FILIPINO
Z est for P rogress Z eal of P artnership
9
Pangalan : ___________________________ __________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Maikling Kuwento ng Pakistan
Ikatlong Markahan- Modyul 4:
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Myra C. Rafanan
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Philip D. Caermare
Shayne Everette U. Eldian
Tagasuri: Chona R. Baradillo
Maricel B. Jarapan
July G. Saguin
Tagaguhit: Edgardo P. Jamilar, Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza, Myra C. Rafanan
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed.D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.
Jephone P. Yorong, Ed. D.
Lindo O. Adasa, Jr.
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napatutunayang ang mga pangyayari at /o transpormasyong
nagaganap sa tauhan at maaaring mangyari sa tunay na
buhay.(F9PB-IIId-e-52)
• Natutukoy ang pinagmulan ng salita ( etimolohiya ).(F9PT-IIId-e52)
Balikan
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.( 1puntos bawat bilang)
1. Anong tulang liriko ang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol
sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Elehiya C. Naglalarawan
B. Dalit D. Pag-ibig
2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng Elehiya,maliban sa;
A. Tula ng Pananangis C. Tula ng Pag-alaala
B. Tula ng Pagpaparangal D. Tula ng Pagtitimpi
3. Tungkol saan ang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya“?
A. Sa mahal sa buhay C. Alaala ng namatay na mahal
B. Sa mag-asawa D. Nasaktang mahal sa buhay
4. Ang mga sumusunod ay himig ng elehiya, maliban sa;
A. Mapagmahal C. Mapagmuni-muni
B. Matimpi D. Di- masintahin
5. Paano naiiba ang Tulang Liriko sa iba pang uri ng Tula? A. Ito
ay naglalarawan
B. Ito ay may pagtatangi
C. Ito ay tungkol sa pag-ibig
D. Ito ay nagpapakita ng masidhing damdamin
Aralin
4
Maikling Kuweto ng Pakistan
Tuklasin
Mga Salitang may Pinagmulan:
Ang salitang prinsesa at diwata ay nagmula sa ibang bansa at ginagamit natin sa pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan. Narito ang pinagmulan o etimolohiya nito.
• Prinsesa- mula sa salitang Pranses na “princesse”na ang ibig sabihin
ay babaeng maharlika.
• Diwata- nagmula sa salitang Sanskito na “devata”na ang ibig sabihin
ay isang katauhang katulad ng mg enkanto o nimpa.
Panuto : Isalaysay ang sariling karanasan kung saan may mga pangyayari
sa inyong buhay na nagpapabago ng inyong paniniwala,at
opinyon .Sagutin ang mga tanong sa ibaba.(5pts. Bawat aytem). Tanong:
1. Ano ang inyong naging karanasan?
Sagot:_________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Matapos ang naturang karanasan, ano’ng paniniwala at opinyon
mo ang nababago ?
Sagot:
a.______________________________________________________________
b.______________________________________________________________
Suriin Basahin at unawaing mabuti ang teksto.
Sino ang Nagkaloob?
Isang mayabang na hari ang may pitong anak na dalagang may nakasisilaw na
kagandahan at busilak na kawalang-malay. Mahal na mahal niya ang mga ito, lalo
na ang pinakabata na pinakamaganda at pinakamahusay magluto sa buong
kaharian.Tuwing umaga,bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang
mga anak kung sino ang nagkaloob sa kanila ng kanilang mga kinakain na ang anim
ay sumasagot na siya ngunit ang ikapitong prinsesa ay lapging tahimik lamang.
Isang araw pinilit ng hari na sumagot ang ikapitong prinsesa at sinabi nito na “Ama,
Diyos po ang nagkaloob ng lahat ng nasa atin,ating kinakain na kinukuha natin sa
Kanya”.
Nagalit ang Hari sa sagot nito at pinalayas ang anak saka inutusan ang isang alila na
ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gubat.
