GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

13
GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS TOPIC: Makontrol ang Stress MGA KASANGKAPAN SA PAGKATUTO 1. Boletín informativo Manatiling MalusogBawasan ang Stress2. Gaano Ka Ka-Stress? 3. Tip Sheet #1 Ano ang Nakaka-stress sa Iyo? 4. Tip Sheet #2 Mga Dapat Gawin para Bawasan ang Stress Lista de recomendaciones 5. Tip Sheet #3 Maraming Bagay ang Puwedeng Gawin para Mabawasan ang Stress 6. Manatiling Malusog Bawasan ang Stress para sa Sumusuporta 7. Manatiling Malusog Bawasan ang Stress Poster 8. Video: Manatiling Malusog Bawasan ang Stress 9. Video: Manatiling Malusog Kumuha ng hininga PANGKALAHATANG IMPORMASYON Idinisenyo ang Safety Net Learning Tools upang makatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa ispisipikong paksa at gamitin sa iba’tibang kapaligiran sa para matuto. Magagamit ang Learning Tools habang magkaharap na magka-usap, o sa mga maliit o malaking grupo. Bago simulan ang sesyon para matuto, dapat repasuhin muna ng presenter ang lahat ng SafetyNet Learning Tools tungkol sa paksa. Makakukuha ang tagapagsanay ng dagdag na material na may mga link sa Artikulo at Pahayagan ng SafetyNet. BAGO ANG PAGSASANAY Dapat ang presenter ay: Magbigay ng sapat na oras at komportableng lugar para sa para sa pagsasanay at talakayan. Ihanda ang anumang kailangang kagamitan, gaya ng laptop at projector. Ihanda rin ang iba pang kailangang kagamitan. I-print o mag-photocopy ng sapat na materyal para magkaroon ng sariling kopya ang bawat indibidwal. PAGSASANAY Ang presenter: Ipinapakita ang slide show. Panguhan ang talakayan tungkol sa nilalaman at hinihimok ang bukas na komunikasyon. Repasuhin at talakayin ang impormasyon ng bawat handouts. Magtanong para masiguro kung nauunawaan. May follow-up para sa dagdag na repaso at talakayan kung kailangan. Magbigay ng ilang sesyon ng pagsasanay upang matiyak ang sapat na pagkakasakop at pang-unawa sa paksa.

Transcript of GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Page 1: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS

TOPIC: Makontrol ang Stress

MGA KASANGKAPAN SA PAGKATUTO

1. Boletín informativo “Manatiling Malusog—Bawasan ang Stress” 2. Gaano Ka Ka-Stress? 3. Tip Sheet #1 – Ano ang Nakaka-stress sa Iyo? 4. Tip Sheet #2 – Mga Dapat Gawin para Bawasan ang Stress Lista de

recomendaciones 5. Tip Sheet #3 – Maraming Bagay ang Puwedeng Gawin para Mabawasan ang Stress 6. Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress para sa Sumusuporta 7. Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress Poster 8. Video: Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress 9. Video: Manatiling Malusog – Kumuha ng hininga

PANGKALAHATANG IMPORMASYON

Idinisenyo ang Safety Net Learning Tools upang makatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa ispisipikong paksa at gamitin sa iba’tibang kapaligiran sa para matuto. Magagamit ang Learning Tools habang magkaharap na magka-usap, o sa mga maliit o malaking grupo.

Bago simulan ang sesyon para matuto, dapat repasuhin muna ng presenter ang lahat ng SafetyNet Learning Tools tungkol sa paksa. Makakukuha ang tagapagsanay ng dagdag na material na may mga link sa Artikulo at Pahayagan ng SafetyNet.

BAGO ANG PAGSASANAY

Dapat ang presenter ay:

Magbigay ng sapat na oras at komportableng lugar para sa para sa pagsasanay at talakayan.

Ihanda ang anumang kailangang kagamitan, gaya ng laptop at projector. Ihanda rin ang iba pang kailangang kagamitan. I-print o mag-photocopy ng sapat na

materyal para magkaroon ng sariling kopya ang bawat indibidwal.

