fee Increase (TOFI), direktang
benepisyo ng TOFI ang mas de-
kalidad na serbisyo. Ilan sa mga ito
ay ang pagkakaroon ng “increased
internet access” at “well-maintained
teaching and research laboratories...”
Ayon naman kay Alangui, maaaring
kuhanin ang pagbili ng “malalaking”
equipment sa makokolekta sa pagtataas
ng tuition. Para kay Alangui, ang
maiituturing na malaking equipment
S IPAT SA PAGTATAAS NG LABORATORY FEE SA KOLEH IYO NG AGHAM
nabanggit na gangs at fraternities
sa lungsod.
Tungkulin ng Lokal na Pulisya ng
Baguio na maipatupad ang curfew.
Pinapapaubaya naman ng mga pulis
sa opisina ng City Social Welfare
and Development (CSWD) ang
sinumang kabataang makita sa labas
sa nabanggit na oras. Alinsunod sa
probisyon ng RA 9344, ang CSWD
ang siyang responsable sa pagkontak
sa magulang o tagapangalaga ng
kabataang nasa pangangalaga ng
ahensya.
Hindi sakop ng curfew ang mga
estudyante ng kolehiyo na wala
pang 18 taong gulang kung may
klase o aktibidad (special school
undertaking) ang mga ito na tatagal
hanggang sa mga nabanggit na oras.
Kailangan lamang nilang magbigay
ng katibayan na sila ay estudyante at
enrolled ngayong semestre, sakaling
may sumita sa kanila.
PAGPUNO SA... / PAHINA 7
PATLANG
Sampu ng iba pang miyembro sa Konseho, malinaw na pinaninindigan ni USC Councilor John Silverio Saligbon
ang pagtutol ng mga estudyante sa inihahaing pagtataas ng babayarin sa laboratoryo ng Kolehiyo ng Agham.
Kasabay nito ay ang pagbibigay ng alternatibong panawagan na “proper UPB budget allocation” sa halip na
pagkuha sa mga Iskolar ng Bayan ng dagdag na bayarin.
Kuha ni Carolyn Bonquin
03 BALITABALITA UP BAGUIO OUTCROP \ TOMO 34 \ AGOSTO 2007 \ ISYU BLG. 3PAGTA
Iniimbitahan ang lahat na
pumunta sa gaganaping Indigenous
People’s Series ng Paggawisan Tako
Am-in (PAGTA) simula Agosto
20 hanggang sa katapusan ng
Setyembre. Magsasagawa ang nasabing
organisasyon ng mga lecture, fi lm
viewing at workshop.
USC SPORTS COMMITTEESPORTS week (September 3-7)
Lahat ng interisadong maglaro ay
mag-sign up at lumapit sa kahit sinong
miyembro ng SportsComm. Ang mga
palaro ay ang mga sumusunod; dodge
ball, darts, inter-college volleyball,
basketball, lay-up contest, at two-ball
contest.
FUN RUN (September 3)
Lahat ng interisado ay lumapit
lamang sa USC SportsComm para sa
mga detalye.
UPBDTInaanyayahan ng UPB Dance
Troupe ang lahat ng interesadong
sumali sa grupo. Mula September
1-4 ay magaganap ang auditon. I-
kontak ang mga miyembro ng Dance
Troupe para sa iba pang impormasyon
o i-kontak ang numerong ito-
09154244639.
YSIPIniimbitahan ng YSIP ang lahat ng
orgs, frats, soros at mga indibidwal na
makilahok sa isasagawang aktibidad
ng Psycholigical Societies’ Association
in Mental Health (under Phil. Mental
Health Association) sa September
16. Ang mga interasadong sumali sa
organisasyon ay puwedeng i-kontak
ang numerong ito-09154244639.
DEBATE SOCIETYPanuorin sila sa ANC SQUARE
OFF: Northern Luzon Debate
Championship sa ika-1-2 ng
Setyembre sa PMA; at UP Inter-
Varsity Debate Championship, sa ika-
14-16 ng Setyembre sa UPLB.
ALLIANCE OF CONCERNED STUDENTS
Sa pagdiriwang ng ika-29
Anibersaryo ng Alliance of Concerned
Students (ACS), magkakaroon sila ng
ng Welcome Freshie Cocktail Party sa
huling gabi ng kanilang selebrasyon.
ANG SEKSYONG ITO
AY BUKAS PARA SA PAG-
AANUNSYO NG INYONG
MGA AKTIBIDAD. IPADALA SA
OUTCROP CONTACTS (NA
NAKALAGAY SA STAFF BOX)
ANG MGA SS: PANGALAN NG
ORG, AKTIBIDAD, ORAS, ARAW,
AT MAIKLING DISKRIPSYON
NG AKTIBIDAD.
BALITAAN
NIÑA CAMILLE PACIAL
Matapos ang dalawang taong
obserbasyon sa pagpapatupad
ng batas ukol sa paninigarilyo sa loob
ng UP Baguio (UPB), sinisimulan na
ng administrasyon na gawing smoke-
free ang kampus.
Nagpalabas na ng memorandum
ang Tsanselor ng UPB na si Dr.
Priscilla Macansantos ukol sa draft
ng magiging polisiya sa kampus
ukol sa paninigarilyo. Kaugnay nito,
magdadaos umano ng konsultasyon
para sa mga estudyante at mga
empleyado ng UPB bago ipatupad
ang aktwal na polisiya.
Bagama’t nagkaroon na ng
pag-uusap ang mga kasapi ng
administrasyon ukol sa pagsulong na
gawing smoke-free ang UP Baguio
(UPB), hindi pa nailalabas ang opisyal
na probisyon sa kampus ukol dito
sapagkat hindi pa nakukuha ang panig
ng mga estudyante.
Sa kasalukuyan, nasimulan na
ang paghigpit sa mga estudyanteng
naninigarilyo sa loob ng kampus.
Bukod sa pagbabawal ng paninigarilyo
sa loob ng mga gusali, pinagbabawal
na rin ito sa mga nadadaanan
Smoke-free UP Baguio,
pina-iigting ng Adminat pinupuntahan ng maraming
estudyante, bagama’t ang mga
nabanggit ay “open air” na lugar. May
mga bahagi na rin ng unibersidad na
ginawang mga eksklusibong Smoking
Area tulad ng ilang tambayan sa itaas
ng Court A. Upang masigurong ito
ay nasusunod, may mga kinauukulang
nagiikot sa mga nasabing lugar.
Forum sa Smoke-Free Campus
Noong ika-13 ng Agosto,
pinangunahan ng Environmental
Committee ng USC ang “Forum
on Smoke-Free Campus” sa
Bulwagang Juan Luna. Bukod sa
administrasyon at UPB Health
Service Unit, sinuportahan din ito ng
administrasyon ng Human Kinetics
program (HKP).
