Ready When You Are…Notdspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/523/1/H... · 2020. 9....

88
1 | Ramos Ready When You Are…Not Pagsusuri ng Kahandaan ng mga Guro sa Pagtuturo sa Ilalim ng K-12 Gabriel Justine T. Ramos 2009-12268 BA Political Science University of the Philippines Manila

Transcript of Ready When You Are…Notdspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/523/1/H... · 2020. 9....

  • 1 | R a m o s

    Ready When You Are…Not

    Pagsusuri ng Kahandaan ng mga Guro sa Pagtuturo sa Ilalim ng K-12

    Gabriel Justine T. Ramos

    2009-12268

    BA Political Science

    University of the Philippines Manila

  • 2 | R a m o s

    Introduksyon

    Ang pagpapatupad ng K-12 bilang bagong programa para sa edukasyon sa bansa ay isa sa

    mga pinakamalaking isyu ngayon sa ating bansa. Ayon sa mga nagsusulong nito kagaya ng

    Malacanang at Kagawaran ng Edukasyon, ito raw ang susi sa ikauunlad ng bansa sapagkat

    mapatataas nito ang kalidad ng edukasyon at makapagbibigay ito ng mga gradwadong mga

    magaaral.

    Tunay ngang malaki ang posibilidad na mapaunlad ng K-12 program ang kalidad ng

    edukasyon sa bansa sapagkat mabibigyan pa ng karagdagang dalawang taon ng pag-aaral sa

    hayskul ang mga estudyante at posibleng ito nga ang kinakailangan nila upang higit na

    mapaghusay ang kanilang mga pang-akademikong mga gawain.

    Sa kabilang banda, kuwestiyonable pa rin ang kahandaan ng mga “stakeholders” sa

    pagpapatupad ng bagong programang ito. Hindi maitatangging kailangang maging handa ang

    lahat sa pagpapatupad ng programang ito, at dahil nga sa biglaang pagpapatupad ng K-12

    program, hindi tayo nakasisiguro sa kahandaan ng ating mga magaaral, mga magulang at lalo

    ang ating mga kaguruan.

    Bagamat hindi natin kinukuwestiyon ang husay ng ating mga guro ng bayan, nais ng

    pananaliksik na ito na tutukan ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng K-12

    program. Layunin ng pananaliksik na sukatin ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa

    pamamagitan ng ilang mga panayam mula mismo sa ilang mga guro. Makatutulong ang mga

    qualitative at quantitative na panukat upang alamin kung gaano sila kahanda sa pagtuturo, at dito

    rin nakasalalay ang pagkakaroon natin ng komprehensibong ebalwasyon ng kanilang kahandaan.

  • 3 | R a m o s

    Ang lahat ay apektado ng bagong programang ito. Ang lahat ng magulang, magaaral at

    mga guro ay pare-parehong mga stakeholders ng K-12 program. Bukod pa rito, ang K-12

    program sa Pilipinas ay bago lamang at ito ay hindi pa nakatatapos ng kanyang unang taon. Dito

    papasok ang pangangailangan ng mga pag-aaral tungkol sa K-12 upang higit itong mapag-ibayo

    sa ikalawang taon ng pagpapatupad nito. Limitado rin ang mga pag-aaral tungkol sa K-12 bilang

    isang bagong programang pang-edukasyon sa bansa kung kaya nilalayon ng pag-aaral na ito na

    maging isa sa mga unang mga pag-aaral tungkol sa K-12 at layunin rin nitong maisama sa mga

    serye ng mga pag-aaral na gagawin para sa ating mga pampublikong guro na isa sa mga

    pangunahing aktor para sa ikatatagumpay ng programang K-12.

    Research question: Gaano kahanda and mga kaguruan sa pagpapatupad ng K-12 partikular sa

    kanilang pamamaraan sa pagtuturo, mga leksyong ituturo at mga kagamitan sa pagtuturo?

    I. Sapat ba ang suporta ng DepEd sa mga guro kaugnay ng pagpapatupad ng K-12?

    II. Ano ang reaksyon ng mga guro sa pagpapatupad ng K-12?

    III. May pagbabago ba sa paraan ng pagtuturo at leksyon ng mga guro ngayong

    ipinatupad na ang K-12?

    IV. Ano ang mga stratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng K-12

    program?

    V. Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng K-12 program sa mga guro?

    VI. Anong klaseng paghahanda ang ginawa ng mga guro at DepEd para sa

    pagpapatupad ng K-12?

    VII. Ano-ano ang mga indicators ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng

    K-12?

  • 4 | R a m o s

    Pagsusuri ng mga kaugnay na panitikan

    Ang K-12 Program

    Isa sa pinakamalaking pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa ating

    bansa ang pagpapatupad ng K-12 program ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon kay Pangulong

    Noynoy Aquino, kailangang dagdagan ng dalawang taon pa ang “Basic Education” upang

    magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataon ang mga magaaral ng pampubliko at pribadong

    mga paaralan sa pagkakamit ng matinong trabaho. Nasasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

    na ang Estado ay dapat maglaan ng kompletong sistema ng edukasyon kaugnay ng mga

    pangangailangan ng kanyang mamamayan at lipunang nasasakupan. Kaugnay ng probisyong ito,

    ang K-12 program ni Pangulong Aquino at ng DepEd ay para tuparin ang dalawa sa mga

    karapatan ng batang Pilipino, and karapatan para sa edukasyon at para sa disenteng buhay.

    Sa ilalim ng K-12 program, lahat ng magsisimula sa elementarya ay kinakailangang

    dumaan sa Kindergarten bago ang anim na taon ng elementarya (Franco-Velasco, 2012).

    Matapos ang anim na taon ng elementarya ay sasailalim ang magaaral sa apat na taon ng “junior

    high school” at dalawang taon ng “senior high school” upang bigyan ang magaaral ng sapat na

    pagkakataon upang linangin ang kanyang sarili sa akademikong larangan at upang ihanda ang

    mga magsisipagtapos ng sekondaryang edukasyon para sa kolehiyo, o di kaya naman ay para sa

    pagtatrabaho o pagnenegosyo.