PAGSASANAY Ang presenter:

Ipinapakita ang slide show. Panguhan ang talakayan tungkol sa nilalaman at hinihimok ang bukas na

komunikasyon. Repasuhin at talakayin ang impormasyon ng bawat handouts. Magtanong para masiguro kung nauunawaan. May follow-up para sa dagdag na repaso at talakayan kung kailangan. Magbigay ng ilang sesyon ng pagsasanay upang matiyak ang sapat na

pagkakasakop at pang-unawa sa paksa.

Page 2: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress Gaano Ka Ka-Stress?

Ang sagot na oo sa alinmang sa mga tanong na ito ay nangangahulugang ikaw ay nakadarama ng stress sa iyong buhay. Pag-isipan: Ano ang nakapagpapadama sa iyo ng ganito? Ano’ng mga bagay ang magagawa mo para

bumuti ang pakiramdam mo?

Noong nakaraang buwan nakadama ka ba ng:

1. Pagkabahala, takot, o pagkanerbiyos? Oo Hindi

Kung oo, ano ang dahilan kaya ganoon ang nadama mo?

Ano’ng mga bagay na maaari mong gawin para bumuti ang pakiramdam mo?

2. Mga tao na salbahe sa o pinagdidiskitahan ka? Oo Hindi

Kung oo, ano ang dahilan kaya ganoon ang nadama mo?

Ano’ng mga bagay na maaari mong gawin para bumuti ang pakiramdam mo?

3. Masyadong marami ang gawain mo? Oo Hindi

Kung oo, ano ang dahilan kaya ganoon ang nadama mo?

Ano’ng mga bagay na maaari mong gawin para bumuti ang pakiramdam mo?

4. Galit dahil sa isang pangyayari? Oo Hindi

Kung oo, ano ang dahilan kaya ganoon ang nadama mo?

Ano’ng mga bagay na maaari mong gawin para bumuti ang pakiramdam mo?

5. Mga sakit at kirot na hindi mo maipaliwanag? Oo Hindi

Kung oo, ano ang dahilan kaya ganoon ang nadama mo?

Ano’ng mga bagay na maaari mong gawin para bumuti ang pakiramdam mo?

Page 3: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Nagsabi ka ba ng oo sa alinman sa mga tanong na ito? Kung ganoon, maaari ngang stress ka. Lumipat sa kasunod na pahina para sa ilang bagay na maaaring gawin para mabawasan ang nadarama mong stress.

Ilang Paraan Para Bawasan ang Stress

Baguhin ang sanhi ng iyong stress. Kung mayroon kang problema sa pera, magpatulong sa pagba-badyet. Kung ikaw ay binu-bully, ipakipagusap kung ano ang dapat mong gawin para manatiling ligtas.

Baguhin ang ginagawa mo kapag na-stress ka. Magpahinga. Magbilang hanggang sampu. Huminga ng malalim. Lumayo muna sandali. Gumawa ng ibang bagay.

Mag-isip ng Mabubuting Bagay. Huwag isipin na laging masama ang

mangyayari. Huwag isiping “Hindi ko kaya.” Isipin na “Kaya ko! Kaya kong gawin ito!” Maging positibo. Isipin ang masasayang sandali at mga bagay na nakapagpapabuti ng pakiramdam mo.

Gumawa ng kasiya-siyang mga bagay. Maglaan ng oras para gumawa ng bagay na kasiya-siya sa iyo. Heto ang ilang ideya.

Maglakad-lakad. Magbisikleta. Maglaro. Uminom ng mainit na inumin. Himasin ang alagang pusa o aso. Magpinta ng larawan. Makinig sa musika. Maligo ng matagal. Mamasyal sa parke. Bumisita sa mga kaibigan.

Humalakhak. Ang pagtawa ay isang mabuting gamot. Masarap tumawa. Kapag na-stress mag-isip ka ng nakakatawa. Palaging tumawa.

Humanap ng Paraan para makapag-relaks. Yoga, paghinga ng malalim, o meditasyon ay pipigil sa masamang naiisip. Sampung minuto lang bawat araw ay makakatulong para bumuti ang pakiramdam mo. Kumuha ng klase para matuto ng yoga o meditasyon. Maaari kang magsama ng kaibigan.

Page 4: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Ang Pinakamahalaga, makipag-usap sa isang kaibigan. Makipag-usap sa

isang pinagkakatiwalaan tungkol sa mga bagay na ikinababahala mo. Gaganda ang pakiramdam mo! Kung walang sinuman, humingi ng tulong. Kailangan natin lahat ng mga kaibigan para magbahagi ng ating mga tagumpay at kabiguan.