Bago magsimula ang forum,
nagbigay ng mensahe ang Bise
Tsanselor para sa Administrasyon,
Dr. Teofi na Rapanut para ipaglaban
at isulong na maging smoke-free
ang UPB. Binanggit naman ng
Tsanselor na mahigit dalawang
taon nang inoobserbahan ang batas
sa pagbabawal ng paninigarilyo sa
UPB subalit may mga sumasagabal
sa epektibong pagpapatupad nito.
Ayon sa Tsanselor, kabilang sa
mga sagabal na ito ang nosyon
ng mga estudyanteng akalang ang
paninigarilyo ay isang glamorosong
gawain at isang manipestasyon ng
personal freedom.
Sa forum, ang mga kasapi ng
Center for Health Development-
CAR (CHD-CAR) ay inimbitahan
upang magbahagi ng kanilang
kaalaman tungkol sa paninigarilyo at
mga isyung nauugnay dito. Nagbigay
ng komprehensibong pagtalakay
tungkol sa Republic Act 9211 o
ang Tobacco Regulation Act sa
pangunguna ni Bb. Lily Bimmuyag
ng Health Operation Division. Isang
diskusyon tungkol sa Republic Act
(RA) 8749 o Clean Air Act naman
ang pinangunahan ni Engr. Basilio
Munar sa Disease Prevention Central
Environment and Occupational
Health Unit. Lecture naman tungkol
sa R.A. 7719 o Voluntary Blood
Donation Act at sa mga kasamaang
dulot ng paninigarilyo ang ibinigay
ng G. Clark Dizon, isang kasapi
Malamang WANTED ka pa rin kasi hindi ka pa rin sumusuko!!!
Alam naming marunong kang kumendeng ng tatlong beses at mag briskwalk pabaliktad habang sinisigaw ang No to TOFI ng isandaang beses?!
Ikaw!!! owmaygad. for that, ikaw nga sugo!! Ang next istar ng buhay namin. Kung nais mong mag-lay-out, mag-drowing, magsulat ng kadramahan sa buhay, pumunta lamang sa aming opisina sa tabi ng JL 211 at kumembot.
Wanted din sa amin ang nais mag-ON LINE STAFF. para yun sa website eklat.
yun.punta ka rin.
WANTEDWANTED
ng Licensing, Regulation and
Enforcement District.
Isinasaad sa Tobacco Regulation
Act ang pagbabawal sa paninigarilyo
sa mga pampublikong lugar at ang
pagbabawal ng pagtitinda ng mga
sigarilyo sa mga lugar na malapit sa
mga paaralan. Dagdag pa rito ang
tiyak na layong isandaang metro ng
mga tindera’t tindero sa labas ng mga
paaralan.
Ang pagtigil sa paninigarilyo ay
“hindi overnight change”, giniit
naman ng USC Chairperson, Deo
Florence Onda. Dinagdag pa niyang
pinapahalagahan ang mga institusyon
sa UPB tulad nina Manang Mani
at Manang Yosi, ngunit kailangan
ding isipin ang kapakanan ng mga
estudyanteng hindi naninigarilyo.
Naniniwala si Propesor Epifania
Claur ng HKP na ang paninigarilyo ay
hindi pang-alis ng stress at maraming
mga alternatibong libangan ang
maaaring piliin. Dahil dito, kanyang
ibinukas ang pintuan ng HKP para sa
mga gustong maglibang sa palakasan
sa halip na manigarilyo.
Binuksan ang forum sa lahat
ng miyembro ng komunidad ng
UPB at karamihan ng dumalo ay
mga estudyante, maliban sa mga
kawani ng University Health
Service Unit. Dahil sa turn-out ng
mga dumalo, sinabi ng Tsanselor
na plano nilang magsagawa ng
parehong forum para sa mga
empleyado ng unibersidad.
kagamitan. “Nagbayaran lang naman
tayo noong June at July, e. Pagsasama-
samahin pa natin ‘yan…Maybe you
should give us time to show to you
what will happen with that tuition
increase. Hindi pa ganun kalaki ang
ating koleksyon,” aniya.
Bukod dito, pinabulaanan niyang
hindi totoong binabawasan ang
ibinibigay na badyet ng gobyerno
sa UP. Naniniwala umano ang
gobyerno na huling-huli na ang
Pilipinas sa larangan ng Engineering
at Science kung kaya’t balak bigyan
ng P1.3B na badyet para sa College
of Engineering (CE) at CS sa UP
Diliman (UPD). Dagdag pa ni
Roman, nadagdagan ng P500M ang
badyet noong 2006 para sa CS sa
UPD. Ngayong taon, madadagdagan
pa umano ng P412M ang pondo
para sa ilang piling kurso, tulad ng sa
UPM, Philippine General Hospital,
College of Mass Communication at
sa CE sa UPD. Dinagdag niyang ang
mga maliliit at “batang” kampus ay
pinopondohan ng mga malalaking
kampus gaya ng UPD, UPM at UP
Los Baños.
Sinabi naman ni Ridon sa
isang pahayag na ang karagdagang
mga obhetibong kwalipikasyong
tinitignan sa pagbibigay ng pondo
sa mga kampus. Ang mga ito ay ang
bilang ng mga estudyante, faculty at
administrative staff sa isang kampus, pati
na rin ang bilang ng imprastrakturang
naitayo.
“Pagbabago at Pambansang
Industriyalisasyon”
Ang pagprotesta laban sa pagtaas
ng matrikula ay isinasagawa na ng
humigit-kumulang sa dalawang
dekada dahil lalong naging
komersiyalisado at kolonyal ang uri
ng edukasyong natatamo ng mga
estudyante. Ayon ito sa National
Union of Students of the Philippines,
isang alyansa ng mga konseho ng
mag-aaral sa buong Pilipinas.
“Alam naman natin ang
katotohanan na wala naman po talaga
tayong substantial na maaasahan mula sa
Board of Regents….sila naman talaga
ang ahente ng mismong patakaran
ng komersalisasyon na mismong
pamahalaan ang nagpapatupad hindi
lamang sa Pamantasan ng Pilipinas
kundi pati sa lahat ng pamantasan ng
pamahalaan,” sabi ni Ridon.
“Ang buong konsepto ng Iskolar
pondong binanggit ni Roman na
ibibigay umano ng gobyerno sa
unibersidad ay dahil sa pagdiriwang ng
sentenaryo nito. Hindi naman umano
napupunta sa pangkabuuang pondo
ng unibersidad ang mga nabanggit
na pondo. Para sa mga piling kurso
lamang ang mga ito. Dahil dito, hindi
pa rin mapaglalaanan ang ibang mga
kolehiyo.
Nabuksan din sa naging dayalogo
ang isyu tungkol sa tamang alokasyon
ng badyet sa buong UP system.
Kasama na rito ang pagbibigay ng
scholarship at student loans na mula
sa dating P2M na pondo ay itinaas
hanggang P14M, ayon kay Roman.
