The Love Project by iDangs March 10, 2015 - April 1, …...Humiga ako at inilagay ang dalawang kamay...
Transcript of The Love Project by iDangs March 10, 2015 - April 1, …...Humiga ako at inilagay ang dalawang kamay...
The Love Project
by iDangs
"I don't know how to love," sabi niya. "Then I'll teach you how to love,"
sagot naman ng isa. (Completed: Cass Scott Story)
Original Version:
Date started: November 2, 2012
Date ended: November 4, 2013
Revised:
March 10, 2015 - April 1, 2015
=================
The Love Project
Mahaba ang pila sa labas ng classroom namin. Parang may rasyon ng bigas
kung titingnan mo.
Tinawag na ako ng kablock ko at pinaupo sa may harap.
"Game."
May lumapit at umupo sa harap ko na isang babaeng haggard na at
mukhang hindi nakatulog ng tatlong linggo.
"My boyfriend dumped me. Pinagpalit niya ako sa babaeng mukhang hipon.
What should I do?" sabi niya with matching tears pa.
"Magpaparlor ka."
"Excuse me?"
"Sa itsura mo ngayon malamang ko nagpaparty na yun at nakawala siya sayo.
Eyebags. Wrinkles. Splitends. Haggard. Mukha kang labanderang nanay ng
isang dosenang bata."
Hinawakan niya yung pagmumukha niya pati na rin ang buhok niya. "Go!
Paparlor ka na. Magpaganda ka. Wag kang mastress dahil sa kanya.
Nakakapanget yun. You should look pretty para pagsisihan nyang iniwan ka
niya."
Eto na naman ako. Giving advices to people I don't even know. This isn't
my job. Pero nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.
Marami rin ang taong pinipilahan ako para hingan ng advice o magpatulong
sa mga problema nila sa puso. Ako raw kasi si kupido at ang love doctor
nila.
Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Never pa ako nainlove. Ironic di
ba?
Ang daming naghihingi ng advice about sa love sa taong ni minsan hindi pa
nainlove.
Nagulat ako nang may nagbagsak ng kamay niya sa lamesang nasa harap ko.
"Go on a date with me." sabi nung lalaking nasa harap ko ngayon.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Ayoko."
"I'm not asking for permission." naglapag sya ng papel sa harap ko at
umalis na.
Saturday. 5pm. I'll pick you up.
Nilukot ko lang yung papel at tinapon kung saan man. I don't go on dates.
It's not my thing.
Nawala na ako sa mood kaya sabi kong ititigil ko na muna ang pakikipag-
usap sa mga nakapila. Pero bago pa ko makaalis, bumalik yung lalaki
kanina.
Sinamaan ko lang sya ng tingin. Lumapit siya sa akin, "I forgot
something." lumapit siya at may ginawa na ikinagulat ko.
He kissed me on the cheek.
"See you on Saturday Cass." and he went away.
Hi, I'm Cass. And this is my love project.
***
A/N: Hi guys! Side story po 'to ng Teen Clash. You know Cass Scott? Yung
kapatid ni Ice? This is her story. Maiksi lang 'to. Don't worry. ;) <3
=================
Chapter 1: Endangered Species
"Class dismissed."
Lumabas agad ako ng room namin pagkdismiss ng prof ko at nagpunta sa may
park ng university. Vacant ko at dalawang oras pa bago magsimula ang
kasunod na klase.
Humiga ako sa may damuhan at pumikit.
"Ms. Cass?" Ayan na naman. Paniguradong may manghihingi na naman ng payo.
"What?" tanong ko nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang
nagsalita.
"Ano po.. Kasi.. Ano e.. Paano ba 'to.. Kasi -- "
"Go ahead. What's your problem?" tanong ko sa kanya at umupo na rin.
Kung ibabase sa itsura niya, mukha siyang.. Tahimik? Mahinhin? Mabait?
Good girl.
Napakamot siya sa ulo niya at mukhang nahihiya pang magsalita. Nanatili
lang akong nakatingin sa kanya. Mukhang wala pa rin siyang balak
magsalita.
"Sige na. Okay lang. Don't be shy. You can ask or tell me anything."
Nagbuntong-hininga siya at nagsalita, "There's this guy.. He told me he
likes me."
Hinihintay kong dugtungan niya ‘yung sinabi niya pero di na sya nagsalita ulit at tiningnan lang ako na medyo nahihiya pa.
“And?" I asked her. Baka kasi may ihahaba pa ang kwento nya.
"That's it."
Tiningnan ko siya na may halong pagtataka, "Ayon na ba ‘yun? Wala ng kasunod. Like, 'he told me he likes me pero di lang pala ako', 'he told
me he likes me pero nalaman kong pinagpustahan lang pala ako', 'he told
me he likes me pero bestfriend lang ang tingin ko sa kanya.' Walang
ganu’n?"
Umiling iling sya habang nakakunot ang noo niya, "Wala po. Ayon na
talaga."
"Uulitin ko ang sinabi mo. Ang sabi mo, may isang lalaking nagconfess sa
‘yo na gusto ka niya."
"Opo."
"Wala ng kasunod ang kwento mo."
"Wala na nga po."
"So anong problema doon? Nagconfess lang pala."
"Ayon nga po ang problema. Nagconfess siya."
I stared at her in disbelief. What's wrong with this girl?
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang naconscious
doon. Yumuko siya at pinaglalaruan ang daliri niya. And there. Ayon na.
"Alam ko na problema mo."
"Po?"
"You're too shy. Actually hindi mo naman talaga problema ‘yung nagconfess sa ‘yo. Ang problema mo, hindi mo alam kung totoo ba ang sinasabi niya. Hindi mo alam kung niloloko ka lang ba o hindi. Hindi mo alam kung
posible ba ang sinabi niya." Nahalata ko namang naguguluhan na siya sa
mga sinasabi ko kaya nagpatuloy ako, "Kasi wala kang tiwala sa sarili mo.
Hindi mo alam kung pwede ka ba talagang seryosohin. You've got trust
issues hindi sa mga taong nakapaligid sayo.. kundi sa sarili mo."
Yumuko ulit siya, "Kasi naman po hindi kapani-paniwalang may magkakagusto
sa akin. Ang simple ko. Boring."
Hinawakan ko ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin, "Hindi dahil
sa simple ka at walang kolorote sa mukha, ibig sabihin hindi ka na
magugustuhan ng lalaki. Kahit na maraming lalaki ngayon na nagpapabulag
sa makukulay na mukha at makukurbang katawan ng mga babae, mayroon pa rin
na mga lalaki ang mas gugustuhin ang simple pero totoong babae. Kung
magusgustuhan ka ng ganoong klase ng lalaki, aba, ang swerte mo.
Endangered na kaya sila."
Medyo natawa ‘yung babae sa sinabi ko at napangiti ako.
"Alam mo kasi, miss, ‘wag kang magtaka kung may magkagusto man sa ‘yo. You're pretty. You just don't know it. Dahil doon, it makes you prettier.
Magtiwala ka naman sa sarili mo, okay?"
Tumango siya at bigla akong niyakap na ikinagulat ko, "Thank you po, Ms.
Cass. Thank you talaga. Salamat po sa lahat ng sinabi niyo. Ang bait bait
niyo po. Sana po di kaya magsawang magbigay ng payo sa mga katulad ko."
Napangiti na naman ako sa mga sinabi niya. Tinapik tapik ko siya sa
balikat.
"Cass na lang."
“Megan po. Thank you po. Thank you po talaga."
"Drop the 'po'. Nga pala, wala ka bang class?"
Tiningnan niya ang wrist watch niya saka nanlaki ang mata niya, "Hala!
Malelate na ko." Natataranta nyang sabi habang tumatayo at nagpapagpag ng
damit nya, "Nice meeting you, Cass. Sana hindi ito yung huling pag-uusap
natin. Salamat ulit. Babye!"
Napailing na lang ako habang nakangiti. People like her is rare. ‘Yung tipo ng tao na normal kumilos. No pretentions. Walang acting.
Nang makaalis siya ay bumalik na ako sa pagkakahiga at pumikit.
"Mas bagay pala sa ‘yo ang nakangiti."
Dumilat ako at tiningnan kung sino ang nagsalita. Ugh. That guy again.
The one who stole a kiss from me.
"Why are you here?" Irita kong tanong sa kanya.
"Sudden change of mood? Bipolar ka siguro," sabi niya at humiga rin sa
dumuhan.
"Nang-iinis ka ba?"
"Naiinis ka ba?"
Tatayo na sana ako para umalis pero pinigilan niya ko. Hinawakan lang
niya ang braso ko kaya napahiga ulit ako.
"Meron ka ba? Joke lang naman."
"What do you want?!"
"Ikaw," sagot niya at humarap sakin.
Tinulak ko naman palayo yung mukha niya at umupo, "Alam mo, mister..
hindi ko alam kung ano ‘yang trip mo at pati ako sinasama mo. Kung ano man ‘yan, tigilan mo na kung ako sa ‘yo."
Umupo rin siya at tiningnan ako ng seryoso, "Una, hindi mister ang
pangalan ko. I'm Ryan. Pangalawa, hindi naman 'to trip. Totoo nga. Gusto
kita."
"You don't even know me!"
"Kaya nga ayan na. Kikilalanin na nga kita ‘di ba?"
"Tigilan mo nga ako. ‘Wag mo ko idamay sa mga kalokohan mo."
Ginulo-gulo niya yung buhok niya na parang naiinis. "Ang kulit. Hindi nga
sabi joke ‘to. Totoo nga kasi. Gusto nga kita. Ano bang mahirap paniwalaan doon?"
"Kung gusto mo talaga ako, itigil mo na ‘yang nararamdan mo. Bahala ka. Baka mamaya mainlove ka pa."
"Ano namang masama doon?"
"You can't love me. Masasaktan ka lang."
"Bakit?"
"Kasi wala kang mapapala sakin." Kumunot-noo siya sa sinabi ko.
Tiningnan ko siya ng seryoso at ngumisi, "Love? Para lang ‘yan sa mga taong takot mag-isa. Love is for the weak."
"Hindi rin. Love makes you strong. Love is only for strong people. ‘Yung mga taong handang masaktan. ‘Yung mga hindi natatakot sumubok."
Natahimik ako sa sinabi niya. Para sa matapang lang ang love? Mali siya
ng paniniwala. Duwag lang ang nagmamahal.
Minsan natatawa na lang din ako. Ako ang hingian ng payo ng mga tao
tungkol sa love pero ako mismo sa sarili ko, walang balak mainlove. Kasi
nga para sa mahihina lang ‘yun. Karamihan ng lumalapit sa akin mga umiiyak. Karamihan sa kanila mga nasasaktan.
Humiga ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa may tiyan ko, "Whatever.
Ano man ang sabihin mo, walang mababago sa paniniwala ko. I don't know
how to love."
Naramdaman ko namang humiga ulit sya sa tabi ko pero di ko na lang
pinansin.
"Then I'll teach you how to love."
=================
Chapter 2: Happy Endings
Nililigpit ko na ang gamit ko at inaayos na rin ang sarili ko. Tanghali
pa lang pero uwian na namin.
"Cass, maglalunch kami. Sama ka ba?" aya sa akin ng kaklase ko.
"Maybe next time," sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Sige, ingat ka na lang."
Nagpunta na ako sa may parking lot nang nakaramdam ako ng gutom.
Kailangan ko na talagang umuwi sa bahay para makakain.
I was about to open my car's door nang biglang may sumulpot, "Hey, Cass.
Gusto mo maglunch?" tanong ng hindi ko kilalang lalaki.
Tiningnan ko siya ng walang kaexpre-expression, "Of course."
Napangisi naman sya bigla. "Talaga? Maglalunch ka with me?"
"Gusto ko maglunch samin. Not with you.”
As soon as I get back home, sinalubong agad ako ni manang.
"Manang, may lunch na po?"
"Ay opo. Kumakain na nga po yung kapatid niyo doon."
"May pasok po ‘yung dalawa, ‘di ba?"
"Hindi po pumasok si Sir Ice."
"Ah ganoon po ba? Sige po. Kain na lang din muna ako doon."
Inabutan ko si Ice na kumakain nang makarating ako sa dining room.
Nilapitan ko siya at binatukan, “Hoy. Bakit di ka pumasok?"
"Basta.”
"Alam ba nila Papa na hindi ka pumasok?"
"Huwag ka ngang matanong, Ate Cass."
Inirapan ko na lang siya at kumain. Napaksuplado. Nakakairita.
Bago pa man din kami matapos kumain, may dumating na namang bago. Si
Ashley. Ang bunso kong kapatid. Grade 6 palang 'to.
"Hello!" bati niya sa amin ni Ice. Nginitian ko lang sya at tinanguan
lang naman siya ni Ice.
"Aga mo naman umuwi?"
"Halfday lang kami for some unknown reason," sagot niya at tumabi na kay
Ice para kumain.
"Halfday lang pala kayo. Akin na baon mo. Dapat half lang din ‘yan."
"Nope. Mine."
"Bigay mo na sa akin ‘yan."
"Huwag ka na ngang makulit, ate. Kaya hindi ka pa nagkakaboyfriend e."
Ano raw?!
Biglang natawa si Ice sa sinabi ni Ashley. Ako naman ay tumingin lang ng
masama sa kaniya. Ano ba naman kasi ang koneksyon ng baon sa boyfriend?
***
Naglalakad ako papunta sa may library nang may humarang sa akin na babae.
"Ms. Cass." Alam ko naman na hihingi ‘to ng payo. Ano pa bang bago?
"Spill."
"May problema ba sa akin?"
Nagsalubong ang kilay ko sa naging tanong niya. "Ni hindi nga kita
kilala. Paano ko malalaman kung anong problema sa ‘yo?" Nakita ko namang napalunok siya, "Anong problema?"
"Kasi po ‘yung boyfriend ko. He's cheating on me. Nambabae na naman siya."
"Details."
“Kahapon po kasi ang sabi niya sakin hindi niya na ako masusundo kasi may family problem daw siya. Kailangan daw sya ng mother niya. Hinayaan ko
po. Pero bago ako umuwi, nagdaan po akong mall para bumili ng materials
sa project ko. I saw him there with some girl. Sobrang sweet pa nila.
Noong tinanong ko siya kanina kung sino yung babae tinanggi pa niyang
babae niya ‘yun. Pero po napagalaman ko sa friends nya at sa babae mismo na girlfriend din siya ng boyfriend ko."
"Ilang beses ka na niya niloko?"
"Hindi ko na po matandaan. Maraming beses na kasi."
"Bakit ayaw mo pa hiwalayan?"
"Mahal ko po kasi siya."
"Minsan hindi naman sapat ‘yung pagmamahal lang. Kung sobra ka ng nasasaktan, hiwalayan mo na. You can use your heart, but bring your brain
with you. Ang mali lang siguro sayo ay masyado kang naging tanga."
"Po?"
"You're a fool. That's wrong with you. Ang problema naman sa boyfriend
mo, hindi marunong makuntento. Naghahanap ng kung ano ang wala. Hindi
makaappreciate ng kung ano ang meron at nasa harapan niya."
"What should I do?" Umiiyak niyang tanong.
"Hiwalayan mo na."
"Ha?"
"Huwag mo ng hintayin ‘yung time na siya ‘yung magtanggal ng kamay mo sa pagkakakapit. Ikaw na ang kusang bumitaw."
Hinintay ko lang tumigil sa pag-iyak ‘yung babae at ng masiguro kong ayos na siya ay nagpunta na akong library.
Naniningin ako ng magandang basahin ng may sumulpot sa tabi ko, "Hey!"
"Ay, hey!" sigaw ko dahil sa gulat.
"Ssh," saway ng librarian.
"You scared the hell out of me," inis na bulong ko sa nanggulat sakin na
si.. what's his name again? Ryan. Yeah. Ryan.
"Ang cute mo palang magulat."
Napairap ako at nagpatuloy na lang sa paghahanap ng libro. Iisipin ko na
lang na wala ang bwisit na ‘to sa tabi ko.
“Akala ko ba si Kupido ka?"
Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagbubuklat ng libro.
"Hindi ba ang ginagawa ni Kupido ay nagpapana ng dalawang tao para
magkainlove-an sila? Bakit ikaw pinayuhan mo pang makipaghiwalay ‘yung babae?"
Tumigil ako sa pagbubuklat ng libro. Sinara ko ‘yun at binalik sa shelf.
"Were you stalking me?"
"No. Nagkataon lang na nasa parehas tayong lugar at narinig ko ang
usapan niyo. Bakit nga ganoon ang payo mo?"
"Because I'm not Cupid. Hindi ako maliit na bata na magpapana lang ng
kung sinu-sino. Gusto ko magising yung babae. Ang tanga niya. Niloloko na
siya, nagbubulagbulagan pa."
Napakunot naman ang noo niya sa naging eksplansyon ko, "Akala ko ba
inaayos mo ‘yung mga gusot nila at problema sa puso?"
"Kaya nga pinayuhan ko siyang makipaghiwalay ‘di ba? Kasi doon maayos yung problema niya. Kapag nakipaghiwalay siya."
"Ha? Hindi happy ending?"
Takang taka akong tumingin sa kanya. Buong akala ko babae lang ang
naniniwala sa happy ending. Pati sya naniniwala dun? Ang weird talaga ng
lalaking 'to.
"Happy endings aren't real. Walang masaya sa mga endings. Hindi porque
nagmahal ka aasa ka na pagdating sa dulo laging masaya. Madalas sa umpisa
lang nagiging masaya. Sa huli, wala na."
"Alam mo bang kapag nagmahal ka magiging masaya ka pa rin kahit papano.
Kasi kahit na gaano karaming hirap ang pagdaanan mo, basta ba nagmamahal
ka, paniguradong sa huli malalagpasan mo lahat ng sakit at magiging
masaya ka pa rin."
Tinaasan ko siya ng kilay at pinagtawanan ang sinabi niya. "Mali
ka," kunot noo na naman siyang tumingin sakin. "Sa bandang huli, ang
pagmamahal na sinasabi mo ang sumisira satin."
Bigla namang lumapit sa amin ‘yung librarian na mukhang umuusok na ang ilong at tainga, "Kung dito kayo magliligawan sa loob ng library, pwede
bang lumabas na lang kayo?"
Napatikom na lang ako ng bibig at yumuko, "Sorry po."
Pahamak talaga ‘yung Ryan na ‘yun. Magbabasa dapat ako hindi tuloy natuloy. Ano na ngayon gagawin ko sa spare time ko? Kainis.
"Bakit ka nang-iiwan?" Speaking of the devil. Sumunod pa.
"Hindi kita iniwan. Kasi hindi naman talaga kita kasama,” sagot ko sa kaniya nang hindi tumitigil sa paglakad.
"Sungit naman. Pasalamat ka may klase ako ngayon. Kung wala hindi kita
titigilan. Bye!" paalam niya at tumakbo paalis.
Hindi pa siya nakakalayo nang maisipan niyang bumalik sa akin. Napahinto
ako sa paglalakad kasi huminto siya sa tapat ko at tinitigan ako.
"What?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Paalala ko lang date natin bukas ha? Sige, babye na talaga," sabay gulo
niya ng buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.
"Don't you ever touch my hair." Tumawa lang siya at kumaway sabay takbo
ulit palayo.
Bakit ang cheerful niya? Ang weird pa. Nakakainis.
=================
Chapter 3: More than what I expected
Mahimbing akong natutulog pero naistorbo ‘yun ng makaramdam akong may yumuyugyog sa akin, "Ate, wake up."
Unti-unting kong minulat ang mata ko at tiningnan ang orasan sa gilid ng
kama. Pagtingin ko kung anong oras na, pumikit na lang ulit ako.
"Ate naman."
"Maaga pa, Ash."
"No. 8am na."
"Wala akong Saturday class. I'm still sleepy."
Tinigil niya ang pagyugyog sa akin at pumadyak, "Ugh! Ang hirap mo naman
gisingin. Bahala ka nga diyan. Ipapagising na lang kita." Narinig ko na
lang yung sound ng footsteps nya at ‘yung pagsara ng pinto. Finally. Makakatulog na ulit ako.
Nararamdaman kong makakatulog na ko nang marining kong bumukas ulit ‘yung pinto. Ang kulit talaga ng kapatid kong 'to. Kapag ako nainis ipapaampon
ko 'to sa kapitbahay namin.
"Bakit ba bumalik ka pa, Ash? Labas na." Medyo inaantok ko pang sabi sa
kanya habang nakapikit.
"Ang tamad mo."
"Whate -- " Nahinto ako sa pagsasalita ng marealize kong hindi boses ni
Ash ang nagsalita. Dumilat ako at nanlaki agad ang mata ko sa nakita
ko. Napaupo ako sa kama ko at tinuro ko ang lalaking nasa harapan
ko, "Paano ka nakapasok dito?!"
"Nagdaan doon malamang," sagot niya at tinuro ang pintuan.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya itinaas niya ang kamay niya, "Chill.
Kakagising mo lang init agad ng ulo mo. ‘Yung kapatid mo nagpapasok sa akin."
"Ashley!!"
Agad agad naman may nagbukas ng pinto ng kwarto ko at iniluwa ang
magaling kong kapatid na hingal na hingal pa.
"Bakit? Bakit? Ano nangyari?" tarantang tanong niya.
Tinuro ko naman si Ryan na nakatayo lang sa gilid ng kama at nagpipigil
ng tawa, "Ayan. Ayan ang nangyari."
Tinikom ni Ashley ang bibig niya at unti-unting naglakad paatras palabas
ng kwarto ko. "Where do you think you're going?" Napahinto naman siya at
tumawa. ‘Yung tawa na halata mong kinakabahan.
"Ah. Ano. Kasi, ate, wala sila Mama. Tapos sabi niya may date kayo. First
time mong makikipag-date kaya naexcite ako. Tapos pinapasok ko siya --
" bago pa siya matapos magsalita tumayo na ako para habulin siya. "Ayoko
na!!" sigaw niya at pinagsaran ako ng pinto.
Huminto ako sa pagtakbo at nilingon ang ngayo'y nakaupo sa kama ko at
nakahawak sa tiyan habang humahaglpak sa pagtawa na si Ryan. Nagpamewang
ako at tinaasan siya ng kilay, "May nakakatawa ba?"
"Oo. Kayo ng kapatid mo."
Inirapan ko siya at lumapit sa may kama para kumuha ng unan pangbato sa
kanya.
"Aray," sabi niya at kinamot ang ulo niya.
"Labas na nga."
"Mag-ayos ka na muna."
"Bakit ba?"
"Anong bakit?"
"Bakit ako mag-aayos at bakit ka ba nandito?"
Humiga siya sa kama ko, "Sabado kaya ngayon. Saka tinext kita kagabi."
Tiningnan ko lang sya. Tumingin din sya sa akin at nagbuntong hininga,
"May date tayo ngayon. Sabado. Remember?" Date? Ah. ‘Yun ‘yung unang beses ko siyang nakita. ‘Yung niyaya niya ko magdate. Sa pagkakaalala ko, 5pm ang sabi niya. 8am palang ha? "Teka, nareceive mo ba text ko?"
Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa sa gilid ng kama. "Paano mo ko
itetext lung hindi mo alam number ko?" tanong ko habag binubuksan ang mga
messages na natanggap ko.
"Pinagtanong ko syempre."
"Agahan na lang natin bukas. 9am would be nice." basa ko sa nareceive
kong text mula sa unknown number. "Ikaw ba 'to?"
"Yup yup!" Ni hindi man lang sya nagpakilala sa text. Abnormal talaga.
"Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako pumayag makipagdate sa ‘yo."
Nagkibit balikat siya, "Hindi nga. Pero sabi ko nga sa ‘yo, hindi naman ako nagpapaalam. Kaya makikipagdate ka sakin wheher you like it or
not." Confident, eh?
"What if hindi ako pumayag?"
"E ‘di hindi ako uuwi sa amin at magstay lang ako dito sa inyo. Magkasama pa rin tayo in that way kaya considered as dating pa rin ‘yun."
"Just because magkasama ang dalawang tao of the opposite sex ibig sabihin
nagdedate na sila? You're completely out of your mind."
"Siyempre hindi. Sa ating dalawa lang counted ang ganoong sistema."
Nilapag ko lang ang phone ko at naglakad papuntang banyo.
"Where are you going?" tanong niya at tumayo na.
"Mag-aayos na. Sabi mo may date tayo, ‘di ba?"
"Payag ka na?"
"Akala ko ba hindi ka naman nagpapalam?"
"Sabi ko nga. Sige. Doon muna ako sa may sala niyo."
Bago pa siya tuluyang lumabas at bago pa ako tuluyang pumasok sa banyo,
nagsalita ulit ako, "But this is not a romantic date. Just a friendly
date."
"I don't care. Date pa rin ‘to kaya ayos lang."
A date – I mean friendly date, won't harm anyways. Pwede na rin i-try. Isa pa, mukhang wala talaga siyang balak umalis ng bahay namin hanggang
hindi ako sumasama sa kaniya. Kaya ayos na ‘to. Besides, treat naman niya.
Nang matapos ako maligo at mag-ayos, bumaba na ako para puntahan si Ryan.
Inabutan ko siyang nasa sala at kakwentuhan si Ashley. Nagkasundo pa ata
ang dalawang abnormal.
"Ayan na pala si ate."
"Saan sila?" tanong ko kay Ashely nang makalapit na ako sa kanila.
"May emergency meeting si Ma sa school. May business meeting naman si
Papa. Si Kuya Ice natulog kila Kuya Xander."
"Tara na?" tanong ni Ryan sa akin.
Papayag na sana ako kaya lang biglang tumunog ‘yung opening song ng cartoon na pinapanuod ko. Umupo ako sa tabi niya, "Later. Phineas and
Ferb na pala." Naramdaman ko namang nakatitig sa akin si Ryan kaya
nilingon ko siya. "Bakit?"
"Ha? Ah, wala," sagot lang niya at nginitian ako.
Habang nanunuod, tawa lang ako ng tawa. Hindi ko nga alam kung bakit ako
tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Nang matapos na ‘yung Phineas and Ferb, nag-unat ako at tumayo. "Tara na. 10:30 na pala."
Nagpaalam lang kami kay Ashley at umalis na. "Saan tayo?" tanong ko sa
kanya nang makasakay na kami parehas sa kotse.
"Saan mo gusto?"
"Fastfood. Lunch muna tayo."
Tumingin siya sa'kin. "Fastfood? Doon mo gusto?"
"Anong masama doon?"
"Akala ko kasi mas gusto mo sa mga sosyaling restaurant."
Sa halip na sumagot ay inirapan ko na lang siya.
Habang nagdadrive siya napansin ko na kanina pa siya nakangiti. Hindi ko
alam kung maiirita ba ko o macucurious sa kanya. Para na siyang baliw.
"Why are you smiling?"
Tiningnan niya ako saglit tapos ay tumingin din sa daan, "Because of
you."
Napakunot ang noo ko, "Bakit?"
"I never thought na ang chilidish mo pala masyado. Nakikikanta ka pa kila
Phineas. Ang akala ko kasi napakamature mo na."
"Masama ba?" Masungit kong tanong.
"No. It's cute actually. I'm glad nakita ko ang side mo na ‘yan. Alam mo bang nakakaintimidate ka minsan. Saka parang ang seryoso mo masyado.
Kapag pala pamilya mo ang kaharap mo o nasa bahay niyo lang ikaw,
nagiging ibang tao ka na."
Hindi ko siya sinagot at sumandal lang sa may passenger seat. Natahimik
na rin naman sya.
"Alam mo bang kakaiba ka?" Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya
‘yan.
Napangisi ako bigla, "Of course I know that."
"I mean.. ang hirap mong hulihin. One moment you're so serious. The next
thing, you're being childish. Parang kapag kasama ka lagi na lang ako
maeexcite. Hindi ko kasi alam kung anong ugali ang maipapakita mo. Hindi
ko rin alam kung ano ba ang totoong ikaw. You're kinda weird." Pagsabi
niya niyan sinamaan ko siya ng tingin. Ako? Weird?
Kahit hindi siya lumingon sakin alam kong alam niyang masama na ang
tingin ko sa kanya. Pero ngumiti pa rin siya, "Pero alam mo, mas weird
ako sayo." Nagkibit balikat lang ako sa kanya.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit?"
"Bakit?" tanong ko sa kanya at lumingon lang sa gilid ko. Sa may bintana.
"Kasi despite your weirdness, I think I'm beginning to like you even
more. More than what I expected."
=================
Chapter 4: Baby Chee
Huminto kami ni Ryan sa isang fastfood chain. Naghanap muna kami ng
mauupuan at nang makahanap na kami pinag-isipan muna namin ‘yung gusto naming order-in.
"Ano bang gusto mo?" tanong niya sakin.
"1pc. chicken. 1 spaghetti. 1 fries. Yung large ha. 1 sundae. At..
extrang gravy. Ayun. Ayun lang." Pagsabi ko ng order ko hindi naman sya
nagsalita. Nakatingin lang siya sakin at parang nagulat.
"Lang? Ayun lang? Ang dami na kaya niyan."
"Ikaw naman ang bibili e. So, okay lang."
"You're really different. Mauubos mo ba talaga lahat ‘yang inorder mo?"
"I don't know. Maybe yes. Maybe no. But I think I can finish all of
those. So, turn off ka na ba? I eat like a pig."
"No. I like girls with huge appetite. At least alam kong hindi conscious
sa figure niya. That's cool. If ever gusto mo pang magdagdag ng order
sunod ka lang sa counter," sabi niya at ngumisi saka umalis na para
pumuntang counter.
Ngayon ko lang narealize na gwapo rin naman pala siya. Bagay sa kanyang
ngumisi. Unlike other guys na nagmamagwapo.
Maya-maya pa ay dumating na nga si Ryan dala ‘yung lahat ng orders namin. Ginaya lang pala niya order ko. Inayos niya yung foods at saka siya
umupo, "Let's eat."
"Yay! Fries." Ayun ang una kong kinain. Sinawsaw ko pa sya sa gravy para
mas masarap.
Kain lang kami ng kain ni Ryan nang napatingin ako sa gilid ko. Doon sa
may salamin. ‘Yung kita ‘yung labas. May dalawang bata sa gilid. Nakahiga ‘yung isa sa may semento habang nakaupo naman ‘yung isa. Pagtingin ko sa kanila, napatingin ulit ako sa pagkain ko. Gluttony. Nakakakonsensya.
"May problema?" tanong sakin ni Ryan. Umiling naman ako at tinuloy lang
ang pagkain.
Spaghetti na lang pala ang natitira sa pagkain ko. "Wait lang," paalam ko
kay Ryan at nagpuntang counter. Nag-order ulit ako pero pinatake-out ko
lang.
Pagbalik ko sa pwesto namin nagulat pa si Ryan nang makita yung dala
ko. "Gutom ka pa?"
"Nope. Tapos ka na ba? Tara na?"
Pasakay na siya ng kotse pero hindi ako doon dumiretsyo. Nagpunta ako sa
dalawang bata na nakita ko kanina. Umupo ako sa tapat nila, "Hi,
kids," bati ko sa kanila. Napaupo naman yung isang bata na nakahiga
kanina. Inabot ko sa kanila yung tinake-out ko, "Ito oh. Pagkain.".
"Salamat po," sabi nung dalawang bata sabay abot sa pagkain.
"Kayong dalawa lang nandito?" napatingala naman ako nang may nagsalita.
Si Ryan. Umiling naman ‘yung dalawang bata. Umupo na rin sa Ryan sa tabi ko, "E sino kasama niyo dito?"
"Nanay po namin," sabi nung mas matanda. Mga 13 yrs old na siguro 'to.
"Nasaan siya?" tanong ko sa kanila.
"Hanap pera," sagot ng mas bata. Parang 3-4 years old.
"Humahanap pong pera para makauwi na kami sa probinsya. Matagal na po
kasi kami dito pero wala pang nangyayari. Gusto na po naming umuwi sa
probinsya namin pero po di kami makauwi kasi walang pamasahe. Kaya po
ngayon, humahanap ng pera mama namin."
Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang wallet ko. Kumuha ako ng pera at
inabot sa bata, "Ito. Bigay niyo ‘yan sa mama niyo ha. ‘Wag nyo iwawala. Baka makatyulong para makauwi na kayo sa inyo."
Tinanggap naman nung bata yung inabot ko at thank you ng thank you.
Ginulo ko lang yung buhok nila at ngumiti. I waved goodbye at sumakay na
sa sasakyan ni Ryan. Ngiting ngiti lang siya pero hindi ko na lang
pinansin since wala naman akong pakialam.
"Saan mo gusto pumunta?"
"Aba, anong malay ko. Ikaw nagyaya kaya ikaw mag-isip kung saan tayo
pupunta."
"Mahilig ka sa mga bata?"
"They're cute."
"So gusto mo nga sila?"
"Of course. Sino ba naman ang aayaw sa mga kids?"
"Marami. Pero dahil sa gusto mo pala ang mga bata, alam ko na kung saan
tayo pupunta."
"Saan?"
"Basta."
Huminto kami sa isang bahay. Bumaba kami pero hindi ko alam kung anong
gagawin ko sa lugar na 'to. "Bahay mo?"
Bago pa man siya makasagot may isang cute, super cute, na bata ang
tumakbo papunta kay Ryan at niyakap yung binti niya. "Papa! Papa!
Papa!" Oh my God. May anak na siya?
Binuhat ni Ryan yung bata at kiniss sa cheeks, "Hi, Baby Chee. Namiss mo
si Papa?" Tumango tango naman ‘yung bata. Humarap sa akin si Ryan, "Cass, this is Chee. My --- "
"Your daughter?! May anak ka na pala. Wala sa itsura mo pero -- "
“Hindi ko 'to anak. Anak to ng kapatid ko. Pamangkin ko lang."
"Papa kasi tawag sa ‘yo. Ano bang malay ko ‘di ba?"
"Oo na. Teka. Cass this is Chee and Baby Chee this is Ate Cass."
Bumaba yung bata mula sa pagkakakarga kay Ryan at yumakap sa akin, "Mama.
Mama."
"No, Baby Chee. Don't call her mama. Baka magalit -- "
"No, Papa. You're together. She's mama because you're papa. Papa and mama
together."
"Hindi Baby. Baka -- "
"Mama. You're mama, right?" sabi nung bata at umiiyak na. Hala. "Baby
Chee, ‘wag makulit. Ate Cass is not your -- "
Umupo ako para pantay na kami ng bata, "Hi, Baby Chee. Stop crying na. Of
course I'm mama." Niyakap ako nung bata habang hinihimas ko naman ‘yung likod niya.
"Hey, Ry. What brought you here?"
May biglang lumabas na babae. Ito siguro ‘yung kapatid niya. Napakaganda naman pala.
"Mommy, look. Papa brought mama here." Napatingin ako kay Chee na tuwang
tuwang nagkwekwento. Tumayo naman ako at kumaway, "Hello po. Ako po si --
"
"Cass. You're Cass, right? I'm Rylee and it's a pleasure to finally meet
you." Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng ate ni Ryan. Napatingin ako
sa kanya pero nagshrug lang siya.
"K-kilala mo po ako?"
"Oo naman. We all know you." What? Seryoso? "Pasok muna tayo sa loob.
Marami akong ikwekwento sa ‘yo."
"Ate!"
"Shut up, Ry!" sabi lang ng kapatid nya at hinila na ako papasok sa loob.
Nilingon ko pa si Ryan at nagkakamot lang sya ng ulo niya na parang
nahihiya saka binuhat si Chee.
Pagpasok namin, inofferan ako ng ate niya ng kung anu-anong pagkain.
Tanggi nga ako ng tanggi kasi kakakain lang namin pero sya naman 'tong
lapag lang ng lapag ng pagkain sa harap ko.
Nagclick kami agad ni Ate Rylee. Ang kalog niya kasi. Nagkwentuhan na nga
kami ng kung anu-ano about sa mga likes and dislikes namin. Hobbies.
Parang slambook ang dating.
Masyadong napabilis ang oras kaya di ko namalayan na hapon na. I guess
it's really true that time flies when you're having fun.
Nagpunta kami sa may backyard nila. Malaki rin ang bakuran at green na
green. Malaki ang space dito. Siguro para may paglaruan din si Chee kaya
ganito. May swing and slide din. May round table din sa gilid at siyempre
apat na chairs.
Umupo kami sa may gilid, "Mama! Mama! Let's play." Hinihila hila pa ni
Chee ang kamay ko.
"No, Chee. Kay Papa ka na lang makipaglaro. Nakikipagkwentuhan pa si
Mommy kay Mama." Sumibi si Chee pero maya maya ay hinila na si Ryan sa
gitna para maglaro.
"Nasaan ang daddy niya?" tanong ko kay Ate Rylee.
"Sabado ngayon kaya baka nasa 6th family niya. Nakaschedule kami e. At
dahil sa pangthird family kami ni Chee, wednesday ang sched niya samin."
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ate Rylee. Nakakagulat. 6th family?
Is that even legal? He's commiting concubinage except na lang siguro kung
muslim siya.
"I-is he catholic?" tanong ko pa.
Bigla namang tumawa ng malakas si Ate Rylee, "Joke lang. Nakakatawa ka."
Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko, "Akala ko totoo."
"Nako. Subukan lang niyang lokohin ako, baka hindi na siya sikatan ng
araw."
Narinig ko ang malakas na tawa ni Chee kaya napatingin ako sa kanya.
Naghahabulan sila ni Ryan.
"Alam mo mahal na mahal ni Ry si Chee." Napatingin ako kay Ate Rylee.
Nakapalumbaba siya at nakatingin sa dalawa. "Grabeng mag-alaga ‘yan kay Chee. Tinalbugan ako at ang asawa ko. He'll be a good father someday."
"Mukha nga."
"Alam mo bang lagi kang kinekwento ni Ry sa amin?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagkwekwento si Ryan tungkol sa
akin? "Ako?"
"Yup. Tuwang tuwa ‘yan sa ‘yo. Ang dami raw kasing nanghihingi ng advice sa ‘yo tapos kapag kaya mo sinasagot mo sila. Isa pa, ang mysterious mo raw masyado. Nakakacurious."
"Ha? Kakakilala ko lang sa kanya last week."
"One month ago, sabi niya sa akin may nagugustuhan na raw siya. At ayun
nga. Ikaw ‘yun. Lagi ka nga niyang kinekwento maski kay Chee. Kaya siguro nang nalaman kanina ni Chee na ikaw si Cass, tinawag ka nyang Mama."
"Mama," ulit ko sabi ni Ate Rylee.
"Yes, mama.”
"Paano naman ‘yung ibang girls ni Ryan? I mean, panigurado namang nagkagirlfriend na ‘yan dati ‘di ba? Mama rin ba tawag ni Chee sa kanila?" Curious lang.
"Oo nagkaroon na ng past relationships ‘yang si Ry. Pero you're the first girl he brought in this house."
"Hindi naman kami."
"I know. See? Hindi naman kayo pero dinala ka niya dito. You must be
really special."
Seryoso talaga si Ryan sa sinabi niyang gusto niya ako? Hindi naman niya
ako kilala. Okay lang ba siya?
Biglang nagring yung telepono nila sa loob, "Excuse lang," paalam ni Ate
Cass at tumayo.
"Nga pala Cass, kapag inintroduce ka ng lalaki sa kahit kaninong miyembro
ng pamilya niya, maflatter ka na. Ibang level na ‘yun," sabi niya sabay kindat.
What? Ang gulo. Hindi ko gets. Tumingin na lang ulit ako kila Chee
at Ryan na nakahiga na sa damuhan.
=================
Chapter 5: Friendship
"Bye! Ingat kayo! Uy, Ry. Alagan mo ‘yang si Cass ha. Next time 'pag bisita mo sama mo ulit si Cass. Kapag ‘di ‘yan kasama hindi ka makakapasok sa pamamahay ko!"
"Grabe ka naman, Ate! Sino ba ang kapatid mo sa amin?"
Napayuko ako nang may humihila ng laylayan ng damit ko, "Why, Baby
Chee?" tanong ko sa kanya at umupo para pantay kami. Medyo namumula ‘yung ilong niya pati ‘yung pisngi at medyo sumisinghot siya, "You'll go already mama? Look at the sun. Mataas pa. Mr. Sun's still out. Don't go
home yet." This time umiiyak na talaga siya.
Bakit napakacute ng batang 'to? Ang sarap ibulsa. Kung pwede ko lang iuwi
'to malamang ko ba naiuwi ko na.
Pinunasan ko ‘yung luha niya, "Don't worry, Baby Chee. Babalik dito si Mama. You'll see me again soon, okay?" tumango tango naman siya pero
umiiyak pa rin.
Kinuha na ni Ate Rylee si Chee at binuhat, "Sige na. Baka humabol pa
'tong maliit."
"Una na kami. Bye! And Baby Chee, stop crying. Bye!"
Pagsakay namin ng sasakyan, agad akong pinasalamatan ni Ryan.
"For what?" tanong ko.
"For coming with me. Ang daya nga lang," sabi niya at sumibi.
Tiningnan ko siya, "Bakit madaya?"
"Kasi mas close ang ate ko sa ‘yo. Nakikitawa ka pa sa kanya. Sa akin nga maski ngitian ako ng sincere hindi mo magawa." Hindi ko alam kung
pagtatawanan ko ba tong si Ryan o ano. Pero wag na lang. Hindi ko na lang
papansinin ang sinabi niya.
Tumingin ako sa daan at saka ko lang napansin na hindi ito ang daan
pabalik sa bahay namin.
"Hindi ka ba namamali ng daan? I mean, naliligaw?"
"Tama lang ang way ko."
"Hindi naman 'to yung dinaanan natin kanina."
"Don't you trust me?"
"I don't," diretsyong sabi ko sa kanya.
"Good. See -- wait. You don't?"
"I don't."
"Ang sama naman nito. Ang tanong ko sayo, 'don't you trust me' kaya dapat
ang sagot mo, you do trust me. Hindi pwedeng don't. Mali ‘yun."
"Kailan pa naging mali magsabi ng totoo?"
"Hay. Bahala ka nga."
Nagkibit balilat lang ako at tumingin ulit sa daan.
Bakit ba hindi pa rin kami nakakarating sa bahay? Parang mali talaga ang
daan e. " Ryan. I'm positive hindi ito ang daan pauwi sa amin."
"Hindi nga."
“What? Ang sabi mo kanina tama ang dinadaanan mo? I knew it! We're lost."
"Tama naman daan ko."
"Hindi ito ang daan pauwi sa bahay ko."
"Sinabi ko bang iuuwi na kita? Hindi naman ‘di ba?"
Huminto kami sa.. seaside? Ang ganda naman dito. Hindi pa bumababa si
Ryan pero bumaba na agad ako. Sand. Sea. Sunset. Nakakamangha ‘yung lugar kasi kitang kita ang araw.
"Ang ganda," bulong ko sa sarili ko at naglakad. Umupo ako sa may sand at
tiningnan ang paglubog ng araw.
"Ang ganda ‘di ba?" tanong ni Ryan at umupo sa may tabi ko. Tumango ako. "Madalas kami dito ng family ko para magbonding."
"Bakit walang mga tao?"
"Tago kasi."
"Sayang naman ang ganda nito kung itatago lang."
"Mas masasayang ang ganda nito kung gagawing sobrang public place ang
lugar. Dadami ang tao. Dudumi yung lugar. Saka iingay. Mas nakakaganda sa
lugar na 'to yung peacefulness."
Tumahmik lang kaming dalawa. We enjoyed the silence. Ilang minuto na at
wala talagang nagsasalita ni isa samin. Hindi naman siya awkward silence.
Kumportable pa nga e.
"Cass," pambabasag niya ng katahimikan. "Can I ask you a
question?" tumango lang ako. "Wala ka bang friends?"
Napangisi ako bigla, "Meron naman. Hindi nga lang yung super close."
"Why?"
"Wala lang."
Tinitigan niya ako hanggang sa maconscious na ko, "Fine. Fine. Sasabihin
ko na."
Nagbuntong hininga ako, "I have friends. Hindi nga lang yung super close.
Hindi yung nagtatawagan every night para magchismisan at pagkwentuhan ang
mga crushes. Hindi ‘yung papasama pa sa kanya sa CR e nasa kabilang room lang pala ang CR. Hindi yung makikipaghiraman ng gamit or maghahangout
daily or weekly. All I have are those whom I'll greet hi, hello, good
morning and such. ‘Yung mga kakausapin ko pero hindi ko magiging kakwentuhan. Ganoong klase ng kaibigan ang meron ako kasi ganoong klase
ng pagkakaibigan lang din ang kaya kong ibigay."
"Bakit? Alam ko namang maraming gustong makipagkaibigan sa ‘yo, bakit ayaw mo silang maging ka-close?"
"Kasi alam kong hindi sila sincere. Sa sampung tao na gustong
makipagkaibigan sa akin, isa lang sa kanila ang sincere or worse, baka
nga wala pa."
Kumunot ang noo ni Ryan, "Paanong sincere? Bakit? Hindi ba sincere ‘yung iba?"
"Hindi. Aminin man nila or hindi, nakikipagkaibigan sila sa akin dahil
may dahilan."
"Paano naman ‘yung mga sincere?"
"Kung sincere sila hindi sila titigil sa pagpilit sa sarili nila sa akin
sa first, second or third tries lang. Ayos na rin ‘yun. Mentras malayo sila sa ‘yo, malayo ka rin sa sakit. Kapag mag-isa ka lang, walang makakasakit sayo."
"Siguro nga hindi ka nila masasaktan, pero hindi mo ba alam na mas
magiging masaya ka naman kung may kaibigan ka?"
"Ayokong idepende ang kaligayahan ko sa ibang tao."
Natahimik ulit kami ni Ryan. Nanunuod ng paglubog ng araw. This is a very
beautiful scene. Hinding hindi ko pag-sasawaan ang gantong klase ng
eksena.
"Pwede pa ulit magtanong?" tanong ni Ryan habang nilalaro laro ang sand.
Tinanguan ko na lang siya. "Who are you?"
Seriously? Yayayain niya akong magdate pero hindi niya ako kilala?
Sasabihan niya akong gusto niya ako pero hindi niya ko kilala?
Ipapakilala niya ako sa kapatid niya pero hindi niya ako kilala? Okay
lang ba siya?
Tinitigan ko siya at ganoon lang din naman ang ginawa niya, "Seryoso ka
ba?"
"Mali naman interpretation mo. I know you are Cass! Pero sino ka ba
talaga? Nasabi ko rin sa ‘yo kanina na iba ibang klase ng pagkatao ang pinapakita mo sa akin. Minsan ganito ka. Minsan ganiyan. Sala sa init
sala sa lamig. Sa lahat ng pinapakita mong katauhan mo, alin doon ang
totoo?"
"Lahat," sagot ko agad sa kanya. Ni hindi ko man lang pinag-isipan.
"Lahat?"
"Kung ano ang ipinapakita ko, ganoon ako. Ganoon ang nararamdaman ko.
‘Yung masungit o supladang Cass na nakikita mo, ‘yung isip bata, ‘yung ngumingiti, ‘yung nagtataray.. lahat ‘yun totoo. Walang halong pagpapanggap."
"Different sides? Cool. Ayan ang gusto ko sa ‘yo. Walang halong kaplastikan ang mga kilos mo."
"Bakit ganiyan ka ka-vocal? Lagi mong sinasabing gusto mo ko."
"I don't know. Maybe because ayun ang totoo?"
"Simula pa lang sinabi ko na sa ‘yo na wala kang mapapala sa akin."
Natahimik siya saglit at yumuko, "I don't care," sagot niya at kumuha ng
nakakalat na bato at ibinato sa dagat.
Sa lahat ng nanghihingi ng advice sa akin, karamihan doon puro sawi sa
pag-ibig. Parang sa sampung tao na lumalapit sa akin, tatlo lang doon
‘yung masaya sa lovelife. Ang pito puro problema ang sinasabi sa akin. Kung ganoon ang maririnig mo, mga problema nila dahil sa pag-ibig, tingin
mo ba gugustuhin mo pa magmahal?
"I'm sorry."
"Para saan?"
"Kasi di ko masusuklian ‘yang nararamdaman mo."
Ngumiti siya sa akin, hindi ngisi, hindi rin yung weak na ngiti. Ngiting
sincere. Ngiti na may halong kasiyahan. Di ba parang binasted ko siya,
bakit nakangiti siya ngayon?
"Bakit ka nakangiti?"
"Parang kahit papaano, ngayon, concern ka na sa nararamdaman ko. You said
sorry. That's a proof. Dati kasi wala kang pakialam. Kaya kahit
kakabasted mo lang ulit sa akin kahit di pa naman talaga ako nanliligaw,
masaya pa rin ako." Ngumiti ulit siya at pinanuod ang paglubog ng araw.
"Friendship." Tumingin naman siya sa akin na parang nagtataka, "Ino-
ooffer ko yan sa'yo. Friendship. Pero okay lang kung ayaw -- "
"I'll take what I can get. So.. ako na ba ang first real friend mo?" sabi
niya na may halong mapanuksong tono. Natawa na lang ako at
tumango. "Naks. Sa wakas tumawa ka rin na ako ang dahilan."
Umiling iling ako habang natatawa, "Ewan ko sa'yo," sabi ko at nginitian
ko siya.
"Wow. May bonus na ngiti pa. First time ka rin ngumiti ng sincere sakin
ha."
“Bahala ka nga.”
Sa tingin ko sincere naman siya. Kahit lagi ko siyang sinusungitan
nandito pa rin siya. Hindi naman siguro siya katulad ng iba.
“Pero Cass, gusto kong malaman mo na kahit kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa ngayon, hindi pa rin ako sumusuko."
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay, "Pursigido?"
Pinalo niya yung dibdib niya at saka tumango, "Siyempre! Ako pa. ‘Di ba nga tuturuan pa kitang magmahal."
"Sabi ng -- "
"Wag ka na magreklamo, Cass. You can't stop me from doing things. Kahit
kaibigan lang ang kaya mong i-offer sa akin sa ngayon, at kahit basted-in
mo pa ako ng ilang beses, hindi mo ko mapapahinto sa pagpapakita kung
gaano kita ka-gusto. Masanay ka na."
=================
Chapter 6: For strong people
Kumakain ako sa cafeteria nang may biglang naglapag ng tray niya sa table
ko at umupo sa tapat ko. "Hey," bati niya sa akin. Tinanguan ko lang
naman siya. "Walang sagot? Tango lang talaga?"
"Fine. Hey back."
"Wala kang class?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Kung may klase ba ako tingin mo nandito ako
ngayon? Common sense, Ryan."
"Sorry naman. Nagtatanong lang." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy
sa pagkain. "Foundation week na next week. Anong balak mo?"
"Wala naman. For sure pagkakakitaan na naman nila ko," sagot ko at
napapout na lang bigla.
"Cute," dinig kong bulong niya pero syempre aarte ako na kunyari hindi ko
narinig ‘yun. "Bakit naman nila gagawin yun? Saka paano?"
"You see, we have this contest every foundation. Lahat ng course sa
department namin, magpaparamihan ng kikitain na pera. Meaning, we have to
do some gimiks to raise money."
"Paanong gimik?"
"As for our section, sasamantalahin nila ang pagiging love doctor or
whatever-you-may-call ko. Kaya ayun, magkakaroon ng free consultation sa
akin all day loooong. Tapos magbabayad ‘yung magtatanong or share sakin. Ang sama nila 'no?"
"Masama kasi pagbabayarin nila ‘yung mga magtatanong sa ‘yo?"
"No! Masama kasi papagurin nila ako buong araw. I have life you
know," sagot ko na nagpatawa sa kaniya.
"Itakas kita sa section mo sa foundation week," sabi niya with macthing
taas baba pa ng kilay.
"H’wag na. Ayoko rin naman iwan mga kablock ko sa ere."
"Trust me. Sila pa mismo magpapaalis sa ‘yo."
I just smiled at him and looked at my watch. "Anong oras next class mo?"
"1 lang."
"1:15 na. Bakit andito ka pa?!"
"Keeping you company."
Inirapan ko siya, "I've been eating alone for years already. I can handle
myself. You don't have to cut class just to stay with me."
"Pero kaibigan kita kaya ayokong iwan ka mag-isa."
"Ayoko namang magcut ka ng klase para lang samahan ako. Konsensya ko pa,
kaya go na."
Bigla naman siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko kaya pinalo ko ang
kamay niya, "H’wag sabi buhok ko."
Nang matapos akong kumain, aalis na sana ako ng cafeteria nang may
mahagip ang mata ko. Isang babae na mag-isa lang sa katabi kong table.
Nakapalumbaba siya at parang sobrang lalim ng iniisip. Actually, she
looks familiar. I think I saw her from somewhere. Saan ba?
Ah. Siya ‘yung simpleng girl na nagshare sa akin dati tungkol sa lalaking nagconfess sa kanya. ‘Yung shy. Siya si Megan.
Lumipat ako sa table niya at umupo sa tapat niya na mukhang ikinagulat
naman niya.
"Cass!" sigaw niya.
"There's no need to shout."
"Sorry. Naexcite lang," sabay peace sign niya. "Kamusta ka?"
Instead of answering her question, I asked her something, "So what
happened?"
"Saan?"
"Doon sa tinanong mo sa akin dati. ‘Yung sa guy na nagconfess sa ‘yo."
Biglang siyang namula at lumapad ang ngiti niya, "He's courting me.
Pumayag na ako. Sayang ang chance. Gusto niya ko. Gusto ko siya. Kaya
ayun, pumayag na rin ako," kilig na kilig niyang kwento.
Nginitian ko siya, "Good for you."
"It's all because of you. Dahil ‘yun sa advice mo sa ‘kin. Thank you ha."
I smiled at her and she did the same. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-
ano hanggang sa may bigla siyang tinanong, "Cass. I know this is a bit
personal. Pero nacucurious lang ako. Bakit ganun ka kagaling mag-advice
sa ibang tao? Have you ever been in love?"
Napangisi ako sa tanong niya at nagpangalumbaba, "Hindi pa ko naiinlove.
And maybe ayan ang reason kung bakit nagagawa kong mag-advice sa iba."
"Paano naging ayun ang dahilan?"
"Kasi siguro dahil doon, hindi lang ako tumitingin sa isang perspective
lang. Kasi ‘di ba ‘yung mga taong in love isang side lang ang madalas tingnan. ‘Yun ‘yung side na gusto nila makita. Since hindi pa nga ako naiinlove at realistic pa ang mga naiisip ko at hindi mga fantasies,
nagagawa kong mag-advice na nakabase sa katotohanan. It may be positive
or negative advice."
"Ang cool. Ganoon pala ‘yun. Grabe siguro ‘yang utak mo 'no? Alam mo, gusto kong makita kung paano ka mainlove. How you'll handle your
relationship with someone." Napailing ako sa sinabi niya, "Why?" tanong
niya sa akin.
"Alam mo bang I don't believe in love?"
Nanlaki ang mata niya at tinitigan ako. "For real?!" tumango ako. "Woah.
Pero bakit?"
"Because it's for the weak."
"No. Alam mo bang matatapang na tao ang mga nagmamahal?" Matatapang na
tao ang nagmamahal?
Love is for strong people. Ayan ang sabi sa akin ni Ryan noon. Pati ba
naman siya naniniwala doon? Ganoon ba talaga? Pero para sa akin ang mga
nagmamahal lang ay ‘yung taong natatakot mag-isa.
"Okay ka lang?" Nabalik ako sa katinuan ng winave niya ‘yung kamay niya sa tapat ng mukha ko. Naglakbay na pala utak ko di ko pa alam.
"May naalala lang ako."
"Ah, Cass. Mauna na ako ha? May klase pa kasi ako. Malelate na ako.
Salamat sa time mo at kinausap mo ko."
"Thanks din. Talk to you some other time."
"Really? Mag-uusap pa ulit tayo?"
"Yah. We will."
"Thank you," sabi niya sabay wave at umalis na.
***
Nakapalumbaba ako at nakadungaw sa labas ng bintana nang tawagin ako ng
kaklase ko, "Cass, may naghahanap sa 'yo sa labas."
Agad naman akong tumayo at pumunta sa labas. Tumingin ako sa paligid pero
parang wala namang naghahanap sa akin. ‘Yung mga tao nagdadaan lang at nagkwekwentuhan. May mga nakatambay tapos tawanan ng tawanan. May isa
ngang nakaheadset pa at nakasandal lang sa pader habang nakapikit. Wala
namang naghihintay o naghahanap sa 'kin
Nang mabwisit na ako kasi lumabas ako para sa wala lang, pumasok na lang
ako sa classroom at umupo ulit sa pwesto ko at nangalumbaba.
"Sino naghahanap sa 'yo? Kaano ano mo yun? Ang gwapo." Kilig na sabi ng
kaklase kong tumawag sa akin kanina.
"Wala namang tao doon."
"Huh?" tumayo siya at tumakbo palabas ng room pero bumallik din siya
agad, "Anong wala? Nandoon pa rin kaya. Ang cool nga niya e."
"Wala naman kanina ng lumabas ako."
"Tara nga," sabi niya at hinila ako palabas ng room. Tinuro niya ‘yung lalaking nakasandal na nakaheadset. "Ayan kaya."
"Ah, siya ba? Sige. Salamat, Leah."
Naglakad na ako papunta sa lalaki. Huminto ako sa tapat niya pero dahil
sa nakapikit siya, hindi niya siguro napansin na nasa tapat na niya ako.
Anong trip nito? Tatawag tawagin ako tapos pipikit pikit lang naman pala
sa gilid. Nakakainis. At dahil sa nainis ako, tinanggal ko yung headset
niya kaya napadilat siya.
"What do you want?" Pagtataray ko sa kanya.
"So, ikaw pala si Cass," sabi lang niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay pero wala siyang ginawa kundi ang iwan akong
nakatayo sa may corridor. Yes. Nilayasan ako. Walang modo ‘yung lalaking ‘yun. Lakas ng trip. Nasayang lang oras ko sa kaniya. Bwisit siya. Kayamot.
Padabog akong pumasok sa room. Sumalampak agad sa upuan ko. Nilagay ko
ang earphone ko sa tenga ko at yumuko para matulog. Wala pa naman kasing
prof. Baka sakaling mabawasan ang inis ko dahil sa makapal na mukha na
lalaking yun kung sakaling makatulog ako.
Nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. "Bakit?" tanong ko sa
kalase kong si Leah. Siya na naman.
"Nagsisipag-uwian na ‘yung mga kaklase natin. Lagpas 30 mins na kasi wala pa ang prof. 2 hrs lang tayo ngayon kaya 30 mins lang pataan sa
kanya." Tumango ako sa kanya at nag-ayos ayos na para makauwi na rin.
"Saka nga pala. May naghahanap ulit sa'yo sa labas. Isa pang gwapo. Grabe
ka Cass. Haba ng hair mo."
"Una na ko." Paalam ko sa kanya at kumaway naman siya.
Paglabas ko inabutan kong naghihintay si Ryan, "Oh? Naligaw ka ata?"
"Hindi ha. Sinusundo kita."
"Bakit mo ko sinusundo?"
"Kasi kaibigan kita. Kaya sabay tayong uuwi."
"Ah."
"At saka gusto ko. Para naman maganda tapos ng araw ko kasi ikaw ang
kasama ko," sabi pa niya sabay kindat.
Pinalo ko siya sa balikat at natawa naman siya. He doesn’t know how to give up.
=================
Chapter 7: Itatakas kita
Boring.
Ayan ang perfect definition para sa araw na 'to. Maaga pa, alam ko ‘yun. Ni hindi pa nga nagsisimula yung opening ng booths pero nararamdaman kong
magiging boring ang araw na 'to.
Pangatlong taon ko nang maeexperience ang foundation week dito at in
fairness naman, consistent ang pagkaboring niya.
"Cass, be ready. Malapit nang magstart yung mga kokonsulta sa ‘yo." Utos sa akin ng kablock ko.
Kokonsulta lang talaga? At saka maka-utos lang. E kung sila kaya mag-
advice dito at ako ang mag-utos. Mag-enjoy kaya sila?
Hindi naman ako magprepredict ng mga mangyayari sa buhay nila pero bakit
parang pangmanghuhula ang atmosphere dito? Weirdo talaga mga kablock ko.
At dahil sa dakilang pasaway ako, sa halip na umayos, dinukdok ko na lang
ang mukha ko sa lamesa.
May narinig akong pumasok pero hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko. Hay
nako. Nagsisimula pa lang kami pero parang gusto ko ng matapos 'to.
"Uhh. Ms. Cass?" tawag sa akin ng babae.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Gumawa rin ako ng gesture
para ipaalam sa kanya na pwede na siyang magshare sa akin ng kung ano
man.
"May bestfriend po ako. Lalaki. Sobrang kumportable po ako sa kanya at
ganoon din naman siya sa akin. Nasanay na rin po ako na lagi siyang
nandyan. Sinasabi po niya sa akin lahat ng nararamdaman niya at sinasabi
ko rin po sa kanya ‘yung mga nararamdaman ko."
"Pero may isang bagay kang hindi masabi sa kanya ‘di ba?" tanong ko sa kanya. Medyo obvious na sa akin kung ano problema niya.
Tumango siya, "Opo. Meron nga po."
"At ‘yun ay yung nararamdaman mo para sa kanya."
"Opo. Hindi ko naman ginusto pero nagkagusto ako sa kanya. Ano po bang
gagawin ko?"
Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Paano ko 'to papayuhan ngayon? Kaloka.
Nag-isip muna ako bago ako nagsalita, "You're torn between your feelings
and your friendship. Hindi ko man nararanasan yang nararanasan mo ngayon,
alam ko namang mahirap ‘yan. Marami kasing pwedeng mangyari. Pwedeng parehas kayo ng nararamdaman at pwede rin namang hindi. Kung malaman niya
yung nararamdaman mo, pwedeng masuklian niya ‘yan at maging masaya kayo pero pwede rin naman na hindi at masayang ang pagkakaibigan niyo kasi
whether you admit it or not, alam kong alam mo na once na umamin ka, may
mag-iiba. Ikaw ba, ano ang mas matimbang para sa 'yo? ‘Yung nararamdaman mo o ‘yung pagkakaibigan niyo?"
"Hindi ko po alam."
Napabuntong hininga ako. "Sorry, miss, pero tingin ko ikaw lang ang may
alam ng dapat mong gawin. Wala akong maitutulong sa ‘yo. Hindi naman lahat ng problema niyo kaya kong solusyunan. Sana tulungan niyo rin yung
sarili niyo. H’wag lang kayong dumepende sa sasabihin ko."
Nagpasalamat lang siya sa akin at lumabas na. Buti na lang wala akong
bestfriend. Edi wala akong problema. Wala akong pinapangalagaang
pagkakaibigan at wala akong prinoproblemang nararamdaman.
Marami pa ulit na pumasok at nagtanong ng kung ano. Puro babae. Bakit
ganun? Napansin ko lang na karamihan ng lumalapit sa akin puro babae.
Wala bang problema sa puso ang mga lalaki?
Nang magbreak ay nagpahinga muna ako at sumandal sa upuan ko. Dumating
naman ‘yung kaklase kong si Leah at dinalhan ako ng pagkain. Sinamahan din muna niya ako.
