7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
1/32
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
2/32
Bago ka magsimula
Nais naming malaman mo na kami ay natutuwa sa mga pagpapalang
nakalaan sa iyo dahil sa iyong paghakbang na sumunod kay Hesukristo.
Sa mga aralin dito ay magkakaroon ka ng gabay sa paglago mo sa iyong
lakbayin sa buhay kasama si Hesus.
Sa mga aralin dito ay matututunan mo ang tungkol sa mga kaugaliang
pangespiritwal na kapag masigasig mong susundin sa tulong ng Diyos,ay magpapa lago sa iyong pagkakilala kay Hesus. Matutuklasan mo rin kung
paano mo masusunod ang kalooban ng Diyos sa iyong buhay. Kami ay
nakatitiyak na sa iyong paglago sa pagkakakilala kay Hesus ay lalago rin
ang iyong pagmamahal sa Diyos. Sa iyong paglago sa pagmamahal sa
Diyos ay lalo mong nanaisin na mabuhay para sa Kanya at ayon sa Kanyang
kalooban. Ang buhay na inilaan para sa Diyos ay buhay na puno ng mga
kamangha-manghang karanasan. Kaya halina sa susunod na hakbang ng iyong
paglalakbay kasama ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo.
Won by One
Copyright 2013 by Global Leadership Center
All rights reserved. No part of this publication may be
reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted
in any form or by any means - electronic, mechanical,
photocopy, recording, or any other, without the prior
permission of GLC.
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
3/32
Panimula
Ikapitong Sesyon ..............................................................7
ISANG UGNAYAN: PANALANGIN
Ikawalong Sesyon ..........................................................13
ISANG BATAYAN: ANG BIBLIYA
Ikasiyam na Sesyon ........................................................ 23
ISANG PAMILYA: ANG IGLESIYA
Ikasampung Sesyon .......................................................31
ISANG HAKBANG: BAUTISMO
Ikalabing-isang Sesyon ..................................................37
ISANG PAGTUTUON: PAGSAMBA
Ikalabindalawang Sesyon ..............................................45
ISANG TUNGKULIN: PAGSAKSI
Ang Susunod na Hakbang .............................................52
Apendiks ......................................................................... 55
TALAAN NG NILALAMAN
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
4/32
76 wonby one
Kung may pagkakataon ka na makausap ng personal ang ating pangulo o ang
isang mataas na opisyal ng ating bansa, ano ang sasabihin mo sa kanya?
Marahil napag-isipan na natin kung ano ang ating gagawin at sasabihin
sakaling dumating ang pagkakataong iyon. Ngunit ilan nga ba ang nabibigyan
ng pagkakataon upang makausap ang isang mataas na opisyal? Iilan lamang.
Tunay na nakamamangha na tayo ay may pagkakataong makausap ang isang
nakahihigit sa sinumang nasa pinakamataas na posisyon. Siya ay walang iba
kundi ang ating Panginoon, ang may likha ng buong kalawakan. Saan man
tayo naroroon ay maaari tayong makipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng
panalangin. Subalit marami sa atin ay hindi nararanasan ang pagpapala mula
sa pagkakataong ito dahil hindi natin binibigyang halaga at panahon ang
pananalangin.
I S A N G U G N A Y A N : P A N A L A N G I N
IKAPITONG SESYON:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
5/3298 wonby one
MGA BAHAGI NG PANALANGIN NGPANGINOONG HESUS
Sa Mateo 6:9-14 ay may ipinahiwatig na limang bahagi ang panalangin
ng ating Panginoong Hesus:
1. Pagpuri at Pagsamba: ang pagkilala sa Diyos bilang ating
Panginoon at Ama (talata 9)
2. Pamamagitan para sa iba: pananalangin para sa kalooban ng
Diyos na matupad, hindi lamang sa ating buhay, kundi sa buhay
din ng ibang tao (talata 10)
3. Paghiling:pananalangin para sa ating mga sariling pangangailangan
(talata 11)
4. Pagkukumpisal:pagkilala sa pangangailangan natin ng grasya
at pagpapatawad ng Diyos upang maging malinis ang ating
puso (talata 12)
5. Paghingi ng gabay:paghingi ng patnubay mula sa Diyos upang
masunod natin ang Kanyang kalooban at makapamuhay tayo ng
ayon sa Kanyang kapamaraanan (talata 13)
Ang panalangin ay hindi lamang paghingi sa Diyos ng mga bagay. Bagamat
nalulugod ang Diyos na ibigay ang mga bagay na ating hinihiling, ang
pangunahin Niyang layunin sa pagbibigay sa atin ng pribilehiyo ng panalangin
ay ang palalimin at patatagin ang ating relasyon sa Kanya bilang Kanyang mga
anak. Higit pa sa Kanyang pagbibigay at sa ating pagtanggap, nais Niya na
magkaroon tayo ng malapit na relasyon sa Kanya.
TINURUAN NI HESUS ANG KANYANGMGA ALAGAD KUNG PAANO MANALANGIN
Kung sa tingin mo ay hindi ka marunong manalangin, hindi ka nag-iisa. Kahit ang
mga alagad ni Hesus ay kinailangan pang turuan kung paano manalangin.
Buksan ang iyong Biblia sa Mateo 6 at alamin kung ano ang itinuro ni Hesus
sa Kanyang mga alagad nang Siyay tanungin nila kung paano manalangin.
Basahin ang Mateo 6:5-8.
1. Paano tayo hindi dapat manalangin? Ano ang tamang saloobin natin sa
Diyos kapag tayo ay nananalangin? Bakit?
Basahin ang Mateo 6: 9-10.
2. Sa unang bahagi ng panalanging itinuro ni Hesus, sino ang pangunahing
pinagtuunan ng pansin? Ano ang itinuturo nito sa atin kung paano tayo
dapat makipag-usap sa Diyos sa panalangin?
Basahin ang Mateo 6:11-13.
3. Ano ang makikita sa ikalawang bahagi ng panalanging itinuro ni Hesus?
Ano ang sinasabi nito sa atin kung paano tayo dapat makipag-usap sa
Diyos sa panalangin?
Basahin ang Mateo 6:14.4. Sa iyong palagay, bakit isinama ni Hesus ang nasa talata 14 sa Kanyang
turo tungkol sa panalangin? Kung may nagawa kang kasalanan at ang
iyong puso ay hindi maayos sa harapan ng ating Panginoon, ano ang
dapat mong gawin? Bakit mahalaga ang kalagayan ng ating puso kapag
tayo ay nananalangin?
IKAPITONG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
6/321110 wonby one
Maraming mga kamangha-manghang pangako sa Bibliya tungkol sa gagawin
ng Diyos kapag tayo ay nananalangin. Upang ating malaman ang mga
tuntunin ng Diyos kung papaano Niya sasagutin ang ating mga panalangin,
basahin natin ang mga sumusunod na talata at isulat ang sagot sa mga puwang
na inilaan:
TALATA KUNDISYON PANGAKO
Juan 14:13
1 Juan 5:14-15
Filipos 4:6-7
Juan 15:7
Lukas 11:5-10
Santiago 5:16
APLIKASYON:
1. Ano ang palagi mong ipinapanalangin? Paano mo ihahalintulad ang
iyong panalangin sa panalanging itinuro ni Hesus?
2. Magplano ka para sa oras ng iyong pananalangin. Subukan mong
tularan ang panalanging itinuro ni Hesus. Ano ang itinakda mong
regular na oras para sa iyong pagdarasal?
3. Magsimula ka sa pagkakaroon ng Prayer Notebook. Isulat mo ang
iyong mga kahilingan. Isulat din kung kailan at kung paano sinagot ng
Panginoon ang mga panalanging ito. Maari mong hatiin ang mga pahina
ng iyong Prayer Notebook gaya ng sumusunod:
PETSA NG
PANALANGIN
KAHILINGANPETSA KUNG
KAILAN NASAGOT
SAGOT
IKAPITONG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
7/321312 wonby one
Sa tunay na pagtanggap natin kay Hesus sa ating buhay, tayo ay nagkaroon
ng isang personal na relasyon sa Kanya. Upang lumago ang anumang relasyon,
kinakailangan ang maayos na komunikasyon ng magkabilang panig. Ang ating
nakaraang aralin ay tungkol sa panalangin, kung saan natutunan natin kung
paano mapapalago ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
Sa ating aralin ngayon, matututunan naman natin kung paanong ang Diyos ay
nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ang Biblia.
