You Are The Music In Me

12
You Are The Music In Me Page | 1

description

- She is the most beautiful girl in town. She gets whatever she wants until one day she encounters an accident that will changed her life forever. The famous singer and known as a wild and selfish woman start to lived as an ordinary girl and met a guy that is destined for her. But is he really her destined one? Find out to this novel that will truly touch your heart! A story that tells about love and the beauty of music.

Transcript of You Are The Music In Me

Page 1: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

Page | 1

Page 2: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

Page | 2

Page 3: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

Page | 3

Page 4: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

PLOT:- She is the most beautiful girl in town. She gets

whatever she wants until one day she encounters an accident that will changed her life forever. The famous singer and known as a wild and selfish woman start to lived as an ordinary girl and met a guy that is destined for her. But is he really her destined one? Find out to this novel that will truly touch your heart! A story that tells about love and the beauty of music.

Authors Note:My influence in making this story is all the songs from High School Musical series. The story is also based on the movie but only the musical side of it. By the way this is the first story I made using a computer because I usually used a ballpen and a notebook when

writing a story.

Page | 4

Page 5: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

You Are The Music In MeWritten by: Lady_Phoenix

Chapter 1Pinagtitinginan ng halos lahat ng mga tao roon ang grupo ng THE

FOUR SPICES, pangkaraniwan na ang mga kalalakihan. Bakit nga namang hindi? Ang grupo ng spices ay very irresistable. Lahat sila ay galing sa mayayamang angkan. Wala sa grupo nila ang maaaring itapon man lang dahil sila ay magaganda, matatalino at mayayaman…. Sikat na sikat sila sa circle ng alta-sosyedad na ginagalawan nila. Marami ang humahanga at naiingit sa grupo nila…

Nang gabi nga na iyon ay pumunta sila sa isang sikat at respetadong disco bar ang apat sa Manila. Nanalo kasi si Amber sa isang beauty pageant na sinalihan niya sa America. Sya si Ms. Amber Lorigan. Ang sinasabing pinakamaganda sa grupo ng THE FOUR SPICES. Nag-iisang anak na babae ng isang napaka-successful na business tycoon. Anumang naisin niya sy nakukuha nya ng walang hirap. Kaya siguro naging spoiled siya. Marami ring nagsasabi na sya ang may pinkamasamang ugali sa grupo. Marahil kung hindi niya nakilala sina Rhian, June at Jodi noong bata pa lang sya ay wala siyang magiging kaibigan. Noon ay hindi nya hinahayaan ang kahit na sino na mapalapit sa kanya. Masungit sya sa kahit na sino hanggang sa makilala niya si June.

Mahilig siya noong maglaro sa kung saan saan kaya noong nagkataon na muntik na syang malapa ng aso ay iniligtas sya ni June. Walang katakot takot na nilabanan nito ang asong sa tingin niya ay may rubbies pa yata. Simula noon ay naging magkaibigan na sila at ipinakilala pa siya nito sa mga kibigan nitong sina Rhian at Jodi. Dahil isa siyang matapobre ay tinanggap niyang maging kaibigan ang mga ito dahil nalaman niya na katulad niya ay anak mayaman rin ang mga ito at nababagay lamang na maging kaibigan niya. Ngunit sa paglipas ng mga panhaon niya ay nalaman niya na totoong mga kaibigan ang mga ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay siya ng tiwala at pagmamahal sa isang tao. Pero nanatili pa rin ang masamang ugali niya. Galit pa rin siya sa mahihirap dahil hindi niya makakalimutan na namatay ang kanyang ina noon ng dahil sa pagkidnap dito ng isang hampaslupa…

Sya pa rin ang nanatiling pinaka-snob,tahimik ngunit pinaka-playgirl sa lahat. Nasisiyahan siyang paglaruan ang mga lalaki lalo na kapag umiiyak na ang mga ito nang dahil sa kanya..

Iyon ay dahil may galit siya sa mga lalaki. Dahi naranasan na rin niyang mapaglaruan ng isa sa mga ito. Si Jared. Minahal niya ito at ibinigay niya ang buong tiwala niya rito. Ito ang pinaka unang lalaking minahal niya ngunit binigo siya nito. Niloko lang siya. Niligawan lang pala siya nito nang dahil sa isang pustahan. At bukod pala sa kanya ay may iba pa itong Girlfriend…Naapakan na nito ang pride niya ay sinaktan pa nito ang puso

Page | 5

Page 6: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

niya. Hindi niya matanggap na ang isang katulad niya ay nagawang paikutin ng isang lalaki ng ganun2 na lang. Nakatatak na sa isip niya na ang mga lalaki ay pare-pareho lang. Hindi makuntento sa iisang babae.

