State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte ...
Transcript of State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte ...
State of the Nation Address of
Rodrigo Roa Duterte
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
[Delivered at the Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2016]
(FILIPINO VERSION)
Salamat. Ipermiso ninyo akong maging impormal. Mapapansin ninyo na ang tatlong
lalaki sa nakaangat na bahagi ng Kongreso ay mula sa Mindanao. So, wala talaga kaming
masabi. Pangulo ng Senado Aquilino Pimentel III, mga miyembro ng Senado, Ispiker
Pantaleon Alvarez, Pangalawang Pangulo Maria Leonor Robredo, dating Pangulo Fidel
V. Ramos, Pangulong Joseph Ejercito Estrada, at Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo, Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, mga Mahistrado ng Kataas-taasang
Hukuman, ang Kaniyang Kamahalang Papal Nuncio at mga miyembro ng diplomatic
corps. Kailangan ko ring batiin ang Kalihim Tagapagpaganap Salvador Medialdea, ang
mga miyembro ng Gabinete, mga kasama kong manggagawa sa gobyerno, mga
kababayan ko.
Hindi tayo uusad kung hahayaan nating hilahin tayo ng nakaraan. Ang paninisi ay
maling pamamaraan. Kayâ hindi ko aaksayahin ang mahahalagang oras para sisihin
kung sinong may sala sa gusot na kinasasadlakan natin at pinagdudusahan.
Maliban siguro para makabuo ng aral o higit pa sa mga kamaliang ito, hindi tayo
papipigil dahil ang dapat pinahahalagahan ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na
dapat nating pinaghahandaan.
Bakâ ako ay hindi maintindihan, gusto kong linawin, na ang mga nagtaksil sa tiwala ng
taumbayan ay maparurusahan at mabibigyan ng araw sa hukuman. At kung sapat ang
mga ebidensiya, may araw din sila para magdusa.
Nang magdesisyon akong tumakbo bilang pangulo ng bansang ito, alam ko ang mga
sakit ng bansa; alam ko ang mga dahilan; at sinabihan na ako kung sino ang sentro ng
mga sanhi ng lahat.
Narinig ko ang mga hinaing ng mga mamamayan sa kalye na ang katarungan ay parang
guníguní na lang; na ang pagkapantay-pantay at pagiging patas at mabilis na paglutas sa
mga kaso ay nalusaw na parang ampaw na mga konseptong bagay lang sa mga
pandalubhasaang disertasyon. Ganyan dati, hanggang ngayon, talagang nakalulungkot.
Bilang dating tagausig, alam ko ang mga pamamaraan kung paano pabilisin at
pabagalin ang takbo ng isang kaso. Ang ginawa ko ay tiningnan ko kung ilang beses
ipinagpaliban at ang petsa ng bawat pagpapaliban at ang susunod na pagdinig ng kaso.
Ganoon kasimple. Magiging masaya ako kung lahat tayo sa gobyerno ay mag-aasikaso sa
importanteng bagay na ito.
Determinado na ko noon pa katulad sa pagiging determinado pa dahil ngayong ako ay
nasa posisyon, na maglunsad ng laban sa mga humahamak sa ating mga batas at sa mga
tao na ginagawang miserable ang ating buhay.
Tinitiyak ko sa bawat isa sa inyo na wala sa sistema ko ang pagiging mapaghiganti.
Katulad ninyo, ang gusto ko lang ay patas na pagtrato at proteksiyon para sa ating mga
kababayan.
Pero kailangan nating maging matapang para maipaglaban ang ating pinaniniwalaan,
na hindi tayo mapipigil ng takot na magkamali o matalo. Kayâ, walang limitasyon ang
katapangan, pero mayroon ang kaduwagan.
Sa puntong ito, marami pa akong gustong sabihin sa inyo tungkol sa mga detalye, mga
bilang, mga programa, mga plano, mga problema at solusyon, ang lahat ng mga ito ay
hindi dapat maglalaho o maliligaw.
Kayâ sa ating mga relihiyosong Obispo, mga pinuno, mga pastor, mga tagapagsalita,
mga imam ginagarantiya ko sa inyo na habang ako ay naninindigan sa prinsipyo ng
paghihiwalay ng simbahan at estado, pinaniniwalaan ko rin na dapat wala ring
paghihiwalay ng Diyos at Estado.
Sa inagurasyon ko noong 30 Hunyo 2016, sinabi ko na ang laban sa kriminalidad at mga
ilegal na gamot at korupsiyon ay di titigilan at magpapatuloy. Inuulit ko ang pangakong
iyan ngayon, kaya tinatawagan ko ang Pambansang Pulisya, ang mga chairman ng
barangay, mga meyor, mga gobernador, at lahat ng nasa kapangyarihan at awtoridad,
huwag magpahinga. Walang titigil sa kampanyang ito. Doblehin ang mga pagkilos.
Triplehin ang lahat ng ito kung kailangan. Hindi tayo titigil hanggang sa huling drug
lord, hulíng kapitalista, at hulíng pusher ay hindi napasusuko o naipakukulong o
naililibing, kung gusto nila.
Sa ating mga opisyal na pulis at sa iba pang opisyal, gawin ninyo ang trabaho ninyo at
asahan ninyo ang buong suporta ng Tanggapan ng Pangulo. Sasamahan ko kayo
hanggang sa huli. Abusuhin ninyo ang inyong kapangyarihan, at mayroon kayong
kalalagyan sa impiyerno, dahil magiging mas masahol pa kayo sa nilalabanang
kriminalidad.
Inuutusan ko ang National Police Commission (NAPOLCOM) na pabilisin ang mga
imbestigasyon at paghahatol sa mga kasong administratibo laban sa mga pulis na
sangkot sa mga gawaing kriminal at ilegal at magbalangkas ng mga patakaran para sa
lifestyle check sa mga miyembro ng PNP. Sa laban na ito, itinataya ko ang dangál ko,
ang búhay ko, ang pagiging pangulo ko.
Inuutusan din ang DILG na mahigpit na imonitor kung paano ginagawa ng mga LGU
ang tungkulin nilang pamahalaan ang mga pulis at ang mga napatunayang hindi
tumutupad sa kanilang tungkulin ay maparurusahan kabilang ang pagtitiwalag sa
NAPOLCOM. Inuulit ko ang babala sa lahat, huwag magdroga dahil kayo ang magiging
solusyon sa krisis na bumiktima, “malawak” na lumaganap sa bansa.
Gagawa tayo ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs na pagsasama-samahin ang
lahat ng mga pagsisikap at palalakasin ang pakikipag-ugnayan ng mga stakeholder.
Ang mga reserbado ay pakikilusin para sa kampanyang pang-impormasyon laban sa
paggamit ng droga at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga programang
rehabilitasyon na iniaalok ng gobyerno. Palalakasin din natin ang ating Programang
ROTC para maisapuso ang pagmamahal sa bansa at paggiging mabuting mamamayan.
Uunahin din natin ang rehabilitasyon ng mga nagdodroga. Dadagdagan natin ang mga
pasilidad sa pagpapagaling at rehabilitasyong residensiyal. Tutulong ang Sandatahang
Lakas ng Pilipinas (AFP) sa mga paghahanda sa paggamit ng mga kampo militar at mga
pasilidad para sa rehabilitasyon sa pagdodroga.
Hindi kailanman magkakaroon ng tunay, nahahawakan, at nararamdamang pagbabago
nang hindi ipinadarama ang katiwasayan sa ating mga tao.
Dahil dito, magiging sensitibo ang aking administrasyon sa mga obligasyon ng bansa
para palaganapin at pangalagaaan, at tuparin ang mga karapatan ng ating mga
mamamayan, lalo na ng mahihirap, nasa laylayan at mahihina. Ipatutupad ang
katarungang panlipunan, habang pinananatili sa lahat ng sandali ang tuntunin ng batas.
Ipatutupad ng aking administrasyon ang isang makataong tugon sa pagbabago at
pamamahala, habang pinabubuti ang kagalingang pangkalusugan at pang-edukasyon,
pagkakaroon ng sapat na pagkain at pabahay, pinangangalagaan ang kapaligiran at
paggalang sa kultura ng ating mamamayan.
Ang karapatang pantao ay dapat na nagpapataas sa dignidad ng tao. Pero ang
karapatang pantao ay hindi puwedeng gamitin bilang pananggalang o dahilan para
sirain ang bansa. Ang inyong bansa at ang aking bansa.
Sa ngayon, dahil may mga banta pa rin sa panloob na seguridad ng ating bansa na
pinalalalâ ng teroristang pangkat na Abu Sayyaf at ng mga gawain nito, ang buong
puwersa ng AFP ay pakikilusin para malupig ang mga kriminal na ito na nagtatago sa
gawaing panrelihiyon. Palalakasin ng AFP ang kakayahan nito na tugisin at labanan ang
mga huwad na elementong lumalabag sa batas.