I S A N G B A TA YA N : A N G B I B L I A
IKAWALONG SESYON:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
8/321514 wonby one
Ang mga sinaunang orihinal na kasulatan ay magpapatunay sa ganap na
kawastuan ng Biblia. Kung mas marami ang kopya ng isang kasulatan at mas
malapit ito sa orihinal na kasulatan, ay mas nakatitiyak tayo sa ganap na
kawastuan nito. May libu-libong mga bahagi ng mga sinaunang sipi ng Biblia,
na mahigit 600 taon nang nakaraan nang naisulat, ngunit napanatili hanggang
ngayon. May ibang sinaunang kopya rin na nanggaling pa sa sumunod lang
na daang taon mula sa pagkakasulat ng original. Sa kabilang banda, ang mga
sinaunang kasulatang klasiko nina Aristotle o Caesar na mahigit libong taon
na ring naisulat ay may iilan na lamang na nananatiling orihinal na kasulatan.
Ang Biblia lamang ang sinaunang kasulatan na may pinakamaraming patunay
o ebidensiya.
Nakaligtas ang Biblia sa paulit-ulit na tangka upang ito ay tuluyan nang mawala
sa sirkulasyon. Noong AD 303, si Emperador Diocletian ng Roma ay nag-utos
na sunugin ang lahat ng Biblia. Subalit di pa nakakalipas ang isang henerasyon
ay tinaggap na ng mga Romano ang Kristiyanismo bilang kanilang relihiyon.
Si Voltaire naman, na isang mananalaysay, pilosopo at mununulat, ay sinabing
nanghula na sa loob ng 100 taon pagkalipas ng kanyang kamatayan, ang
Biblia ay tuluyan nang mabubura at mawawala sa kasaysayan. Taliwas sa
kanyang hula, matapos ang 50 taon ng kanyang pagkamatay, naging
imprentahan ng Biblia ang mismong bahay niya! At pagkalipas ng 200taon ay higit pang dumarami ang mga taong naghahangad na magkaroon
ng Bib lia. Ang katotohanang i to ay nagpapatunay na ang Biblia ay Salita
ng Diyos at ito ay mapagkakatiwalaan at walang kamalian.
ANG BIBLIA BA AY TUNAY NA SALITA NG DIYOS?
Para sa mga Kristiano, ang Biblia ang pangunahing batayan o sandigan ng
pagkakakilanlan sa Diyos at ng Kanyang kalooban. Ang Biblia ay buhay na
Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng Biblia tayo ay kinakausap ng Diyos para
maturuan, mabigyang sigla, at magabayan sa buhay.
Ngunit nakatitiyak ba tayo na ang Biblia ay tunay na Salita ng Diyos?
Mapagkakatiwalaan ba natin ito? Ating pag-aralan at isaalang-alang ang mga
sumusunod na katotohanan tungkol sa Biblia:
Ang Biblia ay natatangi sa mga literatura. Isinulat ito ng mahigit na 40 manunulat,
sa tatlong magkakaibang wika, sa tatlong kontinente, at sa loob ng 1,500
taon. Pero sa kabila ng lahat ng ito, wala itong pagkakasalungatan o kamalian.
Kung ikaw ay magbabasa ng tatlong magkakaibang pahayagan tungkol sa
iisang pangyayari kahapon, malamang mapapansin mo na mayroon silang
hindi pagkakatugma kahit na sa mga mahahalagang detalye ng pangyayari.
Tunay na ang pagkakaisa ng mga sumulat ng Biblia ay kamangha-mangha!
Ang Biblia ay may talaan ng daan-daang propesiya na naganap na. Marami
sa mga propesiya ay natupad sa kapamaraanang hindi kayang pigilin ng
lakas at karunungan ng tao. Halimbawa, sa Awit 22 ay hinulaan ang
eksaktong paraan ng kamatayan ni Hesus sa krus. Ito ay naisulat ni HaringDavid ilang daang taon bago pa naimbento ng mga Romano ang kahatulang
pagpako sa krus bilang parusa sa may mga mabibigat na pagkakasala! Ang
ganitong prediksyon ay hindi matutupad kung hindi ito nanggaling sa karunungan
ng Diyos mismo.
IKAWALONG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
9/321716 wonby one
PAANO KO MATUTUNAN ANG SALITA NG DIYOS?
I. Sa pamamagitan ng Pagbabasa ng Biblia
Basahin ang Deut. 17:18-19.
3. Ano ang kautusang dapat sundin ng mga hari kapag sila ay nagsimula
na sa kanilang panunungkulan? Bakit kailangan pa nilang isulat kamay
ang buong Kasulatan? Bakit kailangan natin ang palagiang pagbabasa
ng Bibliya?
II. Sa pamamagitan ng pansariling pag-aaral ng Biblia
Basahin ang Ezra 7:9-10.
4. Bakit tinulungan ng Diyos si Ezra? Sa anong tatlong bagay itinalaga
ni Ezra ang kanyang sarili?
BAKIT KAILANGANG SUNDIN ANG SALITA NG DIYOS?
Basahin ang Awit 119:105.
1. Paano tayo tinutulungan ng Salita ng Diyos?
Basahin ang 2 Timoteo 3:16-17.
2. Ayon kay Pablo, ano ang mga kapakinabangan ng Biblia? Paano natin
ito maiuugnay sa ating mga buhay?
IKAWALONG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
10/32
1918 wonby one
OBBS SA DGROUP
Sa Dgroup o D12, sundin lang ang parehong pamamaraan. Ipagawa sa bawat
miyembro ang OBBS at pagkatapos ay bigyan ng pagkakataon ang bawat
isa na ibahagi ang kanilang isinulat sa Aking Salita.
Pagkatapos ay pag-aralan ninyo ang mga talata ng sama-sama. Ang inyong
talakayan ay dapat na may mga pagtatanong na naghihimok o naghihikayat
sa bawat miyembro na makibahagi, sumagot, at matuto. Iwasan na iisa o iilan
lamang ang magsasalita o magtuturo sa talakayan o pag-uusap.
Narito ang mga tanong na maaari mong gamitin upang hikayatin ang
pakikipag-ugnayan ng bawat isa tungkol sa talata:
Mayroon ba sa talata na nakatawag ng iyong pansin?
Ano ang nagustuhan mo tungkol sa talata?
Mayroon bang nakapagpabahala sa iyo? Bakit?
Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa Diyos?
Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa tao?
Ano ang sinasabi ng talata sa atin tungkol sa pamumuhay na
kalugud-lugod sa Diyos.
Sa Dgroup, bawat isa ay dapat magbahagi ng kanyang isinulat sa Aking
Gagawin upang magkaroon ng pananagutan sa isat isa (accountability).
Tiyaking masusunod ang SMART Goals Principles sa bahaging ito at
magpapasya ang bawat miyembro na pangangalagaan ang pagiging
kompidensyal ng bawat ipinangako.
OBEDIENCE-BASED BIBLE STUDY (OBBS)
Ang OBBS ay simple at madaling paraan na maaari nating tularan hindi
lamang sa pag-aaral ng Biblia, kundi para maipamuhay natin ito. Narito ang
paraan kung paano mo ito gagawin:
Kumuha ng isang blankong papel at itupi ito sa tatlong bahagi. Sa itaas ng
bawat bahagi ay ilagay ang mga salita tulad ng halimbawa sa ibaba:
SALITA NG DIYOS AKING SALITA AKING GAGAWIN
1. Isulat mo ang lahat ng talata na pag-aaralan mo o ng iyong grupo sa ilalimng Salita ng Diyos. Nangangailangan ito ng panahon ngunit makakatulong
ito upang masaliksik mong mabuti ang mga talata.
2. Sa ilalim ng Aking Salita, isulat mo ayon sa iyong sariling pangungusap
ang mga talatang isinulat mo sa Salita ng Diyos. Ipalagay mo na
nakikipagkwentuhan ka sa isang kaibigan gamit ang iyong sariling mga
pangungusap. Ang ganitong paraan ay makakatulong sa iyo upang mas
maunawaan mo ang ibig sabihin ng mga talata.
3. Batay sa natutunan mo sa mga talatang isinulat mo ayon sa iyong
sariling pangungusap, isulat mo naman sa ilalim ng Aking Gagawin
ang mga balak at nais mong gawin. Ito ang pinakamahalagang bahagi
ng OBBS! Ito ang iyong magiging pangako sa Diyos. Ipanalangin mo na
bigyan ka ng ating Panginoon ng kakayahan at kalakasan, sa tulong ng
Banal na Espiritu, na matupad mo ang iyong mga nais gawin.
IKAWALONG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
11/32
2120 wonby one
APLIKASYON:
1. Magsanay ng OBBS sa mga talata sa Mateo 7:24-29. Ano ang itinuturo
ng mga talata tungkol sa pagsunod?