"Leah, bakit puro sila babae?" tanong ko sa kanya at kinain yung sandwich
na bigay niya.
"Sino?"
"Yung nanghihingi ng advices. Wala bang problema yung mga lalaki sa puso
nila? Talaga bang laging yung mga babae lang yung namomoblema?"
"Hindi naman sa -- "
"Leah. Labas ka na dyan. Magsisimula na ulit tayo. Cass, maghanda ka na."
"What?! Are you serious?! Halos 5mins na break lang yun ha?!"
"Sorry, Cass, pero kailangan talaga natin makarami para marami rin
pumasok na kita sa atin. Para ‘to sa grade natin."
The fuck. Palibhasa hindi naman sila ang nakaupo dito at nag-aadvice.
Akala ba nila madali lang 'to? Dahil sa hindi ko magawang magreklamo kasi
para talaga sa grade namin 'to, sinubsob ko na lang ulit ang mukha ko sa
lamesa at hininto ang pagkain. This is so frustrating.
May pumasok na pero nakasubsob pa rin ang mukha ko sa lamesa. "What's
your problem?" tanong ko na hindi pa rin gumagalaw sa pwesto ko. I know
medyo rude pero sorry na lang. Nawawala na talaga ako sa mood.
"Wala naman." Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses na ‘yun.
"Anong ginagawa mo dito Ryan?!"
"I told you itatakas kita."
"Baliw. Gusto ko mang lumayas sa bwisit na lugar na 'to, hindi ko
magagawa. Alang alang sa grade kaya."
"Okay lang ‘yan. Ako bahala sa ‘yo."
"Bakit? Ikaw ba magregrade samin? Hindi naman ‘di ba? Kaya ‘wag kang magulo dyan at kailangan komg kumita at maipanalo ang block ko para sa
grade."
"Hindi nga ‘yan. Basta. Akong bahala."
“Whatever. Hey. Idlip muna ako ha. Gisingin mo ko kapag may kasunod ka na."
"Hoy, nagbayad din ako dito kaya dapat mo kong kausapin."
"H’wag na. Basta iidlip ako. Nakakapagod," sabi ko sa kanya at dinukdok ulit ang mukha ko sa lamesa at pumikit.
Nagising ako nang may narinig akong sumigaw, "Kuya, labas ka na
po!" kasabay niyan ay ang pagpasok ng kaklase ko kaya inangat ko na ang
ulo ko. Si Ryan naman nasa harap ko pa rin at nakatingin sa pumasok.
"Overtime na po kayo dyan. 20 mins ka na ata diyan, Kuya. Alam kong nag-
eenjoy kang kausap si Cass pero kailangan na po naming ituloy tong -- "
"Kukunin ko si Cass ngayon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ryan.
"Oy, anong trip ‘yan Ryan?"
Humarap siya sa akin at kumindat tapos ay binalik ang tingin sa kaklase
ko, "Magdeal tayo. Babayaran ko kayo ng malaking halaga para sa isang
buong araw ni Cass."
"Hindi naman po ata pwede ‘yan."
Dinukot ni Ryan yung wallet niya sa bulsa niya at nagbigay ng pera sa
kaklase ko. Agad ‘yung kinuha ng kaklase ko, "Deal, Sir. Kunin mo na yang si Cass."
Lumapit naman sa akin si Ryan at hinila na ako palayo sa letseng tent na
yun. Narinig ko pa ‘yung pagreklamo ng mga tao bago kami tuluyang makaalis. Bahala na sila doon. Nagawa ko na ang parte ko.
Dinala ako ni Ryan sa likod ng campus kung saan may mga puno. "Bakit tayo
nandito?"
Hinila niya ako sa ilalim ng isang puno at pinaupo. "Tulog ka na.
Napapagod ka kakasagot sa kanila ‘di ba?" tanong niya at ngumiti.
Napangiti rin ako at pipikit na sana pero inakbayan niya ako at isinandal
ang ulo ko sa kanya.
"What are you doing?" tanong ko.
"Para kumportable ka."
"Tsansing ka lang ata."
"Kasama na rin ‘yun doon pero hayaan mo na. Ang mahal kaya ng bayad ko sa oras mo." Napangiti ulit ako sa sinabi niya at pinalo siya.
Pumikit na lang ako at hindi ko na ginawang makipagtalo sa kanya.
Nagising ako at ganun pa rin ang pwesto namin. Medyo gumalaw ako kaya
agad napatingin sa akin si Ryan.
"Gising ka na pala."
"Obviously, yes."
"Gutom ka ba? Tara, kain tayo," aaya niya sa akin at hinila ako patayo.
Ni hindi man lang ako hinintay makasagot. Sana hindi na lang siya
nagtanong.
Nang matapos kaming kumain tinanong niya ako, "Anong gusto mong gawin?"
"Wala naman."
"Anong klaseng sagot yan?"
“Honest answer?"
"Maglibot libot na lang kaya tayo?"
"I don't want to. Sasakitan lang ako ng paa diyan."
"Ah! Alam ko na. Balik na lang tayo sa likod ng school. Alam ko namang
may pagkaKJ at loner ka kaya doon na lang tayo para tahimik."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi ko alam kung dapat ba akong matouch at
inaalala mo ko o mainis kasi sinabihan mo akong KJ."
"Ayos lang ‘yun, Cass. Tanggap naman kita kahit ganoon ka." Inirapan ko na lang siya at tumayo na para iwan siya doon. Alam ko namang KJ ako pero
wag na niyang sabihin pa sakin yun. Nakakainis naman kasi.
Sinundan at hinabol niya ko. Tuloy lang akong naglalakad ng umakbay siya
sa akin at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko ang kamay niya, "I told you not
to touch my hair. And take your hands off of me." Pagtataray ko sa kanya
at ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya mula sa pagkakaakbay.
"Taray pa rin. Sorry na. Tara na lang," sabay hila niya sa akin
papuntang, parking lot?
"Akala ko ba sa likod ng school? Bakit nandito tayo?"
Sa halip na sagutin niya ako ay binuksan lang niya ang kotse niya at may
kinuha sa loob na hindi ko naman alam kung ano.
Paglabas niya may hawak na siyang gitara at pinakita sa akin ‘yun, "Para dito. Tara na."
Bumalik lang kami sa pwesto namin kanina at saka siya nagsimulang
maggitara. In all fairness, marunong. Habang kumakanta siya pinapanuod
ko lang siya. Parang ang peaceful kasi niyang panuorin.
Huminto siya at tumingin sa kin, "Ano? Nainlove ka na ba sa akin?"
"Kapal din ng mukha mo."
"Joke lang. Ito hindi mabiro.”
Tahimik lang kami. Naggigitara siya habang ako nakikinig sa kanya.
"Thanks, Ry," bigla ko na lang nasabi. May sariling utak na ata ang bibig
ko.
=================
Chapter 8: Notification
"Cass, ayos ka lang?" tanong sa akin ng kaklase kong si Nica nang abutan
niya akong nakasubsob ang mukha sa lamesa.
"No. Matatapos na ba? Gusto ko nang umuwi."
"Sige na. Pwede na since 4 na naman."
Pagsabi niya niyan agad kong kinuha ang bag ko at nagpaalam sa kanya saka
umalis.
Kainis ‘yan. Tatlong araw na akong inaalipin ng blockmates ko. Matapos lang foundation week hinding hindi na sila makakahingi ng advice sa akin.
Sabaw na sabaw na ko.
Hindi na rin naman ako pinupuntahan ni Ryan magbuhat ng hinila niya ako
papunta sa likod ng school. Biglang nawala.
***
"Tomboy ka ba?"
Hindi ko naituloy ang pagsubo sa chips na hawak ko at napatingin sa
magaling kong kapatid na si Ice na nagtanong.
Nasa may sala kami ngayon. Siya nanunuod ng sports at ako naman
naglalaptop.
"Hindi syempre."
"Bakit wala ka pang boyfriend?"
"Ikaw, bakla ka ba?"
"Hindi."
"Bakit wala kang girlfriend?"
"Bata pa ko."
"Sa panahon ngayon kahit grade school may karelasyon na."
"Bakit ikaw college na pero wala pa?"
Mababalibag ko na ng laptop 'tong bwisit na 'to.
"Kasi nga ayoko. Kaya manahimik ka na lang dyan."
Nagcheck na lang ako ng Facebook ko. Nakita ko ang friend request ni
Megan at ng isang pamilyar na tao pero hindi ko maalala kung saan ko
nakita. Inaccept ko si Megan at inignore ‘yung pamilyar na tao.
Hindi ko alam kung bakit tinitingnan ko pa ang Facebook ko. Hindi naman
ako nagrereply sa messages. Hindi rin ako nagpopost, naglalike ng status,
comments or pictures. Hindi rin ako nagcocomment. Bakit hindi ko pa
ideactivate ‘tong account ko?
Nakatutok pa rin ako sa monitor nang biglang tumunog ang phone ko.
Someone texted me. Chineck ko naman yun. Unknown number lang kaya hindi
ko na pinansin. Ito ‘yung number na text ng text sa akin noong nakaraan. Hindi ko naman nirereplyan ayaw pang magtigil. Minsan nga hindi pa
nakuntnto kakatext, tatawag pa. Pero syempre ignore lang ng ignore.
Pinagpatuloy ko lang ulit yung pagsusurf nang tumunog ulit phone ko.
Hey Cass.
Same sender lang. Hinagis ko ang phone sa upuan. Wala pang ilang minutes
tumunog ulit ‘yung phone ko.
Snob. :(
Sad face pa siya. Snob na kung snob. I don't accept textmates. Bahala
siya.
Biglang tumunog ulit ang phone ko pero hindi na siya message alert.
Incoming call na. Same number. Gabi na tumatawag pa. Hindi ko na lang
siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Your phone," turo ni Ice sa phone ko at mukhang naiirita na.
"Hayaan mo siya. Titigil din ‘yan."
"Hindi ko marinig pinapanuod ko," inis na sabi niya.
"I don't care."
Biglang kinuha ni Ice ‘yung phone ko at sinagot ‘yung tawag sabay bigay sa akin ng phone, "Bwisit ka, Ice!" Inis na sabi ko sa kanya habang hawak
pa ang phone ko pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa
panunuod.
Ie-end ko na sana yung call nang biglang may nagsalita sa kabilang line.
[Hey. Are you there?]
"Ry?"
[Ayos ha. Ry na talaga tawag mo sakin. Nakakatouch ka naman.]
"OA naman. Para ‘yun lang."
[KJ. Bakit nga pala hindi mo ko nirereply-an?]
"Hindi ka kasi nagpapakilala."
[HINDI NAKASAVE NUMBER KO SAYO?!] Inilayo ko ‘yung phone sa tenga ko nung sumigaw siya.
"No need to shout. Hindi ko naman alam na ikaw ‘yun. Noong nakaraang three days ka lang naman nagtext."
[Tinext na kaya kita dati. Before tayo magdate. Nakakasakit ka naman.
Hindi mo pala sinave number ko.]
"H’wag kang magdrama. Hindi bagay."
Tumawa siya bigla, [Hindi ba? Sige na nga. Hindi na. So, kamusta? Three
days na tayong hindi nagkikita ha.]
"Still fine. Pahirapan pa rin sa pataguyod ng block ko para sa contest sa
foundation week."
[Sorry about that. Hindi na kita natatakas.]
"Bakit ka nga pala nawala ng three days? Hindi ka man lang nagpasabi.
Bigla ka na lang nawala."
[Bakit, namiss mo ba ko?] tanong niya sa mapanuksong tono.
Ayan na naman siya. He's mocking me.
I ended the call kahit hindi pa ako nagpapaalam sa kaniya. Ilang segundo
lang tumunog na naman ang phone ko. Si Ry na naman.
[Bakit mo bina -- ] Napatingin ako sa phone ko kasi biglang naputol ‘yung sinasabi niya. Kaya naman pala. Nalobat na ko. Oh well. Nakakatamad
umakyat sa kwarto para magcharge kaya hayaan ko na lang muna.
Nagpatuloy ako sa page-FB. May bago na namang friend request. Si Ryan? I
accepted his request at maya maya lang ay chinat niya ako.
Ryan: Bakit mo ko binabaan? Joke lang yun e.
Ako: Dead batt.
Ryan: Sabi ko nga. Nga pala three days akong nawala kasi pinadala ako ng
org ko sa ibang school. Parang swap ng students.
Ako: Ikaw napili? That's cool.
Ryan: Oo. Ayoko nga sana kasi walang magliligtas sayo sa mga kablock mo
saka hindi tayo magkikita kaya lang tatanggalin daw nila ako sa org kapag
hindi ako sumama.
Parang three days lang naman ‘yun. Aayawan niya ‘yung swap para lang makita ako palagi? Adik talaga 'to.
Ako: Three days lang naman.
Ryan: Kahit na ba. Isang araw nga lang namimiss na kita, three days pa
kaya?
Matatouch ba dapat ako sa sinasabi niya? No. Wala sa ugali ko ‘yun. Kaya sa halip na sagutin siya ng 'Aww. That's so sweet' like what most girls
would do, iba ang sinagot ko sa kanya.
Ako: Ah, okay.
Ryan: Yun lang isasagot mo?
Ako: Oo. Ano ba dapat?
Ryan: Hay. Ano pa nga bang ieexpect kong sagot mo? Hahaha.
Ako: Hey Ry. GTG. Inaantok na ako.
Nung inenter ko yan, agad na akong nag log out, sinara ang laptop at
umakyat sa room ko. Matutulog na sana ako nang may kumatok sa kwarto ko.
"Ate, pahiram laptop mo," paalam ni Ashley sa akin na nakasilip sa may
pintuan ng kwarto ko.
"Nasan ba yung sa ‘yo?"
"Ayaw magbukas. May titingnan lang ako."
Kinuha ko ‘yung laptop ko saka pinatong sa kama, "Dito na lang." Lumapit siya at binuksan ang Facebook. Pinapanuod ko lang naman siya.
"May notifs ka," sabay turo niya sa laptop.
"Mamaya na ‘yan. Gawin mo na gagawin mo."
Nilogout na niya account ko at tinype ang email at password niya. May
binuksan lang siyang isang photo at tinanggal niya ang pagkakatag sa
picture niya na ‘yun sabay logout.
"Ayun lang gagawin mo?" tanong ko sa kanya kasi tumayo na siya.
"Yup! Kahiya kasi mukha ko doon. Kaya tinanggal ko pagkakatag. Sige,
salamat Ate. Bye," sabay wave niya ng kamay at lumabas ng kwarto ko.
Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil kay Ashley. Kalokang bata.
May notifs nga pala ako kaya bago matulog, titingnan ko muna ‘yun. Si Ry. Tinag niya ako sa isang post. Binuksan ko naman ‘yun.
Naglog-out agad. Hindi man lang nag-abalang hintayin ang reply ko. Kahit
kailan talaga. See you bukas. Makikita na ulit kita sa wakas. Goodnight.
Miss na kita. - with Cass Scott
Napangiti ako sa status niya. Sandamakmak na likes at comment na rin ang
nakita ko.
Hindi ko alam kung ano sumapi sa akin at bigla ko na lang nilike yung
status niyang ‘yun. At hindi pa ako nakuntento. Nagcomment pa ako.
Goodnight. :)
=================
Chapter 9: Who's weaker?
Last day na ng foundation week namin and I'm still stucked in our block's
booth. FML. Nakaupo na ako at naghihintay ng kung sino ang unang
papayuhan ko.
"Good morning," bati sa akin ng pumasok.
Tiningnan ko lang siya at tumango, "What can I do for you?"
"Pwedeng paupuin mo muna ko?" Demanding din 'tong lalaking 'to.
"Normally, people will just enter here, sit and tell me what's their
problem. This is a booth. Not my house. Not an office. Not a clinic. So
wala akong obligasyon sabihin na, 'Hi, maupo ka muna. Gusto mo ba ng
ganto? Gusto mo ng ganyan?’”
Tumawa naman siya ng mahina at umupo sa upuan sa tapat ko.
"So, bakit ka nandito?"
"To see you?"
"Excuse me?"
"Chinecheck ko lang kung ano na ba ginagawa mo. It's been a week since I
last saw you."
"I don't even know you. Wala ka naman ata sasabihing matino kaya pwedeng
lumabas ka na lang?"
"Ang sungit mo. Alam mo ba yun?"
"I know."
May binulong siya pero hindi ko narinig. Hindi ko na rin tinangkang
tanungin siya kung ano ang binulong niya kasi hindi naman ako interesado
sa kung ano man ang sinabi niya.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" Sisipain ko na palabas 'to e. Ang kulit.
Kainis. Napangisi siya bigla, "Last week lang pinuntahan kita sa
classroom niyo tapos ngayon di mo na ako agad naaalala?"
"Hindi ka naman mahalaga kaya walang point na tandaan pa kita."
"They're right. Ang straightforward mo. Just for your information, ako
yung nagpunta sa classroom mo last week -- "
"Nasabi mo na ‘yan kanina."
"Let me finish first. As I was saying, ako ‘yung nagpunta sa classroom niyo last week para malaman kung sino ka."
Last week? Hmm. Wait. Parang medyo natatandaan ko na 'to. Ah. Now I know.
"You're that rude guy who walked out on me!" sigaw ko sa kanya at dinuro
pa siya.
"You got it right. Pero parang mas rude yang ginagawa mo. Dinuduro mo
ko." inirapan ko siya at binaba na ang kamay ko.
"Okay, natandaan na kita. Pwede mo na bang sabihin sakin ang problema mo
at magbayad ka na para makalayas ka na sa harapan ko?"
"Sinabi ko na nga kanina ‘di ba? Chinecheck lang kita." Lakas trip din nitong lalaking 'to. Kainis. Check check niya mukha niya. Hindi naman
kami close para check niya pa ginagawa ko.
"Kuyang FC, nacheck mo na kung ano ang gagawin ko kaya pwede bang lumayas
ka na sa harapan ko?"
"O, sige. Sabi mo e. Pero baka mapadalas na pagkikita natin. Bye!" paalam
lang niya at umalis na nga siya sa harapan ko.
Ang weird lang ng taong ‘yun. Lakas makainis.
Naghihintay ako ng kasunod na papasok pero ‘yung president namin ang pumasok sa may tent, "Okay na. You may go."
"Seryoso? Nakakaisa pa lang ako ngayong araw ha?"
"Binilang na namin ‘yung mga nakuha nating pera. Sobrang laki na pala. Salamat dun sa nagtakas sa'yo nung unang araw. Laki ng binayad niya. Sure
win na tayo. Napakita ko na rin sa prof." Tuwang tuwang sabi ng president
namin.
So si Ryan pala ang dahilan ng pagkapanalo namin. Thanks to him, I guess?
Lumabas na ako ng booth/tent namin at naglibot libot. Dumaan din akong
CR. At nung palabas na ako, I bumped into someone.
"Sorry po. Sorry," hinging paumanhin nung babae at yumuko pa.
"Okay lang," sagot sa kanya.
"Cass/Megan?" sabay naming sabi kasi siya pala ang nakabungguan ko.
"Haven't seen you in a while.”
"Busy ang lahat sa mga booths nila. So, how are you?"
"Finally free. Natapos na pagbabantay ko sa booth. Libot libot na lang.
Ikaw?"
"Same. I was about to meet someone."
Napangisi ako bigla, "Sino? Siya ba ‘yung -- "
"Yes. ‘Yung manliligaw ko nga." Medyo kinikilig niyang sagot.
"Ayos ha. Improving ba?" panunukso ko sa kanya.
Kinamot niya yung ulo niya at yumuko, "I guess so?"
"Bakit parang unsure ka?"
“Hindi ko alam. Para kasing something's up and I can't figure it out."
"What do you mean?"
"I don't know. I think I'm being paranoid again."
"Ayan ka na naman. I told you to be confident ‘di ba? Tiwala lang sa sarili," sabi ko sa kanya at nginitian siya.
"Oo nga pala." Biglang tumunog ‘yung phone niya kaya kinuha niya ‘yun at sinagot. "Hello? / Around campus lang. May kasama ako. / Si Cass. Yung
kinekwento ko sa'yo. / Okay. Punta na ako dyan. / Bye!" pagbaba niya ng
phone niya, humarap agad siya sa akin. "Cass. I gotta go. Hinihintay na
niya ako. See you na lang."
"Okay. Bye!" sabay wave ko pa sa kanya.
Maglilibot na nga lang ulit ako. Nakakainip naman na maglibot libot dito.
Ang ingay pa. Ang daming mga tao. Nakakahilo. Saan ba ako pwede
magpuntang wala masyadong tao?
Ah, alam ko na. Yung pinuntahan namin ni Ry dati. Sa likod ng school.
Peaceful doon ngayon for sure.
Nagpunta na nga ako sa likod ng campus. Umupo ako sa dating spot na
inupuan namin ni Ry. Sa ilalim ng puno.
Ang lakas din ng hangin dito. Nakakatamad. Nakakaantok. Nakakarelax.
Pinikit ko ang mata ko. And everything went black.
Paggising ko pakiramdam ko may nakatingin sa akin. At nang buksan ko ang
mata ko, hindi pala ako nagkamali. May nakatingin nga. Halos malaglag ang
puso ko sa sobrang gulat.
"Shit!" sigaw ko sa kanya sabay tulak palayo ng mukha.
Napaupo siya sa may damuhan at hawak hawak ang mukha niya, " That's a
nice greeting, Cass. I haven't seen you for for three days tapos ngayong
makikita mo ko itutulak mo lang mukha ko?" Natatawa niyang sabi.
"Baliw ka kasi, Ry! Itapat mo ba naman ‘yang mukha mo sa mukha ko. Kung ikaw kaya ‘yung bagong gising tapos may makita kang mukha na nakatapat diyan sa pagmumukha mo, hindi mo ba gagawin ang ginawa ko?"
Umayos siya ng upo, "Hindi. Kung mukha mo naman ‘yung makikita ko paniguradong ngingiti pa ko."
“Whatever.”
Tumawa siya at ginulo na naman ang buhok ko. Pinalo ko ulit yung kamay
niya. Nagiging habit na niya ang panggugulo sa buhok ko. Hindi ba niya
alam na mahirap mag-ayos ng buhok? Paano kung buhok niya ‘yung guluhin ko?
"Kamusta naman?" tanong niya sa akin.
"Ayos naman. Same same."
"Anong nangyari sa booth niyo?"
"We won ata? Sure win na raw kasi sabi ni Pres. At dahil daw yun sa
binayad mo noong first day. Kaya thank you."
"Anything for you," sagot niya sabay kindat sa akin.
Nginitian ko na lang siya. Gaya ng panggugulo niya sa buhok ko, parang
nagiging habit ko na rin ang pagngiti sa kanya.
"So how was the experience? Pagbibigay payo? Alam kong lagi mo nang
ginagawa ‘yan, pero this time sunod sunod na. Walang pahinga."
"Nakakapagod syempre. Nakakainis din minsan kasi pareparehas lang naman
sinasabi nila. Kung pwede lang i-record lahat ng advices ko at i-play,
malamang ko ba ayun na ginawa ko. Kaya lang may isa akong napansin while
giving advices."
Nagsalubong ang kilay ni Ry at mukhang naging sobrang curious sa
sasabihin ko, "Ano yun?"
"Bihira ang lalaki."
"Huh?"
"Konti lang yung lalaking nanghihingi ng advices. Siguro sa benteng
estudyante dito na nanghihingi ng advice, nineteen doon babae at isa lang
doon ‘yung lalaki. Bakit ganun? Kasi ba ‘yung mga lalaki ‘yung madalas manloko kaya ang mga babae ang madalas manghingi ng advice?"
"Grabe naman 'to. Porque mas konti ‘yung lalaking nanghihingi sa'yo ng advice ibig sabihin mas marami na ang lalaking manloloko?"
"Hindi ba ‘yun ganoon?"
"Siyempre hindi! HIndi dahil sa mas marami kang nakikitang babaeng
umiiyak, ibig sabihin, mas maraming babaeng nasasaktan at mas maraming
lalaki ang nananakit. Wala lang talaga sa nature naming mga lalaki ang
mag-open ng mga problema namin at manghingi ng advice sa kahit kanino.
Mas okay kasi sa aming mga lalaki ang manatili na lang tahimik at hayaan
ang alak maging karamay namin sa tuwing nasasaktan kami."
"Totoo?"
Ang weird ko lang. Wagas ako kung makapagbigay ng advice pero hindi ko
naman talaga alam kung ano ‘yung mga nararamdan nila.
Nagkamot siya ng ulo, "Mukha ba kong nagjojoke?"
Umiling iling naman ako at ginesture ko pa gamit ang kamay ko na hindi
siya mukhang nagjojoke.
"Ganoon kasi talaga karamihan ng lalaki."
"Private when in comes to their feelings?"
"No. Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Vocal naman kami sa nararamdaman namin. Tingnan mo ko, proud na proud akong sabihing gusto kita. Ang
sinasabi ko lang naman kasi, kapag nandoon na kami sa puntong nasasaktan
na kami, hindi na kami madada."
Pagsabi niya niyan, tumahimik kami parehas. Medyo iniintindi ko pa kasi
‘yung mga sinabi niya.
"I get it." Pambabasag ko ng katahimikan. "You don't want to look weak."
"And?"
Nagbuntong hininga ako at humarap sa kanya, "Alam ko na kung bakit konti
lang nanghihinging advice sa akin. Kasi kayong mga lalaki, mapride. Hindi
ko naman nilalahat. Karamihan lang. Kaya ayaw niyong humingi ng tulong
kasi ayaw niyong pakitang vulnerable kayo. Ayaw niyo ng kinakaawaan. Ayaw
niyong pakitang mahina kayo."
"Exacty my point."
"Sa ginagawa niyo, tingin ko mas mahina kayo."
Mukha naman siyang nagtaka sa sinabi ko, "Paano naging?"
"Kasi natatakot kayong harapin yung totoong nararamdaman niyo. Dahil
takot kayong masabihang mahina emotionally, parang nagiging mahina na rin
kayo. I think girls are stronger emotionally than boys. Girls are not
afraid to show their weak side. Nagagawa namin ilabas ang nararamdaman
namin. We don't keep it to ourselves kaya once na nailabas na namin ‘yun, parang mas nagiging light ‘yung dinadala namin. Unlike you boys, you keep everything to yourselves. Iniipon niyo."
"You're partly right."
"Partly?"
"Oo. Alam mo, Cass, not all people are the same. Hindi natin pwedeng
sabihin na mas mahina kami. Na mas malakas kayo. Depende rin ‘yan sa tao."
"So I guess you're right. Ayos ha. May natututunan din ako sa 'yo. Kapag
tumigil na ako sa pagkalove doctor ko, ikaw na lang pumalit sa akin ha?"
biro ko sa kanya.
"Baliw ka na," sabi niya sa akin at parehas na lang kaming natawa. "Know
what? I really missed you."
Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "Parang three days lang."
Sumandal siya sa may puno at nilagay ang dalawang kamay niya sa likod ng
ulo niya, "Kahit na ba. Feeling ko nga three weeks ‘yun. Ang bagal kaya ng oras kapag di kita kasama."
"Bola. Nga pala, how's Baby Chee and Ate Rylee?"
"Ayos. Makulit pa rin pareho."
"Pwedeng pumunta ako sa kanila bukas?" tanong ko sa kanya sabay ngiti.
Mukhang nagulat siya sa biglaang paalam ko kaya napalingon agad siya sa
akin, "Totoo?"
"Mukha ba akong nagjojoke?"
"Aba, linya ko ‘yan kanina."
"I know.Punta ako bukas doon ha. Samahan mo ko."
"Gusto mong kasama ko?" Ayan na naman. Gulat na naman niyang tanong.
"Kakasabi lang ‘di ba? Bahala ka nga. Ako na lang -- "
"Sige sunduin kita bukas sa inyo." Mabilis niyang sagot ay nginitian lang
ako.
=================
Chapter 10: Cold. Expressionless. Strong.
Chapter 10
"Ate!"
Napairap ako nang marinig ang matinis na boses ng maingay kong kapatid.
Bakit ba kasi hindi niya magawang umakyat dito sa kwarto ko at tawagin
ako ng maayos? Panay sigaw. Sinasapain na naman ng katamaran malamang.
"Ano?!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Tara dito sa baba!"
"Ikaw ang umakyat!"
"Kapag hindi ka bumaba sisirain ko ‘yung favorite dress mo."
Okay. I give up.
Tumayo na ako sa kama ko at bumaba. Kapag kasi sinabi niyang sisirain
niya ang damit ko, I know she means it. She did it twice already. Hindi
ko na hahayaang may pumangatlo pa. My sister is such a pain in the a**.
"What do you want Ash?" Bored kong tanong sa kanya habang naglalakad pa
lang ako pababa sa hagdan.
Napahinto ako ng makitang may kasama pala siya sa sala. No other than Ry.
Lumingon sa akin si Ashley at ngumiti. As in ngiting ngiti. "Okay na.
Nakababa ka na. Now, umakyat ka na ulit para magpalit ng damit."
"What?! Pinababa mo ko just to say that? You should have shouted that
earlier para hindi na ako nag-effort bumaba pa dito."
"I just want to tell you that face to face. Don't worry ate, sasamahan na
kita paakyat ngayon." She said while smiling widely as she got up from
her seat. "Kuya Ry. Wait lang ha. Saglit lang 'to. Nuod ka muna. I
suggest Phineas and Ferb panuorin mo."
Napairap na lang ako dahil sa inis kay Ashley. "Brat," bulong ko sa kanya
nang paakyat na kami parehas.
Flinip niya ang hair niya, "I know right."
Dahil sa gesture niyang ‘yun napangiti ako ng ‘di oras. Hay nako. Kahit dakilang brat 'tong kapatid ko, hindi ko naman magawang magalit sa kanya
kahit na minsan, nakakairita na talaga siya.
Pumasok kami sa kwarto ko. Agad akong dumiretsyo sa drawer ko para kumuha
ng damit samantalang siya, humiga sa kama ko at pinanuod ako.
"You didn't tell me you're going out again."
"We're not going out. I'm hanging out with somebody and it just happened
that that somebody is his sister. And his niece, too. So I decided to tag
him along," sagot ko sa kanya habang nagpapalit ng damit. Wala naman sa
amin kung magpalit kami ng damit kahit nasa harap kami ng isa't isa. "And
bakit mo sinabing 'again'? As if we went out na dati."
"You did. Nagdate na kayo dati ‘di ba?"
"Friendly date," sagot ko emphasizing the word friendly.
"Friendly date or whatever, a date is still a date. Teka nga. Bakit kayo
maghahangout ng kapatid ni Kuya Ry? Bakit kailangan niyong maging close?
Kayo ba?"
"We're friends, Ash. Ganoon talaga ‘yun. Minsan you need to be friends with the family of your friend."
"Kailan ka pa naging friendly?" kunot noo niyang tanong.
Nginitian ko siya, "Since last week," sabi ko at saka kinuha yung bag ko
sa may kama at lumabas.
"Alam mo Ate, parang may something na nag-iba sayo. Hindi ko nga lang
madistinguish. Pero alam ko naman na makikilatis ko rin ang nag-ibang
‘yun sooner or later."
"For a grade 6 student, you think so advanced. I-enjoy mo muna ‘yang age mo at ‘wag mong pansinin pinaggagawa ko, okay?"
Pagbaba ko agad akong lumapit kay Ry. "Tara na?" pinatay naman niya yung
tv at tumango.
"Ash, alis na kami."
"Okay. Enjoy!"
"Ang cute niyong mag-away na magkapatid. Bati agad," sabi ni Ry habang
nag-aayos ng seatbelt.
Nginitian ko siya at tumingin din agad sa may bintana, "Ganoon naman
talaga karamihan ng magkakapatid ‘di ba? For sure ganun din kayo ni Ate Rylee."
"Medyo. Mas lang maingay kayo."
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "Ah, ganon?"
Natawa siya at tumingin sa akin saglit, "I'm just stating a fact. Konti
lang naman e. Mga 5% lang." Inirapan ko siya pero tumawa rin ako. Ginulo
niya ang buhok ko at as usual pinalo ko yung kamay niya.
"Gustong gusto mong napapalo 'no?"
"Hindi naman. Gusto ko lang talaga guluhin ‘yang buhok mo. Ang cute cute mo kasi kapag pinapalo mo kamay ko."
"You're iritating me on purpose? Wow ha. Kainis ka."
"Cute ka naman kaya ayos lang. Worth it naman bawat palo mo sa akin."
Siguro dapat ko na makasanayan ‘yung panggugulo niya ng buhok ko and just let him do that. But on the second thought, ‘wag na pala. Siya na lang pala ang masanay na napapalo.
"Sinabi mo bang pupunta tayo?" tanong ko sa kanya nang hininto na niya
‘yung sasakyan.
"No. I-surprise na lang natin sila."
Bumaba kami ng sasakyan at nagpunta sa tapat ng pinto. Pipindutin ko na
sana ang doorbell pero pinigilan niya ako. "Bakit ba?"
"Sabi ko nga isusurprise natin sila. Bakit ka magdodoorbell?"
"Masusurprise pa rin siya. Kasi tayo makikita niya pagbukas niya ng door.
Saka paano tayo papasok kung hindi magdodoorbell? "
Sa halip na sagutin ako, tumalikod siya sa akin at may kinalikot sa may
paso.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Sandali," sabi niya kaya sumandal muna ako sa may pinto at pinanuod
siya.
"Got it," sabi niya sabay harap sa akin at tinaas yung susi na hawak
niya.
Napailing at napangiti na lang ako sa kanya at umusad ng konti para
mabuksan niya ‘yung pinto. Dahan dahan kaming pumasok ng bahay nila Ate Rylee. Grabe mukha kaming magnanakaw ng lagay na 'to.
Nakita ko na sa may dining si Ate Rylee at Baby Chee. Kumakain si Baby
Chee at may kausap naman sa phone si Ate Rylee.
"Okay, honey. Bye."
"Mommy, can we visit papa?"
"Sure, baby. If you like we can go there today."
Bigla akong sinignalan ni Ry na magpapakita na siya. Umubo siya at
humarap sa dalawa, "No need. Nandito na ko," bigla naman binitawan ni
Baby Chee yung spoon na hawak niya at tumakbo papalapit at yumakap kay
Ry. Ngumiti naman si Ate Rylee sa kanya.
"I missed you Papa. Hindi ikaw dumadalaw dito," sabi ni Baby Chee habang
karga karga siya ni Ry.
"Busy kasi. Nga pala, may kasama ako."
Tumingin sa akin si Ry at pinalapit ako doon. Bigla naman bumaba si Chee
sa kanya at tumakba papalapit sa akin. "Mama!" Niyakap ko siya at ganoon
lang din ang ginawa niya. Tumayo naman si Ate Rylee at bineso ako.
"Buti nadalaw ka, Cass. Haven't seen you in a while."
"I just want to hang out with you guys."
Just like before, nagkwentuhan lang kami. At parang dati lang din, sa
garden kami nagstay. Nagkwekwentuhan kaming tatlo nang bigla akong
lapitan ni Chee at hinila.
"Mama, let's play," sabi niya habang hawak hawak pa ang kamay ko at
hinihila ako patayo.
"Chee, no. Stop that. Baka mapagod si Cass kapag pinaglaro mo siya. Kay
Ry ka na lang makipagplay."
"Hindi. Ayos lang. I'll play with her, Ate," sagot ko at nagpahila na kay
Chee sa kung saan man.
Pinunta niya ako sa slide niya. Magslide daw ako kaya ‘yun ang ginawa ko. Honestly, nakakatuwa pala ‘yun. Tawa kami ng tawa at laro lang kami ng laro ni Chee. Parang ang gaan gaan sa feeling. Feeling ko bumalik ako sa
childhood life ko.
Nakahiga kami ni Chee sa damuhan dahil sa sobrang pagod nang tawagin siya
ni Ate Rylee para palitan ng damit. May tumapat naman na bimpo sa mukha
ko. Si Ryan pala. Inaabot niya ‘yung bimpo pero hindi ko kinuha at tiningnan lang saka umupo.
Napailing siya at umupo sa tabi ko. Nagulat na lang ako kasi siya na ang
nagpunas ng pawis sa mukha ko gamit ‘yung bimpong inaabot niya kanina.
"What are you doing? Ako -- " Pinatahimik lang niya ako at pinagpatuloy
ang pagpunas sa mukha ko.
"Ang cute niyo kanina ni Chee. She seems so happy. You both look so
happy."
"Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Parang ang tagal na kasi since
naglaro ako."
Humiga siya sa damuhan at inunan ang braso niya, "Ang sarap mo panuorin
kanina," sabi pa niya pero hindi siya nakatingin sa akin at nakatingin
lang sa langit.
Humiga na rin ako at tumingin sa langit. Sandali kaming binalot ng
katahimikan ng bigla akong nagsalita. "Gusto ko ang lugar na 'to. I can
be myself kapag nandito ako."
"Pwede ka naman maging ikaw kahit saang lugar ka mapunta. Yun nga lang,
alam kong ayaw mong ipakita ‘yung isang side mo. ‘Yung Cass na hindi mukhang walang expression. ‘Yung masayahin. ‘Yung isip bata."
"I have to be strong in their eyes. Cold. Expressionless. Strong."
Natahimik siya saglit pero nagsalita rin, "Bakit dito nagagawa mong
maging ganiyan? Nagagawa mong ipakita yung isa pang ikaw?"
Napangiti ako sa tanong niya, "It's because you're my friend at magaan
ang loob ko sa ‘yo at sa pamilya mo. I trust you." Naramdaman kong tumagilid siya para tumingin sa akin. "Kapag kasama kita, kahit ayoko,
kusang lumalabas yung isa pang ako. Siguro kasi ikaw lang ‘yung real friend ko kaya ganoon. Basta ang alam ko lang.." I paused at humarap sa
kanya. "I am me when I'm with you."
=================
Chapter 11: I will be here for you
Naglalakad ako sa may hallway nang biglang may tumabi't sumabay sa akin
maglakad. Si Ry.
"Saan next class mo?"
"Wala na. Absent prof ko. Pupunta na lang ako kung saan man."
"Great. Sama ako." Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa kanya.
"Magkacutting ka? No. Stay here."
"Wala na akong klase."
"Sinong niloko mo? May isa ka pang subject ngayon."
"Kasi nga – Teka," huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin ng nakakaloko. "Bakit mo alam na may klase pa ko? Stalker kita ano?"
Inirapan ko siya at naglakad na ulit. Hinabol at sinabayan naman niya
ako. "Pinakita mo na sa akin schedule mo dati. Kasalanan ko ba na
magaling ako makatanda kaya alam ko pa rin?" sagot ko sa kanya habang
nakatingin pa rin ng diretsyo sa dinaraanan ko.
"Sabi ko nga. Wala rin prof ko ngayon kaya uwian na ko. Sama ako sa 'yo."
"Ayoko."
"Daya mo naman. Sama na ko."
"Fine."
"Saan tayo?"
"I don't know."
"Ah! Alam ko na!" sigaw niya kaya napahinto ako, "Doon na lang tayo sa
may tinatambayan natin."
Saan ba kami tumatambay? Ah. Alam ko na. Hindi ko na siya sinagot at
nagpatuloy ulit sa paglakad. Kaya lang ngayon may pupuntahan na ako.
Hinabol naman niya ako, "Uy. Ayaw mo dun?"
"I'll buy foods. Mahirap naman kung magutom ako habang nakatambay." Kahit
di ko siya tingnan, alam kong malaki ngayon ang ngiti niya.
Nakaupo ngayon kami sa ilalim ng puno. Tulad lang noong nakaraang araw.
Nagkwekwentuhan lang kami. Nagpapatawa siya at nagagawa ko ng tumawa sa
jokes niya.
Tutal nasabi ko na sa kanya noong nakaraan na nailalabas ko ang isa pang
side ko sa harap niya, wala na sigurong dahilan para ihinto ko ang
pagpapakita ng totoong ugali ko sa kanya.
Minsan lang ako magkaroon ng kaibigan.. ah, mali. Ngayon lang. Ngayon
lang ako nagkaroon ng kaibigan. Kaya mabuti na sigurong magpakatotoo ako
sa kanya.
Ilang minuto lang ang lumipas ng nanahimik kami. Napagod na siguro
kakatawa. Ang kaninang nakaupo na si Ry ay nakahiga na ngayon. At
pinaglalaruan ko ang buhok niya.
"Halatang wala kang magawa kaya pati buhok ko pinaglalaruan mo."
"Wala nga."
"Gusto mong pumunta ng ibang place?"
"Ayoko. Tinatamad ako maglakad. At saka relaxing dito."
Nanatili ulit kaming tahimik. Nakapikit na siya ngayon. Tulog na ata.
Sinandal ko ang ulo ko sa puno at pumikit. Hinihila ko ang damo. At
naghahum.
"Kanta ka nga," napatigil ako sa paghum ng magsalita siya.
"Akala ko tulog ka."
"Oo. Tulog ako. Sleep talking."
"Ha. Ha. Ha. Funny ng joke mo."
"Wala ka lang sense of humor."
"Wow. Kapal ng mukha nito. Meron kaya. Tinatago ko lang," sabay belat ko
pa sa kanya.
"Oo na. Pero wag mo ko libangin. Iniiba mo usapan e. Kanta ka na lang."
"Pangit boses ko. Kaya wag na."
"Pagtitiisan ko na lang yang boses mo. Ayos lang ‘yan."
"Ayaw."
"Kapag hindi ka kumanta.." napahinto siya at nag-isip.
"Ano? Ano gagawin mo kapag hindi ako kumanta?"
Umupo siya at mukhang nag-iisip pa rin. Maya-maya lang ay bigla na lang
niya ako kiniliti, "Ayan. Ayan gagawin ko kapag di ka kumanta."
"A..yaw. Hahaha. Ko. Hahaha. Na. Hahaha." Tinigilan na niya ako at agad
akong naghanap ng hangin. Lokong lalaki 'to. Makakiliti lang. Pinalo ko
siya sa braso, "Walangya ka! Hindi ako nakahinga doon."
Tumawa siya ng malakas, "Malay ko bang ang lakas ng kiliti mo. Ano na.
Kumanta ka na."
"Ayoko pa rin. Sipain kita -- " Hindi pa ko tapos magsalita ng kiniliti
niya ulit ako.
"Hahaha. Tama hahaha na. Hahaha. Ayo -- hahaha -- ko. Hahaha. Na."
Tiningnan ko siya ng masama nang binitawan na niya ako.
"Kakanta ka na ba?" Maloko niyang tanong.
"Ayoko."
"Ah. Ayaw mo ha," akmang kikilitiin na niya ako ng hinarang ko ang kamay
ko.
"Ayoko na kasi. Ikaw na lang." Medyo nagpapaawa ko pang sabi sa kanya.
"Ang hina ko naman sa 'yo.”
Natawa na lang ako at kinurot sya sa pisngi, "Next time promise. Pero
ngayon, ikaw na lang muna.”
"Pasalamat ka ang lakas mo sa akin. Kahit ang hina ko sa'yo."
In this world of stranger of cold and friendly faces, there’s someone you can trust. There’s someone you can trust. I will be your shelter. I’ll give you my shoulder. Just reach out for my love. Reach out for my love. Call my name and my heart will here. I will be there, there’s nothing to fear. I will be here for you, somewhere in the night.
Somewhere in the night. I'll shine a light for you. Somewhere in the
night. I'll be standing by. I will be here for you.
"Ang ganda ng kanta."
"Kanta ko ‘yun para sa 'yo," seryosong sabi niya. Bigla akong may naramdaman na hindi ko alam kung ano.
"Bola pa. Nagugutom ako. Oy. Kain lang ako ha. Una na ako sa 'yo." Tumayo
na ako at iniwan ko na siya doon. Aalis na lang muna ako.
"Hindi mo ko isasama?" sigaw niya.
Tinaas ko ang kamay ko at sumigaw nang di nakatingin sa kanya, "Diyan ka
na lang. Ang dalas na natin magkasama. Nasasawa na ko sa pagmumukha mo."
"Asa pa! Walang nasasawa sa gwapo kong mukha!" sigaw pa ulit niya. "Oy,
ingat ka!"
Tinaas ko lang ulit ang kamay ko at nag-wave.
***
"Here's your order, ma'am."
"Thanks."
Kakainin ko na ang ramen ko ng biglang may umupo sa harapan ko kaya
napatingala ako.
"Hi."
"What are you doing here?" irap ko sa kaniya.
"Kakain ako syempre."
"Sa table ko? Bakit ka nasa may table ko? Go away."
"Puno na. Occupied na lahat ng table. Makishare na lang ako sa'yo."
Tiningnan ko ang paligid at puno na nga pala talaga.
"I don't even know you. Get lost."
"My name is -- "
"I don't care.” Ano bang pakialam ko sa papansin na lalaking ‘to?
"Basta. Ako si Zac. Kilala mo na ako kaya dito na ako uupo."
Mukhang wala na akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siya. ‘Wag lang niya ako istorbohin sa pagkain ko.
Halos sabay lang kami natapos kumain pero hindi talaga kami nag-usap.
Buti na lang hindi siya makulit. Paalis na sana ako nang bigla siyang
magsalita.
"You're the school's love doctor?"
"None of your business. Wait. Schoolmate kita. You should've known."
"Transferee kasi ako."
I rolled my eyes at lumabas na sa restaurant. Pasakay na sana ako ng
sasakyan ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Cool car." Napairap na naman ako at hinarap ko siya.
"Mr. Zac, sinusundan mo ba ako?" Nagkibit balikat siya at ngumiti. At for
the nth time, napairap na naman ako at sumakay na talaga sa sasakyan.
***
Pagdating ko ng bahay dumiretsyo agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama
ng biglang tumunog ang phone ko. Si Ry 'to malamang. I answered the phone
without looking sa caller ID.
"Why?"
"Nakakaistorbo ba ko?" Teka. Bakit, boses babae 'to?
Tiningnan ko ang phone ko at napapalo na lang ako sa noo ko. Unsaved
number pala 'to. Bakit sinagot ko?
"Who's this?"
"Megan. Remember?"
"Oh. Yes. Of course. O, bakit ka napatawag?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Sorry sa istorbo. Hindi ko lang
talaga alam kung sino lalapitan ko." Sa tono ng boses niya mukhang alam
ko na ang sasabihin nito. "Kasi.. "
"Kasi ano?"
"Hindi na niya tinuloy panliligaw niya."
"Bakit daw?"
"Magmamigrate sila ng family niya at ‘di raw nya kaya ang LDR. Nakakainis lang. Kasi kung kailan tuluyan na akong nakakapit sa kanya, saka niya pa
ko iiwan." Napaiyak na siya sa kabilang linya.
Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko responsable ako sa nangyari. Ako kasi
ang nagpayo sa kanya na bigyan ng chance yung lalaki. I thought it might
work.
"I'm sorry." Sa dami ng pampalubag loob na pwede kong sabihin, ayan pa
ang lumabas sa bibig ko.
"Wala ka naman kasalanan. Siguro -- "
"No. I think kasalanan ko na binigyan mo siya ng chance. I thought he's
different from other guys. It turned out na mali ako. Na parehas din pala
siya ng iba."
"No, Cass. Walang may kasalanan. Siguro hindi lang talaga kami para sa
isa't isa. Sinabi ko lang sa'yo 'to para may masabihan ako at hindi para
konsensyhin ka o ano. You haven’t done anything wrong. Thankful din naman ako na pumayag ako magpaligaw. At least kahit saglit lang naging masaya
ako. Masakit man ngayon, alam kong mawawala rin 'to."
Napatahimik ako sa sinabi niya. Loss for words siguro. Mas matapang siya
sa inaasahan ko. Hindi siya natatakot masaktan. Parang kanina lang
umiiyak siya kasi malungkot at nasasaktan siya, tapos ngayon masaya siya
kasi nangyari ang mga nangyari.
Siguro nga tama siya. Tama sila. Sila ni Ry. Na ang love.. para sa
matatapang. At some point siguro ganun nga ang love. For the
strongs. Pero alam ko na tama rin ako. Para sa mahina ‘yan. Para sa ayaw mag-isa. Para sa duwag. Pero paano ko papanindigan ang pananaw ko kung
nakikita ko si Megan at Ry ng ganiyan?
Si Megan na kahit nasasaktan at umiiyak ay pilit pa rin na nagpapakatatag
at hindi pa rin natatakot sumubok ulit magmahal. Pati na rin si Ry. Na
kahit ilang beses ko nireject ay hindi pa rin nagagawang sumuko.
Nakakatawa. Ako ang expert dito pagdating sa love ‘di ba? Pero bakit parang mali ako ng pananaw dito at sila ang tama?
=================
Chapter 12: Ryan's effect
"Cass? Ikaw ba ‘yan?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at biglang napangiti nang makitang si
Ate Rylee pala ‘yun, "Ate Rylee! I missed you."
Niyakap niya ako yung tipong mapapatay na niya ako sa sobrang
higpit, "It's been a while. How are you?"
"Same pa rin, ate. Ikaw? Saan si Chee?"
"Kasama yung daddy niya. Bonding time ng dalawa. Nga pala, wala ka bang
klase or cutting -- "
"Ate naman. Wala na akong klase 'no."
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "Tara, merienda?"
"Sure."
Nagpunta kami sa pinakamalapit na kainan. Nang maibigay na ang orders
namin, nagsimula na kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Mostly chikahan
lang.
Nakakatuwa rin pala talaga ang magkaroon ng kaibigan na babae. At least
ngayon alam at ramdam ko na may dalawa akong totoong kaibigan. ‘Yung
kinaibigan nila ako dahil sa gusto lang talaga nila at hindi dahil sa may
kailangan sila.
Napansin ko ang biglang pagtahimik ni Ate Rylee at seryosong nakatingin
lang sa bar sa tapat ng kinakainan namin.
"Gusto mo bang uminom?"
Nilingon niya ko at halatang gulat pero natawa siya sa naging tanong ko.
Napakunot naman ako ng noo. "Ayoko. I stopped drinking since I married
Chee's father."
"Akala ko lang kasi gusto mo uminom kasi nakatulala ka doon sa bar sa
tapat."
"Naalala ko lang kasi si Ry." Naalala niya si Ry dahil sa bar? Lasinggero
ba ‘yung lalaking ‘yun? Nako, hindi ko alam ‘yun. "No. Hindi siya lasinggero kung ayun ang iniisip mo."
"Bakit si Ry pa naisip mo?"
Napangiti siya bigla, "He wanted to build his own bar someday."
"Totoo?"
Tumango siya, "Ewan ko nga ba kung ano trip niya at gusto niyang magtayo
ng bar. Everytime tatanungin ko naman siya ang sasabihin lang niya, hindi
rin daw niya alam. Basta raw gusto lang niya." Baliw ba si Ry? Gusto
lang? Walang dahilan? "Nag-aadik ata ‘yang kapatid ko. Matripan lang. Pero minsan kinakabahan ako diyan sa batang ‘yan."
“Bakit naman?"
"Kasi minsan ganoon siya. Kapag tatanungin mo siya kung bakit niya
ginagawa ang isang bagay, isasagot lang niya kasi gusto niya. He never
thinks of the consequences. Kinakabahan ako na baka isang beses may gawin
siyang bagay na hindi niya pinag-iisipan na posibleng pagsisihan niya sa
bandang huli."
"Trust."
Halatang naguluhan si Ate Rylee sa sinabi ko. Nginitian ko naman
siya, "You should trust his actions. Kilala mo naman siya. Hindi naman
siya gagawa ng bagay na hindi maganda. Gumawa man siya ng action na hindi
iniisip ang consequence, pagkatiwalaan mo na lang siya na kung maging
maganda o hindi man ang kalalabasan ng bagay na yun, magagawa niya ‘yung tanggapin. Kung maganda ang kalabasan, be happy for him. Kung hindi
naman, isipin mo na lang na magagawan pa rin niya ‘yun ng paraan. Na hindi man naging maganda ang result, gagawa pa rin siya ng way para
mapaganda ‘yun. Kasi ganun si Ry. Tiwala lang."
Natahimik at napatitig sa akin si Ate Rylee habang nakangiti at mukhang
nabigla pero natuwa sa sinabi ko. "You trust him that much?" tanong niya
sa akin. "May point ka, Cass. You know him well already. Masaya ako at
ganyan ang pagtitiwala mo sa kanya. Ry is so lucky to have you. Siguro
hindi man as a girlfriend tulad ng gusto niya, swerte pa rin siya kasi
kaibigan ka niya."
"No, ate. Ako ang swerte dahil kaibigan ko siya."
"Ah. Alam ko na. Parehas kayong swerte kasi magkaibigan kayo.” Natawa kami parehas ni Ate Rylee at nagpatuloy na sa pagkain.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, biglang may humalik sa pisngi ni Ate
Rylee na ikinagulat ko pati na rin niya. Natawa naman ‘yung lalaki at biglang sumulpot si Chee na tumatawa tawa rin.
"Ginulat mo ko. Hi. Kamusta naman ang bonding niyo?"
"Ang kulit kulit nitong anak mo - na anak ko rin. Pinagod ako. Pero
syempre, worth it naman. Right, baby?"
"Yes, daddy," nagsalita si Chee sa kanya at nanlaki ang mata ng
mapatingin sa direksyon ko. "Mama!" Agad siyang lumapit sa akin at
yumakap habang hinalikhalikan ako sa pisngi.
Natawa ako at ginulo ang buhok niya ng magkaspace na sa aming
dalawa, "Hi, Baby Chee. Namiss kita." Nginitian niya ako ng sobrang laki
at umupo sa lap ko.
"Ay oo nga pala. Sorry. Cass, my husband, Nick. And Nick, Cass."
Inabot noong Nick ‘yung kamay niya at tinanggap ko naman ‘yun. "Nice to finally meet you, Cass."
"Same here -- "
"Kuya Nick." Pagpapatuloy niya ng mapansin sigurong hindi ko alam kung
ano ang itatawag sa kanya.
"So.. kamusta na ba kayo ni Ry? Napasagot ka na ba?" Nagulat na lang ako
sa biglang tanong niya niyan. Ang straightforward.
"H-hindi niya ako nililigawan."
"Ano?! Ang bagal naman ng lokong ‘yun." Napailing siya at humarap kay Ate Rylee, "Hon, gusto mo turuan ko dumamoves ‘yang kapatid mo?"
Sinampal naman ng pabiro at sobrang hina ni Ate Rylee si Kuya Nick, "’Wag kang echosera diyan. Kalalaki mong tao ang chismoso mo. Tanda tanda mo na
ganyan ka pa."
"Oy makamatanda ka. Isang taon lang agwat natin."
"Yah. Whatever. Matanda ka pa rin. Saka hon, wag mo na pakialaman ‘yang si Ry at Cass. Magkaibigan ‘yang dalawang ‘yan. Baka magkailangan kapag mangialam ka pa."
Parang batang pinagsasabihan ni Ate Rylee si Kuya Nick. Parang bata rin
silang nagtatalo sa harap namin ni Chee. Parang wala pang anak kung
kumilos yung dalawang to. Nakakatuwa.
"Mama, where's papa?"
"Baka nasa school pa, baby."
"Visit me again soon with him please." Ngumiti at tumango naman ako sa
kanya saka siya hinalikan sa pisngi.
Habang nagtatalo pa yung dalawa, sumingit na ako sa eksena, "Uhh. Teka
lang. Teka lang. Mamaya na kayo magtalo. Magpapaalam na ko. Mauna na ko
sa inyo."
"Tara na. Sabay na tayo magpuntang parking."
"Hindi na Ate Rylee. Coding. Nagcommute lang ako."
"Hatid ka na lang namin." Tatanggi pa lang sana ako pero nagpumilit na si
Kuya Nick kaya wala na akong nagawa.
***
"Sino yun?" bungad na tanong sa akin ni Ice nang makapasok ng bahay.
"Pamilya ng kapatid ni Ry."
"’Yung kinukwento mo?"
Tumango ako bilang sagot.
"Sino ‘yung Ry, Ate Cass? Boyfriend mo?" tanong ng kaibigan ni Ice na si Xander.
Nandito pala ‘yung tatlong barkada nitong kapatid ko. Mag-iingay na naman panigurado mga 'to.
"A friend."
"Woah?! Seryoso? Ate Cass?! May kaibigan ka na? Bago ‘yan ha. Anong nakain mo at naisipan mong maghanap ng kaibigan?"
Sinamaan ko ng tingin ang nagtanong na si Josh. "Wala. Wala akong nakain
at wala ka rin makakain sa pamamahay ko dahil sa tanong mo."
"Hala. Grabe ka! Joke lang, Ate Cass. H’wag mo naman ako gutumin." Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog pa
ako.
"Oo na. Tumigil ka lang at lumayas sa harapan ko."
"Bait mo talaga, Ate!"
Inirapan ko na lang siya. "Hoy, Ken. Buti nandito ka. Pakitutor nga lang
‘yang si Ice sa Algebra. Nakita ko ‘yung nakaraang exam niyo. Bagsak ‘to."
"Sure, Ate."
"Thanks. Ikaw lang talaga may pakinabang dito. Hindi tulad ng dalawa.
Nagpupunta lang para manggulo," pabulong kong sabi kay Ken na ikinatawa
niya.
"Narinig ko yun," biglang tayo ni Xander.
Tinawanan ko lang siya at binelatan. Paakyat na sana ako nang magsalita
bigla si Ice, "Kailan ka pa natuto niyan?"
Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Natuto ng alin?"
"Ganito," at dumila rin siya.
"Noong isang araw?"
Sandali niya akong pinanliitan ng mata at nginisian, “Mukhang epekto ‘yan ng Ryan sa ‘yo.”
"Bakit siya napasok sa usapan?"
Hindi niya ako sinagot at tinalikuran lang. Anong problema ng kapatid ko?
=================
Chapter 13: Decision making
Nakatitig lang ako sa cellphone ko dahil hindi ko alam kung paano
rereply-an ang text ni Ry.
Kainis. I hate it when I don't know what to say. Kasi naman nilinaw ko na
sa kanya 'to dati pa. Friendship is the only thing I could offer.
Binuksan ko ulit ang conversation namin.
From: Ry
Cass, I have something to ask.
To: Ry
Ano yun?
From: Ry
Promise me first that you won't get mad?
To: Ry
No. Unless you tell me kung ano ‘yang tanong mo.
From: Ry
Ayos lang pala na magalit ka pero wag mo kong ipagtabuyan ulit.
To: Ry
Ipagtabuyan? Why would I do that? Just ask.
From: Ry
Can I court you?
Hinagis ko ang phone ko sa kama at gumulong gulong. Why is he trying to
make things complicated?
"Kainis ka!" Napaupo ako sa kama nang marinig ang sigaw ni Ashley.
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya only to find out na nanunuod lang pala
siya ng TV.
"Medyo malakas ang sigaw mo in case hindi mo alam."
Napatingin naman siya akin at tumingin ulit sa TV. "Bwisit kasi 'tong
pinapanuod ko."
"Ano ba yan?" umupo na ako sa may tabi niya.
"May magkaibigan kasing babae at lalaki. Nainlove si girl kay boy. Umamin
siya. Tapos triny nilang magdate. Habang nagdedate sila naisip ni girl na
posibleng gusto na rin siya ni boy. Umasa. Nag-assume. Kaya lang biglang
umamin si boy na hindi niya talaga kayang suklian ‘yung love ni girl. Nasaktan si girl. Lumayo kay boy. Kaya ayun, nasira ang friendship."
"So.. tingin mo dapat hindi na lang sila nagdate para hindi umasa si
girl?"
"Oo. Nakakapanghinayang ang friendship kaya nila. Pero -- "
"Oo tama ka, Ash. Hindi dapat paasahin ang mga kaibigan sa mga bagay na
wala namang patutunguhan," sagot ko sa kanya tapos tumayo na at lumabas
na ng kwarto niya kahit na alam kong may sasabihin pa dapat siya.
Pumunta ako ulit sa kwarto ko at kinuha ‘yung phone ko. Rereplyan ko palang sana si Ry ng bigla niya akong tinawagan. Sinagot ko naman ‘yun at bago pa siya magsalita ay nauna na ko.
"Wait. Listen to me first. About sa tanong mo kanina. Napag-usapan na
natin ‘to Ry. I'm not the girl who wants to be in a relationship right now. Alam kong alam mo na that's the least thing I want. You're my
friend, Ry. Ayokong mawala ang friendship natin kasi baka mamaya pumayag
akong magpaligaw sa ‘yo kahit alam kong hindi naman kita sasagutin. I value our friendship, okay? And I can't give you what you want."
Matagal bago magsalita ang nasa kabilang linya. Ilang segundo o minuto
ang lumipas nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Obviously
that's a no."
"Sorry, Ry."
"Hindi. Ayos lang. I was expecting it anyway. Kaya lang sinubukan ko pa
rin magtanong. Baka kasi mamaya magkahimala. Pero Cass.. sa tingin mo ba
sa future.. pwedeng.. you know. Magkagusto ka sa ‘kin at maging tayo."
"I'm really sorry, Ry, pero masyado kong pinapahalagahan ang
pagkakaibigan natin more than anything at ayokong mawala ‘yun."
Hindi na naman siya nagsasalita. Naguiguilty ako. Pero ayoko naman kasing
magsinungaling sa kanya.
"Ry. Intindihin mo na lang sana ang desisyon ko. I don't want to lose
you. And by being your friend, just your friend, may possibility that I
can keep you forever. If forever does exist. I'll choose where we'll last
longer. I don't want to give you false hope. I want you to be happy, Ry.
Importante ka sa akin at ayaw kong masaktan ka ng sobra kaya ilalayo na
kita sa mga bagay na makakasakit sa'yo. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko
na sa'yo ang desisyon ko kasi alam kong mas masasaktan ka kung papayag
ako magpaligaw sa ‘yo tapos bigla kitang i-dump kasi hindi ko pala kayang suklian ‘yang nararamdaman mo. Importante ka sa akin, Ry. I care for you. A lot."
"Alam mo kahit binasted mo na naman ako at nafriendzone ako sa'yo, hindi
ko mapigilang mangiti sa sinabi mo. You do care Cass. You care too much.
Sige. Ayos na ko siguro dito. Sa pagiging kaibigan mo. In that way
malapit pa rin ako sa'yo. Kontento na muna ako dito."
***
Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Nakakaguilty pala talagang
mangbasted. Ilang beses ko na siyang binasted pero ngayon lang ako
nalungkot at nasaktan para sa kanya.
"May ending na!" sigaw ni Ashley nang bigla niyang buksan ang pinto sa
kwarto ko.
Tiningnan ko siya, "Alin?"
"’Yung kwento kanina. ‘Yung sa magkaibigan. Tama ako."
"Tama na dapat hindi sila nagdate? I know. Dapat talaga hindi."
"Hindi! Mali ka naman e. Hindi mo kasi ako pinatapos kanina. Tama ako na
magsisisi ‘yung lalaki sa ginawa niya."
Bigla aking napaupo sa kama at napatingin nang diretsyo kay Ashley.
Curiousity is running in my blood. "Magsisisi?"
