Visita Iglesia 2014 Tagalog version

40
1 photographed and written by photographed and written by : : Fergus Ducharme Fergus Ducharme , , assisted by: assisted by: Joemarie Joemarie Acallar Acallar and and Nilo Nilo Jimeno Jimeno . . © proudly present: proudly present: Visita Visita Iglesia Iglesia 2014 2014 Tagalog Version Tagalog Version . . Ang pagbisita sa pitong luma and makasaysayang mga simbahan, kasama ang Via Crusis para sa Mahal na Araw

description

The Tagalog/Filipino language version of our Visita Iglesia 2014 Holy Week Devotions.

Transcript of Visita Iglesia 2014 Tagalog version

Page 1: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

1

photographed and written byphotographed and written by:: Fergus DucharmeFergus Ducharme, , assisted by:assisted by: JoemarieJoemarie AcallarAcallar and and Nilo Nilo JimenoJimeno..

©

proudly present:proudly present:

Visita Visita IglesiaIglesia 20142014Tagalog VersionTagalog Version..

Ang pagbisita sa pitong luma and makasaysayang mga simbahan, kasama ang Via Crusis para sa Mahal na Araw

Page 2: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

2

Sa taong ito, nag-aalok kami ng tatlong bersyon ng aming mga Debosyon sa VISITA IGLESIA.

Ang una sa INGLES, ang ikalawa sa HILIGAYNON at ang bersyon na ito ay sa TAGALOG.

Page 3: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

3

Mabuhay!

May iba-ibang dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi magawang mag-BisitaIglesia tuwing Mahal na Araw.

Ang iba maaring malayo sa kanilang pamilya dahil nasa America, Gitnang Silangan, Europa, Asya o kahit saan mang bahagi ng mundo, samantala ang iba naman ay nasa bahay lang dahil may sakit, at ang iba ay maaring maraming ginagawa.

Kaya may inihanda kami para sa inyo upang kayo ay matulungan sa pagninilay saMahal na Araw. Ito na ang pagkakataong makapagdalaw sa makasaysayang mgasimbahan sa Panay at iba pang mga simbahan na may kasamang dalawangestasyon sa Via Crusis sa bawat simbahan.

Ito ang una naming pagtatangka na maiparating sa inyo itong Tagalog na bersyonng Bisita Iglesia. Nawa ay nasiyahan kayo gawa ng kami ay nagalak din sapaggawa nito.

Page 4: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

4

Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, Amang makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita.

At sa iisang Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak ng Diyos. Nagmumula saAmabago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat saliwanag, Diyos na totoobuhat sa Diyos na totoo.

Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama: na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat.

Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasanay nanaog buhat salangit. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santokay Mariang Birhen at nagingtao.

Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni PoncioPilato, namatay at inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon saKasulatan. Umakyat sa langit: naluluklok sa kanan ng Ama.

Page 5: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

5

At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mgapatay: na ang kaharian niya'y walang hanggan.Sumasampalataya ako sa EspirituSanto, Panginoon at nagbibigay buhay: na nanggagaling sa Ama at sa Anak: na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak: na nagsalita sapamamagitan ng mga Propeta.

Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal, katolika at apostolika. At saiisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang mulingpagkabuhayng nangamatay at ang buhay na walang hanggan.

Amen.

Page 6: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

6

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo, sundinang loob mo dito sa lupa para nang salangit.

Bigyan mo kami ngayon ng amingkakanin sa araw-araw, at patawarinmo kami sa aming mga sala, paranang pagpapatawad namin sanagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadyamo kami sa lahat ng masama.

Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sababaeng lahat at pinagpala namanang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalanginmo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.

Amen.

Luwalhati sa Ama

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at saDivos Espiritu Santo.

Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sa walang hanggan.

Amen.

Page 7: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

7

Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City

Page 8: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

8

Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City

Page 9: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

9

UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan (1)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagiging matapat sakanyang MISYON; sapagkat ipinahayag niya ang paghahari ng Diyos na walang nang-aapi at inaapi. Kinondena siya ng mga kinatawan ng simbahan at pamunuan ng pamahalaan, sa pakiramdam na sila ay hinusgahan ni Jesus. Nais ni Jesus na siya ang pinakahuling biktima ng pagdudumina ng tao sa kanyang kapwa.

Alalahanin natin ang lahat ng mga taong hinatulan ng ating lipunan ng kamatayan o sa isang di-makaturangang pamumuhay.