2. Gumawa ka ng pang-isang taong programa upang matapos mong
basahin ang buong Biblia sa susunod na 12 buwan. Tingnan mo ang
mga Bible reading plans sa www.biblegateway.com/reading-plans/.
Mga Halimbawa:
KARANIWANG PAHAYAG O
SINASABI:SMART GOAL:
Mas magiging mapagmahal na ako
sa aking asawa. Sasabihin ko sa
kanyang mahal ko siya.
Pipigilin ko ang pagiging
mainitin ng ulo ko.
Hindi ako dapat
makipag-tsismisan.
Ibibili ko siya ng bulaklak sa linggong ito.
Sa buong linggong ito, kung may sasakyan
na biglang sisingit sa aking linya sa EDSA,
bibilang muna ako ng hanggang sampu para
maiwasan ang pagkilos o pagsalita ng hindi
mabuti.
Kapag tinawagan ako ni Bing mamaya
upang ikuwento ang mga masasakit na
ginawa sa kanya ng kanyang kapatid, sa
magalang na paraan ay iibahin ko ang paksa
ng aming usapan.
Panghuli, ang bawat miyembro ng grupo ay dapat pagpasyahan kung kanino
nila ito nais ibahagi. Ang pinakamabisang paraan upang maisapuso ang isang
aral ay ang pagbabahagi nito sa iba. Kapag ginawa mo ito, mahuhubog na rin
ang iyong ugali sa pagtulong sa iba na makakilala at sumunod din kay Hesus.
Simple - Simple o Madali
Measurable - Masusukat
Appropiate - Angkop
Realistic - Makatotohanan
Time bound - May takdang panahonkung kailan sisimulan at
tatapusin
SMART GOALS PRINCIPLES:
IKAWALONG SESYON
http://www.biblegateway.com/reading-plans/http://www.biblegateway.com/reading-plans/7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
12/32
2322 wonby one
Maraming tao ang pinalaking palasimba. Lumaki ka mang palasimba o hindi,
marahil ay may palagay ka na rin kung ano ang nararapat para sa isang
iglesiya. Halos lahat ng ating paniniwala at inaasahan sa isang iglesiya ay
batay sa kung ano ang ating nakalakihan o nakagisnan.
Ngunit ang iglesiya, ayon sa pagkakalarawan sa Biblia, ay malaki ang kaibahan
kumpara sa ating nakagisnan. Paano isinalarawan ang iglesiya sa Biblia at
paano tayo, bilang mananampalataya kay Kristo, dapat makipag-ugnayan
sa iglesiya?
I S A N G P A M I LY A : A N G I G L E S I Y A
IKASIYAM NA SESYON:
IKASIYAM NA SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
13/32
2524 wonby one
ANG UNANG IGLESIYA
Basahin ang Gawa 2:40-49.
1. Ano ang apat na sangkap o elemento na naglalarawan sa buhay ng
iglesiya sa Bagong Tipan? Ano ang mga patunay na ang Diyos kumilos
sa kanilang kalagitnaan?
Ang Kahulugan ng Iglesiya Ayon Sa Biblia:
Samahan ng mga tinawag at tunay na mananampalataya ni
Kristo; HINDI isang gusali.
Hindi ba kapana-panabik na maging kabahagi ng isang samahang magilas
(dynamic)? Marahil malaki ang pagkakaiba ng paglalarawan sa iglesiya sa
Gawa 2:40-49 kaysa sa iglesiyang ating nakagisnan. Subalit ito talaga ang
layunin ng Diyos para sa iglesiya. Patuloy nating saliksikin ang Biblia upang
maunawaan pa kung ano ang kahulugan ng iglesiya.
SI APOSTOL PABLO AT ANG UNANGIGLESIYA SA BAGONG TIPAN
Basahin ang Gawa 14:21-23.
2. Ano ang ginawa ni Pablo sa kanyang paglalakbay upang magpasimula
ng mga iglesiya? Sino ang mga iniwan ni Pablo upang mangasiwa sa
mga iglesiya?
Basahin ang Gawa 14:26-27.
3. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng tinipon nila ang mga mananampalataya?
Ano ang ibig sabihin ng talatang ito patungkol sa katangian ng iglesiya?
Basahin ang Gawa 20:20.
4. Saan pinuntahan at tinuruan ni Pablo ang mga bagong mananampalataya?
Sa iyong palagay, bakit mabisa ang paraang ito ni Pablo (pagtitipon sa
bahay-bahay)?
Ang Dgroups at ang Sinaunang IglesiyaBagamat hindi ginamit ang salitang Dgroup o Discipleship Group sa Biblia,
halos kapareho rin ng ginagawa natin sa Dgroup ngayon ang kanilang ginawa
noon, na naging isang pamamaraan sa paglago ng kanilang iglesiya. Sa
small group ay may pagsasama-sama (fellowship), pagtuturo ng salita
ng Diyos (teaching), pagpupuri at pagsamba (worship) at pagbabahagi
ng Mabuting Balita ni Kristo (evangelism). Ang lahat ng ito ay ang mga
pangunahing bahagi ng isang iglesiya. Gayunman, ang Dgroup ay isang
samahan na kung saan ang mga miyembro ay malapit at palagay ang loob
sa isat isa; may bukas na komunikasyon, pagmamalasakit at pananagutan
sa isat isa (accountability). Ito ang tunay na kahulugan at larawan ng
sinaunang iglesiya sa Bibliya. Dapat din natin itong pagtuunan ng pansin, sa
ating pakikisalamuha sa iglesiya, sa ating panahon ngayon.
IKASIYAM NA SESYON
IKASIYAM NA SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
14/32
2726 wonby one
MGA KATURUAN NI APOSTOL PABLOPATUNGKOL SA IGLESIYA
I. Ang Iglesiya Bilang Isang Katawan
Basahin ang 1 Cor 12:12-16.
5. Paano makakatulong sa atin ang ideya na ang iglesiya ay katulad ng
isang katawan para munawaan kung paanong kumikilos ang iglesiya?
Basahin ang Efeso 1:22-23.
6. Ilarawan ang kabuuan ng iglesiya. Ano ang nais ipahiwatig ng mga
salitang si Kristo bilang ulo at tayo bilang katawan?
II. Ibat ibang bahagi, Ibat ibang kaloob ng Espiritu
Basahin ang Efeso 4:11-13.
7. Sa Talata 11, ano ang ibinigay ng Diyos sa iglesiya? Bakit ibinigay ng
Diyos ang mga kaloob na ito sa mga pinuno ng iglesiya? Sino ang
dapat na gumaganap ng mga gawain sa ministeryo?
III. Ang Pinuno ng Iglesiya
Basahin ang Titus 1:5-9.8. Ayon sa talata 6-8, ano ang mga kwalipikasyon para sa mga
namumuno sa iglesiya?
Ang Iglesiya Ayon sa Biblia....
Ang Iglesiya ay Katawan ni Kristo.
Si Hesus ang Ulo ng Katawan.
Lahat tayo ay bahagi ng Katawan ni Kristo.
Bawat isa sa atin ay may mga mahahalagang tungkulin na dapat
gampanan sa Katawan.
Kailangan natin ng mga mamumuno sa atin upang sanayin tayo sa
mga tungkuling dapat nating gampanan.
Ang mga pinuno sa iglesiya ay ang mga Matatanda (Elders), mga
Diakono (Deacons), at mga Tagapangalaga (Overseers).
Ang mga matatanda ng iglesiya (elders) ay pinipili batay sa tagal ng
panahon at lalim ng kanilang pananampalataya sa Panginoon; at sa
pagkakaroon nila ng matuwid na pamumuhay.
Ang tamang doktrina ay napakahalaga sa buhay ng iglesiya.
IKASIYAM NA SESYON
IKASIYAM NA SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
15/32
2928 wonby one
ANG IGLESIYA SA BAGONG TIPAN
Sa ating natunghayan, ayon sa paglalarawan ng Biblia, ang iglesiya ay hindi
gusali o isang lugar, kundi samahan o komunidad ng mga taong may relasyon
kay Hesukristo. Ang iglesiya ay napagkukunan natin ng mga aral mula sa
Biblia sa pamamagitan ng mga taong mas malago na sa ispiritwal ni lang lakad
kay Kristo; nagbibigay ng pagkakataong upang makilala at makasama nating
lumago ang mga kapatid natin kay Kristo; isang panibagong pakikipag-ugnayan
kung saan tayo ay nakapagbibigay at nakatatanggap ng pag-ibig at tulong
mula sa isat isa; at lugar kung saan nararanasan natin ang kasiglahan ng
sama-samang pagsamba sa Diyos. Ang bawat isa sa atin ay may mga
mahahalagang tungkuling dapat gampanan upang lumaganap ang iglesiya.
