What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang...

18
Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod ng California Libreng Tawag (800) 776-5746 Ano ang ibig sabihin ng SB 946 (na nag-aatas sa mga pribadong plano ng pangkalusugan na magbigay ng ilang mga serbisyo para sa mga taong may autism) para sa akin? Binago Nobyembre 2014, Lat #F071.08 Ang SB 946, na nagkabisa noong Hulyo 1, 2012, sa pangkalahatan ay nag-aatas na ang mga kontrata ng plano ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan at mga polisiya ng segurong pangkalusugan na magbigay ng saklaw para sa paggamot ng pang-asal na kalusugan para sa mga indibidwal na may autism o iba pang mga malaganap na karamdaman sa pagsulong (PDD, pervasive developmental disorder). Ang papel ng impormasyon na ito ay tumutugon lamang sa epekto ng panukalang batas na ito sa mga serbisyong pang-asal na kaugnay sa autism. Hindi ito tumutugon sa ibang mga bahagi ng panukalang batas na hindi kaugnay sa paggamot ng autism. Ang SB 946 ay sumasaklaw lamang sa mga plano ng pangkalusugan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Kagawaran ng

Transcript of What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang...

Page 1: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod ng California Libreng Tawag (800) 776-5746

Ano ang ibig sabihin ng SB 946 (na nag-aatas sa mga pribadong plano ng

pangkalusugan na magbigay ng ilang mga serbisyo para sa mga taong may

autism) para sa akin?Binago Nobyembre 2014, Lat #F071.08

Ang SB 946, na nagkabisa noong Hulyo 1, 2012, sa pangkalahatan ay nag-aatas na ang mga kontrata ng plano ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan at mga polisiya ng segurong pangkalusugan na magbigay ng saklaw para sa paggamot ng pang-asal na kalusugan para sa mga indibidwal na may autism o iba pang mga malaganap na karamdaman sa pagsulong (PDD, pervasive developmental disorder). Ang papel ng impormasyon na ito ay tumutugon lamang sa epekto ng panukalang batas na ito sa mga serbisyong pang-asal na kaugnay sa autism. Hindi ito tumutugon sa ibang mga bahagi ng panukalang batas na hindi kaugnay sa paggamot ng autism. Ang SB 946 ay sumasaklaw lamang sa mga plano ng pangkalusugan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Kagawaran ng mga Serbisyo ng Pinapangasiwaang Pangangalagang Pangkalusugan (DMHC, Department of Managed Health Care Services) o ang Kagawaran ng Seguro (DI, Department of Insurance,).1

Ang panukalang batas ay nasa http://leginfo.ca.gov/pub/11-12/bill/sen/sb_0901-0950/sb_946_bill_20111009_chaptered.pdf

1Parehong mayroong listahan ang DMHC at CDI ng mga plano ng pangkalusugan na napapailalim sa kanilang nasasakupan: http://wpso.dmhc.ca.gov/hpsearch/viewLicensedHealthPlan.aspx & http://interactive.web.insurance.ca.gov/webuser/ncdw_alpha_co_line$.startup

Page 2: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 2 ng 13

Ano ang mga partikular na serbisyo na saklaw ng panukalang batas?

Ang mga serbisyong pang-asal ay nangangahulugan na ang mga serbisyong propesyonal at mga programa ng paggamot kasama ang ginagamit na pagsusuri sa asal (ABA, applied behavioral analysis) at iba pang mga pamamaraang batay sa ebidensya. Kailangang matugunan ng mga serbisyo ang ilang mga pamantayan:

- ang programa ay dapat na inilaan upang buuin o ibalik ang paggana ng isang tao na may autism o PDD;

- ang paggamot ay dapat na inireseta ng isang lisensiyadong manggagamot, siruhano, o sikologo;

- ang paggamot ay dapat na ibinibigay sa pamamagitan ng isang kwalipikadong tagapagbigay ng serbisyong pang-autism kabilang ang isang propesyonal o parapropesyonal na pinapangasiwaan ng isang kwalipikadong tagapagbigay (tingnan sa ibaba para sa isang talakayan ng mga kwalipikadong tagapagbigay ng serbisyo);