Ama, huwag po ninyong hayaan ang aming pamayanan sakapangyarihan na humatol sa iyong anak, at nagtataguyod ng pang-aapiat paniniil sa mga anak mo. Ipagkaloob po ninyo sa amin ang isangdakilang pananampalataya upang sundan namin si Jesus sa kanyangminimithing daigdig na paghaharian ng iyong mahabaging pagmamahal. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 10: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

10

IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Duguan si Jesus dulot ng mga matitinding hagupit at nadagdagan pa angtindi ng kanyang paghihirap sa koronang tinik na isinuot sa kanyang ulo. Talagang walang hanggan ang nagagawa ng pagkabulag ng tao sakatuwiran; hindi masukat ang naabot ng pang-aabuso ng kapangyarihan. Subalit, sa krus, matatagpuan ang sagisag ng pakikiisa sa atin ng pag-ibig ni Jesus.

Isipin natin ang mga taong lubhang nahihirapan sa mga mabibigat at di-makatarungang pasanin sa kanilang buhay. Kasama nila si Jesus. Tayorin, dapat makiisa sa kanila.

Page 11: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

11

Ama, alam po ninyo na napakaraming krus dito sa daigdig. Kaya lamanghindi tama ang bahaginan. Ang mga dukha ang nagpapasan ng mgamabibigat. Ibigay po ninyo sa amin ang karunungan upang di namintalikuran at bigyan ng maling pakahulugan ang krus ni Jesus. Pagkalooban ninyo kami ng lakas at katatagan sa pagbabata ng hirap saaming pakikibaka laban sa mga nagpapahirap sa tao. Sa pamamagitanni Kristo, Jesus, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI

IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2)

Page 12: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

12

Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau

Page 13: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

13

Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau

Page 14: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

14

IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon (3)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nakadama si Jesus ng takot, natigib ng kalungkutan at hapis nangmapagtanto niya ang mangyayari sa kanya. Binigo siya ng kanyangmga disipulo at nakatulog sila. Naramdaman niyang siya’y pinabayaan, kasama ng mga napabayaan at mga biktima ng pang-aapi. Alalahaninnating ang lahat ng mga taong napabayaan, kinalimutan, nag-iisa, at walang magawa dahil wala silang matagpuang pagkakaisa o tulongkahit saan. Hinihiling sa atin ni Jesus ngayon na manindigan para samga nahihirapan.

Nilikha mo kaming magkakapatid subalit ang lungkot, pagpapabaya at kawalan ng pagkakaisa ang naghahatid sa amin sa kamatayan. Dahilsa inyong anak na naranasan ang hapis dulot ng pagtatakwil sa kanya, hinihiling namin na puspusin mo ng pag-ibig ang aming mga puso. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI

Page 15: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

15

IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina (4)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Jesus, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Jesus. Sa pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya. Isaisipnatin ang mga nanay at tatay na walang magawa habangpinagmamasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Sana’ymatagpuan nila ang pag-asa kay Maria.

Ama,biyayaan ninyo kami ng grasyang masumpungan namin si Jesus sa paanan ng krus kagaya ni Maria. Bigyan po ninyo ng kaluwagan at tatag ng kalooban ang mga nagdaranas ng hirap para sa kanilang mgaanak at walang kayang gawin sa ikalulutas nito. Sa ngalan ni Jesukristona iyong anak.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 16: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

16

Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.

Page 17: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

17

Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.

Page 18: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

18

IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus (5)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Upang hindi bawian ng buhay si Jesus sa daan pa lamang, aatasan ng mga kawal ang sinumang unang makita nila na pasanin ang krus. SiJesus at Simon ay sumisimbolo ng mga taong inalipin ng kapangyarihan. Napilitan ba lamang si Simon sa kanyang pakikiisa sapaghihirap Jesus o kusang loob na ginawa niya ito? Iniisip ni Simon na sa pagpapasan niya ng krus ng isang hinatulan o kinondenang tao, tumutulong siya sa Diyos. Balikan-tingin natin ang mga panahon na hinihingi ng mga kapatid natin ang ating tulong na pasanin ang kanilangkrus. Ano ang naging tugon natin sa kanila?

