Z P FILIPINO · 2021. 3. 31. · Makabagong Balarilang Pilipino-Binagong Edisyon 2003 nina-Alfonso...
Transcript of Z P FILIPINO · 2021. 3. 31. · Makabagong Balarilang Pilipino-Binagong Edisyon 2003 nina-Alfonso...
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
FILIPINO Ikatatlong Markahan – Modyul 1: Mga Tula/Awiting Panudyo,
Tugmang de Gulong at Palaisipan
Zest for Progress
Zeal of Partnership
7
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mira P. Esmade
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Philip D. Caermare
Shayne Everette U. Eldian
Tagasuri: Ruben D. Escudero, Jr.
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit: Edgardo P. Jamilar, Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.
Jephone P.Yorong,Ed. D.
Lindo O. Adasa, Jr.
Alamin Pagkatapos mong naisagawa ang modyul, ikaw ay inasahang
1.Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental
(tono, diin, antala) FN-III-A-C-13
2.Naihahambing ang mga katangian ng tulang/awiting panudyo,tugmang de
gulong at palaisipan(F7PB-IIIA-C-14)
Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang .Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1.Alin sa mga sumusunod ang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtod?
A. tugma B. sukat C. tugmang di-ganap D. tugmang ganap
2. Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawawalang buhay
ng kanyang ina. Anong uri ito ng tayutay?
A. personipikasyon B.pagtutulad C.metapora D.pagmamalabis
3. Ang _______ay ang kaluluwa ng bansa.Ito ang mabisang paraan upang maiparating
ang nararamdaman at naiisip ng tao ay naipadarama o naipahahayag.
A. wika B. tula C. sayaw D. awit
4. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa
himpapawid.Ang salitang pagaspas ay nangangahulugang ?
A. tunog na nalilikha sa paglipad ng ibon B. sagisag C. sigla D. lambing
5.Karaniwang ginagamit na paraan para sa pagbibigay talinghaga at higit na kariktan sa
tula.
A. sukat B. tugma C. mga tayutay D. mga salita
Aralin 1
Mga Tula/Awiting Panudyo,
Tugmang de Gulong at Palaisipan
Tuklasin
Hulaan Mo! Panuto:Hanapin sa loob ng PUZZLE ang mga salita na sasagot sa mga bugtong sa
ibaba.Isulat sa patlang ang sagot .
_________________________ 1. Heto na si kaka,
Bubuka-bukaka. ________________________ 2. Kung kailan madilim,
Saka nagniningning.
_________________________ 3. Isang bilyon sa tabing-bakod, Di mapulot kundi paluhod.
_________________________ 4. Dumaan ang hari, Ang mga tao’y nagtali.
_________________________ 5. Nang maglihi’y namatay, Nang manganak nabuhay.
S O S T I Y A G K A
T S I N E L A U S L
A G I K L D Q N U I
K P G F L R A T N T
B A G Y O B B I S A
C O L W E R M N T P
D A Z Y L M B G O T
S I N N W E L A S A
L A N G G A M M V P
S I N I G W E L A S
Suriin
Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,Bugtong at Palaisipan Ang tula ay maituturing na pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino.Dito
nagsimula ang iba pang mga sining tulad ng awit, sayaw, at dula. Batay sa kasaysayan,
ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiaayos sa isang maanyong paraan kaya kinakikitaan ng
sukat at tugma. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro
Abadilla,”Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan.” Marahil ito
ang dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo,tugmang de gulong at palaisipan
1.Tula/Awiting Panudyo-ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ay may layunin na manukso o mang-uyam.