Maging sa sariling ama niya ay hindi rin niya kayang lubusang magtiwala. Naaalala pa niya noon na wala pang isang taon na namatay ang kanyang ina ay nagpakasal na ito. Nalaman pa niya na noong nabubuhay pa pala ang kanyang ina ay pinagtataksilan na nito iyon. Marahil kaya siya lumaki ng may pagkarebelde at masama ang ugali ay dahil na rin dito.

“ Hey, Amber! Bakit parang hindi ka yata masaya? Remember, nandito tayo para magcelebrate. Biruin mo? Na sa dami ng bansang naglaban2 ay ang pilipinas ang nanalo and that is because of you. You should be proud!” Nakangiting sabi ni Jodi.

“ Jodi is right Amber. You really make it big. Biruin mo? Mas lalo ka pang sumikat ngayon, dinaig mo pa ang mga celebrities. Dapat lang na ienjoy mo ang gabi.” Sang-ayon nman ni Rhian.

Si June lang ang hindi nagkomento sa pananahimik niya. Patuloy ito sa pag-inom ng alak. Kilala ito sa pagiging alchololic.,

“Well, wala lang siguro ako sa mood. Pbayaan nyo na lang muna ako OK? Sige,pupunta lang muna ako sa comfort room.” Walang ganang sagot niya sabay tayo. Nagulat na lang siya nang maramdamang nabasa ang damit niya dahil sa pagkatapon ng alak sa kanya ng isang waiter na nakabangga niya. Agad na lumabas ang bad temper niya.

“Damn!, look what have you done! Hindi mo ba alam na galing pa sa new york ang damit na ito? Kaya mo ba itong bayaran ha? Hindi! Dahil isa ka lang hampaslupa! Kahit buong buhay ka magtrabaho hindi mo ito kayang bayaran!” agad na lumipad sa gwapong pisngi nito ang kamay niya. Ito naman ay panay ang paghingi ng tawad. Kung hindi pa siya napigilan ng mga kaibigan ay baka kung ano na ang nagawa nya. Hanggang sa nang makarating na siya sa mansion ay dala niya ang inis. Lalo pa iyong nadagdagan nang Makita niya ang kanyang papa ksama ang kanyang tatlong kuya na nagtatawanan sa sala. Umiinom pa ng alak ang mga ito.

“Where is Grandma?” Tanong niya sa mga ito nang hindi Makita ang kanyang pinakamamahal na lola. Sa kanilang pamilya ay ang kanyang lola lang niya ang pinakaclose niya. Kaswal naman na sumagot ang mga ito at sinabing nakatulog na raw ang matanda. Umakyat na lang siya sa kanyang kwarto dahil ayaw na niyang abalahin pa ang matanda.

Nahiga siya sa kama at Naisip niya ang mga kapatid at ang papa niya. Ni hindi man lang niya marinig sa mga bibig ng mga ito ang inaasahan niyang pagbati dahil sa pagkapanalo niya sa isang beauty pageant. Well, ano pa nga ba ang dapat niyang asahan? Simulat sapul naman talaga ay mababa ang tingin sa kanya ng kanyang papa. Walang ibang mgaling sa mata nito kundi ang mga kuya niya. Sina peter, George at Vincent ay nagtapos ng Suma cumlaude noong gumradweyt ang mga ito. Samantalang siya noong gumradweyt siya noong nakaraang taon sa high school ay wala man lang siyang nakuha ni isang honor. Kya hindi kataka takang halos hindi siya pansin nito. Ngunit kasalanan ba naman niyang hindi siya maging kasing talino ng mga kuya nya? Simula pa noong bata pa siya ay palagi nang mahina ang tingin sa kanya ng daddy niya at mga kuya nya. Para ba siyang

Page | 6

Page 7: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

isang babasaging kristal na dapat ingatan… And she really hates it! Kahit naman hindi siya matalino ay very talented naman sya.

Magaling siyang kumanta, sumayaw at umarte. Gusto niyang maging artista katulad ng yumaong ina. But unfortunately, namatay ang ina niya dahil sa addict fan nito noon na kalaunan ay naging stalker nito. Yun ang dahilan kung bakit ayw ng papa niya na mag artista siya o kahit maging model man lang. Hindi siya sinusuportahan ng mga ito. Dahil ang gusto ng ama niya ay tularan niya ang mga kapatid at mag-aral din siyang mabuti upang maging magaling na business woman. At hindi niya gusto ang ideya na iyon! Para sa kanya ay napakaboring ng ganoong lifestyle na puro negosyo lamang ang inaasikaso.