Kailangan nating palakasin ang ating koordinasyon sa Indonesia at Malaysia para
mapigil ang pangingidnap sa katubigan ng ating mga kalapit-bansa. Palalakasin natin
ang ating mga programang panlaban sa terorismo sa pamamagitan ng pag-aamyenda ng
iba’t ibang batas tungkol sa terorismo sa tao, pagtutustos sa terorismo at cybercrime.
Ito ang sagot natin sa mga bantang hámong di-tradisyonal ng global na pagbabago, mga
krimeng transnasyonal at terorismong panatiko. Magiging priyoridad din natin ang
pagtugon sa global warming, pero sa makatarungang pag-aangkop. Hindi nito dapat
mapigil ang ating industriyalisasyon.
Dapat din nating sikapin na magkaroon at linangin ang pakikipagtulungan sa mga
bansang may kapareho ng mga problema sa Pilipinas; panatilihin at ipagpatuloy ang
mga pakikipagsanggunian at pakikipag-usap na bilateral at multilateral.
Palalawakin pa natin ang pakikipag-ugnayan sa pagtulong at pag-aksiyon kaugnay ng
disaster, seguridad pandagat at paglaban sa terorismo. Palalalimin natin ang mga pag-
uusap panseguridad sa ibang bansa para magkaroon ng higit na unawaan at
pagtutulungan.
Tungkol sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea), na kilala rin bilang
Dagat Tsina (China Sea), pinaninindigan ng Pilipinas ang paggalang sa resulta ng kaso
sa harap ng Permanenteng Hukuman ng Arbitrasyon (Permanent Court of Arbitration)
bilang isang mahalagang kontribusyon sa isinasagawang pagsisikap upang magkaroon
ng mapayapang resolusyon at paglutas sa ating mga pagtatalo.
Sa aspekto ng ating mga prosesong pangkapayapaan kaugnay ng ating kompromiso sa
pandaigdigang pamayanan, mananatili ang Pilipinas sa pangako nitong ipagpapatuloy
ang lubos na pakikipag-usap sa ating mga pandaigdigang partner at stakeholder para
magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Masigla nating tutugunan ang mga karaingang paulit-ulit na idinadaing, hindi lamang
ng Bangsamoro, mga katutubo at iba pang pangkat para sa seguridad, pag-unlad, pantay
na karapatan sa pagpapasiya at pagtanggap sa mga pagkakakilanlan.
Ang pangmatagalang kapayapaan ay makakamit lang kung matutugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng bawat lalaki, babae, at bata.
Sa ating mga kapatid na Muslim, sa bansang Moro at sa mga kasapi ng CPP/NPA/NDF,
ito ang sasabihin ko:
Gusto nating lahat ng kapayapaan, hindi ang kapayapaan ng patay, kundi ang
kapayapaan ng buháy. Ipinahahayag natin ang ating kagustuhan at kahandaang
makipagnegosasyon, pero kinakargahan natin ang ating mga baril, umaasinta, at
kinakalabit natin ang gatilyo. Isa itong kabalintuaan at trahedya—at wala itong
wakas. Habang pinararangalan ang katapangan at kabayanihan ng ating mga sundalo,
gawin din ninyo ito sa kanilang mga kasapi at mandirigma, sa halip ang nakikita ko ay
mga nabiyuda at naulila. Nararamdaman ko ang kanilang sakít at hinagpis, at hindi
mababayaran ng anumang perang tulong o bilang ng medalya ang mga taong nawalan
ng buhay. Ikinalulungkot ito ng lahat ng antas ng lipunan. Malalim at matagal ang sakít
na idinudulot nito.
Kaya nakikiusap ako sa inyo ngayon. Sa mga kapatid nating Muslim, tapusin na natin
ang dantaong kawalan ng pagtitiwala at pakikidigma. Sa CPP/NPA/NDF, wakasan na
natin ang dantaon ng pananambang at labanang ito. Wala tayong pupuntahan, at lalo
itong nagiging madugo araw-araw.
Para matigil agad ang karahasan, ibalik ang kapayapaan sa mga pamayanan at
magkaloob ng kapaligirang nakatutulong sa muling pag-uusap na pangkapayapaan,
ibinabalita ko ngayon ang tigil-putukan sa CPP/NPA/NDF na magkakabisa agad,
nananawagan ako ngayon sa ating mga kapuwa Filipino sa National Democratic Front
at sa mga puwersa nito na sumunod.
Ito ang aking panawagan sa inyo: “Kung hindi pa natin káyang magmahalan, sa ngalan
ng Diyos, huwag nating awayin ang isa’t isa,” gaya ng sabi. Ganoon din ang sinasabi ko
sa inyo.
Sisikapin nating magkaroon ng permanente at pangmatagalang kapayapaan bago
magwakas ang aking panunungkulan. Iyan ang aking layunin, iyan ang aking pangarap.
Tungkol sa pamamahalang macroekonomik, magpapatuloy at pananatilihin ng aking
administrasyon ang mga kasalukuyang patakarang makroekonomik, at paghuhusayin
pa natin ito.
Magagawa natin ito sa pamamagitan ng masisinop na patakaran sa pananalapi
na makatutulong para ang malaking pag-unlad ay mangahulugan ng higit na marami at
magandang trabaho at pagkabawas ng kahirapan. Sa pagwawakas ng aking
panunungkulan, umaasa ako at nananalanging maipapasa ko ang isang ekonomiyang
mas matatag, na kakikitaan ng pag-unlad, hindi sobrang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin, matatag na reserbang dolyar, at malakas na katayuang pampananalapi.
Sa pagbubuwis, magpapatupad ang administrasyon ko ng mga repormang pambuwis
para sa mas simple at mas makatarungan, at mas episyenteng sistema ng pagbubuwis
na nakakapaghikayat ng pamumuhunan at paglikha ng mga trabaho. Bababaan natin
ang buwis sa kítang personal at pangkorporasyon at luluwagan ang batas sa bank
secrecy. E naging Presidente ako, ayaw ko sanang makialam dito, sa mga ito. Alam mo
na. Anyway, sa pagpapatuloy.
Sa sambahayan, dapat ay sapat ang kita ng lahat ng mga Filipino para matugunan ang
mga pangangailangang pagkain at di-pagkain ng kani-kanilang pamilya. Patuloy nating
hihikayatin ang pamumuhunan na lilikha ng libo-libong trabaho sa taon-taon—sa mga
trabahong nababagay sa mahihirap at walang gaanong kasanayang manggagawa.
Ipag-aatas ang mga reporma para tiyakin ang ating kakayahang makipagkompetisyon at
para itaguyod ang madaling pagsasagawa ng negosyo. Pagpapaluwag sa mga
restriksiyon ng konstitusyon sa ekonomiya para higit tayong maging kaakit-akit sa mga
dayuhang namumuhunan. Ipatutupad ang pagpaparami ng mga industriyang
nangangailangan ng mga manggagawa tulad ng manufacturing, agrikultura at turismo.
Dapat din tayong mamuhunan sa tao at garantiyahin ang pantay-pantay na
pagkakataóng pang-ekonomiya.
Kailangang maipatupad na ang Batas sa Responsible Parenthood and Reproductive
Health para ang mga mag-asawa, lalo na ang mahihirap, ay magkaroon ng kalayaan sa
pagpili sa dami at pag-aagwat ng mga anak na kaya nilang alagaan at tustusan, at sa huli
ay mapabilang sa mga higit na produktibong puwersa ng paggawa.
Kapag hindi makapagtatrabaho, gaya sa mga masyadong probinsiya, itataguyod ang
pagnenegosyo.
Pagagandahin din natin ang lokal na negosyo sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga
rekisitos na nagpapatagal sa pagpaparehistro at pagpoproseso ng negosyo, pagbawas sa
proseso ng kahilingang makapagnegosyo at pag-iisa sa mga serbisyo ng iba’t ibang
opisina ng gobyerno.
Ang mga Institusyong Pampananalapi ng Pamahalaan (GFI) ay gagawa ng mga
financing package na madaling maisagawa para magkaroon ng kakayahan ang mga may
maliliit at medyo malaking negosyo.
Sa larang ng turismo, magpapatayô táyo ng mas maraming kalsada at mga sentrong
panserbisyo na panturismo.
Ang paggawa ng mga kalsada ay dapat umayon sa layuning maglaan ng modernong
impraestrukturang pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalawak at
pagpapahusay sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga pasilidad sa patubig at
pagkakaroon ng mga modernong pasilidad sa pag-aani at pagkaani para mabawasan ang
mga pagkalugi.
Magsasagawa rin tayo ng pagsusuri sa lupa sa buong bansa para matiyak ang mga lugar
na pinakaangkop sa pagtatanim ng palay para mapataas ang produksiyon sa
pamamagitan ng paggamit ng mabisang rehabilitasyon at pagpapataba ng lupa.
Mahigpit nating ipatutupad ang mga batas sa pangisdaan, lalo na ang tungkol sa ilegal
na pangingisda at itataguyod natin ang aquaculture sa mga tabing-ilog at sa likod-
bahay.
