Paksa 2 revised

19
ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT MORPOSINTAKSIS NG MGA WIKA SA PILIPINAS Unibersidad ng Pilipinas-Baguio, Oktubre 15-25, 2007 Paksa 2. Klase ng mga Salita - tipo ng mga salitang matatagpuan sa mga wika [Word classes – type of words languages may have.] (hango sa mga babasahin ni Thompson para sa Ling 109/209) - lalong kilala bilang bahagi ng pananalita (Traditionally known as parts of speech) - ang lahat ng wika ay may mga klase ng mga salita (All languages have word classes) - pero, maaaring magkaiba o hindi magkakapareho ang mga klase ng mga salita. [They don’t have the same word classes] - nakaorganisa ang mga klase sa mga prototipo; ang ilang halimbawa ay higit na prototipikal kaysa ibang halimbawa [Word classes are structured around prototypes: some examples are more prototypical than others.] - ang ilang klase ng mga salita ay ‘bukas’, ang iba ay ‘sarado’ (some word classes are open, while some are closed.)

Transcript of Paksa 2 revised

Page 1: Paksa 2 revised

ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT MORPOSINTAKSIS NG MGA WIKA SA

PILIPINASUnibersidad ng Pilipinas-Baguio, Oktubre 15-25, 2007

Paksa 2. Klase ng mga Salita - tipo ng mga salitang matatagpuan sa mga wika [Word classes – type of words languages may have.] (hango sa mga babasahin ni Thompson para sa Ling 109/209)

- lalong kilala bilang bahagi ng pananalita (Traditionally known as parts of speech)

- ang lahat ng wika ay may mga klase ng mga salita (All languages have word classes)

- pero, maaaring magkaiba o hindi magkakapareho ang mga klase ng mga salita. [They don’t have the same word classes]

- nakaorganisa ang mga klase sa mga prototipo; ang ilang halimbawa ay higit na prototipikal kaysa ibang halimbawa [Word classes are structured around prototypes: some examples are more prototypical than others.]

- ang ilang klase ng mga salita ay ‘bukas’, ang iba ay ‘sarado’ (some word classes are open, while some are closed.)

‘bukas’ (open) = pangngalan, pandiwa‘sarado’ (closed) = partikulo (daw, pa, na, atbp.)

1. Ang apat na klase ng mga salita na masasabing ‘unibersal’ o matatagpuan sa lahat ng wika. [Four word classes that are universal or that can be found in all human languages.]

1. pangngalan (noun o N)

(1) Masarap ang taho.

- ang N ay isang halimbawa ng anong klase ng salita? (Nouns belong to what type of word class?)

Page 2: Paksa 2 revised

- ang prototipikal o karaniwang tungkulin o punsyon ng N ay pangalanan ang mga entidad o bagay na gusto nating pag-usapan. [nouns protypically name the entities we want to talk about.]

- ibig sabihin nito, hindi lahat ng N (e.g. mga N na tumutukoy sa abstraktong konsepto) ay may ganitong tungkulin.[this means that not all nouns have this function, but the most typical examples do.)

Kaya, ang taho sa (1) ay nagpapangalan sa isang entidad.(So, taho in (1) above names an entity.)

Ngunit ang mga salita gaya ng kagandahan at kalayaan ay hindi. (But words like beauty and freedom do not.)

Tanong: Sa lumang balarila, ganito ang depinisyon ng pangngalan. “Ang salita o bahagi ng pangungusap na nagpapakilala ng tao, bagay, lunan, gawa o pangyayari ay siyang sa Balarila’y tinatawag na pangngalan.” Ano ang masasabi mo tungkol sa depinisyong ito? Ikumpara ito sa depinisyon sa gramatikang Ingles na: ‘A noun is the name of a person, place or thing.’

(a) sa maraming wika, minamarkahan ang mga pangngalan ng tinatawag na gramatikal na relasyon e.g. subject vs. object, ergative vs. absolutive, agent vs. patient, atbp. (In many languages, nouns are marked for grammatical relations.

(b) sa maraming wika, minamarkahan ang mga pangngalan ng tinatawag na bilang at kasarian. (In many languages, nouns are marked for number and gender.)

- ang bilang ay tumutukoy sa isahan, dalawahan, maramihan o kauntian (number refers to singular, dual, plural o paucal.)

- may gramatikal na kasarian ang isang wika, kung ang may pananda para sa kasarian (e.g. babae, lalake, o nyutral) ang mga pangngalan.