Naipikit niya ang mata. Parang nanunukso naming lumitaw sa balintanaw niya ang mukha ni Jared. Impokrita siya kung hindi niya aaminin na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Ang totoo ay miss na miss na niya ito. Napaluha na naman siya pagkaalala rito.Hindi siya nakatiis at tinawagan niya ito.

“Hello?” rinig niya ang magandang boses nito na matagal na niyang gustong marinig bagamat maingay sa kinaroroonan nito. Marahil ay nasa disco na naman ito.

“This is me Jared. Ano pa ba ang kulang sa akin? Handa akong magbago bumalik ka lang sa akin, handa rin akong tanggapin kahit na gaano ka pa kababaero, ang importante lang sa akin ay kasama kita. I can’t live without you.. I still love you, please come back to me. “ Madamdaming sabi niya kahit alam niya na nagmumukha na siyang masyadong nagmamakaawa rito. But she doesn’t care. Mahal niya ito at kailangan niya ito sa buhay nya. Pero sa halip na maawa ito ay humalakhak pa ito na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi nya.

“ Are you drunk Amber? How many times I need to tell you that I don’t love you anymore. We’re through ok? Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ayoko na sa’yo kaya kung pwede lang tigilan mo na ako.” Sabi pa nito na nahuhulaan na niyang nakangisi habang sinasabi iyon. Pero desperado na siya na pabalikin ito sa buhay nya.Kahit maglumuhod pa siya sa harap nito.

“Ano pa ba ang kulang sa akin ha Jared? Ano bang ngawa kong masama sa’yo, bakit mo ako pinahihirapan ng ganito?” Umiiyak na sabi nya.

“ Hindi ka rin makulit ano? Sinabi ko na sa’yo. Ayoko na sa’yo, mahirap ba namang intindihin yun? So, kung marami ka pang sasabihin, sorry but I’m Busy here and I don’t have a time for you. So, well goodbye Amber. Sana hindi mo patayin ang sarili mo sa pagbe-break natin.” Sarkastikong sabi nito saka humalakhak na naman.

“Wait Jared----‘’ Marami pa sana siyang sasabihin nang putulin na nito ang pag-uusap nila. Sa sobrang inis niya ay naibato niya ang mamahalin niyang cellphone at saka siya napahagulgol na nman ng iyak. She really feels hopeless. Pakiramdam niya ay wala ng nagmamahal sa kanya…..

Kinabukasan . . .Page | 7

Page 8: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

Ngayon ang unang araw ng second sem kaya medyo tinatamad pa syang pumasok..

Papalapit na siya sa grupo ng FOUR SPICES nang may tumawag sa kanya. Napakunot noo siya nang tingnan niya kung sino ang lalaki. Napaka-kapal ng salamin nito, nakayuko ito at napabaduy rin kung manamit. Sa madaling salita ay weird itong tingnan.

“Anong kailangan mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya. Hiyang hiyang Inabutan siya nito ng red roses. Saka niya narecognize ang gwpong mukha nito.

“Hindi mo na siguro ako natatandaan pero ako yung waiter na nakatapon sa’yo ng tea kagabi. Gusto ko sanang mag-sorry.” Halatang kinakabahang sabi nito.

‘’Ah ganun. Ikaw pala yung tatanga tanga na yun. At ano naman ang ginagawa ng isang hampaslupa na tulad mo sa exclusive school na ito?” Mataray na tanong nya.

“ Scholar ako rito. Pero kinakapos pa rin kami sa pangkain namin at pangbaon ko sa school kaya nagtatrabaho ako sa gabi.” Nahihiyang sabi nito. Binigay nito ang rosas na hawak nito sa kanya. Tiningnan lang niya iyon.

“Sana mapatawad mo ako. Alam mo matagal na kitang gustong maging kaibigan eh,kaya sana wag ka nang magalit.” Muling sabi nito nang di siya magsalita.

Mukhang naglakas loob lang ito kaya nito nasabi iyon. Ngayon pa lang ay nahuhulaan na niya na may gusto ito sa kanya. Ganun naman ang mga lalaki. Kunwari ay pakikipagkaibigan lang ang habol pero alam naman niya na pakitang tao lamang iyon at gusto lamang makaisa sa mga babae. Ngumiti siya ng ubod ng tamis dito. Mukhang trip niyang isali ito sa listahan ng mga lalaking gusto niyang paiyakin. Mukhang nagulat pa ito sa biglang pagbabago ng mood niya. Ang iniisip marahil nito ay mahihirapan itong paamuin siya.