“Loans and scholarships can only do so
much,” giniit ni Ridon nang ipresenta
rin nito sa isang talakayan ng kanyang
ginawang policy review sa mga
estudyante. Ilan sa mga ahensyang
nagbibigay ng scholarship grants,
tulad ng Department of Science and
Technology ay may fi xed pool. Dahil
sa pagtaas ng matrikula, maaaring
mabawasan ang mga nabibigyan nito
ng scholarship grants o ‘di kaya’y partial
scholarship na lamang ang maibibigay
nito sa iba, aniya.
Hinapag rin ni Roman ang
ng Bayan ay hindi na totoong
konsepto na ang mamamayan ang
nagpapaaral sa kanyang kabataan,”
dagdag ni Ridon. Umaasa siyang
ang mga Iskolar ng Bayan ay
magpapatuloy sa pakikibaka upang
ibasura ang pagtataas ng matrikula
at upang ibasura nang buo ang
patakaran ng komersalisasyon. Ang
UP, ayon sa kanya, ay hindi lamang
pamantasang naglalayong ipasok ang
mga estudyante sa mga industriya
para kumita nang malaki. Ito umano
ay “ang pamantasan ng bayan” at
isang pamantasang dapat naglalayon
ng panlipunang pagbabago at
pambansang industriyalisasyon.
PAGLUPIG SA BARIKADA... / MULA PAHINA 1
Sa kasalukuyan, matagumpay ang programang “panturismo” ng rehimeng Arroyo. Nahikayat niyang magka-interes sa Pilipinas ang ilang kawani ng United Nations (UN), European Union (EU), Amnesty International, at Asian Human Rights Commission upang tingnan ang yaman ng
bansa sa kultua, sining, at tanawin. Kahit hindi nila napapanood ang patalastas ng “Wow Philippines,” siguradong may mga bagay na nag-udyok sa kanila upang mag-“Tara na, byahe tayo.”
AGAW EK SENA
AKDA NI ALEJO MARCO GALANO GUHIT AT LAPAT NI SANDRA FERWELO
KULTURA NG TERORISMO
Isang taon ang nakalipas matapos ang sunud-sunod na kaso ng pulitikal na pamamaslang dito sa Pilipinas ay isang batas ang ipinatupad ng Administrasyon para sa pagsasaligal nito. Sa ngayon, itinuturing na terorismo, ayon sa Human Security Act, ang “commission of crimes that sow or create a condition of widespread fear and terror.” Ibig sabihin, hindi na lang ang pandurukot, pambobomba, pagnanakaw, pagpatay, at iba pang mga malawakan at organisadong krimen ang magiging kabilang sa itinuturing na terorismo. Dahil sa mas pinalawak na depinisyong ito ng terorismo, maaari nang bansagan ng gobyerno na terorista ang sino mang ninanais nitong patumbahin.
Kung babalikan natin ang kasaysayan, makikita natin ang kultura ng terorismo na naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino - ang panahon ng Martial Law. Dinukot ang may ibang pulitikal na paniniwala, at ilang daan rin ang pinatay sa ngalan ng “pambansang kapayapaan” na kumiling sa may kapangyarihan. Sa kasalukuyan, mas pinalala pang bersyon ng kasaysayan ang ipinamamalas ng Rehimen. Iilan lamang sa mahigit 800 na biktima ng pamamaslang ay sina Markus Bangit at Alice Claver na mula dito sa Kordilyera.
Noong nakaraang taon rin ay nagdeklara ng “Silent Martial Law” ang Rehimen sa Gitnang Luzon upang labanan umano ang banta ng insurhensya. Sa panahong ito ay sunud-sunod ding nawala ang maraming sibilyang lider-aktibista, maging mga kabataang inosente, na isinisi sa noo’y 7th Infantry Division Chief Commander na si Jovito Palparan. Ilan sa mga biktima ng operasyong ito ng militar ay sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ng UP Diliman. Ayon sa dating Kalihim ng Hustisya na si Raul Gonzales, bahagi ng Oplan Bantay Laya laban sa Partido Komunista ng Pilipinas ang kolateral na pinsala. Ibig sabihin, hinuhustipika ng Rehimen ang pagkadamay ng maraming sibilyan sa giyera laban sa mga komunista. Kung maging sibilyan ay hindi naging ligtas noon, dulot nito hanggang ngayon ay malawakang pangamba at pagkatakot sa parte ng mga inosente. Kung dadalhin hanggang sa kasalukuyan ang ganitong kalagayan ay walang dudang nangunguna ang Rehimen sa listahan ng mga terorista, kung pagbabasehan ang bagong depinisyon ng terorismo.
Sining ng PamamaslangSa kasalukuyan, masyado nang kumukuha
ng pansin ang sining ng rehimeng Arroyo - sining ng pamumuksa sa mga binansagang terorista.
Ang mahigit 800 na bilang ng mga pinaslang, dinukot at pinahirapan na mga mamamayahag, estudyante, at pati mga magsasaka at manggagawa ang nagsisilbing lamat sa magandang iskultura na kung tawagin ay karapatang pantao. Ayon sa UN, EU, Amnesty International at Asian Human Rights Commision, ang pangangalaga sa karapatang pantao dapat ang una sa layunin ng mga d e m o k r a t i k o n g bansa ngunit ang gobyerno pa mismo ang pilit sumisira dito sa p a m a m a g i t a n ng panlilinlang at panloloko na s inusupor tahan ng mga represibo at opresibong batas tulad ng PD 1017, CPR, HSA, atbp.
Binuo man ang Melo Commission upang tukuyin kung sino ang mga salarin sa pagsasawalang-bahala ng karapatang pantao, magpasahanggang ngayon ay wala pa ring naparurusahan. Pinangalanan ang AFP bilang primaryang salarin, sa pangunguna ni Palparan, sa mga paglabag sa batayang karapatang pantao. Ngunit hanggang ngayon ay nananatiling malaya at walang kaso si Palparan. Sa kaso nila Karen at Sherlyn ay lumalabas pa ang Melo Commission bilang pangunahing tagapagtakip sa krimeng ginawa ng ilang mga militar.
TANAWIN NG KAWALANG HUSTISYAMaraming imbestigasyon na ang inilunsad upang siyasatin ang mga
pulitikal na pamamaslang ngunit sa bandang huli ay isisisi lamang ang
mga ito sa New Peoples Army, kahit ang mga nakakita ay
nagsasabing militar ang salarin. Buong
pagtatanggi naman ang laging sagot ng militar kahit ang mga ginamit na sasakyan sa pagdukot kina Karen Empeño, Sherlyn Cadapan at Jonas Burgos ay napag-alamang pag-aari ng Armed Forces of the Philippines.