Sa kabilang banda, pabibilisin natin ang paggastos para sa impraestruktura sa
pamamagitan ng pagpapaganda ng mga kalsada at tulay at pagpapatupad sa Mindanao
Logistics Infrastructure Network at iba pang mga plano para sa mga kalsada.
Ipatutupad natin ang mga proyektong magdurugtong ng mga isla.
Isasakatuparan natin ang mga hakbang sa pagpapagaan ng estruktura, para matugunan
ang taón-taóng pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar. Magtatayô táyo ng
mga bagong pumping station sa mga estratehikong lugar.
Ang muling pagbuhay sa Pasig River Ferry Service System ay isang solusyon sa
matinding trapik sa Metro Manila. Ito ay magsisilbing alternatibong paraan ng
transportasyon para sa mga pasahero lalo na sa mga nanggagaling sa silangan ng Metro
para makarating sa mga destinasyon sa mga lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Pasig,
Taguig, Marikina, at Quezon.
Palalakasin din ang ating kampanya laban sa kolorum at paghuli sa mga lumalampas sa
kanilang ruta pati na rin ang mga ilegal na terminal.
Upang matugunan ang kakulangan sa mga kalsada sa Metro Manila, lulubusin ang
paggamit sa mga kalsada. Kaya, kailangang makipagtulungan at makipag-ugnayan sa
mga LGU upang maisaayos ang daan ng mga alternatibong ruta at makipagsanggunian
sa iba’t ibang stakeholder, kabilang na ang opereytor ng sasakyang publiko.
Marami sa gobyerno ang makatotohanang nagpapalagay, at mahigpit kong sinasang-
ayunan, na ang lumalalang sitwasyon ng trapiko ay lohikal na masasagot, kung bibigyan
din ang Kongreso ng emergency powers ang mga kinauukulang ahensiya. Ayaw mo?
Okey lang din. Pakita namin kung gusto ninyong madalian. Alam naman talaga ninyo
sagad na. Nasa inyo iyan, kung ibibigay mo, sige. Kung hindi ninyo ibibigay, idadaan
natin sa mas mahirap na ruta na mas matagal. At tanggapin ko iyong pagmumura ninyo,
huwag lang sa malapit. E ganoon talaga e…kailangang solusyunan na ito. Gusto ninyo
madali, okey. ‘Pag ayaw naman ninyo, dahil baka sabihin ninyo graft and corruption
lamang, ‘di okey. Ginarantiya ko sa inyo--wala ito sa script… Ginagarantiya ko sa inyo,
magiging malinis ang gobyernong ito. Kung iyon lang ang inaalala ninyo, naiintindihan
ko kayo.
Wala na ito sa…haba…wala na ito sa script. You know, ako makagarantiya, 101%
magiging malinis ito. Ang problema ay makakagawa lang ako sa pamamagitan ng mga
ahensiya at departamento. Kaya sinasabi ko inyo na maski konting maliit lang, wala
akong ano doon…wala na akong politika, wala na lahat. Tapos na ako sa listahan. Hindi
ko lang magarantiya ang katapatan at galíng nila sa lahat ng pagkakataon. Yung mga
miyembro ng gabinete, oo. Pero iyong sa babâ—procurement, iyong bidding
diyan…pero sa pagkakaalam ko malinis talaga ito. Basta pag-uusapan namin sa likod
about federal system.
Alam n’yo, ang payo ko sa ‘yo ay: magkaroon ng federal system, isang parliyamentaryo,
pero garantiyahin ninyong may Presidente. Huwag, hindi na ako niyan, disqualified na
ako at sa mga panahon na iyon wala na ako dito. Pero maipapangako ko ngayon, sa
Republika ng Pilipinas at sa sambayanan, kung bibilisan ninyo ang federal system ng
gobyerno at maisusumite ninyo ito sa mga Filipino sa ikaapat at ikalimang taon—kasi
proseso ‘yan e—tumawag kayo ng referendum at pagkatapos ay presidential election,
aalis ako.. Sibat na ako. Pero dapat mayroon kayong Presidente, gayahin ninyo ang
sistema ng France. Huwag mong hayaan ‘yang puro parliament, delikado. Kailangan ng
mahabang panahon para sa—iyong kagaya ng England ‘no, dahil sa pambobomba…alam
mo double deck, natagalan din sila. Just no one apparatus for the Commander-in-Chief
down. Hindi ka puwedeng maging presidente, puwede kang humalal. Puwedeng si Tito
Sotto ang susuwertihin sa mga panahong iyon. O di, limitahan mo lang.
Ang mga kapangyarihang panseremonya, kapangyarihang magresolba, kapangyarihang
mag-off set ng resolusyon o anuman. Uutusan ko kayo, gawin iyan…o mga
kapangyarihang panseremonya, maliban sa mga panahon ng pangangailangan. Sabi ko
kung maibibigay mo sa akin ang dokumentong iyan, hihikayatin ko kayong mag-
conduct to order ng…maghalalan sa susunod na araw, sa susunod na linggo. At kahit na
dalawang taon pa, tatlong taon, Aalis na ako. Okey na ako. Huwag ninyo akong
alalahanin. I am into…marami na akong ambisyon. E nanalo pa e. Hindi ko nga alam
kung bakit ngayon, noon nandoon lang ako o. Totoo man. Sino ba sa inyo nagsuporta sa
akin dito? Wala man. Kahit na isang kongresista, maliban sa dalawang probinsiya,
gobernador. Iyon lang. Wala akong barangay captain, wala akong…wala lahat. Pero
ngayon…[Palakpakan]
Paiikliin ang panahon ng pagpoproseso sa pag-iisyu ng mga permit at. Sa aking
lungsod, palaging tatlong araw para sa mga pamahalaang lokal. Iyon ang magtatali sa
Tanggapan ng Pangulo hanggang sa huling barangay. Tatlong araw, tatlong araw,
pamahalaang lokal. Permit sa negosyo, mga clearance—hindi, teka lang. Walang follow
up.
Bigyan mo ng stub, bumalik sa susunod na linggo, tingnan mo iyong work load at
hihingan ko ang bawat departamento, iyong dito sa itaas, dapat may logbook sila.
Huwag sa kompiyuter, okey, itong ganito na mai-erase ‘yan. Ilagay mo ang araw, oras,
tinanggap ko ang dokumento ni Rodrigo Duterte, pagkatapos ay gamitin ang
kompiyuter, dapat ay may actuarial projection doon. Tingnan ang dami ng trabaho,
napakabobo mo naman… o gaano kadami ang trabaho ninyo, tapos pag bumalik ka dito
August 3, 3:00 o’clock, ibigay mo, ibigay mo. Ngayon, itinatatag ko ang 8888 para
lamang sa korupsiyon. Pag may marinig ako sa Executive Department, kahit bulong,
kahit bulong, hiwalay-hiwalay na tayo. Marami riyan sa, diyan sa gallery, marami riyan
walang trabaho, nag-a-aplay hanggang ngayon. Hindi naman lahat kasi mayayaman
iyan e, mga asawa ninyo ata iyan.
Samantalang ang pag-iisyu at distribusyon ng mga plaka ng sasakyan sa bilihan o sa
mga dealer ng sasakyan ay isasaalang-alang. Wag na sa LTO kasi hanggang ngayon,
panahon pa ni Hesukristo iyong unang plaka nila hanggang ngayon wala pa. Bayad na
iyon, hanggang ngayon sa awa ng Diyos.
Para sa mga lisensiya ng drayber, ang bisa nito ay pahahabain mula sa kasalukuyang 3
hanggang limang taon.
Para mabawasan ang pila sa mga bilihan ng tiket, maglalagay ng mga bilihan ng tiket ng
tren sa mga mall, stall, at mga tindahan, ipinagbibili mo iyon sa… diyan mo na ibigay,
akreditado. Wag doon banda sa Recto kasi sigurado pekein iyan ng mga ulol.
Muli akong magsasalita sa Pilipinas. Ako po ay doble ang pagod para sa inyo, para sa
kapakanan ng bayan. Seryoso po ako. Kayong mga ganoon, tiket-tiket at magkaroon ng
gulo, huwag ho ninyong gawin iyan. Ito na iyong babala ko, you know, huli. Wala nang
iba, hindi ko na gagawin, wag ninyong sirain iyong mga bagay-bagay na ginagawa namin
para sa kapanakan ng tao. Mabuti iyang magkaintindihan tayo. Kaya wag ninyong
gawin. Simple lang iyan e. Para walang away sa gobyerno iyong mga bagay na ilegal at
masama at hindi tama, wag mong gawin at hindi kami mag-aaway dito. Pati iyong pari,
pati si Pope tinamaan.
Magkalinawan tayo sa isa’t isa, ako ay para sa kaginhawahan at kapakanan ng mga
Filipino. Kayo namang hindi pa bungog diyan, hindi pa pumasok iyang mga droga, kung
ayaw ninyong mamatay, ayaw ninyong masaktan, wag kayong umasa diyan sa mga pari,
pati karapang pantao, hindi nakakapigil iyan ng kamatayan. Kaya, wag ninyong gawin.