Halimbawa: Bata Batuta
Nagsuot sa lungga Hinabol ng Palaka
2.Tugmang de-gulong- ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa
pampublikong sasakyan.Sa pamamagitan nito ay malayang naipaparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe ng pasahero. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay
binuo ni Dr.Paquito Badayos. Halimbawa:
“ Basta driver sweet Lover” 3. Bugtong at Palaisipan-layunin nitong pukawin o pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkatipon-tipon sa iisang lugar.Isa ito sa paboritong pampalipas oras ng ating mga
ninuno. Halimbawa:
. Paano ka tatawa na hindi nakikita ang iyong ngipin? ( Sagot:tatakpan ang kanyang bibig)
Pinagyamang Pluma 7
Alma M.Dayag
Tanong:
1. Bakit sinasabing ang tula ang pinakamatandang sining ng kulturang Pilipino?
a. Ito ay pinagmulan ng iba pang mga sining.
b. Bawat kibot ng bibig ay ang katuturan
c. Ito ay kadalasang aliwan kapag may pagtitipon
2. Bakit kaya naisipan ni Dr.Paquito Badayos na buoin ang mga tulang de-gulong?
Nakakita kana ba nito sa mga pampublikong sasakyan? Ano ang iyong
naramdaman?
a. Upang hindi antukin ang mga pasahero
b. Upang maipaparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe
c. Ito’y magsilbing paalala.
3. Gaano nga ba kahalaga ang mga kaalamang-bayan na tula/awiting panudyo,
tugmang de-gulong, bugtong, at palaisipan? Bakit nararapat na pag-aralan ang
mga uri ng panitikang ito?
a. Bahagi na ito ng ating kultura.
b. Libangan sa tuwing may pagtitipon
c. Hindi ito maaaring kalimutan.
Ponemang Suprasegmental
Ang ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastan.Sa tulong nito magiging malinaw rin ang mensahe,damdamin o
kaisipang nais ipahatid sa kausap.
Tono- ang taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa,maari itong makapagpaiba
sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Kahapon? - Nagtatanong o nagdududa
Kahapon. - nagsalaysay
Haba at Diin-ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa
patinig ng pantig ng salita.Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig
ng salita.
Halimbawa:
Magnana.kaw- ang ibig sabihin sa Inglis ay “thief’
Magna.na.kaw- ang ibig sabihin sa Inglis ay “will steal”
Antala-ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa ating kausap.
Halimbawa:
“ Hindi puti” –ang ibig sabihin sa Ingles ay “ It’s not white.”
“ Hindi, puti”-ang ibig sabihin ay “No, it’s white.” nababaligtad ang kahulugan
ng halimbawa sa itaas.
Di madangkal,di madipa
Pinagtutulungan ng lima (sagot:kamay)
Pinagyamang Pluma 7
Alma M.Dayag
Pagyamanin
Gawain 1 Panuto: Paghambingin ang apat na kaalamang-bayan.Piliin mula sa kahon at
isulat ang mga katangian nito sa kasunod na Concept Map.
Gawain 2
Panuto: Bigkasin ang tula na huwag bigyang damdamin o buhay ang pagbigkas. Gawing isang tono lamang ang pagbigkas nito.
Mga Katangian ng
bawat akdang patula
Tulang Panudyo
Tulang de-gulong
Bugtong
Palaisipan
a. Akdang patula na kadalasan ang layunin ay manukso o mang-uyam.
b. Babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Malayang naipaparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe.
c. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarwan.Binibigkas ito nang
patula at kalimitang maiksi lamang.
d. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang paboritong pampalipas oras n gating mga
ninuno.
Ang Tulay ng Kinabukasan Bartolome del Valle
May isang matandang patungong kanluran
Mata’y nakatitig sa lubugang araw, habang nalalapit sa patutunguhan,
ang galak sa puso ay nag-uumapaw.
Sa kanyang paglakad ay kanyang narating
ang dulo ng landas na may isang sagwil, ito’y isang ilog na dapat tawirin,
upang sa paglakad ay huwag dilimin.
1. Ano ang iyong napansin habang binibigkas ang tula nang walang anumang
damdamin?
Sagot:_____________________________________________________________________________
2. Maganda ba itong pakinggan? Ipaliwanag.
Sagot:_____________________________________________________________________________
Gawain 3
Panuto:Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong batay sa ibinigay
kahulugan at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
(SA:wa, sa:WA) 1. Isang uri ng ahas na may malaking bunganga.
Pangungusap:______________________________
(TU:bo, tu:BO) 2. Daanan ng tubig na papunta sa gripo.
Pangungusap:________________________________
(ga:BI, GA:bi) 3. Masarap na gataan at gawing ulam.