Sa bingit ng ilang mga kaso kung saan wala nang ligtas ang mga militar sa sisi ay pilit itong lumulusot. Naging taktika na nila ang pagbansag na miyembro ng NPA sa mga dinukot tulad nila Sherlyn, Karen, at Jonas upang palabasin na tama ang ginawa nilang pagdukot.
Hanggang sa ngayon ay patuloy ang militar, kasama ang Rehimen, sa pagguhit ng sariling bersyon ng tanawin ng hustisya sa Pilipinas na magkukubli ng sariling krimen.
SANGGUNIANStatement presented by Dr.
Constancio Claver, husband of the late Alice Omengan-Claver on the occasion of the First Anniversary of her killing
“Military, administration hit back at UN monitor”. Calalo, Archie. http://www.manilastandardtoday.com/?page=news2_feb23_2007
“The Sum Of All Fears.” Limon, Victor Gregor. Philippine Collegian no. 5 19/07/2007
“In Remembrance of Makoy.” Hapit Vol. XV No. 2 April-June 2007
ALAM NYO BA?863 katao na ang pinaslang magmula
noong 2001, matapos maluklok sa posisyon si GMA (KARAPATAN)
90.6 porsyento ang tinatayang pagtaas ng bilang ng pinapatay kada taon
Mahigit 185 katao ang pinaslang sa taong 2006 lamang
104 magsasaka ang biktima ng pamamaslang, 22 sa mga manggagawa, 11 sa mga kabataan, 25 sa mga abogado at hukom na nagtataguyod ng karapatang pantao
93 katao ang dinukot sa taong 2006 lamang
206 katao ang bilang ng dinukot magmula 2001
99, 011 ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao kabilang ang panggigipit at bayolenteng pagpapaalis ng mga nagproprotesta
83 katao ang pinaslang sa Gitnang Luzon at Silangang Visayas sa termino ni Gen. Jovito Palparan
Walang opisyal ng military at pulis ang naparusahan sa mga pagpaslang.
“Kung dadalhin “Kung dadalhin hanggang sa hanggang sa
kasalukuyan ang kasalukuyan ang ganitong kalagayan ganitong kalagayan ay walang dudang ay walang dudang nangunguna ang nangunguna ang
Rehimen sa listahan Rehimen sa listahan ng mga terorista, kung ng mga terorista, kung
pagbabasehan ang pagbabasehan ang bagong depinisyon ng bagong depinisyon ng
terorismo.”terorismo.”
LATHALAIN LATHALAIN 04-05UP BAGUIO OUTCROP \ TOMO 34 \ AGOSTO 2007 \ ISYU BLG. 3
AKDA NI SANTIAGO TIONGCO III GUHIT AT LAPAT NI JOB DAVID MANALANG
Parang mga batang walang alam ang turing ng pamahalaan sa mga indegenous
people, mga batang gumawa ng masama at nangangailangang paluin at
pangaralan. Ito kaya ang dahilan kung bakit pinapatawan ng parusa ang
mga katutubo sa pamamagitan ng mga represibong batas? Samantalang ang
hangarin lamang naman nila ay ipaglaban ang pambansang patrimonya at karapatan
sa pansariling pagpapasya.
ni Macliing Dulag ay nabuo ang Cordillera People’s Alliance
upang tutulan ang Chico River Dam na proyekto ng World Bank.
Ngunit gamit ang EPIRA, binubuksan muli ng administrasyong
Arroyo sa pribitisasyon ang sektor ng enerhiya. Nangangahulugan
ito na manganganib nanaman ang Kordilyera sa mga proyekto ng
mga dayuhang kompanya na minamata ang mga anyo ng tubig ng
Kordilyera bilang pagkukunan ng enerhiya. Sa ilang dam pa lamang
ngayon sa Kordilyera ay halata na ang masamang epekto na dulot
nito. Halimbawa na ang Ambuklaw dam, na nagdulot ng sapilitang
pagpapaalis sa mga komunidad ng Ibaloi na nakatira sa lugar na sakop
nito.
Pagpatak ng Luha Pagkatapos ng Pamamalo
Ilang dekada at administrasyon na ang lumipas ngunit nananatili pa
rin ang pamamalo ng pamahalaan sa pambansang minorya, tulad ng
mga taga-Kordilyera. Hanggang ngayon ay tila kasalanan pa rin para
sa gobyerno ang paghahangad ng mga katutubo ng patrimonya at
pansariling pagpapasya. Sa ilang dekada ng mga marahas na batas ng
gobyerno, nakapagtataka pa kayang tumutulo na ang dugo nila mula
sa mga palo ng gobyerno?
Unang Patak: Militarisasyon at Karapatang Pantao
Sa bawat pag-agaw ng lupa gamit ang Public Land Act, pagnakaw
ng likas na yaman gamit ang Mining Act, pagwasak ng agrikulturang
pamumuhay gamit ang GATT-WTO, at paninira ng mga ilog
na bumubuhay sa lupa ng Kordilyera gamit ang EPIRO, tiyak na
mayroong mga katutubong nangangahas lumaban at tumutol. At sa
paglaban at pagtutol ay palaging mayroong paglabag sa karapatang
pantao.
Upang maisulong ang interes ng iilan sa gobyerno at mga
dayuhang kompanya, at mapigil ang
pakikipaglaban ng mga katutubo para sa
kanilang lupa at buhay, nagkakaroon
ng malawakang militarisasyon. Gamit
ang palusot na nilalabanan ng militar
ang mga prente ng New People’s
Army (NPA) sa Kordilyera,
umabot na sa 33,000 ang mga
katutubong biktima ng paglabag
sa karapatang pantao sa buong
bansa. Ayon na rin sa tala ng
Amnesty International, ang mga
biktima ng karapatang pantao
at politikal na pamamaslang ay
mayroong politikal na basehan.
Isa na rito ang Oplan Bantay
Laya na tumututok hindi lamang
sa mga ilegal at lihim na mga
organisasyon, kundi pati na rin
sa mga ligal na organisasyon.
Hindi rin maaaring kalimutan na
sa tuwing mayroong militarisasyon
ay mayroon ding pagbagsak ng
kultura at tradisyon. Sa loob ng mga
komunidad na militarisado, hindi
makapagsagawa ng mga ritwal ang
mga katutubo, mga ritwal kung saan
nakapaloob ang kanilang tradisyunal
na kaalaman at kultura.
Ikalawang Patak: Lupa
Ilang daang taon at napakaraming
mga henerasyon na ang paninirahan ng mga katutubo sa Kordilyera,
ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin tinatanggap ng gobyerno na
pagmamay-ari ng mga katutubo ang kanilang sariling lupain. Bagamat
mayroong Indigenous People’s Rights Act, iilang mga katutubo pa
lamang ang mayroong Certifi cate of Ancestral Domain Title. Kung
susuriin nga naman ang mga batas na iniluluwal ng pamahalaan mula
noon hanggang ngayon, tulad ng Mining Act at Public Land Act,
sino ba talaga ang pinapahalagahan? Ang mga katutubong Pilipino
o ang ilang mga makapangyarihan sa pamahalaan at mga
dayuhan?