Para sa Higit pa tungkol sa kung paano bawasan ang stress, tignan ang:

o Tip Sheet #1 (http://www.ddssafety.net/health/stress-

management/finding-cause-stress-tipsheet-1) , o Tip Sheet #2 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/what-

you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-2), and o Tip Sheet #3 (http://www.ddssafety.net/health/stress-

management/more-things-you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-3).

Page 5: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

Tip Sheet #1 – Ano ang Nakaka-stress sa Iyo?

Madalas ka bang nakadarama ng pag-aalala, takot, o hindi mapalagay? Nakadarama ng pagkabigo o galit? May problema sa pagtulog? Sobra o napakakaunti mong kumain? Mayroong masakit o kirot na hindi maipaliwanag? Ang lahat ng ito ay posibleng palatandaan ng stress.

Kung nakadarama ka ng alinman sa mga ito, hindi ka nag-iisa. Lahat ay nakadarama ng stress – kung minsan matindi, kung minsan hindi masyado. Ang ilang stress ay ayos naman, kapakinapakinabang pa nga. Pero maaari kang magkasakit kung palagi kang nakadarama ng stress.

Matuto at gamitin ang mga tip na ito para makontrol ang stress. Makakatulong ito sa iyo na magkaroon ng mas malusog, mas maligayang isip at katawan.

Mga Sanhi ng Stress

Una, subukang alamin ang sanhi ng iyong stress. Itanong sa sarili ang mga tanong na ito. Gamitin ang palatanungan na “Kamusta ang Pakiramdam mo? Gaano Ka Ka-stress? (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/how-stressed-are-you) para itala ang iyong mga sagot.

Sa nakaraang buwan nakadama ba ako ng:

Kabalisahan, pag-aalala, o takot? Ang mga tao ba ay salbahe o pinagdidiskitahan ako? Napakarami kong gawain? Galit dahil sa isang pangyayari?

Kung Oo ang sagot mo sa alinman sa mga tanong na ito, tanungin ang iyong sarili:

Bakit ganito ang nadarama ko?

Kung nahihirapan kang sagutin ang mga tanong na ito, maaaring kailangan mong gumawa ng talaan sa loob ng ilang linggo. Itala ang mga tao, mga lugar, o aktibidad na nagiging sanhi para ma-stress ka. Ano ang nangyari at ano ang naramdaman mo dito.

Maaaring kailanganin mo ng tulong. Kausapin ang isang taga-suporta o isang pinagkakatiwalaan para hingian ng tulong. Makipagtalakayan at bumuo ng plano. Tanungin ang iyong sarili:

Anong mga bagay ang maaari kong gawin para mabawasan ang nadarama kong stress?

Tignan ang Tip Sheet #2 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/what-you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-2) at #3 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/more-things-you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-3) para sa mga ideya kung paano mapapagaan ang pakiramdam mo.

Page 6: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

Tip Sheet #2 – Mga Dapat Gawin para Bawasan ang Stress Mga Dapat Gawin Para Bumuti ang Pakiramdam

Isipin kung ano ang sanhi ng iyong stress. Pagkatapos ay isipin kung ano ang pinakamabuting gawin para matulungan kang mabawasan ang stress.

Baguhin ang sanhi ng iyong stress. Kung may problema sa pera, magpatulong sa pagba-badyet. Kung binu-bully ka, ipakipag-usap kung ano ang magagawa mo para manatiling ligtas.

Baguhin ang ginagawa kapag na-stress ka. Magpahinga. Bumilang hanggang sampu. Huminga ng malalim. Lumayo muna sandali. Gumawa ng ibang bagay.

Mag-isip ng mabubuting bagay. Huwag laging isipin na masama ang mangyayari. Huwag isipin na “hindi ko kaya.” Isipin na “Kaya! Kaya kong gawin ito!” Huwag sisihin ang iyong sarili. Isipin ang masasayang araw at ang mga bagay na nakakapagpabuti ng pakiramdam mo.