Ikaw ay bahagi ng iglesiya, na katawan ni Kristo, at dapat mo itong bigyan ng
mataas na pagpapahalaga sa iyong buhay.
APLIKASYON:
1. Ikaw ba ay kabilang na ng isang Iglesiya? Kung hindi pa, nais mo bang
ipanalangin at isaalang-alang ang pagiging bahagi ng isang iglesiya at
Dgroup? Ano sa palagay mo ang kabutihang maidudulot nito sa iyo?
2. Kung ikaw naman ay bahagi na ng isang iglesiya o small group, alalahanin
mo ang iyong karanasan noong panahong ikaw ay kanilang tinulungan sa
iyong mga pangangailangan. Ano ang naging maganda at mabuting
naidulot nito sa iyong buhay kay Kristo?
3. Sa pananaw at pang-unawa mo sa iglesiya bilang isang katawan, sa
iyong palagay, anong bahagi ka ng katawang ito? Sa mga ispiritwal na
kaloob sa iyo ng Diyos (spiritual gifts), ano ang mga kaya mong ibahagi
sa katawan ni Kristo?
IKASIYAM NA SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
16/32
3130 wonby one
Maraming mga pagbabagong nangyari sa ating buhay nang makilala natin
si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Marami sa mga pagbabagong
ito ay nangyari sa ating kalooban, sa ating puso. Subalit ang Biblia ay may
ipinapakita sa ating hakbang na dapat nating sundin bilang mga tunay na
tagasunod ni Hesus. Ito ay ang pagpapa-bautismo sa tubig. Ating makikita
na ang pagpapa-bautismo sa tubig ay panlabas na palatandaan ng panloob
na pagbabago. Sa araling ito ay ating titingnan kung ano ang itinuturo ng
Biblia tungkol sa pagpapa-bautismo bilang pagsunod kay Hesus.
I S A N G H A K B A N G : B A U T I S M O
IKASAMPUNG SESYON:
IKASAMPUNG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
17/32
3332 wonby one
PAGSUNOD KAY KRISTO
Tingnan muna natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagsunod kay Hesus.
Ayon sa Biblia, ano ang katunayan ng pagsunod? Ano ang ibig sabihin ng
tunay na pagsunod kay Hesus?
Basahin ang Juan 15:14.
1. Ano ang malinaw na palatandaan na ang isang tao ay tunay na nagmamahal
kay Hesus? Bakit iyon ang palatandaan ng totoong tagasunod ni Hesus?
Basahin ang Lukas 14:26-28; 33.
2. Sa talata 28, ayon kay Hesus, ano ang kailangan nating gawin bago tayo
magpasyang magtayo ng isang gusali? Kung tungkol sa pagsunod kay
Hesus ang pag-uusapan, ano ang ibig sabihin ng isipin mo muna kung
magkano ang iyong magagasta?
3. Sa talata 26 at 33, ano ang mga bagay na hindi natin dapat ituring na
mas mahalaga kaysa sa ating pagsunod kay Kristo?
Hindi naman lahat ng nais sumunod kay Hesus ay kailangang literal na
iwanan ang pamilya at ari-arian nila. Ang ibig sabihin ng Panginoong Hesus
ay dapat handa tayong isuko ang lahat upang maging tunay na tagasunod
Niya. Dapat ay handa tayong sumunod sa lahat ng ipinag-uutos Niya sa atin.
ANG PAGSUNOD NI HESUS
Bagamat si Hesus ay ang Anak ng Diyos, nagpasakop Siya sa Ama sa
pamamagitan ng pagpapa-bautismo kay Juan. Hindi Niya kinakailangang
magpa-bautismo ngunit ginawa Niya ito bilang pagsunod sa kalooban ng Ama.
Ipinahayag ng Ama ang pagkalugod Niya kay Hesus nang Kanyang sinabi na
si Hesus ang Kanyang minamahal na Anak. Matapos na ipakita ni Hesus sa
mga tao ang Kanyang pagsunod sa Ama sa pamamagitan ng pagpapa-bautismo
ay saka pa lamang Siya nagsimula ng Kanyang hayagang pagmiministeryo.
(Lukas 3:21-22)
HAKBANG NG PAGSUNOD NG MGAUNANG MANANAMPALATAYA
Ang mga sumusunod na talata ay nagpapakita kung paano tumugon ang
mga sinaunang mananampalataya sa Mabuting Balita. Tignan ang bawat
talata at isalarawan sa iyong sariling salita kung ano ang ginawa ng mga
sinaunang Kristiyano kasunod ng kanilang pagsampalataya kay Hesus.
Gawa 2:41
Gawa 8:12
Gawa 8:35-37
Pansinin ang pagkakasunud-sunod sa mga talata. Una, sila ay sumampalataya,
tapos sila ay nagpa-bautismo. Ngunit hindi pagpapa-bautismo ang paraan para
maligtas. Ito ay pagpapahayag lamang ng kanilang pananampalataya kay
Kristo.
IKASAMPUNG SESYON
IKASAMPUNG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
18/32
3534 wonby one
Natatandaan mo ba ang pormula para sa kaligtasan na una nating
natutunan?
(mabubuting gawa, relihiyon, bautismo)
Pananampalatayakay Kristo
(kasama rito ang pagsunod at pagpapa-bautismo)
Binagong Buhay,Mabubuting Gawa
+ wala = KALIGTASAN
#
"
$
ANO NGA BA ANG BAUTISMO?
Ang bautismo na isinagawa ng mga alagad ni Kristo noon ay iba sa bautismong
ginagawa sa mga sanggol sa kapanahunan natin ngayon. Sa Bagong Tipan,
ang bautismo ay isinasagawa ng mga taong sumampalataya kay Kristo at naging
mga tagasunod Niya. Sa pamamagitan ng pagpapa-bautismo ay kusang-loobnilang ipinahayag at ipinakita sa mga tao na silay mga tagasunod ni Kristo.
Ang salitang bautismo sa Biblia ay nagmula sa salitang Griyego na baptizo.
Ayon sa Thayer Smith Greek Lexicon, ang ibig sabihin nito ay ilublob ng
paulit-ulit, ibabad, ilubog, linisin sa pamamagitan ng paglublob o paglubog,
hugasan, linisin ng tubig, o hugasan ang sarili.
Noong ikalawang siglo, ang salitang baptizo ay ginamit sa paglalarawan sa
proseso ng paggawa ng atsarang pipino (pickles). Una, ang pipino ay huhugasan
(mula sa salitang Griyego na bapto), pagkatapos ay ilulubog ito sa suka
(baptizo) hanggang masipsip na ng pipino ang asim ng suka at lasa ng iba
pang sangkap. Ang pipino ay nagkakaroon na ng ibang amoy at lasa dahil sa
pinagbabaran nito.
Ganito ang nangyayari sa atin kapag tayo ay nabautismuhan kay Kristo; tayo
ay nakikilala na bilang Kanya. Nang sumampalataya tayo kay Kristo, tayo ay
nabautismuhan sa Espiritu (nang inilubog tayo sa tubig, tayo ay nagkaroon ng
pakikiisa sa Kanyang kamatayan, pagkalibing, at muling pagkabuhay). Sa
pagsunod natin sa Kanya sa pamamagitan ng pisikal na pagpapa-
bautismo, ipinakikita at ipinahahayag natin ang pagbabagong nangyari sa ating
kalooban dahil sa pagsampalataya natin kay Kristo bilang ating
Tagapagligatas.
BAKIT KAILANGAN NATING MAGPABAUTISMO?
I. Dahil ito ay bahagi ng pagsunod kay Kristo bilang Kanyang
mga alagad
Basahin ang Mateo 28:18-20.
4. Ano ang dapat gawin ng mga alagad ni Kristo sa kanilang mga
naturuan at mga naging alagad din ni Hesus?
II. Dahil ito ay isang larawan kung ano ang nangyari sa atin nang
tayo ay naligtas
Basahin ang Roma 6:3,4.5. Ano ang nangyari sa atin noong tayo ay nabautismuhan sa Espiritu
(spiritually baptized into Christ)? Ano ang isinasalarawan o isinasagisag
ng pisikal na bautismo (paglulubog sa tubig)?
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
19/32
3736 wonby one
APLIKASYON:
1. Anong mga bahagi sa iyong buhay ang kailangan mong pag-isipang
mabuti, upang malaman mo kung handa ka nang isuko o talikuran ang
mga ito, para sa pagsunod mo kay Kristo?
2. Nais mo bang magpa-bautismo bilang pagpapahayag na nais mo nang
sumunod kay Hesus? Kung ganoon, kailan mo nais gawin ito?