Ikatlong Patak: Developmental AggressionDulot ng pinaghalo-halong epekto ng mga represibong
batas at hangarin ng administrasyong Arroyo na
Unang Palo: Land ActsAyon sa isang panayam kay Santos Mero, Deputy
Secretary General ng Cordillera People’s Alliance,
tumampok ang kwento ng dahan-dahang pagparusa ng
pamahalaan sa pambansang minorya noong okupasyon ng
mga Amerikano. Ang kolonyal na gobyerno ay nagpatupad
ng Land Registration Act at Public Land Act of 1902,
na nagsasabing kailangang irehistro ang lupa sa ilalim ng
Torrens System. Nagpatupad ng sistemang homestead
kung saan 16 ektarya ng di sinasakang lupa ang ibinigay
sa mga naninirahan. Ngunit dahil hindi naipaalam sa mga
naninirahan ang bagong sistema, maraming mga magsasaka
ang nasakop pa rin ng mga panginoong may lupa, at naging
biktima ng malawakang pangunguha ng mga minanang
lupa ang naganap. Lumabas man ang mga Amerikano sa
bansa ay nanatili pa rin ang mga represibong mga batas.
Mula Commonwealth hanggang sa Republika ng Pilinas,
walang administrasyon ang nakapaglabas ng tunay na
reporma sa lupa.
Pangalawang Palo: Mining Acts
Partikular naman sa Kordilyera ang mga Mining Acts,
ayon kay Mero. Ang Kordilyera ay isang rehiyong hitik sa
likas na yaman, at mga anyo ng tubig na minamatahan ng
gobyerno bilang pagkukunan ng elektrisidad. Kaya naman
ang kabundukan ng Kordilyera ay pinatawan ng mga
Mining Acts na nagsimula noong 1905, at nabago noong
1935 at 1995. Sa lahat ng mga batas na ito, pinapadali ng
pamahalaan ang pamimigay ng lupa ng mga katutubo
sa mga dayuhang dayuhang kompanya ng minahan na
umuubos ng likas na yaman ng lupa. Ang mga ganitong
batas ay nakaugat sa programang
liberalisasyon ng mga industriya,
taliwas sa pambansang
patrimonya at pansariling
pagpapasya na ipinaglalaban
ng mga katutubo.
Pangatlong Palo:
GATT-WTO
Sa kasalukuyan
ay pinapadugo ng
rehimeng Arroyo
ang Kordilyera sa
pamamagitan ng
General Agreement
on Trade and Tariff
- World Trade
Organization (GATT-
WTO) at ng Electric
Power Industry Reform
Act (EPIRA). Bago
pa man pumirma ang
Pilipinas sa GATT-WTO,
5% lamang ng pambansang
badyet ang nailalaan sa
agrikultura, at walang
nailalaan para sa eksportasyon
ng sariling agrikultura.
Pagdating naman ng GATT-
WTO ay lumala ang krisis ng
liberalisasyon, dahil sa pagbaba
ng taripa at pagbubukas ng
ekonomiya sa kahit sinong dayuhan. Agrikultura ang isa
sa mga pangunahing pamumuhay ng mga taga-Kordilyera,
at dahil sa GATT-WTO ay bumagsak ang mumunting
suportang ibinibigay ng gobyerno sa agrikultura. Sa
pagpasok ng liberalisasyon ay ang delubyo ng mga dayuhang
produkto na napakamura dahil sa ibinagsak na taripa. Hindi
makapagkumpitensya ang lokal na agrikultura sa mga
produkto ng GATT-WTO, at sa huli, ang mga katutubong
nabubuhay sa biyaya ng lupa ang naghihirap.
Pang-apat na Palo: EPIRA
Dahil naman sa EPIRA ay muling bumabalik ang
mga banta sa mga ilog ng Kordilyera. Noong panahon
MaltratoRelasyon ng
Pambansang MinoryaPamahalaan at
MALTRATO / PAHINA 7
UP BAGUIO OUTCROP \ TOMO 34 \ AGOSTO 2007 \ ISYU BLG. 3
06 GRAPIKSGRAPIKS
i-liberalisa ang ekonomiya ng bansa,
naisasantabi ang mga karapatan, interes,
at pangangailangan ng mga katutubo.
Upang magamit ang lupa at likas na
yaman ng Kordilyera, binabalewala
ang mga katutubo. Makikita ito
sa pagpapaalis ng mga komunidad
upang makapagtayo ng mga dam,
pagbabalewala ng mga produkto ng
mga katutubo habang tinatangkilik
ang gawa ng mga dayuhan. Sa huli,
pinapatay ng konsepto ng “national
development” ang mga katutubo.
Madugo talaga ang pinagdaanan
ng mga taga-Kordilyera sa kamay
ng gobyerno at sa harap ng kanilang
pakikipaglaban para sa sariling lupa,
at sariling pagpapasya. Ngunit ang
lahat ng ito’y nagdulot lamang ng
higit na dahilan upang ipagpatuloy
ang laban ng pambansang minorya
at ng mamamayan ng Kordilyera.
Matagal nang sinasabi na ang lupa
ay buhay para sa mga katutubo.
Ilang palo man ang ipataw ng
pamahalaan sa pambansang minorya,
ito ang magtutulak sa kanila upang
ipagpatuloy ang laban.
-
SANGGUNIAN
Santos Mero, Deputy Secretary General,
Cordillera People’s Alliance
Amnesty international, “Philippines, Political
Killings, Human Rights and the Peace Process”
(August 2006)
Anonuevo, Euan Paulo C. STEAG says
EPIRA bad for business. http://www.manilatimes.
net /nat iona l /2007/ jan/09/yehey/bus iness/
20070109bus9.htm Accessed 13 July 2007.
__________. Revised forestry code. http://law.
nus.edu.sg/apcel/dbase/fi lipino/primary/phdfor.htm
Accessed 13 July 2007.
Ochoma, Amiel. Tracing the roots of land reform
in the Philippines.
http://www.manilatimes.net/national/2006/
nov/09/yehey/top_stories/20061109top6.htm
Accessed 13 July 2007.
__________. The Mining Act of 1995. http://
cpcabrisbane.org/Kasama/1996/V10n2/GoldRush.
html. Accessed 13 July 2007.
Cordillera People’s Alliance. Agriculture
Situationer. http://www.cpaphils.org/campaigns/
cordi_agri-sit_4731.htm#impac
Accessed 13 July 2007.
Maltrato/ mula pahina 4 at 5
MGA KUHA NINA CAROLYN BONQUIN, SANDRA FERWELO, PAUL LUCENA, MARICON MONTAJES, SANTIAGO TIONGCO III, at KEIDY TRANSFIGURACION
Larawan ng pagtanggap ng mga estudyante ng Unibersidad
sa panukalang TOFI ng Board of Regents
KAPOS NA PALIWANAG.