E tapos nandiyan ka nakabulagta at nakikita ka sa mga diyaryo na parang Inang Maria
na kalong ang patay, ang bangkay ni Hesukristo.
Ayan ang mga yan e. Magdadramahan pa tayo dito. Dito ako nakatingin kasi nandito
iyong publiko h. Alam mo ilang beses ko nang sinasabi, sa Davao huwag mong gawin,
kasi magkakaproblema tayo. Siya na dahilan ng dahilan ang dahilan ng lahat ng ito.
Ikaw iyong nag-umpisa, lunukin mo—ulitin ko ha, siya na dahilan ng dahilan ang
dahilan ng lahat ng ito. Kami nagtatrabaho lang. Mayroon tayong bansang
binabantayan. Kailangang maging malusog ang milyon-milyong tao. Tungkol ito sa
droga, tungkol ito sa interes ng publiko, kaayusan ng publiko. Kita mo nabawasan ang
mga krimen, wala na kasing magnanakaw, wala nang nanghoholdap. Kasi para yan—
bakit itatapon sabi nila e maliliit lang iyan. Gamitin mo utak mo.
Kung mahahawahan ka, kagaya ng negosyo ng mga Chinese, pakyawan sila. Maski
konti-konti, kung ang buong pondo kontaminado, pera yan. Hindi ko sinasabing sa
Chinese gawain itong pakyawan/patingi-tingi, maski na kumita lang ng piso dyan, okey
na iyan. Kasi paramihan e. Yan ang ibig kong sabihin.
Umaasa akong magrereklamo ang militar at ang pulis sa bagay na ito…bahagi ito ng
malalim na imbestigasyon na nakuha namin. Obligado akong humarap sa publiko kasi
iyong mga pari nag-aano. Alam mo, kayong mga midya, naghahanap kayo ng “nasaan
ang malaking isda?” Saan iyong bilyonaryo na mayaman, iyong mga may kotse, may
mga Mercedes, ma’am nandoon yan sila sa labas, wala dito. Maghanap ka ng isang
batalyon ng pulis para hulihin natin doon, kung kaya natin. Doon nila dinadala ang
droga sa kanila. Meron silang ganito, malaki, sa oras na ito nakikinig sila ngayon dito.
Sandaa’t isang porsiyento na nakikinig sila dito. Saan doon? Doon lang. Isosoli nila sa
pondo, o itapon mo diyan, tapos umalis ka kunin sa tindahan yung bag o package. Di ba
sabi mo nakikita ng midya. Kayo lang ang nagba-brand niyan na drug lord eh. Hindi sila
ang mga drug lord, mga tinyente, delivery boy iyan, kung baga LBC lang yan, pati DSL,
Federal.
Pati iyong tawag nila basura, iyon yung banta ano—huwag kayong maghanap. Gusto
ninyo sabihin ko sa inyo, puntahan natin. Ibibigay ko ang mga pangalan. Ipakikita ko sa
inyo ang datos ng intelehensiya. Pero bigyan mo ako ng garantiya na may gagawin ka.
Kasi bibigyan kita ng pangalan, bibigyan kita ng bansa, kung wala pa ring gagawa, mag-
shut down tayo—kaya hindi lang kami… hindi tayo kailangang maging lubhang personal
tungkol sa ating gawain dito. Sinasabi ko na—dito oh, balik na tayo. Kasi iyong hindi
nakakaintindi na mga Tagalog, ano na iyong, tagal naman nitong—Tutugunan ang
pagsisikip ng mga pasahero sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bilang ng tumatakbong
tren mula sa kasalukuyang 16 na tren na may kabuuang 48 kotse bawat oras, hangang
20 tren na may kabuuang 60 kotse bawat oras; dagdagan ang bilis ng tren mula 40
(kph) hanggang 60 (kph).
Ang problema nito, iyong mga daangbakal—hindi na ito kasali diyan; huwag kayong
maniwala dito. Dalawang-katlo nito ay akin, ang sangkatlo ay—korek iyong gramar ko.
Ayaw lang nila Animnapung kilometro bawat oras, problema nito, at kailangan ninyong
umayon sa akin na matanda na ang mga riles. Karamihan sa mga riles siguro. Noon pa
‘yan sa panahon ni Marcos, Imelda. Nandiyan pa. Ngayon, sabi ni Tugade, “Sir, ito sa
akin ha, sabihin ko 40 hanggang 60 kilometro bawat oras.” Sabi ko, “Art, sigurado ka
maka-hold ang riles niyan? Baka maputol iyan, magdiretso ang rren sa Cavite.
Dumiretso sa Cavite, maglipad, doon kay Tolentino, “Oh, bakit may tren dito sa
Tagaytay?” Medyo mabilis ito, medyo mabilis, 60 kilometro bawat oras at may hinihila
itong mabigat. Kapag umandar na talaga ito… mawalan ng ano … umaandar ito nang
mabilis na may mabigat na dala na masyadong mabilis, mahirap mong … sumasadsad
kasi mabigat eh. At umiikli ang oras ng biyahe mula 5 minuto hanggang 3 minuto.
Mahina lang tayo ng—ang plano ni Tugade, mahina lang tayo ng isang minuto sa Hong
Kong. Dalawang minuto, kaniya tatlong minuto eh. Art, ambisyoso ka. Kaya mo kaya
ito?
Espesipiko para sa LRT, ang oras ng operasyon ay palalawigin mula 9:30 hanggang
10:30 n.g. So marami pang batang uuwi niyan. At para mas marami pang pasahero ang
makasasakay, agad nang tutugunan ang mga atraso sa pagbili ng dagdag na mga tren.
Ngayon, iyan ang sinasabi ko. Kung gusto mo akong makilala, mabuti. Wala akong
problema. Sabihin ninyo na doon ang … gawin natin sa normal na paraan. Kung nagawa
mo ang 46. Ang maganda nito, napirmahan ko na ang Executive Order sa amin, FOI.
Naunahan ko kayo. Nandoon na sa akin. Oo, tapos na ako. Ilalabas ko na. Lalabas ito
ngayong araw. Alam ninyo, sabi ko, unahan ko ang Kongreso puro mayayabang ang ano
diyan. Susunggaban natin ang … stealing one’s thunder. Unahan na natin. Para
maitutuloy na natin ang mga proyektong panriles sa Metro Manila at sa mga
pangunahing lugar sa bansa kabilang ang Mindanao Rail Project. Hindi ako
nagyayabang pero totoo talaga ito. Nasa …. tayo depende sa Federal pero sa anim na
taon, lalabas talaga ito. Ginagarantiya ko sa inyo dahil magkakatotoo ito. Mga
proyektong panriles, Davao Transit System, ang Cebu Transit System, ang North at
South Luzon Railways at ang proyektong Panay Railways. Panay! E tagasaan si ano,
Panay. Panay ang bigay natin para—sabihin naman ni Senador Drilon, bina-backbite
dito. Lalagyan daw ng isla ng tren. May tawa pa. Bina-backbite ka dito. Isumbong mo
iyan. Tingnan mo. tan-awa diha.
Iba’t ibang pamamaraan ang pinag-aaralan para mapaluwag ang NAIA kasama na ang
posibleng paglipat ng kabuuang aviation. Ang estilo ko kasi, ganito, hindi naman ako …
Hindi ako bagay sa pormalidad. Itong trans-general aviation, alam nyo kung sino ang
tamaan niyan? Kayong mayayaman. Kayong may mga helikopter pati eroplano, ililipat
ko kayo. Alam mo iyong general aviation, iyong mga Lear Jet, iyong sa mga kompanya,
ilagay ko kayo sa Batanes para walang air traffic. Iniaalok ko ang Sangley Point. Kasi
kailangan isang runway ‘yan. Puwede akong gumawa ng isang bagong runway doon.
Sabi ng mga eksperto sa aviation, pero tumbok niyan ay ang Merville Subdivision. Maka
isa pa akong runway dito sa Metro Manila. Pero kung hindi doon, magiging Clark ito sa
isang kondisyon na mayroon kayong mabilis na tren. Sabi ko, mga isang oras ng biyahe.
Sabi ko kay Tugade, hindi ito katanggap-tanggap. May riles doon, bago, marami pa.
Ang bow ng araw ay bullet train. Ilagay mo iyan sa Filipino na drayber, sa point ko, hilo.
Maglampas kayo dito. Puwedeng gamitin ang Clark Airport para ilipat ang ilang
operasyon ng ating domestiko at internasyonal na eroplano.
Gagawa din ng isang one-stop shop ang sa loob ng Clark civil aviation complex para sa
mga Filipinong nasa ibayong dagat. Ito mangyayari na ito.
Para lalong mapakinabangan ang Clark Airport, kailangang magtayo ng mga … mayroon
kang riles na idurugtong.
