Retorika at Gramatika
-
Upload
perfectocabalquinto -
Category
Documents
-
view
1.169 -
download
12
description
Transcript of Retorika at Gramatika
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
1/11
Retorikaat ramatikaMahalagangmaunawaan ang pagkakaugnayan ngretorika at gramatika na lubhang kailangan sa pagaaral at paglinang ng wika.
Sa pag aaral ng wika,ang retorika ay may malaking
tungkulin na ginagampanan sa pagpapahayag at
ang gramatika naman ay may malaking
pananagutan sa kawastuan ng anumang maaaring
ipahayag.
Ang salitang retorika ay galing sa salitang rhetor na
nangangahulugang guro o isang mahusay namananalumpati. Ito ay susi sa mabisang
pagpapahayag na nauukol sa kakit akit , kaigaigaya
at epektibong pagsasalita at pagsulat.
SANGKAP NG RETORIKA
1.Ang kaisipang gustong ipahayag . Ito ang
pangunahing sangkap na retorikaang
ideyang ipapahayag.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
2/11
2. Ang pagbuo o organisasyon. Ang kaayusan
at lohika ng paraan ng pagpapahayag ang
nagbibigay ng sining at bias ng ipinapahayag.3. Ang istilo ng pagpapahayag. May sariling
paraan o istilo ang manunulat sa
pagpapahayag upang maakit ang kanyang
tagapakinig o mambabasa. Ang anumang istilo
niya sa pagpapahayag ay tanging sa kanyalamang.
PAGLALANGKAP NG GRAMATIKA ATG RETORIKA
Ayon kay Dr.Jose Panganiban,ang dalawang
sangay ng karunungan ang sangkot sa pag aaral ng
wika:ang gramatika at retorika.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
3/11
Ayon kay Federico B Sebastian:Ang balarila ay isang agham na tumatalakay sa
mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay.
Ayon naman kay G. Lope K. Santos:
Ang Balarila ay Bala ng Dila
Ang balarila ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo,uri
ng mga salita,tamang gamit,at tamang
pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag
upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.
KAHALAGAHAN NG RETORIKA
1.Kahalaagahang panrelihiyon
-sa pamamagitan ng mabisang paghihikayat ay
napapanatili ng mga samahan ang kanilang mga
miyembro at nakakahikayat din ng iba pang mkinigat sumang ayon sa kanilang pinaniniwalaan.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
4/11
2.Kahalagahang pampanitikan
-nakapagpapalutang ang mga manunulat ng
kanilang layunin na mapahalagahan ng indibidwal
ang kanilang karanasan.Sa pamamagitan ng
mabisang paggamit ng manunulat ng retorika ay
napapasok ng panitikan ang kamalayan ng bawat
nilalang.
3.Kahalagahang pangekonomiya
-nakatutulong ng malaki ang retorika sa paghikayat
sa mga mamumuhunan at maging ang mga tagabili
upang mapalago ang anumng negosyo o anumang
usaping nauugnay sa ekonomiya.
4.Kahalagahang pampulitika
-mahalagang iparating nang mabisa ng mga pulitiko
ang anumang programa o plataporma na kanilangihahain sa madla.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
5/11
KAUGNAYAN NG RETORIKA SA BALARILAAng retorika at balarila ay pawing mahahalagang
sangkap para sa malinaw,at maganda angpahayag,nangangailangan din ito ng kawastuhan sa
paggamit ng salita.Kinakailangan ang wastong pang-
ugnay,panuring,at angkop ng mga salita sa pahayag.Ang
Retorika at Gramatika ay hindi maaring paghiwalayin sa
lahat ng pagkakataon lalo pa nga at kung ang
paguusapan ay wika.Ang dalawang ito ay nagsisilbing
kanin at ulam sa harap ng hapag- kainan na kung ang isa
ay mawala ay hindi magiging lasap ang pagkain sa
sikmura na katulad din ng wika, kung mawala ang
retorika at gramatika ay hindi rin magiging ganap ang
kaalamang maibibigay nito sa oras ng pagpapahayag.Angisang pagpapahayag na walang gramatika kahit pa
sabihing may retorika ay mahuna,mababaw at
mabuay,gayundin naman,ang pagpapahayag na may
gramatika ngunit wala naming retorika ay magiging
kabagut-bagot at kapanawanawa sa mga nakikinig at
bumabasa.Ang dahilan nito ay nawawala ang kakinisan
ng wika na siyang umaakit at nagpapaganda sa
pananalita maging ang kaisipang ipinahahayag ay sa
paraang pasalita o pasulat.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
6/11
ANG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay kalipunan ng mga kataga,parirala o
lipon ng mga salitang pinili at inihanay nang tuluy-tuloy
upang mabuo ang isang kaisipan diwang nais
ipahayag.Ito ay maaaring may paksa at panaguri at maari
rin naming ang isa sa dalawang nabanggit ay wala.