2

Page 3: Paksa 2 revised

Pranses (French): la table ‘the table, fem.’, le fromage ‘the cheese, masc.’

Aleman (German): die Hoffnung ‘the hope, fem.’, der Wind ‘the wind masc.’

Espanyol (Spanish): el nińo ‘the boy, masc.’; la nińa ‘the girl, fem.’

Kung walang gramatikal na palatandaan para sa kasarian ang mga pangngalan ng isang wika, sinasabi na ang kasarian ay leksikalisado.

Tanong: May bilang ba sa mga WP? May kasarian? Gramatikalisado ba o leksikalisado ang mga ito? Patunayan ang inyong sagot.

(c) madalas matagpuan ang mga N na bahagi ng isang nominal na prase (noun phrase o NP). Ang lahat ng wika ay may NP, kung kaya’t ito’y maituturing na `unibersal’.

Ang isang NP ay binubuo ng i. isang panghalip, o ii. isang N na may kasamang pantukoy, pang-uri, pamilang, pangklasipika, paari, at katulad. (A noun phrase is a phrase consisting of a pronoun, or a noun plus any determiner, adjective, numeral, classifier, possessor, and the like.) Halimbawa: the brown jacket, three milkshakes, we.

2. pandiwa (verb o V)

(2) Pumunta si Maria sa SM. ‘Maria went to SM.’ (3) Hiniram ni Juan ang aking libro. ‘Juan borrowed my book.’

- ang prototipikal na tungkulin ng V ay ipahayag ang mga pangyayari na nilalahukan ng mga entidad. Ibig sabihin nito, hindi lahat ng V ay may ganitong tungkulin. (Verbs prototypically function to name events in which entities participate. This means not all verbs have this function)

Halimbawa:

3

Page 4: Paksa 2 revised

Tagalog:(4) May tao sa bahay. ‘There’s someone inside the house.’(5) Tanggap ko ang aking pagkakamali. “I accept my mistake.’

- ang V ay isang bukas na klase ng mga salita.- ang V ay karaniwang gumaganap na mga panaguri, ang semantikong sentro ng mga klosa o pangungusap. (Verbs are prototypically predicates, the semantic center of clauses.- ang V ay karaniwang minamarkahan ng kapanahunan o tipo ng aksyon o estado. (Verbs are often marked for tense and type of action.)

Tagalog:Hal: kumain; kumakain; kumain; kakain

3. pamilang (numerals)

- madalas na kasama ng N sa isang NP, tumutukoy sa kung ilan ang bagay na pinag-uusapan. (Numerals typically go with nouns in an NP, specifying the number of that item being talked about.)

Mandarin: zhei san zhang zhouzi DEM: PROX three CL table ‘these three tables’

Eng: these four courses Seb: duha ka tuig ‘two years’ Ika (Tucaonan, Columbia): mouga kggi

- halos unibersal (close to universal): may ilang wika na ang mga pamilang ay limitado sa mga salitang ‘single’, ‘pair’ at ‘many’. (there are languages where numerals are limited to words meaning ‘single’, ‘pair’ and ‘many’.)

Ano ang pagkakaiba ng “bilang” at ng “pamilang”?

4. panghalip (pronouns)

4

Page 5: Paksa 2 revised

- gumaganap bilang mga pariralang pangngalan at madalas na markahan gaya nito. (function like noun phrases and marked like them.)- may anim (6) na importanteng tipo ng mga panghalip, ngunit maaaring di taglay ng isang wika ang lahat ng anim. (there are six important types of pronouns, but not all languages have all six.)

(a) panghalip na panao (personal pronouns)

- madalas na tumutukoy sa mga entidad na nabanggit na diskurso o batid na ng kausap (usually refer to entities already mentioned in the discourse or known to the hearer.)

(b) panghalip na paari (possessive pronouns)

- ginagamit kung ang panghalip ay tumutukoy sa may-ari.

Tagalog: Pranses: (6) Bahay ko ito. (8) donne moi ton livre (7) Sa aking bahay ito. give2SG 1SG:OBL 2SG:POSS book _________________________________

(c) panghalip na pananong (question word pronouns or interrogative pronouns)

- ginagamit kung ang entidad ay inuusisa. (used when a concept is being questioned.)

Colloquial Italian: (9) cosa leggi ogni giorno? what read:2SG every day ________________________

(d) panghalip na pamatlig o panuro (demonstrative pronoun)

- isang salitang tumutukoy sa distansya o espasyo na ginagamit bilang panghalip.