Gumawa ng Nakakatuwang mga Bagay. Maglaan ng panahon para gumawa ng bagay

na kasiya-siya sa iyo araw-araw. Heto ang ilang ideya:

Maglakad-lakad. Magbisikleta. Maglaro. Uminom ng mainit na inumin. Himasin ang iyong pusa o aso. Magpinta ng larawan. Makinig sa musika. Maligo ng matagal. Mamasyal sa parke.

Humalakhak. Ang pagtawa ay mahusay na gamot. Masarap tumawa. Kapag nakadarama ng stress, mag-isip ng nakakatawa. Palaging tumawa.

Humanap ng paraan para ma-relaks. Ang yoga, malalim na paghinga, o meditasyon ay makakapigil sa masamang naiisip. Sampung minuto lang araw-araw ang kailangan para bumuti ang iyong pakiramdam. Sumama sa mga kaibigan.

Ang Pinakamahalaga, makipag-usap sa isang kaibigan. Makipag-usap sa isang pinagkakatiwalaan tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa iyo. Bubuti ang pakiramdam mo! Kung wala kang kasama, humingi ng tulong sa iba. Tayong lahat ay nangangailangan ng kaibigan na mapagsasabihan ng ating mga tagumpay at kabiguan.

Page 7: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress Tip Sheet #3 – Maraming Bagay ang Puwedeng Gawin para

Mabawasan ang Stress

Maraming Bagay na Puwedeng Gawin para Gumanda ang Pakiramdamdam

Ehersisyo. Magtakda ng tunguhin na 30 minuto araw-araw para mag-ehersisyo. Kilos na!

Kumain ng Tama. Dahan-dahan sa pagkain. Huwag kumain ng marami ng mabilis. Masiyahan sa iyong pagkain.Huwag kumain ng maraming fastfood. Huwag kumain ng maraming matatamis na meryenda. Kumain ng mga pagkaing makabubuti sa iyo – maraming sariwang prutas at gulay.

Mag-ingat sa kape. Nakapagpapasigla ang caffeine sa kape. Pero kapag sobra ang kape

magiging nerbiyoso at magugulatin ka. Kung ganoon ang nararamdaman mo, bawasan ang kape o mag-decaf na lang. Tandaan na maraming klase ng softdrinks ang may caffeine din.

Umiwas sa alkohol, sigarilyo, at droga. Hindi nakakatulong ang alkohol, sigarilyo at droga para mabawasan ang stress. Sa katunayan, nakadaragdag ang mga ito ng stress.

Matulog ng sapat. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng problema sa pagtulog. Kailangan mo ng 6 hanggang 8 oras na tulog bawat gabi upang manatiling malusog. Heto ang ilang bagay na puwede mong gawin para makatulog ng mahimbing.

Matulog at gumising sa parehong oras bawat araw. Siguraduhing tama ang lamig sa iyong silid (hindi maginaw), madilim, at tahimik. Gumamit ng sapin at unan na masarap gamitin. Huwag kumain ng sobra bago matulog. Regular na mag-ehersisyo araw-araw. Huwag uminom ng kape, tsaa, o ibang may caffeine kapag hapon na. Limitahan ang alkohol. Huwag manigarilyo. Panatilihing 30 minuto o mas maikli ang mga pag-idlip. Mag-relaks bago ang oras ng tulog. Mabuting panahon ito para sa meditasyon. Kung hindi makatulog, bumangon ka. Gumawa ng bagay na nakaka-relaks

hanggang sa makatulog ka.

May ilang problema sa kalusugan na maaaring sanhi ng hindi magandang tulog. Kung hindi ka pa rin makatulog ng mahimbing, makipag-usap sa iyong doktor. Huminga Tayo ng Malalim! Huminga ng malalim:

o Maging komportable. o Ipikit mo ang iyong mga mata. o Huminga ng malalim at dahan-dahan sa iyong ilong. o Punuin ng hangin ang iyong dibdib. o Ngayon dahan-dahang huminga palabas. o Habang humihinga, isipin ang isang kalmadong lugar. o Gunigunihin na lahat ng stress ay wala na. o I-relaks ang iyong katawan. o Ngayon gawin ito uli. Patuloy na gawin hanggang maramdaman

mong kalmado ka na.

Ano ang pakiramdam? Subukan ang paghinga ng malalim sa pamamagitan ng aming video na Bawasan ang Stress – Huminga Muna, (http://youtu.be/HB0K6QgYCD4) o sumubok ng iba pang ehersisyo para sa relaksasyon tulad ng yoga at meditasyon para mabawasan ang stress.