Ama, ang nais mo para sa amin lahat ay maging malaya. Huwag poninyong tulutan na dominahan ng iilang tao ang kanilang kapwa sapamamagitan ng dahas. Palayain po ninyo kami sa kapangyarihan. Gawin po ninyo kaming magkakaibigan at tagapaglingkod sa isa’t isasa ngalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa pamama-gitan ni JesuKristo, aming panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 19: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

19

IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Jesus (6)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang matapang na babae ang siyang gumawa nito. Ang naiwang larawan ang siyang pinaka-mabisang daan upang makita ang mukha ng Diyos dito sa mundo. Sa mgamukhang napin-sala ng sobrang pighati, pagsasamantala at kawalan ng katarungan, atin makikita ang pinakamagandang larawan ng PoongMaykapal. Kaya ba natin, katulad ni Veronica na salungatin ang lahat ng mga hadlang at mga baluktot na paniniwala upang pahiran ang mgaduguang mukha ng mga nagbabata ng hirap?

Ama, ipagkaloob ninyo sa amin ang isang pusong wagas upangmatuklasan at mapahiran ang iyong larawan sa mga mukha ng mganangingibang-bayan, mga manggagawa,mga itinakwil ng lipunan at angmga sugatan sa pakikibaka at kawalan ng katarungan. Gawin po ninyongVeronica, ang inyong Simbahan, na kayang suungin ang mga panganibmapahiran lamang ang mga napinsalang mukha ng mga bugbog ng pagtitiis. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHAT

Page 20: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

20

Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo

Page 21: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

21

Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo

Page 22: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

22

IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang pagkakataon (7)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Madama ni Jesus na pinabayaan na siya ng lahat at napapaligarin ng kapangyarihan ng kasamaan, kaya dumulog siya sa Ama. Hindi niyamatanto ang kahihinatnan ng ipinahayag niyang Paghahari ng Diyos. Ang pangitain ng kamatayan ang madalas na bumabagabag sa mgataong malabo ang pagtingin sa kanilang kinabukasan. Kasama ni Jesus ang mga taong nabigo at walang nakikitang katugunan sa kanilangpagkagutom sa katarungan. Kailangan natin makiisa sa kanila kung ibignating makasama si Jesus. Patuloy natin ituon ang pag-asa sa Ama, gaya ni Jesus, sa kanila.

Turuan po ninyo kami, Ama, na mana-langin katulad ni Jesus sahalamanan ng Hetsemane upang matutunan namin makibahagi samga pasakit at dalamhati ng lahat ng mga sugatan at nabuwal sadaigdig na ito, hanggang matupad ang kalooban mo ng pag-ibig at buhay. Sa pamamagitan ni Jesukristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 23: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

23

IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan ng Jerusalem (8)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Umiiyak ang mga kababaihan ng Jesusalem sa harapan ng bilanggonghinatulan ng kamatayan si Jesus. Subalit,hiniling ni Jesus na ibaling nila ang pagtingin sa kanilang mga sarili. Ang kamatayan ni Jesus ay gawa ng isang lipunang nakapinid ang pinto sa mga biyaya ng Diyos, itinakwil angsalita ng kaligtasang dala ni Jesus. Ang kanyang mga salita sa mgakababaihan ay minsang naging isang banta at panawagan ng pagbabalik-loob. Banta, sapagkat ang sinumang tumanggi sa grasya ng Maykapal ay naghahanap ng sariling kamatayan. Isang panawagan sa pagbabalik-loobdahil hindi imposible ang pagbabago, ang pagtanggap sa salita ng Diyos, pagsasabuhay nito at pakikiisa sa pagpupunyaging itatag ang paghahari ng Diyos dito sa sandaigdigan.

Buksan po ninyo ang aming puso, O Ama,sa iyong mga salita upanglumaya kami sa aming pagkamakasarili. Matutunan sana naming mamuhayna palagiang nakikiisa sa lahat ng aming mga kapatid sa buongsangkatauhan. Sa pamamagitan ni Jesuskristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 24: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

24

Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong

Page 25: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

25

Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong

Page 26: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

26

IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si Jesus (9)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nahalo ang dugo ni Jesus sa lupang napaka-raming dugong inihain ng mga walang sala mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga saDiyos ang dugong inihain ng mga walang sala. Ito ang dugo na likha ng sala ng tao sa marubdob niyang pagnanasa na maging Diyos; alipin ng pagkamakasarili at mamamatay-tao ng sariling kapatid. Huwag tayongpalinlang Nababahala ang Poong Maykapal sa mga inosenteng dugo. Kaya ang isang anghel ang dumating upang kalingain si Jesus. Itong mgaduguan ay bubuhayin muli. Ang lupang dinilig ng dugo ay mamumukadkaduli ng isang bagong buhay. Ang bawat nilalang na nag-alay ng dugo ay pagkakalooban ng anghel at siya’ybubuhayin muli.