“ Wag mo ng isipin yun. Ang totoo, ako nga ang dapat magsorry sa’yo dahil sa mga panghihiya ko sa’yo kagabi. Oo naman. We can be friends, pero parang gusto ko yatang mas higit pa doon ang maging relasyon natin sa isa’t-isa.” Hinaplos pa niya ang pisngi nito atsaka tinggal ang salamin nito sa mata. Napalunok ito sa ginawa niya.

“O, eh ang gwapo mo naman pala eh.” Nakatawang sabi niya saka Walang pakundanggang hinalikan niya ito sa labi. Nang matapos niya itong halikan ay hindi na ito makatingin ng diretso sa kanya. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.

“ Teka. Ano nga pa lang pangalan mo?” Sabi niya nangg parang mapansin niyang tulala ito at titig na titig sa mukha niya.”

“ Brent. Brent ang pangalan ko.” Parang nabubulol na naming sabi nito.“ And my name is Amber.” Lalo pa niyang nilagkitan ang tingin rito. Natatawa

na siya sa nakikitang pagkataranta nito.“ Kilala na kita. Wala namang hindi nakakakilala sayo rito. Sikat na sikat ka.”“ Yeah. And I know it. O, baka malate ka. Kung hindi ako nagkakamali ay

student’s assistant ka rin dito kaya baka hinahanap ka na ng mga teachers.” “ Ah. Oo nga pala. Pwede ko bang mahingi ang number mo?” Nakayuko ang

ulong tanong nito.“ Oh sure. Syanga pala, kung pwede lang ay wag ka ng mahihiya sa akin.”

Pahabol pa niya saka ibinigay ang number niya rito. Pagkatapos noon ay umalis na rin ito. Puro tanong ang narinig niya sa mga kaibigan.

“ Hey! What did you do?” Gulat na gulat na tanong ni Jodi.“What’s wrong with that?” Painosenteng tanong niya. “You know what we meant Amber. Bakit bigla mo na lang hinalikan ang

lalaking yon?” Sabi naman ni Rhian.“It’s because I want to kiss him. As simple as that.”“ Wag mong isali sa listahan mo ang lalaking iyon Amber. I know him.

Classmate ko sya last sem. Sya si Brent Javier. Matalino, responsible at mabait ang taon iyon. Mahirap nga lang sya pero napakasikap naman nya. Kaya kung pwede

Page | 8

Page 9: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

lang sana ay wag mo na syang lokohin, hindi ang tipo niyang tao ang sanay makipaglokohan sa isang mapaglarong babaeng katulad mo. He’s serious to you Amber. Mtagal ko na ngang nababalitaan na isa sya sa mga may crush sa’yo. Hindi ka lang niya nilalapitan dahil alam niya na mataas kang masyado.” Pahayag ni June.

“Well, tha’ts good. Ayaw mo nun? Mararanasan nya kahit papaano ang pangarap niyang makasama ako.” Sarkastikong sabi niya.

“ At pagkatpos ay ano? Iiwan mo na lang syang parang isang basahan? Wag mo syang paasahin. Hindi sya katulad ni Jared na isang manloloko at hindi lahat ng lalaki ay katulad ni Jared. Wala ka na ba talagang awa? Bakit kailangang idamay mo ang mga taong wala namang kasalanan sa’yo! Bakit hindi ang Jared na iyon ang gantihan mo!” Muling sabi nito. Tumaas ang kilay niya. Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito.

“ Kung ano man ang gawin ko sa buhay ko ay wala ka nang pakialam doon. At bakit mo ba pinagtatanggol ang Brent na iyon? Bakit ano ka ba nya? O, baka namn kaya ka ganyan kung mag-react ay dahil may gusto ko sa kanya? Well, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na wala ka ng pag-asa dahil sa akin sya may gusto at hindi sa’yo! At bakit nga namang hindi? Mas mayaman ako kaysa sa’yo at mas maganda. Look at yourself June. Mukha kang lalaki kung kumilos. Mas matapang ka pa nga yata kaysa sa kanila kaya marami ang nai-intimidate sa’yo. No wonder you don’t have a boyfriend!” Pangmamata niya.

Halatang nasaktan naman ito sa sinabi niya. Pero katulad ng inaasahan niya ay ni hindi man lang ito nagpakita ng luha sa kanya. Matatag talaga ito kahit kalian.