Tungkol naman kapaligiran, inaatasan ang militar na palakasin—makinig kayo, hindi
tawa diyan—ang suporta laban sa ilegal na pagtotroso, ilegal na pagmimina— andiyan
pa naman si Gina Lopez—at iba pang gawaing nagpapalala sa pagkasira ng ating likas na
yaman. Kailangan kong pangalagaan ang bansa. Marami ang nagrereklamo sa
pagkakahirang kay Gina Lopez. Pero si Gina at ako, pareho kami ng paradigm: ang
interes ng bansa ay una sa lahat. Hindi ko naman sinasabi, may batas na
nagpapahintulot sa pagmimina. Si Gina Lopez at ako ay nagsasabi lamang sa inyo,
sumunod sa mga pamantayan ng gobyerno. Huwag ninyong siraan ang kapaligiran.
Sundin ito nang tama. wala tayong problema. Magbayad lamang ng tamang buwis;
sumunod sa mga pamantayan. Ginagawa lang ni Gina Lopez ang kaniyang trabaho.
Alam ninyong totoong krusado siya. Iyan ang…ganiyan ko mailalarawan ang kaniyang
persona: Krusado. Kaya palagay ko tama iyan. Bakit? Nandiyan ba si Ma’am Gina Lopez,
Kalihim Lopez? Ganito iyan, pumunta siya sa Davao. Gabi na mga ala-una, dahil sa mga
unang araw ng aking … nang manalo ako pero hindi pa ako nakapanumpa. Marami na
ang nagpuntahan—pagbati, mga congratulation. Eh si Ma’am, pumunta nang dalawang
beses. Palagi niyang ipinakikita ang pagkasira ng … ito na nga. Tapos dalawang oras na
naman, mukhang hindi na matapos. Sabi ko, “Ma’am, huwag kayong masasaktan,” totoo
man. Wag kang magagalit dahil ito ang katotohanan. So mag-aalas tres na, “Rody, ito
hindi.” Tapos tuloy-tuloy na, para ring congresman. Sabi ko, “Ma’am, mag-aalas
kuwatro, Ma’am. Ano kaya kung ikaw na lang ang DENR?” Bigla din siyang sumagot,
“totoo ka?” Sabi ko, “oom.” Hindi yung, “oo,” Siya, siya, “Konsultahin ko ang pamilya ko
at itanong ko sa aking…”
Nang sumunod na araw, tawag siya kay, sa aide ko, kay Bong. Sabi niya, “Bong, okey na
tinanggap na, sabi ng pamilya ko, okey na.” Sabi ko, “haay bantay ka sa ... Pero alam
ninyo, hindi ako pipili ng sinuman na kaiba sa pag-iisip ko. Kukunin ko ang isang tao na
kapareho ng pagtingin ko sa buhay, lalo na iyong pagkasira… Tama iyan, isa siyang
krusado at magpapatuloy siya. Inuutusan din ang DENR na tingnan ang lahat ng
permiso na naipagkaloob sa pagmimina, pagtotroso, at iba pang sensitibong aktibidad
na pangkapaligiran, garantiyahing sumusunod sa istandard ng gobyerno at kung
sigurado—ito na iyong pinakamaganda—amyendahan, suspindehin, o ipawalambisa ang
mga permiso, sige ituloy. Gusto kong pasalamatan ang Diyos na nagkaroon ako ng
pagkakataong ito, totoo. Hindi ako… wala namang ano, hindi ko naisip na aabot ako
dito. I’ve always had that crank sa isip ko mahirap itong ano.
Gaya nitong Laguna Lake, naubos na ang mga…wala na ang mga mangingisda. Yun na
lang kaibahan ng isang malaking palaisdaan sa iba, iyon na lang ang sa mga tao.
Makikita mo sa eroplano, tuwing pumupunta ako sa Davao at dumaraan sa lugar na
iyon. Palagi, nakita ko talagang wala nang ano. At nagrereklamo na ang mga
mangingisda tungkol sa pagkalugi. Talagang wala na sila. Kasi ang maliit na lugar, iyon
lang ang kanila. So dito pinadaan ko lang sa diplomasya na ang Laguna Lake ay
magiging isang aktibong economic zone na nagpapakita ng ecotourism sa pamamagitan
ng paglutas sa negatibong impact dulot ng pagkasira ng watershed, kumbersiyon ng
lupa at polusyon. Ito ang nilagay ko. Ito ang sinasabi ko sa inyo—ang mahihirap
na mangingisda ang may priyoridad sa pagmamay-ari nito.
Ang utos kay Gina ay, “ayusin mo, Ma’am.” Huwag mo namang ipitin, pero kailangang
bawasan nila ang lugar na ookupahin. Hindi puwedeng iyo lang lahat ng pakinabang.
Sila na iyong may pera, kailangan itong matigil. Kung sakaling tanungin kung sino ang
may ari niyan, simple lang, mga Heneral, mga Meyor, Gobernador, baka Kongresista. I
mean, hindi ito personal. Palagay ko kailangan kong gawin ang bagay na ito, dahil ito
ang tamang gawin.
Para magkaroon ng sapat na pasilidad sa pagtatapon ng basura para sa Metro Manila,
ang pinal na pagsasara at rehabilitasyon ng Carmona Sanitary Landfil ay ipagpapatuloy
habang pinag-aaralan ang paggamit ng tamang pasilidad sa waste-to-energy. Marami
iyan, napakabilis ng pagdating ng teknolohiya. Sa bahagi ng pamamahala kailangang
palakasin ang ating pagsisikap sa bagay na ito. Taas mo na, mataas yang paragraph na
iyan—piliin ang pinakamagaling, anong sabi ang taas nito—mabubuang ka.
Para mas maayos ang pamamahagi ng publikong impormasyon, kinakailangang
magpasa ng batas, sinasabi ko sa Kongreso, na likhain ang People’s Broadcasting
Corporation, kapalit ng PTV-4, ang estasyon ng TV na pinatatakbo ng gobyerno, na
gusto ngayong gayahin ang mga broadcasting network ng ibang bansa. Ang mga grupo
gáling sa mga international news agency—gusto kong banggitin na, iyong mga
interesado, BBC—ay nakatakdang dumalaw sa bansa sa lalong madaling panahon para
sanayin ang tauhan ng mga government-run channel—ito ang gusto ko, tutal pera
naman ng tao— ipatupad ang editoryal na kalayaan sa pamamagitan ng mga
makabagong programa at matalinong pagtrato at pag-analisa ng mga pagbabalita, gayon
din ang mga mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Ang Kawanihan ng mga Serbisyo sa Brodkast ng gobyerno, mas kilala bilang Radyo ng
Bayan, ay sasailalim din sa modernisasyon para maging praktikal at maaasahan para sa
wasto, malaya, at mga malinaw na balita at komentaryo. Isasanib ang Radyo ng Bayan
sa PBC.
Habang naghahanda ng isang Presidential Communications Satellite Office sa Lungsod
Davao, magtatayo rin ang PBC ng mga broadcast hub sa Visayas at Mindanaw. Sa
Lungsod Davao rin matatagpuan ang kauna-unahang tsanel na Muslim, tatawaging
Salaam Television, at ang unang tsanel na Lumad.
Makikipag-ugnay ang PCO sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap at sa Presidential
Legal Counsel sa pagpapatupad ng bagong pinagtibay na EO sa Freedom of
Information. Inilabas na ang Executive Order na ito. Bilang halimbawa, sa bahagi ng
Sangay Ehekutibo, para gawing sukatan ng mga gawain ng gobyerno ang transparency
at integridad, ang savings at gastusin ……
Ang PCO, sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap, ay
naghahanda ng Atas Pampangasiwaan sa Presidential Task Force tungkol sa mga media
killing.
Hindi tinatanggap ng gobyernong ito ang karahasan at paniniil sa midya. Ang bona fide
media, bona fide media, kung minsan binibigkas itong bona fid, pero anuman ito, ang
tunay na midya ang siya nating laging kapartner sa pagbabago. Medyo hindi klaro yan.
Hindi, anong gawin mo sa hindi bona fide media? Yan ang problema.
Para matugunan ang mga backlog at mabagal at hindi episyenteng pagsasagawa ng
prosekusyon, ang mga proseso ng imbestigasyon at paghawak ng kaso ay gagawing
streamlined, pati na ang para sa mga ilegal na droga at mga heinous crime.
Para wakasan ang laganap na kultura ng takot at pananahimik na bumabalot sa ating
sistema ng hustisya, hinihingi ko sa Kongreso, kayo, na isabatas ang Whistleblower
Protection Law samantalang ang kasalukuyang Witness Protection Program ay
palalakasin. Hirap maging Presidente, maski dito lang.
Ang bilang ng mga abogado at pantulong na tauhan sa PAO, ang Public Assistance
[Attorney’s] Office, mga tanggapang rehiyonal at pandistrito ay dadagdagan para higit
na maserbisyohan ang mga mahihirap.