Habang nakaupo sa gubat ang dalaga’, malungkot niyang pinagisipan ang kanyang
kasawian hanggang sa makatulog.Kinaumagahan ay nagising siya sa malamig at
malamyos na himig ng plawta.Dumilat siya at nakita ang binatang tumutugtog nito.
Nang tanungin ito ng prinsesa kung bakit ito napunta sa gubat ay sinagot nito na
pinapastulan niya ang kalabaw ng kaniyang amo at nawalan siya ng isa kahapon.
Kaya takot siyang umuwi at laging pinatugtog ang kanyang plawta para maakit ang
nawawalang kalabaw.Tinanong ng binata ang prinsesa kung paano ito napunta sa
gubat.
Sinagot ito ng prinsesa na hindi rin ito makauwi,sinabi nito na maging katulong na
lang niya ang binata at magkasama silang maghanap ng matitirhan.
Pumayag ang binata at sila’y naglakbay pasilangan. Maghapon silang naglakbay nang
gutom at uhaw hanggang makarating sa mga pader ng isang siyudad.
Inutusan ng prinsesa ang binata na pumasok sa siyudad at hanapin ang
pinakamayamang mag-aalahas at ipasabi dito na naghihintay sa kanya ang isang
prinsesa sa labas ng pader.
Madaling nakabalik ang binata na kasama na ito.Ipinagpalit ng prinsesa ang kanyang
kaakit-akit na kuwintas na may pambihira at mamahaling bato sa kahilingang-
kabayong may montura ( saddle) para sa kanya, salapi, at isang barong na angkop
sa katulong na maharlika para sa binate.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang makarating sa lugar na nagustuhan nila at
nagpasiya ang prinsesa na magtayo ng kanyang munting palasyo.Tinuruan din niya
ang pastol ng kalabaw tungkol sa mga sining ng pakikipaglaban at ng kapayapaan.
Isang araw, sila ay namasyal at inutusan niya ang binata na kumuha ng inumin dahil
mamamatay na siya sa uhaw.
Ang binata’y agad na naghanap ng tubig at dahil Diyos ang nagkaloob ay madaling
nakakita ng batis ang binata. Pinuno niya ang tasa at paalis na nang makakita siya
ng maganda’t nagkikislapang rubi sa ilalim ng batis at pumulot ng ilan na inipit niya
sa lupi ng kanyang turban.
Pagkaraan ng isa’t kalahating buwan, ang palasyo ay yari na kaya sila ay lumipat na
doon.Madalas kunin ng lalaki ang rubi sa kanyang turban at pinaglaruan ang mga
ito.Isang araw ay naisipan ng lalaki na sundan ang batis upang makita ang
pinagmulan ng hiyas.
Inihatid siya nito palayo sa silangan, hanggang matagpuan niya ang sariling nakatayo
sa tapat ng pader ng isang malaking palasyo.Ang batis ay
umaagos sa ilalim ng pader, gumapang siya papasok at nagpalibot-libot doon, tila
walang tao sa loob. Sa wakas ay nabuksan niya ang tarangkahan patungo sa isang
patyo sa loob na inaagusan ng batis ding iyon. At doon sa tabi ng batis ay nakalagay
ang ulo ng isang magandang babae, may dugong pumapatak roon at naging rubi
iyon pagbagsak sa tubig. Sa di-kalayuan, nakabuwal ang walang ulong katawan ng
babae.
Tumakbo siya palayo ngunit natalisod siya sa isang makapal na tabling nakabuwal
sa lupa. BIglang lumipad ang ulo at umugnay sa katawan nito at ito ay muling
nabuhay.
Naaawang tiningnan ng babae ang natakot na binata at tinanong kung anong
kapalaran ang nagdala sa lalaki doon? “Tumakbo ka para makaligtas kundi’y
aabutan ka rin ng genie at lulurayin ka niya” ang sabi ng babae sa kanya.