LARAWAN NG TUNGGALIAN.
BISIG BILANG PROTESTA.
BAHA SA GUSALING JUAN LUNA.NANG MAGPANG-ABOT SA IB LOBBY
ALAB AT KAMAO.
PAGPIGIL AT PAGPALAG.
ANG PAGHUHUKOM.
SAYAW NG PAGTANGGI.
SUNDAN ANG BANDERA.
07 OPINYON/BALITA OPINYON/BALITA UP BAGUIO OUTCROP \ TOMO 34 \ AGOSTO2007 \ ISYU BLG. 3
IVAN EMIL LABAYNE
Ang Pagtatapos ng Alamat ni Gloria Huling Isang Libong Araw
Siya ay Pangalawang Pangulo noon
ni dating Pangulong Joseph Estrada
nang mapatalsik ito sa upuan dahil
sa kasong plunder, nang matinag si
Erap, si Gloria ang pumalit.
Doon nagsimula ang kaniyang
alamat.
Maliban sa pagiging pangalawang
babaeng pangulo ng bansa, siya rin
ang pangalawang babaeng nailuklok
sa pagkapangulo sa pamamagitan ng
rebolusyon ng tao na kinikilala natin
bilang People Power. Hindi naman
gaanong maingay ang mga unang
taon niya sa Palasyo.
Bago ang pambansang halalan
noong 2004, binihag niya ang
ating mga atensyon at puna nang
siya’y tumakbo sa pagka-pangulo
matapos niyang magbitiw ng mga
salita na hindi siya kakandidato para
sa eleksyong ‘yon. Ganunpaman,
pinabayaan lang natin siya na
mapahaba ang kaniyang alamat.
Kinaharap niya ang isang
ambisyosong artista, isang may kamay
na bakal, isang “mabulaklak”
na dating kalihim ng
edukasyon, isang
“ r e l i h i y o s o ”
at isang mas
amb i s o s yong
may pelukang
itim. Nagreyna
si Gloria.
Pinataob ang
mga lalaking
kakumpetensiya.
Isang taon matapos
makamit ni Gloria ang
kaniyang unang termino
mula sa panalo sa isang halalan,
lumitaw ang isang napakalaking
kontrobersiya- ang “Hello Garci
Scandal’.
Diumano ay nagkaroon ng
dayaan sa nakaraang halalan.
Nakipagnegosasyon daw si Goria sa
opisyal ng Comelec na si Virgilio
Garcillano upang masigurado ang
kaniyang panalo sa pagkapangulo.
Naging magulo ang mga pangyayari.
Lalo pang pinagulo ni Gloria ang
lahat nang humarap siya sa buong
bansa sa telebisyon at humingi ng
paumanhin. Maraming bulung-
bulungan ang narinig. Marami ang
nagduda kay Gloria. Humina ang
kredibilidad niya sa masa mula noon.
Naging bidang kontrabida si Gloria
sa sarili niyang alamat.
Nagpatuloy ang
pagdausdos ni
Gloria.
N a g - a l a
Marcos siya
ng ipatupad
niya ang isang
m a l a ” s i l e n t
martial law”
noong kaagahan
ng 2005 na
n a g b u n s o d
ng sunod-sunod
na pagpatay sa mga
miyembro ng mga militanteng
grupo at pagkakasalang maigi ng mga
pinapalabas sa mga pahayagan, radyo at
telebisyon. Nitong Hulyo lang naman,
naimplementa ang Human Security
Act (H.S.A.) na pinapangambahang
pagsasamantalahan ng Pangulo upang
busalan ang bibig at posasan ang mga
kamay ng mga tumutuligsa sa kaniya
Ang dalawang implementasyong
ito ay parehong nagpapakita ng
kaniyang pagsupil sa malalakas
niyang tagabatikos partikular na
ang mga mamamahayag.Ngunit
mukhang lalo lang niyang pinainit
ang mga ito. Lalo niyang pinalaki
ang apoy na nag-aalab sa damdamin
ng bawat taong gustong makita ang
pagwawakas ng kaniyang rehimen-
ang bulok at makamandag niyang
rehimen.
Kahanga-hanga daw si Gloria dahil
napakarami ng nagtangka upang
siya’y patalsikin ngunit nananatili
siyang nakakapit sa kaniyang
puwesto. At pagdating sa pahabaan
ng termino, pagdating ng 2010
kung saan tuluyan na siyang bababa
(kung maabutan niya man ang 2010
bilang pangulo pa rin), pangalawa na
ang siyam na taon at kalahati niya sa
21 taon ni Marcos.
Pero ang mas nakakahanga ay
ang tuluyang pagtatapos ng alamat ni
Gloria pagdating ng araw na iyon.
Matatapos na ang isa sa pinakamagulo
at nakapapangambang panahon sa
bansa. Sa ngayon, simulan na natin
ang countdown. Mahigit-kumulang
1000 araw na lang, tapos na (sana nga
matapos na).
“Lalo niyang
pinalaki ang apoy na
nag-aalab sa damdamin
ng bawat taong gustong
makita ang pagwawakas ng
kaniyang rehimen-ang bulok
at makamandag niyang
rehimen.”
Isang alamat si Gloria. Kakaibang marka ang kaniyang nagawa at patuloy
na ginagawa sa loob ng mahigit anim na taon niyang pamumuno sa bansa.
Ngunit ang katapusan ay malapit na. Humigit kumulang 1000 araw na lang
ang bilang na araw niya sa palasyo. Magwawakas na ang kaniyang alamat.
1. Ano ang masasabi mo sa bagong Soc. Sci. building?
Maganda. Yung tubig e panghabang buhay! 0652500
Ang ganda. Parang SM. 0706785
Oo maganda ang bagong Soc. Sci. building, enjoy mag-aral doon. Kaso kung iisipin talaga natin, halatang marami talagang naging gastos para dito. Lalo na yung CR. Super parang nasa eroplano ka. 0734116
Yung ibang rooms hindi suited para sa purpose niya. Sa dating building may malaking TV para sa reporting namin. Sa bago, wala. 0463843Ang ganda ng CR, may fl ush. Mukhang hindi CR ng UP. 0719938Maganda siya. Nung fi rst time ko syang nakita ang ganda ng architectural design. Maaliwalas tsaka medyo maluwag.Kaya lang sa labas, may mga medyo dangerous na part, wala pang bakod. Sana malagyan siya sa hi-way tsaka malayo sa ibang building kaya tahimik- conducive to learning. 0530578