Tumango tango siya, "Oo. Magsisisi siya na ganun ‘yung desisyon niya. Kasi noong nawala ‘yung babae, doon niya narealize na gusto niya rin pala ‘yun. Sabi nga nila, 'You'll never realize the importance of someone until they're gone.' Nag-aaply ‘yan sa lalaki. Tatanga tanga kasi." Magsasalita sana ako ng magsalita siya ulit, "He lose his friend and his
love."
Napaisip ako.
"I saved our friendship."
"Ha?"
"Pinili ko kung saan kami tatagal. Pinili ko kung saan ako sigurado.
Pinili ko kung saan hindi kumplikado. At alam kong hindi mali ang
desisyong ginawa ko. Kasi alam kong magiging maayos ang lahat sa
desisyong pinili ko."
=================
Chapter 14: Zac
"Hey." Nilingon ko yung nagsalita at umirap. "Masyado kang masayang
iniirapan ako."
"O? Tapos?"
"Nakikipagkaibigan lang naman ako."
"May kaibigan na ako."
Umupo sa tabi ko si Zac, "Ako wala pa."
Napatingin ako sa kanya. Wala siyang kaibigan? Kaya ba ni minsan hindi ko
siya nakitang may kasama?
Nginitian niya ako at sa pagngiti niyang yun, parang medyo kumirot ang
puso ko. Alam ko ang pakiramdam ng walang kaibigan. Hindi naman ako
nalungkot doon, pero hindi ko maitatanggi na iba pa rin ang pakiramdam na
magkaroon ng kaibigan.
"Bakit wala kang kaibigan?"
"Iniwan ko kasi silang lahat."
Iniwan? Kanina nalungkot ako para sa kanya. Pero baliw pala siya at siya
ang may kasalanan.
"Iniwan ko sila sa States. Sabi ko nga sa'yo, transferee lang ako. Kasi
kakauwi ko lang ng Pinas. Magbuhat nang bumalik ako dito, hindi ko alam
pero hindi ko na nagawang makipagkaibigan sa iba. Paano kasi yung mga tao
sa school na 'to, hindi ko alam kung nakikipagkaibigan sa akin dahil sa
gusto lang talaga nila o kaya dahil sa nagwagwapuhan sila sakin."
"Ha?! Grabe ha. Hangin. Maaawa na sana ako sa'yo kaya lang bigla kang
bumanat ng ganyan."
"Ayos lang. Ayoko namang kaawaan mo ko."
Sabagay. Kung iisipin ko rin pala, itong si Zac, parang ako rin. Ang
kaibahan nga lang, kahit noon wala akong naging kaibigan at ni minsan
hindi ko nagawang maghanap ng kaibigan.
"Ano na?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasabi nito?
"Pwede na ba kitang maging kaibigan?"
"Bakit ba kasi ako pa ang pinipilit mong maging kaibigan mo?"
"Ikaw lang ang mukhang makakasundo ko."
"Seryoso ka? Tingnan mo nga ngayon kung nagkakasundo tayo."
"Please?"
Nakikiusap siya? Gusto niya talagang makipagkaibigan sa akin? Bakit ba
kasi ako pa? Ang dami naman niyang makakasundo diyang iba. Kaya lang kung
tatanggihan ko naman siya, wala siyang magiging kaibigan. Teka nga. Ano
bang pakialam ko kung wala siyang kaibigan? Hindi naman ako ang
mawawalan. Siya naman ang kawawa. Ako magiging ayos lang.
Kaya lang.. parang nakakaguilty. Kawawa naman siya. Bakit ba kasi
nagkaganito ako? Bakit ba naiisip ko na ang pakiramdam ng ibang tao?
Kainis.
"Sige, wag na. Ayokong pilitin ka -- "
"Payag na ko."
"Talaga?!" 'Yung kaninang nagmamakaawa niyang mukha, napalitan ng sobrang
kaligayahan. He badly wants to be my friend.
"Ano pa bang magagawa ko? Pero papaalalahanan na kita ngayon pa lang.
Hindi ako yung tipong kaibigan na gugustuhin mo talaga. Most of the time
I just don't care."
"Wala naman na akong pakialam kung anong klaseng kaibigan ka. Basta
friend na kita kaya ayos na."
Bago ko pa malaman ang ginagawa ko, nangitian ko na siya.
"Woah. Ayan ang first time na nginitian mo ko. Usually kasi iniirapan mo
lang ako."
Ganoon ba talaga ako kadalang ngumiti? Na tuwang tuwa sila kapag
nangingitian ko sila? Ganyan din si Ry noon. Naalala ko pa 'yun. Noong
nakaupo kami sa buhangin sa gilid ng dagat. Noong panahong naging
magkaibigan din kami.
"Sige. Pasok muna ako sa klase ko. 10 mins. late na ko."
"Kanina pa pala nagsisimula klase mo hindi ka pa umalis agad."
"Ayos lang. Naging kaibigan naman na kita."
"Sige na. Sige na. Alis na."
"Later!" tinaas niya pa ang kamay niya at saka tumakbo paalis. Ilang
segundo lang ata ang lumipas nang makita ko siyang tumatakbo pabalik.
"Number mo nga pala?"
***
"Cass!" Napalingon ako sa kaklase kong hindi ko naman kaclose nang
tawagin niya ako.
"Bakit?"
"Ano.. Birthday ko kasi. May handaan mamaya sa bahay ko. Invited lahat.
Kasama ka. Sana makapunta ka."
Pang-ilang beses na ba akong inimbitahan ng mga kaklase ko kung saan-
saan? At ilang beses ko na rin ba sila tinanggihan? Di ko na maalala. Isa
lang ang sigurado ko ngayon, lagi ko silang tinatanggihan sa tuwing
iniimbitahan nila ako. Buti hindi pa sila nagsasawa yayain ako.
"Sure. I'll go." Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Anong
magagawa ko? E sa gusto kong sumama ngayon e. "And happy birthday nga
pala."
"Thank you." Nginitian ko siya at binalik ang tingin ko sa labas ng room.
Sa may bintana.
Tumunog ang phone ko. Text message galing sa unknown number. I bet si Zac
'to.
Hi Cass. Zac here. Anong oras dismissal mo?
Parang alam ko na kung bakit nagtatanong 'to. Baka sasabay umuwi o
magyayaya gumala since new friend niya ko.
I don't know. Depende kung darating pa prof ko ngayon. Why?
Let's hang out.
Oops. May lakad ako after class. Maybe next time.
Okay. Next time na lang. Ingat ka dun. :)
Babalik ko na sana 'yung phone ko sa bag nang bigla yun magring. Ry.
After nang usapan namin tungkol sa pagiging magkaibigan lang, hindi na
siya nagparamdam. No texts, calls at di ko na rin siya nakita. I never
called or texted him either just to give him time. Binasted ko e.
Saka anong sasabihin ko? Kamusta na siya? Paano kung bigla niyang sabihin
na 'di pala siya okay kasi binasted ko siya? Alam kong medyo makapal ang
mukha ko para isipin na nagmumukmok si Ry sa pagkakabasted ko sa kanya
pero kasi ayokong mainis siya sa akin kung kakausapin ko siya kahit
kakabasted ko lang sa kanya.
Sa halip na sagutin ‘yung tawag niya tinitigan ko lang yung screen ng phone ko. Anong sasabihin ko?
=================
Chapter 15: Boyfriend
"Wala ka ba talagang balak sagutin yung tawag ko?"
Halos tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses niya.
Sa likod ng upuan ko, nandoon siya. Si Ry. Nakatayo at hawak ang phone
niya.
"Wala ka ba talagang balak sagutin ang tawag ko?" Tinitigan ko lang siya.
Nagulat lang siguro akong makita siya ulit. "At wala ka rin bang balak
kausapin ako?"
"Ry."
"Obviously."
"Paano ka nakapasok sa room namin?"
Tinuro niya 'yung isa kong kaklase, "Pinapasok niya ko. Hinahanap kita."
"Ry -- "
"Nandyan na si ma'am." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang
kaklase ko.
"Nandyan na pala prof niyo. Sige, mamaya na lang. Kita tayo sa
tinatambayan natin. Punta na ko doon ha? Tulog muna ko. Bye!"
Pupunta ba ko? Syempre malamang oo. Bakit naman hindi ako pupunta dun?
"Class dismissed."
Nililigpit ko na ang gamit ko nang lapitan ulit ako nang kablock kong si
Sheena. 'Yung nang-imbinta sa akin sa party niya.
"Cass, sabay ka ba sa amin?"
"May dadaanan pa kasi ako. Susunod na lang ako. Okay lang ba?"
"Oo naman."
"Sige, una na muna ko. Mamaya na lang." Paalam ko sa kanya at nagpunta na
sa tinatambayan namin ni Ry.
Ano bang sasabihin niya? Na ayaw na niya akong maging kaibigan kasi
binasted ko siya? Ganoon kasi mga napapanuod ko sa tv.
Malayo pa lang nakikita ko na si Ry na nakahiga sa may damuhan. Nakalagay
'yung braso niya sa likod ng ulo niya. Gawin bang unan ang braso.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at tiningnan siya. Mukha namang peaceful
siya. Wala lang siguro sa kanya ang pangbabasted ko. Bakit ba kasi naging
big deal 'to sa akin? Ilang beses ko na ba siya binasted?
Tinitigan ko ang mukha niya. Ang tangos pala ng ilong niya. Ang pula pa
ng labi niya. 'Yung pisngi niya ang kinis. Walang bahid ng pimples maski
white heads. Alam kong gwapo siya pero ngayon ko lang narealize at
talagang naramdaman na gwapo pala talaga siya. Ang dami sigurong patay na
patay sa lalaking 'to.
"Kabisado mo na ba features ng mukha ko?"
Napaupo ako sa damuhan dala ng pagkagulat sa pagsasalita ni Ry. Gising
pala siya.
Unti-unti siyang dumilat at umupo para sumandal sa puno saka ako
tiningnan at nginitian.
"Gising ka pala."
"Nagising lang."
Tumango ako. Sandaling katahimikan. "Bakit mo nga pala ako hinahanap
kanina?"
"Wala lang. Masama bang hanapin ang kaibigan ko?"
"Pwede ba 'yun? Wala lang?" sagot ko sa kanya at umupo sa tabi niya.
Inakbayan niya ako at medyo inilapit sa kanya. Parang sinasakal na tuloy
niya ako.
"Namiss kasi kita," sabay gulo pa niya ng buhok ko. Ayan ang paborito
niyang gawin. Ang guluhin ang buhok ko. At tulad ng nakagawian, pinalo ko
ang kamay niya. Hindi na siya nasanay.
Nang bitawan niya ako, lumingon ako sa kabilang gilid ko at bumulong,
"Namiss daw. Sino kayang hindi nagparamdam ng ilang araw."
"Sorry." Agad akong napatigin sa kanya. Narinig niya sinabi ko?
"Sorry hindi na ko nagparamdam. Tinamaan kasi ako ng hiya. Sinabi mo na
ngang magkaibigan lang tayo tapos tinanong pa kita kung pwedeng manligaw.
Kaya lang hindi kita matiis. Hindi ko magawang hindi magparamdam at
magpakita sayo ng matagal. Namimiss agad kita. Kainis. Ang lakas talaga
ng tama ko sa 'yo. Sa 'yo na kaibigan ko."
Parang hinahabol ng tatlong kabayo 'yung puso ko. Kinakabahan ako, oo.
Hindi ko alam ang dahilan. Siguro dahil sa natouch ako sa sinabi niya at
nakonsensya kasi di ko magawang suklian 'yung nararamdaman niya.
"Kaibigan mo pa rin naman ako 'di ba?" tanong niya habang nakatingin ng
diretsyo sa mata ko.
Sa halip na sagutin ang tanong niya, ngumiti ako at sinabing, "Namiss
kita."
Nanlaki ang mata niya sandali at nang makabawi ay niyakap akong bigla.
Kaibigan ko pa rin siya. Hindi na 'yun mabubura.
***
"Saang party?"
"Kay Sheena. Kablock ko."
"Ayos ha. Sumasama ka na ngayon sa mga ganu’n."
"Ayos ba? Bago 'to. Kailangan ko rin sigurong lumabas sa lungga ko."
Nakarating na kami ng parking lot. Hinatid niya ako sa kotse ko at saka
ko lang naalala, "Coding ka?"
"Yep."
"Saan ka sumakay pagpasok sa school?"
"Commute syempre. At kung tatanungin mo kung paano ako uuwi, magcocommute
pa rin syempre. 'Wag kang mag-alala. Mag-iingat naman ako para sa'yo."
Magsasalita pa lang sana ako pero nagsalita na naman siya, "Pero joke
lang."
"Ewan ko sa'yo. Pero Ry -- "
"Cass!" Napatingin ako sa sumigaw sa pangalan ko.
"Sheena. Nandito ka pa pala?"
"Inayos ko isa kong requirement kay Sir Humanities. Pa-major kasi. Ikaw,
bakit nandito ka pa? Akala ko ba may dadaanan ka?"
Napatingin ako kay Ry kaya sinundan ni Sheena 'yung tingin ko. Napansin
niya si Ry at saka niya ibinalik ang tingin sa 'kin. "I see. Siya ba ang
sinabi mong dadaanan mo? Nagpaalam ka sa boyfriend mo?" Boyfriend?
"Yes. I mean, no. Yes, siya 'yung dadaanan ko and no. Hindi ko siya
boyfriend. A friend. Sheena this is Ryan. And Ry this is Sheena. 'Yung
sinasabi kong pupuntahan kong party." Nagshakehands naman sila after ko
silang ipakilala sa isa't isa.
"Sorry. Akala ko kayo. You look good together kasi kaya akala ko kayo."
Napatingin sa akin si Ry at ngumiti and for the first time in my life,
naramdaman kong nag-init yung mukha ko.
"Anyway.. gusto mo bang sumasama sa amin?" tanong ni Sheena kay Ry.
"You sure?"
"Yup. Friend ka naman ni Cass. Sige. Nice meeting you. Kung sasama ka,
see you later na lang." tapos ay lumingon siya sa akin, "Sunod ka na lang
Cass ha? I'll go ahead na. Baka may mga tao na doon. Naunahan pa ko,"
biro pa nya at umalis na.
Nakatingin lang ako sa papalayong si Sheena nang magsalita si Ry, "So..
pwede ba akong sumama?"
"Invited ka na nga 'di ba?"
"Okay lang ba sa'yo?"
Kailangan pa ba niya ng approval ko? Okay ba sa akin?
Unconsciously, napangiti ako, "Oo naman. Mas masaya kung nandoon ka."
=================
Chapter 16: Divert Your Attention
Medyo marami palang tao sa party na pinuntahan ko. Ang akala ko
ordinaryong birthday party lang 'to. Tama lang ang bilang ng mga taong
imbitado. 'Yung tipong magkakainan lang kayo. May magkakantahan. Tapos
kwentuhan. Tapos maliwanag. Yung normal na ilaw ng normal ng bahay.
Pero kailan ba nagkaroon ng tamang akala? Puro kabaligtaran pala ang
meron sa party na 'to. Ang dami ng tao. Parang buong college namin
inimbitahan niya. Mayroon ngang nagkakainan pero mas marami ang nag-
iinuman. May nagkakantahan man pero sinasabayan lang nila 'yung
napakalakas na kanta na nanggagaling sa speaker. Mas maraming nagsasayaw
at nagwawala. At oo nga, tulad ng akala ko, maliwanag. Pero iba't ibang
kulay ng ilaw ang lumalabas.
"Akala ko simpleng party lang," sigaw sa akin ni Ry ng makapasok kami sa
loob.
"Akala ko rin. Grabe pala!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Ayos ka lang dito? Hindi ka sanay sa ganitong klaseng lugar."
"Ayos lang. Kailangan ko rin naman ng bagong environment."
Nginitian ko siya at kumapit ako sa braso niya na halatang ikinagulat
niya at saka tuluyan nang nakipaggitgitan sa mga tao. Ang dami.
May nakita kaming couch kaya dun muna kami nagstay ni Ry.
"Cass! You're here." sigaw ng isa kong kaklase ng makita niya ako.
Tinanguan ko naman siya. Inabutan niya ako ng inumin pati na rin si Ry
kahit di naman niya kilala. Alcohol. At pagkatapos ay umalis na siya.
Iinumin ko na sana 'yun nang bigla agawin ni Ry yung inumin ko at nilagay
sa gilid nyang lamesa.
"Akin 'yan. Daya."
"Uuwi ka pa. You can't drink and drive."
Napasibi na lang ako. Sayang din 'yun. Pero may point siya kaya hindi na
lang ako papalag.
"Yung sa'yo? Di mo iinumin?"
"Wala ako sa mood uminom ngayon."
Napatingin ulit ako sa paligid. Sa itsura ng lugar na 'to ngayon.. parang
naging bar na siya. At speaking of bar.. "May nasabi sa akin si Ate
Rylee." Tiningnan niya ako na parang nagtatanong. "Gusto mo raw magtayo
ng bar."
Nang masabi ko ang salitang 'yun, biglang lumawak ang ngiti niya.
Napasandal siya sa couch at nilagay 'yung braso niya sa sandalan nito
kaya parang nakaakbay na siya sa akin.
"Oo. That's my dream."
"Ang sabi ni Ate Rylee, hindi mo raw alam kung bakit gusto mo magtayo ng
ganun. Basta gusto mo lang."
"Totoo naman. Gusto ko lang talaga."
"Walang other reasons?"
Umiling siya, "Hindi pa ba sapat na rason na magustuhan ko magtayo nu'n
kasi gusto ko lang talaga? Kailangan ba may rason ka para gustuhin ang
isang bagay?"
Kailangan nga ba?
Tinaas ko ang dalawang balikat ko at nagdequatro saka sumandal, "Mas
maganda siguro kung may rason. Para kung mawala man ang pagkagusto mo
lang na gawin ang bagay na 'yun, hindi mo pa rin siya matitigilan gawin
kasi may pinanghahawakan kang rason. Minsan kasi 'yung rason na lang na
'yun ang nagiging dahilan para kumapit ang tao."
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang kasi talaga muna siya sa ngayon at 'yung
rason na hinahanap mo, ay makita ko na lang kapag natayo ko na ang bar na
gusto ko?" Napatango ako sa sinabi niya. Oo. Pwede yun. "Minsan kasi mas
nauunang gustuhin ang isang bagay sa kadahilanang gusto mo lang talaga.
Sumusunod na lang 'yung rason."
Sa totoo lang hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan namin.
"Medyo magulo na."
"Magulo ba? Hmm." Nilagay niya ang daliri niya sa baba niya na tila nag-
iisip. "Bibigyan kitang example." Nakatahimik lang ako at hinihintay
'yung halimbawa na sinasabi niya.
"Ikaw."
"Ako?!" Gulat kong tanong sabay turo pa sa sarili ko.
"Oo. Ikaw. Noong nakita kita naisip ko na gusto kita. Walang rason. Gusto
ko lang talaga. Pero noong napalapit ka na sa akin, doon na pumasok 'yung
rason na sinasabi mo. Lumalapit pa rin ako sa'yo kahit ilang beses mo
akong binasted. Hindi kita iniiwan at lagi akong nandito kapag kailangan
mo ng kaibigan. Alam mo ba kung ano ang rason niyan?" Tinitigan niya ako
at huminto sandali. "Ginagawa ko ang mga 'yun kasi ayaw kong mawala ka sa
akin. Kahit bilang kaibigan man lang."
Sa pangalawang pagkakataon, nag-init na naman ang mukha ko. Agad kong
iniwas ang tingin ko sa kanya at tumawa. Awkward laugh.
"Oo nga. Naiintindihan ko na. Ahh. Ry, kuha lang akong pagkain. Gusto mo
ba? Kuha na kita?" pag-iiba ko sa usapan.
"Samahan na lang kita."
Nagpaalam saglit si Ry na magCR lang. Kaya ako, naglibot libot muna.
"OMG. You're Cass. Nagpupunta ka pala sa mga gantong party," sabi ng
babae na hindi ko naman kilala.
"First time ko lang magpunta sa ganito."
"Buti na lang nandito ka. I just need your advice right now."
Ang tagal na rin pala ever since nag-entertain ako ng mga tanong ng mga
tao sa akin tungkol sa lovelife nila. At ngayong sasagot o mag-aadvice na
ulit ako, lasing pa 'tong kinakausap ko.
"Spill."
"Yung taong gusto ko, boyfriend na ng kaibigan ko." Straightforward.
Direct to the point.
Hindi muna ako nagsalita at hinintay kung may sasabihin pa siya ulit. At
hindi nga ako nagkamali. Nagsalita pa ulit siya.
"Kung ikaw nasa posisyon ko. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ang
nararamdaman mo o itatago mo na lang kasi alam mong posibleng magkagulo?"
Kung ako ang nasa posisyon niya ano nga ba ang posibleng gawin ko? Ang
hirap na kasi kapag kasama na ang kaibigan sa usapan.
"Sino bang mas importante sa'yo? Ang kaibigan mo o ang sinasabi mong
gusto mo?"
Halatang napaisip siya sa sinabi ko.
"Kung 'yung gusto mo.. siguro ayos nga lang na sabihin mo 'yang
nararamdaman mo sa kanya mismo. Para gumaan ang pakiramdam mo. Pero
tandaan mo.. kapag sinabi mo 'yan, hindi ka pa rin nya mamahalin kasi may
mahal na siyang iba at ayun nga ay 'yung kaibigan mo. Alam kong masakit
pakinggan 'tong sinasabi ko pero kailangan mo pa rin pakinggan kasi ayun
ang totoo."
"Kung sa tingin mo naman mas importante 'yung kaibigan mo.. pwedeng
sabihin mo sa kanya 'yung nararamdaman mo para sa boyfriend niya. At
maghanda ka na lang sa magiging reaksyon niya. May magbago man o wala, at
least nasabi mo sa kanya 'yun 'di ba? Ang akin lang, huwag kang gagawa ng
hakbang na pagsisisihan mo sa bandang huli. Huwag kang maging kontrabida
sa kanilang lovestory. Malay mo hindi lang talaga siya para sa 'yo. May
ibang mas higit pa sa kanya na nakalaan para sa 'yo. Hintay hintay lang.
Darating din 'yun."
Tulad ng iba, nagpasalamat lang din siya at umalis na. Ako naman,
nagpunta sa may garden. Mas konti kasi ang tao dito. Medyo nahilo ako sa
loob.
Umupo ako sa may gilid at chineck ang phone ko. Nagtext pala ulit si Zac.
Nakauwi ka na?
Napailing na lang ako sa nabasa ko. Ganito ba talaga siya maging
kaibigan?
Not yet. Maya maya uuwi na ko. I'm with Ry.
Good. At least someone's there to protect you.
Protect? Ha! As if I can't protect myself. And protect me from what?
From dangerous people. Parang di mo alam kung gaano kadelikado ngayon.
Concern lang ako.
Magrereply pa sana ako kaya lang biglang may tumawag sa akin. "Cass?"
Medyo madilim kaya pilit ko siyang inaaninag.
"Megan?"
"Ikaw nga. Nagpupunta ka pala sa mga parties."
"First time lang. Ikaw?"
"First time lang din. Pinsan ko kasi si Sheena."
"Really? Cool."
Nagkwentuhan lang kami ni Megan habang nakatambay sa may garden. Hindi ko
magawang i-open yung tungkol sa manliligaw niya dati. Mahirap na. Pero
kung titingnan ko naman siya.. mukhang pinipilit naman nyang maging
masaya. At least hindi lang sya nagmumukmok sa kanila.
"Nga pala. I found ways para hindi ako masyadong magmukmok sa pag-iwan
sakin nung ex suitor ko." Sudden change of topic na ikinagulat ko. Parang
ayos na kasi talaga sa kanya.
"Paano?"
"Naghanap ako ng crush."Tinaasan ko sya ng kilay. Ganoon ba dapat? "To
divert my attention." dagdag pa nya na parang nabasa ang nasa utak ko.
Napatango naman ako.
"So.. may nahanap ka naman?"
Ngumiti siya at para pa siyang kinikilig, "Meron."
"Really? Ano ayos niya?"
"Gwapo. Parang walang flaws."
"Wow. Wala talagang flaws? Ang cool naman niyan. Ituro mo naman sya sa
akin. Hindi ko kasi nakita 'yung ex suitor mo. Sana ito man lang makita
ko na."
Napanguso naman siya at napakamot sa ulo niya, "Hindi ko pa kasi siya
kilala. Hindi rin niya ako kilala. Pero promise, once na makilala ko
siya, ipapakilala ko sya sa 'yo. Kailangan siyang makilatis ng friend ko
syempre."
Friend. Oo nga. Kaibigan ko siya.
Lumalaki na talaga circle of friends ko. At teka lang. Did I just had my
girl talk with Megan? It's not as bad as what I've expected.
"Promise 'yan ha. I'm looking forward."
"Sure. Hey Cass. May kasama ka ba? Kasi kailangan ko ng umuwi. Ang dami
ko pang gagawing requirements. Medyo late na."
"Yes. I'm with a friend. Sige na. Umuwi ka na." Nagbeso siya na
ikinabigla ko, nagwave sakin at umalis.
Napangiti akong mag-isa. Masaya rin pala talaga magkaroon ng mga
kaibigan. Sana noon pa lang nakipagkaibigan na ko edi sana ngayon marami
na ang kaibigan ko. Pero ayos lang din pala 'to. Konti man sila sa
ngayon, at least alam kong totoo silang mga tao.
=================
Chapter 17: Babysitter
"We'll be having an educational tour next week. You're not required to
go, but of course, those who'll come will have their advantages."
"Ma'am, what are those advantages po?"
"First, you'll have additional points on your quiz. Second, you won't be
obliged to do a research paper about a certain topic. Third, you'll be
exempted on your finals. And lastly, you'll get to bond with your
blockmates, of course."
Wow. Kung ganyan lang naman ang matatanggap ko sa pagsama sa educational
tour na yan, hindi na ako magdadalawang isip na sumama. Exemption sa
exam? The best yun. Wala ng review review.
"Those who are interested to come may give their payments to me. You know
where you can find me. Payments after Friday won't be accepted anymore.
Are we clear?" Nagsipagtanunguan naman ang mga kablock ko sa tanong ni
ma'am. "Okay. Dismissed."
Nakaramdam ako ng excitement. Hindi man ito ang unang beses na sasama ako
sa isang educational trip, ito naman ang unang beses na pakiramdam ko ma-
eenjoy ko ang pagsama dito.
May mga ka-close na akong kablock ko kaya alam kong magiging masaya 'to.
Ilang buwan pa lang naman ang lumilipas magbuhat ng magkaroon ako ng mga
bagong kaibigan pero pakiramdam ko taon na ang lumipas dahil sa dami na
rin ng nagbago. Nagbago sa sarili ko pati sa pakikitungo ko sa ibang tao.
Pero kahit na gaano kalaki man ang ipinagbago ko, may mga bagay pa rin na
nananatiling hindi nagbabago.
"Uy, girl. Sama ka?" Napalingon ako sa katabi kong si Kate. Isa na rin
siya sa kaclose ko.
"Oo. Sayang ‘yung exemption."
"Yes! Sama tayo ha? Sure na yan. Wala ng bawian?"
"Oo nga. Kulit nito."
Nginitian naman niya ako at saka sinigawan yung isa ko pang naging
kaclose na si Sheena. Nasa may likod kasi kami nakaupo tapos si Sheena
nasa harap.
"Sheena! Sasama kami ni Cass! Sama ka rin!!"
"Loka loka! Malamang sasama ko! Tingin mo ba gusto kong magfinals?!"
sigaw pabalik ni Sheena. Napailing na lang ako sa dalawa. Pwede naman
silang maglapit na lang para di na nagsisigawan. Mga baliw talaga.
Kaysa makinig sa sigawan ng dalawa, kinuha ko na lang ang phone ko para
magbasa ng mga message.
From: Megan
Tapos na class mo? Tara, lunch? :)
From: Zac
Ayoko. Kahit ipilit mo pa yan. Wala kang mapapala sakin. :P
Napakunot ang noo ko sa text sakin ni Zac. Nakakainis kasi. Ayaw niyang
ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Tama na raw sa kanya ‘yung isa lang ang kaibigan niya dito. Corny nito. Kainis.
Hindi ko pa nga siya naikwekwento kay Megan at Ry. Sila Kate pa lang
nakakakilala sa kanya kasi minsan pumupunta siya sa room ko. At teka nga.
Speaking of Megan. Rereplyan ko muna 'to.
To: Megan
Sorry, Megs. Can't go. May lakad ako. Maybe some other time? :)
Nakakatuwa lang isipin na nagawa kong magbago sa pakikitungo sa kanila.
Noong una halos irapan at patayin ko sila ng mga tingin ko pero ngayon,
ayan.. kaibigan ko na sila. Hindi na rin daw ako nakakaintimidate
masyado. Nagagawa na rin daw nila akong biruin na hindi natatakot na baka
matarayan ko sila.
I have to admit na kung ano mang pagbabago ang nagagawa ko ay
nagugustuhan ko. Mas masaya kasi ako ngayon kung ikukumpara noon.
Hindi rin naman maitatanggi na dahil sa pakikipagkaibigan at pagpupumilit
ni Ry kaya nangyari ang mga nangyayari ngayon.
"Girl, maglunch kami. Sama ka?" napatingin ako kay Sheena. Nakalapit na
pala siya. Ngayon ko lang napansin.
"Pass muna."
"Nako. Alam ko na kung bakit."
"Ako rin. Alam ko kung bakit.""May date kayo ni Ryan 'no?"
"Ha? Date kayo diyan. Hindi kami nagdedate nu’n."
"Sus! E bakit ganun kayo kaclose? Halos lahat naman kami iniisip na
boyfriend mo ‘yun. Pero syempre iniisip lang namin ‘yun kapag wala si Zac."
Kita mo 'to. Kanina si Ry lang. Ngayon pati si Zac dinamay.
"Malamang close kami. Bestfriend ko kaya si Ry."
"Bestfriend daw. Nako. If I know.."
"Whatever! Pagtulungan niyo pa ko. Salbahe 'tong mga 'to. Lumayas na nga
kayo!"
Natawa naman ang dalawa. Magsasalita sana si Kate kaya lang biglang
umextra ‘yung isa kong kablock, "Cass. Hinahanap ka ni Ryan."
"Sige na, girl. Una na kami. Nandyan na yung bestfriend mo." Pinagdiinan
pa talaga niya ‘yung word na bestfriend.
“Saan tayo pupunta?"
"Susunduin natin si Baby Chee. Magbebabysit tayo. May date si Ate Rylee
at Kuya Nick. Mga pabagets." Nakakunot-noong sinasabi ni Ry habang
nakatingin ng diretsyo sa kalsada.
Hinarap ko ‘yung mukha niya sakin at diniretsyo ‘yung noo niya, "Tatanda ka agad kakakunot niyang noo mo." Traffic naman kasi kaya hindi pa siya
nagdradrive at pwede pa nyang ibaling sa iba ang tingin niya.
"Ang corny kasi ng dalawa. Iniiwan si Chee. Dapat magfamily outing sila
at hindi ‘yung date nilang dalawa lang."
"Ayos lang ‘yun. Minsan kailangan nila ng time na silang dalawa lang. Huwag mo na kontrahin. Saka nandito naman tayo para alagaan si Chee.
Tayong tatlo na lang ang magbonding."
Humarap siya sa akin at ngumiti sabay gulo ng buhok ko, "Galing mo
talaga." At syempre pinalo ko ulit kamay niya. Ilang buwan na kaming
ganto. Ang hilig pa rin niya guluhin buhok ko.
Nang makarating kami kila Baby Chee agad kaming sinalubong ni Ate Rylee.
"Thank you talaga sa pagpayag magbabysit dito kay Chee ha."
"Ayos lang Ate. Kayo pa. Malakas kaya kayo ni Kuya Nick sa akin."
Bigla namang sumulpot si Kuya Nick at inakbayan ako at saka ginulo ang
buhok ko. May lahi talaga silang mahilig manggulo ng buhok.
"The best ka talaga Cass. Ang lakas pala namin nitong si Rylee sa 'yo.
Pwede bang lubusin mo na? Apply ka namang yaya ni Chee."
Nang pakawalan niya ko pinalo ko siya ng mahina sa balikat at inayos ko
ang buhok ko, "Kainis ka naman Kuya Nick. Ayoko na nga. Hindi ka na
malakas sa akin. Si Ate Rylee na lang."
"Ha! Ano ka ngayon, Nick. Ako na lang ang malakas kay Cass. Loser ka
talaga kahit kailan," sabay akbay pa ni Ate Rylee sa akin.
"Oy, Cass naman. Ang daya nito. Walang favoritism."
"H’wag ka ng magreklamo diyan, tanda."
"Hindi pa ako matanda. Konti nga lang age gap natin. Lagi mo na lang ako
sinasabihan ng matanda."
Ayan na naman sila. Kung magtalo akala mo mas bata pa kay Baby Chee.
Bago pa sila magbabag sa harap ko, sumingit na ako, "Awat na. Parehas na
kayong malakas sa akin kaya wala na kayong dapat pagtalunan. Maski age
gap niyo pa ‘yan."
"Ang arte niyong dalawa. Unang una, parehas na kayong matanda. H’wag niyo na pagtalunan ‘yan. Pangalawa, malakas man kayo diyan kay Cass, alam nating lahat na mas malakas ako sa kaniya kesa sa inyo. Lumayas na nga
kayo."
Sinamaan ng tingin nu’ng dalawa si Ry na ikinatawa ko. Alam kong gegerahin nila si Ry kaya unti-unti akong umalis sa eksena para puntahan
si Chee sa kwarto niya.
"Baby?" tawag ko sa kanya pagsilip na pagsilip ko palang sa pinto. Agad
naman siyang tumayo at tumakbo papalapit sa akin, "Mama!"
"Hi, Baby Chee. Kami muna kasama mo ngayon ha?"
"Yes, Mama. Mommy told me that already. Daddy and mommy will go
somewhere."
"Good. Kaya tayo.. tayo naman nila Papa mo ang magbabonding. Okay?"
"Yes, Mama. You, Papa and me will have a very good time." Itinaas niya pa
‘yung kamay niya pagsabi niya niyan.
Ginulo ko naman ang buhok niya at niyakap siya. Nakakatuwa talaga 'tong
batang 'to.
"Salamat sa pag-iwan sa ‘kin doon ha." Napatingin ako sa nagsalitang si Ry. Napakasarcastic ng pagkakasabi niya.
"Walang anuman. Tulad nga ng sabi mo, malakas ka kasi sa akin."
"Oo nga. Ramdam na ramdam ko." Natawa na lang ako sa kanya. Siguro nga
inapi siya nu’ng dalawa. Lumapit naman siya sa amin ni Chee at binuhat si Chee saka hinalikan sa pisngi, "Hi, baby. Did you miss Papa?"
"Opo. You didn't visit me here for a week."
"Sorry, baby. Busy kasi sa school."
"Okay lang po. Study first, Papa. Para may makuha kang magandang work.
Tapos kapag nagwork ka na, ibibili mo ko ng maraming toys."
"Wow. Ang galing talaga ng baby namin. Sige. Mag-aaral ng mabuti si Papa
tapos ikaw dapat, mag-aral din ng mabuti. Deal?" Nagthumbs up si Ry.
Nagthumbs up din si Chee at pinagdikit yung thumbs nila, "Deal."
"Guys. Aalis na kami," sabi ni Kuya Nick na nakasilip lang sa may
pintuan.
Lumabas naman kami sa kwarto ni Chee para ihatid ‘yung dalawa.
"Kung aalis kayo ng bahay, pakipalitan na lang ng damit si Chee. Kapag
pinagpawisan, nasa drawer lang ‘yung bimpo. Punasan niyo agad. ‘Wag niyo hayaang matuyan ng pawis ‘yan. Napaliguan ko na ‘yan kanina. Kapag 6:30-7 pakainin niyo na ng dinner. Kapag super late kami at by 8:30 wala pa
kami, linisan niyo na at pagsepilyuhin niyo. Painumin niyo rin ng gatas
at dapat tulog na siya ng 9. May pasok pa ‘yan bukas. Tapos -- "
"Ate, tama na. Okay na. Kuha na namin. Pwede na kayong umalis," awat ni
Ry kay Ate Rylee.
"Mommy, don't worry. You may go na po. Babye!"
Napabuntong hininga na lang si Ate Rylee at niyakap si Chee. "Sorry,
baby. Babye."
Lumapit din si Kuya Nick at hinalikan si Chee, "Bye, baby. Be good, okay?
‘Wag mo sila masyadong pahirapan."
"Opo."
"Cass, Ry, alis na kami. Alagaan niyo ‘yan." pahabol pa ni Ate Rylee at pumasok na sa kotse pagtapos kaming ibeso.
"Date na kami ha?" Natatawang sabi ni Kuya Nick at saka nagpaalam sa
amin. Bago pa siya tuluyang sumakay sa kotse, nilingon niya pa kami ni
Ry, "Magbahay bahayan muna kayo dyan. Pero wag masyadong bahay bahayan
ha. Tandaan, may bata."
Ano raw?
=================
Chapter 18: Best cook in town
Nagpunta kaming mall nila Ry. Ipapasyal kasi namin si Chee. Hawak hawak
kami ni Chee sa magkabila niyang kamay.
Habang naglalakad lakad kami may narinig akong dalawang nanay na nasa
likod namin na pinag-uusapan kami.
"Ang bata bata namang magulang ng dalawang yun. Tingnan mo yung anak
nila. Ang laki laki na. Bata nilang nagkaanak. Tsk tsk. Kawawa naman ang
mga magulang ng batang yan."
"Oo nga. Ang bata pa nila. Kahit na maganda sila tingnang magkakasama,
sana naghintay muna yung dalawang batang 'to bago gumawa ng bata. Aba'y
parang nakababatang kapatid lang nila yun."
Sa mundo talaga hindi nawawala ang mga chismosa. Nakapagconclude agad.
Hindi naman alam ang kwento pero kung magsalita akala mo alam lahat at
akala mo perpekto.
Hindi ko na lang pinansin yung mga narinig ko. Bahala na lang silang pag-
usapan ang buhay namin. Dun sila masaya e. Hindi naman nila ikakaunlad
yan.
"Saan mo gusto pumunta, Chee?"
Huminto kami sa paglalakad at tumingin-tingin si Chee sa paligid. Bigla
naman siyang ngumiti at tinuro ang Blue Magic.
"Please buy me a bear?" Lumapit sya kay Ry at hinila ‘yung laylayan ng damit niya.
"Sure. Tara."
Naniningin si Chee ng mga teddy bear sa loob. Mukhang tuwang tuwa sya sa
nakikita niya at parang nahihirapan pang pumili. Kanina pa kasi siya ikot
ng ikot. Tinitingnan lang namin siya ni Ry. Nakakatuwa kasi siyang
panuorin.
"Tulungan ko muna ‘yun." Paalam ko kay Ry at nilapitan si Chee.
"Ma, what should I buy?"
"What do you like the most?"
Tiningnan na naman niya ‘yung mga teddy bear. Maya maya lang may tinuro na siyang teddy bear at kinuha ko na ‘yun. Hinanap ko si Ry at nakita kong nasa may counter na siya. Excited lang magbayad?
Nilapitan na namin siya ni Chee, "Papa. Ito po gusto ko."
"Wow. Ang cute naman nito. Sige. We'll take this."
"Where do you want to go next?"
"I'm hungry po. Let's eat."
Tulad nga ng gusto ni Chee, kumain kami. At matapos naming kumain,
naglibot libot lang ulit kami. Nang makaramdam na kami parepareho ng
pagod, napagpasyahan na naming umuwi. Five pm na rin noon.
"Palitan kita ng damit, Baby," sabi ko kay Chee at hinila siya papasok ng
bahay.
Nang mapalitan ko na siya, pumunta kami sa may bakuran nila kasi nandoon
si Ry at nakaupo lang. Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya habang si
Chee, nagpunta na sa may slide at naglaro na.
"Full charge na ulit siya."
Nagkwentuhan lang kami ni Ry ng mga bagay bagay. Binalikan lang namin
‘yung mga nangyari noong nakaraang buwan.
"Mama. Papa. Gutom na po ako." tumatakbong lumapit sa amin si Chee.
Chineck ko naman ang relo ko. Napatagal ata kwentuhan namin. 6 na pala.
"Order na ko ng pagkain." tatayo na sana si Ry para tumawag pero
pinigilan ko siya.
"Magluluto na lang ako."
"Nako. Baka sunugin mo lang kusina ni Ate."
"Marunong kaya ako."
"Masarap ka ba magluto? Baka mamaya pag-eexperimentan mo lang kami ni
Chee."
"Ang bully mo! Bahala ka. ‘Wag kang kakain ng luto ko. Umorder ka ng pagkain mo."
Sinundan naman niya ako kasama si Chee na tumatawa, "Uy Cass. Ayokong
magutom. Pakainin mo ko."
"Bumili ka ng pagkain mo!"
"Hassle. Pahingi na lang ng lulutuin mo."
"Wala ka namang tiwala sa luto ko kaya wag kang kumain."
"Joke lang yun. Ikaw kaya ang best cook in town."
"He! Wag mo kong dinadaan sa bola mo."
"Joke lang kasi. Basta naniniwala akong masarap luto mo. Promise."
Inirapan ko naman si Ry at kumuha ng gulay sa ref, "Hiwain mo ‘yan."
Nagluto kami ni Ry habang nanunuod sa amin si Chee at nang natapos na
kami at kumain na, nasarapan naman silang dalawa. Matapos kumain, inurong
ko na ‘yung mga pinagkainan namin.
"Pwede ng mag-asawa." Napalingon ako kay Ry na nakasandal lang sa may
gilid at pinapanuod akong maghugas.
"Asa pa. Parang di mo ko kilala."
"Sabi ko nga.”
"Asan si Chee? Bakit iniwan mo?"
"Naglalaro lang doon."
"Baliw talaga 'to. Dapat hindi mo iniwan."
Pinuntahan ko si Chee sa kwarto niya. Naglalaro nga lang siya ng doll
house. Maya-maya lang ay napansin ko ng naghihikab siya.
"Inaantok ka na?" Tumingin lang siya sa akin at kumurap kurap. Parang
nagpipigil mapikit ng tuluyan. "Tara na. Linisan na kita para makatulog
ka na."
Nilinisan ko na siya tulad ng bilin ni Ate Rylee. Pinahiga ko na si Chee
sa kama. Bigla namang dumating si Ry na may dala dala ng gatas ni Chee.
"Timing pala ako."
Inayos ko ‘yung kumot ni Chee at humiga sa tabi niya saka siya tinapik tapik. Nakatulog din naman siya agad matapos ‘yun. Dahan dahan akong tumayo sa kama niya at pinatay ang ilaw saka lumabas.
Nakaupo lang si Ry sa sofa at nanunuod. Napatingin siya sa akin nang
mapansin na papalapit ako. "Tulog na?"
“Oo.”
"Napagod ka?" tanong ulit niya.
"Slight." Lumapit ako sa kanya at hiniga ang ulo ko sa shoulder niya.
"Inaantok ka na ba?"
"Slight." Inakbayan niya ako at hinawakan ‘yung buhok ko. He's caressing my hair kayo lalo akong inantok. "Pwedeng matulog muna?"
"Oo, sige. Tabi ka muna kay Chee. O kaya sa guest room ka muna."
"Antok na antok na ko. Dito na lang."
"Ano ba yan. Kulit talaga nitong bestfriend ko. Sige na. Dito na lang.
Goodnight Cass."
And I drift to sleep.
=================
Chapter 19: Boo
Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Inikot ko ang
mata ko sa paligid at nakita ko si Ry na natutulog sa sofa. Mukhang guest
room 'to nila Ate Rylee.
Tumingin ako sa wall clock. Madaling araw na. Alas dos pa lang. Alas
dos?! Hala! Lagot ako sa parents ko nito. Hindi ako nagpaalam.
Agad kong hinanap ang bag ko. Nasa side table lang pala siya. Kinuha ko
ang phone ko at nagulat ako sa nakita ko. Konting messages lang? Wala
galing sa magulang ko? Anong nangyari? Hindi nila ako hinahanap? Hindi ba
sila nag-aalala?
Nagbrowse ako sa inbox ko at may nakita akong message ng daddy ko.
Okay. Please take care of her. Thank you.
Napakunot ang noo ko nang makita ang message na ‘yun kaya binuksan ko ang message para mabasa ang convo.
Good evening Mr. Scott. This is Rylee, sister of Ryan. Ipagpapaalam ko
lang po sana ‘yung anak niyo na kung pwede dito na lang po muna matulog sa amin. Pinakiusapan ko po kasi silang magbabysit kanina at sa sobrang
pagod ay nakatulog na po siya. I hope na pumayag po kayo. Thank you.
Buti na lang pala naitext agad ni Ate Rylee si daddy. Mahirap na kung
hindi nila ‘yun naitext. Baka mag-alala pa yun at baka masabon ako.
Tinaas ko ulit ang convo at napansin ko ang oras ng text. 8:40. Teka. Sa
pagkakatanda ko 8:30 ako umalis ng kwarto ni Chee. Imposible namang
nakauwi na agad si Ate Rylee ng ganoong oras kasi kakatulog ko lang nun
sa may baba kanina.
Ay. Pasaway talaga 'tong Ry na 'to. Sigurado akong siya ‘yung nagtext. Ginamit lang niya pangalan ng ate niya. Ayos na rin ‘yun. Kung si Ry ang magpaalam para sa akin, baka mapagalitan lang kami parehas. Lalaki pa rin
siya kaya baka mag-alala sila daddy. Pero tiwala naman ako kay Ry.
Bestfriend ko naman ‘to.
Napalingon ako sa kanya. Nakahiga sa sofa at ang pinakaarm ng sofa ang
ginagawa niyang unan. Ang sakit lang niyan sa batok. Napailing ako at
lumapit sa kanya
"Ry," tapik ko sa balikat niya.
Unti-unti siyang dumilat at tumingin sa akin, "Tanghali na ba?" medyo
antok pa niyang tanong.
Nginitian ko naman siya at umiling, "2am pa lang. Doon ka na muna sa kama
matulog. Mukhang hirap ka diyan."
"Ayos lang ako dito."
"Wag ka ng makulit. Doon ka na sa kama."
"Ayos lang sa 'yo?"
"Oo naman. Para san pa't bestfriend kita?"
Ngumiti naman siya at tumayo saka humiga sa kama at pumikit. Tingnan mo
'to. Kanina papilit pa pero ngayon tulog na.
Napailing na lang ako at sumunod na sa kama para bumalik sa pagtulog.
Kaya lang kahit na nakakatulog ako, ilang minuto lang nagigising ulit
ako. Mas kumportable kasi ako sa pagtulog kapag may niyayakap akong unan.
Lumingon ako kay Ry na mahimbing na natutulog at nag-isip. Wala namang
malisya. Bestfriend ko naman 'to. Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap.
"Uy. Ayos ka lang ba?" Mahinang tanong niya. Nagising ko pala.
"Payakap. Wag kang maingay. Natutulog ako," sabi ko lang at pumikit.
Hindi na rin naman siya nagsalita at niyakap lang din ako.
Nagising ako na ganoon pa rin ang pwesto. Nakayakap pa rin kay Ry. Medyo
gumalaw ako kaya mukhang nagising ko siya. Tumingala ako at tiningnan
siya. Pagdilat niya, agad siyang napatingin sa akin kaya nginitian ko
siya.
"Morning," bati niya at kinusot kusot ang mata niya.
"Morning," umupo ako at napatingin sa wall clock. 8am.
“Crap!"
Bigla siyang napaupo, "Bakit?!"
"Naabsent ako sa first class ko," malungkot kong sabi sa kaniya. 7-11
kasi ang first subject ko. Wala na. Hindi na ako aabot.
"Shit. Ako rin."
Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Hindi ko alam kung
ano ang nangyari pero bigla na lang kami nagtawanan. Nababaliw na ata
kami.
"Mag-ayos na lang tayo para sa second subject. 1-3 pa next class mo ‘di ba?"
Tumango ako sa kanya, "Oo. 2-3 ka pa ‘di ba?" tulad ko, tumango lang din siya.
Wala e. Kabisado na namin ang schedule ng isa't isa. Ganyan ang
magbestfriend.
***
"Cass!" napalingon ako sa tumawag at saka kumaway at tumakbo papalapit sa
kanya at niyakap siya.
"Hi, Megan!"
"Saan ka pupunta?"
Kinamot ko ang ulo ko at saka siya nginitian, "Hindi ko nga alam e."
"Sama ka na lang sa akin. Merienda tayo."
Tumango naman ako at sumama sa kanya para magmerienda. Kalagitnaan namin
sa pagkain, nang may naalala ako, "So.. ano ng nangyari doon sa crush mo?
Aba. Ilang months mo na atang crush ‘yan pero maski pangalan hindi mo pa alam."
"Bihira ko kasi makita. At saka ano ka ba. Nakakahiya kayang magtanong
kung ano pangalan niya. Baka mamaya isipin nu’n na ang arte arte ko."
"Pangalan lang ang tatanungin maarte na? Ayos ka lang?"
"Kahit na ba. Nakakahiya kaya."
"Sige. Next time, kapag magkasama tayo at nakita mo siya, ituro mo agad
tapos ako magtatanong ng name niya."
Ngumiti siya ng pagkalapadlapad, "Really? Yes! Thanks, Cass. The best ka
talaga." Inirapan ko na lang siya at saka tumawa. "Nga pala. Hindi ko pa
nakikita yung kinekwento mong bestfriend. Si Ryan."
"Malay ko ba kasi kung saan nagsusuot yun paminsanminsan. Pero pakilala
kita."
"Yes. Makilala ko rin ‘yang bestfriend mo. Nako. Wala pa ba kayong something nyan? Ganoon ang mga magbebestfriend minsan ‘di ba?"
"Hindi kaya lahat. Parang kami ni Ry. Hanggang bestfriends lang talaga.
Masaya kami ng ganto."
"Kung manligaw ‘yun sa 'yo wala siyang pag-asa?"
"Bestfriends kami. Ayun lang ‘yun."
"Mukhang masaya pa naman ‘yung bestfriends turned to lovers. Sayang."
"Nako. Kung anu-ano yang naiisip mo. Nga pala. Wala ka pa bang klase?"
Tiningnan niya ang relo niya, "Magsisimula na next class ko. Una na ko
ha?" tumango naman ako at niyakap siya.
"Ingat!"
Nagikot-ikot lang ako sa campus kasi nga ayoko pang umuwi nang maisipan
kong pumunta sa tambayan namin ni Ry.
Nagulat na lang ako ng abutan ko siya doon na natutulog. Unti-unti akong
lumapit sa kanya at saka siya ginulat, "Boo!"
Nanlaki naman ang mata niya at biglang napadiretsyo ng upo. Tumingin siya
kung saan saan at huling naglanding ang tingin niya sa akin saka ako
tiningnan ng masama. Pinipigilan ko ang pagtawa ko pero hindi ko
mapigilan kaya bandang huli, natawa na lang din ako ng malakas.
"Ah, ganu’n? Tatawanan mo lang ako?"
Tawa pa rin ako ng tawa nang bigla siyang tumayo at umalis. Napikon?
Natigil tuloy ako sa pagtawa at sinigawan siya, "Ry! Oi! Joke lang ‘yun!" Hala. Nagalit nga ata. Kasi naman. Ano ba ang naisip ko at ginulat ko
siya habang natutulog siya? Biruin na nga di ba ang lasing, huwag lang
ang bagong gising.
Tumakbo ako para habulin si Ry. Nang abutan ko siya, humawak ako agad sa
braso niya.
"Uy, Ry. Sorry na."
Hindi niya tinanggal ang pagkakakapit ko sa braso niya pero hindi rin
niya ako pinansin. Tiningnan lang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.
At dahil nga sa nakakakapit ako sa braso niya, nasusunod na rin ako sa
kanya.
Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng tao dahil sa
pagkakakapit ko kay Ry at sa paulit-ulit kong paghingi ng sorry sa kanya.
Basta dapat akong magsorry kay Ry kasi nabadtrip ko siya.
Nakarating kami ng parking ng ganu’n. Nang tumapat siya sa sasakyan niya, binitawan ko na siya. Mukhang wa epek yung pagsosorry ko. Nabadtrip ko
talaga siya. Mukhang nagalit nga talaga siya sakin. First time niyang
magalit sakin.
Binuksan niya ‘yung pinto ng sasakyan kaya gumilid na ako. Baka mamaya sagasaan niya pa ako Napayuko na lang ako. Ilang seconds lang napatingala
ulit ako kasi nagpunta sa tapat ko si Ry. Tumingin siya sa akin at
tinapat sa mukha ko ang isang teddy bear.
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi kinukuha ‘yung bear.
"Medyo nakakangawit."
“Akala ko galit ka,” malungkot na sabi ko.
Bigla na lang niya ako hinila palapit sa kanya at niyakap, "Pwede ba
namang magalit ako sa ‘yo?"
=================
Chapter 20: Confession
"Hindi ka sasama?"
"Hindi na. Boring naman doon. Matutulog na lang ako samin."
"Sigurado ka? Ang tamad tamad mo naman. Puro ka tulog. Patay na patay ang
social life mo."
"Wow naman. Parang hindi ka ganito dati?"
"Dati ‘yun. Pero sociable na ko ngayon. Kaya kung ako sa'yo magpakasociable ka na rin."
"Nah. Tulog na lang ako," sabay dukdok niya ng mukha niya sa desk.
Kahit kailan talaga 'tong si Zac. Napakatamad. Hindi ko alam kung
pinaglihi ba 'to sa katamaran o ano. Pagsama na lang sa fieldtrip
kinatamaran pa.
Speaking of fieldtrip. Maraming colleges ang kasama pero hindi ko pa
natatanong sila Megan at Ry kung kasama ‘yung college nila. Next time na lang.
"Pahiram phone." Paalam ni Zac. Inabot ko lang ‘yung phone ko at nagpatuloy sa pagbasa ng libro ko. Kailangan kong magreview para sa exam
namin mamaya.
"Tumatawag sa 'yo ‘yung Ry."
Nilapag ko yung libro ko at sinagot ang tawag ni Ry, "Bakit?"
[Nasaan ka?]
"Nasa student park. Nagrereview. Bakit ba?"
[Wala lang. Wala akong magawa.]
"Kaya ako binubulabog mo ngayon?"
[Oo. Ayos ba?]
"Baliw! Wag ka ngang magulo diyan. Magrereview ako."
[Sungit. Sige na. Bye na. Goodluck sa exam mo.]
Pag-end ko ng call, bigla akong kinalabit ni Zac, "Super close kayo,
ano?” Tinanguan ko siya at ngumiti saka binalik ang tingin ko sa libro.
"Teka. Zac. Ayaw mo ba talagang ipakilala kita kay Ry?"
Kumunot ang noo niya at nagmakeface pa siya, "Ayoko."
"Magkakasundo kayo nu’n. Promise."
"Ayoko nga ng may kaibigan."
"Sige. Hindi na kita kaibigan," sabi ko sa kanya at lumayo ng kaunti.
Umusad naman siya at tumabi sakin, "Daya. Hindi. You are the only
exception."
"Paramore lang? "
"Basta. Okay ako na ikaw lang. Masaya ako sa'yo e."
Tiningnan ko siya ng nakakaloko at ngumiti na rin ng nakakaloko, "Nako.
Sabi ko na nga ba. May hidden desire ka sakin. Crush mo ko 'no?"
Pinitik naman niya ako sa noo biglang sagot.
"Magreview ka na nga lang. Kitang may exam ka pa."
***
"Nakakadrain ng utak," reklamo ni Sheena.
Kakatapos lang namin mag-exam at nakatambay pa kami sa room. Walang
nagbabalak umuwi. Nadismiss kami earlier than usual kaya ayos lang din
naman.
Napag-usapan namin ang tungkol sa fieldtrip. Hindi pala by block ang ayos
nu’n. Nakadepende pala siya sa kung sino ang naunang nagbayad. Too bad.
Ilang sandali lang ay umalis na rin ang dalawa. Kasabay kasi ni Kate ang
kapatid niya tapos si pupunta namang org meeting nila si Sheena.
Nagpaiwan ako sa room kasi tinatamad pa akong umalis.
Dahil mag-isa na lang ako, isinaksak ko sa tenga ko ang earphone saka
pumikit.
Ilang minuto lang nakalipas pero pakiramdam ko may taong nakatingin sa
akin kaya unti-unti kong binuksan ang mata ko. Halos mapatalon at mahulog
na lang ako sa upuan ko nang makitang nakatingin sa akin si Zac habang
nakapalumbaba pa at nakaupo sa inuupuan kanina ni Sheena.
“Grabe ka! H’wag ka ngang manggulat!”
"Malay ko bang gising ka. Parang tinititigan ko lang ‘yang mukha mo."
"H’wag mo na titigan. Lalo ka lang magandahan."
Pinanliitan niya ako ng mata at sumandal sa silya saka nagcross legs,
"Mapagtyatyagaan."
"Bakit ka ba nandito?"
"Sasabayan kang umuwi. Uwian mo na ‘di ba?"
"Stalker talaga," bulong ko.
Kaya lang sadyang malakas ang pandinig niya kaya narinig niya ang
ibinulong ko at pinisil ang ilong ko, "May schedule mo ko."
"Oo na. Tara na. Uwi na tayo."
Hindi ko na siya hinintay at lumabas na lang bigla. Nakahabol naman siya
agad at tumabi na sa akin habang naglalakad.
Maya-maya, bigla na lang siyang huminto sa paglalakad kaya pati ako ay
napahinto. "Anong trip mo? Tara na." Sa halip na sumagot ay tinitigan
niya lang ako. "Uy. Nababaliw ka na talaga. Tara na."
Para kaming ewan na nakahinto sa gitna ng hallway at halos 1 meter apart.
Lalakad na sana ako papalapit sa kanya para hilahin siya pero agad akong
napahinto nang marinig ang sinabi niya. Mahina lang ang pagkakasabi pero
sapat na para marinig ko. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba talagang
sabihin sa akin ‘yun o sadyang narinig ko lang. Sinadya man o hindi, nagulat ako sa sinabi niya.
"I think I like you."
=================
Chapter 21: Fieldtrip
Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa.
Sigurado ba siya sa sinasabi niya o baka naman lasing lang siya? O kaya
nakahithit lang? Gusto niya ko? Gusto niya talaga yung kaisa-isang
kaibigan niya?
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumawa. Tumawa ng tumawa.
Nagtataka na lang ako kung bakit bigla siyang tumawa. Para siyang baliw.
"Anong nakakatawa?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.
Tumawa lang ulit siya. Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Hinintay kong
maubos ang tawa niya para malaman kung bakit ganoon yung reaksyon niya.
"Epic mukha mo. Biro lang ‘yun."
Lumapit ako sa kanya habang pinangliliitan siya ng mata at saka ko siya
pinalo sa ulo niya, "I hate you."
"Joke lang kasi. Pero siyempre gusto naman talaga kita. Kasi nga kaibigan
kita."
"Bukas hindi na tayo magkaibigan. Gustong gusto mong pinagtritripan ako."
"Siyempre sino pa ba pagtritripan ko? Ikaw lang naman kaibigan ko."
Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to malamang ko ba hindi ko siya
pagtyatyagaan. Kahit hilig niya akong pagtripan, mukhang makakasanayan ko
na lang din ‘yun. Wala, e. Ako lang kaibigan niya. Isa pa, masaya rin naman akong maging kaibigan siya.
***
"Hintayin lang natin makarating ang lahat saka tayo aalis. Itext niyo na
ang mga kaibigan niyo. Padalian niyo na para makaalis na tayo."
Fieldtrip na namin at iisa lang ang bus namin ni Sheena. Ang masaklap nga
lang, hindi kami magkatabi ng upuan.
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang kumakain nang biglang
nagvibrate ang phone ko. Message galing kay Zac.
Enjoyin mo yang trip niyo. Huwag mong kakalimutan ang uwi ko. Ingat! Good
morning nga pala.
Ayos ha. Nag-effort siyang gumising ng maaga para i-text ako. Samantalang
itong bestfriend ko hindi man lang ako tinext. Alam naman niyang
fieldtrip ko ngayon. Salbaheng Ryan 'to. Bahala nga siya sa buhay niya.
Wala siyang uwi.
"Ang aga aga lukot na lukot ‘yang mukha mo." Nagulat na lang ako nang marinig at makita sa harap ko ang magaling kong bestfriend.
"Bakit nandito ka?!"
"Dito ako nilagay. May reklamo ka?"
"Akala ko ba hindi ka kasama sa fieldtrip na 'to?"
"May sinabi ba akong hindi ako kasama? Wala naman."
Wala nga. Kaya lang noong sinabi ko sa kanyang fieldtrip ko ang sabi lang
niya happy trip. Bwisit ‘to.
Naupo siya sa tabi ko at inagaw ang pagkain ko.
Ilang minuto lang naman at umandar na rin ang bus. Buong byahe namin
nakasaksak lang ang earphone ko sa tenga ko. Si Ry naman nanunuod ng
movie. Tingin ko mahihilo 'to.
Maya-maya lang naramdaman ko nang isinandal niya ang ulo niya sa balikat
ko. Tiningnan ko siya at saka tinanggal ang earphone ko.
"Okay ka lang?" tumango siya pero alam ko namang hindi.
"Nahihilo ka, ano? Nuod nuod pa kasi." Tinapik tapik ko ang pisngi niya,
"Kapag feeling mo nasusuka ka sabihin mo sa akin ha. O kaya kunin mo na
lang ‘yung plastic na ‘yan." Tinuro ko ‘yung plastic na nakalagay sa likod ng upuan ng nasa harap namin.
Halos isang oras ang nakalipas nang gumalaw ulit si Ry at umayos ng upo
kaya agad akong napatingin sa kaniya, "Ano na?"
“Ayos na kahit papaano.”
Nakarating na kami sa first stop namin. Just like ordinary fieldtrips,
boring ang first stop. Parang museum lang. Parang highschool lang ang
lagay namin sa fieldtrip na 'to. Second stop. Third stop. Pareparehas
lang na nakakainip. Buti na lang kasama ko si Sheena at Ry kaya kahit
papaano nagkakabuhay ang trip.
Time passed by so fast kaya nakarating na kami sa last stop namin. Ano pa
nga ba ang mga last na pinupuntahan ng mga nagfifieldtrip? Amusement
park, of course. Very highschool-like nga kasi ang trip na ‘to.
Naglilibot kami ni Ry at Sheena nang may mapansin akong pamilyar na
mukha. Si Megan.
"Megan!" sigaw ko kaya maski sila Ry at Sheena ay napatingin sa akin.
"Uy. Baliw ka na ba?" tanong ni Ry. "Sino ba sinisigawan mo?"
"Si Megan. Friend ko. Pinsan ni Sheena."
"Uy. Mabait ba ‘yun? Hindi ba ‘yun gumagawa ng masama? Baka mamaya hindi mabuting tao ‘yun tapos nakikipagkaibigan 'tong si Cass doon. Minsan pa naman mapagpapaniwala 'tong babaeng 'to."
"Kung sinisipa kaya kita ngayon?! Pinsan ko pa rin ‘yang sinasabihan mo. Malamang mabait ‘yun. ‘Yun nga lang, mas mabait ako sa kanya."