3. Kanino mo nais ibahagi ang desisyong ito upang maunawaan nila ang
pagtatalaga mo ng iyong sarili sa pagsunod kay Hesus?
Isa sa pinakamahalagang sangkap ng ating bagong buhay kay Kristo ay
ang pagsamba kasama ang ibang mga mananampalataya. Pero ano nga ba
ang pagsamba (worship)? Paano ba dapat sambahin ang Panginoon?
Ano ang pagsamba na naaayon sa Biblia?
Ang pagsamba ay ang at ing angkop na pagtugon sa Diyos , dahil sa kung
sino Siya sa ating buhay, sa mga ginawa Niya at sa patuloy N iyang ginagawa
para sa atin.
Sa Juan 4:20-24, ang babaeng Samaritana ay nagtanong kay Hesus patungkol
sa pagsamba. Ito ang kanilang naging pag-uusap:
Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga magulang, ngunit
sinasabi ninyong mga Judio, na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang
Diyos. Tinugon siya ni Hesus, Maniwala ka sa akin, Ginang, dumarating
na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama, hindi lamang sa bundok
na ito o sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang inyong sinasamba, ngunit
nakikilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay galing sa
mga Judio. Ngunit dumarating na ang panahon ngayon na nga na ang
mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa
katotohanan. Sapagkat ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa
Kanya. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa
katotohanan.
(Ang Magandang Balita Biblia)
I S A N G P A G T U T U O N : P A G S A S A M B A
IKALABING-ISANG SESYON:
IKALABING-ISANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
20/32
3938 wonby one
Sinabi ni Hesus sa babaeng Samaritana ang maraming mahahalagang bagay
tungkol sa pagsamba:
a. Ang kanilang sinasamba ay ang Ama. Si Hesus at ang babae ay
nagkasundo na ang Diyos lamang ang tunay na dapat sambahin. Ang
tanging naging punto ng kanilang talakayan ay kung paano sasambahinang Diyos.
b. Noon, sa templo sa Jerusalem lang maaaring maghandog para sa
kapatawaran ng kasalanan. Subalit nang si Hesus ay namatay sa krus
ng Kalbaryo, ang tuntuning ito ay hindi na kinakailangan pa. Ngayon,
hindi na natin kailangang pumunta pa sa isang gusali upang sumamba sa
Diyos. Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tayo ay maari nang direktang
makipag-ugnayan sa Diyos kahit saan!
c. Ang mga tunay na sumasamba sa Diyos ay may dalawang katangian:
Sinasamba nila ang Diyos sa...
espritu at
katotohanan
Sa mga susunod na bahagi ng leksyong ito, matutuklasan natin kung ano
ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan; at kung paano natin
ito maisasagawa sa ating buhay pagsamba ngayon.
I. PAGSAMBA SA ESPIRITU
Sa Biblia, ang ibig sabihin ng salitang espiritu ay ang kaloob-loobang bahagi ng
ating pagkatao o ang kaibuturan ng ating puso. Ang pagsamba sa espiritu
(worshipping in spirit) ay may kaugnayan sa kung papaano natin isinasaalang-alang
at ginagalang ang Panginoon sa kaibuturan ng ating kalooban.
Basahin ang Mateo 22:36-37.
1. Ayon kay Jesus, ano ang pinakadakila sa lahat ng utos? Ano ang sinasabi
nito tungkol sa ating pagsamba sa Diyos?
Basahin ang Hebreo 10:19-22.
2. Ano ang dapat na maging kalagayan ng ating puso sa ating paglapit sa
Diyos?
IKALABING-ISANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
21/32
4140 wonby one
Basahin ang Exodus 32:4-10.
3. Ano ang naging dahilan ng matinding galit ng Diyos? Ano ang nais gawin
ng Diyos sa kanila dahil sa kanilang napakalaking kasalanan?
Pansinin mo na ang salitang mga diyos na ginamit sa talata
ay talagang nauukol sa tunay na Diyos at sila ay gumawa ng
idolo upang alayan ng handog at masamba n ila ang Diyos
na naglabas sa kanila mula sa Ehipto. Sa totoo lang, akala
nila ay sinasamba ni la ang tunay na Diyos sa pamamagitan
ng pagsamba sa idolong kahugis ng isang guyang baka na
kanilang ginawa, na maihahahlintulad natin sa mga diyos-diyosan
at mga imahen na pangkaraniwang sinasamba sa ngayon.
Gayunpaman, hindi nalugod ang Diyos sa kanila.
Basahin ang Exodus 20:4-5 at Awit 135:15-18.4. Ano ang sinasabi ng mga talatang ito tungkol sa mga diyos-diyosan at
imahen? Ano sa iyong palagay ang dahilan kung bakit namumuhi ang
Diyos sa mga ito?
Mga Imahen at Diyos-diyosan
Isa sa mga hindi gaanong alam ng mga tao sa orihinal na Sampung Utos
ng Diyos ay ang ikalawang utos (Exodus 20:4-5). Sa katunayan, marami
ang hindi nakakaalam na ito ay isang kautusan. Subalit malinaw sa Biblia
na ang Diyos ay hindi nalulugod kapag tayo ay sumasamba sa kahit
anumang bagay maliban sa Kanya. Kapag tayo ay gumagawa ng imahen
o diyos-diyosan, ito ay isang paghamak sa kadakilaan ng ating Diyos.
Inaakala natin na ang mga imahen na gawa ng kamay ng tao ay may
sariling kapangyarihan. Ang Diyos ay hindi nalulugod kapag hindi natin
Siya binibigyan ng karangalan sa ganitong paraan.
Sa Lumang Tipan ay makikita natin ang pagkakaiba ng dalawang unang naging
hari ng Israel, si David at Saul. Pareho silang sumamba sa Diyos subalit ang
bunga ng kanilang pagsamba ay may malaking pagkakaiba.
DAVID: BUONG PUSO
2 SAMUEL 6:5, 12-14
SAUL: HINDI BUONG
PUSO 1 SAMUEL 13:8-14
Aksyon Nag-alay ng mga sinunog na
handog, sumayaw at umawit
Nag-alay ng mga
sinunog na handog
Saloobin
Sumamba bilang pasasalamat
gusto niyang bigyan ng
kaluguran ang Diyos
Sumamba bilang tungkulin
gusto ng pagpapala at
tagumpay
Pokus Diyos Mga kalaban
Paraan Buo niyang lakas Sariling paraan
Ang Tugon
ng Diyos
Pinatatag ang kanyang
kaharian
Inalis sa pagiging hari
Ano kaya ang meron sa pagsamba ni David na ikinalugod ng Diyos na wala sa
pagsamba ni Saul? Sa iyong palagay, bakit ganoon ang pagsamba ni Saul?
Posible ba na tayo ay may ginagawang seremonyang pangrelihiyon pero ang
puso natin ay malayo sa Diyos? Paano natin ito maiiwasan?
Ano naman ang masasabi natin tungkol sa mga
diyos-diyosan at imahen?
Ang pagsamba sa Diyos sa espiritu ay pagkilala na ang Diyos ay espiritu.
Ang ibig sabihin nito ay hindi natin Siya nakikita. Hindi natin maaaring
bigyan ng anyo ang espiritu. Madalas ay natutukso tayong magkaroon
ng sariling paglalarawan sa ating isip o imahinasyon kung ano ang itsura
ng Diyos. Ang Biblia ay may malinaw na pagtuturo dito:
IKALABING-ISANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
22/32
4342
wonby one
Ang mabuting balita ngayon, sa pamamagitan ni Kristo, hindi na natin
kailangan pa ng dagdag na kapangyarihang pangespirituwal. Ang Banal
na Espiritu ay nananahan na sa ating puso, at siya mismo ang Diyos!
II. PAGSAMBA SA KATOTOHANAN
Ang Diyos ay hindi lamang dapat sambahin sa espiritu kundi sa katotohanan
din. Ibig sabihin, nais ng Diyos na kasama ang ating kaisipan sa pagsamba sa
Kanya. Kailangang sambahin natin ang Diyos kung sino talaga Siya.
Basahin ang Gawa 2:42 at Juan 16:13-16.
5. Sa dalawang talatang ito, paano tayo nagabayan sa katotohanan?
Para makasamba tayo sa katotohanan, mahalaga na sambahin natin ang
Diyos sa paraan na naaayon sa Bibliya.
Basahin ang 1 Corinto 6:19.
6. Noon, ang Israel ay may pisikal na Templo kung saan sila sumasamba.
Sa ngayon, nasaan ang templo ng Diyos? Ano ang itinuturo sa atin nito
tungkol sa kung saan natin pwedeng sambahin ang Diyos?
Basahin ang Hebreo 10:24-25.