    Ang pagsunod sa K-12 program ay ang hakbang ng pamahalaan at ng Kagawaran ng

    Edukasyon upang baguhin ang nakasanayang sampung taon ng pag-aaral ng elementarya at

    hayskul na ayon sa pamahalaan ay hindi pasado sa “global standards.” Ang ibang mga bansa sa

    mundo ay gumagamit ng K-12 program samantalang ang Pilipinas ay isa sa tatlong mga bansa na

  • 5 | R a m o s

    lamang sa mundo na nasa ilalim ng sampung taong pag-aaral ng elementarya at hayskul (Franco-

    Velasco, 2012). Ayon sa pamahalaan, kailangang ipatupad na ang K-12 program dahil kulang sa

    kahandaan sa pagpasok sa kolehiyo o sa pagpasok sa trabaho ang mga magaaral na nagtapos ng

    elementarya at hayskul sa ilalim lamang ng sampung taon. Ayon din sa DepEd Discussion Paper

    na kanilang inilabas noong 2010, ang K-12 ay hindi lamang ipatutupad upang dagdagan ng

    dalawang taon ang “Basic Education” kundi upang pagibayuhin pa ang Basic Education

    Curriculum (DepEd Discussion Paper, 2010, p.5). Bukod sa pagpapalawig ng Basic Education

    Curriculum, ang mga magaaral na sasailalim sa K-12 ay tuturuan rin ng mga “technical and

    vocational skills” na kanilang magagamit kung sakali mang naisin nilang magtrabaho matapos

    ang kanilang anim na taon sa hayskul (DepEd, 2010). Ayon sa Malacanang, sila ay pumirma na

    ng kasunduan kasama ng mga lokal at banyagang mga industriya kung saan ang mga

    magsisipagtapos sa ilalim ng K-12 program ay lehitimong makapaghahanap at makapagaaplay

    ng trabaho (Luistro, 2012).

    Kailangang sumailalim na ang buong Pilipinas sa K-12 program ng DepEd dahil ayon sa

    kanila, atrasado ang mga magaaral ng Pilipinas kompara sa mga magaaral ng ibang mga bansa

    ‘pag dating sa pang-akademikong usapin. Ang mga magaaral ng Pilipinas ay nagtala ng

    mabababang marka sa pambansang mga pagsusulit. Ang mga magsisipagtapos sa elementarya

    noong taong 2009-2010 ay nagtala lamang ng 69.21% sa NAT samantalang ang mga

    magsisipagtapos sa hayskul ay nagtala lamang ng 46.38%, pinakamababa sa kasaysayan ng

    Pilipinas (Franco-Velasco, 2012). Bukod pa rito ang pagkakaroon ng mababang posisyon sa

    Trends in International Mathematics and Science Study noong taong 2008 kahit pa Science High

    Schools ng bansa ang sumali sa nasabing pag-aaral (Franco-Velasco, 2012). Isa pa sa mga

    dahilan ng pagpapatupad ng K-12 program ay ang pagkakaroon ng masyadong maiksing

  • 6 | R a m o s

    panahon para sa edukasyon sa bansa. Ang mga magaaral ay nakapagtatapos ng mabilis sa

    elementarya at hayskul, isang dahilan kung bakit kulang umano ang kahandaan ng mga magaaral

    para sa kolehiyo o para sa trabaho (Aquino, 2011). Ang mga nagsipagtapos ng hayskul sa ilalim

    ng apat na taon na interesadong magaral ng kolehiyo o magtrabaho ay hindi kaagad tinatanggap

    sa ibang mga bansa dahil para sa mga bansang ito, ang sampung taon ng paglagi sa elementarya

    at hayskul ay hindi sapat kompara sa mga nagtapos ng labingisa o labindalawang taon sa

    elementary at hayskul (Luistro, 2012). Ayon sa pamahalaan, ang mga datos na ito ay

    nagpapatunay na kailangang pag-ibayuhin ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan

    ng pagpapatupad ng K-12 program.

    Maraming pangako ang hatid ng K-12 para sa bansa. Isa na rito ang pagkakapantay-

    pantay sa oportunidad sa pagitan ng mga nagtapos sa ilalim ng K-12 program at ang mga

    nakapagtapos ng kolehiyo ‘pag dating sa trabaho (Maramag, 2010). Kikilalanin rin ng ibang mga

    bansa ang mga magaaral na nagtapos sa ilalim ng K-12 program bilang mga mamamayang

    edukado at karapat-dapat sa trabahong kanilang nais pasukan (Aquino, 2011). Makapagbibigay

    rin umano ng sapat na panahon ang K-12 program upang maging bihasa ang mga estudyante sa

    mga aralin. Ang maiksi at agarang sampung taon ng elementarya at hayskul ay hahaba sa ilalim

    ng K-12 at hindi na kailangang madaliin ang pagtuturo sa mga magaaral. Maaaring mahuli ang

    mga magaaral sa ilalim ng K-12 sa pagtatapos dahil madaragdagan sila ng dalawang taon, subalit

    sinisigurado naman ng DepEd na madaragdagan naman ang kanilang kaalaman lalo sa teknikal

    at bokasyonal na edukasyon na maaari nilang magamit kung sakaling nais na nilang magtrabaho

    matapos ang K-12 program.

    Sa kabila ng mga pangako ng K-12 program at ng DepEd, mayroon pa ring mga

    negatibong bunga ang pagpapatupad ng K-12 ng biglaan dito sa bansa. Ito ay hindi maikakaila,

  • 7 | R a m o s

    lalo na sa mga batikos na sumalubong sa K-12 program galing sa mga progresibong grupo ng

    mga magaaral, mga propesyonal, mga guro at magulang. Bagamat sang-ayon ang mga kontra K-

    12 sa lumalalang problema ng bansa ‘pag dating sa usapin ng edukasyon, hindi nila nakikita

    bilang isang mabuting solusyon ang biglaang pagpapatupad ng K-12 program sa ilalim ni

    Pangulong Aquino (Maramag, 2010).

    Paghahanda ng mga pamilyang Pilipino para sa K-12

    Ayon sa mga estudyante’t mga magulang, hindi sagot sa lumalalang problema sa

    edukasyon ang pagpapatupad ng K-12, bagkus ay higit nitong pahihirapan ang mga mahihirap na

    magaaral at mga magulang (Banez, 2010). Bagamat ang edukasyon sa

    mga pampublikong paaralan ay libre, hindi nito kinokonsidera ang karagdagang gastos ng mga

    pamilya para sa baon, pamasahe at iba pang mga bayarin ng estudyante. Ayon sa League of

    Filipino Students (2011), humigit kumulang labindalawang libong piso ang kailangang gastusin

    ng isang magaaral sa ilalim ng K-12 bawat taon, bukod pa rito ang inflation rate ng Piso sa

    susunod na mga taon. Base rin sa pinakahuling Family Income and Expenditure Survey, higit na

    pinagtutuunan ng pansin ng isang mahirap na pamilya ang pagkain at iba pang mga pangunahing

    pangangailangan ng pamilya kaysa sa edukasyon. Ang karagdagang dalawang taon sa ilalim ng

    K-12 program ay magreresulta sa mas maraming school drop-outs, isa sa mga problema na

    pinipilit solusyunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng K-12.