- ang plano ng paggamot ay dapat na: - masusukat na mga layunin;- masuri nang hindi bababa sa bawat anim na buwan at

kasama ang dalas ng pagsusuri, na dapat hindi bababa sa bawat 6 na buwan;

- mailarawan ang mga nagpapahina ng pang-asal na kalusugan upang magamot; at

- maisama ang uri ng serbisyo, ang bilang ng oras, at kinakailangang pakikilahok ng magulang;

- ang paggamot ay dapat na gumagamit ng mga kasanayang batay sa ebidensya;

- ang programa ay dapat na idinisenyo na matapos kung ang mga layunin ay nakamit o hindi na naaangkop; at

- ang programa ay hindi nagsisilbing pahinga, pang-araw na pangangalaga, o mga serbisyong pang-edukasyon.2

2Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan (Health & Safety Code) Seksyon 1374.73 (c) para sa mga plano sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Kagarawan ng Pinapangasiwaang Pangangalagang Pangkalusugan (DMHC, Department of Managed Health Care); Kodigo ng Seguro (Insurance Code) Seksyon 10,144.51 (c) para sa mga plano sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Kagawaran ng Seguro

Page 3: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 3 ng 13

Sino ang saklaw sa ilalim ng panukalang batas na ito?

Ang mga taong nasuring may autism o PDD.3

Ano ang Kwalipikadong Tagapagbigay ng Serbisyong Pang-Autism?

Ang kwalipikadong tagapagbigay ng serbisyong pang-autism ay isang tao, entidad, o grupo na sertipikado sa buong bansa 4 na magdisenyo, mangasiwa o magbigay ng paggamot para sa PDD o autism ayon sa kanilang karanasan at kakayahan. Kasama rin sa pagkahulugan ang isang tao na lisensyado bilang manggagamot, siruhano, physical therapist, occupational therapist, sikologo na pang-edukasyon, klinikal na manggagawang panlipunan, kilinikal na propesyonal na tagapayo, patologo ng pananalita-wika, o audiologist na nagdidisenyo, nangangasiwa, o nagbibigay ng paggamot para sa PDD o autism ayon sa kanilang karanasan at lisensya.5 Kasama rito ang mga parapropesyonal na pang-asal6. Ipinapatupad ng mga parapropesyonal ang mga planong pang-asal sa pangangasiwa ng isang Sertipikadong Tagasuring (Certified Behavioral Analyst) Pang-asal o Consultant ng Pamamahala na Pang-asal (Behavior Management Consultant).7

Anong mga Kontrata ng Plano ng Serbisyong Pangangalang Pangkalusugan at Mga Polisiya sa Segurong Pangkalusugan ang saklaw ng panukalang batas?

Lahat ng mga plano ng pangkalusugan na nagbibigay ng paggamot sa ospital, medikal o kirurhiko at sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Kagawaran ng Pinapangisawaang Pangangalang Pangkalusugan o Kagawaran ng Seguro8 ay sakop maliban sa nakabalangkas sa ibaba.

3Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan (Health & Safety Code) Seksyon 1374.72 (d) (7); Kodigo ng Seguro (Insurance Code) Seksyon 10144.5(d)(7)4 Halimbawa, ang Lupon ng Pagpapatunay ng Tagasuring Pang-asal (Behavior Analyst Certification Board).5 Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan Seksyon 1374.73(c)(3); Kodigo ng Seguro Seksyon 10144.51(c)(3)6Ang mga parapropesyonal ay tinatawag din na Tekniko ng Pangangasiwa ng Asal (Behaviour Management Technicians).7 Titulo 17 Kodigo ng mga California na Regulasyon (C.C.R., California Code of Regulations) Seksyon 54342(b); Kodigo ng Seguro Seksyon 10144.51(c)(5)8Ang mga plano ng pinapangasiwaang pangangalaga o mga (HMO, managed care plan) ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Kagawaran ng Pinapangasiwaang Pangangalagang Pangkalusugan; Mga plano ng pangkalusugan

Page 4: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 4 ng 13

May mga plano ng pangkalusugan ba na hindi kasama?