2. Ano ang gusto mong sabihin sa Board of Regents (BOR)?
Magpakilala kayo! 0762785I-improve pa yung facility. 0463843Hindi ko sila kilala. 0652500Ano yun? Hindi ko alam. Parang never heard. 0730995Nagiging masyado na silang neo-liberal. Di nila iniisip yung mga mahihirap. Kailangan nilang maminimize yung burden ng mga students. Hindi na sila nagiging transparent. Nagtatago sila. Ayaw harapin ang mga estudyante. 0530578
3. Ano ang masasabi mo sa naganap na Freshie Night?
Grabe yung iba. Nag-snap judgement sila. Sana hinintay muna nilang matapos yung turn ng bawat bloc bago sila bumato ng reaksyon. 0734116
Hindi maganda. Parang anlabo ng mga idea ng mga ipinalabas. 0652500Ayos lang pero to that someone; advice lang, walang pakialaman ng tsinelas. 0711838
Napakabroad ng theme kaya halos lahat ng blocs nagturn-out to be mayabang. 0463843
Disappointing! 0730995
Madamdamin kasi may nagpakita ng current status ng UP. Relevant. Nafeature siya sa TV Patrol Baguio kaya maganda kasi nalaman ng buong baguio ang present situation ng UP. 0530578
ay nagkakahalaga ng P100,000
pataas. Dapat umanong na kunin sa
makokolekta sa laboratory fee ang
ibang equipment at materyales.
Ayon pa sa isang pagsasaliksik na
isinagawa ng USC, nakapag-ipon
umano ng P14M-P18M ang UP
Baguio (UPB) mula sa revolving
fund at sa badyet para sa personal
services ng unibersidad mula 2002-
2007. P1.2M-P1.4M nito ang naipon
mula sa badyet ng CS. Ayon kay John
Silverio Saligbon konsehal sa USC,
ipinagmalaki umano ni Tsanselor
Priscilla Supnet-Macansantos noong
proseso ng pagpili ng Tsanselor
noong 2005, na sa lahat ng UP unit,
may pinakamalaking naiipon ang
UPB. Posible umanong hindi na
kailangan ipatupad ang pagtataas ng
laboratory fee, sa halip ay kunin na
lamang ang kulang sa makokolekta
sa kasalukuyang laboratory fee,
dagdag pa ni Saligbon.
Ayon kay Alangui, “the best
person to explain that [ang naipon]
is the Chancellor, and maybe she will
tell you it was used for the newly
constructed building and all that.”
Isinaad din ni Deo Florence
Onda, tagapangulo ng USC, na
nararapat lamang na kinukuha ang
kulang sa gastusin sa laboratoryo sa
Maintenance and Other Operating
Expenses (MOOE) sa badyet ng UP.
Ayon kay Alangui, ang nakukuhang
pera ng CS mula sa MOOE ay
P P280 000 at P 210 000 nito ay
napupunta sa mga kagamitan na
kailangan sa operasyon ng kolehiyo.
Dagdag pa ni Alangui, kulang pa
nga ang natatanggap ng kolehiyo sa
operasyon nito kaya hindi kakayanin
kung iaasa dito ang gastusin sa mga
klaseng may laboratoryo.
Konsultasyon sa Departamento
ng Matematika at Computer
Science
Lumabas sa konsultasyon ng
Departamento ng Matematika at
Computer Science ang pagkakaroon
ng laboratory fee sa ilang asignaturang
hindi naman aktwal na gumagamit
ng laboratoryo ang mga estudyante.
Binigay na halimbawa ng isang
estudyante ng Computer Science
ang ComSci 121 at Comsci 127.
”Nasa mga instructor na yung
problema, kailangan silang kausapin,
may mga bagong pasok na guro sa
faculty. At kung ganun nga, dapat
na pag-aralan pa ang ganitong kaso”
sagot naman ng Dekano.
Kinuwestiyon din ng pangulo ng
USC ang rationale sa standardization
ng Lab fee sa Com Sci.
Isang tanong naman mula sa
estudyante ng unang taon kung
bakit may mga mag-aaral na hindi
nagbabayad ng Lab fee na nakakagamit
ng Computer Laboratory para sa
kanilang mga klase. Sagot ng Dekano
na ito umano ay pribilehiyo na lang
para sa mga Math at Comsci major
students. “Hindi naman din madalas
ang paggamit nila” dagdag pa ni
Bacani.
Konsultasyon sa Departamento
ng Biolohiya
Kinuwestiyon naman ng ilang
mag-aaral na dumalo sa konsultasyon
sa Departamento ng Biolohiya ang
pagkakasali ng iba’t ibang gastusin
gaya ng microwave oven, dehumidifi er
mga brown bottle, na hindi naman
nila umano nagagamit.
Isa ring tanong mula sa mga
estudyante ay kung bakit parang
kinopya lamang ang mga materyales
sa lab manual ang mga inilistang
materyales sa primer, ngunit hindi rin
naman lahat ay nagagamit sa aktwal
na pagsasagawa ng eksperimento.
Ayon kay Propesora Jocelyn
Rafanan, kulang nga ang binabayaran
ng mga estudyante kaya hindi nila
nagagamit ang ilan sa kailangan para
sa kurso.
Biology 200
“Parang may mali sa pagsingil ng
isang libong piso sa mga estudyante
na may thesis na ecology at
microbiology? Hindi kasi ganun
kadalas ang paggamit ng Lab ng may
thesis sa ecology.” kwestiyon ng isa sa
mga estudyante ng biology. “Bakit
hindi tayo magkaroon ng bracketing
sa pagbabayad sa thesis-labfee?
dagdag pa ng isa.
Nilinaw ni Alangui na matapos,
ang mga konsultasyon, pag-uusapan
pa muli ng CS ang isyu bago
mapatupad ang pagtataas ng bayarin.
Balak rin umano ng kolehiyo na
maglabas ng survey para sa mga
estudyante ukol sa isyu. Nilalayon
rin umano nila na ilabas ang pinal na
desisyon sa darating na Setyembre.
Ang nabanggit na mga konsultasyon
ay pangatlong pagtatangka na ng
CS para makuha ang panig ng
estudyante. Naganap ang unang
konsultasyon noong Marso. Ang
pangalawang pagtatangka naman
ay noong ika-6 ng Agosto para sa
dalawang departamento. Ngunit, dahil
nagkaroon ng mahabang bakasyon
noon at maraming nakatalagang
mahabang pagsusuri para sa asignatura
ng Matematika noong araw na iyon,
hiniling ng USC na ipagpaliban
ang konsultasyon noong ika-13 ng
Agosto para sa Departamento ng
Biolohiya at noong ika-9 ng Agosto
para sa Departamento ng Matematika
at Computer Science. Wala namang
pasok noon dahil sa sama ng panahon
kaya ginawa ito noong ika-16 ng
Agosto.
pagpuno sa mga kakulangan.../ MULA SA PAHINA 2
pamuksa sa mga terorista at
binansagang mga terorista.