5

Page 6: Paksa 2 revised

pangmalapitan (proximal): Ito ang gusto ko. pangmalayuan (distal): Iyon ang gusto niya.

Importante: Itinuturing ng maraming linggwista na magkaiba ang panghalip na demonstratibo sa determiner na demonstratibo, bagamat magkahawig ang anyo ng mga ito. (Many linguists differentiate demonstrative pronouns from demonstrative determiners.) Halimbawa: This land is mine. (Determiner) vs. This is mine. (Pronoun)

(e) panghalip na pasarili (reflexive pronoun)

- espesyal na mga panghalip na tumutukoy sa parehong reperente sa isang konstruksyon.(special pronouns that have the same referent in a construction.) Halimbawa:

Ingles: She hurt herself. Tagalog: Sinaktan niya ang sarili (niya).

(f) panghalip na di-tiyak (indefinite pronouns)

- espesyal na panghalip na tumutukoy sa di-tukoy na mga bagay, tao, lugar o panahon (special pronouns that refer to indefinite entities, persons, place or time.)

Tagalog: Anuman ang sabihin nila, ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ingles: We like everybody. We could get off anywhere

II. Ibang klase ng salita na hindi unibersal

1. pang-uri (adjective)

- ang prototipikal na tungkulin ng pang-uri ay upang panganlan ang mga katangian ng isang entidad (adjectives prototypically function to name properties associated with an entity.)- sa maraming wika, sumusunod ang pang-uri sa kasarian o bilang ng N

Spanish: una casa blanca vs. un zapato blanco

6

Page 7: Paksa 2 revised

- dalawang uri ng pang-uri ayon sa sintaktika (two syntactic adjective types):

(a) pang-atribusyon (attributive): kasama sa NP She has red hair. (b) predikatibo o pampanag-uri (predicative) gumaganap bilang panag-uri ng klosa. Her hair is red.

2. pang-abay (adverb)

- gumaganap bilang pangmodipika ng hindi-N (function as specifiers of non-nouns)

Pangungusap: aktitud [Frankly, I love chocolate] Pandiwa: oras. lugar, paraan: [We slowly walked to the arbor.] Pang-uri: [She’s really tall.] Pang-abay: [We walked very fast.]

3. pang-ukol (adposition)

- mga gramatikal na morpema na katuwang ng mga NP, subalit magkahiwalay na mga salita at hindi mga panlapi (grammatical morphemes associated with NP, but existing as separate words and are not affixes.)

- ang prototipikal na tungkulin ay (a) markahan ang mga konseptong pang-espasyo o pampanahon, at (b) markahan ang gramatikal na relasyon.

- pang-ukol + NP = pampang-ukol na prase (adpositional phrase)- preposisyon: matatagpuan bago ng N, Pranses: a Paris ‘to Paris’- postposisyon: matatagpuan pagkatapos ng N, Japanese: Tokyo ni ‘to Tokyo’

Tanong: May mga adposisyon ba sa mga WP? Patunayan ang inyong sagot.

4. pantulong (auxiliary)

7

Page 8: Paksa 2 revised

- iniuugnay sa mga pandiwa, pero tumitindig bilang magkahiwalay na salit, ibig sabihin, hindi mga panlapi ang mga ito;

I might go to the library. They are swimming.

Dutch: Mama heft het gedaan Mom AUX:PRES:3SG it do: COMPLET Mom did it.

- Paano nagkakaiba sa pandiwa ang pantulong-pandiwa?

- mayroon silang ilang mga katangian ng pandiwa

- pero hindi sila mga pandiwa

- hindi ito ang sentro ng kahulugan ng panaguri (they are not the semantic centers of the clause.) Sa halip, wala silang gaanong kahulugan gaya ng panahon, duratibo, posibilidad, atbp. (they express either no meaning or meanings like tense, duration, possibility, etc.)

- dapat silang gamitin na kasama ng mga pandiwa (they must be used together with verbs.)

Tanong: Mayroon bang mga `auxiliary' sa mga wika sa Pilipinas?

5. pang-ugnay (copula):

- isang gramatikal na morpema na halos walang leksikal na nilalaman at nag-uugnay ng isang predikeyt na nominal, pang-uri o obliko sa isang NP. (a grammatical morpheme with no lexical content and functions to link an NP with a nominal predicate, adjectival predicate or oblique predicate.)

Spanish: perico es un loro Perico COP ART parrot

8

Page 9: Paksa 2 revised

‘Perico is a parrot.’