“ Hindi ko akalain na ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin Amber. Tama ka. Mas mayaman ka nga kaysa sa aming lahat at mas maganda. Sikat pa. Kaya sa tingin ko hanggang dito na lang nga ang pagiging magkakaibigan natin. At kung masaya ka na pahirapan at paasahin ang lahat ng tao sa paligid mo ay wala na akong magagawa. Wag kang mag-alala. Simula ngayon ay wala ka ng kaibigan na makikialam sa mga gagawin mo.” Atsaka ito umalis sa harapan nila. Bigla ay parang gusto niya itong habulin at humingi ng tawad sa lahat ng mga sinabi niya pero dinaig pa rin siya ng pride. Napatingin siya kina Rhian at Jodi.

“ Ano? Gusto nya syang sundan? Go ahead, hindi ko kayo pipigilan.” Wala sa loob na sabi niya. Pero hindi umimik ang mga ito at hndi rin sinundan ng mga ito si June.

Lumipas ang mga araw. Gaya ng inaasahan niya ay nanligaw nga sa kanya si Brent. Nalaman rin niya na totoo nga ang mga sinasabi ni June tungkol dito. Pero hindi pa rin nababago ang isip niya na paglaruan ito. Pinatagal lang niya ang relasyon nila nang 1 buwan at nakipagrelasyon na namn siya sa isang sikat na varsity player sa school nila. Nalamn nito iyon kaya agad siya nitong kinompronta at sinabi naman niya ang totoo dito na hindi naman talaga niya ito minahal at niloko lang niya ito. Natawa siya lalo nang imbes na magalit ito sa kanya ay lumuhod pa ito sa harap niya para lang hindi siya makipaghiwalay dito.

“ Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? At ano naman ang tingin no sa sarili mo? Ubod ng gwapo na magugustuhan ng isang maganda at mayamang katulad ko? Masyado kang nanaginip Brent. Kahit kailan ay hindi ko magugustuhan ang isang weirdo at baduy na katulad mo. Akala ko matalino ka. Hindi pala. Dahil ang tanga tanga mo dahil naniwala ka sa mga panloloko ko sa’yo. Sorry ha? Si Bernard na kasi ang gusto ko. Pero wag kang masyadong malungkot dahil Im sure naman na may babae ring magkakagusto sa’yo. Yun nga lang hindi kasing ganda ko kundi baka katulad mo ring looser.” Saka siya humalakhak ng malakas.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na nagpakita sa kanya si Brent. Agad rin naman siyang nakipag-break kay Bernard dahil isa rin ito sa mga niloko lang niya na karapat-dapat naman dahil playboy ang image nito. Umiyak rin ito sa harap niya at tuwang-tuwa siya dahil bumalik rin dito ang mga ginagawa nito sa mga babaeng

Page | 9

Page 10: You Are The Music In Me

You Are The Music In Me

iniwan nitong buntis. Pero iba sya dahil minahal siya nito na walang nangyari sa kanila. Pero sa totoo lang, hindi niya akalain na mami-miss rin niya si Brent. Nagsisi rin siya dahil sa ginawa niyang pananakit dito na nging dahilan rin ng away nila ni June. Pati sina Jodi at Rhian ay nainis ng malaman ng mga itong tinuloy pa rin niya ang panloloko kay Brent. Inaakala pala ng mga ito na maari siyang magbago kapag nakilala niya nang husto si Brent. Pero hindi nangyari iyon dahil pinatigas na ni Jared ang puso niya.

Ngayon ay palagi na siyang nag-iisa sa school dahil hindi na rin siya pinapansin nina Rhian at Jodi. Sinubukan niyang makisama sa mga ibang mga kaklase niyang babae na matagal nang gustong mapalapit sa kanya pero hindi rin siya nasiyahan. Hindi kasi niya nakitaan ng malasakit at pagmamahal ang mga ito gaya ng pinaramdam sa kanya noon ng THE FOUR SPICES. Napaluha siya sa sobrang pagsisisi. Bigla, ay parang hindi na niya kilala ang sarili niya. Unti-unting nawawala ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya. Saka rin niya narealize na minahal pala talaga niya si Brent.

Ano ba itong ginawa niya? Sinaktan niya ang isang taong mahal rin pala nya. Naisip niya na humingi ng tawad rito kaya paumunta siya sa bahay nito.

Sa isang skwaters area nakatira si Brent pero hindi iyon ang kinagulat niya. Kundi ang nakitang burol nito! Nagpakamatay ito nang dahil sa ginawa niyang panloloko rito!

TO BE CONTINUE . . . . .

Upnext…Ano na ang mangyayari kay

Amber? Makakaya nya kayang harapin ang mga pagsubok? At abangan ang pagkakakilala nila ng ikatlong lalaking mamahalin niya sa buhay…

Page | 10