Sumisigaw, o Ama, ang dugong dumaloy mula kay Jesus at sa maraminaming mga kapatid. Isinasamo namin, harinawa’y walang sinuman angmagpapadanak ng dugo ng kanyang kapatid at huwag mong hayaangsinuman ang papatay sa mamamayan sa matin-ding kahirapan. Sangalanni Kristo, Jesus, aming Panginoon!

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 27: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

27

IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus (10)Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Paghinubaran mo ng damit ang isang tao sa harap ng publiko, katumbas itong pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng kanyang dangal bilangtao. At ito ang ginawa nila kay Jesus. Patuloy pa rin itong ginagawa sa mgataong pinagkakaitan ng lahat na nararapat sa kanila. Ang pag-asa ay hindinakasalalay sa mga sakim at kurakot kundi kay Jesus na pinagkaitan din ng lahat. Buo ang pagtitiwala ni Jesus sa kanyang Ama. Nasa kanyang panigang Diyos. Kaya dapat magtiwala kay Jesus at sa mga pinagkaitan, yaongwalang mawawala sa kanila at may karapatang umasa sa Panginoon. Mulasa kanila, itatatag ng Diyos ang isang Bagong Sambayanan.

Nakikita namin sa inyong anak na pinagkaitan, ang mahihirap o mga dukhadito sa daigdig. Sa mga taong walang pagbabago, loobin po ninyong sila’ymagkaroon ng pusong mapagbahagi, mapagmahal na hindi nakatali samga materyal na bagay. Turuan ninyo kaming magbahagi sa ngalan ng pagkakaisa mula sa aming makakaya o ari-arian. Sa pamamagitan niJesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 28: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

28

Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo

Page 29: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

29

Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo

Page 30: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

30

IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus (11)Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ipinako ang mga kamay at paa ni Jesus. Nais nilang dumaloy ang masmaraming dugo upang madali siyang mamatay. Sadya nilang ginagawaang ganito; madali nilang maililigpit si Jesus na manunulsol. Subalit siJesus ay mas malakas sa kanyang kahinaan kaysa mga naghatol sakanya. Mula sa kanyang napapakuang krus, maipagdarasal niya ang mganagpahirap sa kanya. Hindi ibig sabihin na pinawawalang-sala sila kundiidinidiin ang kanilang kahibangan at kasalanan. Kaya, ihinihingi sila ng kapatawaran. Ito ang tagumpay ng isang pinahihirapan sa mganagpapahirap sa kanya. Tagumpay din ito ng pagmamahal at habag.

Ama, lubha ang pananakit na ginawa sa inyong anak. At marami din sainyong mga anak ang pinahihirapan sa iba’t ibang pamamaraan. Ang amingpusong puspos ng pighati ay dumadalangin para sa mga biktima ng matinding pasakit at sa mga gumawa nito. Pagkasunduin mo po sila at nawa’y mahinto na sa mundong ito ang anumang pananakit sa kapwa. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 31: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

31

IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus na taga-Nasareth, ang dakilang propeta na nagpahayag tungkolsa bagong buhay at paghahari ng Diyos ay pinatay sa labas ng lungsod. Siya ay itinakwil ng lipunan, ng relihiyon at ng buhay. Sa pagkakataong ito, ipinakikilala ni Jesus ang kanyang ganap na katapatan, isinakripisyo niyaang kanyang buhay para sa kanyang pinaniniwalaan at mga ipinahayag. Namatay siyang lubos ang pag-titiwala sa kanyang Ama, ang Diyos ng pag-ibig at mas makapangyarihan kaysa mga kumitil ng kanyang buhay. Tayong mga tagasunod ni Jesus ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Patuloy nating hanapin ang bukal ng pag-asa sa krus ni Jesus. Tayo’ymga alagad ng isang taong napako sa krus. Katulad ni Jesus, sikapin natinmakilala siya sa ating paglilingkod kahit hanggang kamatayan tungo sapag-aangkin ng sanlibutan ng isang bagong buhay.

Page 32: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

32

IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12)

Naniniwala po kami, o Ama, na si Jesus na pinako sa krus ay iyong anak na tagapagligtas. Sa pamamagitan niya, alam naminna ang inyong lakas ay ang pag-ibig na nagtitiis kasama ng mganagdurusa. Kasama ni Jesus, nais namin makipagtunggali labansa dalamhati na siyang dahilan ng pagdurusa. Sa pamamagitanni JesuKristo aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 33: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

33

Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.

Page 34: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

34

Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.