7. Bagamat maari nating sambahin ang Diyos mag-isa, ang talatang ito ay
nagsasabi na ang pagsamba sa Diyos kasama ang ibang mananampalataya
ay mahalaga. Bakit mahalaga ang palagiang pakikipagtipon sa ibang
mananampalataya?
Ang pagsamba ay nararapat rin sa pagtitipon ng mga matuwid (Awit 111:1).
Tayo ay pinaala lahanan ng Panginoon na palagiang magsama-sama sa
pagsamba sa Kanya upang makapagbigay kasiyahan sa isat-isa. Walang
Kristiyanong pwedeng mamuhay mag-isa. Kung tayo ay sama-sama,
matutulungan natin ang isat-isang sumamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan.
APLIKASYON:
1. Sandaling tumigil at siyasatin mo kung paano mo sinasamba ang Diyos.
Katulad ka ba ni David o ni Saul?
2. Anong mga pagbabago sa iyong kilos, ugali, o pokus ang pwede mong
gawin upang ang iyong buhay pagsamba ay mas maging kalugod-lugod
sa Diyos?
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
23/32
4544
wonby one
Paano mo nakilala si Hesus? Para sa karamihan sa atin, ito ay dahil may isang
mananampalataya ni Hesus na tunay na nagmahal sa atin at nagnais na
makilala rin natin si Hesus.
Marahil ay may nakita kang kakaiba sa taong iyon at naitanong mo sa iyong
sarili kung bakit iba siya. Marahil ipinanalangin ka niya o nagpakita siya sa
iyo ng tunay na pagmamalasakit. Marahil naanyayahan ka niya sa isang
pagtitipon ng mga mananampalataya ni Kristo o personal niyang ipinaliwanag
sa iyo ang Mabuting Balita ni Kristo. Paano man iyon nangyari, ngayon ay isa
ka na ring tagasunod ni Kristo!
Pagkakataon mo naman ngayon! Katulad ng paggamit ng Diyos sa
taong nagpakilala sa iyo kay Hesus, nais ng Diyos na ikaw din ay
magamit Niya. Ikaw ay nasa lugar o sitwasyong inihanda Niya para sa iyo
upang maipakilala mo Siya sa iyong pamilya, kamag-anak, kaibigan, kamag-aral,
katrabaho at kapitbahay. Nais ni Hesus na ipakilala mo Siya sa kanila!
I S A N G T U N G K U L I N : P A G S A S A K S I
IKALABING-DALAWANG SESYON:
IKALABING-DALAWANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
24/32
4746
wonby one
I. ANG PUSO NG DIYOSBasahin ang 2 Pedro 3:9.
1. Ano ang hangarin ng Diyos para sa mga hindi pa nakakakilala sa
Kanya?
Basahin ang Lukas 19:10.
2. Bakit pumarito si Hesus sa mundo? Ano ang itinuturo nito sa
atin tungkol sa kung ano pinapahalagahan ni Hesus? Paano
mo ihahambing ang iyong prayoridad sa prayoridad ni Hesus?
II. ANG ATING BAHAGIBasahin ang Gawa 1:8.
3. Ano ang ipinangako ni Hesus kapag dumating sa kanila ang Banal na
Espiritu? Ano ang magiging bunga nito sa kanila?
ANO ANG IBIG SABIHIN NG SAKSI?
Ang saksi ay isang tao na nagkukuwento o nagsasalaysay ng kanyang nakita
o narinig. Ang ibang tao ay natatakot na kapag nagsalita sila sa iba tungkol
kay Hesus ay baka hindi nila masagot ang lahat ng mga itatanong sa kanila
tungkol sa Biblia. Dahil dito, pinili na lang nilang manahimik. Magiging tahimik
na saksi na lang daw sila. Subalit nais ng Diyos na sabihin natin sa iba ang
tungkol sa Kanya.
Hindi naman kailangang alam ng saksi ang lahat ng bagay. Sa korte, ang saksi ay
hindi naman kailangang maging isang abogado para maging kapani-paniwala.
Ang kai langan lang ay ang maisalaysay n iya ng tama ang kaniyang nakita
at narining. Nakasalalay na sa hukom o hurado ang pagpapasiya batay sa
salaysay ng saksi na kanilang narining.
Ang ibig sabihin ay kahit sino ay maaaring maging saksi at kasama ka na rito!
Ang iyong tungkulin ay isa laysay ang iyong karanasan kung papaano mo
nakilala si Hesus at kung ano ang ginawa Niya sa iyong buhay. Maaring
pagtalunan ng mga tao ang Teolohiya o ang paniniwala nila tungkol sa
kahulugan ng mga talata sa Biblia, subalit hindi nila pwedeng salungatin ang
iyong personal na karanasan. Ikaw lamang ang eksperto o dalubhasa
pagdating sa pagkukuwento ng iyong sariling buhay. Para maging saksi,
kailangan mong ibahagi sa iba ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay at walang
maaaring makipagtalo sa iyo tungkol dito!
Basahin: Roma 10:13-15
4. Ano ang kailangang gawin ng isang tao para siya ay maligtas? Ano ang
iyong tungkulin sa prosesong ito?
IKALABING-DALAWANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
25/32
4948
wonby
one
PAANO MAGING MAHUSAY NA SAKSI PARA KAY KRISTO?
I. Sa pamamagitan ng iyong buhay
Basahin ang Mateo 5:16.
5. Paano dapat maapektuhan ng buhay mo ang mga taong nakapaligid
sa iyo?
II. Sa pamamagitan ng kuwento ng iyong buhay
Basahin ang Juan 4:39.
6. Ano ang ginawa ng babaeng Samaritana matapos niyang makilala si
Hesus? Ano ang naging resulta ng kanyang ginawa?
Pagbabahagi ng iyong buhay
Si Apostol Pablo ay nagbigay ng magandang halimbawa kung paano mo
maibabahagi ang iyong kuwento. Sa Gawa 26, inanyayahan si Pablo ni
Haring Agrippa habang siya ay nasa kulungan pa. Ginamit ni Pablo ang
pagkakataong iyon upang ibahagi ang ginawa ng D iyos sa kanyang buhay.
Nagsimula siya sa pagsasalayasay kung sino siya bago niya nakilala si
Hesus, ang kanyang masigasig na pananampalataya sa Hudaismo at ang
kanyang pagkamuhi sa mga Kristiyano. Pagkatapos ay ikinuwento niya ang
kanyang pagbabagong loob, kung papaanong nagpakita sa kanya si
Hesus sa daan patungo sa Damascus at kung papaanong isinuko niya ang
kanyang buhay sa Kanya. Ikinuwento niya ang pagbabagong nangyari sa
kanyang buhay pagkatapos niyang makilala si Hesus, kung paano niya
itinalaga ang kanyang bagong buhay sa pagpapahayag ng Mabuting Balita
ni Kristo sa buong mundo.
At sa huli, si Haring Agrippa ay sobrang naapektuhan at natakot na bakamatangay siya ni Pablo sa kanyang pananampalataya!
III. Sa pamamagitan ng Mabuting Balita
Basahin ang Roma 1:16.
7. Ano ang damdamin ni Pablo sa pagbabahagi ng Mabuting Balita?
Ano ang damdamin mo sa pagbabahagi kay Kristo sa ibang tao?
Basahin ang 2 Corinto 5:20.
8. Ano ang tawag ni Pablo sa atin? Bilang kinatawan ni Kristo, ano ang
dapat nating gawin?
IKALABING-DALAWANG SESYON
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
26/32
5150
wonby
one
ISANG SIMPLENG PLANO SA PAGBABAHAGI NG
MABUTING BALITA:PRAY, CARE, SHARE
Pray (Manalangin) Ipanalangin mo ang ibang tao at manalangin kang
kasama sila. Una, gumawa ka ng listahan ng 10 tao na nais mong ipanalangin
upang makakilala kay Hesus. Humanap ka ng pagkakataong makapanalanging
kasama nila. Bagamat ang ilang tao ay hindi pa bukas ang isipan na pag-usapan
ang mga bagay na espirituwal, karamihan ay pumapayag na ipanalangin mo
sila. Tanungin mo lang sila, Ano ang gusto mong ipanalangin ko para sa iyo?
Kapag sinabi nila, ipanalangin mo sila at kamustahin mo sa kalaunan kung
papaano sinagot ng Diyos ang inyong mga ipinanalangin.