Naglakas-loob na tinanong siya ng binata kung sino siya.
Sinagot ng babae na anak ito ng Hari ng mga Diwata. Ang pangalan niya ay Lai Pari,
o Pulang Diwata.Ibig daw itong maging asawa ng genie na may-ari ng palasyo pero
galit ang diwata ditto kaya siya ay ikinulong doon. Tuwing umaga, bago umalis ang
genie para maghanap ng pagkain, inilagay nito ang babae sa tabla at ang ulo nito ay
natatanggal. At pagbalik nito sa gabi ay binuhay nitong muli ang Diwata. Narinig nito
na dumating na ang genie kay inutusang nito ang lalaki na ibalik sa dati ang table
para mamatay itong muli at pinatago ang lalaki dahil mamagalit ito.
SInunod ng binata ang utos ng Pulang Diwata, at katatago pa lamang nito nang
mabilis na pumasok ang genie na nagsasabing nakaamoy daw siya ng tao.
Mabilis na binuhay ng genie ang babae at sinabi nitong nakaamoy siya ng tao at siya’y
gutom na gutom.Tinanong nito ang babae kung nasaan ang tao para makain ito.
Ngunit nagmaang-maangan ito kaya muli nitong pinatay ang diwata at nagpatuloy sa
pangangaso.
Pagkaalis ng genie ay pagapang na lumabas ang lalaki at muli niyang binuhay ang
diwata sa pamamagitan ng mahiwagang tabla. Nagplano sila ng pagtakas. Sinabi ng
Pulang Diwata na pumanaog siya sa munting kwartong madilim na may Lorong nasa
gintong hawla. Kapag nangangaso daw ang genie ay iniwan nito ang kaluluwa sa loro
at kung walang kaluluwa ay mamamatay ito, pinakuha nito ang loro sa lalaki.
Kadadala pa lamang nito sa loro nang bigla parang niyanig ang mundo ng kulog at
bagyo. Sa pagsambulat ng usok ay lumitaw ang genie na halos nababaliw sa galit.
Tiyak na papatayin sila nito ngunit mabilis na kinuha ng Pulang Diwata ang loro
mula sa hawla at sinakal ito.Agad na bumagsak sa lupa ang genie at namatay na
parang bato.
Nakatakas ang dalawa na dala-dala ang mahiwagang tabla. Isinama ng binata ang
Pulang Diwata sa pag-uwi. Masiglang tinanggap ng prinsesa ang diwata at naging
parang magkapatid ang dalawa. Tuwing gabi ay humiga ang Pulang Diwata sa
mahiwagang tabla at ang ulo’y natatanggal sa katawan nito at ang dugo’y nabubuong
bunton ng kumikinang na mga rubi na walang kapantay sa kagandahan. Tuwing
umaga ay ginagalaw ng binata’t prinsesa ang tabla at muling nabuhay ang Pulang
Diwata.
Pagkaraan ng ilang panahon , Nagpasiya ang Pulang Diwata na umalis para sa isang
mahabang paglalakbay. Bago umalis ay nagtayo siya ng bagong palasyo para sa
prinsesa sa tulong ng mahiwagang tabla, at inanyayahan nila ang maraming
panauhin sa malaking handaan sa palasyo. Kabilang sa mga panauhin ang amang
Hari ng prinsesa . Ang prinsesa mismo ang nagluto ng paboritong pagkain ng Hari
para sa handaang iyon.
Nang makaupo na ang mga panauhin para sa handaan, ang Hari’y napaiyak at ang
mga luha’y gumulong sa kanyang balbas. Ang lasa ng pagkain ay nagpapagunita sa
kanya sa anak ng naglutulo ng gayong pagkain para sa kanya. Madalas niyang
pinagsisihan ang pagpapalayas sa anak na palagi niyang hinanap sa kagubatan
ngunit bigo siyang makita ito.
