Dengue Awareness - Ruby
-
Upload
ruby-nicdao-geraldo -
Category
Documents
-
view
226 -
download
3
description
Transcript of Dengue Awareness - Ruby
DENGUE AWARENESS
BY: RUBY N. GERALDO, R.N.
Inventory Exchange Center, Inc.Market Hygiene Center – Carmona
Dengue FeverAy isang nakakahawang sakit na nagmumula sa
dengue virus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin o naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Aedes Aegypti Aedes Albopictus
Break Bone Fever Ito ay isang klase ng dengue fever na mas
kadalasang dinadapuan ay mga taong may edad labing lima (15) pataas.
• Mga Sintomas:• Biglaang pagtaas ng lagnat• Giniginaw n pakiramdam o panginginig• Pananakit ng kalamnan at kasukasuan• Pananakit ng ulo• Pagkakaroon ng maliliit at mapupulang pantal
Dengue Hemorrhagic Fever Ito ay malalang klase ng dengue fever. Ang mga
kalimitang ngkakaroon nito ay mga batang nasa edad na labing – apat (14) pababa ngunit ang mga matatanda ay may posibilidad ding magkaroon nito.
Mga sintomas:Pagsusuka PagkahiloWalang gana sa pagkain Pananakit ng uloMataas na lagnat Pagdurugo ng
ilong at gilagidPagdumi ng maitim ang kulay dahil sa pagdurugo ng bituka
Aedes Aegypti & Aedes Albopictus
Ay mga lamok na nakakapagsalin ng dengue virus.
Ang mga ganitong klase ng lamok ay nangangat sa araw at maari silang mabuhay sa loob at paligid ng bahay.
Sino ang maaaring magkasakit ng dengue fever?
Maaaring magkasakit ng dengue fever ang isang tao na nakagat ng lamok na AEDES AEGYPTI O AEDES ALBOPICTUS na nakakagat na ng taong may sakit na dengue fever.
Ano ang mga dapat gawin ng isang may dengue fever?
Ang taong may sakit na dengue fever ay dapat:o Pagpahingahino Malimit na uminom ng tubig upang huwag
matuyuan ang katawan
o Pababain ang mataas na lagnato Huwag bibigyan ng aspirin.
Gaano katagal ang sakit na dengue fever?
Maaring tumagal nang hanggang sampung (10) araw ngunit ang pagpapagaling at pagpapakalas muli ng katawan ay umaabot ng dalawa (2) hanggang apat (4) na linggo.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever?
Maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito:
Huwag mag-imbak ng anumang bagay na maaring pag ipunan ng tubig at pamugaran ng mga lamoksa loob at labas ng bahay tulad ng mga lata, boteat gulong ng sasakyan at panatilihing tuyo ang paigid.
Hugasan at kuskusing mabuti ang mga plorera at iba pang pinaglalagyan ng tubig isang beses sa loob ng isang lingo.
Takpan ang pinaglalagyan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok at paningitlog ditto ng mga lamok.
Tingnan at linisin ng regular ang mga alulod ng bahay upang maiwasan ang pag iipon dito ng tubig ulan.
Gumamit ng kulambo habang natutulog sa araw o kaya ay lagyan ng “screen”” ang mga bintana o pinto ng bahay.
Ipagbigay alam sa pinakamalapit na health center kung may pinaghihinalaang kaso ng dengue fever.
Maglagay ng mosquito repellant at kung maari ay magsuot ng mga long-sleeved na mga damit.
Maaring gumamit ng mga insecticide na pamatay sa lamok