"Ah. Masama. Masamang tao ‘yun." Sinamaan ng tingin ni Sheena si Ry at nagtalo na nga sila.
Inirapan ko na lang yung dalawa at tumingin ulit sa direksyon ni Megan.
Mukhang naghahanap siya. Hinahanap niya siguro ako kasi tinawag ko siya.
Napatingin siya sa direksyon ko kaya agad ko namang itinaas ang kamay ko
at saka kumaway kaway. Napangiti siya ng malapad at tumakbo papalapit sa
akin.
"Cass! Nakita rin kita sa wakas."
"Kanina pa rin kita hinahanap. Sino nga pala kasama mo?"
"Wala. Solo flight. Nawala sila. Ikaw? Mag-isa lang?"
"Nope. Kasama ko pinsan mo, pati ‘yung bestfriend ko."
Itinuro ko sa kanya ‘yung nagtatalo pa rin hanggang ngayon na si Ry at Sheena. Nilapitan ko ang dalawa at saka ko tinapat ang magkabilang kamay
ko sa mukha nila. "Pwede awat na? Sasapakin ko kayo parehas e."
"Paano kasi tong Ry na 'to."
"Anong ako? Ikaw -- "
"Awat na nga ‘di ba!"
Natahimik sila parehas sa pagsigaw ko. Umalis ako sa tabi nila at lumapit
kay Megan saka siya inakbayan, "Nakakahiya naman at nag-away pa kayo sa
harap ni Megan. Nga pala. Ry, si Megan. Megan, si Ry. ‘Yung sinasabi kong bestfriend ko."
Lumapit si Ry kay Megan at inextend ang kamay niya, "Ryan."
Sa halip na kunin ni Megan ang kamay niya, nanatili lang siyang nakatitig
sa mukha ni Ry. Anong nangyari dito?
"Uhh. Ryan," ulit pa ni Ry.
Dahan dahan namang kinuha ni Megan ang kamay ni Ry ng hindi pa rin
inaalis ang tingin dito, "Megan." Mukhang naweirdohan si Ry kay Megan
kaya nginitian lang niya yun at umatras habang kunot ang noo.
"Ry, pinakialaman ko nga pala phone mo kanina habang natutulog ka sa bus.
Nagtext ‘yung isang barkada mo. Kita raw kayo sa may kainan."
"Ha? Ah. Sige. May kasama ka naman na. Punta muna ako doon. Text mo ko
kung saan ka ha?" Tumango naman ako saka siya umalis.
Aayain ko na sana si Sheena at Megan umalis nang biglang magsalita si
Megan. "Siya."
"Anong siya, cous?"
"Siya ‘yun."
"’Yung?"
"Crush ko," lutang na sabi ni Megan. Si Ry yung gusto niya? Siya yung
kwinekwento niya?! Wow.
=================
Chapter 22: Wala lang
Nagkatinginan kami ni Sheena dahil sa narinig na sinabi ni Megan.
Napatikom siya ng bibig kaya hindi ko na napigilan ang matawa, na
sinundan naman niya.
“Hanep ka magjoke Megan."
"Seryoso ako, cous. Siya ‘yung crush ko."
"Ni hindi ko alam na may crush ka. Tapos ‘yung bestfriend lang pala ni Cass ‘yung crush mo."
Hindi pinansin ni Megan si Sheena at humarap sa akin, "Siya talaga
bestfriend mo?"
"Oo naman."
"Ryan pala name niya. The best ka, Cass." Niyakap niya ako at saka
tumalon ng tumalon. Baliw talaga 'to.
Matapos ang kabaliwang eksena ni Megan ay naglibot-libot kami at syempre
hindi naman nawala sa usapan namin si Ry. Sa totoo lang, hindi pa rin ako
makapinawalang ang crush ni Megan at bestfriend ko ay iisa.
"Ano ngayong balak mo na nakilala mo na yang crush mo?" tanong ni Sheena
kay Megan.
Nagkibit balikat siya, "Wala. Crush lang naman. Tara na nga lang CR
tayo."
"Sige, hintayin ko na lang kayo dito," sabi ko sa dalawa.
Siguro pwede rin maging close friend si Ry at Megan. Nako. Ang saya
siguro nu’n kung nagkataon. Magiging close din ‘yung mga taong close sa akin.
Natigil ako sa pag-iisip ng possibilities if ever maging magkaibigan din
sila nang magring ang phone ko. Tinatawagan na ako ni Ry.
"Saan ka?"
"Bakit?"
"Namiss agad kita. Ano ka ba. Joke. Ayoko lang kasama 'tong mga 'to.
Walang ginawa kundi magpacute sa mga babae."
"Magpacute ka rin. Para gaya ka sakanila."
"Ayoko nga. Saka hindi na kailangan. Ang babae na ang kusang lumalapit sa
akin."
"Wow. Ang hangin mo ngayon. Nasaan ka ba?"
"Ayos. Ikaw tinanong ko niyan kanina pero hindi mo ako sinagot, tapos
ngayon tatanungin mo ako?"
"Arte. Nasa may tapat ako ng CR. Malapit sa bump car. Ikaw, saan ka?"
"Nasa isip mo."
"Umayos ka nga. Nasaan ka?"
"Nakarating na sa puso mo."
"Isa pa ha. Ang kulit mo. Nasaan ka?"
"Sa puso't isip mo nga."
Napapadyak ako sa inis kay Ry at saka inend ang call. Bwisit kasi.
Nagtatanong ako ng matino ayaw ayusin ang sagot. Bahala siya sa buhay
niya. Bwisit.
"O, nakabusangot mukha mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Sheena pala.
Tapos na sila ni Megan.
"E paano kasi -- "
Naputol ang pagsasalita ko nang biglang may umakbay sa akin at ginulo ang
buhok ko. Pero dahil na rin sa gulat, hindi ko na nagawang paluin ang
gumulo ng buhok ko. Hindi ko pa nga nakikita pero alam kong si Ry na to.
Sino pa ba ang gumugulo ng buhok ko.
"Pikon agad."
"Bwisit." Tumawa siya at tinanggal ang pagkakaakbay sa akin saka inayos
ang buhok ko. Parang ewan lang. Guguluguluhin tapos aayusin din pala.
Nang maayos na niya ang buhok ko ay inakbayan niya ulit ako saka
naglakad. Kaya ang nangyari, natangay ako.
"Ry! Ano ba?!"
“Sheena, akin na muna 'tong si Cass, " sigaw niya habang patuloy na naglalakad at nakatalikod kila Sheena.
Huminto siya sa tapat ng tindahan ng cotton candy kaya napahinto rin ako.
Bumili siya at inabot yung cottong candy sa akin. Sino ba ang tatanggi sa
cotton candy? Wala naman.
"Thanks."
Lumapit siya at ginulo ulit ang buhok ko pero hindi ko na siya pinalo
kasi nakakasawa na rin namang gawin ‘yun.
"Walang hampas?" Tinalikuran ko na lang siya at naglakad na. "Ayos ha.
Wala na nga."
Umupo kami sa isang tabi habang tahimik na kumakain ng cotton candy.
"Bestfriend." Napalingon ako sa kanya ng tawagin niya ako. "Wala lang."
"Bestfriend," nang lumingon siya sa akin ay nginitian ko siya, "Wala lang
din."
Nagtawanan kaming parang ewan sa isang tabi. Kapag si Ry ang kasama ko
kahit magmukha akong tanga at baliw sa paningin ng ibang tao wala na
akong pakialam. Masaya kami e. Basta masaya kami, bahala na ang ibang
tao.
=================
Chapter 23: Nice seeing you again
Isang linggo na ang nakalipas magbuhat ng nagfieldtrip kami. Ang saya ng
trip na ‘yun. Wala namang espesyal na nangyari. Wala namang magandang napuntahan. Siguro nakadepende lang talaga sa kasama ko kaya nag-enjoy
ako ng sobra.
"Cass, nasa labas ng room si Zac."
"H’wag mo papasukin. Hayaan mo siya dyan!" sigaw ko sa kaklase ko.
"Ayos ha. Dalawang linggo tayong hindi nagkita tapos gaganyanin mo ko. It
hurts you know."
Sapatusin ko pa 'tong lalaking 'to. May 'it hurts you know' pang
nalalaman.
Hindi ko siya pinansin at humarap lang kay Kate at Sheena na parehong
nakatingin at nagtataka sa akin. Kaya lang makulit ang lahi ng Zac na 'to
kaya humila siya ng isang upuan at tumabi sa akin.
"Uy." Kinakalabit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. "Uy. Galit ka?"
Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Sa may bintana lang ako nakatingin.
"Medyo awkward. Walk out muna kami ni Kate."
"Nice idea, Sheena. Tara. Hayaan nating magLQ ‘yung dalawa."
Sinamaan ko ng tingin yung dalawa kaya mas lalo nilang binilisan ang pag-
alis. Napabuntong hininga naman si Zac at umupo sa harap ko. Sa inuupuan
kanina ni Kate.
"Galit ka ba?"
Galit ba ko? Hindi, pero naiinis ako. Nakakainis lang kasi na after one
week ng walang paramdam bigla na lang siyang susulpot sa harap ko na
akala mo hindi siya nawala. Biglang umalis at biglang bumalik?
"Cass. Sorry na. Sorry na kasi hindi ako nagparamdam."
"Cass. Bati na tayo please?"
Hindi ko siya pinapansin at di ko pa rin siya tinitingnan. Pero nang
hinawakan niya ‘yung kamay ko at lumuhod sa harap ko, agad na akong napatingin sa kanya.
"Ano ka ba. Tumayo ka nga dyan."
"Patawarin mo na kasi ako."
"Zac, OA na. Tumayo ka na. Pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase ko."
"Ayoko."
"I swear hindi kita papatawarin kahit kailan kung hindi ka tatayo diyan."
Agad agad naman siyang tumayo pero hindi pa rin niya binibitawan ‘yung kamay ko. "Bati na tayo please?" Napabuntong hininga ako at tumango saka
hinila ang kamay ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kaibigan ko kasi.
Malamang papatawarin ko.
Ngumiti siya at saka ako niyakap saka bumulong, "I missed you."
Kumalas siya sa yakap pero nakangiti pa rin siya sa akin.
"Bakit ka nawala?" Nawala yung ngiti sa mukha niya nang itanong ko ‘yun.
"Nagpunta ako sa States."
"What?!"
"Kaya hindi ako nakapagparamdam maski sa text. Saglit lang ako doon kaya
maski pagbukas ng mga social networking sites hindi ko ginawa. Hindi na
rin kita tinawagan since isang linggo lang naman. Akala ko hindi ka
magagalit."
"I wasn't mad. Nainis lang ako na bigla kang mawawala tapos bigla ka lang
din babalik. Bakit ka pumunta doon?"
Halata sa mukha niya na naguguluhan siya kung sasabihin ba niya sa akin
ang dahilan niya o hindi. "Hindi mo naman kailangang sagutin," dagdag ko
pa.
"Binisita ko ‘yung pinsan ko."
"Bakit?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at saka tumingin sa may bintana. "Birthday
niya. She's my one and only cousin. Para ko na siyang kapatid. I consider
her as my baby sister. We grew up together until I migrated. I left her
here. I asked her if she wants to come, but she chose to stay. She said
she can't leave because she's happy here. Ayoko namang maging dahilan ng
sadness niya ang pagsama niya sa amin so we let her stay. But after a
year, sumunod din siya sa amin doon. Kaya lang, ako naman ang umuwi
dito."
I’m happy at nagagawa ng magkwento sa akin ni Zac ng mga personal na bagay. Hindi tulad dati na todo sarado siya.
Nagkwentuhan lang kami pero ilang minuto lang ay umalis din siya. May
klase na kasi at dumating na rin ang prof ko.
Matapos ang klase ko, nagpunta ako sa may cafeteria kasama si Sheena at
Kate.
"Ano sa'yo Cass? Kami na lang oorder."
"Kung ano ‘yung sa inyo ‘yun na lang din."
Hinihintay ko sila Sheena nang umupo sa tapat ko si Ry at may dalang
pagkain.
"Cutting?"
"Ganyan ba tingin mo sa akin, Cass? Nakakasakit ka naman."
Inirapan ko siya at saka kinuha ang inumin niya saka uminom.
"Pahingi ha," sarkastikong sabi niya kaya nginitian ko lang siya. "Maaga
kaming dinismiss. Ayos ‘di ba. Uwian ko na rin. Kala mo ikaw lang."
"Wala naman akong sinabi. Sipain pa kita dyan," saka ko siya sinipa sa
ilalim ng lamesa.
Napa-aray naman siya saka ako tiningnan ng masama, "Sinipa mo na ko."
Bigla namang dumating sila Sheena at dala na ‘yung order ko.
"Nandito ka pala, Ry."
"Sabay ako sa inyo."
"Ano pa nga bang ginagawa mo?" Pangbabara sa kanya ni Sheena na ikinatawa
na lang namin ni Kate.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Natigil lang kami sa pagkwekwentuhan
nang may tawagin si Sheena, "Megan!" Napalingon ako at nakita ko nga si
Megan. Kinawayan ko siya. Nginitian niya naman ako pero parang nag-
aalinlangan siya kung lalapit ba siya sa table namin o hindi.
Doon ko lang narealize. Nandito nga pala si Ry. Tiningnan ko siya at
tulad namin, nakatingin lang din siya kay Megan. Kaya nag-aalinlangan si
Megan, kasi nandito ang crush niya.
Sisigawan ko pa lang sana si Megan na lumapit dito pero pagtingin ko
nakalapit na siya.
"Tapos na klase mo?" tanong sa kanya ni Sheena.
"Ah. Oo," sabay lingon niya ulit kay Ry na kumakain na lang ulit.
Sinipa ko si Ry kasi tutok na tutok masyado sa pagkain niya, "Aray! Aba,
Cass. Namumuro ka na kakasipa sa 'kin. Hindi porque bestfriend kita lagi
mo na lang akong sasaktan. Nakakasakit ka na."
"Ha?" naguguluhang tanong sa kanya ni Kate.
"Wala. Triny ko lang magdrama. Effective?"
"Bwisit."
"Ry, ‘di ba kilala mo na si Megan? Sana binati mo muna siya bago mo sinunggaban ‘yang pagkain mo ‘di ba?"
Napakamot sa ulo si Ry na tila nahihiya. "Hi, Megan! It's nice seeing you
again."
"Same here."
Sana maging magkasundo rin ‘yung dalawa. Ang saya lang siguro nu’n kung magiging super friends kaming lima. Ako, si Ry, Megan, Kate at Sheena.
Mas masaya rin sana kung kasama si Zac. Sana sa susunod mapilit ko siya
na makipagkaibigan din sa iba.
=================
Chapter 24: Frienvious
"Ang sungit sungit nito dati. Laging mag-isa. Tapos palaging nakakunot
‘yung noo. Parang laging pasan ‘yung mundo."
"Ang sungit talaga sobra. Tapos laging nagtataray. Tahimik palagi. Parang
hindi marunong magsalita."
"Ay, true! Tapos kapag makikita mo siya hindi mo alam kung kakausapin mo
siya o hindi. Kasi baka mamaya sigawan ka niya."
Grabe. Ang sama ni Sheena at Kate. Pinagtutulungan ako. Pinapaalala pa
‘yung dating Cass na maiinitin ‘yung ulo. Ganoon ba talaga ako kasungit dati? Parang hindi naman.
"Oo. Oo. Kaya sa huli -- "
"Tama na! Tama na! Grabe! Kailangang balikan ang nakaraan?"
Pinagtawanan ako ng dalawa. Pati si Megan tumawa na.
"Uy, Ry. Pagtanggol mo naman ako."
"Alam mo kasi, Cass, totoo naman sinasabi nila. Palagi kang nakasimangot
dati at parang takot sa tao. Ayaw mo pa nga ng mga kaibigan noon. Inaaway
mo pa lahat ng lalaking lumalapit sa 'yo."
"Oo nga. Babarahin mo pa nga ‘yung mga lalaking nag-aaya sa ‘yong kumain sa labas," dagdag pa ni Megan sa sinabi ni Ry.
"Kapag hindi naman niya gusto at nayayabangan siya may dagdag pang lait
‘yung lalaki." Natatawang sabi ni Ry.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sa pagkakatanda ko kasi humingi ako ng
saklolo sa kanya. Kaya dapat tinutulungan niya ko. Hindi sila ang
tinutulungan niya para mabully ako.
"Mas ayos pa ata kung babalik ako sa dati para hindi niyo ko binubully,"
seryosong sabi ko sa kanila.
Tumayo si Ry at lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Ginitgit niya pa
ako para lang magkasya siya saka umakbay sa akin at kinurot ako sa
pisngi.
"Pikon 'to. Joke lang ‘yun. At least friendly ka na ngayon. H’wag kang mag-alala, maging ikaw man yung Cass ngayon o ‘yung Cass dati, ayos lang sa akin. Sabi nga sa kanta, I love you just the way you are."
Nagulat na lang ako ng biglang tumili si Kate. "Pag-amin na ba ‘yan Ryan? Nako! Sabi ko na nga ba!"
Hindi nila alam na ilang beses ko na binasted si Ry. Hindi naman na kasi
dapat ikwento ang ganoong bagay. Past is past na kumbaga. Ngayon, wala ng
romantic feelings para sa akin si Ry. Mahal niya ko at oo, mahal ko rin
siya. Pero bilang magkaibigan. Ganoon lang kami.
"Baliw! Mahal niya ko as his bestfriend. Dumi ng utak. Alam mo namang bff
kami nitong si Ry," sagot ko kay Kate at inakbayan si Ry.
"Nga naman! Linisin mo ‘yang isip mo. Kitang bff kami ni Cass," tumingin siya sa akin saka nagtaas baba ng kilay, "I love you, bestfriend."
Binelatan ko siya at natawa kami parehas. Napahinto ako sa pagtawa nang
matingin ako kay Megan na nakatingin lang sa amin ni Ry. Tahimik lang
siya at parang nag-iisip. Teka. Crush niya si Ry. Hindi kaya.. nagseselos
siya?
Ah, hindi naman siguro.
Inalis ko sa isip ko ‘yung idea na ‘yun. Sinabi naman na rin niya na iba ang crush sa love. At sa tipo ni Megan, hindi siya yung magseselos sa
bestfriend ng crush niya. Baka nga hindi rin siya ‘yung tipo ng taong selosa. Kilala ko kasi siya at alam kong malawak ang pang-unawa niya.
***
"Saturday sa amin. Tambay lang. Game?" Pag-aya sa amin ni Sheena.
"Sure. Sinu-sino tayo?"
"Tayong tatlo and Megs. You can bring Ryan also. Tutal lagi naman siyang
nakabuntot sa atin." Pinagtawanan ko lang si Sheena at tinext si Ry.
Saturday at Sheena's.
It's almost two weeks magbuhat nang maging magkakabarkada kaming lahat. I
mean ‘yung kasama si Ry at Megan. Sila na lang naman ang bagong magkakilala. Sa loob ng two weeks, naging close na rin sila kaya
nakakatuwa lang. Parang matagal na rin sila magkaibigan kung magturingan.
Sinu-sino?
The usual. You, Sheena, Kate, Megan and me.
Sure. I'll go. :)
"Si Zac nga pala, Cass. Baka gusto mo isama?"
Tiningnan ko si Sheena na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. "Parang
di mo alam na ayaw nu’n makisama sa iba?"
"Sabagay, pero malay mo magbago isip niya. Ikaw lang kaibigan niya. Dapat
ilabas mo rin ‘yan sa mga tao."
"I asked him way too many times to interact with other people pero ang
tigas ng ulo. Ayos lang daw siya na isa lang kaibigan niya."
"He's weird sometimes, you know."
"Baka kasi hindi mo siya kilala kaya ganyan tingin mo sakanya? Pero
swear. Ang bait nya. Sarap maging kaibigan."
"Mas masaya siguro kung pati kami gusto niya maging kaibigan ‘di ba? Hindi ‘yung ikaw lang."
"Mapipilit ko rin ‘yun makipagkaibigan. Just wait."
Tinanguan lang ako ni Sheena. I know in time, makikipagkaibigan din si
Zac. Maybe hindi lang talaga siya handa pang makipagkaibigan ngayon.
***
Saturday came. We're at Sheena's place. Tulad ng usapan. Nasa may kusina
kaming mga babae at nagluluto ng kung ano ng biglang dumating si Ry.
"Ayos. Busyng busy."
"Try mo tumulong para busy ka rin."
"Kaya niyo na ‘yan, Bestfriend. Masyado na kayong marami dyan. Baka makasikip lang ako sa inyo."
Reasons nga naman. Bakit ang tamad ng mga lalaking kaibigan ko?
Palibahasa mga may nagsisilbi sa kanila. Kawawa naman magiging girlfriend
nila. Mukhang maaalipin.
"Ry, paabot naman ng can ng mushroom sa gilid mo," sabi ni Megan sa
kanya. Tumayo naman agad si Ry at ginawa ang utos ni Megan. Inabot niya
‘yung can sa kaniya.
"Cous, nasaan can opener niyo?"
"Wala. Kutsyilyuhin mo na lang ‘yan."
Gagawin na sana ni Megan pero pinigilan siya ni Ry, "Ako na. Baka mahiwa
ka pa." Aba. Gentleman ha. Akala ko ba ayaw niyang tumulong? Ano ginagawa
niya ngayon?
"Ano pa ba gagawin?" tanong niya pa kay Megan.
Sinabi naman ni Megan ‘yung pwedeng maitulong ni Ry. Ang daya ng bestfriend kong 'to. Sarap sampalin ng chopping board. Makaalok ng tulong
sa iba wagas tapos kapag ako ‘di pwede? Unfair.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko nang lapitan niya ko, "Uy, Bestfriend.
Tulong naman. Pahiwa nga nito."
Nilapag ko ‘yung hawak kong kutsilyo saka kinuha ‘yung pinapahiwa ni Ry at inilagay sa ibabaw ng chopping board.
"Hiwain mo," sabi ko na lang saka lumapit kay Kate para tulungan
siya."Ang sungit sungit nito dati. Laging mag-isa. Tapos palaging
nakakunot ‘yung noo. Parang laging pasan ‘yung mundo."
"Ang sungit talaga sobra. Tapos laging nagtataray. Tahimik palagi. Parang
hindi marunong magsalita."
"Ay, true! Tapos kapag makikita mo siya hindi mo alam kung kakausapin mo
siya o hindi. Kasi baka mamaya sigawan ka niya."
Grabe. Ang sama ni Sheena at Kate. Pinagtutulungan ako. Pinapaalala pa
‘yung dating Cass na maiinitin ‘yung ulo. Ganoon ba talaga ako kasungit dati? Parang hindi naman.
"Oo. Oo. Kaya sa huli -- "
"Tama na! Tama na! Grabe! Kailangang balikan ang nakaraan?"
Pinagtawanan ako ng dalawa. Pati si Megan tumawa na.
"Uy, Ry. Pagtanggol mo naman ako."
"Alam mo kasi, Cass, totoo naman sinasabi nila. Palagi kang nakasimangot
dati at parang takot sa tao. Ayaw mo pa nga ng mga kaibigan noon. Inaaway
mo pa lahat ng lalaking lumalapit sa 'yo."
"Oo nga. Babarahin mo pa nga ‘yung mga lalaking nag-aaya sa ‘yong kumain sa labas," dagdag pa ni Megan sa sinabi ni Ry.
"Kapag hindi naman niya gusto at nayayabangan siya may dagdag pang lait
‘yung lalaki." Natatawang sabi ni Ry.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sa pagkakatanda ko kasi humingi ako ng
saklolo sa kanya. Kaya dapat tinutulungan niya ko. Hindi sila ang
tinutulungan niya para mabully ako.
"Mas ayos pa ata kung babalik ako sa dati para hindi niyo ko binubully,"
seryosong sabi ko sa kanila.
Tumayo si Ry at lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Ginitgit niya pa
ako para lang magkasya siya saka umakbay sa akin at kinurot ako sa
pisngi.
"Pikon 'to. Joke lang ‘yun. At least friendly ka na ngayon. H’wag kang mag-alala, maging ikaw man yung Cass ngayon o ‘yung Cass dati, ayos lang sa akin. Sabi nga sa kanta, I love you just the way you are."
Nagulat na lang ako ng biglang tumili si Kate. "Pag-amin na ba ‘yan Ryan? Nako! Sabi ko na nga ba!"
Hindi nila alam na ilang beses ko na binasted si Ry. Hindi naman na kasi
dapat ikwento ang ganoong bagay. Past is past na kumbaga. Ngayon, wala ng
romantic feelings para sa akin si Ry. Mahal niya ko at oo, mahal ko rin
siya. Pero bilang magkaibigan. Ganoon lang kami.
"Baliw! Mahal niya ko as his bestfriend. Dumi ng utak. Alam mo namang bff
kami nitong si Ry," sagot ko kay Kate at inakbayan si Ry.
"Nga naman! Linisin mo ‘yang isip mo. Kitang bff kami ni Cass," tumingin siya sa akin saka nagtaas baba ng kilay, "I love you, bestfriend."
Binelatan ko siya at natawa kami parehas. Napahinto ako sa pagtawa nang
matingin ako kay Megan na nakatingin lang sa amin ni Ry. Tahimik lang
siya at parang nag-iisip. Teka. Crush niya si Ry. Hindi kaya.. nagseselos
siya?
Ah, hindi naman siguro.
Inalis ko sa isip ko ‘yung idea na ‘yun. Sinabi naman na rin niya na iba ang crush sa love. At sa tipo ni Megan, hindi siya yung magseselos sa
bestfriend ng crush niya. Baka nga hindi rin siya ‘yung tipo ng taong selosa. Kilala ko kasi siya at alam kong malawak ang pang-unawa niya.
***
"Saturday sa amin. Tambay lang. Game?" Pag-aya sa amin ni Sheena.
"Sure. Sinu-sino tayo?"
"Tayong tatlo and Megs. You can bring Ryan also. Tutal lagi naman siyang
nakabuntot sa atin." Pinagtawanan ko lang si Sheena at tinext si Ry.
Saturday at Sheena's.
It's almost two weeks magbuhat nang maging magkakabarkada kaming lahat. I
mean ‘yung kasama si Ry at Megan. Sila na lang naman ang bagong magkakilala. Sa loob ng two weeks, naging close na rin sila kaya
nakakatuwa lang. Parang matagal na rin sila magkaibigan kung magturingan.
Sinu-sino?
The usual. You, Sheena, Kate, Megan and me.
Sure. I'll go. :)
"Si Zac nga pala, Cass. Baka gusto mo isama?"
Tiningnan ko si Sheena na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. "Parang
di mo alam na ayaw nu’n makisama sa iba?"
"Sabagay, pero malay mo magbago isip niya. Ikaw lang kaibigan niya. Dapat
ilabas mo rin ‘yan sa mga tao."
"I asked him way too many times to interact with other people pero ang
tigas ng ulo. Ayos lang daw siya na isa lang kaibigan niya."
"He's weird sometimes, you know."
"Baka kasi hindi mo siya kilala kaya ganyan tingin mo sakanya? Pero
swear. Ang bait nya. Sarap maging kaibigan."
"Mas masaya siguro kung pati kami gusto niya maging kaibigan ‘di ba? Hindi ‘yung ikaw lang."
"Mapipilit ko rin ‘yun makipagkaibigan. Just wait."
Tinanguan lang ako ni Sheena. I know in time, makikipagkaibigan din si
Zac. Maybe hindi lang talaga siya handa pang makipagkaibigan ngayon.
***
Saturday came. We're at Sheena's place. Tulad ng usapan. Nasa may kusina
kaming mga babae at nagluluto ng kung ano ng biglang dumating si Ry.
"Ayos. Busyng busy."
"Try mo tumulong para busy ka rin."
"Kaya niyo na ‘yan, Bestfriend. Masyado na kayong marami dyan. Baka makasikip lang ako sa inyo."
Reasons nga naman. Bakit ang tamad ng mga lalaking kaibigan ko?
Palibahasa mga may nagsisilbi sa kanila. Kawawa naman magiging girlfriend
nila. Mukhang maaalipin.
"Ry, paabot naman ng can ng mushroom sa gilid mo," sabi ni Megan sa
kanya. Tumayo naman agad si Ry at ginawa ang utos ni Megan. Inabot niya
‘yung can sa kaniya.
"Cous, nasaan can opener niyo?"
"Wala. Kutsyilyuhin mo na lang ‘yan."
Gagawin na sana ni Megan pero pinigilan siya ni Ry, "Ako na. Baka mahiwa
ka pa." Aba. Gentleman ha. Akala ko ba ayaw niyang tumulong? Ano ginagawa
niya ngayon?
"Ano pa ba gagawin?" tanong niya pa kay Megan.
Sinabi naman ni Megan ‘yung pwedeng maitulong ni Ry. Ang daya ng bestfriend kong 'to. Sarap sampalin ng chopping board. Makaalok ng tulong
sa iba wagas tapos kapag ako ‘di pwede? Unfair.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko nang lapitan niya ko, "Uy, Bestfriend.
Tulong naman. Pahiwa nga nito."
Nilapag ko ‘yung hawak kong kutsilyo saka kinuha ‘yung pinapahiwa ni Ry at inilagay sa ibabaw ng chopping board.
"Hiwain mo," sabi ko na lang saka lumapit kay Kate para tulungan siya.
=================
Chapter 25: Cancelled plans
"Nakikinig ka ba?"
Binulsa niya ang phone niya saka humarap sa akin, "Ano ‘yun?"
"Grabe! Ilang minuto na ako salita ng salita dito pero wala naman palang
nakikinig sa akin? Wow ha."
Ang lakas lang makasira ng mood. Enjoy na enjoy ka sa pagkwekwento pero
hindi ka naman pala pinapakinggan ng mabait mong bestfriend.
Napakamot siya sa ulo niya, "Sorry na."
"Ano ba kasi ‘yang pinagkakaabalahan mo?"
"Nireplyan ko lang kasi si Megan. May tinatanong."
Sasagot pa lang sana ako nang magulat siya at napakapa sa bulsa niya.
Nagvibrate siguro cellphone niya. Kukunin na sana niya ‘yun pero napatingin siya sa akin.
"Go lang. H’wag mo paghintayin si Megan," sabi ko saka tumawa.
Noong una ‘di pa siya nagreact agad pero bigla siyang ngumiti saka kinuha ang phone niya.
Close na close na pala silang dalawa. Tiningnan ko siya habang
nirereplyan niya si Megan. He's smiling. Kinikilig ba 'to o ano? Mukhang
masaya siya kapag kausap niya si Megs.
"Hey, Cass. May lakad ba tayo next Friday?"
"Meron. Manunuod kamo tayong sine."
Mukhang nag-isip siya. Nakalimutan na niya? Niyaya niya akong manuod ng
sine sa Friday. Ayokong sumama noong una dahil sa school works pero
nagpaawa siya. Tapos ngayon kakalimutan lang niya?
"Pwede h’wag na lang tayo tumuloy? May ipapasa kasi akong requirements next Monday. Ayoko mag-cram kaya baka simulan ko na ‘yun sa Friday," sabi ko sa kanya kasi ramdam ko naman na may gusto siyang sabihin sa akin. Na
gusto niyang i-cancel ang panunuod. Kilala ko siya. Kaya bago pa nya ako
unahan, ako na ang mauuna.
Bigla namang nagliwanag ‘yung medyo lukot niyang mukha kanina, "Talaga? Sige. Ayos ‘yan."
"May gagawin ka ba sa friday?" Nakakacurious.
"Sasamahan ko si Megan mamili ng materials sa project niya." Ah. Kaya
naman pala. Sasamahan niya si Megan.
***
Ang tagal naman ni Ry. Bakit ba late siya ngayon? Akala ko ba ililibre
niya na lang ako ng meryenda kasi hindi kami matutuloy sa Friday? Bakit
20 mins late na siya? Parang hindi niya alam na ayaw na ayaw kong
naghihintay. Hindi ko naman siya maitext at wala ng baterya phone ko.
Perfect timing lang.
Tinitingnan na ako ng security guard sa fastfood na 'to. Kanina pa ako
nakaupo pero hindi naman umoorder. Baka iniisip nito nagpapalamig at
nakikiinom lang ako. Nagpakuha pa man din ako ng water sa crew. Letse ka
talaga, Ry. Kakalbuhin kita pagtapak na pagtapak mo dito.
25. 30. 35. 40. 40 minutes.
That's it. I've had enough. Bwisit. Halos isang oras ko na hinihintay
‘yang Ry na ‘yan pero ‘di pa rin siya dumarating. Ayoko na. Uuwi na lang ako.
Patayo na sana ako ng may lalaking umupo sa kaharap kong upuan.
"Gara nito. Nakiinom ka lang ba dito?" Tinuro pa niya ‘yung baso ng tubig na halos hindi ko naman nagalaw.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.
"Chill. Init ng ulo? Bakit?"
"Kasi si Ry -- "
"Inindian ka?" Siya din pala magtutuloy ng sasabihin ko. "Hayaan mo na
‘yun. Tayo na lang kumain dito." Kininditan niya ako umalis at nagpunta sa counter.
Tiningnan ko ‘yung sekyu. Mukha namang hindi niya na ako inoobserbahan. May kasama na ko at umoorder na siya ngayon.
"Salamat sa pagtanong kung anong gusto kong kainin ha?" Sarkastikong
pagkakasabi ko sa kanya pagpalapag niya ng tray.
"Libre naman kita kaya ayos na yan. Dami naman na ng inorder kong ‘yan."
Sabagay. Panglimahang tao ata ang inorder niya.
Nagkwentuhan at bwinisit lang naman ako ni Zac buong panahong pagkain
namin. Pero ayos na rin yun kasi nawala na rin ng tuluyan ang
pagkabadtrip ko sa pang-iindian sa akin ni Ry.
"CR muna ko," paalam sa akin ni Zac.
"Takaw kasi," biro ko pa sa kanya.
"Baliw ka talaga. Maghuhugas lang akong kamay."
"I don't need your explanation. Alis na."
Inuubos ko lang ‘yung inorder na fries ni Zac nang may tumawag sa pangalan ko at tumayo sa gilid ng table ko. Si Ry. Seriously? Lagpas
isang oras na ang nakalipas sa napag-usapan naming oras saka lang siya
darating?
Sisigawan ko na sana siya nang makita kong nasa gilid niya si Megan.
Kaya pala. Kaya pala late na niya akong pinuntahan.
"Takaw natin ha?" saka sila umupo sa harap ko at kumuha siya ng fries na
kinakain ko.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Lakas makawala ng mood ni Ry.
"Tinext kita kanina. Hindi ka man lang nagreply."
"Ha?"
"Sabi ko hindi muna tayo tuloy ngayon. Hindi mo nareceive?" Paano ko
marereceive kung lobat ako?
"Ah. Nareceive ko. Tinamad lang ako magreply."
"Nakakatampo naman 'to. Kinatamaran akong replyan."
Tampo? Siya pa ang nagsabi niyan ha? Grabe.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko, "Una na ko, ha? Paalis na rin kasi ko
kanina nu’ng dumating kayo. Iniintay na ko ng kasama ko sa labas." Pagsisinungaling ko.
"Sinong kasama -- "
"Ingat kayo ha? Enjoy, Megan. Enjoy, bestfriend.”
=================
Chapter 26: New bestfriend
Ilang linggo na ang lumipas magbuhat noong huli kong nakita si Ry. Hindi
naman kalakihan ang campus para hindi kami magkita pero ewan ko ba kung
bakit hindi magkrus ang landas namin.
Hindi rin niya ako pinupuntahan sa room. Huling beses na tinawagan niya
ko ay noong isang linggo pa. Huling text naman niya sa akin, noong isang
araw pa. At anong sabi niya, "Goodnight." Walang smiley at sinaktong
tulog ako.
Minsan nagtatampo na ko sa kanya. Bestfriend bang maituturing ang
pagtrato niya sakin? Parang nawalan na siya ng pakialam sa ginagawa at
buhay ko. Ni kamustahin ako hindi niya magawa.
Ryan calling..
Speaking of the devil. Buhay pa pala.
"Hello? Bestfriend. Nasaan ka?"
"Room," tipid na sagot ko saknaya.
"Punta ko dyan."
Binabaan ko na siya ng phone at hindi na nag-abalang sumagot. "Uwi na
ko," paalam ko kila Sheena.
"Aga. Bakit, may problema?"
"Wala naman. Inaantok lang. Kapag nagpunta dito si Ry, pasabi umuwi na
ko."
Naglalakad ako sa hallway nang may biglang umakbay sakin. Si Ry pala.
"Pupuntahan kako kita. Bakit uuwi ka?"
"Wala."
"Nga pala, Cass. Tumawag si Ate Rylee. Baka raw pwede kang pumunta sa
kanila ngayon. Namimiss ka raw ni Chee. Iyak ng iyak."
Kaya naman pala naisipan magpakita kasi may kailangan.
"Sige." Ano pa nga bang magagawa ko? Alam naman niyang hindi ko matitiis
si Chee.
Ginulo niya ang buhok ko, "Bait mo talaga. Sige. Una na muna ko ha?"
Napakunot noo ako sa narinig, "Hindi ka sasama?"
"May gagawin kami ni Megan. Nagpapatulong ako sa kanya sa isang project
ko."
Ito ang unang beses na hindi niya ako sasamahan pumunta kila Chee. Si
Megan. Si Megan na naman. Si Megan na ba ang bestfriend niya? Kung
papatulong siya kay Megan, ibig sabihin nagkakausap sila madalas? Medyo
nakakatampo na talaga 'tong lalaking 'to.
"Una na ko Cass. Hinihintay ako ni Megan sa may student lounge. Baka
mainip ‘yun. Ingat."
Badtrip. Badtrip ka talaga Ry. Ilang linggo ka di nagpakita. Ilang araw
ka hindi nagparamdam. Tapos ngayon papakita ka sa akin dahil lang sa may
kailangan ka? At nang nakuha mo na kailangan mo, iiwan mo na ko para
puntahan ‘yung.. ‘yung.. ‘yung ibang tao.
Kaya lang hindi lang ikaw ang badtrip. Badtrip din ako. Badtrip kasi
hindi kita magawang tanggihan samantalang ikaw, lagi lang akong iniiwan.
Badtrip kasi di ko masabi na nabwibwisit na ako sa ‘yo. Badtrip kasi pakiramdam ko hindi na ako ang bestfriend mo.
Kahit na naiinis ako, pinuntahan ko pa rin si Chee. Hindi para kay Ry.
Kundi para sa akin at kay Chee.
"Finally, Cass. I missed you. Tagal mong hindi nagpakita."
Ano bang sasabihin ko? Matagal akong hindi nagpakita kasi matagal din
hindi nagpakita ang kapatid niya? E bakit naman kailangan pang mapasok ni
Ry dito? Dahil sa pamilya niya sila Ate Rylee? May free will naman ako.
Hindi ko pwedeng iasa ang pagpunta ko dito kay Ry. Kaibigan ko na rin
sila Ate Rylee kaya – teka. Ano bang problema ko at inaaway ko sarili ko? Bwisit kasi ‘yang bestfriend ko. Kainis.
"Mama! Namiss po kita! Kasama mo si Papa? Nasaan? Nasaan?" Tumalon talon
pa si Chee. Ang saya ng batang 'to. Sad to say, hindi ko kasama ang
hinahanap niya.
"No, Baby. May gina -- " napatigil ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Zac calling..
Buti pa siya. Lagi akong tinatawagan. Buti pa siya. Lagi akong tinetext.
Buti pa siya. Lagi akong kinakamusta. Buti pa siya. Laging may oras sa
akin. Buti pa siya. Laging may pakialam.
"Wait lang Baby. Sagutin ko lang 'to."
"Nasan ka?" agad agad niyang tanong.
"Nasa bahay ng kapatid ni Ry. Why?"
"Ahh," ilang segundo lang at nagsalita ulit sya. "Pwede ko pumunta
diyan?"
"Ha? Bakit naman? Aba. Malay ko. Hindi ko naman bahay 'to."
"Sige na, please? Naiinip na ako dito sa amin."
"Edi umalis ka. Pumunta ka kahit saan. ‘Wag lang dito kasi nga di ko naman bahay ‘to."
"Ayaw ko. Gusto ko kasama ka."
Inilayo ko ang phone ko at saka tiningnan si Ate Rylee na nilalaro si
Chee. "Ate. Uhh. Pwedeng.. pwede bang ano. Magpunta ‘yung friend ko dito? Naiinip na raw kasi."
"Sure. Welcome ang friends mo sa bahay ko."
"Thank you." Nginitian ko siya at binalikan si Zac. "Sige na. Pumunta ka
na."
Sinabi ko sa kanya ang address at nang mag-end na ang call ay lumapit na
ulit ako sa dalawa.
"Sinong friend, Cass?"
Umupo ako sa tabi niya at kinandong si Chee, "Zac name nya."
"Zac? Boy's name ‘yan mama ‘di ba?"
Tumango ako at nginitian si Chee. Kumunot naman ang noo niya, "Is he your
boyfriend? Not papa?" Napatingin ako kay Ate Rylee na napailing na lang
sa tanong ng anak niya.
"No, Baby. He's a friend."
"You know what Mama, Papa's bringing other girl here. She's pretty, but
you're prettier. Her name's Megan. Do you know her?"
Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Chee. Kaya ba hindi na ako
sinasama ni Ry kapag nagpupunta dito kasi may iba na siyang kasama?
Kinuha na ba talaga ni Megan ang posisyon ko sa buhay ni Ry?
=================
Chapter 27: What's your problem?
"Ayos ka lang ba?"
Siguro nga iba na. Siguro nga siya na ang bagong bestfriend. Siguro nga
hindi na ako. Hindi na ako kasama sa main cast ng buhay niya. Isa na lang
akong dakilang extra. Isang taong nagkaroon ng special participation sa
buhay niya.
Siguro para sa iba OA na 'tong reaksyon ko. Pero masisisi mo ba ako kung
nasaktan lang talaga ako? Paano kasi, ang unang taong hinayaan kong
pumasok sa buhay ko at guluhin ang tahimik kong mundo, bigla bigla na
lang mawawala at mapupunta sa iba. Hindi pa man siya nawawala, alam kong
sooner or later, mawawala rin siya. Iiwan din niya ako at mawawalan siya
ng oras sakin.
"Uy, Cass. May problema ka ba?"
Kung gawin man niya ‘yun, may karapatan ba akong magreklamo? May karapatan ba akong magalit? Kaibigan lang naman niya ako. Wala naman
akong karapatan kontrolin ang buhay niya o ang mga desisyon niya.
"Cass!"
"Ha? Ano? Ano ‘yun?"
"Kanina pa kita kinakausap. Lutang ka ba?"
“Ah. Hindi. Ano. Pagod lang siguro ako kasi maraming ginawa kanina sa school."
"Mama. Do you want to sleep muna? Or you want to eat?"
"No, Baby. Okay lang ako."
Nginitian ko si Chee at hinimas ang ulo niya. Napatingin ako kay Zac na
nakatingin din sa akin na parang nagtatanong. Hindi kasi siya sanay na
lutang ako. Hindi niya nakagawian na ganito ang kinikilos ko. Buti pa si
Zac lagi akong sinasamahan at laging nandiyan.
"Tito Zac, do you have a girlfriend?"
Napatawa ako ng mahina dahil sa tanong ni Chee. Ang batang 'to talaga
pwede ng mag-aapply na host sa The Buzz.
Come to think of it, wala pa nga akong naririnig na kwinekwento ni Zac
about sa lovelife niya. Ang pribado niya masyadong tao. Bihirang magshare
ng life niya. Ang personal na kwinento na ata nya sakin ay ‘yung sa pinsan niya na para niya nang kapatid.
"Wala, Chee."
"But may nililigawan ka na po ba?"
Inosenteng inosente ang pagkakatanong ni Chee. Napapatingin naman sa akin
si Zac at pinanlalakihan ko lang siya ng mata para sumagot siya.
"Wala rin."
"You like someone?"
"Are you hungry, Chee? Gusto mo kain muna tayo?" aya sa kanya ni Zac.
Agad namang sumama si Chee sa kanya at nagpunta silang kusina. Nakakatuwa
lang at ang bilis makasundo ni Chee ‘tong si Zac at ganoon din naman si Zac sa kanya.
Ilang sandali pa kaming nagstay ni Zac kila Chee kasi wala siyang kasama.
Naggrocery kasi si Ate Rylee pagdating ni Zac.
Nang makarating at makabalik na si Ate Rylee, umalis na rin kami ni Zac.
Sa halip na umuwi, nagstay muna kami sa may playground sa subdivision
nila Ate Rylee.
Tahimik lang kaming pareho na nakaupo sa may swing nang basagin niya ang
katahimikan.
"I like Chee," sabi niya.
Napangiti ako, "She's adorable, isn't she?" Tinanguan naman niya ako at
ngumiti. "Nga pala, Zac. Bakit hindi ka nagkwekwento about girls? Alam
kong wala kang friends at ayaw mong magkaroon nu’n pero hindi naman dahil sa ganoon, ibig sabihin wala kang natatype-an na babae."
Instead of answering, he just smirked and continue swinging. Napakunot
ang noo ko sa naging reaksyon nya. Wala talaga siyang balak magshare. Why
is he being too private?
"Wala kang balak magshare?" Parang kanina, he just ignored me. He's being
weird again. "Nagkagirlfriend ka na ba?" Hindi ako pinansin.
"Crush?" Wala pa rin.
"Or bitter ka ba?" Snob.
"Wait. Don't tell me bakla ka?"
Yay! That caught his attention. Huminto siya sa pagswiswing at napatingin
sa akin.
"What made you think that?
I shrugged, "Never ka nagkwento about girls. Ni hindi nga kita nakitang
tumingin sa ibang girls na nagdadaan kapag magkasama tayo."
"Bakit pa ko magkwekwento ng ibang babae kung ikaw naman na ang
kakwentuhan ko? Bakit pa ko titingin sa ibang babaeng nagdadaan kung ikaw
na ang nasa harap ko?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Seryosong seryoso kasi siya. Napalunok ako
at ngumiti na lang. Ewan ko pero that's the sweetest thing na sinabi niya
sa akin.
"Okay. May gusto ako. I.. I like someone." Gumana ang antenna ko at
magtatanong na sana nang itaas niya ang kamay niya para patigilin ako, "I
won't tell you anything."
"What?! No. Unfair. Sinimulan mo na. Ituloy mo na ‘yan. Hindi na ko papatahimikin niyan. Hindi na ko makakatulog kakaisip kung sino ‘yan. Kung kilala ko ba o hindi. Kung gaano na katagal. Gaano na kaseryoso. You
can't just drop it like that."
I admit it. As a girl, natural din sa akin ang pagiging chismosa. Hindi
ako ganito noon pero ngayong may pakialam na ako sa paligid ko, hindi
pwedeng hindi ko malaman ang gusto kong malaman.
"Zac! Tell me. Ano ba ‘yan. Paasa 'to."
"I'll tell you. In one condition."
"Ano?"
"Anong problema mo?"
That made me stop. Napayuko ako. Akala ko makakalimutan na lang niya ‘yun pero hindi pala. Inisip pa rin pala niya. "I'll listen."
Sasabihin ko ba sa kanya? Problema nga ba ‘to kung tutuusin?
Inangat ko ang ulo ko at tumingin ng diretsyo sa may daan. Sa ginawa kong
‘yun, may nakita ako. Ang bestfriend ko. Ang bestfriend ko kasama ang bago niyang bestfriend na masaya pang nagkwekwentuhan habang naglalakad.
Si Ry at Megan. Medyo malayo ang distansya namin kaya malabong mapansin
niya ako.
Siguro pupunta sila kila Chee. Napangisi na lang ako. Hindi niya ako
sinamahan ngayon kila Chee kasi nagpapatulong daw siya kay Megan sa
requirement niya tapos ngayon ito sila, naglalakad na magkasama papunta
kila Chee. Nice, Ry. Really nice.
"Siya problema mo. Sabi na nga. Si Ryan ‘yang iniisip mo."
=================
Chapter 28: Choose, Cass
Ganoon na ba ako kaobvious? Naging readable na ba ako ngayon sa mata ng
mga tao?
"Anong nangyari?"
Am I going to tell him? Am I supposed to tell him? Kung hindi ko 'to
sasabihin sa kanya, kanino pa?
"Makikinig ako."
Napabuntong hininga ako, napayuko at pinaglaruan ang daliri ko. Mababaw
lang kasi ang problema ko kung ikukumpara sa problema ng mundo. Anong
panama ng problema ko sa pinagdaraanan ng ibang tao?
"Wala. Mababaw lang naman 'to. I don't even know if you can call it a
problem anyway."
"Mababaw man o mabigat, problem is still a problem. Kung hindi mo
sasabihin ‘yan, baka magulat ka isang araw, sumabog ka na lang."
Iipunin ko na nga lang ba ang problema ko at kikimkimin ko na lang 'to?
"Okay. Look. I don't know if dapat nga bang problemahin ‘tong problema ko or I'm just overthinking."
"Go on."
"What would you feel kung mawalan ako ng oras sa 'yo?"
Bakas sa mukha niya ang pagkagulo sa sinabi ko. Crap. I'm beating around
the bush. Nasaan na ang straightforward na Cass?
"Paanong mawalan ng oras?"
"Basta mawalan ng oras. Aabutin ng months bago tayo magkita. Weeks bago
kita tawagan. Days bago kita itext."
"Ah. Ayun? What would I feel? I'll be sad, of course. Kaisa-isang
kaibigan ko dito babalewalain lang ako? Pero kung may valid reason ka,
maiintindihan ko naman. Sabihin mo lang sana ang rason mo."
"That's the point! Walang valid reason. Nawala lang just because.. just
because.. nawala."
Tinitigan ako ni Zac na parang inaanalyze ang problema ko. Nakatatak ba
sa mukha ko ang problema ko?
"Nasaan na ang straightforward na Cass?" That's what I'm asking myself
awhile ago. "Alam mo, Cass. Diretsyuhin mo na lang ako. Sabi ko sa ‘yo, makikinig ako. Pero dahil pasikot sikot ka pa, ikaw na lang ang makinig.
"Prinoproblema mo si Ry. Hindi siya nagpakita, tumawag, nagtext sa ‘yo sa loob ng matagal na panahon. Feeling mo binbalewala ka na lang niya.
Kasi feeling mo, pinalitan ka na niya. Nakita ko ‘yung kasama niya. Nakita mo rin sila. You used to be that girl. Pero ngayon, hindi na."
Alam ko naman na ‘yun. Pero bakit masakit pa rin kapag naririnig ko ‘yun?
"Siguro nasasaktan ka ngayon as his friend kasi napalitan ka na lang
basta. Pero Cass, you don't own him. Hindi lang ikaw ang dapat niya
pinagtutuunan ng pansin. Hindi lang ikaw, Cass. It may hurt for a little
while, but it can't hurt forever. Makakasanayan mo rin. Masasanay ka rin
na wala siya tulad ng pagkasanay mo na nandiyan siya."
Napatahimik ako sa sinabi niya. Totoo. Totoo lahat. Siguro nga
makakasanayan ko rin na hindi na ako ang bestfriend. Lilipas din ‘to. Papalagpasin ko na lang. Hahayaan ko na lang. Buhay naman niya ‘yun. Wala akong karapatan magreklamo. Wala akong karapatan.
"Thank you."
"For?"
"For being with me sa mga panahon na wala si Ry. For being my friend sa
mga panahon na hindi ako binibigyan pansin ng bestfriend ko."
Napangisi siya at nilagay ang kamay niya sa baba niya, "Adviser na ba ako
ng love adviser ng lahat?"
Napatawa ako ng mahina at inirapan siya. "Yabang. But, hindi mo naman ako
inadvice-an. You just made me face the reality."
"Which is better." maangas na sabi niya.
"Wait. So.. sinabi ko na sa ‘yo ang problema ko. Nagawa ko na ang condition mo. Alam mo na. Sino na ‘yung gusto mo?"
"Sinasabi mo?"
"You promised! Sabi mo sasabihin mo kung sino gusto mo kapag sinabi ko
kung ano problema ko."
Tumayo siya ng swing at naglakad papalayo. What! Ang unfair naman nito.
At teka lang. Iiwan niya ako?!
Tumayo rin ako at hinabol siya saka kumapit sa braso niya, "Sino na?
Dali. Dali. Dali."
"Basta."
"Unfair! Sinabi ko problema ko."
"You didn't. Ako ang nagsabi ng problema mo. Magkaiba ‘yun."
"No! Salbahe 'to. Sabihin mo na. Please please please."
"You're being nosy, Cass."
"I know. But.. just tell me."
"No."
Kinulit ko siya ng kinulit pero ayaw niya talaga sabihin sakin kung sino
yung gusto niya. Parang sasabihin lang hindi pa magawa. Nahihiya ba siya?
Duh. Hindi naman na siya highschool para mahiya. College na siya. Wala ng
masama kung sasabihin niya gusto niya.
Hanggang sa pag-uwi at pagtulog ko, iniisip ko pa rin kung sino yung
gusto niya. Tinatanong ko sa kanya sa text pero ayaw niya lang sabihin.
Medyo nakakacurious talaga. Okay, hindi medyo. Sobra. Sobrang
nakakacurious.
***
"Aga aga busangot mukha."
Inirapan ko lang si Ash at nag-isip ulit kung sino ang posibleng
magustuhan ni Zac. Kainis ‘yan. Hanggang pag-aalmusal ko iniisip ko pa rin ‘yun.
Siguro maganda ‘yun. Matangkad. Maputi. Sexy. Ganoon naman ang tipo ng karamihang lalaki.
"Cass, may naghahanap sa 'yo." Napalingon ako kay manang.
Sa akin? Wala naman nagsabing pupunta sila sa amin. "Sino raw po?"
"Kate daw."
Pinuntahan ko siya sa sala. Sitting pretty siya doon habang nagtetext pa
kaya nilapitan ko na.
"Naligaw ka?"
"Namiss kita e."
"Asa. Bakit nga?"
"Naiinip kasi ako sa amin. Pumunta na lang ako dito. Aga aga ikaw agad
naisip ko. Matouch ka."
"Sira! Wala tayong gagawin dito."
"Edi samahan mo ko mag-mall."
Sabi na papasama lang 'to. Since wala rin naman akong gagawin, sasama na
lang ako. Pag-aantayin ko na lang siya habang mag-aayos ako ng kay tagal.
Nice idea, Cass. I really love myself. Ang talino ko talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pagshoshower nang may nagwawalang katok ng katok
sa pinto ko.
"Ano?!"
"Bilis, Cass! Grabe. Kinain ka na ba ng inidoro? Labas na!"
Makareact. Akala mo hindi pinagdaanan ang pagtatagal sa banyo. Halos mag-
iisang oras pa lang naman ako. OA makareact.
"Kainis. Nag-eenjoy pagligo."
"’Yung phone mo tunog ng tunog. Kanina pa may nagtetext sa 'yo."
Hinanap ko naman agad ako ang phone only to find out na may 4 messages na
ako galing kay Ry.
I opened Ry's messages..
Bestfriend, saan ka? Tara, tambay tayong mall.
Bestfriend, mahirap ka na ba at hindi ka nagrereply? Walang load?
Uy. Buhay ka pa ba?
Uy.
Hinagis ko ang phone ko sa kama. Bwisit. Nakaalala pa pala. Baka busy si
Megan kaya ako ginugulo niya. Mainam. Nakakatuwa talaga 'tong lalaking
'to. Nakakaalala kapag walang magawa.
"What's with the face? Sino nagtext?"
"Ry."
"Buhay pa pala ang loko. Saang lupalop na ba ‘yun nagsuot at hindi ko napagkikita noong nakakaraan?"
"Kasama si Megan."
"Oh." Saglit syang napatahimik tapos ay tiningnan ako ng nakalaloko at
ngumiti, "I think I know kung bakit ganoon reaksyon mo?"
Instead na tanungin siya, tinaasan ko siya ng kilay. Natawa naman siya at
binigyan na naman ako ng mapanuksong ngiti, "Someone's jealous."
"Wow, Kate. Wow. Asa ka pa di ba? Selos your face."
Magsasalita pa sana ulit siya nang biglang magring ang phone ko. This
time may tumatawag na. Si Zac naman.
"What?"
"Salamat sa magandang pagbati, Cass."
"Sure, no biggie. Ano nga?"
"Samahan mo kong mall." Mall na naman? May ano ba sa mall ngayon at puro
nag-aayang mag-mall ‘tong mga taong 'to.
"Sabihin mo muna sa akin kung sino gusto mo."
Ha! Kala nya makakalimutan ko ‘yun ha. Never. Pinanganak akong curious. Di ko sya titigilan hangga't hindi niya sinasabi kung sino ‘yun.
"Bye." Napaismid ako. Binagsakan ako ng loko.
Napatingin ako kay Kate na parang nagtatanong kung sino kausap ko, "Zac."
"What's with the gusto thingy?"
"May gusto siyang babae. Ayaw sabihin sa akin kung sino. Kagabi ko pa
siya kinukulit. Nakakainis na."
Tulad ng reaksyon niya kanina, tiningnan na naman niya ako ng nakakaloko
at ngumiti pa ng nakakaloko. Seriously, her reaction creeps me out.
Parang may ‘di magandang pumapasok sa utak niya whenever she throws me that look.
"Ano na naman?" inis na tanong ko.
"Baka naman kaya ayaw nyang sabihin kung sino yung gusto niya, kasi.."
May pabitin factor talaga? Oh, friends. Ganyan ba talaga sila?
"Pabitin lang?"
"Kasi baka ikaw ang gusto niya."
Ako?!
Natawa ako ng malakas sa naging sagot niya. Gusto ako ni Zac? Come on!!
I'm his only friend tapos ako pa magugustuhan niya? Mukhang imposible
naman ‘yun.
"I'm not joking."
"But you're so funny."
Hindi ko pa rin mapigilan matawa sa sinabi niya. Joker pala sya.
Inirapan lang nya ako at napatingin sa phone ko. "In demand ka ngayon."
Tumigil ako sa pagtawa at kinuha ang phone ko. Another message from Ry.
And a message from Zac. I opened Zac's first tutal ‘yun ‘yung nasa unahan.
Hey. Tara na. Mall na tayo. Wag ka na makulit.
At ako pa ang makulit ngayon?
Binuksan ko rin ang kay Ry.
Uy. Samahan mo na ko sa mall.
Letse. Bwisit mga 'to. Ginugulo ako. Napapadyak ako at hinagis ulit ang
phone ko.
"Ano sabi?"
"Nag-aayang magmall ‘yung dalawa."
And again with her creepy look. Ano na namang nasa utak ng babaeng 'to?
Ayan na naman ang mukha niyang ewan.
"So.. Sinong pipiliin mo? ‘Yung bestfriend mo kahit nagseselos ka kasi lagi na siyang may kasamang iba? O ‘yung kaibigan mo na laging nandyan kahit ginugulo ang utak mo kakaisip kung sinong gusto niya? Choose,
Cass."
=================
Chapter 29: I miss my bestfriend
"Sino ngayong pipiliin mo?"
"Baliw ka ba? Ikaw ang nauna mag-aya kaya wala akong pipiliin sa dalawa.
Ikaw ang kasama ko."
Napa-oh naman sya. Para kasing baliw lang. Papiliin ako sa dalawa kitang
siya na nga 'tong kasama ko. Gusto pa ko pag-isipin.
"Ligtas ka sa ngayon. Pero darating ‘yung time na pipili ka rin."
***
Ayoko na! Ayoko na talaga! Nakakapagod kasama 'tong si Kate. Panay ikot
sa mall wala namang binibili. Window shopping ba. Bwisit. Sakit na ng paa
ko.
Sa sobrang inis, umupo ako sa katabi ng fountain at hinayaan siyang
patuloy na maglakad. Kung alam ko lang papahirapan ako ngayon ni Kate ng
ganito, sana pumili na lang ako kay Zac at Ry ng sasamahan. I always
choose the wrong decision.
"Cass. Ano ba ‘yan. Tara na. Mamaya ka na umupo."
"No. Go if you want. I'm dead tired already."
Napanguso siya at tumabi sakin, "Kain na lang tayo?" Finally! Sa lahat ng
suggestions niya ito ang the best. Food.
"Okay po. Bye."
"Sino ‘yun?" tanong ko sa kanya after niya ibaba ang phone.
"Tita ko. Babysitter ako today, friend. Hay nako. After natin kumain,
gora na tayo ha?"
After namin kumain, naghiwalay na kami. Nagpaiwan ako sa mall kasi
nakalimutan kong bumili ng requirement para sa isang subject. Ang tagal
ko naglibot pero ngayon ko lang naalala.
Nagbabayad na ako sa may counter nang biglang may tumabi sa akin at
umakbay, "Nahanap din kita sa wakas."
Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino yun. Boses palang niya
kilalang kilala ko na. Sino ba naman ang makakalimot sa bestfriend niya?
Wait. Siya, I guess?
Hindi ko siya pinansin at naglakad lang palabas. Ano ba 'tong inaarte ko?
"Bakit hindi ka nagrereply o sumasagot sa tawag ko? Kailangan ko pang
tanungin si Ashley para malaman kung nasaan ka."
"Nakasilent phone ko. Nabasa ko message mo kanina, but nandito na ako sa
mall so I decided not to text you back," I lied.
"Tara, kain tayo?"
"Kakakain ko lang."
"Nuod na lang tayo sine?"
"Hindi ko gusto ang mga showing ngayon."
"Laro na lang tayo?"
"Pagod ako."
"Anong gusto mong gawin?"
"Umuwi." Walang buhay kong sagot sa kanya. This time I wasn't lying. I'm
tired. It's Kate's fault.
Tiningnan nya ako at parang nagpapaawa pa. Shit. Parang alam ko na kung
saan bagsak nito.
"I missed my bestfriend. Can't we bond kahit ngayon lang?"
I want to tell him na kasalanan naman niya kung bakit niya ako namimiss.
Busy kasi siya masyado sa bagong kaibigan niya at nakalimutan na niya ang
nauna. Ohmygod. I'm being petty. Ano ba nangyayari sa akin? But no. Hindi
'to mababaw. Friendship na ang pinag-uusapan dito.
"Please bestfriend?" Shit ka, Ry. "Please? Miss ko na makipagkulitan sa
'yo. Please please please please please please -- "
"Fine! Fine.” Ano pa nga bang magagawa ko? Lagi namang ganito. Hindi ko rin siya matitiis.
We were walking side by side ng hindi mapigilan ng makati kong dila ang
pagsasalita, "After a month and ilang weeks naisip mong may bestfriend ka
pa 'no?" Pagkasabing pagkasabi ko niyan pinagsisihan ko agad na sinabi ko
pa ‘yun. I should've stayed quiet.
Napahinto siya sa paglalakad at ganoon din ako saka ako tiningnan na para
bang nagulat at saka ngumiti. "Nagtatampo?" Nakuha pa niyang ngumiti.
Instead sagutin ang tanong niya ay naglakad na lang ulit ako. Common
sense na lang naman kasi. Sinong kaibigan ang matutuwa kung biglang
magli-low ang kaibigan nya?
Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko at ihinarap ako
sa kanya. "Nagtatampo nga?"
Seryoso ko siyang tiningnan at inirapan. Kung biro para sa kanya 'to, sa
akin hindi. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko sobrang big deal
nito sa akin pero anong magagawa ko kung ganoon ang palagay
ko?Napabuntong hininga siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
Magsasalita na sana siya nang patigilin ko siya, "Kain muna tayo."
Oo hindi ako gutom pero ayun lang ang naisip kong way para makaalis sa
usapan na ‘yun. Ewan ko pero parang may nagsasabi sa utak ko na meron akong hindi magugustuhan sa sasabihin niya.
Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lang sa akin. Siguro pakiramdam
nya ngayon kailangan niyang sundin ang gusto ko kasi nagtatampo ako.
"Anong gusto mo?"
"Ice cream."
"Hindi naman nakakabusog ‘yun."
"Kumain ako kanina. Gusto ko lang kumain ulit because I'm.. bored?"
Natawa siya at ginulo ang buhok ko. Ginulo niya ang buhok ko. Aaminin ko,
I missed that.
"Ang cute mo talaga. Sige, treat na kita."
Cute? Ano ako, aso? Instead na mainis, napangiti na lang ako.
Kumain kami ng ice cream ni Ry na parang dati lang. Matapos ng eksena
kanina, parang wala na ulit nangyari. Parang bumalik lang kami sa dati.
Hindi ko maipaliwanag paano nangyari ‘yun. Siguro ganoon lang talaga kapag bestfriend mo ang isang tao. Mabubura agad ng simpleng action lang
ang lahat ng tampo mo sa kanya. That's what I felt.
Ang lahat ng inayawan kong alok niya kanina, ginawa naman namin. After
mag-ice cream, kumain ulit kami. We were so bloated kasi kumain kami sa
eat-all-you-can. Para raw mas sulit.
Pagkatapos noon ay nanood kami ng sine. A horror film. Sa sobrang takot
ko, nakukurot ko na lang siya at napapaaray na lang siya. Ano pa bang
magagawa niya?
"Shit, Cass. Nakakasakit ka na," reklamo niya nang mapalakas yung kurot
ko.
"Anong magagawa ko? Sa natatakot ako sa palabas na 'to,” sagot ko sa kanya habang nakatakip pa ang dalawang kamay ko sa mukha ko pero
sumisilip din naman sa pagitan ng daliri ko.
Narinig ko naman ang pag-'tsk' niya at saka ako inakbayan. Well, yun ang
akala ko. Pero he pulled me closer to him at parang nakayakap na ako sa
kanya.
"What are you doing?"
“Ayoko ng makurot. This way baka mabawasan ang pagkatakot mo since may nakapalupot na na kamay sa 'yo. Hindi mo na ko makukurot."
Hindi na ako pumalag. Matapos manuod ng sine ay naglaro kami at
nagpicture-an pa ng makita namin ang photo booth.
Sobrang dami na ng nilibot at ginawa namin kaya nakaramdam na naman ako
ng pagod. Masakit na rin sa katawan. Kaninang umaga pa ako nasa mall
na'to. Ngayon pagabi na.
Hinila ako palabas ni Ry ng mall. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
ng pinapasok niya ako sa kotse.
"Basta."
Nakatahimik lang kami parehas buong byahe. Hindi awkward ang atmosphere.
Sadyang pagod lang.
Huminto kami sa may playground. Napangiti ako at lumabas ng kotse saka
tuloy tuloy na nagpunta sa playground.
Nakakarelax sa lugar nito. Uupo na sana ako sa damuhan nang pigilan ako
ni Ry. Naglatag siya ng tela at may kinuhang basket sa likod ng sasakyan
niya.
"Malamig na ‘yan. Matagal kasi tayo sa mall."
Siguro yung pagkain na nasa basket ang pinopoint niya.
Picnic. Magpipicnic pala kami.
"Siyempre, para hindi lamukin, nagdala pa ko nito." Nilabas niya pa ang
katol na dala niya. Boyscout.
"Anong naisipan mo at ginagawa mo 'to?"
"Ang alin?"
"Ito. Picnic."
"Ah," he paused for a bit at may sinabi siya na for some unknown reason
made my heart skipped a bit, "I miss being with you. I just.. I.. I miss
you."
=================
Chapter 30: Three reasons
Lahat ng inis at tampo ko kay Ry nawala ng dahil lang sa kalahating araw
na pagsasama namin ulit. Nakakatawa rin na ang ilang araw o linggo na
pagkainis ko sa kanya ay mabubura lang ng kaunting oras na magkasama kami
ulit.
After that day, after that picnic, parang bumalik na kami ni Ry sa dati.
I don't know how it happened, pero masaya ako na ayos kami ulit. Na
bumalik na kami sa dati. Pero kahit na close ulit kami, hindi pa rin
nagbabago yung sweetness nila ni Megan.
Yes, sweetness. Hindi sweetness na pang mangbestfriend kundi totoong
sweetness sa pagitan ng babae at lalaki.
May pagkakataon na pinupunasan ni Megan ang pawis ni Ry. Tapos itong si
Ry palaging hinahatid at sinusundo si Megan. Kahit mas maaga ang uwian
niya, hihintayin niya pa si Megan.
Sa tuwing ginagawa niya ‘yun, hindi ko alam kung bakit pero may kung anong parang kumukurot sa puso ko. Naiinis ako. Nabwibwisit. Nayayamot.
"Two inches."
Nabaling ang tingin ko kay Kate na bigla bigla na lang nagsalita. Para
silang ewan ni Sheena kasi nakapalumbaba sila at nakatingin sa akin.
"Ano?"
"Ayun yung haba ng nguso mo."
Napahawak naman ako sa labi ko. Grabe napaka OA naman nila. Sobrang haba
ng 2 inches. Ni wala pa ngang 1 inch ang haba nito.
"Anong problema mo at kung makanguso ka -- " naputol ang sasabihin ni
Sheena nang magring ang phone ko.
Tinanguan nila ako at sinagot ko ang phone ko. "Bak--"
"Bestfriend! Nasaan ka? May sasabihin ako sa 'yo. Dali."
Anong problema ni Ry at parang sobrang excited? "Ano bang sasabihin mo?
Dito mo na lang sabihin. Kumakain kami nila Sheena, tinatamad ako
makipagkita -- "
"Sabi na nandito ka lang."
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko habang nakalapit sa tenga
ang phone niya. Napabuntong hininga na lang ako. Sobrang importante ba
ang sasabihin niya at talagang hinahanap na pala niya ako bago pa niya
ako tawagan.
Bago pa ako makapagsalita, hinawakan na niya ang braso ko at hinila ako
papalabas ng cafeteria. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa dalawa.
Dinala niya ako sa may tinatambayan naming dalawa. Sa may ilalim ng puno.
Binitawan niya ako at humarap sa akin na ngiting ngiti.
"Ano ba ‘yang balita mo na hindi makapaghintay? Pati pagkain ko naperwisyo."
Sa halip na sumagot tinitigan niya pa rin ako ng nakangiti pa rin ng
sobrang laki.
"Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo at pwede bang
pakibilisan at gutom pa ko."
Tulad kanina, hindi na naman siya nagsalita at nakatingin pa rin sa akin
na sobrang nakangiti.
"What the hell, Ry! Ano ba yan! Kakaladkalarin mo ako dito para ngitian
ng ganiyan? Pwede ka namang ngumiti ng ganiyan kahit nasa cafeteria ako.
Nakakainis man at least kumakain ako habang nakangiti ka ng ganiyan. Para
kang ewan. Hindi ko -- "
"Kami na ni Megan."
Tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi ba ako namali? Sila? As in sila?
"A no?"
"Girlfriend ko na si Megan."
Bestfriend niya ako kaya kapag masaya siya, dapat masaya rin ako para sa
kanya. Pero bakit ganoon? Bakit wala ako maramdamang saya? Bakit hindi ko
magawang maging masaya para sa kaniya? Bakit kabaligtaran ng nararamdaman
njya ang nararamdaman ko? Ang gulo. Ang gulo gulo ko.
"Paano?" Ipinilit kong ipinakita na masaya ako. Sana nagtatagumpay ako sa
ginagawa ko.
"Siyempre sinagot niya ko."
"Kailan mo pa siya niligawan?"
"Last month. Well, I know medyo mabilis pero we decided to take things to
the next level since parehas naman kami ng nararamdaman. Grabe, Cass. Ang
saya saya ko. Finally I found someone na – teka. Ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo? Dalhin kita sa clinic. Ta --"
"No. Ano.. Nahilo lang ako. Biglang uminit."
"Sigurado ka? Kasi kung -- "
"Una na ko. Congrats, Bestfriend. I'm happy for you and Megan. Bagay
kayo." I gave him a weak smile sabay talikod.
Kasabay ng pagtalikod ko, naramdaman ko na naman ‘yung parang may kumukurot sa puso ko. Parang tinutusok na naman ‘yun ng sandamakmak na karayom. Ano bang problema ko?
Umalis ako agad ng campus. Nagdrive ako ng nagdrive. Hindi ko alam kung
saan ako pupunta. Hindi ako makapag-isip ng matino. Paulit-ulit lang sa
utak ko ‘yung mukha ni Ry habang sinasabi niya ang mga salitang ‘yun. Sobrang saya niya. Kitang kita ko ‘yun.
Kami na ni Megan. Kami na ni Megan. Kami na ni Megan.
Girlfriend ko na si Megan. Girlfriend ko na si Megan. Girlfriend ko na si
Megan.
I shake the thought out of my head. Nababaliw na ko. Ano naman kung sila
na? Hindi naman ibig sabihin nu’n na hindi na ako ang bestfriend dahil lang sa may girlfriend na siya. Dapat pa nga akong matuwa kasi hindi
naman pala tama yung nararamdaman ko dati na inaagaw ni Megan ang title
ko sa buhay ni Ry. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko.
"Cass, asan ka? Tara, tambay tayo kung saan man."
"Thank you."
"Ha? Saan?"
Thank you for saving me from my own screaming thoughts. Thank you for
being there for me whenever I needed you the most.
"Wala. Sige. Saan mo ba --"
"What's wrong?" Ramdam ko ang concern sa boses niya.
"Wala."
"Pumunta ka sa may playground sa village nila Chee. Ngayon na."
***
Napatingin ako sa panyong nasa harapan ko at tiningnan ang nagmamay-ari
ng panyo. Si Zac.
Nagbuntong hininga siya at umupo kalevel ng swing para kapantay niya ako
at saka pinunasan ang pisngi ko. Noon ko lang nalaman na umiiyak na pala
ko.
"What's wrong?" tanong niya na nakatingin ng diretsyo sa akin.
Sa pagkakatanong niyang ‘yun, lalo akong naiyak at saka ko siya niyakap. Naramdaman ko ang pagpalupot ng kamay niya sa akin. With him I feel
secure.
Ilang minuto akong umiyak at nakayakap sa kanya. Hindi ko alam pero
kusang nagpapatakan ang luha sa mata ko. Tuloy tuloy ang agos nila. Gusto
ko ng tumigil sa pag-iyak pero ayaw tumigil ng mata ko.
Nang mahimasmasan ako, umupo kami ni Zac sa swing. Ilang sandaling
katahimikan ang bumalot sa amin.
"Hindi ko alam." Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko,
"Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito
ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko tinutusok
‘yung puso ko."
Ilang minuto pa at nagsalita na siya, "Anong ginawa niya?" Napatingin ako
sa kanya at nagsalubong ang tingin namin.
"Anong ginawa ni Ryan?" Parang may bumara sa lalamunan ko. Paano? Paanong
nalaman niya na si Ry ang tinutukoy ko? "Siya lang ang may ganyang epekto
sa'yo, Cass. Siya lang."
Napapikit ako at tulad kanina, nagbagsakan na naman ang mga luha ko.
Nakakapagod.
"Si Ry. Sila na ni.. Megan.
"Zac, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos ko.
Wala namang masamang maging sila. Hindi naman dahil sila na mawawala na
ang bestfriend ko. Pero Zac, hindi ko alam kung bakit at kung ano 'tong
nararamdaman ko."
Nakakainis. Ayaw magtigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Nababaliw na ata
talaga ako.
"Nasasaktan ka."
Napatingin ako kay Zac na seryosong nakatingin sa langit. Lumingon siya
sa akin at tiningnan ako ng seryoso. ‘Yung tingin niyang ‘yan, isang beses ko pa lang nakikita. At ‘yun ay noong nandito rin kami sa pwestong 'to.
"Ang tanga mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko ang tanga mo." Walang buhay niyang sabi."Alam mo Cass, ang tanga
tanga mo."
Nag-iinit na ang mukha ko. Alam kong marami na akong utang na loob sa
kanya pero wala naman ata siyang karapatan na paulit-ulit akong sabihan
ng tanga.
"Ano bang proble -- "
"Tatlo. Bibigyan kitang tatlong dahilan kung bakit kita tinawag na
tanga."
Inalis niya ulit ang tingin niya sa akin at tumingin lang sa diretsyo
niya, "Una, ikaw ang love adviser ng lahat pero ang tanga tanga mo dahil
hindi mo magawang tulungan ang sarili mo.
"Pangalawa. Sobrang tanga mo para hindi mo maramdaman na mahal mo ang
bestfriend mo."
Nanlaki ang mata ko at napatayo sa swing nang sabihin niya ‘yan. Magsasalita palang sana ako pero tiningnan niya ako ng diretsyo at
tinuloy ang sinasabi niya.
"Pangatlo, ang tanga mo para iyakan ang taong hindi ka binibigyang halaga
samantalang nandito naman ako na minamahal ka ng sobra."
Ano raw? Mahal niya ko?
=================
Chapter 31: Ingat, bestfriend
I stared at him in disbelief. Mahal niya ko? At teka lang naman. Mahal ko
ang bestfriend ko? Wow. Is this really happening?
Napalunok ako at tumawa awkwardly, "Patawa ka. Daming joke niyan."
Napailing siya habang tumatawa ng mahina. I knew it! Pinagtritripan lang
ako nito. Nakakadalawa na siya ha.
"Sabi na ganyan magiging reaction mo."
"Funny ng joke mo," sagot ko pa at tumawa ulit.
"I'm serious."
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Mukha ngang seryoso na siya.
Ayan na naman ‘yang tingin na ‘yan.
My God. Mababaliw na ko. Totoo ba lahat ng naririnig ko.
"Totoo lahat ng sinabi ko. Hindi ako nagjojoke. Hindi ako nagpapatawa o
kahit na ano pang iniisip mo. I'm dead serious, Cass."
"Di ba may gusto ka na?"
"You really don't get it, do you?" Umiling ako at napabuntong hininga
siya, "Daig mo pa ang bato sa pagkamanhid mo. Ikaw ang tinutukoy ko. Ikaw
ang babaeng ‘yun."
"Pero.."
"Alam mo, Cass, hindi ko plinano 'to. Noong nakipagkaibigan ako sa 'yo
noon, nakikipagkaibigan lang talaga ako. Nothing more. Kaya lang iba ka.
Sobrang iba. Natural na natural. Hindi ka nagpapanggap maging ibang tao.
Ginagawa mo kung anong gusto mo. Nagsusungit ka kung ayaw mo. Ang tapang
tapang mo pero inosente ka kahit papaano."
"Zac.."
"Hindi ba pwedeng ako na lang ang magustuhan mo?"
"Zac naman."
"Hindi naman kita minamadali. Hindi ko hinihingi ‘yung sagot mo ngayon. Alam kong naguguluhan ka pa rin. Pero Cass, nandito lang naman ako.
Nandito ako para sa 'yo."
Ayan na naman. Naglalabasan na naman ‘yung mga luha ko. Paano ba kasi nagkaganito? Bakit si Zac pa? Bakit siya pa?
Tumayo siya at pinunasan ‘yung luha ko saka ako niyakap. Bakit ganito sa akin si Zac? Bakit ba kasi sobrang bait niya?
***
"Tahan na."
"Gusto mo muna bang pumasok sa loob?"
"Hindi na. Late na rin. Para makapagpahinga ka."
Nginitian niya ako at saka tumalikod. "Zac!" Pagharap niya, tumalon ako
para yakapin siya. Natawa siya at niyakap din ako.
"Thank you," bulong ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sandali at saka ako binitawan.
"Pasok na. Goodnight."
***
"Sino?"
Tinaasan ko ng kilay ang nagtanong na si Sheena. Bigla bigla na lang kasi
nagtatanong.
"Anong sino?"
"Iniisip mo." Inirapan ko siya at saka kinain ‘yung pizza na binili ko.
Pansin ko lang kapag kasama ko si Sheena at Kate lagi nalang kami
kumakain. Pero siyempre mas gusto ko 'to kesa magshopping like what other
girls normally do.
"Si Ry o si Zac?"
Bigla akong nasamid at napapalo sa dibdib ko ng tanungin ni Kate ‘yun. Agad agad ko naman kinuha ‘yung inumin ko.
"Confirmed."
"Alin nga sa dalawa. Galing mo talaga, Kate."
Nag-apir pa sila at tiningnan ako ng nakakaloko.
"Stop it! H’wag niyo ako tingnan ng ganiyan."
"Sino muna iniisip mo?"
"Wala nga."
"H’wag mo kami lokohin. Hindi kami uto-uto."
"Ang kulit. Kainis."
Pinagtawanan ako ng dalawa. Nakakainis naman kasi talaga sila. Nilalagay
ako sa hotseat. Kainis. Kainis. Kainis.
"Pipilitin ka pa ba namin o magsasalita ka na."
"Kasi naman! Ano bang -- "
Naputol ang sinasabi ko nang may umupo sa tabi ko at umakbay sakin,
"Inaaway ka ba ng dalawang 'to? Gusto mo resbak?" Hindi ko alam kung
matutuwa ba ako sa kanya kasi dumating siya o maiinis kasi.. basta
maiinis lang.
"Hindi namin inaaway yang bestfriend mo. Mapagbintang 'tong unggoy na
'to,” sagot ni Sheena.
"Itigil niyo nga ang pangbubully kay Cass. Kapag ‘yan bumalik sa dati bahala kayo. Tingnan ko lang kung malapitan niyo pa ‘yan."
Napatingin ako sa nagsalita. Oo nga naman. Kapag nandito si Ry, baka
nandito rin si Megan. In a relationship sila. Bago pa kaya madalas pang
magkasama.
Magkatabi silang dalawa at naghaharutan pa. Kainis. Tatlo lang kasi kami
kanina tapos uupo kami sa table na good for 8. Ayan tuloy. Nagkasya pa
‘yung dalawa. May space pa pero kung maggitgitan akala mo wala na. Nahiya naman dumaan ang hangin sa pagitan nila.
Teka nga. Ano bang ikinaiinis ko? Ano naman kung ganoon sila? Malamang
close sila kasi mag boyfriend-girlfriend nga di ba? O, anong inaarte-arte
ko dito?
Napa-gasp si Kate at Sheena kaya napatingin ako sa kanila. Nanlalaki ang
mata nila habang nakatingin kay Ry at Megan. Parang nakakita ng multo.
Dahil sa dakilang curious ako, tiningnan ko ang dalawa. Pagtingin na
pagtingin ko, inalis ko agad ‘yung tingin at napapikit kasi para na namang tinutusok yung puso ko. Magkahawak lang naman sila ng kamay. Anong
problema doon? Couple sila. Natural na ‘yun.
"Bakit kayo magkaholdinghands?" tanong ni Kate sa kanila.
"Ay. Sorry. Nakalimutan naming sabihin sa inyo. Kami na." Bakas sa boses
ni Megan ‘yung tuwa habang inaannounce niya ang balita.
Naramdaman kong napatingin sa akin si Kate at Sheena pero saglit lang at
kinongratulate din ‘yung dalawa.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero ngumiti ako at hinarap si
Megan, "Congrats Megs. Nasabi na nga ni Ry kahapon. Sorry hindi na kita
nacongratulate agad. At saka goodluck na rin. Teka. Gusto mo samahan kita
minsan sa optical clinic?"
"Ha? Bakit naman?"
"Patingnan natin ‘yang mata mo. Baka may mali kasi pinatulan mo 'to," sabay turo ko kay Ry.
Tumawa naman sila sa sinabi ko pero si Ry nagkunyaring nasaktan at
humawak pa sa dibdib niya, "Aray! Bestfriend pa man din kita tapos
sinisiraan mo ako sa girlfriend ko. Nakakasakit."
Binelatan ko lang siya. Girlfriend. Girlfriend niya. Yes. Girlfriend
niya. At ako? Bestfriend niya.
"Nga pala bestfriend. Ayos ka na ba?" Tinanguan ko naman siya at ngumiti.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa pagkain. Nag-uusap-usap sila pero
wala ako sa mood sumali. Napatingin ako sa kamay ni Ry at Megs.
Magkahawak pa rin. Sige lang. Panindigan nila ‘yan. Tingnan ko lang kung makakain pa sila.
Pero pang-inis talaga. Sa sobrang ayaw magbitaw ng kamay, nagsubuan na
lang ng pagkain para makakain. PDA alert. Nakakahiya sa mga tao.
Naramdaman ko na naman ‘yung kakaibang kirot sa puso ko kaya napapikit ulit ako habang nakayuko. Bago pa man din ako dumilat, nagulat na lang
ako nang may umakbay na naman sa akin.
Nagbitaw na ba sila ng kamay kaya inaakbayan na ulit ako ni Ry? Kung si
Ry, bakit nasa kaliwa yung – teka.
Agad kong minulat ang mata ko at napatingin sa kaliwa ko. Si Zac. Si Zac
ang umakbay sa akin.
"Pahingi." Nginitian niya ako at saka kinuha ‘yung bawas ko ng pizza at kinagatan.
Napairap tuloy ako sa kanya. Napansin ko rin ang biglaang pagtahimik ng
mga kasama ko kaya tiningnan ko sila.
Magkahawak kamay pa rin si Ry at Megan pero nakatingin sa amin ni Zac.
Mali. Kay Zac lang pala. Parang kinikilala nila. Ngayon ko lang naalala
na sa tagal naming magkakaibigan, hindi ko pa nga pala sila napapakilala
sa isa't isa kasi ayaw ni Zac.
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Sheena at Kate na naglilipat lipat ang
tingin sa aming apat. Seriously? Sinipa ko ang paa ni Sheena. Napa-aww
siya pero pinanlakihan ko siya ng mata.
"Zac!" sigaw ni Sheena at finally, natigil na ang tinginan portion nila.
"Sa wakas lumabas ka na rin sa lungga mo at sumama sa amin."
Napangisi si Zac, "Hindi kasi sinasagot ni Cass tawag ko kaya hinanap ko
na lang."
"Tumatawag ka?" Chineck ko ang phone at bumungad nga sa akin ang mga
missed call niya. "Bakit?"
"Naiinip ako." Inirapan ko siya kaya pinisil niya ang ilong ko.
"Uhh, Cass," tawag ni Kate kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuso naman
siya sa direksyon ni Ry at Megan.
Oo nga pala. Hindi ko na sila napakilala sa isa't isa.
"Ry, Megan. Ano nga pala, si Zac. Kaibigan ko. Tapos Zac, si Ry at si
Megan. Bestfriend ko saka friend." Nagshakehands sila at nagtanguan.
Magkakasama kami sa table pero parang hindi rin. Si Ryan at Megan may
sariling mundo sa gilid at parang lulusubin na ng mga langgam sa sobrang
kasweetan. Si Kate at Sheena naman nagkwekwentuhan lang din. Kaya ano pa
nga ba ang mangyayari? Edi kami ni Zac ang maiistuck sa isa't isa.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang hinawakan ni Zac ang kamay
ko at tumayo dahilan para mapatingin sa amin ‘yung apat.
"Nakawin ko muna si Cass." Paalam niya.
Napatingin si Sheena at Kate kay Ry. Si Megan naman ngumiti at tumango
lang.
Napatingin ako kay Ry na nakatingin sa amin. Maiinis din kaya siya?
Mabwibwisit din kaya siya? Kasi sa tuwing magkasama kami ni Ry at
nanakawin siya sa akin ni Megan naiinis ako. Ganoon din kaya ang
mararamdaman niya?
Nasagot lahat ng tanong ko nang ngumiti siya at tinanguan si Zac, "Sige.
Ingat, p’re. Ingat, Bestfriend," sabi niya at tumalikod na para harapin ulit ang girlfriend niya.
=================
Chapter 32: Cass' day
"Ako na ba ang knight-in-shining-armor mo? I saved you back there."
Manunumbat ba siya? Kaya lang tama nga naman. Niligtas niya ako. Kung
nagtagal ako doon, hindi ko na alam ang mangyayari. Baka hindi ko na
makontrol ‘yung emosyon ko.
"Wala ng tao. Pwede ka na umiyak. Tatalikod ako kung gusto mo."
Napatingin ako kay Zac. As if on cue, nagsimula na maglabasan ‘yung luha ko. Kailan ba matatapos at mauubos ang mga luha ko? Nakakapagod din
palang umiyak. Dalawang araw ko ng ginagawa 'to. Sawang sawa na ko.
Nakita ko ang concern sa mata niya habang tinitingnan akong umiiyak.
Hindi ko napigilan, yumakap ako sa kanya at saka humagulgol. Ang sakit.
Grabe na. Libo libong karayom na ata ang nakatusok sa puso ko. Maski
paghinga nahihirapan na ko.
Hinagod niya ang likod ko at hinayaan akong umiyak. Pakiramdam ko nga
nababasa ko na yung damit niya pero hindi ko alam kung kanino at kung
saan ko pa ilalabas 'tong nararamdaman ko.
Sa sobrang tagal kong umiiyak, pakiramdam ko nanghina na ko at naubusan
na ako ng luha kaya tumahan na rin ako at kumalas sa yakap ni Zac.
Nanatili kaming tahimik. Hindi niya ako tinatanong o kung ano man.
"Masakit pala," sabi ko sa kaniya pero hindi siya tumingin sa direksyon
ko at nanatili lang nakatingin ng diretsyo.
Napapikit ako, "Sobrang sakit. Noong narinig ko na sila na, oo, nasaktan
ako. Pero ‘yung makita sila ngayong ganiyan, sobra na. Sobra na ‘yung sakit. Hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Wala. Naramdaman ko
na lang ‘yung sakit. Tama ka. Tanga ako. Ang tanga ko."
Pagdilat ko, nakita ko si Zac na seryosong nakatingin sa 'kin. Iniwas
niya ang tingin niya nang makitang nakatingin na rin ako.
Ngumiti siya. Malungkot na ngiti. At saka ako tiningnan ulit, "So I guess
that makes us two stupid people huh?"
Napaiwas ako ng tingin ng sabihin niya ‘yan. Nakokonsensya ako. Kasi tama siya. I was too stupid para hindi makita na tama ang lahat ng sinabi niya
sa akin kahapon.
I'm everybody's love adviser. I can solve other people's problem easily.
Wala pang five minutes nasosolusyon-an ko na ang problema nila. Pero
bakit ngayon hindi ko magawang tulungan ang sarili ko sa problemang
hinaharap ko? Bakit hindi ko magawang iligtas ang sarili ko sa sitwasyon
ko? Naiinis pa ako sa mga pinapayuhan ko kasi pakiramdam ko ang tanga
tanga nila para hindi masolusyunan ang simpleng problema pero ngayon, ito
ako. Hirap na hirap din sa sarili kong problema.
Saksakan ako ng tanga para hindi agad marealize na totoo ang sinabi niya.
Na in love ako sa bestfriend ko. Ang tagal bago ko inamin ‘yan sa sarili
ko. I guess I'm just too scared to admit na ako, ang babaeng hindi
naniniwala sa love, ay maiinlove.
Yes, Ry proved me wrong. Tama siya, mali ako. Tama siya na pang
matatatapang lang ang love. Kasi ako? Isa akong duwag. I'm a coward kaya
nagpatay malisya ako. All those sweet times at concern na naramdaman ko
kay Ry ay akala kong dahil lang sa kaibigan ko siya. Natatakot kasi akong
aminin sa sarili ko na naibigay ko sa ibang tao ang puso ko – na hinayaan kong macontrol ng iba ang happiness na nararamdaman ko. I'm too damn
scared to admit that I was wrong. Mali ako sa lahat ng akala ko sa bwisit
na love na ‘yan.
How could someone say na kapag nainlove ka palaging masaya? Na isa yun sa
'best' feeling na mararanasan mo habang nabubuhay ka? Kung sino man ang
mga nagsabi niyan, siguro hindi pa talaga nila naranasan magmahal. Kasi
sa tingin ko, all it brings us is pain.
"Isn't it funny? We're both stupid. We both love someone who's already in
love with someone else. Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya iba."
"Don't you just hate love? All it brought us is pain. Hindi ba pwedeng
kapag nagmahal ka, automatic na mahal ka rin niya. Para wala ng
masasaktan. Wala ng iiyak. Everybody happy."
"It's not that simple, Cass. That's how it goes. We fall in love then
we'll get hurt. Tapos ganoon ulit. Same process."
Napakunot ang noo ko, "Stupid heart." I heard him chuckled.
Napatingin ulit ako sa kanya. Bakit kasi hindi na lang siya ang
nagustuhan ko? Kung ganoon ang nangyari, parehas kaming masaya at hindi
nagpapakatanga ng ganito.
"Nagsisisi ka ba na minahal mo ko?" Pabulong na lang noong sinabi ko
‘yung huli. I feel guilty.
Napalingon siya sa akin at halata mo sa mukha niya na nagulat siya sa
sudden question ko. Ako man, hindi ko alam kung bakit ko tinanong ‘yan.
Stupid mouth. Stupid brain. Stupid heart.
"Hindi." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya, "It's a nice feeling anyway.
Oo, nasasaktan ako ngayon kasi nasasaktan ka dahil sa ibang tao pero for
some reason masaya ako kasi minahal kita. Nasasaktan mo man ako ng hindi
sinasadya, nagiging masaya pa rin ako ng dahil sa ‘yo."
"I.. I'm sorry, Zac. Kung nasasaktan kita, sorry talaga."
"I'll get used to it. Okay lang. Nakakatawa na nga lang. You're the
reason for my happiness and pain."
Napayuko ako at buntong hininga, "Ayokong saktan ka. Alam ko na ang
pakiramdam nu’n kaya ayokong maramdaman mo ‘yun. Mahal kita Zac at alam kong alam mo ‘yun."
"Alam ko. Hindi sa paraan ng pagmamahal ko sa 'yo. Hindi sa paraan ng
pagmamahal mo sa kaniya."
"Sobrang importante mo sa akin at ayokong bigyan ka ng false hope. Sa
totoo lang, hindi ko alam kung paano ako dapat makitungo sa ‘yo ngayon. Iiwas ba ko o lalayo para mawala ‘yang nararamdaman mo o -- "
"Stay. H’wag mo akong iiwasan. I don't care kung hindi mo maibalik ‘yung pagmamahal ko sa 'yo. Basta h‘wag ka lang lumayo."
Tinitigan ko si Zac. Kung gusto niya ang ganoon, I'll stay.
Bakit hindi na lang kasi siya? Bakit si Ry pa?
Isang linggo na ang lumipas magbuhat nang magharap harap kaming apat.
Pagkatapos noon, madalas na rin kami magsamasama. Hindi ko alam kung
ineenjoy ko ba ang pagtorture sa sarili ko sa ginagawa ko pero tulad ng
nararamdaman ni Zac sa akin, ganoon din ang nararamdaman ko kay Ry.
Ayokong lumayo sa kaniya.
Nakatambay ako sa tinatambayan namin ni Ry at nakapikit. Ang sarap ng
tahimik lang. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko pa rin
dinilat ang mata ko. Alam ko naman kung sino 'to. Amoy palang ng pabango
niya kilala ko na.
"Cutting ka." Nanatili pa rin akong nakapikit at hindi siya pinansin.
"Alam kong gising ka. Kilala kita."
"Nagrerelax lang."
"Dapat hindi ka nagcutting. Pasaway ka."
"Mana sa'yo. Cutting ka rin. Kala mo hindi ko alam."
Nginitian niya ako ng pagkalaki-laki at saka ginulo ang buhok ko. Nagulat
ako nang humiga siya sa lap ko at saka pumikit.
"Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga."
"Hayaan mo na ako. Nagrerelax din ako."
Magsasalita pa sana ako pero naglagay na siya ng earphone sa tenga
niya. Bastos 'to. Hindi marunong makinig. Napairap na lang ako at
sumandal sa puno at saka binunot bunot ang damo.
Ilang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon nang biglang mag-vibrate ang
phone niya. Naramdaman ko lang kasi nilapag niya sa tabi ko ‘yun. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Megan.
Tinanggal ko ang nakasaksak na earphone sa tenga niya kaya napadilat
siya, "Bakit?"
"Nagtext si Megan."
Pumikit ulit siya, "Anong sabi? Pakibasa." Napataas ang kilay ko sa
pinagawa niya pero sinunod ko pa rin.
"Sabi niya, 'saan ka'. Ayun lang."
"Replyan mo."
"Anong sasabihin ko?"
"Kahit ano."
Napairap nalang ulit ako at kinuha ang kamay ni Ry saka pinaghawak ng
phone niya. Tinatamad ako mag-isip ng irereply.
"Pareply na," sabi niya at pinahawak ulit sa akin ang phone niya.
"Fine, pero anong sasabihin ko."
"Sabihin mo.. 'Nasa tambayan namin ni Cass. Sorry hindi muna kita
mahahatid -- "
"Teka lang naman. Dahan dahan kasi. Di ako sanay masyado magtype sa phone
mo."
Natawa naman saglit si Ry at nagsalita, "Nasa tambayan kami ni Cass."
"Tapos?"
"Sorry hindi muna kita maihahatid."
"Go."
"Kasama ko si Cass. Today is Cass' day."
Napahinto ako sa pagtatype at napatingin sa nakapikit na si Ry.
"Ano ‘yun?" tanong ko sa kanya. May nalalaman pa kasing Cass' day.
"Cass day. Baka magtampo ka kasi ulit. Baka maisip mo na wala akong time
para sa 'yo. Aba hindi pwede ‘yun. Kaya para sa 'yo lang buong oras at panahon ko ngayon. Ayos ba?"
=================
Chapter 33: Aso't pusa
"No. Hindi ayos ‘yun. Look, Ry. Hindi naman ako magtatampo. Girlfriend mo si Megan. Natural lang na mapunta sa kanya atensyon mo. Ayos lang sa akin
‘yun. Baka mamaya, magselos pa ‘yun."
Tinaasan niya ako ng kilay. Bakit ano bang mali sa sinabi ko? Baka
pagselosan.. ay shoot. Mali nga. "I mean.. you know. Kahit.. ano.. kahit
bestfriends tayo, baka magselos sya na nasa akin ‘yung time mo."
"You know hindi ganyan si Megan. Hindi naman siya magseselos. Bestfriend
kita. Kaya ayos lang sa kanya ‘yun. Ano ba naman ang isang araw lang na hindi ko siya kasama? Kung tutuusin kalahating araw na nga lang."
"Kahit na. Basta! Basta. Doon ka muna kay Megan."
"Teka nga, Cass. Bakit ba pilit mo kong tinatapon sa kaniya?"
"Kasi nga girlfriend mo siya!"
Nararamdaman kong naiinis na siya sa akin. Pero dapat ko kasi talagang
gawin 'to. Para man lang sa sarili ko. Nagpapakatanga na nga ako para sa
kaniya. Sumasama ako sa kaniya kahit kasama niya si Megan. Kahit na alam
kong sa bandang huli ako rin ang masasaktan. Sobrang torture naman na ata
ang gagawin ko sa sarili ko kung sasanayin kong madalas siya kasama at
worse, kaming dalawa lang. Baka kasi kapag kaming dalawa na lang,
makalimutan kong may girlfriend siya at mabigyan ko ng malisya ang
pakikitungo niya. Lalo pa ngayon na narealize ko na mahal ko pala siya.
"Pero bestfriend kita." Natigil ang pag-iisip ko ng sabihin niya ‘yan. Ang lungkot ng boses niya.
Nagbuntong hininga ako at sinuntok ko siya sa balikat niya pero mahina
lang, "Sus. Oo naman bestfriend mo ako at hindi ‘yun mabubura. Kaya lang, doon ka muna kay Megan ngayon. Dali na."
Tinitigan niya ako at ganoon din ang ginawa ko. ‘Yung mata niya. I can see.. pain? Dahil ba sa tinutulak ko siya palayo?
"You really don't want me around, do you?" Sobrang seryoso ng boses niya
at nang narinig ko ‘yun, parang kinurot na naman ang puso ko. "Sige. Iwan muna kita dito." Nanlalata siyang tumayo at naglakad na paalis.
Papalayo.. sa kin.
Oo, masakit. Masakit na itulak siya palayo at ipagsiksikan siya kay
Megan. Kaya lang wala naman na akong magagawa. Magpapakaselfish muna ako
at iintindihin ang sarili ko. Kailangan kong tiisin ‘yung sakit na nararamdaman ko ngayon kesa mas lalo akong masaktan sa bandang huli.
Hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko. Hanggang kailan ba
sila lalabas? Hanggang kailan ba ako iiyak? Nakakasawa na.
***
"Nakakalunod."
Halos mapatalon ako sa gulat nang tabihan ako ni Zac. Napatingin ako sa
paligid at ngayon ko lang narealize na wala na palang tao sa classroom
namin bukod sa amin ni Zac, Sheena at Kate.
Nakatayo lang sa harap ko si Sheena at Kate pero si Zac, nakataas pa ang
paa habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya.
"Lalim ng iniisip. Lunod ka na?"
Inirapan ko siya at akmang tatayo na nang hawakan niya ako sa braso at
pinigilan, "Mamaya na tayo umalis. Kakaupo ko lang. ‘Wag kang excited."
"Pero -- "
"Ayos lang naman sa inyong magstay muna di ba?" tanong niya kila Sheena
at Kate.
Tumango at ngumiti ang dalawa saka inikot ang upuan sa harap ko para
magkakaharap kami. Hay nako. Ano bang problema ng mga 'to?
"Ano ngayong gagawin natin dito?"
“Maglalaba," sarkastikong sagot ni Zac.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Nakakatawa."
"Meron ka ba? Sungit mo."
"Kalalaki mong tao tinatanong mo ‘yan. Anong paki mo kung meron ako?"
"May pakialam ako kasi ako ang napagbubuntungan mo ng init ng ulo mo."
"Manahimik ka kasi para hindi ikaw ang mapagbuntungan ko di ba? Bwisit
naman."
Inirapan ko ulit siya at saka nagcross arms sabay harap sa may bintana.
Nakakainis. Napakapilosopo pa.
Biglang natawa si Sheena kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano?" inis na tanong ko.
"Ang cute niyo. Para kayong aso't pusa. Bagay kayo." Kinikilig na sabi
niya.
Tumayo na lang bigla si Zac at tinuro ako, "Ito? Ito bagay sa akin? Nako.
Hindi ba parang nakakaoffend naman ‘yan sa parte ko."
Nanlaki ang mata ko sa statement niya. Aba. Hindi ako papatalo dito.
"Wow. Talagang sa ‘yo pa nanggaling ‘yan? Teka? Spokesperson ba kita? Sinabi mo ba ‘yan on my behalf. Naappreciate ko ‘wag kang mag-alala."
"Mahiya ka nga, Cass."
"Aba't! Kanina ka – “
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla na namang tumawa ng sobrang
lakas si Sheena kaya parehas kaming napatingin sa kanya.
"Grabe! Ang epic niyo mag-away."
Napairap na lang si Kate kay Sheena. Paano ang lakas tumawa. Parang
nakalunok ng megaphone. Babae ba talaga 'to?
Naalis ang tingin ko sa kanila nang akbayan ako ni Zac, "Para sa
kasiyahan niyo pagtyatyagaan ko na si Cass. Napipilitan man ako..
kailangan kong gawin ‘to para sumaya kayo," biro niya pa.
"Kapal," bulong ko.
"Sige, Cass. Sinasagot na kita. Matagal tagal ka ng nanliligaw sa akin.
Time na para sagutin ka."
Hindi ko napigilan, natawa na lang din ako kay Zac. Lakas mangarap. At
maggaling pang mag-imbento ng kwento. Hindi na ko magtataka kung maging
writer ‘to sa future.
Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses ni Megan, "Ang saya
natin ha," biro niya. Nakatayo siya sa may gawing pinto at kasama niya pa
si Ry.
Napatingin ako kay Ry na nakatingin din pala sa akin. Nginitian ko siya
pero hindi niya ako pinansin at saka tumingin sa iba. Umupo ako at ganoon
din si Zac. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakaakbay niya pero ayaw
niyang tanggalin at mas hinigpitan pa. Halos sakalin na niya ko.
"So.. anong pinagtatawanan niyo?" Tuwang tuwang tanong ni Megan ng
makalapit sila.
Humila sila ng upuan at humarap sa amin.
"Paano kasi, itong si Zac at Cass parang -- "
"Anong meron at kumpleto ata tayo?" pagputol ko sa sasabihin ni Sheena.
Mukhang may naalala si Megan kaya agad siyang humarap sa akin at ngumiti,
"Buti natanong mo ‘yan. Magbabakasyon na kasi tayo ‘di ba? Gusto ko sana kayong iinvite magbakasyon sa may province."
"Talaga?! Ay, nako. Join ako dyan. Naeexcite na ko."
"Count me in," sabi rin ni Sheena.
Napatingin silang apat sa amin ni Zac. Mga naghihintay ng isasagot namin.
Tiningnan ako ni Zac saglit at tumingin ulit sa kanila.
"Kapag kasama si Cass sasama ako," kibit balikat niyang sagot.
Bakit ako? Ako na naman nakita nito. Sinamaan ko siya ng tingin pero
hindi niya ako pinansin. Patay malisya. Bwisit.
Dahil sa hindi niya ako pinansin, tiningnan ko na lang ulit ‘yung mga kasama namin. Nagpapaawa na ng mukha ‘yung tatlong babae samantalang si Ry, poker face lang.
"May magagawa pa ba ako?"
Nagtilian ang tatlo at napabuntong hininga na lang ako.
"May rest house kami doon. Doon na lang tayo magstay. Three to five days
lang siguro tayo. Kanya kanyang budget ‘yan ha. Walang utakan dito," biro pa ni Megan na nagpatawa sa kanila.
Napansin kong nakaakbay pa rin sa akin si Zac. Kanina ko pa tinatanggal
‘yung kamay niya pero ang kulit. Gusto ko na siyang sigawan kanina pa kasi nabibigatan na ko sa kamay niya pero kung sisigawan ko siya,
tutuksuhin na naman kami ni Sheena. Parang baliw kasi. Nagsisigawan na
nga, kinikilig pa.
Lumapit na lang ako kay Zac at bumulong, "Tanggal tanggalin mo lang ‘yang kamay mo. Kanina ka pa. I swear hindi kita papansinin kung hindi mo
tatanggalin ‘yan."
Napangiti at napailing siya sa sinabi ko. Naramdaman kong medyo umaangat
na ang kamay niya pero nahinto nang tumili si Sheena.
"Kanina pa ko kinikilig sa inyo. Ano ba."
Magsasalita palang sana ako pero hindi na naman natuloy. Bigla kasing
tumayo si Ry. "May pupuntahan pa kami," sabi lang niya at hinila palabas
si Megan.
=================
Chapter 34: Fast talk
"Nakakabaliw. Grabe. Naloka ako sa finals natin. Ang tagal kong
nagreview. Lahat ng nireview ko hindi nasama sa exam. Sana hindi na lang
ako nagreview. Ganoon din naman. Pero dahil bakasyon na, okay lang," sabi
ni Sheena at saka ngumiti. Maya-maya ay umiling siya at pinukpok 'yung
lamesa niya. "Pero hindi talaga! Hindi 'yun okay."
Hindi ko naman masisisi si Sheena. Sino bang estudyante ang matutuwa kung
ang lahat ng nireview mo, hindi lilitaw sa exam? Ang saya lang nu'n di
ba? Effort ka magreview para sa wala.
Para lang 'yang life. Effort na effort ka para sa isang bagay pero hindi
naman maaappreciate ng iba. Siguro ganoon 'yung naramdaman ni Ry noon.
Minsan napapaisip ako.. Paano kaya kung mas maaga kong narealize na mahal
ko siya? Magiging masaya kaya kami ngayon? Siguro kami na o kaya siguro
nanliligaw na siya.
Aminado naman ako na noong una, nainis ako kay Ry. Kasi sabi niya
hihintayin niyang magustuhan ko siya pero hindi na niya ako nahintay.
Kaya lang narealize ko rin na mas may kasalanan ako. Ang tagal niya ako
sinuyo. Ang tagal niyang nandiyan sa tabi ko pero hindi ko nagawang
suklian 'yung pinapakita niya.
"Gising!" Nagulat ako nang pumalakpak sa harap ko si Sheena. "Napapadalas
pagtulala mo. Ano ba 'yang lagi mong iniisip? Teka, mali. Hindi ano.
Sino."
"S..sino ka dyan."
"Halata ka. Nauutal pa. Si Zac ba 'yan?" ngitian pa ko ng nakalaloko ni
Sheena. Lagi na lang akong tinutukso nito kay Zac. Kainis.
"Zac ka d'yan!"
"Baka si Ry." Napatingin kami ni Sheena kay Kate. "Siya ba Cass?"
"Anong. Teka nga. Ano ba kayo."
"Si Ry o si Zac?" tanong pa ulit ni Kate.
"Wala! Masama na bang matulala ng walang dahilan?"
Hindi nila ako sinagot at tinitigan lang. Grabe. Nakakainis 'yung titig
nila. Ang sarap nila balibagin ng upuan.
Tinaas ko ang kamay ko at saka nagsalita, "Okay na. Okay na. Magsasalita
na ko. Just stop staring." Naghigh-five sila at humarap ulit sa akin saka
nangalumbaba. Feeling ko iniinterrogate ako ng pulis.
Magsasalita na sana ako nang tinaas ni Sheena ang kamay niya, "Wait.
Lagyan natin ng thrill. 'Wag kang magkwento muna. Magtatanong na lang
kami tapos sagutin mo. Isang tanong isang sagot lang. One word lang
sagot. Fast talk ‘to ha."
Ano pa nga bang magagawa ko? Alam ko naman na hindi nila ako tatantanan
kung hindi ako papayag.
"Gusto mo ba si Zac?" tanong ni Sheena. Pinalo naman siya ni Kate at
tiningnan ng masama.
"Nasaan ang thrill d'yan? Direct to the point. Ihuli mo'y tanong na
'yan."
"H'wag mo nga pakialam tanong ko. Ayan tuloy. Wala na 'yung feels. Bwisit
'to. Iibahin ko na lang nga. Gwapo ba si Zac?"
"Oo."
"Mabait?"
"Oo."
“Gusto mo?"
"Syempre."
"Mahal mo?"
"Pwedeng three words?" tinanguan naman niya ko. "As a friend."
Nanlumo si Sheena nang marinig ang sagot ko at napanguso na lang sabay
sandal sa upuan niya. Pinalo niya sa likod si Kate, "Ikaw na." Nag-unat
si Kate at tiningnan ako ng seryoso.
"Masaya ka ngayon?" Pambihira. Unang tanong palang niya ganyan na.
Napapikit ako. Kung ngayon mismo, sa mismong oras na 'to, hindi ko alam,
"Ewan."
"Alam mo ba ang mga nararamdaman mo?"
"Yata."
"Masaya ka bang kasama si Zac?"
"Oo."
"Mas masaya ka ba kapag kasama mo si Ry?"
Napahinto na naman ako at napayuko, "O..oo."
"Gusto mo si Zac pero hindi mo siya mahal? Ay mali. Gusto at mahal mo si
Zac as a friend?" Sa halip na sumagot tumango na lang ako. "Nagseselos ka
ba kay Megan at Ry?" tulad kanina, tumango lang ulit ako.
"Mahal mo ba si Ry higit pa sa pagiging bestfriend?"
Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakayuko.
"Done," sabi niya na tila nakuha ang sagot na inaasahan niya.
"Oh. My. God. Kailan pa?" sabi naman ni Sheena.
Naisip ko na hindi ko na rin siguro dapat itago sa kanila 'to. Kaya
kwinento ko sa kanila lahat ng nangyari sa amin ni Ry at Zac. Mula sa
pag-amin sa akin noon pa ni Ry. Ang maraming beses kong pangbabasted sa
kanya. Lahat ng efforts niya na hindi ko naappreciate. Sa pagseselos ko
sa kanila ni Megan. Hanggang sa pagtatampo niya sa akin noong tinanggihan
ko ang 'Cass Day' na sinasabi niya.
Kwinento ko rin sa kanila yung pag-amin sa akin ni Zac pati na rin ang
pagsabi niya sa akin na mahal ko si Ry. Kasi sa totoo lang, siya lang
naman talaga ang nagpabukas ng isip at puso ko sa ideyang 'yun.
Sa hinaba haba ng kwento ko, naspeechless na lang 'yung dalawa. Ang tagal
kong hindi kwinento sa kanila 'to. Nakakagaan din ng pakiramdam ang may
masabihan ng mga naiisip mo.
***
"Ate. Nasa labas na mga kaibigan mo. Pinapasok ni manang pero sabi doon
na lang daw sila. Bilisan mo na diyan." sabi sa akin ni Ash."
Binilisan at nagpatulong ako kay Ashley sa pagdala ng mga gamit ko.
"Bakit nga pala gising ka na? 5am palang ha."
"Nag-alarm ako. Namiss ko kasi si Kuya Ry kaya gumising ako para makita
sya. Susunduin ka niya di ba?"
Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya. Paglabas namin nakita ko agad
si Kate na naghihintay sa may gate namin at agad siyang kumaway sa amin
ni Ashley nang makita kami. Si Zac naman nakaupo sa loob ng van pero
nakaharap sa amin. Nakabukas kasi 'yung pintuan. Si Ry, nakasandal sa may
pinto ng passenger seat at nakacross pa ang arms.
Uutusan ko sanang ipasok ni Ash sa likod 'yung bag ko pero bigla na lang
niya binitawan 'yun at tumakbo papalapit kay Ry saka yumakap.
Ang kaninang seryosong mukha niya, napalitan ng ngiti. Ginulo niya ang
buhok ni Ash.
"Bakit ang aga mo naman gumising?"
"Sinadya ko kaya 'yun, Kuya. Namimiss na kasi kita. Hindi ka na
dumadalaw. Kami na lang tuloy ni Ate Cass 'yung nanunuod ng Phineas &
Ferb." Natawa si Ry pero hindi sinagot si Ashley.
Napatingin naman si Ash sa side ni Zac, "Sino ka? Ngayon lang kita
nakita."
Napalo ko na lang ang noo ko sa ginawa ng kapatid ko. Napakakapal talaga
ng mukha ng kapatid kong 'to.
Pinulot ko ang bag ko at susuwayin sana si Ash sa pagiging rude niya pero
napahinto ako nang lumapit sa akin si Ry at kinuha ang mga gamit dala ko.
"Thanks." Mahinang sabi ko pero hindi niya ako sinagot at instead,
tumango lang siya.
Lumapit ako kay Kate at hinayaan ko na lang si Ash at Zac sa buhay nila.
"Nasaan si Sheena?"
"Nasa loob. Natutulog."
"Si Megan?"
"Nauna na doon. Kagabi pa siya umalis." Napatango na lang ako.
Nilapitan na namin ang nag-uusap na si Zac at Ash.
"Ash, pasok na. Aalis na kami. Matulog ka na lang ulit."
"Uwi ko ha."
"Oo. Sabihin mo sa kanila mama na umalis na ko. Pasok na!"
Nagsalute naman siya at kumaway na sa mga kasamahan ko. Bago pa siya
pumasok sa bahay, lumapit pa siya kay Ry, "Kuya, punta ka ulit dito ha?
Kahit ako na lang dalawin mo. Wag na si ate." Natawa na lang si Ry sa
kanya at ginulo ulit buhok niya.
"Pasok na, Ash. Para makaalis na kami."
"Sige. Ay teka. Kuya, bantayan mo ate ko . Medyo tanga 'yan minsan."
Natawa na naman si Ry. Maski sila Kate pinagtawanan si Ash dahil sa
sinabi niya. Si Ash nga ba ang pinagtawanan o ako? Kalokang kapatid 'to.
"Pasok na!" sabi ko ulit kay Ash.
"Sandali naman. Hindi pa sumasagot si Kuya Ry."
Nginitian ni Ry si Ash pero nang tumingin siya sa akin, sumeryoso na
naman ang mukha niya, "Oo naman. Babantayan ko 'yan. Di ba lahat ng
mahalaga sa 'yo dapat binabantayan mo?"
Napaiwas ako ng tingin nang sabihin niya 'yun. Pakiramdam ko nag-iinit
ang pisngi ko. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Tumigil ka lang, Cass.
Stop.
=================
Chapter 35: Ligtas ka na naman
"Haba ng hair mo, girl. Pagupit ka na."
"Paulit-ulit ka na lang. Bahala ka nga sa buhay mo."
Tinalikuran ko si Kate at humarap sa may bintana.
Hanggang ngayon ba naman kasi tinutukso pa rin niya ko? Isang oras na
kaming bumabyahe pero paulit-ulit niya 'yang binubulong sakin.
"Totoo naman kasi. Pinag-aagawan ka. Bongga 'di ba?" Bumubulong na naman
siya sa akin kaya nagsaksak na ko ng earphone para hindi siya marinig.
Kasalanan kasi 'to ni Ry at Zac. Kung hindi sana sila nagtalo kung kanino
ako tatabi, edi sana hindi ako tinutukso ng babaeng 'to.
Inabot ata kami ng ilang minuto sa labas ng bahay namin kakatalo ni Ry at
Zac. Ang gusto kasi ni Ry, umupo ako sa may harap. Si Zac naman gusto sa
likod ako. Kung uupo ako sa tabi ni Ry, awkward masyado kasi hindi naman
niya ako pinapansin. Pinapaupo niya ako sa tabi niya pero hindi naman
niya ako kinakausap. Kung kay Zac naman ako tatabi, paniguradong hindi
ako matatahimik kasi guguluhin lang niya ako. Kaya para matigil ang
usapan, pumasok ako ng van at umupo sa likod saka pinaupo si Zac sa
harap. Bahala silang magtabi.
Nagulat ako nang may humila ng earphone ko at bumulong, "Nakaligtas ka na
naman sa pagpili sa isa sa kanila."
"Kate!"
Napapreno si Ry at sabay silang lumingon sa likod na mukhang nag-aalala
at maski ang natutulog na si Sheena ay nagising at mukhang nagpanic.
"Sorry." Itinaas ko pa ang kamay ko at nagpeace sign.
Natatawa si Kate at napairap naman 'yung dalawang lalaki sa harap.
Sungit.
"You scared the shit out of me." Unang salitang sinabi sa akin ni Sheena
ngayon. Nice.
Binalik ko na lang ang earphone ko. Papikit na sana ako nang mapatingin
ako sa rear view mirror. Nakatingin si Ry. Our eyes met pero agad din
niyang iniwas ang tingin niya. Dapat lang 'yun at nagdradrive siya.
After ilang oras ng pagbyahe, nakarating din kami sa rest house nila
Megan. Nakaabang na siya sa labas at parang kanina pa kami hinihintay.
Sinalubong niya kami at agad na yumakap kay Ry nang magkita sila. Hindi
ko alam kung naghahallucinate lang ba ako o talagang nakatingin siya sa
akin habang nakayakap kay Ry tapos ay ngumiti. Anong problema niya?
Hindi ko na lang pinansin 'yung ginawa ni Megan at nagpunta na lang sa
likod ng van para kunin ang gamit ko. Bubuhatin ko na sana 'yung bag ko
nang kuhanin 'yun ni Zac.
"Ako na lang."
"Gentleman ha."
"Lagi naman."
Natawa na lang ako at hinayaan sa kanya ang gamit ko.
Pinapasok na kami ni Megan sa loob. Nakakarelax ang ambiance sa rest
house na 'to. Para siyang rest house sa mga napapanuod kong american
movies. Nilibot niya kami. Sa baba, nandoon syempre ang basic rooms.
Living room, kitchen at dining. At sa taas naman ay may apat na rooms.
Yung kwarto ng parents niya, kwarto niya at dalawang guest rooms. May
veranda rin sila.
"Paano ang arrangement ng kwarto?" tanong ni Kate kay Megan.
"Bawal kasi gamitin ang room ng parents ko kaya ang mangyayari, dalawang
tao per room. Obviously magsasama yung 2 guys. Kami ni Sheena and ikaw
Kate and Cass. Would that be okay?"
Sumang-ayon kaming lahat at nilagay na namin ang mga gamit namin sa
kanya-kanyang kwarto. Hindi kami nagtagal sa mga kwarto namin at agad
bumaba para pag-usapan kung anong mangyayari sa stay namin dito.
"Today is day 1. Alam kong napagod kayo kaya dito lang muna tayo sa
bahay. Day 2, dadalhin ko kayo sa near-by beach. Day 3 and 4
magmamountain climbing/camping tayo. We'll stay there -- "
"Teka. Wala kaming dalang tent at mga gamit like flashlight, camping
bags, etc. etc," reklamo ni Sheena kay Megan.
"Ayos lang 'yan. Meron ditong 3 tents at mga gamit. Damit niyo lang ang
kailangan niyo. And back to what I was saying, doon tayo magstay. Day 4
uuwi na tayo dito. Day 5.. mag-ikot-ikot na lang tayo sa bayan para sa
gabi, uuwi na tayo."
Lahat naman ay sumang-ayon sa naging plano ni Megan.
"Teka nga pala. Umuwi na kanina 'yung caretaker nito. So tayo tayo lang
ang kikilos. I checked the fridge nga pala, wala ng laman."
"Mamamalengke na lang kami." Prisinta ni Sheena. Tumango naman si Megan.
"Cass. Sasamahan mo ko."
"Sige. Tayong dalawa na lang mamili -- "
"Sasamahan ko kayo, Sheena." "Sasamahan ko kayo Cass," sabay na sabi ni
Ry at Zac. Ang kaibahan lang, si Zac, ako ang kausap samantalang si Ry,
si Sheena.
Napatingin ako kay Megan ng magprisinta bigla ang dalawa. Nakakunot ang
noo niya at napairap ng matingin kay Ry.
"Maiwan ang isa sa inyo. Tama na ang tatlo," sabi ni Sheena sa kanila.
"Maiwan ka," sabay na namang sabi ng dalawa sa isa't isa habang nakaturo
pa.
Ayan na naman sila. Magtatalo na naman sila. Magiging ganito ba sila sa
loob ng limang araw? Subukan lang nila.
"Ako na sasama." Katulad kanina, sabay na naman sila.
"Cass, sinong isasama natin?" tanong sa akin ni Sheena.
Tiningnan ko ang dalawa. Nagtataas-baba kilay si Zac pero si Ry hindi
nakatingin sakin.
"Isama na lang silang pareho."
"Pero -- "
"Maiwan na lang ako dito. Ayos 'yan Sheena, dalawa tiga-buhat mo."
Tinapik ko pa siya sa likod niya. "Tapos na tayo mag-usap-usap di ba?
Akyat muna ako, aayusin ko lang gamit ko. Kayo namang mga aalis,
magsilayas na kayo."
Paakyat na sana ako nang hawakan ni Zac ang wrist ko, "Hindi ka talaga
sasama?"
"Oo. Hindi na. Para makasama na kayo tutal parehas niyo namang gusto
sumama 'di ba?"
"Daya." Binelatan ko siya at saka kinurot ang pisngi niya.
Magsasalita sana siya pero natigil 'yun ng umubo si Sheena at tiningnan
kami ng nakakaloko. Napairap na lang ako sa reaksyon niya. Nabaling na
rin ang tingin ko kay Ry. Lumapit siya kay Megan saka hinawakan ang kamay
niya at umalis din ng living room ng magkahawak kamay.
Napailing na lang ako sa nakita ko at umakyat na.
Agad kong tinalon ang kama ko at nagtalukbong gamit ang unan saka
sumigaw. Nakakainis. Naiinis talaga ako kapag nakikita silang dalawa na
ganoon. Nandoon talaga 'yung sakit. Konting sweetness lang nila sa isa't
isa na nakikita ko, kinaiinis ko na at pakiramdam ko na hinihiwa ang puso
ko, paano pa kaya 'yung makita silang ganoon sa loob ng limang araw?
Madudurog na ata ang puso ko nu'n.
Pagtanggal ko ng unan sa mukha ko, halos mapatalon ako nang may makitang
may taong nakasandal sa pintuan.
Si Kate.
"Ligtas ka na naman. Lagi mo na lang iniiwasan ang pagpili. Kung ako sa
'yo, sa susunod alamin mo na kung sino pipiliin mo kasi hindi pwedeng
palagi kang tatakas sa pagpili sa kanila."
=================
Chapter 36: Kung alam mo lang
Day 1
Maghapon ata akong nagbawi ng tulog. Nang magising ako, palubog na ang
araw. Bumaba ako at agad nagpunta sa kusina para uminom. Pakiramdam ko
tinutuyuan na ko ng lalamunan.
Papaalis na sana ako ng kusina ng napatigil ako kasi nandito rin si Ry.
Nagkagulatan pa kami nang makita ang isa't isa. Nagkatitigan kami at
iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Nakakailang. Ang awkward ng
atmosphere.
Hindi ko na kinaya kaya gumalaw na ako at nagtangka nang umalis ng
kusina. Pero nang madaanan ko siya, hinawakan niya ang braso ko at
naramdaman ko ang kakaibang kuryente na dumaloy nang idikit niya ang
balat niya sa akin. Kinilabutan ako sa naramdaman ko.
"Cass -- "
Hindi pa man din nangangalahati ang sasabihin niya, bigla nang sumulpot
si Megan kaya agad kong hinawi ang kamay ni Ry.
"Ang tagal mo naman. Sabi mo iinom ka lang."
Hindi sumagot si Ry kaya lumapit sa kanya si Megan at kumapit sa braso
niya saka lumingon sa akin.
"Cass. Sinong nakaassign ngayon para magluto ng dinner?"
"Hindi ata natin napag-usapan 'yan kanina. Pero sige, ako na lang."
"Tutulungan na lang kita." Pagprisinta niya at bumitaw na kay Ry. "Ry,
doon ka na sa sala. Magluluto kami dito. Shoo."
"Bawal ba ko dito? Tutulong na lang ako."
"Doon ka na sabi. Kaya na namin 'to."
"O sige. Hindi ko na kayo tutulungan pero dito na lang ako. Papanuorin ko
kayo magluto."
"Ry! Ang kulit mo naman. Doon ka na sabi. Bakit ba pinipilit mong dito
ka?"
"Baka kasi mamiss kita agad."
"Wag mo ko bolahin. Doon ka. Shoo."
Walang nagawa si Ry kundi umalis. Panalo si Megan. Palagi naman siyang
panalo. Panalo siya sa alitan nila. Panalo siya maski sa puso niya. Ang
swerte niya.