    Paghahanda sa Badyet

    Hindi umano sapat ang pondo ng DepEd upang isakatuparan ang K-12. Bagamat

    tumataas ang nominal budget para sa edukasyon, ang real spending per capita kada araw sa

    edukasyon ay sumadsad sa P6.85 lamang noong 2009. Ayon sa tagapagsalita ng Anakbayan na si

  • 8 | R a m o s

    Charisse Banez (2010), kahit pa pagsamahin ang budget na inilaan ng pamahalaang Aquino para

    sa DepEd at sa mga pambansang kolehiyo at pamantasan, hindi pa rin ito sasapat sa 6% GDFP

    na itinalaga ng United Nations (Maramag, 2010). Sa madaling salita, noon ay kulang ang pondo

    ng gobyerno para sa edukasyon, lalo na ngayon kung kailan sinimulang ipatupad ang K-12

    program.

    Kritisismo laban sa K-12 program

    Sa ilalim ng K-12, higit na iiksi ang oras ng mga magaaral sa paaralan. Ito ay upang

    bigyang daan ang multiple shifts sa mga pampublikong paaralan (Luistro, 2012). Ito ay isang

    malaking kabalintunaan, lalo pa’t isa sa mga adhikain ng K-12 ay ang paluwagin ang curriculum

    sa elementarya at hayskul. Hindi magiging sulit ang pagpasok ng mga magaaral sa paaralan lalo

    pa’t kung sila ay nagmula pa sa malayong lugar. Ang pagpapaiksi sa oras ng pagtuturo upang

    mapagkasya ang tatlo o higit pang klase sa isang araw ay pagpapatunay lamang na hindi sapat

    ang pondo ng gobyerno upang dagdagan ang mga pasilidad at kagamitan sa mga pampublikong

    paaralan kasabay ng pagpapatupad ng K-12. Bukod pa rito, hindi ito nakatutulong sa higit na

    pagkatuto ng magaaral sa eskwelahan. Kung mas maraming oras ang inilalagi ng mga magaaral

    sa paaralan, higit na magiging produktibo ang kanilang mga magulang, higit na matututo ang

    mga bata at mababawasan ang kanilang oras para sa telebisyon, video game at iba pang mga

    aktibidad na hindi makatutulong sa pagkalinang ng kanilang mga potensyal.

    Ayon sa DepEd (2010), ang mababang grado ng mga magaaral sa National Achievement

    Tests ay bunga ng pagkakaroon ng sampung taon lamang sa elementarya at hayskul. Ayon sa

    kanila, kung ipapatupad ang K-12 ay mapatataas muli ng mga magaaral ang kanilang marka sa

    National Achievement Tests at mga surveys kagaya ng Trends In International Mathematics and

  • 9 | R a m o s

    Science Study. Subalit ayon kay dating Ministro ng Edukasyon na si Abraham Felipe at Direktor

    Carolina Porio ng Fund for Assistance to Private Education, ang argumentong ito ng DepEd ay

    mali, sapagkat walang malinaw na korelasyon sa pagitan ng marka ng mga magaaral sa

    Achievement Tests at sa haba ng kanilang inilagi sa paaralan (Maramag, 2010).

    Epekto ng K-12 program sa mga guro

    Bukod sa mga negatibong epekto ng pagpapatupad ng K-12 sa mga magaaral at mga

    magulang, hindi rin maitatangging apektado rin ang sektor ng kaguruan sa panibago at

    kontrobersyal na pagpapatupad ng K-12. Dahil sa kakulangan ng mga guro sa mga

    pampublikong paaralan noong sampung taon pa lamang ang elementarya at hayskul, inaasahang

    higit na kukulangin ang bilang ng mga guro lalo pa at ipinatupad na ang K-12 program kung

    saan kakailanganin ang higit na bilang ng guro upang magturo ng core at elective subjects at

    ilang mga technical at vocational subjects. Posibleng mapilitan ang mga guro na magturo ng mga

    asignaturang kaiba sa kanilang kasanayan dahil sa nasabing kakulangan ng mga guro sa mga

    pampublikong paaralan. Ito ay napakalaking injustice sa pagitan ng mga estudyante at gayundin

    sa mga guro. Kahit pa ipinasa ang Magna Carta for Public School Teachers na nagsasaad na

    hindi dapat lumagpas sa anim na oras kada araw ang teaching load ng guro, hindi pa rin ito

    nasusunod sapagkat kulang na kulang ang bilang ng mga guro kompara sa bilang ng mga

    magaaral na kailangan nilang turuan.

    Ayon pa sa DepEd (2010), ang karagdagang dalawang taong pagtuturo ng mga guro sa

    pampublikong paaralan ay hindi nangangahulugan ng karagdagang umento sa kanilang sweldo.

    Ito ay sa kadahilanang hindi naman daw madaragdagan ang teaching load ng mga guro kahit pa

    ipatupad ang K-12. Ito ay isang malaking kalokohan sapagkat alam naman ng lahat na kung

  • 10 | R a m o s

    kulang ang mga guro ay kailangan pa rin nilang gampanan ang kanilang tungkulin at kanilang

    daragdagan pa ang oras ng kanilang pagtuturo upang mapunan lamang ang kakulangang ang

    gobyerno ang dapat nagreresolba; at kung hindi man madagdagan ang kanilang teaching load,

    hindi natin dapat kalimutan na ang mga guro ay madaragdagan ng dalawa pang taon upang

    magturo sa mga magaaral. Bagamat nagdagdag nga ng 103, 599 na mga guro ang DepEd, hindi

    pa rin ito mapupunan ang kakulangan sa mga guro sa ating mga pampublikong paaralan (DepEd

    Briefer, 2010). Hindi rin kinokonsidera ng gobyerno ang malinaw na katotohanang ang mga

    guro ay magulang rin, at kanila ring nararanasan ang problemang kinakaharap ng mga magulang

    kaugnay ng pagpapatupad ng K-12 sa bansa. Ang humigit kumulang P11,000 kada buwan na

    sweldo ng guro sa pampublikong paaralan ay kulang na kulang lalo pa ngayon at ipinatupad na

    ang K-12 program. Dahil sa mababang pasahod ng gobyerno sa mga guro at sa kawalan ng

    insentibo para sa mga guro, maliit ang tiyansa na sila’y kumuha ng “crash courses” at “advanced

    trainings” na kakailanganin para sa maayos na pagpapatupad ng K-12 sa bansa.