Hindi sakop ng panukalang batas na ito ang mga plano ng pangangalagang pangkalusugan na hindi nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugang pang-isip o pang-asal.9 Hindi rin sakop nito ang Medi-Cal o Malulusog na mga Pamilya (Healthy Families) na mga programa. Panghuli, hindi rin sakop nito ang mga plano ng pangangalagang pangkalusugan sa Lupon ng Pangangasiwa ng Sistema ng Pagreretiro ng Pampublikong Manggagawa (PERS, Public Employees’ Retirement System).10 Ang mga plano ng pangkalusugan na sariling-pagseguro o plano ng benepisyo ng unyon-employer ay hindi inaatasan na sumunod sa mga pang-estadong batas sa saklaw ng plano ng pangkalusugan dahil pinipigilan ng pederal na Batas sa Kasiguruhan ng Pagreretiro ng Empleyado (ERISA or Employee Retirement Security Act) ang anumang mga ganitong batas. Tingnan ang talakayan sa ibaba.

Paano ko malalaman na ang plano ng pangkalusugan ng aking employer ay isang plano ng sariling-pagseguro? Kailangan ko bang tanungin ang aking plano ng sariling-pagseguro para sa paggamot ng pang-asal na kalusugan na para sa PDD o autism?

Basahin ang buklet ng ebidensya ng saklaw na nakuha mo noong una kang nagpatala sa plano. Dapat na may ilang sanggunian sa terminong “sariling-pagseguro.” Maaari ka ring sumangguni sa Kagawaran ng Mapagkukunang Pantao (HR, Human Resources) ng iyong employer. Ang malaman kung ang isang plano ng pangkalusugan ay isang plano ng sariling-pagseguro ay maaaring nakalilito dahil maraming plano ng sariling-pagseguro ang ibinibigay sa pamamagitan ng isang kumpanya ng seguro. Minsan ang parehong planong ito ay nagbibigay ng “saklaw ng pigil-kawalan,” na pagpapalagay ng saklaw kung ang mga gastos ng na bayad-pinsala - na, mga plano na hindi nagtatakda sa iyo sa isang grupo ng mga tagapagbigay - ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Kagawaran ng Seguro ng California (CDI, California Department of Insurance). Ang PPO o ang plano ng Mas Gustong Tagapagbigay na Organisasyon (PPO, Preferred Provider Organization) ay mga planong bayad-pinsala at sa gayon ay sa pangkalahatan na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng CDI. Gayunman, karamihan sa Blue Cross at Blue Shield na planong PPO ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng DMHC.9Ang mga ito ay mga plano na sakop ang mga serbisyo sa nag-iisang natatanging larangan ng pangangalagang pangkalusugan tulad ng plano ng dental o kalusugan ng paningin. Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan Seksyon 1345 (o)10 Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan Seksyon 1374.73(d); Kodigo ng Seguro § 10144.51(d)

Page 5: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 5 ng 13

pangangalagang pangkalusugan ay tumaas sa isang tiyak na halaga. Bagama’t ang plano ng sariling-pagseguro ay hindi kinakailangang sumunod sa mga pang-estadong batas sa planong pangkalusugan tungkol sa saklaw, 11 marami ang gumagawa nito. Kung ginagawa ito sa iyo, ang plano ng sariling-pagseguro ay magkakaroon ng mga benepisyong maihahambing sa iba pang mga planong pangkalusugan. Maaaring kapaki-pakinabang na hilingin sa plano na masakop ang paggamot sa pang-asal na kalusugan na kailangan para sa PDD o autism.

Paano ako hihiling sa aking kumpanya ng seguro o plano ng pangkalusugan ng saklaw?

