Welcome to Virtual ESP Class
Transcript of Welcome to Virtual ESP Class
Welcome to Virtual ESP Class !#Think PAOsome #Do PAObulous Teacher
Paola
ARALIN 1:Kamalayang Pansibiko,
Pauunlarin Ko
➢ Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
➢ Ipinapakita sa gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapwa. Dahil dito, kakakitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Nagkukusang loob silang mapaglingkuran lalo na ang mahihirap at nakabababa.
➢ Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kanyang kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan o gampanan.
1.Bakit mahalaga ang tungkulin ni Zara sa kanilang barangay?
2. Bilang isang pinuno, mayroon ba siyang kamalayang
pansibiko o bukas na kaisipan sa mga nagaganap at sa tunay na kalagayan ng pamayanan at
ng lipunan? Bakit?
3. Dapat bang magkaroon ng
kamalayang pansibiko ang kabataang tulad
mo? Bakit?
4. Sa ano-anong sitwasyon maaaring
maipamalas ang pagkakaroon ng
kamalayang pansibiko?
5. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng
kamalayang pansibiko sa pagpapaunlad ng
ating bansa?