    Mga kakulangan ng gobyerno sa sangay ng edukasyon

    Ayon sa DepEd ay nakapagbigay na sila ng karagdagang 152,569 mga silid aralan, 103,

    599 na bagong mga guro, 95.6 milyong mga libro at 13.2 milyong mga upuan bago pa nila

    simulan ang pagpapatupad ng K-12 (DepEd, 2010). Subalit ito ay kulang na kulang pa rin dahil

    132, 483 guro at 97, 685 na silid aralan pa rin ang kulang upang maging mahusay ang

    pagpapatupad ng unang taon ng K-12 sa bansa (Anakbayan, 2010). Ayon kay Representative

    Raymond Palatino ng Kabataan Partylist (2010), hindi pa rin umano nagbago ang 6.85 piso kada

    araw na paluwal ng gobyerno sa bawat magaaral sa pampublikong paaralan. Hindi rin daw

    umano naibibigay ng gobyerno ang minimum na 6% ng GDP para sa edukasyon at nasa 2.7

    porsyento lamang ng GDP ng bansa ang ibinibigay sa sector ng edukasyon sa bansa. Kung

  • 11 | R a m o s

    titignan naman ang porsyento ng pangkalahatang badyet sa isang taon, higit na mababa ang

    Pilipinas sa 17.2% kompara sa Thailand na nagbibigay ng 40% at ng Malaysia na nagbibigay ng

    28% para sa kanilang pampublikong edukasyon (Palatino, 2010). Bukod pa rito, pababa rin ng

    pababa ang alokasyon ng pondo para sa edukasyon mula 2001 hanggang sa kasalukuyan. Ito ang

    dahilan kung bakit kulang na kulang ang mga libro at mga silid aralan sa bansa at ito rin ang

    dahilan kung bakit hindi napapasuweldo ang ating mga guro ng tama. Kahit pa ipatupad ang K-

    12 sa bansa ay hindi rin nito masasagot ang mga problema ng bansa tungkol sa edukasyon

    sapagkat kulang na kulang pa rin ang pondo para sa mga pampublikong paaralan lalo na sa mga

    kaguruan. Ang kinakailangang tugunan ng gobyerno ay ang karagdagang mga pondo para sa

    mga pasilidad, mga libro, mga silid aralan at mga guro at hindi ang pagdagdag sa taong

    gugugulin sa paaralan. Ayon kay Ernesto Pamolarco (2012), isang Pilipinong guro sa New York

    City sa Amerika, nababagay lamang ang mga programang K-12 sa mga bansang may malaking

    pondo para sa edukasyon at ang Pilipinas ay hindi kabilang sa mga bansang iyon. Ayon naman

    kay Professor Angel C. De Dios ng Georgetown University, magiging masalimuot ang

    kalalabasan ng kawalan ng kahandaan ng DepEd para sa K-12. Kakailanganin ng karagdagang

    100 bilyong Piso upang maisakatuparan ng mahusay ang K-12 (De Dios, 2012). Ito ay hindi

    kayang pondohan ng gobyerno at ang higit na mainam na gawin ay ibigay ang 6% o higit pa ng

    GDP para sa edukasyon at hindi ang kasalukuyang 2.3 % lamang. 50% ng kasalukuyang bilang

    ng mga guro, aklat, silid aralan at mga upuan ang gugugulin para sa K-12 at hindi rin ito

    magiging mabisang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon kung hindi ito maibibigay ng

    gobyerno (De Dios, 2012).

  • 12 | R a m o s

    10-year Basic Education ng Finland at Iceland

    Katulad ng Pilipinas noong mga nakaraang taon bago ang pagpapatupad ng K-12

    program, ang bansang Finland at Iceland sa Europa ay nagpapatupad rin ng 10-year Basic

    Education Curriculum. Walang direktang relasyong namamagitan sa kalidad ng edukasyon at sa

    haba ng inilalagi ng magaaral sa paaralan at ang mga sumusunod na pagaaral ay magpapatunay

    dito.

    Ang bansang Finland ay mayroong 10-year education program na libre para sa lahat ng

    magaaral nito (Ministry of Education and Culture, 2013). Bukod sa magandang sistema ng

    edukasyon, lahat rin ng pangangailangan ng mga estudyanteng Finnish ay ibinibigay ng kanilang

    gobyerno. Ang kanilang mga pasilidad, libro, pagkain, school healthcare, transportation

    allowance o kaya naman ay dormitory fees ay sagot rin ng kanilang pamahalaan (Finnish

    National Board of Education, 2013).

    Bukod pa rito, ang mga guro sa Finland ay itinuturing na “most respected” na propesyon

    (Center on International Education Benchmarking, 2013). Ang grades 1-6 sa Finland ay itinuturo

    ng mga class teachers at ang grades 7-10 ay itinuturo ng mga specialized subject teachers at

    bilang qualification, lahat ng mga guro sa Finland ay kailangang magkamit muna ng Master’s

    degree (Ministry of Education and Culture, 2013). Bukod pa rito, hindi standardized ang mga

    metodolohiya ng mga guro sa pagtuturo at sila’y binibigyang laya sa kung paano nila gagawing

    epektibo ang kanilang pagtuturo sa loob ng paaralan. Dahil dito, lumalabas sa pagaaral ng

    Organization for Economic Cooperation and Development na ang kalidad ng edukasyon sa

    Finland ay isa sa pinakamagaganda sa buong mundo at ito ay mas mabisa pa kompara sa

    sistemang pang-edukasyon ng Estados Unidos (OECD, 2013).

  • 13 | R a m o s

    Ang sistema ng edukasyon sa bansang Iceland ay maihahalintulad rin sa Finland.

    Bagamat sila’y gumagana sa ilalim ng isang 10-year program, kakikitaan ng mataas na

    pagpapahalaga sa edukasyon ang mga mamamayan at pamahalaan ng Iceland sapagkat

    Education at Research ang may pinakamalaking budget allocation sa bansang ito (OECD, 2013).

    Katulad rin ng Finland, highly subsidized rin ng gobyerno ng Iceland ang sangay ng edukasyon

    at sobrang kaunti lamang ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon sa kanilang bansa

    (Ministry of Education, Science and Culture, 2013). Mataas rin ang pagpapahalaga ng mga taga-

    Iceland sa kanilang mga guro at mataas rin ang literacy rate ng mga magaaral sa Iceland na

    umabot ng 99%.

    Ang dalawang bansang ito ay ilan sa mga piling mga bansa na nananatili sa ilalim ng 10-

    year basic education system at ang dalawang ito ang nagpapatunay na walang malinaw na

    korelasyon sa pagitan ng haba ng pamamalagi sa paaralan at kalidad ng edukasyon.

    Ilan lamang ito sa mga problemang kinahaharap ng K-12 program at ng gobyerno sa

    kasalukuyan. Kung ang K-12 ay maayos na maipapatupad sa bansa, hindi maitatangging

    magiging malaking bagay ito para sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito, subalit kung ito ay

    biglaan at hindi mahusay na pinagplanuhan ng mga kinauukulan kagaya ng ating nasasaksihan

    ngayon, hindi malayong magdulot ito ng karagdagan pang mga problema imbes na ginhawa.