Sa ngayon, inatasan ko na ang DILG na magpakalat ng impormasyon at kampanya sa
buong bansa tungkol sa pederalismo, sa pakikipag-isa sa iba’t ibang kaalyado at sa mga
LGU, lipunang sibil, masa, at mga organisasyong pampananampalataya. Hinto muna
ako dito, itong federalism.
Ewan ko kung tama, alam mo itong bayan natin, uulitin ko, alam kong alam ninyo ito.
Noong 1521 o 1526 dumaong si Magellan sa Leyte—Kumare ko man ito, salamat mare
ha. Isandaang taon nang Islam ang Mindanao. So ano ito, imperyalismo ito. Nagkaroon
ng kawalang katarungan sa kasaysayan laban sa mga Moro. Kailangan nating itama ito,
pero imposible ito ngayon. Kaya kayong mga kapatid kong Moro, alam naman ninyo—
ako, dumayo ang tatay ko roon, kaya may halo ang dugo ko, Moro pati Kristiyano. Pero
alam ninyo, intindihin na lang natin ito na hindi natin maibabalik sa inyo ang lahat ng
nakuha ng mga Amerikano, Español, pati iyong mga Filipinong mga kapitalista. Ang
mga nagsamantala sa Mindanao gamit ang slogan na, “pumunta sa Mindanao dahil ito
ay lupa ng pangako.” Dahil sa pagpasok ng napakaraming tao na karamihan ay
nanggaling sa Bisaya, nagkaroon tayo ng… hindi natin ito masosolusyonan sa paraang
gusto ninyo. Kailangan nating magkaintindihan, pagkatapos ay kailangan ninyong
mamuhay kasama ang bawat isa, pero susubukin natin.
Ang sinasabi ko lang, babalik ako, dahil sa federalism, sina Misuari, Sema at ang lahat—
kahit ang mga lider na politiko ng Mindanao ay sasang-ayon dito. Hindi natin,
maaalalang hindi ko masyadong dinidikdik ang Abu Sayyaf dahil konektado talaga ito
sa mga unang pag-uusap nina Misuari, ng mga Pangulo— mula kay Pangulong Marcos
at ngayon, hanggang ngayon. Ang tanging paraan, sabi nila upang matamo natin ito,
iyong BBL ibigay na natin, alisin na lamang ang mga bagay na hindi ninyo gusto, iyong
mga isyung konstitusyonal, tanggalin muna natin. Ibigay ko iyong lugar, nandiyan na
iyan e. Kaya hinihiling ko sa inyo, pagtibayin na ninyo ito huwag na lang isama ang mga
isyung kontra sa Konstitusyonal. Ibigay na natin at kapag may sistema nang
federalismo, isali mo na sa package kasama si Misuari. Iyan ang solusyon para sa
Mindanao, wala nang iba, maniwala kayo, wala nang iba pa ang puwedeng solusyon.
Pag-isipan ninyong mabuti ito, pagnilay-nilayin, dahil iyon ang tanging paraan para
magpatuloy.
Sa hiling ng ating mga mamamayan tungkol sa mabilis na pag-iisyu ng mga pasaporte
ng Pilipinas, sisikapin ng gobyerno na maamyendahan ang 1996 Batas sa Pasaporte para
mapatagal ang bisa ng mga pasaporte mula sa kasalukuyang limang taon para gawing
sampung taon. Tutal, kayo naman ang maggagawa ng batas, kayo ang magpapatibay ng
batas, kahit na gawin pa ninyong 30 taon, okey ako. Bahala kayo. Basta, patagalin lang
ninyo nang kaunti dahil ang limang taon ay karaniwan na lang. Matagal pa naman itong
passport, mag-aplay ako ng mga 10 araw—alam mo, gusto kong tawagin ang atensiyon
ni Kalihim Yasay.
Kung pupunta ka sa Davao, tumingin ka doon sa … tumingin ka sa likod, likod ng itong
mall, ‘yung malaking mall. Sige, pangalanan na natin—SM. Doon, iyong mga tao
nandiyan sa pavement natutulog. Sa maraming beses na nadaan ako na walang ulan,
doon yan sila. Sapagkat first come, first served at ang nag-iisang outlet doon, ang outlet
ng iyong departamento ay iyong sa SM. So iyong mga―maawa ka roon parang dito sa
side ng Cotabato, lahat ng Cotabato, doon sa Davao. Karamihan niyan walang mga
bahay, kung ikaw ay isang aplikante sa Davao City, mabuti kung gayon.
Pero alam ninyo kung walang―mahirap kasi ano.. Maka-remind yan mga Moroano,
naghihiga sa mga pavement, nasasaktan talaga ako. Masakit e. Buong gabi maghintay
diyan hanggang magbukas ang SM, kasi first come first served. Kaya sabi ko―inadres ko
ito sa lahat ng miyembro ng Gabinete, gamitin ang computer. Ayokong makakita ng mga
táong nakapila sa init ng araw. Ayokong makakita ng mga táong nakapila sa ulanan na
may mga ganun. At gusto ko itong Labor – wala na ito sa script. Iyong prompter
natutulog na siguro ito, papindot-pindot diyan. Alam mo, nandiyan naman iyan. Sabi
ko, ang gusto ko ay isang journal. Kapag iniharap ng aplikante ang mga dokumento,
bigyan ninyo siya ng shopping list, huwag ninyong dagdagan o bawasan iyon, iyon na
iyong final. At kapag nasunod na niya iyon, mabuti, wag mo na siyang pabalikin. kasi
kung magtawag iyan sa 8888, my God puntahan ko talaga kayo, ‘yan ang bisyo ko nung
meyor ako. Making a difference ito, meyor-presidente. Puntahan talaga kita at hiyain
kita sa maraming tao. At tatanungin kita sa harap ng marami kung ano ba ang nangyari
at nagkaganito.
Pupuntahan ko talaga kayo. Lokal, barangay, pulis, militar, lahat, bigyan mo ng
shopping list, ‘wag mo lang pabalikin dahil pag magtawag ng 8888 iyan, tapos makita ko
na balido ang reklamo, bahala ka, anong walang panahon, pupuntahan kita sa opisina
mo at tatanungin kita, “bakit?” Bigyan mo ng stub, kailangan mong gumamit ng
actuarial ability, madali ‘yon. Pero pagtanggap mo ng tao, ang pinatutungkulan ko ay
ang aking sarili—journal, papirmahin mo siya, lagyan mo doon, tingnan mo sa
computer, magkonek ka doon sa actuarial…hindi mo kailangan ng bobo diyan e. Kasi
matatapos siguro iyan mga susunod na buwan, tapos na. Projections lang naman. Balik
ka dito August 15, 3 o’clock, pagdating ibigay mo. Ngayon kapag nagpunta siya sa
Malacanang, at sinabi niya ang tungkol dito―para sa mga may balidong dahilan para
magreklamo tungkol sa katiwalian, bukás ang gate ng Malacañang. Doon
ka. Magsumbong ka, at sasabihin sa akin ng aking military o aide o yung si ano―itong
nagbigay ng tubig, “Sir, dito marami kang …”
At ang dahilan kaya hindi ako lumalabas, hindi ako tumatanggap ng mga imbitasyon—
dahil tuwing magbibiyahe ako sa paligid ng Maynila nagiging sanhi ito ng grabeng
pagsisikip ng trapiko. Kasi pati itong pag-uwi ko, ito rin ang nakikinita ko—paglabas ni
presidente, ano yan picture taking, ganoon at sisimulan nilang harangan ang…iyong
mga daan patungo sa …ganoon iyan tuwing lalabas ang Pangulo, ganoon iyan. So
paparahin nila iyan, sabihin nila dadaaan iyan sa ganitong oras, samantala sarado iyan,
di paglabas ko kala mo Biyernes Santo, walang sasakyan diyan. Yun pala naging grabe
na ang trapiko, ang dulo ng trapiko ay nasa kung saan, limang kilo―at mga dalawa
hanggang tatlong oras bago bumalik sa normal ang lahat. Kaya hindi ako tumatanggap
nang―at ayaw na ayaw kong magbiyahe. Kasi talagang lilinisin iyan e, ito namang―ang
taas kasi ng entourage Presidente, dulo sa dulo may ambulansiya. Hindi lang
entourage, parang prusisyon na. Sabi ko dalawa, tatlo tama na, sa gitna lang ako. Pero
ang totoo mag-taxi lang ako dito sa likod, sunod lang ako, E takot ba sila na…ano ba ang
makuha mo kung patayin mo ako? Para ano, may ambulansiya roon, dagdagan mo na
lang punerarya.
Inatasan ko na rin ang DFA para gawing simple ang mga kailangang dokumento para sa
aplikasyon sa pasaporte at magbukas ng mga dagdag na Consular office sa mga
estratehikong lokasyon para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila at maiwasan
ang mahahabang pila na nagiging sanhi ng paghihirap at pagdurusa ng mga nag-aaplay
ng pasaporte.