Pangungusap:________________________________
(talagah,talaga.) 4. Nagtatanong tungkol sa isang bagay.
Pangungusap:________________________________
(TA:la,ta:LA) 5. Makikita sa langit sa tuwing gabi.
Pangungusap:________________________________
Isaisip Natutunan ko sa modyul na ito na.
Tayahin
I-A.Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap ng bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1 .Ito ay kadalasang naging libangan ng mga kabataan at ang paksa nito ay nanunukso o nang-uuyam.
A. palaisipan C.tugmang de-gulong
B. awiting panudyo D.bugtong
2.Isang uri ng babala na kalimitang makikita sa sasakyan layunin nito’y maipabatid ang mga mensahe sa pasahero.
A.palaisipan C.awiting panudyo
B.tugmang de-gulong D.bugtong
B.Tukuyin kung anong uri ng karunungang bayan ang mga sumusunod.Piliin ang
titik ng tamang sagot .
A. Awiting panudyo C. Tugmang de-gulong B. Bugtong D. Palaisipan
_____3. “Basta sexy Libre”
_____4. ”Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin.” _____5. ”Pedro Penduko,matakaw na tuyo
Nang ayaw maligo,pinukpok ng palo”
II-Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot na angkop sa sumusunod na mga
pahayag.
6 .Ipinakilala mo ang iyong ina sa isang pari na kaibigan mo.
A.Padre Damaso/ang aking ina.
B.Padre/Damaso ang aking ina. C.Padre Damaso ang aking ina.
Natutunan ko sa modyul na ito na ang mga ponemang _____________ at mga di-
berbal na palatandaan ay ______________para sa _____________________
pakikipagtalastasan upang maging mas _________________ ang pagpaparating ng tamang
_____________________ sa pagpapahayag.
7. Walang may ibang kasalanan kundi si Gweneth. A.Hindi/si Gweneth ang may sala.
B.Hindi si Gweneth ang may sala C.Hindi si Gweneth/ ang may sala.
8. Ang _____ ay masarap gawing inumin.
A.bu.ko B.bukó
9. ______ na ang mga kaibigan mong nagsisinungaling.
A.bu.ko B.bukó
10. Isang paboritong pagkaing inihanda lalo na kung pasko. A.hamón B.ha.mon
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng Tula/ Awiting Panudyo na binubuo ng isang saknong.
___________________________________________________
___________________________________________________ ___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________ ___________________________________________________
___________________________________________________
Rubrik sa Pagmamarka (Maaring Baguhin)
MGA PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS
May orihinalidad at akma sa paksa ang mga tulang nabuo.
5 puntos
Kompleto ang tulang nabuo (tulang panudyo, tulang de-gulong, at
palaisipan)
5 puntos
Naiangkop ang tamang intonasyon, diin, at antala sa pagbigkas.
5 puntos
Kabuoang Puntos 15 puntos
5- Napakahusay 4- Mahusay 3-Katamtaman 2- Di- mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
Mga Awtor:Ailene Baisa-Julian,Nestor S.Lontoc,Carmela H. Esguerra Awtor-Koordineytor-Alma M.Dayag
Makabagong Balarilang Pilipino-Binagong Edisyon 2003 nina-Alfonso O.Santiago at
Norma G.Tiangco
Filipino sa Bagong Henerasyon 1-Batayang aklat sa Filipino para sa Unang Taon
Nina:Teresita C. Cruz at Teresita M.AnastacioKadluan ang
Wika at Panitikan-Batayang aklat sa Filipino Unang Tao
BALIKAN
1. B
2. D
3. A
4. A
5. A
TUKLASIN
1. gunting
2. alitaptap
3. ostiya
4. bagyo
5. sinigwelas
PAGYAMANIN
1. sa:WA
2. TU:bo
3. GA:bi
4.talagah
5. TA:la
ISAISIP
1. suprasegmental
2. mahalaga
3. mabisa
4. maliwanag
5. damdamin
TAYAHIN
1. B 6. A
2. C 7. A
3.C 8. A
3. B 9. B
4. A 10. A
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.