Talakayin ang mga serbisyo ng paggamot sa pang-asal na kalusugan na sa tingin mo ay kailangan sa iyong doktor ng pangunahing pangangalaga o ispesyalista ng autism, kung ikaw ay naisangguni sa isa. Alinman sa iyong manggagamot ng pangunahing pangangalaga o ispesyalista ang magsusumite ng isang kahilingan para sa awtorisasyon para sa paggamot. Ang iyong medikal na grupo, Samahan ng Malayang Manggagamot (IPA, Independent Physicians Association), o plano ay pag-aaralan ang kahilingan ng paggamot at maaaring aprubahan o tanggihan ang saklaw. Ang pagtanggi ay maaaring batay sa, bukod sa iba pang bagay, pagpapasiya ng medikal na grupo o plano na ang serbisyo ay hindi medikal na kinakailangan, ekspiremental, o hindi saklaw na benepisyo. Tingnan sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/F07201.pdf para sa talakayan sa mga hakbang na maaari mong gawin kung ang paggamot sa pang-asal na kalusugan ay tinanggihan ng iyong kumpanya ng seguro.

Ako ay isang kliyente ng sentrong pang-rehiyon. Paano ako matutulungan ng sentrong pang-rehiyon na makuha ang mga serbisyong aking kailangan?

Ang pag-apruba o hindi ng kahilingan ng manggagamot ng pangunahing pangangalaga para sa iyo para sa paggamot sa pang-asal na kalusugan ay madalas na ayon sa medikal na kadahilanan para sa serbisyo. Ang sentrong pang-rehiyon ay maaaring makatulong na ipakita sa iyo ang mga medikal na kadahilanan para sa serbisyo. Dapat humingi ka ng tulong sa iyong Tagapag-ugnay ng Serbisyo upang makakuha ng dokumentasyon na 11 29 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) Seksyon 1144(a)

Page 6: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 6 ng 13

makatutulong sa pag-apruba. Maaari mo ring baguhin ang iyong ng indibidwal na programa (IPP, individual program plan) upang hayagang isama ang tulong na maaaring kailanganin mo. Halimbawa, maaaring sabihing ng IPP na ang sentrong pang-rehiyon ay makatutulong sa iyo sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong pangangailangan para sa paggamot na pang-asal na kalusugan kabilang ang pagsusuri ng medikal na pangangatwiran upang makita kung kinakailangan ang karagdagang impormasyon o isang pinalawak na paliwanag o karagdagang dokumento.

Maaari bang bayaran ng sentrong pang-rehiyon ang aking mga ka-bayarin, ka-seguro at/o kabawasan sa lalim ng Batas Lanterman (Lanterman Act)?

Oo, simula noong Hunyo 20, 2014, ang sentrong pang-rehiyon ay maaaring magbayad para sa ka-bayarin, ka-seguro, o kabawasan ng seguro kung ang serbisyo ay kasama sa mga indibidwal na plano ng programa o indibidwal na mga serbisyo ng pamilya ng plano ng bata at ito ay kinakailangan upang matiyak na natatanggap ng iyong anak ang serbisyo12 at ang mga sumusunod na pamantayan ay nakamit para sa mga menor de edad:

1) Ang bata ay sakop ng isang plano ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan o polisiya sa segurong pangkalusugan sa ilalim ng kanyang magulang/katiwala/tagapag-alaga.

2) Ang taunang kabuuang kita ng pamilya ay nasa o mas mababa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan.

3) Walang iba pang mga ikatlong partido na responsable para sa gastos.

Para sa mga nasa wastong edad na mamimili, ang sentrong pang-rehiyon ay maaaring magbayad para sa ka-bayarin, ka-seguro o kabawasang halaga ng seguro kung ang serbisyo ay kasama sa plano ng indibidwal na programa at kinakailangan upang matiyak na ang serbisyo ay natanggap at ang mga sumusunod na pamantayan ay natugunan:

12 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon (Welfare and Institutions Code) Sek. 4659.1(a)

Page 7: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 7 ng 13

1) Ang mamimili ay may taunang kabuuang kita na 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan ng mas mababa.

2) Walang iba pang mga ikatlong partido na responsable para sa gastos.13

Paano kung ang aming pamilya ay may kita na higit sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan?

Para sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring bayaran ng sentrong pang-rehiyon ang mga ka-bayarin, ka-seguro o kabawasan kung kinakailangan upang mapanatili ang bata sa tahanan at isa o higit pa sa mga sumusunod ay angkop:

1) May naganap na hindi pangkaraniwang mga pangyayari na nakaaapekto sa kakayahan ng mga magulang/katiwala/tagapag-alaga na bayaran ang ka-bayarin o ka-seguro o matugunan ang mga pangangalaga at pangangasiwa ng mga pangangailangan ng bata.