    Ang kailangan ng bansa ay ang uri ng edukasyon na ayon sa kanilang pangangailangan

    ng kabataan at ng lipunan. Hindi ito nasusukat sa iksi o haba ng inilagi sa paaralan kundi sa

    kalidad ng edukasyon, sa husay ng pagtuturo, sa kaayusan ng pasilidad at kagalingan ng mga

    guro. Hanggat hindi nakagagawa ng paraan ang gobyerno upang resolbahin ang mga problema sa

    sektor ng edukasyon kagaya ng kaunting silid-aralan, upuan, libro, taas ng matrikula, maling

  • 14 | R a m o s

    alokasyon ng mga pondo, kolonyal na impluwensiya sa pambansang edukasyon at mababang

    pasweldo sa mga guro, ang K-12 sampu ng mga baluktot na patakaran ng gobyerno ay hindi

    manunuot sa ugat ng problema, at ang haba ng edukasyon, sampu man o labindalawa ay walang

    saysay at walang pagkakaiba.

    Balangkas ng Pag-Analisa

    Ang pag-aaral tungkol sa kahandaan ng mga guro para sa K-12 program ay mahirap

    ipaliwanag gamit ang mga nakasanayang teorya at mga analytic framework. Ito ang dahilan kung

    bakit ang mananaliksik ay gagamit ng ilan sa mga indicators ng kahandaan ng mga guro mula sa

    ibang mga mananaliksik na nagsagawa ng parehong pag-aaral sa ibang lugar sa mundo. Ito ay

    magiging masyadong teknikal at teknokratiko, subalit ang paggamit ng mga ito ay higit na

    magiging mabisa para sa pag-aaral kompara sa mga nakasanayang mga framework at teorya.

    Mayroong mga quantitative at qualitative na mga indicators upang alamin ang kahandaan

    ng mga guro para sa mas mahusay na pagtuturo sa ilalim ng K-12 program. Ayon kay Denise

    Chalmers, isang mananaliksik sa kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa University of Western

    Australia, ang mga quantitative indicators ay iyong mga indicators na naihahayag gamit ang mga

    numero. Ang mga quantitative indicators na ito ay nasusukat at/o nabibilang. Ilan sa mga

    quantitative na indicators ng kahandaan ng mga guro ay ang pondong inilalagak para sa kanila

    ng Kagawaran ng Edukasyon at ng lokal na pamahalaan. Kasama rin dito ang bilang ng mga

    guro na nasa isang paaralan, kung sasapat ba ito upang turuan lahat ng mga magaaral pati na rin

    ang bilang ng mga silid-aralan. Ayon kay Chalmers, marapat ring tignan ang enrollment rate ng

    isang paaralan, bukod pa rito, importante rin umano ang teacher-student ratio upang sukatin

  • 15 | R a m o s

    hindi lang ang kahandaan kundi pati na rin ang kalidad ng edukasyong maibibigay ng mga guro

    sa kanilang mga estudyante.

    Kung sisipatin ay sasapat na ito upang masukat ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo

    sa ilalim ng K12 subalit hindi naisama ni Chalmers sa kanyang mga quantitative indicators ang

    teaching load ng mga guro na isa ring quantitative indicator ng kahandaan at ng kalidad ng

    pagtuturo ng mga guro. Bagamat mahalaga ang mga quantitative indicators na ito upang alamin

    ang kahandaan ng ating mga guro para sa K12, hindi ito sasapat upang makapagbigay ng isang

    komprehensibo at kapani-paniwalang resulta sa ating pag-aaral. Oo nga at importante ang mga

    quantitative indicators na ito, subalit ayon mismo kay Chalmers, limitado ang mga ito at hindi

    sasapat sa isang pag-aaral tungkol sa kalidad at kahandaan ng mga guro sa pagtuturo. Dito

    pumapasok ang qualitative na mga indicators na siyang magbibigay sa atin ng higit na pagunawa

    at mas malalim na ebalwasyon ng kahandaan ng ating mga kaguruan sa pagtuturo sa ilalim ng

    K12 program.

    Ang mga qualitative na indicators na mga ito ay base sa mga obserbasyon at mga

    assessment. Hindi ito maaaring gamitan ng mga numero sapagkat hindi ito nabibilang o

    nasusukat ng simpleng mga numero lamang. Suhetibo ang mga qualitative indicators na ito at

    komplikado ito sapagkat hindi ito maikakahon lamang sa mga numero o panukat.

    Ilan sa mga qualitative indicators ay ang mga skills at competencies ng mga guro. Maaari

    ring tignan ang kahandaan ng mga guro sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga leksyon at

    ang pagsipat sa kanilang mga damdamin tungkol sa asignaturang kanilang itinuturo. Marapat

    ring alamin ang level ng stress na kanilang nararamdaman habang nagtuturo. Maging ang

    kanilang mga kaugalian at mga practices sa pagtuturo ay maaari ring pagmulan ng ilang mga

  • 16 | R a m o s

    qualitative indicators dahil magsasabi ito kung maalam ba ang mga guro sa mga asignaturang

    kanilang itinuturo. Sa ilalim ng qualitative indicators na ito, higit na masusuri ang kahandaan at

    ang kalidad ng mga guro sa ilalim ng K12 at ayon kay Chalmers, ang mga qualitative na

    indicators ay higit na nakatutulong sa mga ganitong klaseng pag-aaral sapagkat ito ay higit na

    praktikal, kapakipakinabang at wastong uri ng indicators kompara sa mga naunang quantitative

    indicators. Napatunayang ang mga quantitative measures na ito ay mas mabisa para sa mga

    darating pang mga pag-aaral na katulad nito ayon kay Chalmers.

    Hindi sasapat ang paggamit ng quantitative o qualitative na indicators lamang para sa

    pananaliksik na ito kaya naman marapat lamang na pagsamahin at kuhanin ang kagalingan ng

    dalawa upang higit na maging komprehensibo ang kasalukuyang pag-aaral. Ang mga indicators

    na ito ang siyang tutulong upang malaman kung handa nga ba o hindi ang ating mga kaguruan sa

    pagtuturo sa ilalim ng bagong sistema ng K12.

    Pamamaraan sa pananaliksik

    Sa pag-aaral na ito, nais ng mananaliksik na malaman kung gaano kahanda ang mga guro

    ng ating pampublikong mga paaralan sa unang taon ng pagpapatupad ng K-12 program ng

    administrasyong Aquino.

    Gumamit ang mananaliksik ng iilang mga metodolohiyang makatutulong upang makamit

    ang mga kinakailangang datos upang malaman ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa

    ilalim ng bagong sistemang K-12. Ang pakikipanayam sa mga guro at mga administrador ng

    paaralan ay isang importanteng hakbangin upang makamit ng mananaliksik ang mga datos na

    kanyang kailangan para sa pananaliksik na ito. Ito ay sa kadahilanang ang mga guro at mga

    administrador ng paaralan ang pinakaunang mga stakeholder na apektado sa pagbabagong ito sa

  • 17 | R a m o s

    sistema ng ating edukasyon. Ito ay upang maihayag ng mga partisipanteng guro ang kanilang

    mga saloobin tungkol sa K-12 program at sa mga magiging implikasyon nito sa kanilang

    pagtuturo.