Inatasan ko rin ang bagong likhang DICT, Information and Communication Technology,
na bumuo ng isang National Broadband Plan para mapabilis ang pagkakabit ng fiber
optic cables at wireless technologies para mapabilis ang internet. Ito para ito sa ... alam
ko, Mahal kong mga kababayan maligayahan kayo nito. Pagpaano mo lang yung Tagalog
ko, kasi e kayo hindi kayo marunong mag-Visaya, e di.
Magkakaroon ng libreng wi-fi access sa mga piling publikong lugar, kabilang na ang
mga plaza at mga parke, mga publikong aklatan, mga eskuwelahan, mga gobyernong
ospital, mga estasyon ng tren, mga paliparan at mga daungan.
Ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang pagsumitehin ang kanilang mga
kliyenteng ng mga aplikasyon para sa koordinasyon, ng mga pinagsama-samang iba
pang ahensiya. Taas mo, wala na iya, ayaw mo magsalita. At national portal, oo, dahil ito
ay ating… parang website.
Ito: Palalakasin natin…mainit talaga ako dito. Para sa akin, kapantay ito ng pagturing ko
sa droga. Palalakasin natin ang giyera laban sa mga human trafficker at mga illegal
recruiter na nambibiktima sa ating mga migrante.
Para magarantiyahan na ang pinaghirapang pera ng ating Overseas Filipinos ay nasa
mabuting kamay, dapat itaguyod ang isang mandatoryong edukasyong pinansiyal para
sa lahat ng pamilya ng mga migrante at ang kanilang mga komunidad kasama na ang
mga insentibo upang mahikayat silang magnegosyo.
Tinatawagan ko rin ngayon ang Kongreso na isaalang-alang ang paghahanda ng mga
panukalang-batas para pag-isahin at pagsamahin ang mga ahensiya at tanggapang may
kinalaman sa Overseas Filipinos sa isang kagawarang magpopokus at mabilis na
tutugon sa mga suliranin at pangangailangan nila.
Kailangan mo ng isa. Ngayon sinabihan ko … ewan ko, nandito ba si Kalihim Bello?
Bebot. Wala? Absinero talaga iyan. Maski sa Gabinete absinero iyan. Gusto kong
magrenta siya, umupa ng ilang gusaling malapit sa… para sa mga nangingibang-bansa
lamang. At lagyan ko na―atas na ito sa lahat…BIR, lahat na. Lahat ng may kinalaman sa
mga clearance ng pulis, sa isang gusali, may booth lang. Sabi ko, “Diyos ko, gamitin ang
computer.” Kaya doon lang siya mag-ikot sa isang gusali. Ang Filipino, hindi na siya
magpunta doon sa Statistics, hindi na magpunta doon sa ano, diyan, diyan sa opisinang
iyan. Gamitin ninyo ang computer at makukuha ninyo agad ang mga resulta. Bakit
kailangang magpunta pa niya sa Malate, at pagkatapos ay magdusa sa trapiko, isang
dokumento lang ang kaya niyang matapos sa isang lakad.
Ang mga NBI clearance ay doon na ninyo ibigay, lahat na doon na. At kung dapat…may
awa itong si Bello, pakainin ninyo iyong mga tao doon, lalo na sa probinsiya.‘Pag tingin
ninyo taga-probinsiya, tapusin ninyo agad. Gamitin ang computer. Kapag hindi ninyo
ginamit iyan, tapon na lang ninyo. Itapon na ninyo ang inyong mga computer at
nauunawaan ko ‘yan. Gamitin ang mga computer. Taas mo na ‘yan, wala na iyan.
Para maiwasan ang parang iskuwater sa mga relocation site, hinihiling namin ang mga
utilities na gaya ng Meralco at kooperatibang pang-elektrisidad na makapagserbisyo sa
pamamagitan ng direktang koneksiyon sa mga relocation site at mahihirap na lugar.
Alam mo kung bakt? Hindi na nila nilagyan diyan e. ‘Yan ang dahilan kaya kailangan ko
kayong kausapin nang ganito. At bakit? Dahil walang koryente pagka mahirap ka. Hindi
mo pag-aari ang lupa, ang City Engineer ay hindi―’yan ang karanasan ko, 23 taon,
bilang meyor. Hindi yan magbigay ng direct connection, kasi hindi ikaw may-ari ng
lupa. Pero ang iskuwater na iyon ay nandoon na nang 20 taon. Kaya magconnect-
connect sila. Pagka-connect-connect nila, ang gamitin nila iyong wire na…iyong
pinakamura. So, nag-o-overheat kasi connect-connect na sila kung sinong…minsan
magnakaw. Alam mo, kailangan nating gumawa ng mga adjustment. Hindi ang mga
taong ito ang magkokorek, dahil wala sila sa posisyon para gawin iyon. Kayo ang dapat
mag-adjust sa pangangailangan ng mga tao. Tutal iyan namang… iyan naman iskuwater
na iyan, hangga’t ako ang nakaupong Presidente, walang magiging demolisyon kung
walang relokasyon. Hindi talaga ako papayag. Hindi naman aso iyan na―gaya ng sa
Davao. Gusto kong makipagdiyalogo sa mga negosyante. “Sir, magkano man ang inyong
invest sa lupang ito, ang bili mo sa mga iskuwater?” So, binili ko ito ng mga 60 milyon?
Dagdagan mo ng 20 milyon, ako na ang bahala. Sabihin ko doon sa mga tao,”bili tayo ng
relocation site o bibigyan ko kayo.” Kukunin ng gobyerno. Gagamitin ko ang
kapangyarihang kumuha. Gawa ko ganoon sa Davao e. May 20 ektarya ako doon.
Kukunin ko ang ibang lupa doon, iyong malapit lang. Tapos sasabihin ko, “ang 20
milyong ito ay maakatulong na makalipat kayo sa bagong lote.” At hihimukin ko ang
bawat isa, iyong bagong factories doon sila magtayo.
Magtiis-tiis lang muna kayo pansamantala, para mabawasan ang mga paghihirap ng
mga táong ito—iyan lang ang paraan upang magawa ito. Pero sa halip na demolisyon,
walang matirahan ang tao. Tutal, maraming taon na ninyong hawak ang inyong mga
karapatan, e bakit ngayon pipilitin mo akong magkaproblema ng ganoon. May iba kasi
hinahayaan nila ng sampu, 20 taon nang wala silang ginagawa. At pag dumating na ang
oras na …ipagbili lang nila, e tayo ngayon ang distorbohin. O di gumastos ka para mas
madali, magdagdag ka lang ng konti at magkakaroon ng kapayapaan. “Pag hindi, wala
iyan… away na naman talaga iyan ng gobyerno at ng…tawag nila iskuwater. Mga
iskuwater naman talaga iyan. Masasaktan lang, mamatay nang wala kahit anong
dahilan. E kung mayaman ka, bigyan mo naman ng konting ano, bigyan ng relokasyon
at matutuwa akong makikipag-usap sa mga tao at sasabihing,”umalis kayo, hindi ito sa
inyo.”
Inatasan ko na ang kinauukulang ahensiyang nagpapatupad na ipriyoridad ang pag-
iisyu ng mga kailangang permit para sa pagpapaunlad ng enerhiya. – Okey iyan sa akin.
Ang problema…sandali lang ‘to. Para ka diyan. Iyong mga environmentalist, mayroon
tayong ano kasi…marami tayong coal, pati iyong―ito nga, itong energy emissions, wala
naman akong problema diyan. Pero wag mong sabihin sa akin na kung
ikaw―ambassador ka tapos sabihin mo sa akin na medyo hanggang diyan kayo, kasi
kami hanggang dito lang din kami. Ano? Kayo umabot diyan. Nasa tuktok na kayo
ngayon ng pagiging industriyalisado, pero kayo ang nauuna –America, China, Europe.
Kayo bongggang-bongga na hanggang ngayon ay wala itong naitutulong.
So, kung marami kayong restriksiyon doon sa kasunduang iyan, ang kasunduang
sinisikap nating …naririto pa ito sa Senado. Linawin nating mabuti ito. Kailangan
nating maging industriyalisado. Kailangan natin ng koryente, at dahil diyan, kailangang
ikonsidera ang mga emisyon. Hindi ko lang masabi ito. Nagtatag ako ng limang
economic zone dito at sasabihin mo na―marami kang sinasabi, carbon footprints,
mahirap iyan. Ang ibig kong sabihin, mahirap iyan.
Hindi ako basta-basta sasang-ayon sa kahit anong bagay na makaka-delay— anim na
taon lang ako sa puwesto. May gusto akong gawin sa panahon ng aking termino.
Ngayon, tiyak kong darating na ang malalaking makina at kahit ang koryente.
Pinakamura ang coal. So, ito naman sa lokal, magkakaproblema kayo kay Gina. So,
mag-usap na lang tayo, sa Gabinete na lang. Si Gina naman ay matalino, huwag ka lang
magsimangot sa harapan niya. Bigyan ka niya permit maski lima. Magsimangot ka, zero.