Page 8: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Artikulo para sa Sumusuporta

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress

Alamin ang Tungkol sa Stress

Hanapin ang Sanhi ng Stress

Mga Paraan para makontrol ang Stress

Stress ng Sumusuporta

Maglaan ng Panahon para Huminga ng malalim

Alamin ang Stress Nakikita mo ba ang taong sinusuportahan mo na nakadarama ng pagkabigo o nagagalit? Nagkakaproblema sa pagtulog? Sobra o kulang kumain? Nagiging tensiyonado o nababalisa? Lahat ito ay posibleng mga palatandaan ng stress.

Lahat ay dumaranas ng stress sa buhay. Ang kaunting stress ay ayos lang, kapakipakinabang pa nga. Ang

palagiang stress ay sanhi ng seryosong mga problema sa kalusugan.

Matutuhan at gamitin ang iba’t-ibang paraan para makontrol ang stress. Sa paggawa nito makakatulong ka sa iyong sarili at sa iba na magkaroon ng mas maligaya, mas malusog na isipan at katawan.

Hanapin ang mga Sanhi ng Stress

Upang makatulong, alamin kung paano at kailan nakadarama ang isa ng stress. Una, tingnan ang mga palatandaan ng stress. Kadalasan ang tao ay mukhang nababahala, hindi mapalagay, takot, balisa, o galit.

Kasunod, kausapin sila kung bakit ganoon ang nadarama nila. Tulungan silang kilalanin ang sanhi ng kanilang stress. Maraming posibleng mga dahilan. Heto ang ilan.

Away sa pamilya, mga kaibigan, o sa kasama nila sa trabaho o sa bahay. Problema sa pera. Binu-bully o pakiramdam na sila ay pinagdidiskitahan. Masyadong marami ang gawain. Nakadarama ng panlulupaypay. Nasa masikip lugar. Palipat-lipat ng lugar.

Hindi man mabuti ang bawat araw, pero mayroong mabuti sa araw-araw.

- Hindi kilalang Author

Page 9: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

2

Nagdadalamhati dahil sa pagkawala, ng isang malapit sa kaniya, o kaya ay isang alaga.

Nahihirapan bang malaman ang sanhi? Tulungan ang tao na magtala araw-araw sa loob ng ilang linggo. Isulat kung anong mga tao, lugar, o mga aktibidad ang naging sanhi ng stress. Itala kung ano ang nangyari at kung ano ang nadama nila.

Mga Paraan para Makontrol ang Stress

Maraming paraan para mabawasan o maalis ang stress. Ang pagkaalam ng sanhi ay makakatulong para mabawasan mo ito. Magtulungan para gumawa ng plano.

Baguhin kung ano ang nagpapa-stress. Kung ito ay problema sa pera, tulungan siya na gumawa ng badyet. Kung siya ay binu-bully, kausapin sila tungkol sa kung ano ang dapat gawin para manatili silang ligtas. http://www.ddssafety.net/health/stress-management/summer-2015-newsletter-stay-healthy-stress-less

Tulungan ang tao na baguhin ang kaniyang reaksiyon sa mga bagay na sanhi ng stress. Himukin sila na magpahinga. Huminga ng malalim. Magbilang hanggang sampu. Ipaalam sa kanila na ang galit ay makadaragdag lamang sa kaniyang stress. Tulungan sila na humanap ng ibang paraan upang mabawasan ang kanilang pagkasiphayo.

Mag-isip ng positibo. Kapag ang tao ay nag-aalala kadalasan ng naiisip nila ang pinakamasamang mangyayari. Tulungan ang tao na palitan ang mga negatibong kaisipan ng mga positibo. Isipin na “Kaya kong gawin ito!” sa halip na

“Hindi ko kaya”. Ang pag-iisip tungkol sa mga panahon na panatag ang tao ay makakatulong rin.

Gumawa ng kasiya-siyang mga bagay. Kung paanong may mga bagay na nakaka-stress, marami ring bagay ang nakakabuti sa pakiramdam ng tao. Maglaan ng panahon para gumawa ng kasiya-siyang bagay. Tulungan ang tao na sinusoportahan mo na gumawa ng listahan ng mga bagay na mabuti sa pakiramdam niya. Heto ang ilang ideya.