    Ang mga nasabing hakbangin upang makalikom ng datos at ang mismong pag-aaral ay

    isinagawa sa Manila Science High School sa Padre Faura St. Ermita, Manila. Ito ay sa

    kadahilanang isa ito sa mga kilalang High School sa bansa at isa sa mga problemang kinahaharap

    nito sa ngayon ay ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon dito at pati na rin sa iba pang mga

    sekondaryang paaralan. Bilang isang graduate ng MaSci, ang mananaliksik ay nababahala sa

    kalagayan ng kanyang alma mater at ang isa sa mga paraang maiaambag niya upang muling

    ibalik ang husay ng nasabing paaralan ay sa pamamagitan ng pagtulong na i-assess ang

    kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng K-12 program ng DepEd. Bukod pa rito, sa

    apat na taong pamamalagi ng mananaliksik sa MaSci ay nabuo ang student-teacher bond sa

    pagitan niya at ng mga guro at masasabing may pagtitiwala ang mga guro sa nais isakatuparan ng

    mananaliksik. Bukod sa madali ang access sa mga resource persons kagaya ng administrasyon at

    mga guro, ang mutual trust sa pagitan ng mananaliksik at kanyang mga kapapanayamin ay buo

    na at ito ang magbibigay sa kanya ng balido at walang kinikilingang mga opinyon na maaaring

    gamitin bilang mga datos para sa pag-aaral. Dahil rin sa nabuong tiwala ng mga guro sa

    mananaliksik at ng mananaliksik sa mga guro ng MaSci, kompiyansa ang mananaliksik na

    magiging hayag ang mga guro sa kanilang mga karanasan at mga opinyon ito man ay pabor o

    kontra sa programang K-12 na ipinataw sa kanila ng Kagawaran ng Edukasyon. Dahil na rin sa

    matagal nang pagkakakilala ng mananaliksik sa mga guro ng MaSci, ang mga hakbanging

    katulad ng panayam, at mga obserbasyon ay hindi na nangangailangan pa ng sapilitang

  • 18 | R a m o s

    pagkumbinsi dahil ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa mananaliksik kundi na rin sa

    ikabubuti ng MaSci bilang isang mahusay na institusyon ng karunungan sa bansa.

    Ang pakikipanayam sa lahat ng mga guro sa Manila Science ay isang isang mahabang

    proseso na gugugol ng napakaraming lakas at oras kung kaya naman gumamit ang mananaliksik

    ng stratified random sampling sa pakikipanayam sa mga guro. Sa pamamagitan ng stratified

    random sampling, random na pumili ang mananaliksik ng isang guro sa bawat kagawaran bilang

    kanyang mga impormante. Sa madaling sabi, isang guro lamang sa bawat kagawaran (english,

    science, mathematics, etc.) ang kinapanayam ng mananaliksik. Bukod pa rito, ininterbyu rin ng

    mananaliksik ang isang miyembro ng administrasyon ng paaralan, ang punong-guro ng Manila

    Science High School. Sa pamamagitan nito, naging mayaman sa datos ang pananaliksik, at higit

    na nagamit ang mga datos na ito upang liwanagin ang mga isyu hinggil sa kahandaan ng mga

    guro ng MaSci sa pagpapatupad ng K-12.

    Ang pagpapatupad ng K-12 program at ang kahandaan ng mga guro upang isakatuparan

    ang programang ito ay isa sa mga pinakamalalaking isyung kinahaharap ng bansa sa ngayon.

    Ang tagumpay o ang kabiguan ng programang ito ay siyang magiging susi sa ikagaganda o

    ikasasadlak lalo ng edukasyon sa bansa. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, inaasahan ang

    pagkakaiba sa mga karanasan at opinyon ng mga guro, mga magaaral at mga administrador ng

    Manila Science High School. Maaari ring magkaroon ng pagdadalawang isip, takot o pagiging

    hindi komportable ng mga makakapanayam subalit ang pag-aaral na ito ay harmless at

    sisiguraduhin ng mananaliksik ang kanilang anonymity at confidentiality. Bukod pa rito, hindi

    gagawing sapilitan ang panayam at ang magiging mga respondente ay ang mga gurong nais na

    makatulong sa pamamagitan ng pagsali sa mga panayam.

  • 19 | R a m o s

    Ang mga resultang nakalap ng mananaliksik sa kanyang pakikipanayam sa mga guro at

    mga administrador ay naka-transcribe at naka-encode.

    Mga Pang-etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik

    Ang pag-aaral na ito tungkol sa kahandaan ng ating mga pampublikong guro ay may

    pagka maselan sapagkat ito ay tungkol sa ating mga guro na isa sa mga humuhubog sa kaisipan

    ng mga magaaral at ang kahandaan o kakulangan nila sa kahandaan ay ang magsasabi kung

    magiging matagumpay ba ang K-12 program. Inaasahan ng mananaliksik na magiging mahirap

    para sa kanya ang humanap ng makakapanayam at magiging mailap ang mga respondente dahil

    sa sensitibong laman ng pananaliksik na ito. Inaasahan ring may mga sariling opinion at

    pagkiling ang sinumang makakapanayam ng mananaliksik at maaari ring magkaroon ng

    tunggalian sa pagitan ng pansariling pagpapahalaga ng mananaliksik at ng kanyang respondente.

    Inaasahan ng mananaliksik ang mga agam-agam ng mga guro kung sila man ay lalahok bilang

    interviewee.

    Gayunpaman, sinnigurado ng mananaliksik ang seguridad at ang kaligtasan ng kanyang

    bawat partisipante. Ang panayam ay inilunsad sa isang pribado at tahimik na lugar kagaya ng

    faculty office ng paaralan upang pangalagaan ang confidentiality ng partisipante at upang

    maihayag nila ng buo ang kanilang saloobin tungkol sa pananaliksik. Ang impormasyong

    kanilang inihayag ay hindi kailanman ibibigay ng mananaliksik sa iba kahit ano pa man ang

    mangyari. Aakuin rin ng mananaliksik ang lahat ng responsibilidad upang mapangalagaan ang

    confidentiality at anonymity ng sinumang nakapanayam at nakapagbigay sa mananaliksik ng mga

    impormasyong kanyang kinakailangan.

  • 20 | R a m o s

    Ang ginawang panayam ay hindi sapilitan at ibinigay ng mananaliksik ang mga

    pangunahing impormasyon tungkol sa pag-aaral na ito bago pa man inilunsad ang mga panayam.

    Iginalang ng mananaliksik ang pagtanggi ng ilang mga guro bilang partisipante dahil sa

    komplikado at maselang paksa ng pag-aaral na ito. Bukod pa rito, hindi pinilit ng mananaliksik

    ang kanyang mga partisipante na sagutin ang bawat tanong at maaari silang tumanggi sa

    pagsagot kung ito ay labag sa kanilang pansariling panuntunan. Hindi rin kinuhanan ng litrato o

    bidyo ang mga partisipante hanggat wala ang kanilang pahintulot.