Sa totoo lang, habang pinapanuod ko silang magtalo, gustong gusto ko na
pumagitan sa kanila at sumigaw ng 'Tama na. Masakit na.' Ayos lang naman
sa akin kung maglambingan sila. Maglambingan sila hangga't gusto nila.
Basta huwag lang sa harap ko. Kasi hindi nila alam kung gaano kasakit sa
parte ko 'yun.
"Cass, okay ka lang ba?"
"Huh?"
"Hindi ka kasi nakikinig sa akin. Nakatulala ka na lang. Okay ka lang?"
"Ah. Ayun ba? Oo. Oo naman. Okay ako. Nagiging sakit ko lang talaga 'yan
minsan. 'Yung matutulala."
"Baka may iniisip kang malalim?"
"Wala ha. Sadyang nagkakaganoon lang ako minsan."
Tumango siya at nagtanong kung ano na ang lulutuin namin. Sinabi ko naman
'yun sa kanya at nilabas na niya ang lahat ng ingrdients at saka
nagsimulang mag-ayos.
"So.. may something ba sa inyo ni Zac?" Halatang nag-aalangan pa siya
kung itatanong niya 'yan o hindi. Para na rin siguro magkaroon kami ng
pag-uusapan, tinanong na niya.
Nagkibit-balikat ako, "Wala. Friends lang."
"Bakit tinutukso kayo ni Sheena?"
"Baliw lang 'yung pinsan mong 'yun kaya ganoon."
Natahimik ulit kami saglit. Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa, "Kayo ni..
Ry kamusta?"
"Ouch." Nabitawan ko agad 'yung kutsilyo at saka sinipsip 'yung dugo sa
daliri ko.
Lumapit naman siya agad sa akin, "Dahan dahan, Cass. Malalim ba cut?"
Umiling ako at hinugasan ang kamay ko. "Kami ni Ry. Ano.. ayos naman.
Ganoon pa rin."
Napatango siya at ngumiti, "It's nice to hear that. Alam mo bang akala ko
magagalit ka sa akin kasi naging kami ni Ry? I thought nakasama ka doon
sa girls na naiinlove sa bestfriend nila. Good thing hindi ka kasama
doon."
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko naman alam ang isasagot
ko. Alangang sabihin ko na kasama ako sa mga babaeng sinasabi niya.
"Hindi nga ba Cass?"
Napatigil ako sa ginagawa ko nang itanong niya 'yan. Ang seryoso ng boses
niya. Hindi kaya nahahalata na niya? Napatingin din ako sa kanya at
seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano
gusto niyang iparating.
Maya-maya bigla siyang ngumiti, "Joke lang. Alam ko namang hindi."
Kung alam mo lang Megan. Kung alam mo lang.
***
Day 2
"I love you, sunshine!" sigaw ni Sheena habang nakataas pa ang dalawang
kamay at umiikot-ikot.
Feel na feel niya masyado ang init ng sinag ng araw. Nasa may beach na
kami na sinasabi ni Megan. Konti lang ang tao hindi tulad ng sa ibang
beach. I like it better kung konti lang ang tao.
Naalala ko tuloy bigla 'yung pinuntahan namin ni Ry. 'Yung lugar kung
saan ko siya binasted pero inalok ng pagkakaibigan.
"Tara, palit na tayo." Kakalapag palang namin ng gamit sa may cottage
pero agad na nag-aya si Sheena.
Sumama naman agad sa kanya si Megan at Kate pero huminto sila nang
mapansing hindi ako nakasunod.
"Huy, tara na kaya?"
"Mamaya na lang ako."
Tumango sila at iniwan na ako. Inaayos ko ang gamit ko nang may
maramdaman akong gumalaw sa tabi ko kaya agad akong humarap.
Shet. Bakit ang hot ng dalawang 'to? Agad agad akong tumalikod at
napalunok.
"Bakit ikaw lang mag-isa dito?" tanong ni Zac habang inaayos yung gamit
niya.
"Nagpapalit sila."
Nagkwentuhan lang kami ni Zac samantalang si Ry nakaupo lang sa gilid at
parang inaantay sila Megan. Nang dumating na yung tatlo, agad tumayo si
Ry, nginitian si Megan at umakbay dito saka sila umalis. Hindi na nga
naayos ni Megan ang gamit niya kaya hinagis na lang niya kay Sheena.
"Titingin pa." Inalis ko agad ang tingin ko sa dalawa nang magsalita si
Zac. Oo nga naman. Titingin pa kasi.
"Tara na! Swimming na tayo," aya nila Sheena.
Dahil sa pagod ako at tinatamad pa akong magswimming, pinauna ko na sila.
Ayaw pa sana umalis ni Zac pero pinilit ko lang siya.
Nang makapagpahinga na ako, nagpalit na ako at sumunod sa kanila sa may
dagat.
Habang papalapit ako, hindi ko alam pero bigla akong naconscious.
Pakiramdam ko kasi ang daming mata ang nakatingin sakin.
Nang makalapit ako sa kanila, hindi pa man din ako nakakaapak sa may
tubig, nagtigil na sila sa paglalaro.
"Ang sexy mo." Bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Kate.
Kung ikukumpara naman kasi sa karamihan ng girls na nandito, hindi ako
nakaswimsuit talaga. Short shorts pa ang suot ko.
Agad lumapit sa akin si Zac at hinila ako papunta sa may tubig. Nagulat
pa ako nang bigla niya akong buhatin at ihagis. Hayop 'yun. Hindi ako
handa.
"Walanghiya ka! Walang pasintabi!" sabi ko agad pag ahon na pag-ahon ko.
"Diyan ka lang sa may malalim."
Nagtaka ako sa gusto niya. Malalim? Baka gusto niyo lumubog pa ko dito sa
may tubig para hindi niya ko makita. Halimaw 'tong Zac na 'to.
"Bakit?! Gusto mo bang malunod ako at dito mo ko pinapalagay?"
"Basta! Dyan ka lang sa malalim."
"Ayoko! Bahala ka! Hindi kita tatay para utusan ako. Diyan ka na nga!"
sigaw ko sa kanya at umahon sa tubig.
Susunod pa sana siya pero nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, "H'wag
mong subukang sumunod at nababadtrip ako sa 'yo."
Sa sobrang inis ko kasi gusto niyang nasa malalim lang ako at iritang
irita ang boses niya, nagpasya na lang akong maglakad lakad. Hindi pa man
din ako nakakalayo nang habulin ako ni Sheena.
"Prinoprotektahan ka lang nu'n. Nagjejelly kasi maraming nakatingin sa
oh-so-sexy body mo." Pagkabulong niya niyan sa akin, tumakbo na siya
pabalik sa tubig.
Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi niya. Minasama ko pa pala. Pero
dahil sa mataas ang pride ko, hindi ako babalik doon. Mamaya na lang
siguro. Nakakahiya rin.
Lakad pa rin ako ng lakad. Nararamdaman ko pa rin 'yung mga matang
nakatingin sa akin. Dapat kinuha ko muna 'yung towel sa cottage para may
pantakip ako. Kaya lang ayan na. Ang layo ko na.
Nagulat na lang ako nang bigla akong nakulong sa kung ano man 'to. Tela
ba 'to? Leche. Ano bang problema? Nang mababa na sa leeg ko yung tela at
nakalabas na ulit ang mukha ko agad kong tiningnan ng masama kung sino
man ang naglagay nu'n pero natahimik na lang ako nang makitang si Ry ang
taong 'yun.
Tiningnan niya ako at nang hindi pa rin ako kumikilos, hinawakan niya ang
kamay ko at ipinasok sa mangas ng tshirt na nasa may leeg ko. Ganun din
ang ginawa niya sa kabila kong kamay. Kaya ngayon, mukha na akong hiphop
kasi nakasuot ako ng malaking shirt.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ry. Magpapasalamat? Maiinis?
Hindi ko alam. Hindi naman kasi niya ako pinapansin ng ilang araw kaya
medyo naiilang din ako.
"Suotin mo muna t-shirt ko. Konti na lang makakasuntok na ko ng taong
malilikot ang mata," inis na sabi niya at saka ako hinila.
"Saan tayo pupunta?" Patuloy lang siya sa paghila sa akin at 'di man lang
ako pinapansin.
"Saan mo ba kasi ako dadalin?!" Naiirita na ako ha. Hihilahin ako tapos
hindi naman ako kakausapin.
Seryoso nakakabwisit na. Malayo na kami kila Zac. Konti na lang din ang
tao kung nasaan kami. Sa sobrang inis ko huminto ako at hinila ang kamay
ko sa kanya.
"Ano bang problema mo?! Nakakabadtrip ka na talaga! Lagi kang hindi
sumasagot kapag tinatanong ka! Ni hindi mo ko kinakausap! Hindi mo ko
pinapansin! You're giving me silent treatment and heck, it pisses me off.
Bwisit ka! Akala mo ba nakakatuwa pa 'yan?! Ganyan ba ang bestfriend?!!"
Pagkasigaw ko sa kanya, tumalikod na ako at aalis na dapat nang biglang
may yumakap sa likod ko. Natigil ako. Lumakas na naman ang tibok ng puso
ko. Kung kanina dahil sa inis, ngayon hindi ko na alam. Butterflies are
all over my stomach. I shouldn't feel this way.
"I'm sorry," bulong niya sa akin at ibinaon ang ulo niya sa balikat ko.
Ilang segundo lang ay bumulong ulit siya, "I'm sorry, Cass. I thought you
don't want me around since nandiyan naman si Zac. Ayaw mo pa akong
makasama. Kaya hindi kita pinansin kasi akala ko ayun ang gusto mo. I
gave you what I thought you wanted even though it kills me inside. Ang
hirap mong iwasan. Kapag wala ka, pakiramdam ko ang lungkot lungkot. I'm
sorry for being a bad bestfriend."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung ano ang
nararamdaman ko. May parte ng puso ko ang sobrang saya. Paano ba naman
kasi sobrang nakakasabog ng puso ang sinabi niya. May parte din naman ang
malungkot. Kasi kahit anong gawin ko, bestfriend niya lang ako.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa kanya.
"Hey, stop crying," saka niya pinunasan ang luha ko.
Sinuntok ko siya sa dibdib niya. Once. Twice. Thrice. At saka ako
sumandal sa dibdib niya. Niyakap naman niya ako.
"Ang sama mo. Salbahe ka," sabi ko sa kanya habang pasinghot singhot pa.
"I know. I'm really sorry." Alam kong nakangiti na siya ngayon. I know
him too well.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi ako nagreklamo. "I
missed you so much, Cass." Hinalikan niya ang gilid ng noo ko at halos
lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
=================
Chapter 37: Two truths, one lie
Day 3
"Nakaayos na ba lahat ng gamit? Wala bang naiwan? Check nyo lahat."
Tiningnan ko ang bag ko. Nandoon naman lahat ng gamit ko pati ang mga
kailangan ko para sa pag-akyat namin ng bundok.
"Ayos na lahat? Game. Tara na."
Isusuot ko na sana sa likod ko ang bag ko kaya lang napahinto ako nang
makitang may dalawang kamay na nakahawak sa magkabilang strap ng bag ko.
"Ako na./Dalin ko na." Ayan na naman kami. Mag-aagawan na naman 'tong si
Zac at Ry.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Kahit kailan wala ng
ibang ginawa kundi magtalo. May tinatago ba silang galit sa isa't isa?
Hindi na magkasundo. Palagi na lang.
Magsasalita pa lang sana ako nang biglang hinawakan ni Megan ang kamay ni
Ry na nakahawak sa bag ko.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Tara na!" Irita niyang sabi sabay
hila kay Ry palabas.
Nagulat ako sa naging reaksyon ni Megan. Ngayon ko lang siya nakitang
ganoon. Alam kong lahat ng tao naiirita paminsan-minsan, pero ito ang
unang pagkakataon na pinakita niya sa akin 'yun. Nagagalit ba siya dahil
sa tinutulungan ako ng boyfriend niya na bestfriend ko naman?
"Lagot ka! Mag-aaway 'yun." Natatawang sabi ni Zac at kinuha na ang bag
ko.
"Ano bang ginawa ko?" Binelatan lang niya ako at saka ako hinila palabas.
Totoo naman kasi. Wala naman akong ginawa. Ni hindi nga ako nagsalita.
Nanahimik ako dito tapos idadamay ako.
Pasalamat sila good mood ako at bati na kami ni Ry. Hindi ko naman kasi
matiis ang bestfriend ko. Malay ko bang umiwas lang pala siya kasi akala
niya, ayun ang gusto ko.
Kahapon, bumalik kami sa pagiging magbestfriend ni Ry. Kami lang halos
ang magkasama maghapon. Ilang oras kaming paikot-ikot sa beach. Katulad
ng dati, panay tawa lang kami. Parang walang nangyari. Ganoon talaga,
bestfriend mo e..
Ilang oras na ang lumipas nang bumalik kami sa cottage. Inabutan namin
'yung apat doon. Pagkakitang pagkakita ni Megan sa amin, kahit malayo pa
kami, tumakbo agad siya palapit kay Ry at yumakap. Napaiwas ako ng tingin
at tuluyan nang nagpunta sa cottage. Nagbigay sa akin ng meaningful look
si Sheena at Kate.
Si Sheena, pailing-iling. Si Kate naman nagtataas-baba ng kilay.
Nginitian ko lang sila at kumuha ng pagkain na nakalabas nang mapatingin
ako kay Zac. Nakatingin lang siya sa akin at tumango. Ayun lang naman ang
nangyari kahapon.
Habang nasa byahe kami para magpunta sa paanan ng bundok, bumulong sa
akin si Kate, "Nag-aaway 'yung dalawa. Malamang ikaw dahilan."
Napatingin ako sa kabilang dulo ng jeep kung saan nakaupo si Ry at Megan.
Hindi ko alam kung nag-aaway sila kasi hindi naman abot sa pwesto ko ang
boses nila. Base sa mukha ni Megan, naiirita siya. Pero teka lang naman.
Bakit ako sinisisi?
"Wala naman akong ginagawa."
"Selos ata si Megan, girl. Tinutulungan ka kasi kanina ni Ry sa bag mo.
Nakita ko 'yun, akala mo ba."
Parang 'yun lang. Totoo kayang nagseselos si Megan? Ganoon ba talaga ang
girlfriends? Nagseselos sa girl bestfriend ng boyfriend nila?
"Hindi 'yan."
"Baliw! Dense lang, Cass? Selos 'yan. Kahapon ko pa kaya napapansin.
Magbuhat nang bumalik kayo ni Ry ng magkasama kahapon sa beach, lagi ng
nakabuntot sa kanya si Megan."
"Hindi ko napapansin."
"Sampalin kaya kita diyan. Noong dumating kayo yumakap agad. Noong
magswiswimming ulit, habang naglalaro kayo ni Ry ng tubig bigla siyang
lumapit at nakilaro. Noong pauwi na tayo, tatabi sana sa 'yo si Ry sa
sasakyan pero hinila niya. Noong nasa bahay na tayo, noong
nagkwekwentuhan kayo ni Ry sa may veranda bigla siyang sumulpot tapos
inaya kayong manuod ng dvd sa sala. Noong nagtatawanan kayo sa sala after
manuod ng dvd bigla niyang inaya si Ry lumabas para bumili. Ano? Hindi pa
rin ba?"
"Stalker ka ba?"
"Seriously, Cass? Ang haba ng sinabi ko ayan lang sasabihin mo? Hay nako.
Ang tanga mo talaga minsan. Tama nga si Ashley."
Makatanga naman 'tong babaeng 'to. Minsan talaga naiisip kong bumalik na
lang sa dating Cass. Pasalamat sila hindi ko na kaya. Nagakapuso na ko.
Yuck. Ang cheesy ko na.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
"Hindi pa tayo nagsisimula hinihingal na ko." Napatingin kaming lahat kay
Sheena. Para siyang ewan na nakatayo at nakanganga pa.
Natawa na lang kami sa kanya at nagsimula nang umakyat. First time ko
'tong gagawin. Mukhang masaya. Feeling ko napakaadventurous kong tao.
Isang oras na kaming naglalakad nang makaramdam ng pagod si Sheena kaya
huminto muna kami para magpahinga.
Umupo ako sa isang nakabagsak na na trunk at tumabi naman sa akin si Zac.
Inabutan niya ako ng tubig na agad kong tinanggap.
"Thanks," sabi ko sa kanya habang inaabot pabalik ang tubig.
"Pagod ka na?"
"Slight. Pero ayos lang. Kayang kaya pa."
Nginitian naman niya ako. Napatingin ako kay Ry na kasalukuyang
pinupunasan ng pawis sa mukha si Megan. Napatawa na lang ako ng mahina
nang makita sila.
I used to be that girl. Naalala ko pa noong pinunansan niya 'yung pawis
ko pagkatapos namin maglaro ni Chee. But now? Si Megan na ang inaalagaan
niya.
"Tara na." Nagulat ako ng tumayo si Zac at nag-aya bigla.
Inabot niya ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman 'to para tulungan
akong tumayo.
Balik na ulit kami sa paglalakad. At nang makarating kami sa dulo ay
halos mapanganga na lang ako sa view na nakita ko. Ang ganda. Sobrang
worth it ang pagod sa pag-akyat. Sobrang ganda ng view. Pakiramdam ko
tuloy ngayon akin ang mundo kasi nasa taas ako.
"Beautiful," bulong ko habang pinagmamasdan 'yung view.
"Yes, it is." Napalingon ako sa katabi ko. Si Ry pala. Nakangiti siya
habang nakatingin sa view na kanina lang ay tinitingnan ko. "Kapagod
'no?"
Tumango ako at humarap ulit sa view, "But it's all worth it."
Ginulo niya ang buhok ko pagkasabi ko nu'n. Napangiti ako nang gawin niya
'yun, "I missed that."
"Ako rin."
Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa habang nakangiti nang biglang
dumating si Megan at nagcling sa braso ni Ry.
"Let's build tents?" Nakangiti niyang sabi at saka hinila si Ry paalis.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa view nang may magsalita sa tabi ko,
"Naniniwala ka na?"
Kate. Sino pa nga ba? Siya lang naman ang nangungulit ng ganyan sakin.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinayo na 'yung tent na tutulugan namin
ni Kate. After nu'n, umupo na lang kami sa gilid at pinanuod ang sunset.
Nang magdilim na ay nagtayo ng bonfire ang boys at saka kami nagluto doon
ng dinner. Swerte rin na outdoor ang P.E. ni Ry at Kate dati kasi alam
nila ang gagawin nila kapag nasa ganitong lugar.
Pagkatapos naming kumain ay bumilog lang kami sa bonfire habang nakaupo
sa mga trunks.
"Laro tayo," aya ni Sheena.
"Ng ano? Truth or dare?" tanong naman ni Kate.
"Truth or dare is too mainstream."
"E ano nga?"
"How about 2 truths and 1 lie?"
"Ano yun?" sabay na tanong namin ni Megan.
"Ganito, 'yung isang tao, magsasabi ng tatlong statement. Isa dapat doon
kasinungalingan. Pero syempre hindi mo sasabihin kung ano 'yung lie.
Huhulaan namin 'yun. Lahat manghuhula. At kung sino ang mamali, syempre
may consequence. So.. game?"
"Teka lang, Sheena. Hindi ba 'yung game na 'yan para lang sa mga hindi pa
magkakakilala?"
"Sus! Edi magsabi na lang kayo ng bagay na hindi namin alam. Parang
confession time na rin. Basta ayun! Game lahat. Ang hindi sumali itatapon
ko diyan sa gilid ng malaglag sa bundok."
At dahil sa ayaw naman naming matapon, sumali na lang kaming lahat.
Naunang naisalang si Sheena tutal siya naman ang nag-aya. Nagbigay siya
ng tatlong statements at nang tanungin niya kami kung ano ang lie doon,
si Zac lang ang namali ng sagot kaya pinagsayaw siya ni Sheena sa gitna
ng pearly shells.
Sumunod naman si Kate at ngayon, walang nagkamali ng sagot. Tapos ay si
Zac na.
"May kapatid ako. May gusto akong babaeng nandito. May sinimulan akong
bagay na ayoko ng ituloy."
Napaisip ako sa sinabi ni Zac. Ang una ang mali. Ayun ang lie kaya hindi
ko na lang pinansin ang iba pa niyang sinabi. Kami lang ni Ry ang natama.
Ang consequence sa tatlo, magmake-up ng sobrang kapal. As in mukhang
clown.
"Grabe, ang pangit ko," reklamo ni Kate na nagpatawa sa aming lahat. I
mean, sa amin lang pala ni Ry at Zac. "Oy, Zac! Magpaliwanag ka nga ng
sagot mo! Badtrip ka."
Ngumiti si Zac, "Wala akong kapatid. At oo, may gusto ako sa nandito
ngayon. Alam kong alam niyong lahat kung sino 'yun. Halata naman. Totoo
rin na may sinimulan akong bagay na ayaw ko ng ituloy."
"Ano yung bagay na yun?" tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng seryoso at nang mapakunot ang noo ko ay ngumiti
lang siya. "Ikaw na," sabi pa niya.
Hindi naman niya sinagot 'yung tanong ko. Kainis. Pero para madali,
nagsalita na rin ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba na ito ang sabihin
ko pero sasabihin ko pa rin.
"May desisyon ako noon na sobrang pinagsisisihan ko ngayon. Hindi ako
yung Cass na nakita niyo noon, meaning, ito ang totoong ako. Masaya ako
ngayon."
"Napakahirap niyan Cass," reklamo ni Sheena pero nginitian ko lang siya.
Ang sinagot ni Megan at Zac, ay masaya ako ngayon. Si Sheena at Kate
naman, ay yung sa may pinagsisisihan akong desisyon. Samantalang si Ry
lang ang sumagot ng pangalawa.
"Totoong may pinagsisisihan akong desisyon ko noon." Nanlumo agad si
Sheena at Kate nang marinig 'yun. Totoong pinagsisihan ko na hindi ko
agad binuksan ang utak at puso ko at dahil doon, di ko agad nalaman na
pinakawalan ko na pala ang taong mahal ko.
"Masaya ako. Totoo." Nakangiti kong sabi kay Zac at Megan. Totoong masaya
ako at di ko alam kung bakit nila naisip na hindi. Masaya ako kasi bati
na kami ni Ry kahit na medyo masakit na makita siyang masaya sa piling ng
iba.
"Teka. Ibig sabihin, 'yung Cass na nakita namin noon, ayun ang totoong
personality mo at ito ang hindi?" Naguguluhang tanong ni Sheena.
Magsasalita palang sana ako nang sumagot si Ry, "Siya pa rin 'yun. Ang
Cass na nakikita niyo ngayon at noon, parehas lang. Hindi lang niya
nilalabas ang ganyang side niya noon para magmukha siyang malakas sa
tingin ng iba. Pero lahat ng ipinapakita ni Cass na ugali, lahat 'yun
totoo."
Napangiti ako nang marinig ang explanation ni Ry. Naaalala pa pala niya.
Ayan ang sinabi ko sa kanya noon.
"Kain kayong sili," sabi ko sa kanila. Ayun ang consequence ko.
Pagkatapos nang maanghang na moment na 'yun, sumunod na si Ry.
"In love ako ngayon." Una palang nakakasakit na. "Pangarap kong magtayo
ng building. 'Yung matataas na building. I stopped waiting."
Pagkarinig na pagkarinig ko ng last sentence niya, bumilis ang tibok ng
puso ko. Hindi naman sa pag-aassume, pero alam kong ako ang tinutukoy
niya. Ako ang tinigilan niyang hintayin. Nainip siya kaya siguro huminto
na.
"Cass, ikaw?"
Bumalik ako sa katinuan nang kausapin ako ni Megan. Nalunod na naman ako
ng mga naiisip at nararamdaman ko.
"Huh?"
"Ano kako sagot mong lie sa sinabi ni Ry?"
"Second sentence. 'Yung sa pangarap niya." Walang isip isip, bigla ko na
lang sinabi 'yan.
"Anong lie, Ry?" tanong ni Sheena.
"Second sentence. Sa pangarap ko."
"What?! Bwisit. Mali na naman ako. Ano ba yan!" Kulang na lang ay
magtantrums si Kate.
Mali na naman siya. Sila ni Sheena at Zac. Paano ang sinagot nila
pareparehas ay yung sa tumigil maghintay si Ry. Minsan talaga hindi na
lang nag-iisip mga 'to. Common sense na lang kaya. Obviously, in love
siya. In love siya sa girlfriend niya. At pangalawa, malamang tumigil na
siya maghintay. Kahit damang dama kong ako ang tinutukoy niya, pwede
namang isipin nilang he stopped waiting for Megan kasi nakuha na niya. Or
he stopped waiting for me kasi pagod na siya.
So, kami lang pala ni Megan ang tama. Malamang. Si bestfriend at si
girlfriend.
"Oo, in love ako. At oo, tumigil ako maghintay. Hindi totoong pangarap ko
magtayo ng maraming buildings. Kasi ang pangarap ko, makapagtayo ng bar."
Naalala ko pa noong kwinento ni Ate Rylee 'yan. Magustuhan lang kasi ni
Ry e. Parang ewan.
"Do 20 sit-ups," utos ni Ry.
Naglatag muna sila ng tela at saka ginawa ang utos niya. Pahirap talaga
'tong lalaking 'to. Dami. Malas nila.
Matapos nila gawin 'yun ay si Megan na ang nagsalita.
"Nagkaroon ako ng ex-boyfriend. Mahilig ako sumayaw. Nagseselos ako
ngayon sa isang babae."
Hindi ko alam kung sumasayaw ba siya. Hindi ko alam kung may
pinagseselosan siya. Ang alam ko lang, never siya nagkaroon ng ex
boyfriend. Ex suitor, oo. Hindi boyfriend. Kaya ayun ang sinagot ko.
Mukhang alam namin lahat 'yun kaya walang namali sa pagpili kung ano ang
mali sa sagot niya.
"Nagsasayaw ka pala," sabi sa kanya ni Zac.
Ngumiti naman si Megan at tumango.
"Wait. Kung 'yung wala ka pang ex ang lie.. then, sino ang pinagseselosan
mo? Meron 'yan for sure kasi nasa truth siya," usisa sa kanya ni Sheena.
Napatingin naman agad sa akin si Kate. Tinaasan ko siya ng kilay. Kapag
ba nagseselos ako agad? Pwede namang ibang babae. Pwedeng kaklase ni Ry.
Or ka-org. Pero hindi naman ako --
"Nagseselos ako sa bestfriend niya."
See. Sabi na. Wait. What?! Ako 'yun di ba? Ako ang bestfriend. Depende
na lang kung may iba pa.
"You mean si.. " hindi alam ni Sheena kung itutuloy niya ba ang sinasabi
niya o hindi pero nakatingin siya sa akin.
"Yes. Si Cass."
=================
Chapter 38: No choice
"Megan," tawag sa kanya ni Ry nang marinig ang isinagot ni Megan.
"What?"
"Ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Ang totoo?"
Hindi ako nakapagpigil kaya nagtanong na ako, "Teka lang. Ako? Sa akin ka
nagseselos? Bakit?"
"Because you're the bestfriend.
"Huh? So? May bagong batas na ba na nagsasabi na kapag may bestfriend ang
boyfriend mo na opposite gender niya ay dapat mo ng pagselosan? Wow.
Hindi ako aware doon. Sana nainform ako," I said sarcastically.
Naiirita ako. I'm pissed. Hindi sa kanya kundi sa rason niya. Okay,
scratch that. Maybe I'm pissed at her.
Babae ako at nararamdaman ko kung kailan ako ayaw ng kapwa ko babae. I
shrugged the thought off nang sabihin ni Kate na pinagseselosan ako ni
Megan. Ayaw kong isipin na ganoon siya. Pero mukhang totoo nga ang
nararamdaman ko at ang sinabi ni Kate. She's jealous.
As far as I know, ako ang naunang makasama ni Ry. Akin siya mas close,
but then she came and ruined our closeness. Kung dati kami palagi ni Ry
ang magkasama, ngayon hindi na. Sila na. May narinig ba siya sa akin
noon? Wala! Wala, kasi naiintindihan ko naman na hindi lang sa akin iikot
ang mundo ni Ry. Na sooner or later, may makakarelasyon siya. Pero ang
marinig ko sa kanya na nagseselos siya sa akin just becuase I'm his
bestfriend, well that's bullshit.
"Ayun naman ang problema ng mga girlfriends 'di ba? 'Yung girl bestfriend
ng boyfriend nila," katwiran pa niya.
"So you think na problema ako? Ang babaw mo just so you know. Baluktot
'yang katwiran mo. Ano ngayon ang pinapalabas mo? Na layuan ko ang
bestfriend ko?"
"Kung ayan ba ang hilingin ko gagawin mo?" Sobrang nag-iinit na ang ulo
ko sa babaeng 'to.
"Megan!" suway sa kanya ni Ry.
"Ano na naman? Sinasabi ko lang sa kanya ang gusto ko."
"No," sagot ko kay Megan. "Wala akong pakialam sa kung ano ang hilingin
mo. Gagawin ko ang gusto ko. Mananatili akong bestfriend ng boyfriend
mo."
Tinanggal ko ang kamay ni Zac na nakahawak sa akin kanina nang
nagkakasagutan na kami ni Megan at umalis. Kapag nagstay ako doon baka
kung ano pa ang masabi ko.
"What the hell, Megan!" dinig ko pang sigaw ni Ry sa kanya bago ako
tuluyang makalayo.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Megan. Ayos naman kami tapos all of
a sudden magkakaganyan siya? She's acting weird lately. Kaya pala. Kasi
nagseselos siya. Nasaan na ang malaanghel na Megan na nakilala ko noon?
Yung mahinhin at mahiyain.
"Cass."
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kanya,
"Sorry sa lahat ng sinabi ni Megan. I didn't know."
"Wala kang kasalanan. Hindi naman ikaw ang nagsabi ng mga 'yun."
"But -- "
"Gusto ko lang malaman mo, na kahit may pagkamaldita pala 'yang
girlfriend mo, hindi ko pa rin gagawin ang gusto niyang mangyari."
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko, "Ayoko namang gawin mo ang hiling
niya."
"Pero Ry.."
"Hmm?"
"Pwedeng next time 'wag kang susulpot bigla lalo na kapag gantong
naglalakad ako sa dilim. Nakakatakot." Tumawa siya at inakbayan ako.
Totoo naman kasi. Nakakatakot kaya 'yung naglalakad kang mag-isa sa dilim
tapos flashlight lang ang ilaw mo. Puro puno pa ang makikita mo tapos
biglang may hahablot sa 'yo. Ewan ko lang kung sinong hindi matatakot
nun.
Patuloy lang kaming naglalakad ni Ry. I don't know kung gaano na katagal.
Maybe half an hour? An hour? Hindi ko alam.
"Balik na tayo. Okay na ko," sabi ko sa kaniya at saka tumalikod para
bumalik na sa place namin kanina. Hindi pa ako nakakahakbang ulit,
napatigil na ko. "Saan ang daan?"
Hindi sumagot si Ry at nagkamot ng ulo. Oh-kay. Mukhang problema 'to.
"I think sa kaliwa?"
"No. Parang sa kanan?"
"Maybe diretsyo?"
"Maglakad na lang tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na ulit.
Hindi na maikakaila, nawawala na kami. Sana ginamit namin ang common
sense namin at minarkahan man lang ang dinaraanan namin. Hindi ito
ordinaryong lugar kung saan ka pwedeng maglakadlakad kahit saan. Gubat
'to. Delikado. Buti na lang at kahit papaano may ilaw pa kami na
nanggagaling sa flashlight.
"Shit." Napahinto kami nang biglang mamatay ang falshlight na hawak niya.
Nawala na ang source of light namin. Kung kanina mukhang mahihirapan kami
pabalik, ngayon mukhang imposible na 'to. Malabo ng makabalik kami
ngayon.
"Tawagan mo," utos ko sa kanya.
"Wala akong load."
"Pambihira, load na lang wala ka pa?"
"Sorry naman di ba? Ikaw na lang tumawag."
Dinukot ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Zac, "Walang signal."
"Wala na tayong choice."
"Huh?"
"Magstay tayo dito."
"Huh?"
"If we go further, mas delikado. Masyadong madilim. Hindi natin alam kung
anong meron sa daraanan natin."
"Huh?"
"Huh?"
"Huh?"
"Cass! Ano ba yan! Puro ayan lang ba sasabihin mo."
"Huh? Ay hindi. Ano.. sabi ko.. oo! Galing mo! Tara na at bumalik doon,"
sabi ko sa kaniya at palakad na sana nang hawakan niya braso ko.
"Bangag ka ba?"
"Grabe ka! Syempre hindi. Ikaw ata bangag dyan. Pabalik na nga ako doon
sa lugar natin."
"Bangag ka nga." Ayun lang ang sabi niya saka ako hinila sa may.. kweba?
Seryoso? Sa may kweba talaga kami pupunta? Ang dilim dilim kaya.
"Uy. Ayoko dito."
"No choice, Cass."
"Meron pa. Bumalik na tayo sa lugar natin."
"Were you listening sa sinabi ko kanina?" Umiling ako at nagkamot siya ng
ulo. Out of frustration siguro.
Paano naman kasi ako makikinig e nagpapanic na ako. Nakakatakot na rin
kaya. Unang una, nasa gubat kami. Pangalawa, wala kaming ilaw. Bukod sa
phone ko na hindi rin magtatagal at malolobat na. Pangatlo, malay ko ba
kung biglang may lumabas na cannibal o multo dito. Pang-apat, gubat is
equals to ahas. At panglima, kaming dalawa lang ang magkasama. Oras na
talaga para magpanic. 911!
"Sabi ko mas delikado kung tutuloy pa tayo kakalakad. Mamaya maaksidente
pa tayo. Kaya dito na lang muna tayo."
Hindi na ako sumagot. Umupo siya sa may gilid. Ako naman, umupo sa may
kabilang gilid niya. Malayo ang distansya.
"Ang layo mo."
Paano ako lalapit, naiilang ako. Dadalawa lang kaya kami. Alam kong dati
natutulog kami ng magkatabi pero ibang kaso 'to. Alam ko na 'yung
nararamdaman ko.
"Okay na ko dito. Okay ka na rin diyan. Okay na tayo."
Pumikit na lang ako at sinubukang matulog. Ayos na rin na makatulog na
lang para bukas paggising ko, ayos na lahat. Makakabalik na kami.
"Cass?" Matutulog nga sabi ko e. "Tulog ka na?"
"Di pa."
Binalot ulit kami ng katahimikan. Ilang minuto lang at nagsalita ulit
siya, "Cass?"
"Hmm?"
"Ikaw yun 'di ba?" Ano na naman sinasabi ng lalaking 'to? Anong ako?
Sinong ikaw sinasabi nito?
"Ikaw 'yung babaeng sinasabi ni Zac kanina." Napadilat ako at ito na
naman ang mabilis na tibok ng puso ko. "Halata naman na gusto ka niya."
"Umamin na ba?" dagdag pa niya.
Since bestfriend ko siya, wala namang masama kung aamin ako. "Oo."
Nabalot ulit kami ng katahimikan pero siya rin ulit ang bumasag nun,
"Kailan pa?"
"The day you told me na kayo na ni Megan."
"Is he.. courting you?"
"Hindi."
Tulad kanina hindi ulit siya sumagot. This time, ako naman ang bumasag ng
katahimikan.
"Okay lang ba kung liligawan niya ko?" Hindi ko alam kung anong pumapasok
sa isip ko at sinabi ko 'yan.
"I.. I don't know. Kailangan pa ba ng approval ko?"
"Maybe? You're my bestfriend after all." Ganoon naman kasi minsan. Dapat
approve din kay bestfriend. "Kahit na ikaw, hindi mo naman tinanong ang
approval ko." Pabulong kong dugtong.
"Ikaw kasi nagpakilala sa amin. She's your friend kaya akala ko okay lang
na walang approval mo. Kasi base sa kinikilos mo noon, gusto mong maging
malapit kami sa isa't isa."
Noon siguro, oo. Gusto kong maging malapit sila. Pero hindi naman
ganitong kalapit. Kaya lang wala naman na akong magagawa. Nangyari na ang
mga nangyari.
"So, ayos nga lang ba si Zac sa tingin mo?" Pagbabago ko ng usapan. Gusto
ko lang kasi malaman kung anong opinyon niya.
"Gusto mo ba siya?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Alam ko sa sarili kong gusto ko si Zac,
pero hindi sa paraan na gusto niya. Kung pwede nga lang ilipat lahat ng
nararamdaman ko kay Ry para mapunta lahat kay Zac, ginawa ko na. Para
hindi na siya masaktan. Para hindi na rin ako masaktan.
"Ayoko."
"Huh?"
"Ayokong ligawan ka niya." Ayan na naman ang heartbeat ko. Lalabas na ata
ng chest ko.
"A..ayaw mo sa kanya?"
"Ayokong ligawan ka ng kahit na sino."
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko na magawang magsalita.
Feeling ko kinakapos na ako ng hangin. Nanatili kaming tahimik nang
biglang may parang tumunog sa labas ng cave.
"R..ry?"
Ramdam kong tumayo siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Just sleep." Inakbayan niya ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Ry?"
"Hmm?"
"Okay lang naman magkwento sa 'yo di ba?"
"Oo naman. Tungkol ba saan?"
"Kay Zac."
Mukhang ikinagulat niya ang sinabi ko kasi bumigat ang pagkakaakbay niya.
"What about him?"
"Ako lang ang friend niya dito noon. Buti ngayon medyo marami na. Nandyan
na kayo."
"Not me."
"Sabi ko nga hindi ka kasama. Gusto ko maging magkaibigan kayo pero
mukhang malabo. Lagi kayong nagtatalo. He's nice. Ang bait niya. Savior
ko nga siya. He's always there when I need him the most. Gentleman din.
He even said he likes me. Ang swerte ko lang 'no? Kasi sa akin siya
nagkagusto. Kaya -- "
"Just sleep, Cass."
"Nagkwekwento pa ko."
"Matulog na lang tayo." Bakas sa boses niya ang pagkainis.
Tinanggal ko ang pagkakasandal sa kaniya at umayos ng upo saka siya
tiningnan. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong
sabihin pero sasabihin ko pa rin.
"Are you.. jealous?"
Umiwas siya ng tingin sa akin. Sa ginawa niyang 'yun, napatawa na lang
ako ng sobra. Nagseselos nga. Tumatawa ako pero deep inside, kinikilig
din. Alam kong nagseselos lang siya dahil bestfriend niya ako pero hindi
ko mapigilang kiligin. Tinusok tusok ko siya sa tagiliran.
"Ano ba, Cass," suway niya at inis na inis na.
"Sus! Selos ka pala ha."
"Nakakainis naman kasi. Alam mong hindi ko nga masyado ka-good 'yung tao
todo puri ka pa. Alam mong hindi ako sanay na may kaclose kang ibang
lalaki. Isa pa, baka mamaya siya na pala ang bestfriend mo at hindi na
ako. Sobrang close niyo na."
"Kayo rin naman ni Megan sobrang close."
"Magkaiba naman 'yun, Cass."
"Bakit magkaiba? Kasi girlfriend mo siya? Paano kung sabihin kong
boyfriend ko si Zac?"
Mabilis na lumingon sa akin si Ry, "Ano?! Teka! Kanina sabi mo hindi ka
nililigawan? Joke lang ba 'yun? Kayo na?!"
Binatukan ko siya at tiningnan ng masama, "OA. Hindi. Pwede magjoke? Sabi
ng friend lang kami nu'n."
"Pero gusto ka niya."
"Gusto ko rin naman siya," sagot ko kay Ry at sumandal na ulit sa balikat
niya. Unlike kanina, hindi na siya nakaakbay.
"You.. like him?"
"Yep. Not in a romantic way nga lang. As a friend, yeah."
Napahikab na ako at pinikit ko na ang mata ko. Naramdaman ko na rin na
inakbayan niya ako.
"Good."
"Selosong bestfriend." Mahinang sabi ko pa sa kanya.
"Kikilatisin ko muna lahat ng lalaking lalapit sa 'yo," sabi pa niya
habang hinahaploshaplos ang buhok ko.
"Adik ka talaga," bulong ko pa sa kanya. Antok na antok na ko.
"Cass?"
"Hmm?"
"Wala, goodnight."
Hinalikan niya ang ulo ko. Bago pa ako tuluyang makatulog, may sinabi pa
ata siya. And everything went black.
"I love you."
=================
Chapter 39: Appreciate what you have
Panaginip ba 'yan? Was it real? Am I dreaming? Hindi ko na alam.
"Gising ka na pala."
Napadiretsyo ako ng upo nang marinig ang boses ni Ry.
"Sorry. Kanina ka pa ba gising?" Ngumiti lang siya at nag-unat. "Hala.
Hindi ka natulog?! Look. 'Yung eyebags mo, kumakaway."
Dinuro ko pa 'yung eyebags niya na nagpatawa sa kaniya. "Dapat natulog ka
man lang kahit konti! Bababa pa tayo ng mountain mamaya. Wala ka ng
energy."
Ginulo niya ang buhok ko at saka sumandal sa balikat ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Sleep. Sabi mo."
"Sige. Tutal madilim pa naman. Hindi pa lumilitaw ang araw. Pasaway ka
kasi. Bakit hindi ka ba natulog, e inaantok ka naman pala."
"Binabantayan ka."
Ilang oras ang nakalipas nang magising si Ry. Kinusot kusot pa niya ang
mata niya at saka lumingon sa akin at ngumiti.
"Good morning."
"Bakit gumising ka agad? Dalawang oras ka pa lang ata nakakatulog."
Chineck ko pa ang phone ko kung anong oras na. "5:15am na."
"Timing." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko naman 'yun kasi ang akala ko uuwi na kami. I mean, babalik
na kami kila Zac.
Pero nang naglalakad lakad kami, huminto kami sa medyo malapit sa cliff
saka siya umupo at tinap ang tabi niya bilang senyales na umupo rin ako.
Kaya yun nga, naupo na lang ako sa tabi niya.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Tingin ka doon."
Tumingin naman ako sa tinuturo niya. Madilim pa ang langit pero medyo may
kulay orange na. Sunrise.
"Alam mo bang mas gusto ko ang sunrise kaysa sa sunset?"
"Bakit?" tanong ko at napatingin sa kanya na diretsyong nakatingin lang
sa pagsisikatan ng araw.
"Kasi ang pagsikat ng araw, parang sumisimbolo sa pag-asa. Hope. At the
end of a very dark and gloomy night, sisikat pa rin ang araw to brighten
up people's day. Para ituloy yung mga bagay na hindi natapos kahapon. O
kaya para simulan ang mga hindi ginawa noon."
"Woah. Lalim. May problema ka ba?" biro ko sa kanya.
Natawa siya at saka ihinilamos ang kamay niya sa mukha ko. "Actually,
meron."
"Totoo? Ano 'yun? Baka may magagawa ako para matulungan ka." Instead of
answering, nginitian lang niya ako.
Pinagmasdan namin ang pagsikat ng araw. Ang ganda. Unti-uniting
nagliliwanag ang langit. It was one of the most beautiful scene na nakita
ko.
"Cass."
"Hmm?"
"Ni minsan ba nakaramdam ka ng selos kay Megan?" Napalunok ako nang
marinig ang tanong niya.
Minsan? Come on! I've been jealous of her everyday ever since sa kanya
napunta ang atensyon ni Ry. Alam kong hindi 'yun tama. Alam kong bawal
ako magselos. Pero.. wala e. Naramdaman ko na lang 'to.
"Kahit katiting lang Cass? Kahit kagat lang ng langgam?"
Napapikit ako nang itanong niya muli yun. "I did. Nagselos ako."
Unti-unti kong minulat ang mata ko para makita ang reaksyon niya. Hindi
ko mabasa kung anong nakatatak sa mukha niya. Hindi ko alam kung masaya
ba siya o naiinis.
I was about to say something nang may sumigaw, "Cass!".
Zac was there with Megan. Agad akong tumayo at ganoon din si Ry. Lumapit
sa akin si Zac at pinisil ang magkabila kong pisngi, "Pinag-alala mo ko
alam mo ba 'yun?"
Napatingin naman ako sa kabila ko. Si Megan, niyayakap si Ry. Nakangiti
si Ry. Parang sobrang saya niya. Siguro namiss niya ng sobra girlfriend
niya.
"Tara na. Balik na tayo."
Inalok sa akin ni Zac ang kamay niya. Tumingin muna ako kay Ry. Nginitian
niya ako at tumango kaya tinanggap ko ang kamay ni Zac.
Nang makabalik kami sa lugar namin, nakapag-ayos na pala ng pagkain si
Kate at Sheena. Buti na lang. I'm starving.
Pagtapos kumain ay nag-ayos na kami para bumaba. Todo alalay sa akin si
Zac pagbaba. Halos isang oras na kami naglalakad nang mapagod na naman si
Sheena kaya nagpahinga kami. Tinawag saglit ni Sheena at Kate si Zac kaya
umupo muna ako sa trunk. Maya-maya lang ay umupo na sa tabi ko si Ry at
inabutan ako ng tubig. Pagkainom ko ay agad kong isinauli sa kanya 'yun.
Napatingin ako kay Megan na nakikigulo kila Sheena. Napatingin siya
saglit sa amin pero agad din nag-iwas ng tingin.
"Hindi ba magseselos 'yun?" tanong ko kay Ry habang nakatingin pa rin kay
Megan.
Narining ko pa ang mahinang pagtawa niya. "Hindi 'yan. Ikaw ang
nagseselos di ba?"
"Ry!"
Natawa na naman siya sa reaksyon ko kaya inirapan ko na lang siya. Sabi
na. Dapat hindi ko na lang sinabi sa kanya 'to e. Teka. Sa pagkakatanda
ko hindi lang ako ang nagseselos dito.
"Hindi lang naman ako ang nagseselos di ba?"
Natigil siya sa pagtawa at humarap sa akin. "Ikaw lang," sabay dila pa
niya.
Tumango tango ako at ngumiti saka tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Kay Zac."
Mabilis pa sa alas quatro ay hinila niya ang braso ko kaya napaupo ulit
ako sa may trunk.
"Ano?"
"Wala. Tara na raw. Lalakad na ulit," sabi lang niya saka umalis.
Pinigilan ako para siya pala ang magwalk-out. Hay Ry. Ano ba gagawin ko
sa'yo?
***
"Electricity! Water! Malambot na higaan. Bahay. I missed you. Grabe!"
Nakatingin lang kaming lima sa paikot-ikot na si Sheena. Para siyang nasa
pelikulang Sound of music kung umasta.
"Wag mo kalimutang patingnan sa doctor ang pinsan mo, Megan. Malakas na
sapak sa ulo mo."
"Ikaw na magpatingin. Bestfriend mo naman'yan," ganting sagot ni Megan
kay Kate.
Nagpunta na lang ako sa kwarto ko at nag-ayos na lang ng gamit para bukas
kuha na lang at uuwi na.
"Cass, tara meryenda na."
Sumunod naman ako kay Kate. Lahat sila nakaupo na sa dining. Ako na lang
pala ang hinihintay.
"I'm bloated." Hinihimas himas pa ni Sheena ang tyan niya.
"Guys, maliligo lang muna ako." paalam ni Kate.
"Sama ako."
Napatingin kaming lahat kay Sheena. Seryoso? Sasama sa cr?
"Makatingin 'tong mga 'to. Sasama lang ako sa taas at mag-aayos ako ng
gamit para makaligo after niya o kaya dito sa cr sa baba. Grabe kayo. At
isa pa, hindi masama maligo ng -- "
"They get it, Sheena. Tara na."
Napangiti at napailing na lang ako sa magbestfriend na 'yun. Kumain ulit
ako nang mapatingin ako sa mga nasa paligid ko. This is the perfect
definition of awkward.
"Cass/Megan/Cass," sabay sabay na sabi ni Zac, Ry at Megan.
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa tatlo. Megan and Zac's calling me while
Ryan is calling Megan. Sino tatawagin ko? Compulsory ata ang may tawagin.
"Uhh. Papahangin muna ako sa labas." Paalam ko sa kanila saka lumabas ng
dining.
Lumabas na rin ako ng bahay. I need air. Nakakasuffocate ang hangin sa
loob. Grabe rin ang tension. Wala na ko ma-say. Wala na akong pakialam
kung masabihan akong walang manners dahil iniwan ko ang pinagkainan ko
doon pero kung magiistay ako, baka hindi lang manners ang mawala sa akin.
Baka pati katinuan ko iwan na rin ako.
"Breathe, Cass." Kausap ko ang sarili ko habang pumapaypay pa gamit ang
kamay ko.
"Chill ka lang kasi."
Napalingon ako ng may magsalita sa likod ko, "Zac. Anong ginagawa mo
dito?"
"Sinundan ka. Ayokong maging third-wheel doon. Nag-uusap 'yung dalawa.
Wala akong balak makichismis. Hindi ako chismoso."
Nag-uusap pala sila.
"Sa tingin mo.. ako ba?"
Nakakunot noo na lumingon sa akin si Zac. "Ikaw ang alin?"
"Topic nila?"
"Sus, Cass. Assumera ka na ngayon?"
Sinamaan ko ng tingin si Zac. Assumera agad? Teka. Ano nga bang tawag sa
akin? Hay. Oo na. Assumera. Feelingera.
Kinurot niya ako sa ilong at saka umakbay, "Sino pa ba tingin mong pag-
uusapan nila?"
"Masama ba ako?" Hindi ko alam kung bakit ayan ang tanong na lumabas sa
bibig ko.
Masama ba ako? Masama ba na kahit pinagseselosan na ako ni Megan, hindi
ko pa rin magawang layuan si Ry? Masama ba na kahit mahal ko siya,
patuloy kong itatago 'yung nararamdaman ko para protektahan ang
pagkakaibigan namin? Masama ba na sa araw-araw na kasama ko siya, hindi
ko pa rin mapigilan ang sarili kong mahalin siya kahit na alam kong hindi
na pwede? Masama bang hilingin na sana ako na lang siya? Na sana ako na
lang ang mahal niya? Masama ba 'yun?
"Dito na ba papasok ang linyang 'Sana ako na lang. Sana ako na lang
ulit.' ni Basha sa One More Chance?"
"Zac naman."
"Joke lang. Pinapatawa lang kita. Init naman ng ulo."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa langit. Tinanggal na niya
ang pagkakaakbay sa akin at saka binunot ang mga damo sa backyard nila
Megan.
"Masama ka ba?" Napalingon ako sa kanya na patuloy pa rin nagbubunot ng
damo. "Tinatanong mo ko kung masama ka. Bakit mo naisip 'yun? Kasi gusto
mong ikaw na lang ang mahal niya? Ganoon ba Cass?"
Seryoso niya akong tinitigan. Parang he's seeing something in me na hindi
ko mawari kung ano.
"Masama ba ako? Kasi gusto ko na ako na lang din ang mahalin mo."
Napalunok na lang ako sa narinig ko kay Zac. How can I be so dense? Lagi
na lang ako naglalabas ng saloobin ko kay Zac knowing na mahal niya ko.
Nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Ang pinagkaiba lang namin, siya,
nasabi niya. Ako hindi.
Ngumiti siya at kinurot ulit ang ilong ko dahilan para sumakit ang puso
ko. Masakit kasi nakakasakit ako.
"Kahit kailan naman hindi naging masama ang isang tao dahil lang sa rason
na nagmamahal siya."
"Sorry," halos ibulong ko.
"Na naman? Ano ka ba, Cass? Huwag ka na magsosorry sa akin. Hindi mo
naman ginusto 'to."
"Pero -- "
"Choice ko 'to. Choice kong magpakatanga para sa 'yo. Hindi mo naman ako
pinapaasa 'wag kang mag-alala. Sadyang pasaway lang ako na ayaw lumayo sa
'yo. Siguro ganito na lang ako hanggang sa ako na ang kusang mapagod at
bumitaw."
Naramdaman ko ang tubig na tumulo sa mukha ko. Hindi ko na naman
mapigilan ang emosyon ko. Ang hirap talaga kapag nakakasakit ka ng ibang
tao. Minsan doble pa yung sakit na nararamdaman mo.
Niyakap ko si Zac. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam
kung tama ba ang pagyakap na ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam. Hindi ko
na alam. Wala na akong alam.
Napabitaw ako ng yakap sa kanya ng may marinig akong umubo. Pinunasan ko
ang luha ko at tiningnan kung saan nanggaling 'yung ingay.
Megan. Nakatayo siya sa may gilid namin at seryosong seryoso na
nakatingin sa amin ni Zac. I can't read her. Hindi ko alam kung galit pa
ba siya sa akin o kung okay na.
"Mauna muna ako sa loob." Paalam ni Zac at saka tumayo at iniwan kami ni
Megan.
No one's talking. Sa pagkakaalam ko, lumabas ako para magpahangin at
makaiwas sa kakaibang atmosphere. Pero bakit parang sinusundan ako?
"Can we talk?"
Three words na hindi ko gustong marinig. Especially if it's coming from
her.
Tumayo ako at pinagpag ang shorts ko. Kilala ko ang sarili ko at kapag
ganitong sitwasyon, wala akong balak makipagplastikan. It's either
kausapin ko siya at makapagsabi lang ako ng bagay na hindi maganda at
pwedeng pagsisihan ko sa bandang huli, o tumahimik na lang ako.
Wala ako sa mood. Nakasakit na naman ako. Mukhang hindi ko kakayanin
makipag-usap pa kay Megan sa ngayon.
"Huwag ngayon." At saka ko siya nilagpasan. Pero bago ako tuluyang
makapasok, nagsalita pa ulit siya.
"Sorry."
That made me stop. Sorry for being a bitch the other night?
"Sorry, Cass, sa lahat nang sinabi ko kagabi. Alam kong ang bitch ko. Out
of jealousy siguro kaya ko nasabi 'yun. I wasn't thinking. Ganoon naman
kadalasan 'di ba? Nauuna ang bibig sa utak. Sorry. Sorry talaga."
Hinarap ko siya and I saw her eyes. Mukha naman siyang seryoso.
"Alam kong naiinis ka sa akin ngayon. I know you. At hindi kita masisisi.
Maski ako naiinis sa sarili ko. Pero believe me, Cass. I am really
sorry."
Inis ako, oo. Pero hearing those things? Parang umaatake na naman "yung
mamon kong puso.
"I hate this," irita kong sabi. Mukhang nagulat siya at nakita ko na
naman ang unang Megan na nakita ko noon. Fragile. Afraid. "This is the
reason why I put up shields before. I hate dramas. Ayoko ng mga gantong
eksena."
"I.. I -- "
"Apology accepted anyway."
"Ha?"
"Sabi ko okay na. Yes, you were a bitch pero alam kong may kasalanan din
ako. Kaya I'm also sorry."
Napatitig siya sa akin at maya maya ay tumakbo papalapit at yumakap sa
akin. Napangiti ako bigla. Laging nandoon 'yung soft side ko para sa mga
importanteng tao.
Matapos ng madramang eksena, bumalik na ako sa pwesto ko kanina at umupo
ulit. Tinabihan niya na naman ako at nagkwentuhan lang kami. Until out of
the blue, may nasabi na naman akong hindi ko gustong sabihin.
"Bakit mo ko pinagseselosan?" Napatingin lang siya sa akin at ngumiti
sabay kibit balikat.
"Mukhang alam mo ang sagot diyan. Do I need to spell it out for you?"
"Hindi. H'wag na lang."
"You're very fortunate, Cass. Appreciate what you have. Once kasi na
makita mo na ang opportunity, kunin mo na. You'll never know kung last
offer na ba ng life yun sa 'yo."
Okay? Hindi ko gets 'tong si Megan. Ang gulo niya promise. Teka. Related
ba 'to sa pinag-usapan nila ni Ry kanina?
Bago pa ako magtanong, tumayo na siya.
"Matutulog na ko. Goodnight, Cass."
=================
Chapter 40: Is it okay to settle for 'okay lang'?
Day 5
"Uso tulog. Try mo."
Napatingin ako sa salamin at hindi na ako nagulat makitang kinakawayan
ako ng eyebags ko. Mukha akong zombie.
"Bakit ba kasi di ka nakatulog? Kaninang madaling araw noong
naalimpungatan ako gising ka pa."
Napatingin ako kay Kate at maya maya lang ay dumive na ulit ako sa kama
ko at inilagay sa ibabaw ng ulo ko ang unan. Hinila naman 'yun ni Kate
kaya bigla na lang akong napaupo at napasabunot sa buhok ko.
"Sabihin mo lang kung nagdradrugs ka para maparehab ka na agad."
"Naman kasi."
Tinaasan niya ako ng kilay at nagcross arms pa siya. Bumalik naman ako sa
paghiga sa kama habang siya ay nakaindian sit pa rin habang nakatingin sa
akin.
"Anong problema mo?"
"Ano ba yan, Kate. Kakagising ko lang wala pa tayong hilamos tapos ayan
agad itatanong mo."
"Kapag tapos mo bang maghilamos sasabihin mo na sa akin 'yang problema
mo?"
Bakit ba si Kate ang roommate ko? Bakit ba napakapursigidong makaalam ng
information 'tong babaeng 'to? At bakit ba kasi prinoblema ko ang mga
nangyari kahapon sa bundok at 'yung pag-uusap namin ni Zac at Megan?
"Ang gulo kasi. Kumbaga sa relationship status, it's complicated."
"Try mong i-explain sa akin at baka hindi ako maguluhan ng sobra 'di ba?"
"Ay, ewan! Basta! Magulo. Lalo lang akong naguguluhan."
Tumayo ako at agad pumunta ng cr para maghilamos. Sinisigawan pa ako ni
Kate pero di ko na siya pinansin. Aga aga bubungaran ako ng pagkwekwento
ng mga kadramahan ko sa buhay.
Bumaba ako para sana magluto ng almusal kasi ako ang nakatoka ngayon pero
inabutan kong nagluluto si Ry sa kusina.
"Aba." Bungad ko sa kanya kaya agad siyang napalingon sa akin at ngumiti.
"Good morning."
"Bakit ka nagluluto?"
"Para may makain tayo?"
"Pilosopo."
Mukhang wala na pala akong gagawin.
"Kanina ka pa gising?" tanong niya habang patuloy pa ring nakaharap sa
kalan.
Sumandal ako sa counter sa tabi niya at tiningnan ang niluluto niya,
"Hindi. 10 min. ago siguro. Ikaw ba?"
"Medyo."
Tiningnan kong maigi ang mukha niya. Mukhang fresh na fresh. Kainis.
Samantalang ako dito mukhang zombie.
"Ilang oras tulog mo? Tatlo? Apat?"
"Huh? Sino nagsabing -- "
"H'wag mo na subukan i-deny. Halata, Cass."
"Ewan."
Tiningnan niya ako saglit saka umiling, "H'wag mo abusuhin sarili mo.
Take a good rest next time."
Good rest, good rest. Kitang isa siya sa dahilan kung bakit ako napuyat
kagabi.
Tinulungan ko siya sa paghain at tinawag na ang iba ng mayari na sa pag-
aayos ng almusal.
***
"So, everyrthing's set? Wala ng naiwan?"
Chineck ko ang bag ko. Kumpleto na. We're off to bayan para bumili ng mga
pasalubong. Baka magwala pa si Ashley kung hindi ko siya papasalubungan.
Sumakay na kami sa van. Tulad ng dati, si Ry ang nagdradrive at katabi
niya si Zac sa harap. Nasa likuran nila ako at si Kate samantalang nasa
likuran namin si Sheena at Megan.
"You owe me some stories," bulong na naman ng magaling kong katabi.
"Gusto mo dito ka na ikwento?"
"Talaga?!"
"Gaga. Syempre hindi. Edi nahirapan ako ng sobra. Mamaya ka na nga."
"Sungit. Uy, teka. Bago ka magsoundtrip diyan, napansin mo ba ang
napansin ko?"
Hininto ko ang paglalagay ng earphone at tinaasan ng kilay si Kate. Ano
na namang issue ng babaeng 'to?
"Mukhang hindi mo napansin. I think may LQ 'yung dalawa. Hindi sila
masyado nagdidikit ngayon."
"Porque hindi lang nagtatabi LQ na? Bahala ka nga diyan."
Tinalikuran ko siya at saka nilagay ang earphone ko.
Pero LQ nga kaya yung dalawa? Hindi ko naman napansin kanina, pero ngayon
napansin ko na. Oo nga. Noong nag-almusal kami, hindi sila 'yung super
sweet. Nagbatian nga lang ata sila ng good morning tapos ayun na. Tapos
hindi ko na sila masyado napansin na nag-uusap. Paano kasi, panay si
Sheena ang kasama ni Megan. Ano nga kayang problema?
"Akin na." Kinuha ni Ry ang pinamili ko at inilagay na sa van.
Tapos na akong mamili kaya lang 'yung iba namimili pa. Bumalik ako sa may
van at inabutan ko doon si Ry at Zac. Hindi sila nag-uusap at magkalayo
sila. Nakaupo pa rin sa harap si Zac samantalang nakasandal sa labas ng
van si Ry.
"Thank you. Hindi ka namili?"
"Tapos na kanina pa."
Bakit ang bibilis talaga ng mga lalaki?
"Psst. Uy. Hindi ka ba bumaba diyan?" tanong ko naman kay Zac.
Tinanggal niya ang shades niya at lumingon sa akin, "Bumaba kanina. Tapos
na ko mamili." Siya rin? Ang bilis talaga nila.
Binuksan ko ang van at umupo sa likod saka iniwang bukas ang pinto. Si Ry
naman nakasandal pa rin at si Zac nakaupo pa rin sa harap. Ito ang
tinatawag nilang awkward. Gusto kong magsalita kaya lang hindi ko alam
kung sino kakausapin sa kanila. Kung parehas naman sila, paniguradong
hindi rin magiging maayos ang usapan. Kaya para makaligtas sa akwardness
na 'to, I pretended to be asleep. Sinandal ko ang ulo ko at pumikit.
Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring nagsasalita. Hindi talaga
sila nag-uusap? Kaloka.
"Yo, guys. Nandito na pala kayo." Boses 'yun ni Kate. Finally may maingay
na. "Aba, tulog pala si Cass."
Padilat na sana ako at sasagutin si Kate nang biglang nagsalita si Ry,
"Zac, samahan mo nga ako sandali."
Hindi ko narinig na sumagot si Zac pero narinig ko ang pagbukas at
pagsara ng pinto. Mukhang sasama siya. Anong masamang hangin ang umihip
sa dalawa?
"Kate, pabantay muna kay Cass./Pakitingnan si Cass," sabay na sabi ni Ry
at Zac kay Kate.
Bakit parang may kakaibang feeling ako sa dalawa. Saan kaya sila pupunta?
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Kate, "Wala na. Pwede ka ng dumilat.
Ganda mo talaga."
Dumilat ako at akmang lalabas ng van nang pigilan ako ni Kate, "H'wag mo
na tangkaing sundan 'yung dalawa. Diyan ka lang. Kargo kita. Pinabantay
ka nila sa akin."
Seryoso talaga siya sa pagbantay ha? Ano ako, bata lang? Kailangan pa
talagang may nagbabantay?
"Ayos lang kaya 'yung dalawa?"
"Aba, anong malay ko? Hindi naman nila ako kasama. Chill lang, Cass.