A.Mga pangungusap na may paksa at panaguri
Ex.Naghahanda si Alfredo ng talumpating isasali sa
paligsahan.
B.Mga pangungusap na walang paksa.
Ex.Tabi naman diyan.
C.Pangungusap na walang panaguri(ipinalalagay na
kaharap ng nagsasalita ang kinakausap o
pinatutungkulan).
Ex. Alfredo.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
7/11
URI ng mga PAKSA AT PANAGURI
1.PAKSANG PANGNGALAN
a.Nanalo sa koponan ang mga manlalaro ng San Vicente
South.
b.Nakilala si Agnes dahil sa taglay niyang galing sa pag-awit.
2.PAKSANG PANGHALIP
a.Darating sila ngayon para makipamista sa ating bayan.
b.Ibibigay ko ito sa mga kapuspalad at sa mga nasalanta ng
bagyo.
3.PAKSANG PANDIWA
a.Ang nagsasalita ay aming panauhing pandangal na mula
pa sa lungsod.
b.Hindi tagarito angnagtamong unang gantimpala sa
paligsahan.
4.PAKSANG PANG-URI
a.Hindi kailanman dapat paniwalaan ang sinungaling.
b.Maraming kakilala at kaibigan ang matalino at tanyag.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
8/11
5.PAKSANG PANG-ABAY
a.Naghihintay ng sasakyan ang nasa gilid ng daan.
b.Naghahabol sa oras ang nagmamadaling umalis para
makabalik agad.
6.PAKSANG PANDIWARI
a.Nasagasaan ng rumaragasang sasakyan ang
nakahandusay sa daan.
b.Patungo sa bukid ang nakasumbrero ng buli.
c.Pangalan natin ang nakatitik s pader.
Tandaan na may ibat ibang anyo ng
pandiwari.Pandiwari ang gamit ng mga salitang inuumpisahan
ng naka na nagsasaad ng kahulugan kalagayan,tulad ng nasa
unang halimbawa;kasuotan o kagayakan,tulad ng nasa ikalawa
at kayarian tulad naman ng nasa ikatlong pangungusap.
Pandiwari pa ring masasabi ang mga salitang-
ugat,malapandiwa,malapang-uri at malapang-abay.
Halimbawa ng Pandiwaring Salitang ugat:
1.Ang alam ko ay wala ka ngayon.
2.Sila ang sadya ko at hindi kayo.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
9/11
Halimbawa ng malapandiwa.Ang mga
pandiwang ito ay ipinalalagay na mga
pandiwang alanganin.
1.Ang kasabi-sabi sa sulat ay nagalit daw ako sa kanya.
2.Iyan ang balitang katatanggap ko pa lamang ngayon.
Halimbawa ng Malapang-uri:
1.Akin ang malambut-lambot dahil masakit ang aking ngipin.
2.Ang maiyak-matawang ina ay nagalak sa dami ng panauhing
dumating.
Halimbawa ng Malapang-abay:
1.Ang salita nang salita ay may mabigat na suliranin sa sarili.
2.Ang palakad-lakad sa tapat ng klase ay walang guro dahil
liban.
7.PAKSANG PANGNGALANG-DIWA
a.Ang pagtulong ay gawaing Kristiyano.
b.Nagaganap tuwing Oktubre ang pagdarasal ng Santo
Rosario.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
10/11
c.Ang pag-ibig at pagmamahalan ay dalawang bagay na
kailangan ng tao.
8.Panaguring Pawatas
a.Sulatan daw kita ang bilin ng nanay sa akin bago umalis.
b.Pagsabihan mo nga silang tumahimik sandali.
c.Mag-aral at hindi magbolakbol ang Gawain natin bilang
mga mag-aaral.
Napapansin na sa mga pangungusap ay hindi lantad ang
gamit ng ay bilang pananda ng panaguri dahil sa ito ngayon
ang karaniwang kayariang sinusunod sa pagbuo ng
pangungusap.
-
5/22/2018 Retorika at Gramatika
11/11