    Ang mga nakuhang datos mula sa mga panayam at obserbasyon ay sinisiguradong

    ginamit lamang sa nasabing pag-aaral at ito ay hindi napasakamay ng ibang tao sa kahit ano pa

    mang paraan. Bukod sa mga datos na nakuha ng mananaliksik, isasaaalang-alang rin ng

    mananaliksik higit ano pa man ang mga karapatan ng kanyang mga partisipante. Binigyang laya

    rin ng mananaliksik na magtanong ang kanyang mga partisipante sa kanya at ang mananaliksik

    ay malugod na sinagot ang kahit anong katanungan tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay

    nakahanda ring pumirma ng NDA (non-disclosure agreement) kung sakaling ito man ay hingin

    ng kahit sinong partisipante.

    Kapag ang pag-aaral ay natapos na at nakompleto kasama ng mga impormasyong

    ipinagkatiwala ng mga partisipante sa panayam, ang bawat isa sa kanila ay bibigyan ng kopya ng

    kung ano man ang maging resulta ng ginawang pag-aaral. Ito ang magsisilbing token of

    appreciation para sa kanilang makabuluhang mga ambag upang mapayaman sa datos ang pag-

    aaral.

    Tinitiyak na mananaliksik na malaya ang mga partisipante sa kanilang paglahok sa

    panayam. Ang bawat partisipante ay nabigyan ng sapat na impormasyon bago pa man ang

  • 21 | R a m o s

    panayam at maayos na hiningi ang kanyang permiso upang isagawa ang panayam. Walang

    itinagong impormasyon ang mananaliksik sa kanyang mga partisipante at hinding-hindi

    manganganib ang seguridad ng mga ito ng dahil sa panayam na kanilang isinagawa.

    Resulta

    Matrix ng pananaliksik

    Mga indicators Pamamaraan ng pagkuha

    ng datos

    Pinagmulan ng datos

    Resulta Komento ng mananaliksik

    Pagpapatupad ng K-12

    panayam Mga guro -minadali, “sinabi lang na gagamitin, implemented na agad next school year” -minadali at pilit, “pareho ang guro at gobyerno hindi pa handa” -“…resisted at first pero kelangan ring sumunod kasi wala kaming choice”

    -Malaki ang pagaagam agam ng mga guro sa pagpapatupad ng K-12 dahil ayon sa kanila ay minadali ito. -negatibo ang pagtanggap ng mga guro sa pagpapatupad ng K-12

    Mga administrador

    “they (the teachers) are compelled to push K-12 or else they won’t be here(teaching)…”

    -isinusulong ng mga administrador (principal at DepEd official) ang pagpapatupad ng K-12 sa kabila ng negatibong pagtanggap ng mga guro hinggil sa bagong programa.

    Preparasyon/ paghahanda

    Panayam Mga guro -one week seminar -kulang na teaching modules, libro at lesson plans -demo teaching -“puro content, walang strategy” -“kulang ang modules dahil sila ay good for 1st and 2nd grading only”

    -bagamat may mga hakbanging ginawa ang DepEd upang ihanda ang mga guro sa pagpapatupad ng K-12, hindi pa rin sasapat ang mga ito upang makaagapay ang mga guro sa mga pagbabagong dulot ng

  • 22 | R a m o s

    -kulang ang isang linggong seminar -“kulang ang content ng syllabus at ang mga libro ay di akma para sa magaaral” -may konting preparasyon subalit nagse-self-help pa rin ang mga guro -“pinagkasya lahat sa isang linggo lang, maiksi at kulang.” -“not enough, I expected DepEd to have additional inputs especially for younger teachers” -“diniscuss lang ang bagong lessons pero di sinabi kung paano ituturo sa klase…payag pa kami kung mas mahaba ang seminar.”

    K-12 program. -kapansin-pansin ang pagkayamot ng mga gurong partisipante habang sinasagot ang katanungang ito na nagpapakita ng dissatisfaction sa mga hakbanging ginawa ng DepEd -ang kakulangan sa kahandaan ng mga guro ay bunga na rin ng kakulangan sa paghahanda ng gobyerno.

    Mga administrador

    -“attended conferences and seminar…gathered information about how to make K-12 work in MaSci” -“we provided training, seminar, curriculum guide, materials, etc.”

    -taliwas sa mga sagot ng mga guro, para sa mga administrador na nagsusulong ng K-12, ang mga paghahandang kanilang ginawa ay sapat na para sa kanila.

    Mga pagbabago sa leksyon at curriculum

    Panayam Mga guro -pagbabago mula discipline-based to spiral-based approach sa Math at Science -“discipline-based for 20 years then a sudden chance” -changed grading system -“before we can discuss whatever we want but now we are anchored in Philippine Literature” -“bagong akda at hindi pamilyar sa mga estudyante at guro”

    -malaki ang pagbabagong dulot ng K-12 program at hirap ang mga guro na sumabay sa mga pagbabagong ito dahil minadali ang pagpapatupad ng K-12 -ang mabilis na transition mula sa discipline-based to spiral-based approach ay hindi makatutulong lalo sa mga matatandang guro na

  • 23 | R a m o s

    -“napabayaan na ang pagsulat at gramatika” -“mas maraming gawain para sa mga magaaral at ang mga guro ay facilitator na lang” -“content analysis hindi kagaya dati na puro facts”

    nakasanayan ang discipline-based approach -bagamat positibo ang karagdagang aktibidad para sa mga magaaral, higit na marami pa rin ang negatibong pagbabagong dulot ng pagkakatupad ng K-12

    Mga administrador

    -priority ang English, Math at Science -“We have done the spiral approach in Mathematics way back during the implementation of the SEDP program. And there are advantages and disadvantages but I still believe that you will gain more if you have compartmentalized (spiral) approach.”

    -sa kabila ng mga pagtutol ng mga guro sa mga pagbabagong dulot ng K-12, nananatiling supportive ang mga administrador sa mga pagbabagong ito.

    Mga karagdagang

    pangangailangan ng mga guro

    Panayam Mga guro -dagdag na sahod upang makaagapay ang mga guro sa mga pagbabago na dulot ng K-12 -karagdagang seminar at training -curriculum guides

    -ang mga pangangailangan ng mga guro upang maipatupad ng maayos ang K-12 program ay hindi pa naipagkakaloob ng pamahalaan hanggang sa ngayon.