Tinanong ng Pulang Diwata kung ano ang dahilan ng kalungkutan nito at sinabi ng
hari kung ano ang nangyari. Tinananong ng Diwata kung mahal pa ba nito ang anak.
Na sinagot naman ng hari ng “ Oo” ang tanging hiling niya ang Makita ang anak bago
siya mamatay.
Bilang sagot, pumalakpak ang Pulang Diwata at sa harap ng hari ay nakatayo ang
nawalang anak na prinsesa na ngayo’y nasa hustong gulang na, hindi ikapito o
pinakabata sa katalinuhan.
Nagyakap at nagkaiyakan ang dalawa. Sa wakas, lumuhod ang prinsesa at nagwika,
“ O Ama kong Hari, hindi po ba ang Diyos na mabait ang nagkaloob ng lahat ng
bagay? Tingnan niyo kung paanong ibinigay Niya sa akin ang palasyong ito at ang
malaking kayamanang rubi, samantalang hindi mn lamang ninyo matagpuan ang
nawawalang anak”.
Napagtanto ng haari ang kanyang pagkakamali. “ Oo “ sabi niya. “ ang Diyos ang
tunay na nagkakaloob ng lahat”.At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay ng
maligaya mula noon.
-Mula sa salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling pagsasalaysay
ni Ahmed Basheer Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas
Ano ang Etimolohiya?
Etimolohiya-deribasyon ng salita,may pinagmulan.
Halimbawa :
1. Dalaga- mula sa salitang Sanskitong na Darika na ang ibig sabihin ay
babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.
2. Plawta- mula sa salitang Pranses na Flaute at flute sa Ingles na ang ibig
sabihin ay instrumentong pangmusika.
3. Hawla- mula sa salitang Espanyol na “Jaula” na ang ibig sabihin ay
kulungan.
4. Genie- mula sa salitang Arabic na “jinn” kung isahan, “jinni” kung
maramihan. Ginagamit ito sa pagpapatungkol sa isang piksiyonal na
karakter na sumusunod sa kagustuhan ng taong nag-uutos sa kanya.
5. Turban- nagmula sa Pranses na “turbant”, “turbante” sa Italyano,
“tulbent” sa Turko, “dulband” sa Persyano.
Pagyamanin
Pag-uugnay sa Tunay na Buhay
Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa kuwento na naranasan mo o ng isa
pang kakilala at isulat ang transpormasyong naganap sa tauhan
na naranasan mo o ng iyong kakilala.Isulat ang sagot sa kahon at
sagutin ang kasunod na tanong .( 2pts.bawat isa).
Pangyayari sa Kuwento :________________________________________________
Karanasan ko o karanasan ng isang kakilala:
Transpormasyong naganap sa tauhan: __________________________________
Transpormasyong naganap sa akin o sa kakilala:
________________________________________________________________________
Gawain
Gawain A
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga etimolohiya ng salita sa
Hanay A.Isulat ang titik sa patlang.
Hanay A Hanay B
___1. Turban a. Mula sa salitang Sanskrito na “darika” na ibig sabihin ay Babaeng nasa hustong gulang ngunit wala pang asawa. ___2. Genie b. Mula sa salitang Pranses na “flaute”,sa Ingles na “flute”na ibig sabihin ay instrumenton pangmusika.
___3. Dalaga c. Mula sa salitang Espanyol na “jaula” na
ibig sabihin ay kulungan.
___4. Plawta d. Mula sa salitang Arabic na “Jinn” kung
Isahan at “Jinni” kung maramihan at ito
ay tungkol sa piksyonal na karakter na
sumusunod sa kagustuhan ng taong nag-
uutos sa kanya.
___5. Hawla e. Mula sa salitang “turbant”ng Pranses,
“turbante” sa Italyano, “tulbent”sa Turko At
“dulband”sa mga Persyano.
Gawain B
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung
ito ay nagpapakita ng Transpormasyong nagaganap sa tauhan na
maaaring mangyari sa tunay na buhay at ekis (X) kung hindi.