2) Isang mapaminsalang kawalan (mga bagay tulad ng mga natural na kalamidad o aksidente) na pansamantalang nakaapekto sa kakayahan ng mga magulang/katiwala/tagapag-alaga o nasa wastong edad na mamimili na magbayad ng ka-bayarin o ka-seguro.

3) Makabuluhang medikal na gastos na hindi naibalik na kaugnay sa bata o ng isa pang anak na isang mamimili sa sentrong pang-rehiyon.14

Paano nalalaman ng sentrong pang-rehiyon kung ano ang aking taunang kabuuang kita?

Ang mga pamilya ay dapat magbigay sa sentrong pang-rehiyon ng isang kopya ng Pahayag ng Manggagawa na W-2 (W-2 Wage Earner 13 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(b)14 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c)

Page 8: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 8 ng 13

Statement), mga payahag ng sahod, pahayag ng pang-estadong buwis sa kita o iba pang mga patunay ng kita. 15 Dapat mong abisuhan ang sentrong pangrehiyon kapag ang isang pagbabago sa iyong kita ay nangyari na maaaring magresulta sa pagbabago sa pagiging karapat-dapat.16

Ano ang mga pederal na antas ng kahirapan para sa 2014?

Taosa Pamilya

48 Magkadikit-dikit namga Estado at D.C.

400% ng Antas ng Kahirapan

1 $11,670 $46,680

2  15,730 62,920

3  19,790 79,160

4  23,850 95,400

5  27,910 111,640

6  31,970 127,880

7  36,030 144,120

8  40,090 160,360

Tandaan: Para sa bawat karagdagang tao, magdagdag ng 4,060

Paano ako makahahanap ng mga pederal na antas ng kahirapan para sa susunod na mga taon?

15 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(d)16 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(e)

Page 9: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 9 ng 13

Maaari kang pumunta sa website na ito para sa impormasyon tungkol sa mga pederal na antas ng kahirapan: http://aspe.hhs.gov/poverty/index.cfm. Ang 400% ng pederal na antas ng kahirapan ay ang pederal na antas ng kahirapan na minultiplika sa 4.

Maaari bang tumulong ang sentrong pang-rehiyon sa pagbayad ng aking kabawasang halaga sa ilalim ng Batas ng Lanterman?

Oo, simula noong Hunyo 20, 2014, ang batas ay binago upang payagan ang mga sentrong pang-rehiyon na magbayad para sa kabawasang halaga na nakabalangkas sa itaas.17

Magagawa ba ng sentrong pang-rehiyon na tapusin ang aking serbisyong pang-asal dahil sa SB 946?

Ang batas na ito ay hindi awtomatikong makaaapekto sa mga serbisyong natatanggap mo mula sa isang sentrong pang-rehiyon. 18 Gayunpaman, kung ikaw o ang iyong pamilya ay karapat-dapat para sa Medi-Cal, Medicare, ang Programang Sibilyan na Pangkalusugan at Medikal para sa Serbisyong Pang-Uniporme (CHAMPUS, Civilian Health and Medical Program for Uniform Services, otherwise known as TRICARE), Mga Serbisyog Suporta Sa-Bahay (IHSS, In-Home Support Services), Mga Serbisyong Para sa Bata ng California (CCS, California Children’s Services), pribadong seguro, o isang plano ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan, at ikaw o ang iyong pamilya ay pinili na hindi na mag-aplay para sa o gamitin ang mga serbisyo, hindi ito maaaring bilhin ng sentrong pang-rehiyon para sa iyo.19

Kung maipapakita mo, o ng iyong pamilya, sa sentrong pang-rehiyon na tumanggi ng serbisyong pang-asal ang pribadong seguro, o isang plano ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan at magpasya ang sentrong pang-rehiyon na ang apela ay walang merito, maaaring magbayad ang sentrong pang-rehiyon para sa mga ito.20 Kung magpasya ang sentrong

17 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(a)18 Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan Seksyon 1374.73(a)(4)19 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4659(c)20 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4659(d)

Page 10: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 10 ng 13

pang-rehiyon na dapat kang mag-apela, humingi ng tulong sa iyong sentrong pang-rehiyon.