Stress ng Sumusuporta

Sumusuporta – kapuwa miyembro ng pamilya at mga direct support professional ay nasa mataas na panganib. Nakakaapekto ang stress sa kakayahan ng tao na tumutok, nagiging sanhi ng kawalang-tulog, at dumadagdag sa panganib sa problema sa likod at aksidente.

Huwag bale-walain ang stress. Gawan ito ng paraan.

Page 10: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

3

Maglakad-lakad. Magbisikleta. Maglaro. Uminom ng mainit na inumin. Himasin ang alagang pusa o aso. Magpinta ng larawan. Makinig sa nakagiginhawang

musika. Maligo ng matagal. Pumunta sa parke.

Humalakhak. Mabuting gamot ang pagtawa. Masarap ang tumawa. Nakakatulong makabawas ng stress ang pagtawa. Kapag nakakaramdam ng stress, tulungan ang tao na:

Maghanap ng mga katatawanang bagay. Mag-isip ng nakakatawang nangyari. Tumawa imbes na sumimangot.

Matutong mag-relaks. Ang yoga, malalim na paghinga, at

meditasyon ay nakakatulong para malinawan ang isip mula sa mga saloobing nagpapa-stress. Kahit sandaling minuto ng

pagpapahinga ay makakatulong sa pagbuti ng pakiramdam. Pag-aralan ang mga pamamaraang ito at ituro sa iba. O kaya, tulungan mong maisali ang tao sa isang paaralang nagtuturo kung paano mag-relaks.

Pinakamahalaga, makipag-usap sa kaibigan. Lahat ay bumubuti ang pakiramdam kapag may nakakausap tayong mapagkakatiwalaan. Ang pagbabahagi ng mga kaisipan at damdamin ay bumubuo ng tiwala at pagkakaibigan. Magbigay ng suporta upang makabuo ng matibay na sistemang pangsuporta. Mag-ehersisyo araw-araw. Madalas kasama sa pakiramdam ng stress ang pananakit ng likod – lalo na sa may balakang – at pangkalahatang kirot at sakit. Ang taong maraming stress ay mas malamang na maaksidente. Ang paggalaw ng katawan ay nakakatulong sa naninikip na kalamnan at protektahan ang tao sa pinsala sa katawan. Gawin ng 30 minuto araw-araw. http://www.ddssafety.net/health/eating-healthy-and-staying-active/healthy-living-tips-getting-active

Kumain ng tama. Magbigay ng pansin sa kinakain mo. Iwasan ang mabilis na pagkain ng marami. Kumain ng masustansyang pagkain. Huwag kumain ng maraming fast food. Iwasan ang naprosesong mga pagkain at matatamis. Madalas kumakain ng sobra ang tao kapag na-stress. Lalo lamang magpapalala ang pagkain ng sobra. Ang pagkain ng maraming prutas at gulay ay makakatulong sa katawan na labanan ang stress.

Page 11: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

4

http://www.ddssafety.net/sites/default/files/FINAL_HealthyLiving-%20_5%20My%20Plate%20-%20Healthy%20Eating%20v5.pdf

Bawasan ang Pag-inom ng Caffeine. Nakakatulong sa tao ang caffeine sa kape na magising at gumanda ang pakiramdam. Kung ninenerbiyos ka o nahihirapang matulog, maaaring marami kang naiinom. Tandaan na ang soft drinks at tsokolate ay mayroon ding caffeine.

Iwasan ang alokohol, sigarilyo at droga. Hindi nakakatulong ang alkohol, sigarilyo at droga sa pagtanggal ng stress. Sa katunayan, dumadagdag pa ito at maaaring maging sanhi ng problema sa kalusugan.

Matulog ng Sapat. Maaaring magdulot ang stress ng hirap sa pagtulog, himbing ng tulog, o pareho. Ang kakulangan sa pagtulog ay makasasama sa katawan sa maraming paraan. Karamihan sa adulto ay 6 hanggang 8 oras na pagtulog bawat gabi. Ang may tulog na “sapat” ay gumigising na – handa sa bagong araw. Heto ang ilan sa mga gagawin para magkaroon ng magandang tulog.