___1.) Pinalayas ng hari ang anak dahil sa sinagot nito.
___2.) Nakita ng binata na umagos ang dugo ng babae sa tubig at nagiging
rubi.
___3.) Ang mayabang na hari’y napaiyak dahil naaalala niya ang anak niya.
___4.) Sa harap ng hari ay nakatayo ang prinsesa ang nawalang anak na
dalagang na at nasa hustong gulang na.
___5.) Napagtanto ng hari na siya’y nagkamali at naniniwala na ang Diyos
ang nagkaloob ng lahat.
Isaisip Panuto: Ilahad ang inyong natutunan sa aralin.( 5pts.bawat isa)
Natutuhan ko sa kuwentong “Sino ang Nagkaloob?” na kailangan ang
pananampalataya sa Diyos dahil _____________________________________________
Nalalaman ko rin ang etimolohiya ay tungkol sa ___________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Tayahin
I. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. (1 puntos bawat bilang)
___1.) Mahal na mahal ng mayabang na hari ang mga anak lalo na ang
pinakabata. Sa anong kadahilanan na nabago ito at kanyang pinalayas ?
A. hindi sumunod sa utos niya
B. hindi nagustuhan ang sinagot ng anak
C. hindi nagluto ng masarap
D. hindi gusto ng hari ang anak na suwail
___2.) Aling pagbabagong naganap sa tauhan ang maaaring mangyari sa
tunay na buhay?
A. Pinalayas ng hari ang anak
B. Takot umuwi ang pastol ng baka dahil nawalan siya ng isa
C. Napagtanto ng hari na mali siya sa pagpapalayas sa anak at nagsisi.
D. Ang Pulang Diwata ay pinatay ng genie at binuhay pagkagabi. ___3. Ano
ang etimolohiya ng salitang prinsesa?
A. Princess ng Britanya C. Princesse ng Pranses
B. Prinsesa ng Pilipinas D. Prinssess ng Ingles ___4.)
Ang mga sumusunod na salita ay may etimolohiya o
pinagmulan, MALIBAN sa ?
A. Diwata B. Hawla C. Dalaga D.Anak
___5.)Sa katapusan ng kuwento, anong pagbabago ang naganap sa hari?
A. Pagbabago sa damdamin C. Pagbabago sa isip
B. Pagbabago sa paniniwala D. Pagbabago sa opinion
Karagdagang Gawain Sumulat ng sariling karanasan kaugnay sa kuwento na
nakapagpapabago ng iyong paniniwala o pananaw sa buhay. (15 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT
Pamantayan 5 3 1
Nilalaman
Maayos at malinaw ang
organisasyon ng mga
ideya.
Hindi masyadong
malinaw ang
organisasyon ng mga
ideya.
Lumihis sa ipinapagawa
o sa dapat ipapahayag
na mensahe ng gawain.
Organisasyon Walang mali sa pagbaybay
at gramatika. May 1-5 mali sa pagbaybay
at gramatika. May 6 o higit pang mali
sa pagbaybay at
gramatika.
Kalinisan
Napakalinis ng awtput;
walang makikitang bura at
nasusunod ang tamang
anyo ng pagsulat ng liham,
gaya ng wastong palugit at
pasok.
Kakikitaan ng 1-5
pagbura ng mga salita at
hindi nasunod ang
tamang anyo ng pagsulat
ng liham, gaya ng
wastong palugit at pasok.
Kakikitaan ng 6 o higit
pang pagbura ng mga
salita at hindi nasunod
ang tamang anyo ng
pagsulat ng liham, gaya
ng wastong palugit at
pasok.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. del Rosario (2015).Pinagyamang Pluma 9. Phoenix
Publishing House, Inc. pp. 326-337
Gawain A
1. c 2. d 3. e 4. b 5. a
Gawain B
1. X 2. X 3. / 4. / 5. /
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
Top Related