Ang isang sentrong pang-rehiyon ay maaari ring magbayad para sa mga serbisyong pang-asal habang ikaw, o ang iyong pamilya, ay sinusubukang makakuha ng mga serbisyo mula sa ibang ahensiya o pribadong seguro habang hindi mo pa natatanggap ang pagtanggi, o habang ikaw o ang iyong pamilya ay naghihintay ng huling administratibong desisyon at nagbigay ka na sa sentrong pang-rehiyon ng impormasyon na ikaw ay nag-aapela, o hanggang ang Medi-Cal, pribadong seguro, o plano ng mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan ay nagsisimulang magbigay ng mga serbisyo.

Kung ang iyong sentrong pang-rehiyon ay nais na baguhin ang iyong mga serbisyo sa pamamagitan ng pag-aatas sa iyo na gumamit panlahat na serbisyo o ng iyong pribadong seguro, ang sentrong pang-rehiyon ay dapat magpatawag ng isang pulong na IPP at makipag-kasunduan sa iyo tungkol sa mga pagbabago o bigyan ka ng isang nakasulat na abiso ng aksyon.21

Ang abiso ay dapat ibigay ng 30 araw bago magsimula ang pagbabago.22

Ang paunawa ay dapat magbigay sa iyo ng sumusunod na impormasyon:

- Ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa dahilan ng paggawa ng desisyon ng sentrong pang-rehiyon; - Ang dahilan para sa aksyon; - Ang petsa ng pagkabisa; at, - ang partikular na batas, regulasyon o patakaran na sumusuporta sa aksyon.23

Kung ikaw ay tumatanggap na ng mga serbisyo at hindi sumasang-ayon sa desisyon ng sentrong pang-rehiyon at nais na patuloy na makatanggap ng serbisyo, dapat kang humiling ng isang patas na pagdinig sa loob ng 10 araw ng pagtanggap ng abiso.24 Kung hindi man, ang kahilingan ay dapat 21 Sa karaniwan, ang mga pasya tungkol sa mga serbisyo ay dapat na pagpasyahan ng pangkat ng IPP. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4646.4(a)-(c). Gayunman, ang batas ay nagsasabi na kung ang isang sentrong pang-rehiyon ay nais na bawasan, tapusin o palitan ang isang serbisyo sa iyong IPP nang walang pahintulot mo, dapat bigyan ka muna ng 30 araw na abiso nito. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4710 22 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4710 23 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4701. Ang impormasyon ay dapat ding nasa wikang naiintindihan mo. 24 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4715

Page 11: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 11 ng 13

na ginawa sa loob ng 30 araw.25 Kung mayroong mga eksempsyon na angkop sa iyo, tandaan na idagdag ang “natutugunan ko ang isang eksempsyon" sa iyong kahilingan ng patas na pagdinig.

Para sa karagdagang mahalagang impormasyon sa kung paano mag-apela sa pasya ng sentrong pang-rehiyon, basahin ang aming papel ng dapat malaman, Angkop na Pamamaraan at mga Karapatan sa Pagdinig ng Sentrong Pang-rehiyon (Regional Center Due Process and Hearing Right sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/F02601.pdf.

Ang ibig ba sabihin nito na ang alinman sa Programa ng Maagang Simula (Early Start Program) o lokal na distrito ng paaralan ay maaring magtapos ng aking serbisyong pang-asal?

Ang batas na ito ay hindi awtomatikong nakaaapekto sa anumang mga serbisyong iyong tinatanggap mula sa Programa ng Maagang Simula o ang lokal na distrito ng paaralan.26 Anumang pagbabago sa iyong mga serbisyo ay dapat dumaan sa prosesong Plano ng Indibidwal na Serbisyo ng Pamilya (IFSP, Individual Family Service Plan) o Programa ng Isinariling Edukasyon (IEP, Individualized Education Program). Tandaan, kung ikaw ay tumatanggap na ng serbisyo, mayroon kang karapatan na ipagpatuloy (panatilihin) ang serbisyong iyon kung napapanahon kang umapela ng isang pagbawas o pagwawakas. Tingnan ang Mga Karapatan at Responsibilidad sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Rights and Responsibilities), Kabanata 6 sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/504001Ch06.pdf, Kabanata 12 sa Maagang Simula, sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/504001Ch12.pdf, at http://www.disabilityrightsca.org/pubs/F01601.pdf