Hindi naman sila magpapatayan."
Kahit kailan talaga 'tong si Kate. M Hindi naman nakakatulong. Bakit ba
kasi nagwoworry ako sa dalawa? Kasi naman, bakit ba nagsama sila e alam
ko namang hindi nila gusto ang isa't isa.
"Usapang lalaki malamang."
Napabuntong hininga na lang ako. Tama si Kate. Mag-uusap lang sila. Hindi
nila sasaktan ang isa't isa. Wala namang rason.
"Ano na bang nangyayari?"
"Maski ako hindi ko na maintindihan."
"Kahapon, alam kong may mga nangyari. Ano 'yun?"
Napasandal ulit ako, "Siguro nga dapat ko na 'tong sabihin sa iba. Atin
atin lang 'to, ha Kate?"
Itinaas niya ang kamay niya at nagsign pa ng cross sa puso niya.
"Kahapon kasi, ewan ko kung anong nangyari. Basta when you and Sheena
left sa dining, sobrang awkward ng atmosphere. Hindi ko kinaya kaya
lumabas ako. Sumunod si Zac and we left Ry and Megan there talking about
who-knows-what."
"Maybe about you. Or them and their relationship?"
"Hindi ko alam. Anyways, noong sinundan ako ni Zac, medyo naglabas na
naman ako ng saloobin ko about Ry. Nakalimutan kong nasasaktan siya.
Sobrang nakakaguilty na nagrereklamo ako sa kanya na nasasaktan ako,
habang siya, ayun at sinasaktan ko."
"Aww. I feel for Zac. But, he'll get over it." Maka-Ry talaga si Kate.
"Then, Megan came. She said she was sorry. I accepted her apology ang we
talked about.. well, things. Pero bago siya pumasok sa loob, may sinabi
siyang hindi ko maintindihan. And si Ry.. ano.. hindi ko alam kung
panaginip ba 'yun or totoo, pero noong nasa kweba kami noong nawala kami,
before I fell asleep, narinig ko na.."
"Na ano?"
"Na.. sinabi niyang.. I love you."
Nanlaki ang mata ni Kate at ipit na ipit na tumili.
"Pupusta ko totoo 'yun. Hindi ka nananaginip."
"Pero, madalas naman niyang sabihin sa akin 'yun." Sinamaan ako ng tingin
ni Kate at nagcross arms.
"Sabay bawi, Cass? Nandoon na ko sa peak ng kilig. Kainis 'to. Pero girl,
totoo nga. It's super complicated."
"Nakakatawa na lang. I'm in love with my bestfriend, but he's in love
with someone else. Someone loves me, but I can't return the feelings
back. Ganoon ba talaga? Kung sinong gusto ng isang tao, siya pa 'tong
ayaw ibigay sa kanya ng mundo."
"Alam mo, Cass, hindi dahil sa hindi mo nakuha ang isang bagay ngayon,
hindi mo na 'yun makukuha forever. Lahat ng bagay may tamang oras at
panahon. Hindi man masuklian pagmamahal mo sa ngayon, malay mo sa
susunod, masuklian na."
Magsasalita pa sana ako kaya lang biglang dumating si Sheena at Megan.
"Mukhang seryosong seryoso tayo dito ha?"
"Uhm, Cass? Pwedeng samahan mo ko?"
Tinanguan ko si Megan. Bago ako bumaba, tiningnan ko muna sa Kate at
tinanguan niya lang ako. Nararamdaman kong hindi magpapasama si Megan sa
akin para lang pumunta kung saan. Alam kong may mahalaga siyang sabihin.
Kung ano 'yun, 'yan ang hindi ko alam.
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Ry at Zac. Hindi sila
sabay. Nauunang maglakad si Zac samantalang nasa likod lang si Ry. Medyo
malayo ang distansya. Napahinto kami ni Megan. Nakita nila kami kaya
lumapit si Zac. Si Ry naman, tiningnan lang kami at tumango pero nagtuloy
tuloy sa paglakad. Anong nangyari doon?
"Saan kayo pupunta?"
Napatingin ako kay Megan. Mukhang nagkaintindihan kami sa simpleng
tinginan lang.
"Hahanapin lang sana kayo. Tara na?"
***
Tahimik na sa sasakyan. Lahat ata napagod kaya mga bagsak at tulog na.
Except for me and Ry.
Napatingin ako sa rear view mirror only to find him looking at me. Pero
agad din niyang inalis ang tingin niya kasi nga nagdradrive siya. Ilang
beses at paulit-ulit lang ang ganoong scenario. Magkakatinginan kami,
babalik niya ang tingin sa daan.
Ilang oras na kaming byumabyahe. Nagising na rin ang mga kasama namin.
Halata kay Ry na medyo inaantok na. Napatingin ako sa gilid ng dinadaanan
namin. Stop over.
"Stop over tayo," sabi ko sa kanila.
Pumayag naman silang lahat. Baka nakaramdam na rin ng gutom. Nang maipark
na ni Ry ang sasakyan, nagsibabaan na sila pero kami ni Ry hindi pa
bumababa.
"Tara na," aya sa amin ni Kate.
"Sunod ako. Five minutes." Tiningnan muna niya ako at saka tiningnan si
Ry.
Tumango lang siya at saka pinilit at tinulak tulak 'yung tatlo.
Napatingin pa sa amin si Megan at Zac pero nginitian ko lang sila.
Bumaba ako at saka lumipat sa harapan. Sa pwesto ni Zac.
"Anong problema?" tanong ko kay Ry. Ramdam ko kasi na may nangyari sa
pag-uusap nila ni Zac.
Hindi siya agad sumagot. Isa o dalawang minuto pa bago siya magsalita.
"Gusto ka talaga niya 'no?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ako ang pinag-usapan nila. Ako rin kaya
ang problema niya? Ayan na naman. Assumera na naman ako. Pwede namang si
Megan din.
"Magkaaway ba kayo ni Megan?" Sa halip na sagutin ang tanong niya, siya
ang tinanong ko.
Hindi na naman siya sumagot. Halata sa mukha niya ang pagod.
"Sige. Matulog ka muna kahit isang oras lang. Bibilhan na lang kita ng
pagkain."
Agad kong hinanap sila Kate. At nang makita ko sila, kumain na rin ako.
Binilhan ko na rin ng pagkain si Ry.
Napapatingin ako kay Zac at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Isa pa
siya. Mukhang matamlay. Napatingin din ako kay Megan na nakatahimik lang.
Lahat ba talaga ngayon matatamlay?
"Balik na tayo? Tara na?" aya ni Sheena.
Tiningnan ko ang orasan ko. Halos kalahating oras palang ang lumipas.
Hindi pa masyadong nakakatulog si Ry.
"Mamaya na lang kaya?"
"Anong gagawin natin?"
Tiningnan ko si Kate. Mukha namang nagets niya ang gusto kong sabihin.
"Tambay. May fountain diyan. O kaya upo tayo sa gilid gilid. Mahangin
naman. O kaya tingin tingin tayo ng mga paninda."
"Ay may tiangge ba diyan? Bakit hindi mo agad sinabi? Tara na!" Tumayo
agad si Sheena at hinila si Kate palabas ng fastfood.
Naiwan na naman kami nila Zac.
"Balik na ako ng sasakyan. Medyo inaantok ako." Paalam ni Zac at saka
tumayo. Palakad na sana siya pero huminto siya at kinuha yung pagkain na
binili ko para kay Ry, "Dalin ko na."
Alam kong alam niya na para kay Ry 'yun. Gusto ko mang kunin at 'wag na
ipadala sa kanya, hindi naman niya ibibigay 'yun.
"Cass, pwede bang doon tayo?"
Tinuro ni Megan 'yung isang upuan sa harap ng fountain.
Pumayag ako at nagpunta nga kami doon. Buti na lang mahangin din. Nakaupo
lang kami ni Megan. Ni hindi kami nag-uusap. May gusto siyang sabihin
pero hindi ko alam kung bakit ayaw pa niyang magsalita. Naisipan kong
basagin ang katahimikan.
"Ano 'yun, Megan?"
"Ang?"
"Alam kong may gusto kang sabihin."
Napatingin siya sa akin at saka ngumiti.
Ano 'yun? Patay malisya. Naloloka na ata 'tong si Megan. Natahimik na
lang ulit kami. Hihintayin ko na lang na siya na ang maunang magsalita.
Nakatitig lang ako sa may fountain nang magsalita na siya, "Kagabi, nag-
break kami."
Break? Hiwalay? Hindi lang pala LQ ang nangyari sa dalawa. Hindi rin cool
off. Mas matindi pa. Break. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa
paghihiwalay nila.
"Ayos lang. Mutual decision naman. Nagdesisyon kami na maging magkaibigan
na lang."
Hindi pa rin masyado nagsisink in sa akin ang sinasabi niya. Break na
talaga sila?
"A..anong reason?" Tiningnan niya ako at saka ngumiti. Totoong ngiti.
Walang halong kaplastikan.
"Bakit hindi na lang siya ang tanungin mo? Sa kaniya dapat manggaling ang
dahilan." Kinabahan naman ako sa rason nila.
Pwede na ba akong mag-assume? Pwede ko na bang isipin na nagbreak sila ng
dahil sa akin? Hindi ako magpapaka-ipokrita. Aminado akong may parte sa
sarili ko na masaya kasi wala ng girlfriend si Ry. Hindi na ako gaanong
masasaktan. Mas madali kasing tanggapin na hindi nasusuklian ang
pagmamahal mo kaysa sa hindi na nga nasusuklian, nababaling pa sa iba.
Kahit na masaya ako kahit papano, nalulungkot din ako syempre sa
kinahanitnan nila. Walang halong biro. May parte ng sarili ko na
nalulungkot at nakokonsensya. Does this makes us four lonely people? Si
Ry at Megan who decided to end things between them. Si Zac, who's hurting
because of an unrequited love. At ako, who's hurting because I fell in
love with my bestfriend.
This is the main reason why I used to hate love. Instead of bringing
happiness and smiles, it gave us agony and tears. People end up falling
for someone who they can't have or who can't love them back.
Minsan tuloy naiisip ko na sana may rules ang love. People may think I'm
crazy para isipin 'yan. Sa tingin ko mas madali 'yun. Sa rule na 'yun,
dapat kapag minahal mo ang isang tao, mamahalin ka na rin niya. Kapag
naman naging kayo, hindi na pwedeng magbreak. Forever na kumabaga.
Matapos ang saglit na pag-uusap namin ni Megan, napatingin ako sa
sasakyan. Gising si Ry. Nakatayo lang siya sa gilid ng van at napatingin
sa amin ni Megan. Si Zac naman na ang paalam ay babalik sa van ay wala
doon. Saan na naman nagsuot 'yun?
"Puntahan mo muna si Ry."
Napatingin ako kay Megan ng magsalita siya. Nakangiti siya habang
nakatingin kay Ry.
"I think he needs his bestfriend." Tumayo siya at tinap ang balikat ko
saka naglakad.
Tumayo ako at tumalikod para tawagin siya, "Megan!" Huminto siya pero
hindi lumingon sa akin. "Okay ka lang ba talaga?"
"Yes. Okay lang ako. Okay ako. I'm always okay." Tumigil siya at
nagsalita ulit, "Pero minsan naisip ko. Is it okay for me to settle for
'okay lang'?"
"I.. I -- "
Humarap siya sa akin at ngumiti, "I'm actually hurting. Not because of
the break up though. But I'm hurting. Maybe one of these days maikwento
ko na sa 'yo ang reason, but not now. Actually, I badly need your advice
'cause that's where you're best at. Pero sa ngayon kasi hindi pa pwede.
I've got no intentions of making things complicated, pero
unintentionally, I made it complicated."
"Hindi kita maintindihan."
"Because I don't want you to understand me. But one day, you will." Ayun
lang ang sinabi niya at tuluyan ng naglakad habang ako naiwan at lalong
naguluhan.
=================
Chapter 41: Your smile
“Anong pinag-uusapan niyo?” bungad agad sa akin ni Ry nang makalapit ako.
Nagkibit balikat lang ako at tumabi sa kanya saka sumandal sa van,
“Natulog ka ba?”
“Half an hour.”
“Ang iksi niyan. Dapat natulog ka pa.”
“That will do. Mahaba naman tulog ko kagabi. Ikaw ang dapat natulog kasi sasaglit ka lang natulog kagabi.”
“Pwede naman akong matulog habang nasa byahe.”
“Hindi mo naman ginagawa.”
“Paano kung ginagawa ko naman.”
"You don’t. I’m checking you every ten minutes. Tulog na silang lahat, ikaw dilat pa.”
Fine. Guilty. Wala pala akong laban dito.
Ry and I talked for a while at nang makarating na ang iba, balik
biyahe na kami. Mukha namang okay siya. Or is he just hiding his
sadness? Hindi ko magawang tanungin siya kung ano ang ayos nila ni
Megan. Baka kasi mamaya sensitive pa sa kanya ‘yung topic na ‘yun. I’ll just wait hanggang sa siya na ang kusang mag-open nu’n sa akin.
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagmatay ng makina ng van. Nang
idilat ko ang mata ko at ilibot ang paninginln ko, saka ko lang narealize
na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Sheena.
Bumaba siya at tinulungan siya ni Ry at Zac na magbuhat ng gamit niya
pero hanggang sa gate lang nila ‘yun pinasok.
“Thank you, guys. I had fun. Sana maulit pa ‘to. Hindi pa ito ang last.”
“Hindi pa ito wag kang mag-alala.” Pag-aasure sa kanya ni Megan.
“Sige, paano ba ‘yan? Pasok na ko. Medyo masakit na ang katawan ko. Ingat na lang kayo. Bye, guys.”
After namin ihatid si Sheena, kila Megan naman kami sumunod since medyo
magkalapit lang ang bahay nila. Unlike Sheena, wala siyang masyadong dala
kasi nga may mga gamit naman siya sa bahay na ‘yun.
Nang makababa siya at nagpaalam na, sumunod naman kami sa bahay nila Zac.
Sobrang relief lang sa part ko na mauuna si Zac bumaba kaysa kay Kate.
Hindi dahil sa mas gusto kong kasama si Kate, pero dahil sa ayoko naman
na magka-awkwardan na naman kaming tatlo. Parang sobrang torture sa akin
na kasama si Ry at Zac sa iisang kotse, and worse kaming tatlo lang ang
nandoon.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Zac, lumingon siya sa likod
at saka tinanguan si Kate. Senyales ng pagpapaalam. Tumingin naman siya
sa akin at parang sinasabi ng tingin niya na ‘pwede ba tayong mag-usap’. Napakunot ako ng noo. Ano kaya ang posibleng pag-usapan namin?
Bumaba na siya at nakita ko na huminto siya sa tapat ng gate nila at
hinihintay ang paglabas ko.
“May naiwan ba siya? Bakit hindi pa siya pumapasok?” tanong ni Kate habang nakatingin sa nasa labas na si Zac.
Tiningnan ko si Ry. Nakatingin siya sa akin sa rear view mirror. “Teka lang,” paalam ko at saka lumabas.
Isasara ko pa lang sana ang pinto ng van pero napatigil ako.
“Cass,” tawag sa akin ni Ry.
“Bakit?”
Inalis niya ang tingin niya sa akin at binalik ‘yun sa harap, “Bilisan mo na lang.”
Tumango ako at tuluyan nang isinara ang pinto. Nilapitan ko si Zac na
nakapamulsa pa rin habang nakatayo sa labas nila.
“What’s up?” tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako at saka kinurot ang pisngi ko. Habit niya na ‘to. Kung si Ry, palaging ginugulo ang buhok ko, siya naman palaging pinipisil ang
pisngi at ilong ko.
“Wow ha. Pinalabas mo ba ako para lang kurutin ang pisngi ko?”
“Oo. Kung sa loob kasi ng sasakyan hindi kita maaabot.”
Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatawa naman sa kanya. Sa pagkakaalam
ko, dapat kapag sinasamaan ka ng tingin, matatakot ka at hindi ka tatawa.
Kakaiba talaga.
“Zac. Alam kong may sasabihin ka kaya mo ko pinalabas. Sabihin mo na kung ano ‘yun. Dali na at ng makauwi na kami.”
Sumeryoso ang tingin niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong
yakapin. Ang higpit ng yakap niya pero hindi sobra na tipong mahihirapan
na akong huminga.
“Zac? Ayos ka lang ba?”
“Gusto kita, Cass. Gusto talaga kita.”
Napatahimik ako sa narinig ko. Alam ko. Alam ko, Zac. Ilang beses mo nang
sinabi ‘yan. Sa tuwing maaalala ko, lalo lang akong nakokonsensya. Lalo lang akong nasasaktan para sa kaniya.
“Kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag mong iisipin na hindi totoo ang mga sinabi at nararamdaman ko para sa ’yo. Kasi kung hindi ‘to totoo, hindi ako ngayon masasaktan ng ganito.”
“Zac, ano ba ‘yang sinasabi mo? Ano bang nangyari?”
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat
ko, “Sige na. Alis na kayo. Para makapagpahinga na kayo.”
Magsasalita pa sana ako pero tinalikod na niya ako at tinulak papasok ng
van.
“Zac.” Ngumiti lang siya saka sinarado na ang pinto.
Napasandal na lang ako at nagcross arms. Ano ba kasing sinabi niya
kanina? I mean, anong ibig sabihin? Bakit bigla siyang nagdrama ng
ganoon? Ayos naman kami sa pagkakaalam ko. Ano kayang nakain nu’n at naging ganoon?
“Bakit daw?” tanong sa akin ni Ry.
Napatingin ako kay Kate na halatang medyo naawkwardan saka tumingin kay
Ry. Mukha namang napansin niya ‘yun kaya nagdrive lang ulit siya.
Ilang minuto pa nang marating na namin ang bahay nila Kate. Nagpaalam
lang siya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Dahil sa dalawa na rin
lang naman kami, lumipat na ako sa harap. Kung nasa likod pa kasi ako
baka magmukhang driver ko si Ry.
“Nandito na tayo.”
Napatingin ako sa labas. Nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
“Ah, oo. Salamat. Ingat ka pag-uwi,” paalam ko sa kanya at lumabas na.
Pipindutin ko na sana ang doorbell pero bigla niyang hinawakan ang braso
ko. Lumabas pala siya, hindi ko man lang narinig ‘yung pagbukas at sara ng pinto.
“Bakit?”
“Pwede tayong mag-usap?”
Usap? May usap na naman? Ano bang ayos ng mga tao ngayon? Baka mamaya
magdrama rin ‘to gaya ni Zac.
“Tungkol saan ba?”
Imbis na sumagot, tiningnan tingnan niya yung palagid. “Doon tayo,” sabay turo sa damuhan sa gilid ng bahay namin. Iniwan ko ang gamit ko sa may
tapat ng gate at saka sumama kay Ry.
Umupo kami sa may damuhan. Napatingala ako at napangiti nang makita ang
mga stars. Kung siya, gusto ng sunrise, ako gusto ko ng mga bituwin. Kung
bakit? Ayan ang hindi ko alam. Alam mo ‘yung gusto mo lang talaga. Walang rason.
“It’s nice watching you like that.” Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din pala siya sa akin. “Lagi kang ngumiti ha? I love to see your smile.”
Nakakabaliw na talaga ‘tong bestfriend ko. Feeling ko anytime pwede na kong magcollapse. Ayokong masanay na lagi siyang ganito sa akin.
Papaasahin ko lang ang sarili ko na baka gusto niya na ulit ako.
Papaasahin ko ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman alam kung totoo.
Tumahimik lang ako nang sabihin niya ‘yun.
Seryoso. Ayan ‘yung nararamdaman kong atmosphere na bumabalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko nga naririnig na niya ‘yung kabog nito.
“Sinabi na niya sa ’yo ‘di ba?”
Alam kong tinutukoy niya yung nangyaring break up sa pagitan nila ni
Megan kaya tumango ako.
“Sinabi niya ba ang dahilan?”
“Hindi.”
“Sabi ko na hindi niya sasabihin. Ikaw, tingin mo, bakit kami naghiwalay?”
Gustong gusto ko siyang diretsyuhin at tanungin kung ako ba ang dahilan.
Feelingera, assumera, makapal ang mukha, name it. Lahat na siguro pwedeng
itawag sa akin. Kaya lang wala talaga akong lakas ng loob sabihin sa
kanya ‘yun. Kaya in the end, I just shrugged.
“Not even a hint?” Tulad kanina umiling ulit ako.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang ginulo ang buhok ko at tumawa.
Napatingin tuloy ako sa kanya, “We’re bestfriends, Cass. Alam ko kapag nagsisinungaling ka. You can’t even look at me.”
“Look. Of course, may hint ako. Akin na lang ‘yun. I don’t want to say something na hindi ko naman sigurado.”
“Fine. H’wag na.”
Bumuntong hininga ako at tumingin ako sa kanya, “Bakit nga ba?”
Sa halip na sumagot, nginitian niya ako. Moment of silence. Naririnig ko
pa ang mga kuliglig.
“Once upon a time, I saw a girl giving love advices to tons of people, but she herself hasn’t been in love yet. No, it was not love at first sight. Hindi rin crush. How do you put it this way? Hmm. Curious. Yes.
Curious ako sa kaniya. Sa buhay niya. She’s so mysterious.”
Lumakas na naman ang kabog ng puso ko. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.
“It’s funny how I used to watch her from afar. But you know what’s funnier?” Tiningnan niya ko. Ang seryoso ng mga mata niya pero nakangiti siya. “I woke up one day and sudden realization hit me. I’m in love. How? Why? I don’t know. Hanggang sa nagkalakas ng loob akong kausapin siya at yayain siya magdate. I even kissed her. Sa cheeks lang. Ang
yabang ko nga noon. But deep inside, halos lumabas na ‘yung puso ko. After that, I kept following her. Kinukulit ko. Ilang beses niya ako
nireject pero wala. Hindi ko mabitawan.
“Hanggang sa she offered me friendship. Tinanggap ko. Maging malapit lang sa kanya kahit ano tatanggapin ko. Naging magbestfriend kami. We became
so close that I felt na ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.
Lahat ng ginagawa ko sa kanya, siguro iniisip niya na ginagawa ko lang as
her bestfriend. Pero hindi. Ginagawa ko ‘yun kasi mahal ko siya. Kaya lang may dumating na bagong tao.”
Natahimik kami parehas. Si Megan ang taong sinasabi niya. Gustong gusto
ko ng umiyak habang nagkwekwento siya pero sobrang pagpipigil ang
ginagawa ko. How did I end up being so emotional?
“’Yung taong ‘yun.. ewan ko. Basta ramdam ko na gustong gusto ng bestfriend ko na maging malapit kami ng bagong dumating. So to do her a
favor, nakipagclose ako. We became too close na naisip ko na siguro pwede
‘to. Pwedeng makatulong sa akin para tanggapin na hanggang bestfriend na lang ako. Alam kong mali pero siguro I used her to move on. Naging kami.
I like her. I really do. I tried diverting all of my attentions to her to
the point na nagtampo ang bestfriend ko. I was torn. I was torn between
wanting to save myself from being drowned from my own feelings and
wanting to be close to her. I don’t know what to do. Yes, may girlfriend ko. Oo, gusto ko siya. Kaya lang ang nakakaiinis.. may panibagong tao ang
dumating sa eksena.”
Zac. Siya ang tinutukoy ni Ry.
“Close siya sa bestfriend ko at halos lamunin ako ng selos ko sa tuwing nakikita ko silang masaya. I want to be that guy. I want to be the only
guy na makakapagpasaya sa kaniya. Every time makikita ko silang dalawa,
grabe,” huminto siya at tumawa ng mahina. “Sa sobrang selos ko, naging cold ako sa bestfriend ko. Kaya lang hindi ko rin matiis. Hanggang sa
napansin na ng girlfriend ko na hindi pa rin talaga nawawala ‘yung nararamdaman ko sa bestfriend ko. She’s right. Hindi nawala ‘yung nararamdaman ko. I have loved her before and I still do.”
“Ry.”
Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata, “I never stopped loving you and I don’t think I ever will.”
=================
Chapter 42: Sweetdreams
I’m beyond speechless. Pakiramdam ko nagkabuhol buhol na ang internal organs ko at bumagsak ang utak ko papunta sa tiyan ko. Alam ko naman ang
ibang detalye. Alam ko ang ibang nangyari. Kaya lang nagulat lang ako sa
ibang revelations niya. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong
gustong itanong. Ang dami kong gustong sabihin pero wala ni isa ang
lumabas sa bibig ko.
Ano ang nararamdaman ko? Halo halo. Shocked. Confused. Happy. At the same
time, I feel for Megan. Parang.. ewan ko.
It was my fault kung bakit naging sila at it’s still my fault kung bakit sila naghiwalay. Pakiramdam ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.
Pinatikim ko siya ng happiness yet I took that happiness away.
As for Ryan. Ewan ko. Naguguluhan ako. He loves me.
“I.. I..”
“Still sinking in, huh? Sabi na ganiyan magiging reaksyon mo. I know you too well.” Natatawa niyang sabi. “But seriously, I love you. Hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sa ’yo, Cass. Oo, tumigil ako ipakita ‘yun sa ’yo pero Cass, kahit isang segundo, hindi ako tumigil magmahal sa ’yo.”
Hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang tumulo ang kanina ko pa
pinipigilang luha.
“Hey. Bakit ka umiiyak? Sorry kung may nasabi akong hindi mo gusto. Sorry, Cass.” Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. That same hug that make me feel so safe. So secure. So protected. The hug that only
Ryan can give.
Nang matigil na ko sa pag-iyak ay humiwalay na ako. Tiningnan niya ako,
ngumiti saka pinunasan ang luha ko.
“Iyakin ka talaga. Ano ka ba, Cass. Kung umiiyak ka kasi naguiguilty ka sa paulit-ulit na pambabasted sa akin, ‘wag ka ng mag-alala. Ayos lang. Sinabi ko lang naman ‘to sa’yo kahit bastedin mo pa ko.”
Hindi ko magawang magsalita. Kanina pa pero hanggang ngayon wala akong
masabing matino. Nababaliw na talaga ako.
Tumayo siya at saka inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ‘yun. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makabalik na kami sa tapat ng
gate namin. Honestly, ayokong bitawan ang kamay niya pero wala akong
magagawa.
Kinuha niya ‘yung mga gamit kong nasa gilid ng gate at saka nagdoorbell. Pagbukas na pagbukas ng gate, si Ashley agad ang bumungad sa amin.
“Kuya Ry!” sigaw niya at saka biglang yumakap kay Ry.
“Hi, Ash.”
Sa kabila ng lahat nang narinig ko kay Ry ngayong gabi, hindi ko alam
kung maooffend ba ako dito kay Ash. Ako ang kapatid pero iba ang unang
binati? Kung ipaampon ko kaya ‘to kila Ry.
"Ang tagal niyo naman. Kanina pa ko naghihintay para sa pasalubong."
Natawa si Ry sa pagiging honest ng magaling kong kapatid. "Kuya, ano?
Kayo na ba ng ate ko?"
She didn't know. Hindi alam ni Ash na nagkagirlfriend si Ry. Ang akala
niya, all this time, sinusuyo pa rin ako ni Ry.
"Wala, Ash. Okay na ‘yun."
"Hina mo. Lakad kita," sabi lang niya at saka tumalikod at naglakad na
papasok habang dala dala ang mga gamit ko.
Pagharap ko ulit kay Ry, nakatingin lang siya sa akin. Ayan na naman ang
heartbeat ko. Parang hinahabol ng mga toro.
"Sige, una na ko ha? Pasok ka na sa loob." Tinanguan ko lang siya pero
hindi ako pumasok. "Ay. Ang kulit. Pasok na." Hinawakan niya pa ako sa
balikat para papasukin. "Bye," paalam niya nang makapasok na ako sa gate
namin.
Naglakad na siya pabalik ng van pero bigla akong may naalala. Ang sinabi
ni Megan.
“Appreciate what you have. Once kasi na makita mo na ang opportunity, kunin mo na. You'll never know kung last offer na ba ng life ‘yun sa 'yo.”
Sinilip ko si Ry mula sa gate at sinigawan, “Ry!”
Napahinto naman siya at tumingin sa akin, "Ano na naman? Ang kulit -- "
"Ingat ka pag-uwi." Nginitian niya ako at tumango.
Palakad na sana ulit siya pero tinawag ko siya ulit. Nakatalikod siya sa
akin. "Isa pa. Ano.. ‘yung kanina. Hindi kita binasted ‘wag kang mag-alala," bigla siyang humarap at halata mong gulat na gulat siya pero
bigla rin akong tumalikod at tumakbo papasok ng bahay.
***
Paikot-ikot ako sa kama. Hindi ako makatulog. Kung kagabi, gulong gulo
ako sa nangyari, ngayon, nababaliw na ako sa nangyayari. Same people.
Different story lang.
Parang sobrang daming nangyari ngayong araw. Parang nag-extend pa ng
limang oras ang dapat na 24 oras lang. Pilit kong isinasaksak sa utak ko
lahat ng nangyari.
Si Zac. He hugged me kanina and told me things na hindi ko naman alam
kung bakit pa niya sinasabi. Si Megan, who told me to appreciate and grab
things once makita ko ang opportunity pero nagsabi rin na nasasaktan siya
but not about the break up. At si Ry. Si Ry na ni minsan hindi
pinatahimik ang utak ko. Sa lahat ng confessions na ginawa niya, ito na.
Ito na ang pinakanakakabaliw sa lahat.
Anong gagawin ko? Sinabi ko pa naman kay Ry na hindi ko siya binasted.
Ibig sabihin ba nu’n --
Napatigil ako sa pakikipag-usap sa sarili ko nang biglang tumunog ang
phone ko. Kinapa kapa ko siya sa side table habang nakatitig sa kisame at
sinagot ng mahawakan ko, "Hello?"
"Nagising ba kita?" Nanlaki ang mata ko at napabangon sa kama nang
marinig ang boses ni Ry.
"Ah.. ah.. hindi. Hindi naman."
"Hindi ka rin ba makatulog?"
Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Hindi pwedeng palagi akong mauutal
kapag kausap siya. Inisip ko na lang na bestfriend ko ang kausap ko.
"H.. hindi."
"Parehas tayo."
"Gusto ko ng matulog. Ayaw lang talaga."
"Want a bed-time story?" Maloko niyang tanong.
Tumawa ako at umiling, "Nevermind. Makakatulog din ako maya-maya."
Nanatili kaming tahimik parehas. Comfortable silence. But then, he
decided na basagin ‘yun.
"Cass?"
“Hmm?"
"’Yung kanina. Do you mean.. you're giving me a chance?"
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Naghalo halo na ang mga paru-paro
sa tiyan ko.
"Ano kasi, Ry. Medyo magulo pa. We're bestfriends. Kakabreak niyo lang ni
Megan. And Zac. Parang.. I don't know. Tama ba na, ganoon?"
"I'm not rushing you, Cass. I was actually shocked awhile ago when you
told me you didn't dumped me. That's the first time. Hindi mo lang alam
kung gaano ako kasaya. Kaya lang, ayun nga, may mga bagay pa na dapat
ayusin. Eventually, all will be fixed. By that time, I'm still hoping
that maybe, it'll be you and me. I actually stopped hoping months ago.
Pero kanina, lahat ng hope ko bumalik. ‘Yung isang sentence na sinabi mo kanina, ‘yun ang nagsilbing sunrise ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ‘yung sunrise. ‘Yung hope.
"I want 'us' Cass. You. Me. Together. Forever."
"I want that, too," I said unconciously.
Napatahimik si Ry sa kabilang linya. Siguro hindi niya inexpect na
sasabihin kong gusto kong mangyari ang gusto niya. Maski ako hindi ko
inexpect na sasabihin ko ‘yun. But thinking about him and me.. parang, parang ang sarap sa pakiramdam.
"You want to be with me, too?"
Sinampal ko ang sarili ko at pinalo ko ang bibig ko. Stupid, Cass.
Nakakahiya.
"Uhm. I.. hindi.. ano -- "
"No need to answer, Cass. Naintindihan ko na." Bakas sa boses niya na
natutuwa siya.
"Ano kasi.. ‘yung sinabi ko -- "
"Okay lang, Cass. Nasabi mo na. Bawiin mo man ‘yan tingin mo maniniwala pa ko?" sabi ko nga words after been said cannot be taken back.
"Fine! Pwede mo na kong asarin."
"Bakit naman kita aasarin?"
"Kasi alam mo na."
"Na?"
"Ry! Do you really want me to say it out loud?!"
"I want to hear it coming from you, Cass. I want you to say you like me.
I want you to say you like the idea of 'you and me' forever. But, not
now. Not here. Hindi kung saan hindi kita nakikita. Alam mo bang I'm
restraining myself to get off this bed and go to your house? I badly
wanna see you right now and hear those things, Cass. But I can wait. Not
later than tomorrow though."
Feeling ko pulang pula na ang pisngi ko. I just realized nagconfess ako
sa kaniya indirectly habang nasa phone. Very romantic? Not! This is not
how I imagined it to be. Ni hindi ko nga naisip na sasabihin ko sa
kanyang gusto ko siya.
“Matulog ka na, Cass. Baka magulat ka bukas paggising mo nandiyan na ko.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Paano kasi napakaseryoso ng
boses niya. I can’t help but smile.
“Goodnight.” Ibababa ko na sana ang phone kaya lang pinahinto niya, “Why?”
“Sweetdreams Cass. I’ll see you in my dreams.” And with that, binaba na niya ‘yung phone.
Naglalakad ako pababa ng hagdan when someone caught my attention. May
isang lalaki ang nakaupo sa sala namin. The guy I want to see badly. He
felt that someone’s staring at him kaya he shifted his gaze to me. The moment his eyes landed on mine, lumawak agad ang ngiti niya to the point
na akala mo mapupunit na ang pisngi niya.
He stood up and approached me. “Hi.” He said while smiling.
I automatically smiled, “Hi.”
“Finally. Nasa harap na rin kita. Ang tagal kong hinintay ‘to, Cass. I’ve waited for you. And now, nandito ka na sa harap ko.”
“Sorry to keep you waiting.”
“You’re worth the wait.”
Para kaming tanga na nakatayo at nakangiti lang sa isa’t isa. Para kaming bumuo ng sarili naming mundo. Him and me. This is what he want. Ito rin
ang gusto ko. We both waited for this moment.
“I love you, Cass.”
“I.. I love you, too, Ry.”
He smiled and took one step forward. Unti-unting lumalapit ‘yung mukha niya sa mukha ko. I can smell his scent and feel his breath. His lips..
konti na lang ang pagitan. Then I woke up.
What the hell. Panaginip lang pala.
Nilagay ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko only to feel my heart
beating triple times. Oh my, Ry. Bakit ganito ang epekto mo sa akin?
Maski sa panaginip ko nandoon ka pa rin.
Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Is it
him? Sabi niya kagabi baka magulat na lang ako na makita siya dito
paggising ko. Siya na ba ‘to?
My heart starts beating faster than before if it’s even possible. Daig ko pa ang batang iinjectionan sa sobrang kaba ko.
“Ate,” napabuntong hininga ako nang makitang si Ashley lang pala ‘yun. I’m relieved.
“Bakit? May kailangan ka?” I asked her as I stood up and fixed my bed.
“Wala naman,” sagot niya at umupo sa kama ko.
Tinanguan ko lang siya at naglakad papuntang banyo pero napahinto rin ako
ng tawagin niya ako.
“Pero yung nasa baba ang may kailangan sa ’yo.”
Napalingon agad ako sa kanya. Nasa baba? Si Ry?
Ngumiti na parang kinikilig si Ash at nanlaki na ang mata ko. Siya na
nga.
Agad akong tumakbo sa banyo. Agad akong sumandal sa likod ng pinto nang
maisara ko ‘yun. He’s here! What to do?!
“Ate, bilisan mo. Lagi mo na lang siyang pinapaghihintay.”
=================
Chapter 43: Choose happiness
Ilang beses na ata akong nagpapabalik balik. Lakad lang ako ng lakad pero
wala naman akong napupuntahan. Hindi kasi ako makababa. Kinakabahan ako.
Nahihiya na rin. Wala kasi akong mukhang maiharap kay Ry.
Nagconfess ako sa kanya kahapon. Hindi man siya direct to the point, pero
parang ganoon na rin ‘yun. Sinabi kong gusto kong mangyari ang gusto niya. Hindi naman siya tanga para hindi ‘yun magets. Kaya.. ay ewan. Ano ba ‘yan.
Huminga ako ng malalim, pumikit at saka tumalon talon. This is it. Hindi
ako pwedeng habang buhay nasa taas. Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to.
Bumaba na nga ako, at nakita ko na si Ry. Tinitigan ko siya. Nagtatawanan
sila ni Ashley. Bigla siyang napatingin sa akin at ngumiti. Gustong gusto
kong tanggalin ‘yung tingin ko sa kaniya pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa. I tried pero daig pa ang nasuper glue.
Patayo na sana siya pero bigla kong naalala ‘yung panaginip ko kagabi. Bago pa siya tuluyang makatayo, pinigilan ko na siya at saka naglakad
mabilis papunta sa sofa at umupo sa tabi ni Ash. Nakapagitan ngayon sa
amin si Ash.
“Pagkatapos ng Phineas and Ferb, aalis na tayo,” sabi pa niya.
Tumango lang ako. Hindi ko alam kung nakita niya ba since nasa
magkabilang dulo kami. Buong palabas, nakatahimik lang ako. Si Ashley
lang ang tawa ng tawa. Si Ry pangiti-ngiti lang.
Nang matapos na ‘yun, tumingin sa akin si Ashley tapos ay kay Ry, tapos sa akin ulit, “Magkaaway kayo?”
Natawa si Ry samantalang ako hindi pa rin makapagsalita. “Hindi, Ash.”
“Bakit hindi kayo nag-uusap?”
Tumayo agad ako at humarap kay Ash, “Alis na kami. Bye, Ash.” Paalam ko at lumabas agad ng bahay. Hindi ko na hinintay si Ry. Binubuksan ko ‘yung sa passenger seat ng kotse niya pero malamang sa malamang na nakalock
‘yun.
Lumapit naman siya sa akin. Napasandal ako sa pinto ng kotse niya.
Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko. He’s too close. Bago pa ko himatayin, lumayo na siya at saka ako hinila para pagbuksan ng pinto.
Hinawakan niya ako sa braso and that sends eletricity through my veins.
Naupo na ako sa passenger seat at napapikit. Paano niya nagagawang
pabilisin at pabagalin ng sobra ang tibok ng puso ko? This is my heart
yet he’s the one who’s controlling it.
Sa pagdedaydream ko, saka ko lang napansin na nakahinto na pala ‘yung kotse. Napatingin ako sa gilid ko, nasa tapat kami ng bahay nila Megan.
“Anong ginagawa natin dito?”
“We’ll fix things,” saka siya bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Balak ba ni Ry na baliwin ako? Sobrang naaawkwardan na nga ako na kaming
dalawa lang tapos ngayon dadalhin niya ko sa bahay ng ex niya? Anong
kalokohon ‘to?
“Kayo pala. Come in,” bati ni Megan nang makita kami.
Nilalamon ako ng kung anu-anong bagay. Pagkaawkward at guilt.
“Naligaw kayo?” tanong niya na parang wala lang nangyari sa kanila ni Ry.
“We’re here to fix things,” sabi ni Ry.
Nagtaas ng kilay si Megan, “Fix? Things? Ayos naman na ang lahat. Ano pang aayusin?” Parang naguguluhan niyang tanong. Tumingin sa akin si Ry kaya napatingin din sa akin si Megan, “Ah. Alam ko na.” Natawa pa siya at saka tumayo at niyakap ako.
I was shocked by her actions. “Umamin na ba siya ulit?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Megan.
“Alam mo?”
Tumawa siya at bumalik sa upuan niya, “Of course. Tingin mo ba bakit kami naghiwalay? It was because he can’t get over his bestfriend. Simula palang naman naramdaman ko na na medyo panakip-butas lang ako. Pero
everything’s good. No hard feelings, Cass. Gusto ko nga na kung maggigirlfriend si Ry, ikaw na lang. Kasi ikaw naman ‘yung totoong mahal.”
Upon hearing her words, medyo naginhawaan ako at nasaktan for her at the
same time. Isa pa ‘tong rason kung bakit ayaw ko noon sa love. Kasi minsan, kailangan mong manakit ng iba para ikaw naman ang sumaya. A
selfish act.
“Base sa mukha mo, alam ko na ‘yung totoong reason ng pagpunta niyo. It’s not really to fix things, “ dagdag pa niya at saka lumingon kay Ry, “Hoy. Mawalang galang nga lang at lumabas ka muna ng pamamahay ko.”
“O?! Akala ko ba no hard feelings?!”
“Wala nga. Feeling ka rin e ‘no? Mag-uusap lang kami ni Cass. Girl talk.”
Feeling defeated, lumabas na nga si Ry. Tumayo si Megan at tumabi sa
akin.
“Mahal mo rin naman siya ‘di ba?” tumango ako. “Medyo halata ko nga. And he loves you, too. So, anong pumipigil sa ’yo?”
Hindi ko siya magawang tingnan. Nahihiya ako sa kanya. Ako ang dahilan ng
paghihiwalay nila, pero nandito siya at kinocomfort ako.
“It’s just that.. everything happened too soon. Everything seems so surreal. Isa pa, noong isang gabi lang kayo nagbreak. Para kasing kapag
pinasok ko ‘to, makakasakit ako ng dalawang tao. Sobrang selfish ko naman ata na para sumaya lang, dapat pang manakit ng iba.”
“I’m guessing si Zac pa ang isa.” Tulad kanina, tumango ulit ako. Napabuntong hininga naman siya. “Look, Cass. Love is a battlefield. You have to fight in order to win. If you’ll surrender, talo ka. And in a battle, may nananalo at meron din namang natatalo. That’s how it goes. You can’t put aside your happiness dahil lang sa natatakot kang makasakit ng iba. Oo nga na hindi magandang manakit, pero Cass, hindi mo naman kami
nasaktan intentionally. Nasasaktan kami dahil na rin sa sarili naming
desisyon. ‘Wag mong sisisihin ang sarili mo kasi wala kang kasalanan.”
“But --“
“No, but’s. Ganito na lang. Tingin mo ba kung hindi mo bibigyan ng chance si Ry, hindi na kami masasaktan? Kapag ba hindi mo siya binigyan ng
chance, mamahalin mo na si Zac? Hindi naman di ba? By giving Ry a chance,
parang tinutulungan mo na kami to accept the fact na.. wala na. Wala na
talaga. Na it’s the end of our story. Our stories. Na hanggang friends na lang talaga. Once na matanggap na namin ‘yun, doon na magsisimula ang moving on. Kasi alam mo, kung hindi mo siya bibigyan ng chance at parehas
kayong magstay single, magkakaroon pa rin kami ng hope na pwede pa.”
Initindi ko ng sobra ang sinabi ni Megan. Doon ko lang narealize na tama
nga siya. Kung iisipin ko ang takot na masaktan sila, baka lalo ko lang
mapatagal ‘yung paghihirap nila. Instead na makapagmove-on na sila, manatili silang umasa na pwede pa. Na kaya pa.
Niyakap ko si Megan. Ako ang love adviser, pero sa panahon ngayon, siya
naman ang love adviser ko.
“Thank you, Megan. Thank you.”
“I wish you and Ry happiness.”
Bumitaw ako sa kanya saka siya tinitigan at nginitian, “And I wish the same for you.”
Buong byahe namin, nakatahimik lang ako. Hindi rin naman ako tinangkang
kausapin ni Ry. Siguro naramdaman naman niya na ito ang kailangan ko.
Minutes after, huminto na naman kami. Napabuntong hininga ako. Nasa tapat
kami ng bahay ni Zac. Pumikit ako at humingang malalim. Kaya ko ‘to. I can handle this.
“Samahan ba kita?” tanong sa akin ni Ry.
Umiling ako saka siya nginitian, “I must do this on my own.”
“Mabait siya,” dagdag pa niya bago ako bumaba.
“Sobra.”
“He really likes you.”
“He does.”
“Kung bestfriend lang talaga ang turing ko sa’yo, gugustuhin kong mapunta ka sa kanya. Kaya lang mahal kita. Kaya gusto ko akin ka.”
Sobrang seryoso ng pagkakasabi niya, pakiramdam ko tagos hanggang buto
‘yung mga salita niya. Tumalikod na agad ako bago pa niya makita ang pamumula ng mukha ko at saka bumaba.
Pagbukas ng pinto, mukha agad ni Zac ang bumungad sa akin pero walang
bakas ng pagkagulat ang mukha niya. Parang alam na niya na pupunta ako.
Dinala niya ako sa garden nila. “Alam mo bang pupunta ako?” Hindi ko na matiis kaya tinanong ko na siya.
“Medyo. Alam kong pupunta ka sooner or later. Alam ko na rin ang rason.” Napatahimik ako. Alam niya?
Malaking tulong ang sinabi sa akin kanina ni Megan pero mahirap pa rin
pala. Mahirap pa rin na manakit ng iba. Pero tulad nga ng sinabi niya
kanina, mas ayos na saktan ko sila ngayon kaysa paasahin pa sa mga bagay
na malabong dumating.
“Masaya ako para sa’yo. Walang halong biro.” I felt a pain in my chest. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Hindi na ako naubusan ng luha.
Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap.
“Alam ko naman na darating din ‘yung araw na ‘to. Kahit may girlfriend noon si Ry, kitang kita pa rin sa inyong dalawa kung gaano niyo kamahal
ang isa’t isa.”
“Pero –“
“H’wag mo na akong isipin, Cass. I told you dadamhin ko ‘yung sakit na ‘to hanggang sa ako na ang kusang bumitaw. Oo, nakakapit pa rin ako sa ’yo. Pero Cass, nararamdaman ko naman unti-unti na kong bibitiw. Tatlong daliri ko na lang ang nakahawak. ‘Wag kang makonsensya. ‘Wag kang mag-alala. Isipin mo muna ‘yang kaligayahan mo bago ang kaligayahan ng ibang tao.”
“Sorry.” Bumitiw siya sa akin at saka ako tiningnan habang nakakakunot ang noo.
“Para saan? Para sa pagiging totoo sa nararamdaman mo?”
“Hindi. Para sa pananakit ko sa ’yo.”
Tumawa siya ng mahina at saka ako kinurot sa pisngi, “Sinadya mo ba? Hindi naman di ba? Kaya wala kang dapat ipag-sorry. Sabi ko nga sa’yo noon, choice ko ‘to. At handa ako sa lahat ng consequences ng mga pinaggagawa ko.”
“Pero kasi Zac –“
“Ang kulit mo talaga, Cass. Wala kang kasalanan, okay? ‘Wag mo kong isipin. ‘Wag mong isipin kahit sino. Piliin mo namang sumaya. You suffered long enough. Panahon na para maging masaya ka. Tigil na.”
Ngumiti ako saka siya niyakap ulit. Mas pinapahalagahan pa ng ibang tao
ang kaligayahan ko kaysa sa sarili ko. Kung gusto nilang maging masaya
ako, dapat ayun na lang din ang gawin ko para makabawi man lang.
“Thank you, Zac. Sana makita mo na ‘yung tamang babae para sa’yo.”
“I know someday I will. Kahit ‘wag muna ngayon. Sige na. Hinihintay ka na niya.”
=================
Chapter 44: I'll be fair
"Gusto mo bang kumain na?"
Tinanguan ko si Ry. Buong ride namin, tahimik lang kami. Comfortable
silence? Hindi masyado. Awkward? Hindi rin masyado. Pero ‘yung heartbeat ko, ganoon pa rin siya. Babagal tapos bibilis. Only him can have that
effect on me.
Busy ako sa pagdedaydream ng maramdaman at marinig ko ang tiyan ko.
Napatingin sa akin si Ry at ngumiti ng nakakaloko. Nakakahiya. Tumunog
‘yung tiyan ko. Narinig pa niya.
"Ayan na. Kakain na tayo. Kung nagugutom ka kasi, sabihin mo," biro pa
niya.
"Nagugutom na ko," bilang masunuring bata, sinabi ko naman.
***
"Mama! Papa!" Tumakbo at niyakap ako ni Chee nang makita niya ko.
Medyo bumaba ako para kaheight ko siya saka siya niyakap ng sobrang
higpit at pinaliguan ng kisses sa pisngi.
"Namiss ka ng sobra ni Mama." Tawa siya ng tawa habang pinanggigigilan ko
pa rin siya. She's so cute I wanna bring her home.
"I missed you too, Mama. I'm the happiest person today because you're
here with Papa. I want you and him to go here together." I like that too,
Chee.
"Nakakatampo naman. Si Mama lang ba ang makakareceive ng hug? Paano naman
-- " bago pa matapos ang sasabihin ni Ry, niyakap na agad siya ni Chee.
Tumalon pa siya bago siya yakapin kaya halos mabuhal na sila.
Napangiti na lang ako habang pinapanuod sila. Kailan ba huling nangyari
'to? Yung nagsama-sama kaming tatlo.
"Months na ang lumipas magbuhat noong bumisita kayong magkasama."
Napatayo ako at napatingin sa babaeng nakasandal sa pinto habang
nakacrossarms pa. "Welcome back, Cass!"
Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap ng sobrang higpit.
"Bihira ka dumalaw dito noong nakakaraan."
"Busy kasi Ate Rylee. Finals namin."
Inexamine niya ako at alam kong hindi niya kinagat ang rason ko. Salamat
na rin at hindi na niya pinush ang topic.
Nasa may backyard kami ngayon. Naglalaro at naghahabulan si Ry at Chee
samantalang nakaupo lang kami ni Ate Rylee. Nagkwekwentuhan at pinapanuod
sila.
"Deja vu." Napatingin ako sa kanya ng salubong ang kilay. "Parang
nangyari na 'to months ago. Lahat tayo nasa backyard. Nakaupo tayo sa
parehas na upuan na inuupuan natin ngayon. Si Ry at Chee ay naghahabulan
din tulad ng ginagawa nila ngayon."
Napangiti ako nang maalala ang moment na ‘yun. Ayun ang unang araw na dinala ako ni Ry sa bahay nila Ate Rylee. ‘Yung unang araw na naramdaman kong dapat magpapasok ako ng ibang mga tao sa buhay ko.
"Kamusta, Cass?" Napatingin ako kay Ate Rylee na nakatingin lang kay Chee
at Ry.
“Better now."
"You suffered noong mga nakaraang buwan."
"You knew?"
Tiningnan niya ako at umiling. "Naramdaman ko lang na may mali. Hindi ka
na kasi nagagawi sa amin. Kung magawi ka man, kasama mo si Zac. Si Ry
naman, ‘yung girlfriend niya ang kasama. Hindi na kayo nagsama. Hindi kami sanay ni Chee na ganoon. Maski si Nick nagtaka."
"Medyo naging magulo kasi ‘yung previous months namin. Nandoon ‘yung nawalan kami ng time ni Ry para sa isa't isa. Nagkagalit. I mean, hindi
nagpansinan. Ganoon."
"Bakit? Kasi narealize mo na -- "
"Pinakawalan ko siya." Pagtatapos ko sa sinabi ni Ate Rylee.
Napangiti siya, "You know what, Cass, at some point masaya akong naging
si Megan at Ry. Kasi kung hindi, baka hindi mo narealize na mahal mo na
pala ang kapatid ko. Ang mga tao sa paligid niyo alam na ‘yung nararamdaman niyo sa isa't isa, pwera lang sa inyo."
Napangiti ako kasi alam kong totoo ‘yun. Hindi ko rin alam pero mas nauuna pa ang ibang tao na malaman ang nararamdaman ko kesa sa akin.
"Normal ba yun, ate? ‘Yung nauuna pa ang ibang tao na makaalam ng nararamdaman ng iba bago pa sa mismong sarili nila?"
"Sa totoo lang, nauuna kang makaalam kung ano ang totoo mong
nararamdaman. Nagkataon lang siguro na ayaw mong paniwalaan ‘yung nararamdaman mo. Dinedeny mo pero alam mo sa sarili mo ang totoo."
Nagkwekwentuhan pa kami ni Ate Rylee nang tumakbo papunta sa amin si
Chee. Tawa siya ng tawa at halata mong pagod na pagod na kakatakbo.
"Let's change your clothes baby. Baho ka na." Nag-excuse siya sa akin at
pumasok na.
Napatingin ako kay Ry. Nakahiga siya sa may damuhan. Napagod 'to
malamang. Tumayo ako at lumapit sa kanya saka hinulog yung hawak kong
bimpo sa mukha niya.
Narinig ko ang pagtawa niya at saka siya umupo at pinunasan ang pawis
niya. Aalis na sana ako para sundan sila Ate Rylee pero hinawakan niya
ang kamay ko.
"Please stay."
Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Umupo ako sa tabi
niya. Ineexpect kong bibitawan na niya ang kamay ko pero hindi. Hinawakan
lang niya yun at nilaro. Humiga siya sa damuhan at ewan ko pero napagaya
ako sa ginawa niya.
Sunset. Ang ganda ng kulay ng langit.
Kaya lang kahit na gaano ‘yun kaganda, hindi ako makapagconcentrate. Kinakabahan kasi ako. Naalala ko lang, hindi pa nga pala ako tinatanong
ni Ry tungkol sa nasabi ko kagabi at laking pasasalamat ko na hindi niya
ako tinatanong nu’n.
"Kinakabahan ka?" Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Sobrang halata ba na kinakabahan ako? Parang di ko lang naman siya
matingnan ng diretsyo. Hindi ko siya makausap ng matino. Halata na ba
‘yun?
"Alam mo bang kinakabahan ako ngayon?" Napalingon ako sa kanya.
Nakatingin pala siya sa akin at nakangiti. Ganiyan ba ang kinakabahan?
"Bilis ng tibok ng puso ko."
"Ako rin." Nasabi ko na naman ng hindi sinasadya. Napangiti siya lalo at
saka kinurot ang pisngi ko.
"Nga pala, Cass.. ‘yung.. tungkol kagabi? Do you mean it?"
Ayan na nga ba sinasabi ko. Ayan na. Inopen na niya. Paano na ko? Ano na
gagawin ko? Oras na ba para tumakbo?
Tinitigan ko sa mata si Ry. At nang makita ko ang mata niya, parang
sinasabi ng puso at utak ko na ito na. Ito na ang tamang panahon. Lahat
ng tao sa paligid namin handa na sa aming dalawa. Handa na rin siya at
alam ko sa sarili ko, na handa na rin ako. Sadyang pinangungunahan lang
ng kaba.
Pumikit ako at sinubukang ayusin ang buhol buhol na mga bagay sa utak ko.
Naayos ko ang mga problema sa pagitan ko, ni Zac at ni Megan. Dapat kaya
ko rin ‘to. Si Ry ‘to. Siya pa rin ang bestfriend ko kahit anong mangyari.
Malaman man niyang mahal ko siya, alam ko na hindi na mawawala ang
pagiging magbestfriend namin. Maging kami man, siya pa rin ang magiging
bestfriend ko at walang aagaw ng posisyon niya sa buhay ko.
“Oo. Totoo. Gusto ko rin mangyari kung ano ang gusto mo.”
Seryoso niya akong tinitigan. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mata niya.
Hindi ko napigilan ngumiti.
"Bakit ka nakangiti?” tanong niya at napangiti na rin siya.
“Hindi ko alam.” Natawa siya sa isinagot ko.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya. Nahiga ako sa may braso niya habang
siya, nilalaro ang buhok ko. Parang noong isang araw lang, hindi ganito
ang naiimagine ko. I was miserable these past few days. Who would’ve imagined na magiging ganito kami ngayon?
“Ry?”
“Hmm?”
“Noong nasa bundok tayo, noong naglalaro ng two truths and one lie, you said you’re in love. Alam mo ba, I thought na si Megan ang tinutukoy mo.”
“I’ll tell you a secret.”
“Ano?”
“That night, noong naglalaro tayo, noong time na ni Zac and he told everyone na may gusto siya na isang tao na nandoon din, alam ko na na
ikaw ang tinutukoy niya. Noong time na ‘yun, kinabahan ako. Naisip ko kasi, paano kung mainlove ka sa kaniya? Kaya ko bang makita ka na
pinapasaya ng iba? Tapos noong narinig ko ‘yung sa ’yo, hindi ko alam pero inassume ko na ang sitwasyon natin ang tinutukoy mo. Na ako ‘yun. Na ako ‘yung pinanghinayangan mo. Noong turn ko na, napatingin ako sa ’yo tapos automatic na lang na lumabas sa bibig ko na in love talaga ako.”
“Pero sinabi mo rin na tumigil ka na sa paghihintay.”
“I did. I stopped waiting, Cass. Ayoko na na maghintay na lang. Ayokong manuod na lang habang pinapasaya ka ng iba. Gusto kong may gawin. Gusto
kong kunin ka na. That night, noong nasa kweba tayo, at habang pinapanuod
kitang matulog, naisip ko na lang na subukan ulit ang chance ko sa ’yo. Mabasted man o hindi, ayos lang. Basta noong oras na ‘yun, walang ibang nasa utak ko kundi ang magtapat ulit sa’yo.”
“Kaya ka nakipagbreak kay Megan?”
“Hindi ako. Siya. Makikipagbreak palang sana ako pero inunahan na niya ko. Alam naman daw niya na iba ang mahal ko simula palang. Hindi rin
naman daw niya ako ganoong kamahal kaya okay lang.”
Napapikit na lang ulit ako. Naisip ko si Megan. Hindi nga ba? Hindi nga
ba niya mahal si Ry? Base kasi sa mga sinabi niya sa akin at sa nakita ko
sa mata niya, mukhang nasasaktan talaga siya. Pero tulad nga ng sabi
nilang lahat, ‘wag ko munang isipin ang iba.
Sa pagkuha ko ng chance na ‘to with Ry, ginagawa ko lang ang gusto nilang lahat gawin ko. Ang maging masaya.
“Mama? Papa?” Napatayo at napatingin ako sa maliit na bata na nakatayo sa harap namin.
“Uhm.. hi, Chee.”
“Are you two a couple?” Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Chee at napatingin kay Ry na natatawa habang nakaupo pa rin sa damuhan.
Anong klaseng bata ang magtatanong ng ganoon? Wala pa siyang alam sa
ganoong bagay.
“No, baby. No. We’re just, uhm –“
“We will be, baby. But not now.” Nanlaki ang mata ko at saka sinamaan ng tingin si Ry na ngayon ay nakaakbay na sa akin.
Ngumiti ng sobrang laki si Chee at saka nagtatatalon habang pumapalakpak.
How can she understand those things at such a young age?
“Come on, baby. Pasok ka na dito. Baka nakakaistorbo na tayo sa dalawa.” What?! Pati si Ate Rylee nandito rin pala sa labas. Narinig din niya ang
sinabi ni Ry?
Nang makapasok na ‘yung mag-ina, lumingon ako kay Ry at dinuro siya, “You! How can you say those things?! Ang bata bata pa ng kausap mo. Baka mamaya umasa ‘yun!”
He gave me an innocent look, “Sinabi ko lang ‘yung totoo. We’re really getting there. Right?” Mapanukso niya pang tanong.
I threw my hands up in the air as a sign of frustration. “Whatever, Ry! Ang.. ugh!”
“Admit it, Cass. Sinabi mo na na gusto mo ko. Ayun ang first step.”
“What! Are you out of your mind? Kailan ko sinabing gusto kita? Are you dreaming?!”
Natahimik siya at saka yumuko. Kainis naman. Totoo naman kasi. Hindi ko
sinabing gusto ko siya directly. How can I say those words to him up
close and personal? Lalamunin ako ng hiya.
“I assumed.” Malungkot na sabi niya.
Nakakainis. I hate to see him like this. Wala ‘yung jolly Ry ngayon. Hay, nako. Mukhang wala rin naman akong choice kundi sabihin na lang ‘yung gusto niyang marinig para maging okay na siya. Sooner or later, sasabihin
ko rin naman ‘to.
I closed my eyes and took a deep breath, “Fine. You win. I.. I like you, Ry.”
“As a friend.” Mahina niyang sabi.
“Hindi. I really like you, okay? I like you so much I think I’m getting nuts. Gustong gusto kita na pakiramdam ko lalabas na ‘yung puso ko sa tuwing kasama ka. Gustong gusto kita na pakiramdam ko mababaliw na ako
kakaisip sa ’yo. I like you. I like you that much.”
Nanlaki ang mata ni Ry. Kulang nalang mapanganga siya, “I.. I was just fooling around, Cass. I know you like me. I just want to hear it from
you. But you said words na sobra pa sa inaakala ko.”
Kung kanina siya ang nanlalaki ang mata, ngayon naman, ako na. Letse. I
fell for that. Nakakahiya. Sa sobrang hiya ko, tinalikuran ko siya at
naglakad na papasok ng bahay. Kaya lang agad niya akong sinundan at saka
umakabay.
“Tanggalin mo nga lang ‘yang kamay mo. Bwisit ka.”
“Naiinis ka ba kasi umamin ka na sa akin na gusto mo ko?”
“Shut up!”
Tawa pa rin siya ng tawa kaya sa sobrang inis ko, siniko ko siya. Paalis
na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko at saka ako hinawakan sa
magkabilang balikat ko.
“O, sige. I’ll be fair.” Inirapan ko lang siya. Ni hindi ko nga naintindihan ‘yung sinasabi niya. “I love you, Cass.” Nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisngi ko saka tumakbo papasok sa bahay. Habang ako,
naiwang tulala habang nakahawak sa pisngi ko.
=================
Chapter 45: You and me
After three months..
“Hoy!” sinamaan ko ng tingin yung magaling kong kapatid. Grabe kasi ang respeto sa akin. Sa sobrang grabe, hoy lang ang tawag sa akin.
“Problema mo?”
“O.” Initsya niya ‘yung paper bag sa kama ko saka lumabas ng kwarto.
Tinitigan ko lang ‘yung paper bag. Baka kasi mamaya may laman palang mga ahas o bulate ‘yan. Lalapitan ko pa lang sana ‘yung paper bag kaya lang bigla na namang bumukas ‘yung pinto.
“Ano na naman?!”
“Hindi ako nagbigay niyan. Nakita ko lang sa tapat ng pinto kanina.” Ayun lang at saka siya umalis ulit.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Chocolates and a note. Binasa ko
yung note: Date tayo. Sunduin kita mamaya sa inyo. 6pm.
Napangiti ako nang mabasa ang note niya. Magdedate kami. Almost one week
na rin kaming hindi nagkikita kasi dumalaw siya sa grandparents niya sa
probinsya. I miss him and I’m glad magkikita na ulit kami.
Pakiramdam ko time is extra slow today. Kanina ko pa hinihintay ang
pagpatak ng 6pm pero ayaw dumating dating. Inip na inip na ko.
“Ash, anong oras na?”
“5:30. Every 5 minutes ka na lang ba magtatanong ng oras?”
Thirty minutes pa. Naglilipat lipat ako ng channel ng biglang may
nagdoorbell. Kung hindi ko lang alam na 5:30 palang, baka nagmadali na
kong buksan yung pinto. Kaya lang maaga pa kaya alam kong hindi pa siya
yan.