Ang kailangan lang ngayon ay maging magiliw kayo sa kaniya, ‘yun lang. Ang kailangan
lang ay makipag-usap at magpaliwanag sa kaniya. Pero kung ang ―kung gumagamit ka
ng state-of-the-art technology, at nakita ko iyon nang ilang beses sa ibang mga planta ng
koryente sa bansa, kung maganda talaga ito, ikokonsidera natin. Sinabi ko dahil
kailangan natin ang enerhiya para sa ating industriyalisasyon.
Para mapalakas ang paghahatid ng serbisyong panlipunan, palalakasin ng gobyerno ang
mga programa para sa proteksiyong panlipunan para magamit ang resources at
kaalaman sa pagpapababâ ng level ng kahirapan sa bansa.
Ang gusto natin ay tunay na mabawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan,
matutong makabawi at ma-empower ang mga indibidwal, mga pamilya, at mga
komunidad.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay gagawing independiyente kapag nakagradweyt na sila
sa programa. Layunin nating mabigyan sila ng iba pang mga uri ng tulong para
makatayo na sila sa kanilang sariling mga paa.
Pero ngayon, inatasan ko na ang DSWD na pangunahan ang pagbibigay ng pantulong na
bigas sa pinakamahihirap na pamilya—para makakain man lang bawat buwan. Iyong
sako na ano…
Plano naming dagdagan ang badyet para sa batayang edukasyon at isama dito ang
kailangang edukasyon tungkol sa masasamang dulot ng droga.
Papalawigin din namin ang programa ng Alternative Learning System. Magbibigay din
ang gobyerno ng panlahatang pangkalusugang seguro para sa lahat ng Filipino... Sali na
lang natin sa Philhealth.
Palalakasin ang propesyonal na kahusayan at kakayahan sa pagpapatakbo ng lahat ng
ospital at pangkalusugang pasilidad ng pamahalaan.
Sang-ayon sa internasyonal nating tungkulin at sa pagtalima sa pambansa nating
mandato, pinapangako ng administrasyong ito na poprotektahan ang karapatan ng
kababaihan katulad ng sa karapatang pantao. Dahil hindi katanggap-tanggap ang pang-
aabuso sa ating kababaihan... mambugbog ka ng babae.
Kaya naman, inaatasan ko ang lahat ng ahensiya, mga oversight body, at lokal na yunit
ng gobyerno hanggang sa mga barangay na ganap na isagawa ang Magna Carta ng
Kababaihan. Sa paggawa nito, magagarantiya natin na ginagampanan ng lalaki at babae
ang tungkulin bilang magkatuwang para sa pag-unlad na ekonomiko, panlipunan,
pangkultura, at politikal ng ating bansa.
Para naman sa mga kapatid nating Lumad—at narito sila, siguro sa labas...sa labas,
sigurado ako. Sinabihan ko ang mga guwardiya na papasukin sila kung gusto nila. Sa
kanila man ‘to. Ito ang masasabi ko: Ginawan na kayo ng pamahalaan ng Katibayan ng
Titulo ng Lupang Minana na sumasakop sa malalawak na lupain, lalo na sa isla ng
Mindanao. Naririyan ang Indigenous Peoples’ Rights Act, at Pambansang Komisyon sa
Katutubong Mamamayan para protektahan at gabayan kayo.
Binigyan na kayo ng pamahalaan ng legal na kasangkapan para pagbutihin ang mga
sarili ninyo, sa usaping pinansiyal, ekonomiko, at panlipunan. Gamitin ninyo ang
inyong lupang minana. Huwag niyong hayaang matengga ito.
Pero handa man lagi ang pamahalaan na tulungan kayo, kailangan ni’yo munang
tulungan ang mga sarili ninyo. Hindi kami makagagawa ng batas para payamanin kayo.
Kayo lang ang makakagawa noon. Hawak ninyo ang tadhana ninyo, pero gawin ninyo
ito nang ayon sa Konstitusyon at batas.
Pagkatapos nating masalanta ng mga natural at gawang-táong kalamidad sa nakalipas
na ilang taón, hindi pa tayo ganap na nakababawi sa sakit ng pagkawala ng mga mahal
natin sa buhay, maging sa kagamitan, mga bahay at kabuhayan nating nawala.
Marami sa atin ang sariwa at masakit pa ang sugat ng damdamin. Hindi natin mabura
sa ating alaala ang imahen ng kamatayan at pagkawasak. Hindi natin maalis ang
masangsang na amoy ng nabubulok na laman. At marami pa rin sa atin ang naghihintay
sa pinangakong tulong. Napalitaw rin ang laki sa problema ng droga sa bilang ng mga
sumusuko sa atin na dumadami nang paisa-isangdaan bawat araw na lumilipas. Mula 1
Hulyo, mayroon nang 3,600 naaresto kaugnay ng droga. May 120 (120,000) lulong sa
droga na ang sumuko at 70,000 (7,000) dito ang mga pusher.
Tingin ninyo maliit lang ito...kakailanganin ang lahat ng kayamanan at kakayahan ng
gobyerno para labanan ang giyerang ito. Interes lang ng bayan ang nasa isip ko. Pero
ang iniwan ng giyerang ito dahil sa sinabi ng PDEA—nasa—iyon ay pahayag na inilabas
ng Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na
Gamot/Philippine Drug Enforcement Agency.
Dalawang taon na ang nakalipas, naglabas ang PDEA ng pahayag na mayroong tatlong
milyong adik sa ating bansa. Dalawa o tatlong taon lang ang nakalipas. Gaano na kalaki
sa tingin ninyo ang dumagdag kung bibilangin natin ngayon. Maging liberal tayo sa
pagdadagdag, siguro...lagyan natin ng pitong libo. So, tatlong milyon at pitong daang
libo. Malaki-laki at nakatatakot ang bilang na iyan. Wala dito ang mga drug lord na
gusto ninyong sakalin. Walang mga bilyonaryo dito. Ang mga nahuhuli lang natin ay
mga tenyente. Ginagamitan nila ng teknolohiya. Niluluto nila ang droga sa
internasyonal na dagat. Tinatapon niya iyan bulto, balde-balde, dikitan nila ng GPS. So
makikita agad.
Hindi na kami nahihirapan sa intelligence dahil nag-imbento sila nitong direct satellite.
Hindi na magdadaan iyan ng...ita-triangulate na lang nila kung saan...pag-ikot noon. At
sobrang dami nila...nasa maliliit na look. Kung hindi natin tutulungan ang mga kaibigan
natin dito sa Asia at Amerika at Europa, ang dami pa lang at problema, maniwala kayo
sa akin, malulunod na tayo bilang republika.
Kayo, tingnan ninyo ito. Paano ko malulutas ang problema ngayon sa pag-aresto?
Hinahanap ko... matagal na akong presidente. Gusto kong patayin, ang problema
pupunta pa ako doon, tapos manghihingi ako ng permiso sa bansang pupuntahan ko
dahil papatayin ko ang mga hunghang na ito dahil sinira nila ang bansa ko. Ganoon iyon
e. Hindi lang kasi naintin—ayaw pa naman bitiwan, kasi ayaw naman kasi ng militar,
pati ng pulis.
Pero alam ninyo, sabi ko, magsasalita ako sa harap ng Republika sa pamamagitan ng
mga kinatawan nito, para sa mga tao. Kaya sasabihin ko na ngayon paano natin
malulutas ang problemang ito? Sabihin ninyo sa akin. Ako naman okey lang e. Sige,
isapubliko natin. Isekreto natin, kung pumunta ka kay meyor, pumunta sa iyo, sa bahay
mo, okey. Pero ganoon na talaga kalaki ang problema. Sa sobrang laki nito, natatakot ka
nang galawin ito. Dahil alam mong hindi mo rin naman ito mapipigilan.
Mabunggo mo isa dito, hinulog sa dagat e marami namang nagluluto doon. Labo-labo
na ang mga kriminal ngayon. Kung ako, kung may eroplano at oras lang ako, sinasabi
kong kaya ko—sabi ko roon sa militar, pag nakita ninyo, e di pasabugin mo. Maski
sumuko na iyan, may puting bandera, panggiyera lang iyan, hindi iyan pangkriminal,
pasabugin mo.
Huwag kayong maawa sa kanila, dahil hindi rin naman sila naaawa sa atin. Bakit ako
mag... iyan ang problema.
Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tulad nga ng sinulat ng iba, it is when the
night is darkest that dawn breaks.
Napuno na táyo ng katatagan na sinubok at napatunayan sa mga panahon ng kagipitan.
Katulad sa mga nakaraang panahon, kailangan nating magbuklod at kumilos nang
sama-sama. Dapat táyong magtulungan. Dahil doon lang táyo tunay na mananaig.
At ang Filipino, displinado, maalam, nakikialam, ay babangon mula sa guho ng lungkot
at sakit at sa mga salamin sa mundo ay makikita ang mukha ng sigasig na nakapagbago
sa bayang ito.
DAGHANG SALAMAT!