Care (Magpakita ng malasakit / Gumawa ng kabutihan) magpakita ng
totoong malasakit sa kapwa. Maghanap ka ng mga kaparaanan kung paano
ka makagagawa ng mabuti sa kanila. Maraming kapamaraanan: pagdalaw
kapag may sakit, pagbibigay ng simpleng regalo o pagpapadala ng mga text
na nakakapagpalakas ng loob. Maaaring magtaka sila kung bakit ganoon na
lamang ang malasakit mo sa kanila. Kapag nagtanong sila, sabihin mo lang
na mahal mo sila at nais mong ipadama ito.
Share (Ibahagi ang mabuting balita) Ibahagi ang Mabuting Balita kapag
binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon. Maraming paraan kung paano mo
ibabahagi ang Mabuting Balita. Narito ang dalawa:
1. Won by One.Ang unang dalawang aralin ay nagpapaliwanag kung ano
ang Mabuting Balita at kung papaano sasampalataya ang isang tao kay
Hesus. Ang mga natutunan mo sa mga aralin dito ay maaari mo ring
ituro sa kanila.
2. Gods Way to Heaven.Ang CCF ay gumawa ng isang maliit na babasahin
upang madali mong maipaliwanag ang Mabuting Balita at matulungan ang
isang taong sumampalataya kay Hesus.
APLIKASYON:
1. Isulat ang kuwento ng iyong buhay sa ganitong balangkas:
a. Ang iyong buhay bago mo makilala si Kristo
b. Paano mo nakilala si Kristo
c. Ang iyong buhay matapos mong makilala si Kristo
2. Gumawa ng listahan ng 10 tao na maari mong gawan ng
Pray, Care, Share.
PRAY CARE SHARE
Ipagdarasalko si
Kailan Paano ko siyagagawan ng
mabuti
Kailan Ano anggagamitin
kong paraan
Kailan
1. George Martes,
8pm
Ilibre ngmerienda
Setyembre 9 Ang aking
patotoo
Oktubre 30
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
27/32
5352
wonby
one
ANO ANG SUSUNOD?
Kami ay nananalig na sa biyaya ng Diyos ay nagkaroon ka ng magandang
panimula sa iyong kapanapanabik na lakbayin sa pagsunod kay Hesus!
Alam mo na ngayon na ang lakbaying ito ay nagsimula sa buhay dito sa
mundo nang ikaw ay sumampalataya kay Hesus bilang iyong Panginoon at
Tagapagligtas. Subalit ang lakbaying ito ay hindi hanggang panlupa lamang
kundi sa magpasawalang hanggan, kasama ang Diyos at ang Kanyang
pamilya, ang mga mananampalataya ni Kristo.
Sa katotohanan, bago umakyat sa langit si Hesus, ang kanyang huling habilin
sa bawat isa sa atin ay humayo tayo at gawing alagad Niya ang lahat ng
bansa, kasama ang Kanyang pangako na tayo ay sasamahan Niya hanggang
sa wakas ng panahon. Dapat nating gawing alagad ang lahat ng bansa sa
pamamagitan ng pagtuturo sa kanila na sumunod sa lahat ng inutos sa atin
ni Hesus (Mateo 28:18-20).
Sa palagay mo, bakit nais ni Hesus na gawing tagasunod o alagad Niya ang
mga tao? Papaano natin gagawin ito? Ano dapat ang maging inspirasyon
natin sa paggawa nito? Ano ang kaugnayan ng panawagang ito sa kalooban
ng Diyos sa ating buhay? Iyong malalaman ang mga sagot sa mga tanong
na ito sa susunod na hakbang ng iyong paglalakbay.
Inaanyayahan ka naming magpatuloy sa susunod na hakbang kasama namin.
ANO ANG KASUNOD PAGKATAPOS GLC 1:WON BY ONE (Books 1 & 2)?
Upang magabayan at matulungan ka sa iyong paglalakbay kasama si Hesus,
ipagpatuloy mo ang GLC Leadership Training Program.
Maaari mong puntahan ang website na www.ccf.org.ph/glc/ at Facebook
page ng Global Leadership Center.
Maaari ka ring magparehistro para sa GLC online sa
www.ccf.org.ph/glc/registration.
MGA MUNGKAHING SAGOT:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
28/32
5554 wonby one
APENDIKS
IKAPITONG SESYON
Mateo 6:5-8
Hindi tumitingin ang Diyos sa magaganda at paulit-ulit na salita ngunit walang
kahulugan na panalangin. Dapat lumapit tayo sa Diyos bilang mapagmahal na
Ama natin, dahil gusto natin Siyang makatagpo at makaugnay ng taos-puso
at hindi dahil gusto nating magpasikat sa ibang tao.
Mateo 6:9-10
Ito ay nakatuon sa kung sino ang Diyos. Itinuturo sa atin ang tungkol sa Diyos
bilang ating Ama sa langit, kung papaano Siya dapat igalang, at dapat naisin
nating ang kalooban Niya ang masunod. Sa ating panalangin, dapat ay
makipag-usap tayo sa Diyos bilang Ama nating nasa langit.
Mateo 6:11-13
Ito ay nakatuon sa kung ano ang dapat nating ipanalangin. Dapat nating
ipanalangin ang araw-araw nating pangangailangan, ang paghingi ng tawad
sa ating mga kasalanan, at ang paghingi ng gabay sa Diyos upang tayo ay
malayo sa kasalanan.
Mateo 6:14-15
Nais ng Diyos na magpatawad tayo sa mga nagkasal a sa atin dahil kunghindi tayo magpapatawad ay hindi natin mararanasan ang Kanyang
kapatawaran. Kung ang ating kalooban ay hindi tama, makakaapekto ito sa
ating panalangin.
MGA MUNGKAHING SAGOT:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
29/32
5756 wonby one
TALATA KUNDISYON PANGAKO
Juan
14:13
Manalangin sa
Pangalan ni Hesus para
sa Kanyang kaluwalhatian,
hindi para sa atin
Gagawin Niya anuman
ang hilingin natin
1 Juan5:14-15
Manalangin ayon saKanyang kalooban
Pakikingan tayong Diyos at ibibigay Niya ang
anumang kahilingan natin
Pilipos
4:6-7
Huwag mabalisa, sa halip
ay ipanalangin ang lahat
ng bagay
Mararanasan natin ang di-
pangkaraniwang kapayapaan
ng Diyos sa ating puso
Juan
15:7
Manatili kay Hesus at
laging magkaroon ng
pakikipag-ugnayan sa
Kanya
Humiling ng anumang bagay at
ito ay ibibigay ni Hesus
Lukas
11:5-10Patuloy na humingi,
humanap, at kumatok
Sinumang humingi ay
tatanggap, sinumang humanap
ay makakatagpo, at
sinumang ay pagbubuksan
Santiago
5:6
Ipagtapat sa isat-isa ang
kasalanan at ipanalangin
ang isat-isa
Ikaw ay gagaling
IKAWALONG SESYON
AWIT 119:105
Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng gabay at direksyon para sa ating buhay.
2 Timoteo 3:16-17
Ang Biblia ang nagtuturo sa atin, nagsasabi kung ano ang tama at hindi tamang
gawin. Ang Biblia ang nagsasanay sa atin upang magkaroon tayo ng buhay
na nakapagbibigay ng karangalan sa Diyos. Ang lahat ng ito ay mahalaga
upang tayo ay maging katulad ni Kristo at maging handa sa paglilingkod sa
Kanya.
Deuteronomio 17:18-19
Ang utos sa mga hari ay isulat-kamay ang lahat ng kautusan. Ang pagsulat
sa lahat ng kautusan ay makakatulong sa kanila upang ito ay matutunan at
mas matandaang mabuti. Ang palagiang pagbabasa ng Biblia ay makakatulong
sa ating pagkakaroon ng takot sa Diyos, sa pagiging mapagpakumbaba, sa
pagsunod sa kalooban ng Diyos, at upang tayo ay pagpalain ng Diyos dahil
sa ating pagsunod.
Ezra 7:9-10
Dahil itinalaga niya ang kanyang sarili sa Diyos, sa pag-aaral ng kautusan, sa
pagsunod dito, at sa pagtuturo nito sa iba.
IKASIYAM NA SESYON
Gawa 2:22-27
Paghahati-hati ng tinapay, pag-aaral ng mga turo ng mga apostol, pagtitipon
bilang magkakapatid, at pananalangin. Maraming himala at kamangha-
manghang ginawa ang Diyos sa pamamagitan ng mga apostol. Ipinagbili nila
ang kanilang mga ari-arian at ibinahagi sa mga nangangailangan. Palagi silang
nagpupuri sa Diyos. Nagustuhan sila ng mga tao at marami ang naligtas.