“Miss me?” agad akong napatingin sa lalaking katabi ko.
Si Ry. Nandito na si Ry. Natawa siya saka ako niyakap, “I miss you, too.” Bumitaw ako sa kanya at saka siya tinitigan. “Masyado mo naman akong namiss.”
At dahil sa pagyayabang niya napairap na lang ako at ngumiti, “Ikaw ang nakamiss sa akin. You’re 30 minutes earlier.”
“Let’s just say na namiss nga kita kaya nagmadali ako pumunta dito. But look at you, ready ka na agad. Sa pagkakatanda ko lagi kitang hinihintay
dito sa sala kapag aalis tayo ha.”
“Ay oo, Kuya Ry. Kanina pa ‘yan handa. Tanong pa nga ng tanong kung – “ bago pa ako ibuking ng magaling kong kapatid, tumakbo na ko palapit sa
kanya at tinakpan bibig niya.
“Bye, Ash! Alis na kami.” Paalam ko at saka hinila palabas si Ry bago pa tuluyang may masabing hindi maganda ang kapatid ko.
***
“Saan tayo pupunta?”
Every five minutes ata tinatanong ko kung saan kami pupunta pero hindi
naman niya ako sinasagot. Ano ako dito, hangin? Ayos din ‘tong kasama ko. Sinama lang ata niya ako para inisin.
“Last na! Ry, last na talaga ‘to. Kapag hindi ka pa sumagot –“
“Nandito na tayo.”
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nilibot libot ko pa rin yung mata ko sa
lugar, then it hit me. Nasa may beach kami. This is where I offered him
friendship.
“Bakit tayo nandito?”
Ngumiti lang siya at saka hinawakan ang kamay ko at saka kami tumuloy.
Nang makarating kami sa seashore, I was dumbfounded. This place looks
magical. Parang fairytale. Parang hindi totoo. Surreal.
Nakakalat ang mga kandila. Sa puno, may mga nakasabit na ilaw. At sa
gitna, may table for two. I was left speechless.
“You like it?” Nakangiti niyang tanong.
I stared at him in disbelief. Dapat pa bang itanong ang obvious? Tumango
tango ako, “I love it!”
“May ano?” tanong ko sakanya sa kalagitnaan ng pagkain.
“Wala. Bawal bang gawin ‘to?”
Napakunot noo lang ako sa sagot niya dahilan para tumawa siya. Medyo
naguluhan lang ako. This is too special. Ordinaryong araw lang ngayon
kaya anong point para gawin niya ‘to? Hindi ko naman birthday. Hindi rin naman niya birthday. Bakit?
“H’wag mo na piliting isipin ang dahilan. Hindi lahat dapat binibigyan ng sagot.”
Matapos naming kumain, umupo kami sa may sand. “Special ‘tong lugar na ‘to,” I told him. “Ito ‘yung lugar kung saan hinayaan kong may bagong taong pumasok sa buhay ko.”
“Special din para sa akin ‘to. Kasi ito naman yung lugar kung saan pinapasok ako ng taong mahal ko sa buhay niya.”
I smiled at the thought. It’s almost a year ever since naging magkaibigan kami ni Ry. Parang kailan lang kinukulit niya pa akong makipagdate sa
kanya tapos ngayon, ito na kami. Kung ano man ang tawag sa amin
ngayon.
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko habang seryosong
nakatingin sa tubig.
“It’s been a while, Cass.” Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at may kinapa sa bulsa niya. “Special ang lugar na ‘to di ba? Dito mo ko ginawang kaibigan. Pwede bang dito sa lugar din na ‘to..” huminto siya at saka ipinakita sa akin ang kwintas na may pendant na cupid.
“pwede bang dito, maging mas higit pa tayo?”
“Ry.”
“I love you, Cass. Are you willing to spend your forever with me?”
"Wait. Hindi naman ‘to marriage proposal di ba? I.. I mean, ano.. well –“
“No, Cass. Not yet. Let’s just say formality lang ‘to para walang lalaki ang magtangkang lumapit sa’yo.”
I almost died. Ang akala ko nagpropose na siya sa akin ng kasal. Hindi pa
ako ready. In that case, hindi ko alam ang isasagot ko. Isa lang naman
kasi ang alam ko. I love him today and I know I’ll still love him tomorrow.
“Cass?” Bumalik ako sa katotohanan nang tawagin niya ako.
“Nasa kalagitnaan ako ng pagproprose sa’yo tapos magdedaydream ka lang? Kakaiba ka talaga.” Natatawa niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo ko feeling stupid. “Sorry. Shocked ako, okay? Hindi ako handa. Sana sinabi mo sa akin ngayon na magproprose ka edi sana aware
ako.”
“What? Saan ka nakakita ng lalaking nagpaalam hours or days before bago siya magpropose? At saka teka nga, iniiba mo ang usapan. Just answer my
question first and we have all night to talk about things.”
“Why do you keep asking quesitons with obvious answers?”
“Assurance, okay? Just answer.”
“Fine. What do you think?”
“Cass! Just answer me. Aatakihin na ata ako sa puso kakaisip ng isasagot mo. Kung akala mo, mahahalata ko ang sagot mo, then you’re wrong. The more na pinapatagal mo ‘to, lalo lang akong kinakabahan. You’re killing me.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Siya na nga lang ‘tong nagpropropose pero siya pa ‘tong nagrereklamo. E kung hindi ko na kaya sagutin talaga ‘yung tanong niya.
“Fine!”
“Anong fine? Cass!”
“Fine. Tayo na!”
Napatigil kami parehas at saka nagtitigan. After felt like forever, bigla
nalang kaming natawa. Lumapit siya sa akin at saka isinuot yung
kwintas.
“Sa pagkakatanda ko, proposals should be romantic, right? Bakit ‘yung atin.. parang..”
“I know. Well that’s what you get for falling in love with your bestfriend.” Napangiti ako sa sinabi niya, “I love you, Cass.”
I smiled at him. Alam kong he waited for so long para sabihin ko ang
sentence na ‘to. Kaya ngayon, sasabihin ko na. I also waited for this moment.
“I love you too, Ry.”
Lumaki ang ngiti niya at saka unti-unting lumapit, “You and me.”
Mas lumapit pa siya sa akin, “Together.” I told him.
“Forever.” And he sealed it with a kiss.
=================
Chapter 46: Trap
“Details! Grabe, Cass! Naiimagine ko ang pagkaromantic ng place, ng moment, ng lahat. Parang fairytale ba? You got your happy ending, girl.
Ako talaga ang numero unong fan ng Cass-Ry loveteam.”
Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin sa sobrang lakas ng boses ni
Sheena. Hindi ba siya nausuhan ng salitang “kalma”?
Nabasa nila ni Kate sa school newspaper ‘yung isang article sa entertainment section entitled, “Our love adviser is in love”. How cheesy. Kaya ayun, pagkatapos na pagkatapos nilang magbasa, initsya na
lang nila ‘yung newspaper tapos pinaulanan na ko ng death stares at ng mga rants nila. Kesyo bakit hindi ko kwinento sa kanila. Bakit nauna pang
makaalam ang ibang tao kesa sa kanila. Paano nangyari. Saan. Kailan.
Tumigil lang sila nung sinabi kong “rumors” palang ‘yun pero para sa kanila, sasabihin ko ang full details ng pangyayari. Maski kasi ako
nagulat ng bigla na lang lumabas sa school newspaper ‘yun. Kailan pa ako nagkaroon ng stalker or paparazzi para malaman nila kung anong nangyayari
sa buhay ko?
Medyo nakakainis din kasi privacy ko na ‘yun. Buhay ko ’yun. Bakit pagchichismisan pa nila? Hindi sa nanunumbat ako pero pinapayuhan ko na
nga sila tapos aalamin pa nila ‘yung private life ko. Hindi naman ako artista. Bakit kailangan pa nilang malaman ‘yung lovelife ko?
“Number one fan?! Parang few months ago panay Zac at Cass ang bukambibig mo. Kung may number one fan nila, ako lang.”
“Ay oo nga ‘no. Teka nga. Speaking of Zac. Alam na ba niya?”
“Hindi ko sinabi pa sa kanya pero sa lumabas sa school newspaper, malamang alam na niya.”
“Hay. Ano kayong feeling ni Zac? Pansin ko kasi, hindi pa siya totally nakakamove on sa’yo. Lakas din ng tama nu’n sa ’yo, girl. Maski si Megan. Malungkot pa rin.”
Nakokonsensya man ako, sinunod ko pa rin ‘yung nararamdaman ko. Alam ko kasi na kung hindi ko ‘yun susundin at iisipin ko sila, magagalit lang sila sa akin. Kasi ang gusto nila, maging masaya kami ni Ry. Sounds so
selfish pero wala. All of the people around me wants us to be happy. So I
should be happy.
Ayun nga at kwinento ko sa kanila kung ano yung nangyari sa amin ni Ry.
Syempre as usual kikiligin sila. Ayan naman ang role nila sa buhay ko.
Ang kiligin sa mga bagay bagay.
“Hi.” Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko.
Tilian ang mga kaklase ko nang makita kaming dalawa na magkatabi.
Syempre, medyo hot pa ang news kaya ayan na. Kikilig kiligin pa sila.
Ganoon naman palagi pero sa bandang dulo, syempre ako na lang ang
kikiligin.
“Wala kang klase?” tanong ko sa kanya.
“Meron. Early dismissal kaya dumiretsyo ako agad dito.”
“Oh my God! Oxygen, please. Kinikilig ako.”
Sinamaan ko ng tingin si Sheena at pati si Ry ganoon din ang ginawa.
Feeling highschool din ‘tong babaeng ‘to.
“Hoy, Sheena, ilang beses mo na kaming nakitang nag-uusap pero hindi ka tumitili ng ganyan.” Paninita sa kanya ni Ry.
“Paki mo ba? First time ko kayo makitang magkasama ng kayo na. Grabe. I’m so kinikilig.”
“Sheena, pwede bang magtigil ka diyan. Inaagawan mo ko ng role bilang number one fan nila.”
“Anong problema ng mga kaibigan mo?” bulong sa akin ni Ry.
Nagkibit balikat ako sa saka bumulong sa kanya, “Hayaan mo na sila.”
“Nagbubulungan pa sila!” tili ni Sheena at Kate.
Natawa at napailing na lang si Ry saka ako hinila palabas.
“Hoy, Ry! ‘Wag mong kidnappin si Cass,” sigaw ni Kate sa kanya.
“Hindi ko siya kinikidnap, magtatanan na kami.”
Sumama na lang ako sa kung saan man niya ako dadalhin kasi almost an hour
late na ang prof ko and there’s a 15-minute rule. Matyaga na nga ako na nakatagal ako ng one hour kaya it’s time siguro para lumayas na.
Nagpunta lang kami kila Ate Rylee. As usual, tuwang tuwa na naman si Chee
makita kami. Mali si Sheena at Kate, kung mayroon mang number one fan ang
loveteam namin ni Ry, si Chee na siguro ‘yun.
***
Bukas na ang second monthsary namin ni Ry. Time flies. Lalo na kapag
masaya ka. Parang two months passed in a blink of an eye.
The past two months, everything seems so perfect. Nandoon ‘yung nag-aaway kami ni Ry pero hindi namin papalipasin ang isang araw na hindi
magbabati. Ayokong matulog sa gabi knowing na hindi kami ayos.
Minsan nga habang nakila Ate Rylee kami, biniro kami ni Kuya Nick. Kasal
na lang daw ang kulang. Sa totoo lang, hindi pa ko handa sa ganu’n. Graduating palang ako sa college at kung magpapakasal man ako, gusto ko
‘yung ayos na lahat. ‘Yung kaya na naming buhayin ‘yung magiging pamilya namin ng hindi umaasa sa pera ng magulang namin. Kapag naman ganoon ang
sinasabi ko, hindi naman ‘yun minamasama ni Ry. Siya rin naman daw kasi hindi pa handa.
Kahit na ba hindi kami handa, parehas pa rin kami ni Ry ng naiisip. Na
ako, siya lang papakasalan, at siya naman, ako lang.
“Kuha lang akong tubig., “ paalam ko kay Ry.
Na kila Megan kami ngayon para magmovie marathon. Kumpleto ang barkada.
Halos every two weeks namin ginagawa ‘to para na rin magkabreak sa lahat ng stress from school.
Nang pagbalik ko sa sala, wala na si Ry. “Nasaan si Ry?” tanong ko kay Kate.
“Umakyat ata.”
Umakyat ako para sana puntahan siya. Sa guest room nakalagay ang mga
gamit namin kaya doon agad ako papunta pero napahinto ako. Balak ko
kasing gulatin si Ry. Buti na lang at medyo nakabukas yung pinto kaya
hindi niya masyado maririnig ang pagpasok ko.
Unti-unti akong sumilip para sana gulatin siya pero napahinto ako nang
makita ang isa pang tao sa loob ng kwarto. Si Megan.
Alam kong mag-ex sila pero ngayon, magkakaibigan na lang kaming lahat.
Kaya lang hindi ko alam kung bakit kinabahan akong makita silang dalawa.
Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ako makagalaw kaya
bumagsak ako sa pakikinig sa usapan nila.
“She deserves to know the truth, Ry.”
“Sasabihin ko rin sa kanya eventually. Hahanap lang ako ng tiyempo.”
“Tiyempo? Ano ka ba Ry? What’s so hard about telling her na hindi totoong naging tayo? Na lahat ng nangyari noon ay act lang to make her jealous?
C’mon, Ry. Baka nga kiligin pa yun kasi nag-effort ka pa para lang makuha siya.”
“It’s not that easy, Megan. Hindi siya tulad ng ibang babae na kikiligin kapag nalaman ang ganyang bagay.”
“Noong nagpapanggap pa lang tayo nakokonsensya na ako sa ginagawa ko kay Cass. Nagsinungaling ako sa kaniya at pinagselos ko pa siya. Wala naman
siyang ginawa kundi magpakatotoo sa akin. Kaya gusto ko ng magpakatotoo
sa kaniya. Sabihin na kasi natin. We can’t hide the truth forever.”
“Mahirap pa kasi sa ngayon.”
“Bahala ka. Pero sooner or later, malalaman din niya ‘yun. Pasalamat ka nga hindi ka sinusumbong ni Zac sa kanya.”
“Nga pala, si Zac –“ naputol ang sasabihin ni Ry nang maibagsak ko ang baso ko.
I’m shaking. Pakiramdam ko any moment babagsak ako. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako. At ang masaklap pa, ng tatlo sa mga taong
pinagkakatiwalaan ko.
Tuloy tuloy na rin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Totoo naman ang
sinabi ni Megan, kung ibang babae siguro ang makaalam ng ganoon,
posibleng kiligin pa sila. Pero hindi ako. I suffered. Ang dalas kong
umiyak noon dahil lang sa naging sila tapos ngayon malalaman kong hindi
pala ‘yun totoo? I felt so betrayed.
Tumalikod na ako at umalis bago pa sila makapagsalita pero hindi pa ako
nakakababa, nahabol na ako ni Ry.
“Cass, let me explain.”
“Explain?! Explain?! Anong ipapaliwanag mo? Ikwekwento mo ba sa akin kung paano mo pinagplanuhan lahat ng ‘to? Sasabihin mo ba sa akin kung paano mo ko pinagmukhang tanga at niloko?”
Tumakbo ako pababa pero bago ako tuluyang makalabas, naharangan na ako ni
Zac, “Cass, umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari?”
“Anong nangyari? Let’s just say na nabuking ko na kayo. How you three plan all of it.”
Nilingon ko si Ry at Megan, “Nag-enjoy ba kayo? Natuwa ba kayo? Naentertain ba kayo sa paglalaro sa nararamdaman ko? Ano? Masaya na ba
kayo? Nagawa niyo na ang purpose niyo.”
“Ikaw, Kate. Sheena. Alam niyo rin ba ‘to? Masaya na ba kayong lahat sa panggagago sa akin? Thank you ha! Thank you for playing with my
heart.”
Tuluyan na akong lumabas. Naglakad lang ako nang naglakad. Hindi ko alam
kung saan ako pupunta pero gusto kong makalayo sa bahay na ‘yun. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
How did I fell on that trap! Alam nila. Alam nilang lahat kung paano ko
isinara ang sarili ko sa mga tao dahil ayaw kong mangyari 'to. Ayaw kong
maloko. Ayaw kong magmukhang tanga. Ayaw kong masaktan.
Lakad lang ako ng lakad nang biglang magliwanag at narinig ko na lang ang
pagbusina ng isang sasakyan. I’m so numb na hindi ko na magawang igalaw ang sarili ko. Napapikit na lang ako. Pero bago ako tuluyang mabangga ng
sasakyan, someone grabbed me kaya napahiga kami sa kalsada.
“Shit, Cass! Nagpapakamatay ka ba?!” sigaw sa akin ni Kate.
Tinulungan akong tumayo ni Sheena pero hindi ko magawa.
"Kasama niyo ba sila?”
Umiling si Kate. “Gusto ka nilang sundan pero we told them to stay. What happened Cass?” Napayakap na lang ako sa kanila at saka humagulgol ng iyak.
=================
Chapter 47: I lied
I've been through hell these past few days. It's been a week since the
incident and I still look and felt so miserable.
Sa totoo lang mas masakit pa 'to kaysa noong nalaman kong si Megan at Ry
na. Triple ang sakit. Kung dati parang kinukurot at tinutusok lang ng
karayom ang puso ko, ngayon parang nilalagari na siya sa sobrang sakit.
Kung dati parang nahahati ang puso ko, ngayon parang nahiwa siya into
tiny little pieces.
For some they'll find me overreacting. Pero hindi naman sila ang niloko.
Hindi naman sila ang nasaktan. Ako. Ako ang nagmukhang tanga. Ako ang
iyak ng iyak para sa taong sinadya akong paiyakin. Ako ang niloko. Hindi
ko alam kung ano ang totoo o kung meron mang totoo. Hindi ko na alam kung
sino ang pagkakatiwalaan ko.
"Ate?" sumilip si Ash sa pinto ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa unan
ko. "Binisita ka ni Kuya Ry pero I told him natutulog ka."
Napatingin ako sa kanya at napaiyak. Ayan na naman ang luha ko. Walang
katapusan. Pati ‘yung mata ko, walang kapaguran.
Lumapit sa akin si Ash and gave me a hug which made me cry even more.
Dati akala ko joke lang pero hindi pala. Totoo pala na kapag may
yumayakap sa 'yo sa tuwing umiiyak ka, lalo kang maiiyak.
"Stop crying na ate." When she said those words, mas lalo lang akong
naiyak.
Nagbitiw lang kami ni Ashley nang may kumatok sa pinto. Agad akong
tumingin sa bintana para hindi makita ng kung sino mang kumakatok na ‘yun ang mugto kong mata.
"Nandito po mga kaibigan niyo.”
“Ice cream?” Nakangiting bati ni Sheena habang itinataas ‘yung plastic na dala niya.
Napangiti ako at napaiyak ulit. Lumapit sila sa akin at niyakap ako. Si
Ashley naman, lumabas na kasabay ni manang.
“Ssh Cass.”
Nang mahimasmasan ako, sinabi ko sa kanila na pinuntahan ako ni Ry kanina
lang.
“Ano ba kasing nangyari, Cass? Isang linggo ka ng hindi pumapasok. Iyak ka pa ng iyak. Maski yung tatlo laging ang tamlay. Lalo na si Ry. Parang
walking zombie lang.”
Napatingin ako kay Kate at Sheena. Narealize ko na kahit pakiramdam ko
trinaydor ako ng tatlo kong kaibigan, may natira pa rin namang dalawa.
Noong simula ang akala ko alam nila ‘to pero ngayon sigurado na akong hindi. Alam kong wala talaga silang alam at dapat ko silang
pagkatiwalaan.
Dapat na ba akong madala sa una? Ayan ‘yung unang tanong na pumasok sa sarili ko. Kasi ‘yung unang taong pinagkatiwalaan ko bukod sa pamilya ko, pinaglaruan lang ‘yung nararamdaman ko. Pero hindi. Naisip ko lang, hindi
lahat ng tao magkakaparehas. Hindi dahil sa nagawa akong lokohin ni Ry sa
kahit na anong paraan ay gagawin na rin sa akin ni Sheena at Kate ‘yun.
May pagkakataon na naisip ko na lumayo na lang kay Kate at Sheena at
isolate ang sarili ko sa lahat para hindi na ako maloko ulit. Kaya lang
hindi ko ginawa. Kasi alam kong hindi naman nila sasadyaing saktan
ako.
“Noong umakyat ako noon kila Megan, nakita ko silang magkausap ni Ry.” Panimula ko sa dalawa. “Narinig ko na nagpanggap silang dalawa na naging sila, para pagselosin ako at umamin ako sa nararamdaman ko.”
Nanlaki ang mata ng dalawa habang nagkwekwento ako. Siguro hindi rin nila
naisip na gagawin nila yun.
“Big deal sa akin ‘yun. Nakita niyo kung paano ako naghirap noong malaman kong sila. I cried. Isa pa, I trusted Ry. I trusted them. Tapos ganoon
lang pala. Lolokohin lang pala nila ako. Minsan naisip ko, alin doon?
Alin sa lahat ng pinakita nila ang totoo? Minanipula nila ‘yung nararamdaman ko. Masakit na nga na malaman ko na ganoon ‘yung ginawa nilang dalawa, pero nadagdagan pa. Si Zac.. Siya na akala kong knight in
shining armor ko. Kasama pala siya dito.” Napaiyak na naman ako at napatulala na lang ‘yung dalawa.
“I.. I don’t know what to say, Cass.” Malungkot na sabi ni Kate.
Mahirap man, pero nginitian ko siya, “Minsan kailangan ko lang ng taong makikinig.”
Niyakap na naman nila ako. Sila lang ang nanatiling totoo sa akin. Sila
lang ang hindi kasama sa kung ano mang plinano ni Ry.
***
"Cass." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya.
Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang pagsikip ng dibdib ko. Hindi
ako pwedeng umiyak dito. Ayoko. Ayokong makita niya akong mahina.
"Cass, please. Let me explain." Hinarap ko siya. Si Ry.
Magbuhat ng mangyari ang insidenteng ‘yun, ngayon ko lang siya ulit nakita. Nangayayat siya. Totoo nga ang sinabi nila Sheena. Iba ang mukha
niya ngayon. Oo, ayokong makitang ganyan siya pero kasalanan ko ba na
naging ganyan siya ngayon? Kasalanan ko pa ba na nalaman ko ang ginawa
nila?
Hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya. Humakbang siya papalapit sa
akin pero humakbang din ako palayo. Napabuntong hininga na lang siya at
tiningnan ako. ‘Yung mata niya, ewan ko pero hindi ko magawang titigan ang mata niya.
"I'm sorry, Cass. Alam kong sobrang mali ng ginawa ko. Alam kong
napakamakasarili ko para gawin ang bagay na ‘yun. Pero maniwala ka, hindi ko gustong masaktan ka."
"Pero nasaktan mo pa rin ako."
Napatahimik siya at halatang nagulat sa sinabi ko. Kung hindi ko lang
nararamdaman ngayon ‘yung sakit na nararamdaman ko, siguro naawa pa ko sa itsyura niya. Kaya lang wala na akong maramdaman.
"I trusted you, Ry. I trusted you because I thought I could trust you,
but I was wrong. Binasag mo rin ‘yung tiwala ko. Alam mo naman di ba how hard it is to gain my trust. Alam mong ayokong magpapasok ng tao sa buhay
ko dahil sa mga ganitong drama. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa
rin na manipulahin ‘yung nararamdaman ko para lang makuha mo ang gusto mo. Sinama mo pa si Megan at Zac sa sitwasyon. Hindi ka pa ba kuntento na
isa ka lang na manloloko sa akin kaya nandamay ka pa ng iba? You're so
selfish Ry!"
Traydor pa rin ang luha ko. Hindi ko pa rin napigilan ang pagbagsak nito.
Bago pa ko tuluyang manghina, umalis na ako sa harap niya. Hindi pa ako
nakakalayo nang magsalita pa ulit siya.
"I..I'm really sorry Cass. Maiintindihan kong hindi mo pa ako kayang
patawarin ngayon, pero si Megan.. nasama lang siya dito. Pinilit ko lang
siya. Sana ‘wag kang magalit sa kaniya. I'm really really sorry," basag na ang boses niya at ramdam ko na rin na umiiyak siya. "I love you,"
halos pabulong na lang niyang sabi.
Para na namang kinurot ‘yung puso ko hearing that voice. Ganito ba talaga? He caused me too much pain but still, I don't want to see or even
hear him suffer. I just love him so much pero ngayon, love is not
enough.
***
"Ate, may kaibigan kang naghahanap sa 'yo sa baba,” sabi ni Ice.
“Si Sheena ba o si Kate?”
“Neither.” So, isa lang kila Ry, Megan at Zac yun.
“Natutulog kamo.”
“At least change your alibi. Sa limang beses na pagpunta ni Ate Megan sa bahay, puro ayan ang dinadahilan mo.”
Binagsak niya ang pinto at umalis. Pero may punto siya. Kaya lang ano
naman? Hindi naman siguro tanga si Megan para hindi niya mahalatang
ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong makipag-usap sa kanila. They’re always reaching out for me pero hindi pa rin ako handang makipag-usap.
Napakatagal na ng isang linggo at limang araw kaya lang hanggang ngayon
nandoon pa rin ‘yung sakit. Nandoon pa rin ‘yung doubt.
Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Narinig ko ang pagbukas ulit ng pinto.
“Ano na namang kailangan mo?” tanong ko habang nasa ilalim pa rin ng kumot. Kaya lang hindi siya sumagot. “Lumayas ka nga lang sa kwarto ko.”
“Cass.” Naibalibag ko ang kumot ko at agad na napaupo.
“Ma.”
Lumapit siya sa akin at umupo sa may kama ko. Hindi ako makatingin sa
kanya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi may
malaking kasalanan ako sa kanya para pasukin pa ako sa kwarto.
“Bakit po?”
“May gusto ka bang ikwento?” Nakangti niyang tanong sa akin.
Naguguluhan ako. All of a sudden nagpapakwento ang mama ko? Anong.. teka.
Nagsumbong siguro si Ashley.
“H’wag po kayong makikinig kay Ashley. Joke lang ‘yung mga sinasabi nu’n. Wala po talaga akong problema. I’m good. No, I’m great.”
Natawa si mama at ginulo ang buhok ko. Halos huminto ang tibok ng puso ko
nang gawin niya ‘yun. Naalala ko si Ry. Siya lang naman ang mahilig manggulo ng buhok ko. Siya lang ang gumagawa sa akin nu’n.
“Walang sinasabi si Ashley. I can feel na may problema ka. I’m your mother. Pwede mong lokohin kahit sino maski ang sarili mo. Pero ako Cass,
nakikita ko ang totoo sa ’yo. Bihira kang lumabas ng bahay. Mas madalas ka sa kwarto mo. Tahimik ka lang. Minsan lilipas ang isang araw na hindi
ko man lang narinig ang boses mo. I can see you smiling pero ‘yung ngiti mo.. it’s not even reaching your eyes.”
Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako iiyak. Ipinangako ko sa sarili
ko na ang huling beses ng pagpatak ng luha ko ng dahil kay Ry ay nung
araw na huli kaming nagkita. Pero sabi nga nila, lagi rin namang hindi
natutupad ang mga pangako. Kasi ngayon, I’m crying again because of him. At dahil na rin sa mama ko. Hindi ko na napigilan, niyakap ko na lang
siya. Kailangan ko ang mama ko ngayon. All I need is my mother’s hug.
Umiyak lang ako ng umiyak habang kalong niya. Mas magaan sa pakiramdam
kapag nandyan ‘yung mama mo sa oras na umiiyak ka. Mas masarap sa pakiramdam na alam mong umiyak ka man, may isang taong nandyan para
damayan ka.
Matapos kong umiyak, pinunasan niya ang luha ko at nginitian ako. I
smiled back. After ng halos dalawang linggo, ngayon ko lang masasabi na
ngumiti talaga ako ng totoo.
“Ready ka na bang magkwento kay mama?” tumango ako at nagsimula na ngang ikwento lahat ng narinig ko.
Matapos kong magkwento, nanatiling nakatahimik si mama. Ilang minuto pa
nang magsalita ulit siya.
“Ayokong manghimasok at makigulo sa problema mo. Nandito lang ako para labasan mo ng hinanakit mo. Kaya lang anak.. you can’t blame him forever. Siguro ngayon, nasasaktan ka pa rin kaya wala ka ng ibang makita kundi
‘yung pagsisinungaling nila. Cass, you’re a smart lady. You already know what to do. Ayaw mo lang gawin kasi natatakot ka pa. Naguguluhan.”
“Pero --“
“Hay, anak. Hindi mo masosolusyunan ang problema kung lagi ka lang tatakbo. Kung lagi ka lang magtatago. Be brave. Ano man ang mangyari
sa’yo, kaming pamilya mo, palagi lang nandito para sa’yo.”
I smiled at my mom. Sabi ko na. Siya talaga ang kailangan ko. Siya ang
makakatulong sa akin sa pagsagot sa mga tanong ko.
***
“Ate, may naghahanap sa’yo sa baba.”
“Pasabi baba na ko.”
Last night, I decided to face them. Napagdesisyunan kong huwag ng takasan
ang problemang ‘to. Napagdesisyunan kong maging matapang at harapin ang lahat. I can’t run forever.
Pagbaba ko, ang inaasahan kong makita ay si Megan, pero hindi pala. It
was Zac. Seryosong seryoso siya ng makita kong naghihintay. Si Megan o
Zac man ‘to, dapat ko siyang harapin. Dapat kong alamin ang lahat.
“Sumunod ka sa labas.” Nagulat siya ng bigla akong magsalita.
Alam kong may pagkabastos ang ginawa ko pero ginawa ko pa rin.
Nang makaayos na kami, no one’s still talking. Nagtatantsyahan pa. Hindi ko maitatanggi, pero I miss him.
“I’m sorry.” Nakayuko niyang sabi. “I’m not part of their plan.”
“So, sinasabi mo bang hindi ka kasama sa panloloko sa akin?”
Umiling siya at saka ako tiningnan ng seryoso, “I lied. Sa totoo lang, sa aming tatlo, ako ang may pinakamalaking kasalanan.”
Siya? Sa pagkakaalam ko, nadamay lang siya. Paanong nangyaring siya ang
may pinakamalaking kasalanan kung sumama lang siya sa pag-arte at
pangloko sa akin habang si Ry ang nagplano ng lahat.
“Plinano kong maging malapit sa’yo. I wanted you to fall for me. I wanted you to love me.. so I could break your heart.”
=================
Chapter 48: Sorry for the pain
“Plinano kong maging malapit sa ’yo. I wanted you to fall for me. I wanted you to love me.. so I could break your heart.”
So he could break my heart?
Gulat na gulat ako sa rebelasyon ni Zac. Pakiramdam ko nanginig ang buong
katawan ko.
“Y..you want to.. you want..”
“I’m sorry, Cass. I wanted to break your heart because you’re the reason why my life’s a mess that time.”
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Paano ako naging dahilan sa
pagkakagulo ng buhay niya kung hindi ko naman siya kilala? Simula palang
plinano niya na ‘to. Simula palang kilala na niya ako. Pero ako hindi.
Nakilala ko lang siya noong pinatawag niya ako sa kaklase ko noon. Kaya
paanong ako ang dahilan sa paggulo ng mundo niya?
“That time, I was courting Megan.” Lalo akong nagulat sa nalaman ko sa kanya. Siya? Siya ang sinasabi ni Megan? “Tahimik lang siya noon. May pagkanerd minus the glasses. ‘Yung leader ng barkada ko, kaklase siya sa isang subject. He dared me. Ligawan at pasagutin ko raw si Megan. Kapag
hindi ko raw siya napasagot, out ako sa grupo at sa banda.
“Kaya ayun, nagpaalam akong ligawan siya kahit na ang totoo, ayoko naman talaga. Noong una gulat na gulat pa siya at hindi siya naniwala sa akin.
Until one day, pumayag na lang siya. Kaya lang, ilang araw lang ang
lumipas, nagpaalam siya sa akin. Sabi niya sooner or later, kailangan
niyang magpanggap bilang girlfriend ng iba. Dahil nga sa hindi ko naman
siya mahal, pumayag ako. Wala akong pakialam kahit sino pang makatuluyan
niya. Ang mahalaga lang sa akin, manatili ako sa grupo.
“Kaya lang, narinig pala ng isa naming kagrupo ‘yun kaya sinumbong niya ko sa leader namin. Hindi raw pwede na nanliligaw ako sa kanya habang may
nakaschedule na bilang future boyfriend niya. Kunyari man o hindi. Kaya
inalis na nila ako sa grupo. After that, itinigil ko na ang panliligaw ko
sa kanya. Ni hindi man lang niya nalaman na hindi ko naman talaga siya
mahal. Idinahilan ko na lang na ayokong may kahati ako sa atensyon niya
pagdating ng panahon.”
Sobrang nagulat ako sa rebelasyon niya. Niligawan niya si Megan.
Pinagpustahan. He dumped her. At may barkada siya. Noon ang sabi niya
naiwan lahat ng barkada niya sa States. Nagkabarkada pala siya.
“Barkada?”
“Nang makauwi ako from States, nagkaroon ako ng barkada dito. Kasali ako sa banda nila. Sila lang ang kabigan ko dito. Kaya lang, nawala ‘yun ng matalo ako sa pustahan.”
“Bakit ba gustong gusto mong sumali sa bandang ‘yun to the point nagawa mong manloko ng mga tao?”
Napayuko siya. Halatang nahihiya sa mga ginawa niya, “I want to be in a band. It’s actually my dream. Gusto kong sumikat. At that time, may isang talent manager ang kumausap sa bandang ‘yun para magperform. Noon nakita ko na ang pangarap ko. Kaya lang nawala when I was kicked out from
the group.”
“Why do you blame me? Ni hindi ako kasama sa sumipa sa ‘yo palabas ng grupo? I don’t even know you that time.”
“Dahil si Ryan ang tutulungan ni Megan. Si Ryan ang nakaschedule na future boyfriend ni Megan para makuha ka. At ikaw ang dahilan kung bakit
‘yun ginawa ni Ryan. Galit na galit ako sa kanya. He took my dreams away, Cass. Kaya para makabawi na rin sa kanya, gusto kong mahalin mo ako para
hindi siya sumaya. Gusto kong mahalin mo ako para magawa kitang saktan.
Kasi oras na mahalin mo ko, plinano ko na ang pag-iwan sa’yo. Mas masakit para sa kanya kung makita niyang sinaktan lang kita.”
Napatulala ako sa naririnig ko. Lahat ng ginawa niya ay act lang para
saktan ako?
“S..sa lahat.. ng sinabi at ginawa mo.. wala ba ni isa dun ang totoo?” lakas loob kong tinanong sa kanya.
I was actually expecting him na sumagot na wala ni isa ang totoo but I
was wrong. “All of it, Cass, all of it was real. I wanted you to fall for me but I’m the one who ended up falling for you. Ito na siguro ang karma sa lahat ng plinano ko. Kasi instead na ikaw ang masaktan, ako ang
nasaktan. Sa halip na ikaw ang paiiyakin ko, ako ang pinaiyak mo.”
“I’m sorry.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “I’m sorry for hurting you. Hindi ko intensyon ‘yun. I’m sorry.”
“Bakit ka humihingi sa akin ng sorry e ako ‘tong nagplanong saktan ka? Magalit ka sa akin, Cass. Sampalin mo ko. Murahin mo ko.”
“I won’t do that. Kasi alam kong nasaktan kita. Sadya man o hindi, nasaktan kita. Hindi ko alam pero I actually believe you. Naramdam ko
lahat, Zac. Thankful pa rin ako kasi nandyan ka noong panahong kailangan
ko ng sasandalan. Ano man ang nangyari noong nakaraan, handa akong
kalimutan. Handa akong magsimula ng bagong friendship with you. Zac.
Sabihin mo man o ng ibang tao na ang tanga ko for letting you enter my
life again, anong pakialam ko? It’s my life after all. And I still want you in it. Plinano mo mang lokohin ako noon, napatawad na kita
ngayon. Ang mahalaga, itinigil mo ang plano mo.”
Hindi ko alam kung saan ko napupulot ang lakas ng loob at tapang para
gawin ‘tong ginagawa ko. Pero totoo. Totoong handa akong magsimula ng bago. Handa akong papasukin ulit siya sa buhay ko. Lahat ng tao deserve
ang pangalawang pagkakataon. Kaya dapat lang na bigyan ko siya nu’n.
Lumapit siya at niyakap ako. “Thank you, Cass. Thank you. Hindi ako mangangako na wala na akong magagawang palpak pero ngayon, hindi kita
lolokohin. Hindi ko gugustuhing saktan ka.”
“Zac, kailangan mong kausapin si Megan. She deserves to know the truth.”
***
I’m tapping my foot on the floor. Kanina pa ako nakatambay dito sa hallway pero ang tagal dumating ng hinihintay ko. Napatingin naman ako sa
katabi ko na parang chill na chill lang sa paghihintay.
“Zac, anong oras na ba? 4 pa dismissal niya.”
Chineck niya ang relo niya at saka nagpamulsa ulit, “4:05 na.”
“Ang tagal naman niya. Teka nga. Chill na chill ka ha. Handang handa ka na ba sa pagsasabi sa kanya ng.. ‘you know’” Nagtaas baba pa ako ng kilay.
Napangisi siya at pinalo-palo ang dibdib niya, “Always ready ‘to. Sa ’yo lang naman ako kinakabahan .” Binelatan ko na lang siya kaya napatawa siya.
Medyo nakakatawa na lang na nagagawa na ulit namin ‘to. Ang magtawanan magkasama. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, sa tingin ko, siya pa rin ang
knight in shining armor ko.
“Ayan na. Nakikita ko na si Megan,” bulong ko sa katabi ko nang makitang lumabas si Megan ng room. Kaya lang paglingon ko, wala na si Zac.
Nagmamadali siyang maglakad, “Psst! Oy! Saan ka ba pupunta?!”
“Ah.. d..dyan lang. Ay hindi. Dito na lang pala. Para may privacy kayo,” sabi niya at saka gumilid sa isa sa mga locker.
Natawa na lang ako sa kanya. Privacy privacy. E mukha namang kinakabahan
lang. Kala mo kung sinong maangas kanina e tiklop lang din pala.
Napatingin ulit ako kay Megan. Mag-isa lang siyang naglalakad. Dinaanan
niya lang ako. Hindi niya ako nakita. Mukhang wala siya sa sarili niya
ngayon. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Nilapitan ko siya at saka
kinalabit. Unti unti siyang lumingon sa akin at nanlaki ang mata ng
mapansing ako ang kumalabit sa kanya.
“Cass!” halos pasigaw niyang tawag.
“Usap tayo.”
Gumilid kami at hinintay lang mangaunti ang tao hanggang sa nagsalita na
siya.
“I’m sorry, Cass.” Umiiyak na siya. Nakakatawa. Ilang beses ko na bang narinig ang I’m sorry na ‘yan.
“Bakit?”
Sumisinghot pa siya nang lumingon sa akin habang nakakunot noo. “Anong bakit?
“Bakit ka pumayag sa plano ni Ry? May tinatago ka bang galit sa akin kaya naisip mong pumayag sa plano niya para magawang saktan ako?”
Todo iling siya. Pati hand gestures niya, “Hindi. Hindi. Wala akong galit sa ’yo, Cass. Masyado lang akong natuwa at nabaitan sa ’yo noong nakausap mo ko for the first time kaya naisip ko na siguro sasaya ka kung
magkakatuluyan kayo ni Ry.”
“Bakit mo naman naisip ‘yun?”
“Kasi mukhang takot kang magmahal. Ikaw ang nagsabi sa akin noon na ‘wag matakot, pero ikaw ‘tong totoong takot. Tapos, nagpatulong si Ry sa’yo. Noong una ayoko. Kaya lang one time, when I saw the two of you together,
nakita ko kung paano ka niya tingnan. Ramdam na ramdam ko how much he
loves you kaya sumali ako sa plano niya. Para magkatuluyan kayong
dalawa.”
“Magkakilala na ba kayo ni Ry noon pa?”
“Naging magkaklase kami noong first year. Magkaibigan kami. Ako raw ang nilapitan niya kasi nakita niya tayong nag-uusap noon at nakita raw
niyang mukhang kaya kitang kaibiganin. I’m really sorry, Cass, pero promise, I never meant to hurt you.”
“Naging totoo ka ba sa akin Megan?” tumango tango siya.
“Totoo ako sa’yo, Cass. Kung may kasinungalingan man akong ginawa, ‘yun ‘yung sa pagpapanggap namin ni Ry at ‘yung.. ‘yung sinabi ko sayong dahilan kung bakit tumigil sa panunuyo ‘yung manliigaw ko noon. Sa takot kong mabuking mo ang plano namin ni Ry, hindi pa man din nagsisimula,
nagsinungaling na lang ako sa’yo sa dahilan kung bakit tumigil manligaw ‘yung nanlligaw sa akin.”
Pinipigil niya ang pag-iyak niya pero hindi niya kaya. Kilala ko siya.
Alam kong pinipilit niyang ipakita sa akin na okay lang, hindi siya
nasasaktan, pero sa totoo lang, nasasaktan pa rin siya.
“Noong naglaro tayo ng 2 truths and 1 lie noon sabi mo nagseselos ka. Nagseselos ka ba dahil kay Ry o dahil.. dahil kay Zac?”
Nanlaki ang mata niya at gulat na gulat nang marinig ang pangalan ni Zac.
Typical Megan. “A..alam mo?”
I smiled at her at niyakap ko siya, “Sorry for the pain,” bulong ko sa kanya. Kasi para lang masunod ang plano ni Ry at makitang masaya ako,
hinayaan niyang mawala si Zac. Ayun nga lang, hindi niya alam ang ginawa
ni Zac. “Pinapatawad na rin kita, Megan. I’m sorry, too. I want us to start anew. Friends?” humiwalay ako sa kanya at inilahad ang kamay ko.
Ngumiti siya sa akin at nakipagshake hands saka ako niyakap ulit. “Thank you, Cass. Thank you. Halos mabaliw na ko noong nagalit ka. Ikaw kasi ang
bestfriend ko. May bestfriend ka mang iba, para sa akin, ikaw lang ang
bestfirend ko.” Naiiyak niyang sabi.
I smiled. Humiwalay siya sa akin. “You’re also my girl bestfriend Megan, no matter what happened.”
“Thank you, Cass. But.. si Ry. Ano.. he’s miserable. He loves you so much Cass. Sana pati siya mapatawad mo na.”
I just smiled at her.
“Sige, una na ko.” Paalam ko sakanya and hugged her again.
Naglakad na ako paalis pero huminto rin ako at tumingin sa kanya,
“Megan!”
Napahinto siya sa paglalakad at tumalikod para tingnan ako,
“Bakit?”
“May gagawin ka pa ba?”
“Wala na. Bakit?”
“May kakausap daw sa ’yo,” sabi ko sabay hila sa lalaking nagtatago sa locker na nasa gilid ko.
Hindi ko na tiningnan ang naging reaksyon nila. Basta paghila ko kay Zac,
tumalikod na ko. I need to solve another problem. I need to talk to
another person. Kailangan ko ng harapin si Ry.
=================
Chapter 49: No Name
Pasakay na ako ng sasakyan nang may tumawag sa akin, “Ate Rylee?”’
Ngumiti siya at nilapitan ako. Bago pa siya tuluyang makalapit, tumakbo
na ako papunta sa kanya at saka yumakap. “Ate.”
Matapos ng madramang moment namin, sinama niya ako sa bahay nila. Hindi
na ako tumanggi kasi gusto ko rin namang kausapin si Ry at sana nandoon
siya.
“Mama!” Tumakbo si Chee at yumakap agad sa akin. I hugged her back. “Namiss po kita. Tagal mo pong hindi nagpakita sa akin.” Tiningnan ko si Ate Rylee at tinanguan lang niya ako.
“Baby, pasok muna kayo ni Cass sa loob.”
Hinawakan ako ni Chee at saka hinila papasok ng bahay nila. Nang makaupo
ako sa sofa, umupo rin siya sa tabi ko at saka nangalumbaba habang
nakatitig sa akin.
“Did you miss Mama that much, baby? Grabe ka na makatingin.” Natatawa kong sabi sa kanya.
Kumunot ang noo niya saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi, “Where did your chubby cheeks go?” Pati yung noo ko hinawakan niya, “Your forehead already have lines, mama. Are you sick?” Napalunok ako sa tanong niya. Nahalata pa niya ‘yun? Sabagay, lahat din naman sila napansin ‘yun.
Nangayayat daw ako. Nagmukhang matanda. Haggard. Lahat na ng panglalait
nasabi na nila. Kaya lang, hindi ko rin naman maitatanggi ‘yun. Totoo naman kasi. Sobrang depress ako . Stressed. Kaya ganoon ang kinalabasan
ko.
Tumingin tingin ako sa bahay nila. Si Ate Rylee, nasa may kusina kasama
si Kuya Nick. Nandito pala siya. Si Ry kaya?
“Papa’s not here.”
“Huh?”
“You said, ‘Si Ry kaya’. Mama, can I ask you a question?”
Hinila ko siya at saka ikinandong sa akin, “Sure, baby. Ano ‘yun?”
“Nag-away po kayo ni Papa?” Hindi ko alam kung paano ipapaintindi kay Chee ang nangyari kaya I hugged her instead. “I saw him, Mama. He’s crying.”
Nanikip ang dibdib ko nang marinig ‘yan kay Chee. Umiiyak siya?
“I was about to enter his room one night, when I saw him crying. I asked him what’s wrong, he said, he’s just watching some film. Does movies make you cry, too, Mama?” Tumingala siya para tingnan ako, “You’re crying.” Umalis siya mula sa pagkakakandong sa lap ko at saka humarap sa akin na
mukhang nagpapanic, “Am I too heavy, Mama? Did I make you cry? Sorry, mama.” Natawa ako sa kanya saka siya niyakap.
Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Ganoon naman ako ngayon. Iiyak
na lang basta basta. Minsan nga hindi ko na alam kung mata ko pa ba ‘to. Hindi ko na kasi macontrol. Ginagawa lang kung anong gusto.
“Cass?” Napabitaw kay Chee at pinunasan ‘yung mata ko nang tawagin ako ni Ate Rylee.
Lumapit siya at umupo sa tabi ko, “Baby, punta ka muna kay Daddy. Mag-uusap lang kami ni Mama ha?”
“Uhm. Anong pag-uusapan natin, ate?”
“I won’t beat around the bush, Cass. Tungkol ‘to sa inyo ni Ry.”
“Ate –“
“Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa ng kapatid ko. Kung alam ko lang na ganoon ang plano niya, ako na mismo ang nag-untog ng ulo niya sa pader
kasi sobrang wrong move nu’n. Minsan talaga nauuna ang katangahan ni Ry kesa sa pag-iisip ng magiging consequences ng gagawin niya. Padalos dalos
siya. Sobrang mahal ka niya kaya nagawa niya ‘yun. Hindi ko sinasabi ‘to dahil kapatid ko siya. Sinasabi ko ‘to, kasi ayun ang nakikita ko. Hahayaan mo bang mawala siya sa ’yo dahil lang sa isang pagkakamali niya?”
Tumingin ako sa kanya at umiling. Kasabay nu’n ang pagtalo ng luha ko. Ang walang katapusan kong luha.
“I love him, Ate Rylee. I’m willing to forgive him ‘wag lang siyang mawala. I almost lost him before, act man ‘yun or not, kaya ayoko ng maramdaman ulit ‘yung sakit na naramdaman ko noon."
Napangiti siya at saka ako niyakap, “For once, Ry made a right decision.” Humiwalay ako sa kanya at saka siya tiningnan ng may halong pagtatanong.
“Tama siya nang mahalin ka niya. I really like you for my brother.”
“I want her too for Papa. She’s my Mama.” Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya Nick na buhat buhat si Chee.
Napatingin si Kuya Nick kay Chee at saka nagkibit-balikat, “We all like her for Ry.”
Natawa ako at saka lumapit sa kanila para yumakap. Bukod sa totoo kong
pamilya, sila ang macoconsider kong pangalawa kong pamilya. And I love
these people. If it were not for Ry, baka hindi ko sila nakilala.
“Nasaan si Ry?”
“Nangibang bansa na siya. Kanina lang siya nakaalis.” My heart beat stopped. Umalis si Ry? He left me? My tears were about to fall nang may
dinagdag pa siya, “Pero joke lang.”
Siniko siya ni Ate Rylee at saka tiningnan ng masama, “Don’t make fun of her.”
“Sorry, can’t help it,” seryosong sagot ni Kuya Nick na nakapagpatawa na naman sa akin.
“We can’t find him. Umalis siya kaninang umaga at hindi pa bumabalik. We’ve been trying to call him pero patay ang phone niya.”
“I’ll find him. Thank you.” Paalam ko sa kanilang tatlo. I hugged them at tumakbo palabas.
Kailangan ko na siyang makita. I wanna see him right now. Gustong gusto
ko nang maayos ang lahat.
I miss him so much.
Sinubukan kong tawagan lahat ng kaibigan niyang kakilala ko para lang
tanungin kung nasaan siya pero wala ni isa sa kanila ang may alam kung
saan siya nagpunta. Nagpunta na rin ako ng bahay nila pero wala pa rin.
Nagpatulong na ako sa lahat para mahanap siya. Tinatawagan ko rin siya
pero hanggang ngayon patay pa rin ang phone niya.
Nasaan ka na ba kasi Ry? Magpakita ka na.
Nagpunta na rin ako sa lugar kung saan kami naging magkaibigan at kung
saan ko siya sinagot pero wala pa rin siya. Saan pa ba? Ry naman.
Napaupo na lang ako sa may seashore. Hindi ako pwedeng sumuko ngayon. I
can’t give up. Pinikit ko ang mata ko at sinubukang isipin kung saan ko pa siya pwedeng makita.
Alam ko na. Sana tama ako. Sana nga nandoon siya.
***
I was right. Nandito nga siya sa likod ng school, sa tinatambayan namin.
Hawak hawak niya ang gitara niya at nakapikit habang kumakanta.
Nakasandal siya sa puno na lagi naming tinutulugan. Unti-unti akong
lumapit sa kanya at tumayo sa harap niya pero hindi niya yun
naramdaman.
A hundred days have made me older since the last time that I saw your
pretty face. A thousand lies have made me colder and I don’t think I can
look at this the same. But all the miles that separate, disappear now
when I’m dreaming of your face. I’m here without you, baby, but you’re still on my lonely mind. I think about you, baby, and I dream about you
all the time. I’m here without you, baby, but you’re still with me in my dreams. And tonight, it’s only you and me
Napahinto siya sa pagstrum ng gitara at saka iyun ibinagsak at tumayo.
Nang makita niya ako sa harap niya, bigla siyang napahinto at talo pa ang
nakakita ng multo.
“Aalis ka?” tanong ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin at inabot ata ng ilang minuto bago nakasagot,
“Pupuntahan kita.”
Napatango ako at umupo sa kaninang inuupuan niya. “Nandito na ko.”
Nakatingin lang siya sa akin. Parang inaalyze niya kung totoo bang nasa
harap na niya ko. Nakakaramdam ako ng kaba ngayon. Pero hindi ko dapat
isipin ‘yun. Nandito na siya sa harap ko. I’ve been looking for him everywhere at ngayon nandito na siya.
“Tititigan mo lang ba ako dyan magdamag?” masungit kong tanong sa kanya.
Mukha namang bumalik na siya sa katinuan at saka umupo sa tabi ko. Pero
hindi ganoong kalapit. Medyo malayo ang pagitan namin.
“Go,” sabi ko pa sa kanya. “Explain.”
“Shit.” Mahina lang pero narinig ko pa na napamura siya.
“Hmm?”
Napalingon siya sa akin at saka ako tinitigan, “I really really miss you.”
Hindi ito ang inaasahan kong una niyang sasabihin. Akala ko hihingi siya
ng sorry agad just like what Megan and Zac did. But for the nth time, I
was wrong.
“Everyday is a torture for me, Cass. Kapag naaalala ko how much pain I’ve caused you, pakiramdam ko ang sama sama kong tao. I’m so selfish. Napakarami pang taong nadamay dahil lang sa kapalpakan ko. But Cass,
please, forgive them. Wala silang kasalanan. Ako lang talaga ang pasimuno
ng lahat.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I mean, ayun na ba ‘yun? Wala na? Hindi siya magpapaliwanag sa lahat ng ginawa niya? Alam ko na ang mga
nangyari kaya lang, hindi ba niya ipagtatanggol ang sarili niya?
“Ayun na ‘yun? Ni hindi ka magpapaliwanag why you did those things?”
“It’s all in the past, Cass. I admit my mistake. Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko kasi alam ko naman na mali talaga ako. Alam
kong nasaktan kita. Intentionally man o hindi, I am sorry. I really am.
At kahit ilang milyong beses pa ako humingi ng tawad sa ’yo, uulit-ulitin ko. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal hanggang sa handa ka nang
patawarin ako.
"Pwedeng ‘wag mong paniwalaan lahat ng mga sinasabi ko sa’yo ngayon. It’s your choice, Cass, pero parang awa mo na, ni minsan ‘wag mong isipin na lahat ng nangyari ay puro kasinungalingan lang. Kasi Cass sobrang mahal
kita. Kahit ayun na lang ang paniwalaan mo. Please.” My heart almost breaks when I saw how a tear fell from his eyes. “I love you so much Cass. Forgive me, or not, walang magbabago sa nararamdaman ko sa’yo. You –“
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, I did something that shocked
him. I kissed him. Nang mawala na siguro ang pagkagulat niya, he kissed
me back.
Pakiramdam ko naghalo halo na lahat ng hayop sa tiyan ko. ‘Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok. Nakapikit ako pero sobrang
daming kulay ang nakikita ko. Tahimik ang buong paligid pero nakakarinig
ako ng mga kantang sobrang sarap sa pandinig.
After felt like eternity, I broke the kiss but still magkadikit pa rin
ang noo namin. Nakapikit pa rin siya and I smiled seeing him like
that.
“Bakit mo ginagawa sa ‘kin ‘to Cass?” he asked, eyes still close.
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ko ‘yung luhang tumulo sa kanya. “You’re forgiven, Ry.”
“Why?”
“Because you deserve it. Alam kong pinagsisihan mo ang ginawa mo.”
Napangiti siya at nanatili pa rin na nakapikit. He moved closer hanggang
sa pati ang ilong namin ay magdikit.
“I love you so much, Cass. I love you.”
Napangiti ako at pumikit, “You and me.Together.”
“Forever.” We said in unison and moved closer until our lips meet again.
***
Months passed. At sa ngayon, everything is in its proper place.
Masaya kami ni Ry at pakiramdam ko, every day, I’m loving him even more. Nang tanungin ko siya tungkol sa ginawa niya noong nakaraan, ang sabi
niya, ayun daw yung project niya. To make me fall for him. To teach me
how to love him. I told him, Project: Make Her Fall For Me ang ginawa
niya pero hindi raw ganun ang title nun. The Love Project daw ang tawag
niya doon.
Si Sheena at Kate, ayun at baliw pa rin. They’re both dating at paminsan minsan sinasama nila ‘yung mga dates nila kapag may lakad ang barkada.
As for Megan, nagalit siya kay Zac. Hindi naman siya masisi ni Zac kasi
nga kasalanan naman niyang pumayag siya sa pustahan na ‘yun. Pero after months, napatawad na rin siya ni Megan. Actually, ngayon, sobrang close
na nu’ng dalawa. Kapag naman tinutukso namin sila, sasabihin nilang bestfriends lang sila. Yes, in a short period of time, naging
magbestfriend pa ang dalawa. Pero tatawa lang si Sheena at Kate at lalo
silang tutuksuhin. Sa ganoon din daw kasi kami nagsimula ni Ry.
Sa totoo lang, sa tuwing matitingin ako kay Megan at kay Zac, nakikita ko
‘yung chemistry nila. Hindi na ako magugulat kung one day, sila na. Isa pa, Megan’s still in love with him. Si Zac? That’s what I don’t know. Pero sana.
“Saan ba kasi tayo pupunta?”
“Ipapakilala kita sa boyfriend ko,” sabi ko sa kapatid kong si Ice.
Ang tagal ng nagpupunta sa amin ni Ry pero hindi sila magtagpo tagpo ni
Ice. Napakalayas kasi ng kapatid ko kaya madalas nasa bahay ng mga
kaibigan niya. It’s about time na magkita na sila. Aba! Tuwang tuwa sila Papa, Mama at Ashley kay Ry. Kailangan buong pamilya approved sa kanya
kaya dapat makilala na siya ni Ice.
“We’re here.” Tuwang tuwang sabi ko at saka bumaba ng sasakyan.
Sumunod si Ice sa akin, “Dito?” Hindi ko na lang siya pinansin at umupo agad ng may makitang vacant place. Sumunod naman siya.
"Bakit ba kasi dapat pang dito mo ko pakilala?" inis na tanong niya sa
akin.
"Sa kanya kasi tong bar na 'to. Pinapakita ko na rin sa'yo. Taray ‘di ba? Bata pa lang may business na." Pagmamayabang ko sa business ni Ry kaya
lang mukhang walang pakialam ‘tong kapatid ko.
"Hoy. Dyan ka muna. Babalikan kita." Paalam ko sa kanya at saka nagpunta
sa office ni Ry.
Nakaupo siya at nagcoconcentrate sa ginagawa niya ng mapatingin siya sa
akin. Ngumiti agad siya at saka ako nilapitan at hinalikan ako sa pisngi,
“Kanina pa kayo?”
“Hindi naman. Kakarating lang. Iniwan ko si Ice doon. May ginagawa ka pa ba?”
“Okay na. Tara na.”
Agad kong nakita si Ice na busy sa panunuod sa mga nasa stage. Mukha
namang hindi siya naiinip.
Lumapit ako sa kanya, katabi ko si Ry.
“Ice, I want you to meet, Ry. ‘Yung boyfriend ko.”
Hindi niya ako pinansin o sadyang hindi lang niya ako narinig.
Napatingin sa akin si Ry at nagkibit balikat, “Ice?”
“Ice,” I called him again pero wala talaga.
Nanliit ang mata ko at binatukan siya. “Aray,” reklamo niya at sa wakas, napansin din ang presensya namin.
"Ano bang ayos mo, Ice? Kanina pa kita pinapakilala sa kanya ayaw mo
naman makinig. Uulitin ko ha. Ice, this is my boyfriend Ryan but you can
call him Ry. Ry, this is Ice. My brother." Nagshake hands lang sila tapos
umupo na rin kami.
"Ano bang problema mo kapatid at tulala ka dyan? Ano ba tinitingnan
mo?" Nilingon ko ulit ang stage at napangiti ako. "Oooh. May type ka dyan
‘no? Sino?"
"Wala."
Nagkwentuhan lang ‘yung dalawa. Akala ko hindi sila magkakasundo pero buti na lang at mukhang magiging ayos sila. Kung magkwentuhan akala mo
matagal na nilang kilala ang isa’t isa.
“Hi, Manager,” bati nila Zoe kay Ryan. Sila yung girl band na tumutugtog minsan dito sa bar ni Ry. Manager din ang tawag nila kay Ry. “Hi, Ate Cass,” bati rin nila sa akin.
Sobrang bait ng apat na babaeng ‘to. Naging sobrang close ko na nga agad sila kahit hindi rin naman ganoong katagal nu’ng nakilala ko sila.
Binati rin namin sila ni Ry. Ipapakilala ko palang sana sila kay Ice kaya
lang bigla na lang lumabas ‘yung loko. Tinawag tawag ko siya pero hindi niya ako pinansin.
Hindi na lang namin pinansin ‘yung paglayas ni Ice. Tatambay lang naman ‘yun sa labas panigurado. Nagpaalam na rin na aalis na ‘yung apat kaya naiwan na naman kami ni Ry mag-isa.
Nag-vibrate ang phone ko. May text galing kay Zac.
Saan ka?
No Name. I’m with Ry. Bakit?
Ay, sayang. Kasama pala si boyfriend. Next time lakwatsya tayo. Hiramin
kita kay Ry.
Natawa ako ng mahina sa tinext ni Zac.
“Bakit?” tanong ng nasa tabi ko na si Ry.
“Si Zac kasi. Hihiramin daw niya ako sa’yo.” Napakunot siya ng noo nang marinig ang sinabi ko. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya, “Selos agad ‘to. Nako.”
“Hindi.”
“Hindi raw. Ayan at salubong na kilay mo. Arte. Selos selos pa,” biro ko pa sa kanya.
“Bakit ba kasi hihiramin ka pa sa akin? Nanggugulo pa kasi si Zac, may Megan na siya.” Natawa ako sa sinabi niya saka siya niyakap.
“Cute mo magselos. Don’t worry. Wala ka namang dapat ipagselos.”
Binaon niya ang ulo niya sa balikat ko at saka ako niyakap ng sobrang
higpit.
“I love you, Cass.”
“I love you, too, Ry.”
=================
Epilogue
Mahaba ang pila sa labas ng classroom namin. Parang may rasyon ng bigas
kung titingnan mo. Tinawag na ako ng kablock ko at pinaupo sa may
harap.
"Game."
May lumapit at umupo sa harap ko na isang babaeng haggard na at
mukhang hindi nakatulog ng tatlong linggo.
"My boyfriend dumped me. Pinagpalit niya ako sa babaeng mukhang hipon.
What should I do?" sabi niya with matching tears pa.
"Forgive him kahit hindi pa siya nagsosorry and live life like you
haven’t lived before."
"Excuse me?"
"Hindi ka sasaya kung ikukulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Kapag
natutunan mong magpatawad at makalimot, mararanasan mong sumaya
ulit."
Ito na naman ako. Giving advices to people I don't even know. This isn't
my job. Pero nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Marami rin ang taong
pinipilahan ako para hingan ng advice o magpatulong sa mga problema nila
sa puso. Ako raw kasi si kupido at ang love doctor nila.
Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Ako ang hingian ng advices ng mga
tao pero noong panahong kailangan ko rin ng advice, hindi ko mabigyan ng
advice ang sarili ko. Ironic, isn’t it?
Nagulat ako nang may naglapag ng bouquet sa lamesang nasa harap ko. "Go
on a date with me," sabi ng lalaking nasa harap ko ngayon.
Tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti, "Ayoko," biro ko sa kanya.
"I'm not asking for permission." Naglapag siya ng papel sa harap ko at
umalis na.
After this, let’s go on a date, okay? Diyan lang muna ako sa labas. I love you.
Tiniklop ko ang papel at inilagay sa bag ko. Hindi na ako makapaghintay
matapos ‘to at makadate ulit si Ry. Papatawag ko pa lang sana ‘yung kasunod na magtatanong nang bumalik siya.
I gave him my sweetest smile. Lumapit siya sa akin, "I forgot
something," at may ginawa siyang bagay na iniexpect ko na.
He kissed me.
"Later, Cass. I love you."
Bago pa siya lumabas, I smiled at him, “I’ll see you later. And I love you too.”
The end.