Matulog at gumising sa parehong oras bawat araw. Siguraduhing tama ang lamig sa iyong silid (hindi maginaw), madilim at

tahimik. Gumamit ng kumportableng sapin at unan. Huwag kumain ng sobra dalawa hanggang tatlong oras bago matulog. Regular na mag-ehersisyo. Iwasan o magbawas ng caffeine – lalo na sa hapon at gabi. Limitahan ang alkohol. Huwag manigarilyo. Panatilihing 30 minuto o mas maikli ang mga pag-idlip. Mag-relaks bago ang oras ng tulog. Mabuting panahon ito para sa

meditasyon. Kung hindi makatulog, bumangon ka. Gumawa ng bagay na nakaka-relaks

hanggang sa makatulog ka. Para sa higit pa sa pagkakaroon ng magandang pagtulog bisitahin ang: http://www.berkeleywellness.com/healthy-mind/sleep

May ibang problema sa kalusugan na maaaring magdulot ng kakulangan sa tulog. Kung pagkatapos gawin ang mga hakbang na ito ay hindi parin siya makatulog ng mahimbing, maaaring oras na para kausapin ang doktor para sa karagdagang tulong.

Oras na para Huminga ng Malalim

Magsanay tayo sa paghinga ng malalim! Gawin ito kasama ng taong sinusuportahan mo. Huminga ng malalalim tulad nito:

o Maging kumportable.

Page 12: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress!

5

o Ipikit ang mga mata. o Huminga ng malalim at mabagal sa iyong ilong. o Punuin ng hangin ang iyong dibdib. o Ngayon dahan-dahang huminga palabas. o Habang humihinga gunigunihin na wala na ang lahat ng stress. o I-relaks ang iyong katawan. o Ngayon gawin itong muli. o Patuloy na gawin ito hanggang maramdaman mong kalmado ka na.

Ano ang pakiramdam? Kapag ikaw ay na-stress, subukan ito! Tulungan ang mga sinusuportahan mo na gawin ang paghinga ng malalim bilang paraan sa pagbawas ng stress.

Sumubok ng iba’t-ibang ehersisyong pang-relaks at alamin ang pinakamabisa. Ang pag-aaral at pagsasanay ng mga paraan upang mag-relaks ay magpapabuti ng kalusugan at kaligayahan ng lahat.

Mga pagkukunan

Gamitin ang “Kumusta ang Pakiramdam Mo?” na palatanungan (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/how-stressed-are-you) at ang kasamang Tip Sheet #1 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/finding-cause-stress-tipsheet-1) upang magsimula ng pag-uusap sa taong sinusuportahan mo tungkol sa stress.

Manood at pag-usapan ang impormasyon tungkol sa stress sa mga video sa SafetyNet:

Bawasan ang Stress – Manatiling Malusog na Video (http://youtu.be/WVI2i9pKoxw)

Bawasan ang Stess – Huminga muna na Video (http://youtu.be/HB0K6QgYCD4)

Tingnan ang mga tip sheet para makakuha ng mga ideya kung ano ang magagawa mo at ng taong sinusuportahan mo para mabawasan ang stress.

Tip Sheet 2 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/what-you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-2)

Tip Sheet 3 (http://www.ddssafety.net/health/stress-management/more-things-you-can-do-feel-less-stressed-tipsheet-3)

Magsaya! Tingnan ang HAPPY World Down Syndrome Day, HAPPY DAY Pharrell Williams: http://youtu.be/aCJQAm_uKyg

Matuto ng higit pa tungkol sa Relaxation Techniques para sa Ginhawa sa Stress: Finding the Relaxation Exercises That Work for You

Page 13: GUIDELINES FOR USE OF SAFETYNET LEARNING TOOLS MGA ...

Manatiling Malusog – Bawasan ang Stress

Nalulungkot - galit, lumbay, bigo?

Huwag ma-stress! Gumawa ng paraan nang bumuti ang pakiramdam.

Magdahan-dahan. Bumilang

hanggang sampu…

Huminga ng malalim! Ulitin mo…

Maglakad-lakad…

Magbisikleta…

Makinig ng musika…

Makipag-usap…

Humanap ng bagay na makakapag-relaks

sa iyo at gawin mo!

At paginhawanin ang sarili! Para sa higit pa, pumunta sa www.ddssafety.net