25 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 4710.5(a)26 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 1374.73(a)(3) at (4)

Page 12: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 12 ng 13

Gagawin bang mas mahirap ng SB 946 para sa isang mag-aaral na may autism ng espesyal na edukasyon, na makakuha ng mga serbisyong pang-asal mula sa isang distrito ng paaralan?

Hindi dapat gawing mas mahirap ng SB 946 na makuha ng mga serbisyong pang-asal mula sa isang distrito ng paaralan at hindi nito dapat maantala ang proseso ng pagkuha ng mga serbisyo mula sa distrito ng paaralan.

Sinasaad ng SB 946 na: "Ito [batas] ay hindi nakaaapekto o nababawasan ang anumang obligasyon na magkaloob ng mga serbisyo sa ilalim ng isang programa ng isinariling edukasyon27" sa ilalim ng alinman sa pang-estado o pederal na batas.

Ang obligasyon ng mga paaralan upang magbigay ng kinakailangang mga serbisyong pang-edukasyon, kabilang ang pang-asal, sa isang mag-aaral na may autism ay malakas, kahit na ang saklaw ng seguro ng mag-aaral ay maaaring kasama ang mga serbisyong pang-asal ayon sa iniaatas ng SB 946. Ang pederal na espesyal na edukasyon ay hindi pinahihintulutan ang mga distrito ng paaralan na gamitin ang mga benepisyo ng seguro ng mga magulang upang bayaran ang mga serbisyo kung ang mga magulang ay sasailalim sa ilang mga pinansiyal na pagkalugi bilang resulta.28 Kasama sa mga kawalan ang nabawasan saklaw na pang-habambuhay o pagkawala ng iba pang mga benepisyo, karagdagang premium o pagwawakas ng polisiya, at sariling bayad na mga gastos, tulad ng mga ka-bayarin at kabawasang halaga. 29 Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos (U.S. Department of Education) ay paulit-ulit na nagsaad na ang mga distrito ng paaralan ay hindi maaaring pigilab o tanggihan ang mga serbisyong espesyal na edukasyon batay sa pagtanggi ng magulang na pumayag sa paggamit ng kanyang seguro upang bayaran ang mga serbisyong ito.30 Gayunman, ang mas tumataas na magagamit na saklaw

27 Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon seksyon 1374.73(a)(4) at Kodigo ng Seguro Seksyon 10144.51(a)(4), nang magkasunod. 28 Seals v. Loftis (E.D. Tenn, 1985) 614 F.Supp. 302; Raymond S. v. Ramirez (N.D. Iowa, 1996) 918 F.Supp. 1280. 29 Id. 30 Simon, 17 IDELR 225 (1990), Conway, 211 IDELR 438 (1987), Spinner, 18 IDELR 310 (1991).

Page 13: What does SB 946 (which requires private health … · Web viewPara sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring

Pahina 13 ng 13

ng seguro para sa mga serbisyong pang-asal ay maaaring humantong sa mga distrito ng paaralan na magtanong nang mas madalas tungkol sa saklaw ng seguro at hilingin ang pahintulot ng mga magulang na gamitin ang pribadong seguro. Ang mga magulang ay hindi kailangang pumayag sa paggamit ng kanilang mga seguro kung ito ay maaaring magresulta sa alinman sa mga pinansiyal na pagkalugi na inilarawan sa itaas.

Ang mga pagkaantala sa pagbibigay ng mga serbisyo ay ipinagbabawal din ng batas pumayag man o hindi ang magulang sa pagsusumite ng kahilingan para sa pagbabayad sa kanilang seguro para sa mga serbisyo na tinukoy sa programa ng isinariling edukasyon ng kanilang anak.

Ang California Disability Rights ay pinopondohan mula sa iba't ibang mga pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/ Documents/ListofGrantsAndContracts.html.