MGA MUNGKAHING SAGOT:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
30/32
5958 wonby one
Gawa 14:21-23
Ipinangaral niya ang Mabuting Balita, marami siyang naturuan na naging alagad
ni Hesus at tinulungang lumago sa pananampalataya sa pamamagitan ng
pagdalaw sa kanilang mga bahay-bahay at paghikayat sa kanila. Pumili si
Pablo ng mga mamumuno sa bawat iglesiya, nag-ayuno at nanalangin para
sa mga napili, at ipinagkatiwala sila sa Panginoon.
Gawa 14:26-27
Tinipon niya ang lahat ng mananampalataya. Ang iglesiya ay ang mga tao at
hindi isang organisasyon, lugar, o gusali.
Gawa 20:20
Sa lugar pampubliko at sa bahay-bahay. Dahil kapag maliit lang ang grupoay mas nakikilala at nagiging malapit ang isat-isa. Mas naipapakita rin ang
pagmamalasakit at nahihikayat ang isat-isa sa pagsunod sa Panginoon.
1 Corinto 12:12-16
Tinutulungan tayong maunawaan na ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng
kaloob na espirituwal at bawat isa ay may mahalagang bahagi sa maayos na
paglago ng iglesiya.
Efeso 1:22-23
Si Hesus ang ulo ng Iglesya. Ibig sabihin, Siya ang namamahala at ang bawat
bahagi ng katawan ay dapat sumunod sa mga inuutos ng Panginoon na
gawin nila.
Efeso 4:11-13
Mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor at guro. Ibinigay ng Diyos ang
mga kaloob na espirituwal sa mga ito upang ihanda ang mga miyembro ng
iglesiya sa paglilingkod sa Kanya. Ang mga mananampalataya ang dapat
gumagawa ng mga gawain ng ministeryo.
Tito 1:5-9
May magandang reputasyon; isa lang ang asawa; at ang mga anak ay
mananampalataya, hindi magulo at hindi suwail. Siya ay hindi mayabang,
hindi mainitin ang ulo, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman
sa pera. Bukas ang kanyang tahanan sa kapwa, marunong magpigil sa
sarili, sumusunod sa Panginoon at disiplinado. Siya ay sumusunod sa tamang
doktrina at may kakayahang magturo ng katotohanan sa paraang nakakahikayat.
IKASAMPUNG SESYON
Juan 14:15
Sinusunod nila ang utos ng Panginoon. Ang hindi sumusunod sa utos ng
Panginoon ay hindi Niya tunay na mga alagad.
Lucas 14:26-28, 33
Sa talata 28, sinabi ni Hesus na kung ang isang tao ay magbabalak magtayo
ng tore, kailangan ay isipin muna niyang mabuti kung magkano ang
magagastos sa pagpapatayo nito at kung may sapat siyang perang gagastusin
hanggang sa matapos ang pagpapatayo nito. Sa pagsunod kay Kristo,
kailangang isipin muna nating mabuti kung talagang handa na tayong
sumunod sa Kanya; kung handa na tayong ituring na mas mahalaga ang
pagsunod sa Diyos kaysa sa lahat ng nasa atin katulad ng ating pamilya, mga
mahal sa buhay, at maging ang ating sariling buhay (talata 26).
MGA MUNGKAHING SAGOT:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
31/32
6160 wonby one
Gawa 2:41
Sumampalataya sila kay Hesus at nabautismuhan.
Gawa 8:12
Sumampataya sila kay Hesus at nabautismuhan.
Gawa 8:35-37
Narinig Niya ang Mabuting Balita at agad na nagpabautismo.
Mateo 28:18-20
Bautismuhan at turuan sila na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Hesus.
Roma 6:3,4
Tayo ay nabautismuhan sa kamatayan at pagkabuhay na muli ni Hesus.
Sinasagisag nito na tayo ay kasama Niyang namatay, inilibing, at mulingnabuhay. Ibig sabihin, ang ating dating buhay na makasalanan ay namatay
na at ngayon, tayo ay may bagong buhay na kay Kristo.
IKALABING-ISANG SESYON
Mateo 22:36-37
Ayon kay Hesus, ang pinakamahalagang utos ay, ibigin mo ang Diyos ng
buong puso, kaluluwa, at pag-iisip. Ibig sabihin, sa pagsamba sa Diyos ay
kailangan ang ating buong pagkatao. Dapat ang Diyos ang pinakauna at
pinakamahalaga sa ating buhay.
Hebreo 10:19-22
Dapat lumapit tayo sa Diyos na may tapat na puso at may matatag na
pananampalataya na tayo ay kakatagpuin Niya dahil sa sakripisyo ni Kristo.
David vs. Saul
Sinamba ni David ang Diyos ng buong puso, na may tunay na pasasalamat
sa lahat ng mayroon siya.
Ang pagsamba ni Saul ay hindi buong puso.Mas pinahalagahan niya kung
ano ang matatanggap niya mula sa Diyos kaysa sa kung ano ang maibibigay
niya sa Diyos sa kanyang pagsamba.
Posible na ang isang tao ay maging bahagi ng seremonya ng pagsamba kahit
ang puso niya ay malayo sa Diyos. Mahalaga na suriin natin ang ating puso
at motibo sa lahat ng ating ginagawa. Ang dapat na maging dahilan natin sa
anumang ating ginagawa ay ang pagmamahal natin sa Panginoong Hesus.
Exodus 32:4-10
Ang mga Israelita ay gumawa ng idolong kahugis ng guyang baka at kanilang
sinamba na parang diyos. Sa matinding galit ng Diyos ay ninais Niyang lipulin
silang lahat at magsimula ulit ng isang nasyon sa pamamagitan ni Moises.
Exodus 20:4-5
Hindi tayo dapat gumawa, yumukod, sumamba o maglingkod sa anumang
uri ng imahen o rebulto. Hindi ito kalugud-lugod sa Diyos sapagkat ang nais
Niya ay Siya lamang ang ating sasambahin. Ang pagsamba sa imahen o
rebulto ay pagkilala na rin sa kanila bilang diyos.
MGA MUNGKAHING SAGOT:
7/23/2019 WonbyOne Fil Book2
32/32
6362 wonby one
Awit 135:15-18
Ang mga imahen o rebulto ay walang buhay at walang magagawa. Sinabi
sa Biblia na kung sino man ang gumawa sa kanila ay magiging katulad nila
na hindi nakakakita, nakaririnig, o nakapagsasalita. Bakit natin sasayangin
ang ating panahon at lakas sa pagtawag sa anumang walang buhay at
kapangyarihan?
Gawa 2:42 at Juan 16:13-16
Tayo ay nagagabayan sa katotohanan sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin
ng Salita ng Diyos, at sa gabay ng Banal na Espiritu.
1 Corinto 6:19
Ang ating katawan ay ang templo ng Banal na Espiritu. Nananahan Siya sa
atin. Ibig sabihin ay maaari na nating sambahin ang Diyos kahit saan dahil
Siya ay lagi nating kasama at nananahan sa ating puso.
Heb 10:24-25
Mahalaga ang palagiang pagdalo sa pagtitipon upang palakasin ang loob
ng isat-isa; at hikayatin ang isat-isa sa pag-ibig sa kapwa, at paggawa ng
mabuti.
IKALABINDALAWANG SESYON
2 Pedro 3:9
Ayaw ng Diyos na ang sinuman ay mapunta sa impiyerno. Nais Niya na sila
ay magsisi at magbalik-loob sa Kanya.
Lukas 19:10
Naparito si Hesus upang hanapin at iligtas ang mga naliligaw ng landas. Ito
ang pangunahing prayoridad ni Hesus. Dapat maging katulad din ng kay
Hesus ang ating prayoridad.
Gawa 1:8
Ipinangako ni Hesus na sila ay tatanggap ng kapangyarihan mula sa Espiritu.
Dahil dito, sila ay magiging saksi ni Kristo sa lahat ng dako.
Roma 10:13-15
Kailangan nilang marinig ang Salita ng Diyos at sumampalataya sa Panginoon.
Maaring tayo ang gamitin ng Diyos upang ibahagi sa iba si Kristo.
Mateo 5:16
Dahil sa ating matuwid na pamumuhay at mabubuting gawa bilang Kristiyano,ang Diyos ay luluwalhatiin, pupurihin at pasasalamatan ng ibang tao.
Juan 4:39
Ipinamalita niya sa kanyang mga kababayan ang lahat ng sinabi ni Hesus.
Dahil sa patotoo niya, marami ang sumampalataya kay Hesus.
Roma 1:16
Hindi ikinahihiya ni Pablo ang Mabuting Balita dahil ito ang kapangyarihan ng
Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa sinumang sumampalataya.
2 Corinto 5:20
Tinawag tayo ni Pablo na mga sugo ni Kristo. Bilang mga sugo, dapat nating
himukin ang mga taong manumbalik sa Diyos.