Page 35: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

35

IKALABINTATLONG ISTASYON: Si Jesus ay ibinaba mula sa Krus (13)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Tinanggap ng ina ni Jesus sa kanyang mga bisig ang walang buhay na katawan ng kanyang anak. Inilagak niya ang buong pagtitiwala sa Diyos, na mula sa patay na laman, ang Maykapal ay lilikha muli ng bagong buhay. SiMaria ay magsisilang uli ng isang bagong buhay sa hirap at pag-asa. AngSambayanan ni Kristo, kagaya ni Maria, kailangan tanggapin ang lahat ng tao, lalo na yong mga nagdurusa dahil sa isang dakilang adhikain. Inaanyayahan sila nitong Sambayanan sa isang bagong buhay. Angkanilang pagtitiis kapag nagsasabuhay ng pagkakaisa at pananampalatayaay nagiging daan tungo sa isang bagong Sambayanan ng Diyos.

Binigyan ninyo o Ama ang simbahan ng bagong halimbawa o modelo sakatauhan ni Maria. Basbasan po ninyo kami ng pananam-palatayang kagayakay Maria na handang tanggapin sa simbahan ang lahat ng mga nilalang na nagtitiis ng hirap umusbong lamang ang isang bagong angkan kung saanlahat ay magkakapatid sa iyong ngalan, aming Ama. Sa pamamagitan niJesus aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 36: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

36

IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus (14)

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang libingan ang pinakasukdulang kalung-kutan. Ang patay ay ganap na nag-iisa. Ang paniniwala ng mga pumatay kay Jesus na kapag nailibingna nila ang katawan nito, mabubura sa isipan ng madla ang alaala niJesus. Subalit ang libingan ni Jesus na nasa halamanan ay dambana ng buhay na siyang naging bukal ng bagong buhay ni Jesus. Si Jesus angmagiging binhi na kapag ibinaon sa lupa, tutubo ito at mamumu-kadkad. Ang buhay niya ay nasa kamay ng Diyos, ganoon din ang lakat ng mganangawalan ng buhay at mga pinatay. Hindi pababayaan ng Ama angkanyang mga anak.

Ama, ginawa mong pagdaraanan tungo sa bagong buhay ang libingan niJesus. Hayaan ninyong tanggapin ng lupa, ng mapayapa, ang mgayumao. Harinawa’y magbunga ito ng pag-asa at buhay para sa iyongsangkatauhan. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 37: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

37

IKALABINLIMANG ISTASYON: Nabuhay na muli si Jesus.

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Isang bagong kasaysayan at isang bagong buhay ang nagsimula sa unang araw ng linggo. Wala na si Jesus sa kanyang libingan. Siya na ipinako sa krus ay nabuhay na muli. Ang lahatng kapangyarihan ay hinatulan ng pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang Diyos ay nasa panig ng ipinako sa krus at hindi sa mga pumatay sa kanya. May mahalagang kahulugan angpagkamatay ni Jesus. May kahulugan din ang paglilingkod sa kapwa. Maaasahan natin na tayo rin ay bubuhayin muli ng Diyos tungo sa isang bagong buhay at ganap na kalayaan.

Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyo o Ama, sa pagkabuhay na muli ng inyong Anak. Sa kanyang ngalan, hinihiling namin sa inyo na pagibayuhin namin ang pagsasabuhay ng pag-ibig at pananampalataya upang mai-alay namin ang aming sarili sa paglilingkod sa mganaghihirap sa pag-asang mabubuhay kami muli tungo sa isang bagong buhay, sapamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 38: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

38

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nangpagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami salahat ng masama.

Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sababaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.

Amen.

Luwalhati sa Ama

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Divos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sawalang hanggan.

Amen.

Page 39: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

39

Nais naming pasalamatan at kilalanin ang mga sumusunod:

• www.maryrosaries.com para sa Tagalog na pagsasalin ng mga panalanginkaugnay sa Via Crusis

• Professor Francis Dimzon, University of the Philippines Visayas para sapagsalin ng ibang bahagi ng materyal na ito sa wikang Tagalog/Filipino at Hiligaynon.

Page 40: Visita Iglesia 2014 Tagalog version

40

Umaasa kaming nasiyahan kayo sa 2014 Tagalog/Pilipino na bersyon ng Visita Iglesia. Mayroon din kaming mga bersyon ng mga debosyon sa Ingles at Hiligaynon.

Kung mayroon kang mga mungkahi o mga rekomendasyon para mapapabuti ang serbisyongito, mangyaring huwag mag-atubiling ipadala ang iyong mga ideya sa sa:

[email protected]