Samantala, hindi pa rin nasasagot
ang mga kaso ng pulitikal na
pamamaslang sa bansa bagama’t
nakaani na ito ng pagkalampag ng
mga iba’t ibang institusyon sa loob
at labas ng bansa.
Kasama rin sa mga solusyong
Nagsimula na ang kwentong pangarap ng pangulo na ihanay ang Pilipinas sa mga pinakamayayaman at
pinakamakapangyarihang bansa sa mundo. At para makamit ito, kailangan munang baguhin ang bansa.
Mapangahas itong gagawin ng rehimeng Arroyo habang unti-unting nabubura sa kanyang listahan ang mga
pangunahing pangangailangan ng naghihirap na masang Pilipino.
PROTESTA
Punong Patnugot John Eric Escalante Kapatnugot Albert Lawrence Idia \ Paul Andrew Lucena Patnugot sa Balita Kathleen Anne Payos \ Marie Annabelle Bilagot Patnugot sa Lathalain Santiago Tiongco III Patnugot sa Kultura Job David Manalang Patnugot sa Grapiks at Dibuho Sandra Ferwelo Tagapamahala sa Pinansya Alejo Marco Galano Kawani Carolyn Bonquin \ Annalyn Rebecca Eisma Panghaliling Kawani Josephine Barbi Balilia \ Ivan Emil Labayne \ Finela Mejia \ Maricon Montajes \ Niña Camille Pacial \ Perseus Alexander Rullan
\ Jeeson Alamar \ Glenn Paul Ando \ Christine Cruz \ Sharmaine de Guzman \ Phoebe Noelyne Mendez \ Mark Lester Rivera
Miyembro ng College Editors Guild of the Philippines at Solidaridad, Alyansa ng mga Pahayagang Pangkampus at Organisasyon ng mga Manunulat sa UP
http:// outcrop.deviantart.com
Ang opisina ng Outcrop ay
matatagpuan sa gusaling
Juan Luna, katabi ng JL211
RetorikaOTESTAOT
Tomo 34 \ Agosto 2007 \ Isyu Blg. 3
Taun-taon, bagong mekanismo
ang ginagamit ni Arroyo sa
kanyang State of the Nation
Address (SONA) para masabing
may nagagawa, may nangyayari
at may bagong pag-asa na
aabangan ang lipunang Pilipino.
Pero kalakip ng mga salitang
ito ang katotohanang hindi
maitatago ng bawat SONA - ang
naghihingalong kalagayan ng
bansa. Hindi naitatago ng mga
matatapang na linya ang tuluyang
paglimot ng rehimen sa mga
pangarap ng milyun-milyong
Pilipino na dapat ay laman ng
SONA ng Pangulo.
Sa ganitong kalagayan,
nakahanap pa rin ang Pangulo
ng ilusyon para bigyan ng huwad
na solusyon ang umaasang
mamamayan.
Sisimulan ito sa pagtatapal sa
kahirapan. Ang mga probinsya ay
gagawing mga sentro ng kalakalan
upang hindi na lamang Maynila
ang umuunlad. Palilitawin ang
mga super regions para sa turismo,
pamumuhunan, at teknolohiya.
Para sa administrasyon, sa
pamamagitan ng mga magarbong
paliparan, daungan at maraming
mga superhighway, wala nang
magugutom dahil kasabay nito
ang pagkawala ng kahirapan sa
bansa. Magmimistulang sagot sa
kahirapan ang matatayog na mga
gusali, paliparan sa mga probinsiya
at mahabang mga highway na
magdurugtong ng mga pulo
sa bansa para sa mga dayuhang
gustong mamuhunan sa lupain
ng Pilipinas.
Isusunod ang pagpapatahimik
sa mga kalaban sa pamamagitan
ng Human Security Act of
2007. Kapag napatahimik na
ang mga terorista sa paningin ng
administrasyon may kapayapaan
na daw. Ang banta sa tunay
umanong demokrasya ng bansa ay
mawawala kapag nasa kulungan at
libingan na ang mga itinuturing
nitong kaaway. Lalong tataas ang
pondo ng militar na napupunta
sa korupsyon, at hihingi sa US
ng mga patapong mga sandata
EDITORYALEDITORYAL
ito ang unti-unting pagkakait sa
mga sektor ng tamang alokasyon
ng badyet. Patuloy na pagputol
sa mga pondo para sa batayang
serbisyo at sa halip ay ipambabayad
sa panlabas na utang ng bansa.
Nadagdagan nga ang badyet ng
edukasyon na P150 bilyon mula
sa P121 bilyon noong nakaraang
taon subalit hindi naman ito
makasabay sa pagtaas ng mga
pangunahing pangangailangan.
Tumataas ang mga bilihin.
Mababa pa rin ang sahod ng mga
manggagawa. Marami ang walang
kakayahang magpa-aral ng mga
anak. Magtataas ng matrikula
ang mga unibersidad. At kapag
may pera na ang mga kolehiyo at
unibersidad mula sa mga tuition
increase, kalilimutan na ito ng
gobyerno. Mawawala na ito sa
listahan ng kanyang mga plano.
Ililibing sa komersyalisasyon at
pribatisasyon ang state colleges
and universities sa bansa.
Ganito ang kuwentong
nais ipatampok ng pangulo sa
bawat SONA na dumadaan, ang
ipakitang may kuwento ng pag-
asa sa gitna ng mga protesta. Na
mayroong pagbabago bagama’t
walang nagaganap na pag-usad.
Sa kanyang pampitong SONA,
napatunayan na kaya niyang
magtagal sa puwesto at lumikha
pa ng mas maraming kuwento na
paniniwalaan ng mas nakararami.
Pilit tayong pinapaniwala
sa ambisyon niyang maging
fi rst world na bansa ang
Pilipinas sa loob ng 20 taon.
Kung kaya, sinisimulan na ang
pagpapanibagong-hubog sa
mukha ng Pilipinas. Lilinisin nito
ang mga problema at tatapalan ng
retorika. Paniniwalaang walang
problema sa bansa, sa edukasyon,
sa mga batayang serbisyo at sa
kaligtasan sa pamamagitan ng mga
proyektong magbubukas sa bansa
sa mga dayuhan at magpapayaman
sa ating ekonomiya.
Lihis sa landas at tunguhin
ang kuwento ng Pangulo. Pitong
SONA ang pinilit na palakpakan,
asahang sa mga susunod ay
muling iguguhit ang animo’y
planadong mga palakpak sa
isang palabas. Muling gagawa ng
bagong kwento ng pag-unlad ang
rehimen. Dadalhin tayo sa mga
mapangaraping adhikain. Kapag
naumay na ang mga kamay sa
mga pilit na palakpak, babaha sa
lansangan ang libong kamaong
nagmamartsa at nagagalit.
Kailangan nang simulan ang
rebisyon sa nakagawiang kwento.
MULA
sand
ra F
.
Top Related