6. pantukoy (determiner):

- hindi isang unibersal; may ilang wika na walang pantukoy (not a universal, some languages don’t have any determiner as separate words;

- gumaganap bilang ‘pantukoy’ ng mga pangngalan sa isang NP,

- artikulo o pantiyak: tumutukoy sa katayuang pang-impormasyon ng mga pangngalan, kung ito ay kumakatawan sa luma o sa bagong impormasyon; (indicate information status of nouns, that is, whether they are ‘known’ information or ‘new’ information.)

- di-tiyak na artikulo (ginagamit sa ‘batid (o lumang) impormasyon; ‘I saw a great movie last night.’

- tiyak na artikulo (ginagamit sa ‘bagong’ impormasyon; ‘The book you gave me is terrific.’

- pantukoy na panturo: tumutukoy sa katayuang pang-espasyong mga pangngalan, kung ito ay malapit o malayo sa nagsasalita, (indicate the deictic status of nouns, whether they are closer or farther from the speaker.)

- panghalip na panturo: isang salita na ginagamit bilang panghalip;

- pantukoy na panuro: isang salita na ginagamit kasama ng isang pangngalan para gumawa ng isang NP;

7. pangkantidad (quantifier)

- mga morpema na tumutukoy sa dami o kantidad ng entidad na tinutukoy ng pangngalan;

Many people love syntax.

9

Page 10: Paksa 2 revised

I didn’t eat much chocolate.All students will like this class.

8. pangklasipika (classifier):

- mga morpema na kasama ng isang pangngalan sa NP at tumutukoy sa klasipikasyong pansemantika ng pangngalan;

Mandarin: zhei zhang zhouzi DEM:PROX CL table This table

[zhang = pangklasipika para sa mga malapad na flat na bagay]

Jacaltec (Mayan, Guatemala): hune’ no’ balam ART CL tiger

[ no’ classifier for animals]

9. partikulo o kataga (particles)

(a) hindi kasama sa mga nabanggit na klase ng mga salita(b) may gramatikal pero walang leksikal na kahulugan;(c) nagpapahayag ng aktitud, damdamin, negasyon, atbp.

Oh, I guess it’s raining.Hey, I’m out of here.She’s not here.

Cantonese: leih jung-mh-jungyi Heunggong a 2SG like-NEG-like Hongkong Q ‘do you like Hongkong?’

Buod: apat na klase ng pananalita na unibersal o matatagpuan sa lahat ng wika(four word classes which are universal or found in all of the languages)

10

Page 11: Paksa 2 revised

____________ _________ _______ ________________

- hindi unibersal ang iba pang klase, may mga wikang mayroon ng mga ito, mayroong mga wikang wala.

III. Paano natin malalaman kung sa isang wika ay kabilang ang isang salita sa. magkapareho o magkaibang klase ng salita? (For a given language, how do we know whether words belong to the same or different word classes, since not all languages distinguish the same word classes?)

- kailangan nating suhayan ng ebidensya ang ating sagot. (we need to back up our answer.)

- gumagamit tayo ng dalawang uri ng gramatikal na ebidensya para sa naturang wika.

(1) Ebidensya sa morpolohiya

may ilang panlapi na ginagamit lamang para sa ilang klase ng pananalita:

- ang mga pandiwa ay minamarkahan ng pangkasalukuyan o pangnagdaan:

(verbs are marked for tense)

give – gave

- ang mga pangngalan ay minamarkahan ng kailanan (isahan o maramihan)

(nouns are marked for number)

book: books

- ang mga pang-uri ay minamarkahan ng kaantasan (adjectives are marked for degree)

big: bigger: biggest

11

Page 12: Paksa 2 revised

(2) Ebidensya na pansintaktika

- sa Ingles:

- ang pandiwa ay matatagpuan pagkatapos ng pantulong na pandiwa.

(verbs occur after auxiliaries)

can swim

- ang pangngalan ay matatagpuan bago ng pandiwa at pagkatapos ng pantukoy

(nouns occur before a verb and after a determiner)

that shirt looks good

- ang mga pang-uri ay matatagpuan bago ng pangngalan nang walang pagbabago kung ang mga ito ay pang-atribusyon, o pagkatapos ng pang-ugnay kung ito ay ginagamit na panag-uri. (adjectives occur before nouns without changes, if the adjective is used as an attribute, or after a copula if it is used as a predicate.)

her hair is red.

Importante: sa maraming wika, ang mga indibidwal na salita ay maaaring maging kabilang sa higit sa isang klase ng pananalita. (in many languages, an individual word can belong to more than one word class.)

12