    Mga administrador

    -“our teachers should be resourceful, otherwise they won’t be teaching here (MaSci)” -kailangang hintayin ng mga guro magpasa ng batas sa Kongreso para madagdagan ang sweldo nila -“kulang ang ibang modules…hindi pa kasi finalized ang mga modules kaya hindi pa

    -hindi dapat ipinatupad ang K-12 kung ang mga bumubuo dito ay hindi pa polido -hindi rin dapat isangkalan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga guro para lamang sa ikatatagumpay ng programang hindi pa naman tiyak ang bisa

  • 24 | R a m o s

    mai-mass produce” -dapat tugunan ng DepEd ang mga pangangailangang ito ng mga guro upang maging mahusay ang pagpapatupad ng K-12 program

    Negatibong epekto ng K-12

    sa mga guro

    Panayam Mga guro -walang additional salary -problema ng mga guro ang adjustment -kaunti ang araw pero maraming teaching load sa isang araw -limitado ang itinuturo sa isang araw dala ng spiral-based approach -priority ang English, Math at Science at nale-left behind ang ibang subjects -walang DepEd-teacher consultation bago ipatupad ang K-12

    -ang mga tugon ng mga guro ay ang mga negatibong epektong dulot ng pagpapatupad ng K-12 at upang maging matagumpay ang bagong programang ito, marapat na solusyunan ng K-12 ang mga negatibong epekto ng bagong programa sa ating mga guro -hindi sapat ang self-help at resourcefulness ng mga guro upang solusyunan ang mga negatibong epekto na dulot ng K-12

    Mga administrador

    -“all positives ang K-12 para sa mga guro”

    -hindi alintana ng mga administrador ang mga negatibong epektong dulot ng K-12 sa mga guro

    Ang mga tugon ng mga guro tungkol sa mga indicators na ginamit ng mananaliksik ay magpapatunay na hindi pa ganap na handa ang mga guro sa pagpapatupad ng K-12 sa loob ng paaralan. Kaugnay rito, ang kakulangan sa kahandaan ng mga guro ay naguugat rin sa kakulangan sa kahandaan ng mga administrador lalo ng

  • 25 | R a m o s

    Kagawaran ng Edukasyon.

    Sa pagsasagawa ng pananaliksik at panayam, maraming nalaman ang mananaliksik

    tungkol sa kahandaan ng mga guro sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila. Sa

    pangkalahatan ay naging maayos naman ang panayam sa lahat ng mga partisipante at naging

    makabuluhan ang bawat panayam na isinagawa.

    Ilan lang ito sa mga pangkalahatang na detalyeng nakalap ng mananaliksik at ang mga

    higit na ispesipikong impormasyon ay ilalahad sa mga susunod na talata. Nais ng mananaliksik

    na magpokus muna sa kanyang mga nalaman sa mga guro ng Mataas na Paaralang Pang-Agham

    ng Maynila.

    Biglaang pagpapatupad ng K-12

    Sa panimulang katanungan ng mananaliksik tungkol sa K-12 at ang pagpapatupad nito

    ngayong taon, nagkakaisa ang mga gurong partisipante na ito’y para sa pagiging globally

    competitive ng mga magaaral ng Pilipinas. Ngunit sa kabila ng kanilang nagkakaisang pananaw

    na gagawing globally competitive ng K-12 program ang mga magaaral, nagkakaisa rin sila sa

    kanilang katwiran na minadali ang pagpapatupad ng K-12 at sila’y walang magagawa kundi

    sumunod dito sapagkat sila ay empleyado ng gobyerno at sila ang pangunahing tagapagpatupad

    ng edukasyon sa bansa. “Kababalita mo lang last time na ipapatupad iyong K-12, ngayon

    andyan na. para sa akin, masyadong abrupt. Na hindi pa naman ganoon ka-ready iyong

    buong system. Hindi lang ang teachers kundi ang buong educational system, hindi pa

    ready,” ayon sa isang katugon. Ayon pa mismo sa isa sa mga guro, sila’y hindi handa subalit

    higit na kulang ang paghahanda ng mismong Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagpapatupad

  • 26 | R a m o s

    ng K-12. Dito napansin ng mananaliksik na ang pangkalahatang tugon ng mga guro ay negatibo

    at taliwas sa isinusulong ng DepEd official at ng principal.

    Kakulangan sa paghahanda

    Ayon rin sa mga guro, hindi rin sila inihanda ng husto ng DepEd para sa unang taon ng

    K-12. Bagamat magkakatugma ang tugon ng lahat ng partisipante na may mga seminar na

    inilunsad para sa paghahanda sa unang taon ng K-12, ayon sa mga kaguruan ng Manila Science

    High School ay hindi sapat ang isang linggong seminar upang ihanda sila sa bagong programa.

    Ayon sa isang gurong katugon, “during the seminar, nagbibigay sila ng mga modules. Ayun

    lang and other than that wala na. wala na silang binigay na aid. Sabi ko nga sayo, yun nga

    ang mga topics binigay pero hindi niliwanag kung paano mo siya ituturo sa bata. Kanya

    kanya pa rin.” Bukod pa rito, hindi rin umano naging mabisa ang mga seminar sapagkat bukod

    sa kakulangan ng mga gamit kagaya ng modules at iba pang materyales, hindi rin itinuro sa

    kanila kung paano ituturo at kung paano pagaganahin ang K-12 program sa loob ng silid-aralan.

    Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ganoon kahanda ang mga guro para sa unang taon ng

    K-12. Kapansin-pansin rin ang pagkayamot ng mga gurong partisipante nang itanong ng

    mananaliksik kung paano sila inihanda ng DepEd. Bukod pa rito, nakababahala ang tugon ng

    isang guro na nagsasabing hindi naman sila kinonsulta man lang ng MaSci o ng DepEd na ang

    K-12 ay ipapatupad na, at sila’y inutusan lamang na dumalo sa seminar na nagtagal lamang ng

    isang linggo. Ayon sa guro, “ewan, bakit hindi namin alam na mga teachers [ang

    consultation]. Parang, ang dumating na lang ay, eto na K-12 na tayo. Sumali kayo sa

    seminar.”

  • 27 | R a m o s

    Malaking pagbabago sa leksyon at mga aralin

    Ang K-12 program ay nagdulot rin ng maraming mga pagbabago sa mga aralin at leksyon

    ng mga magaaral, at ang mga pagbabagong ito ay hindi rin gaanong tinatanggap ng mga guro

    sapagkat katulad ng K-12, biglaan ang mga pagbabagong ito. Bukod sa pagkakaroon ng higit na

    maraming aktibidad para sa mga magaaral at pagkawala ng monopolyo ng guro sa karunungan,

    wala nang naibigay na positibong dulot ang mga partisipante hinggil sa pagbabago sa mga aralin.

    Sa ilalim ng K-12, ang mga akda sa Filipino at English na subheto ay pinalitan ng mga bagong

    akdang Filipino. Ang mga sipi naman sa Social Studies ay pinalitan na rin ng mga orihinal na

    siping pangkasaysayan at ang pokus ng mga ito ay ang pagpapalalim ng mga kaalaman at hindi

    factual o information-based lamang. Kung titingnan ay mahusay naman ito at mabibigyan nito

    ng pagkakataon ang mga magaaral na matuto sa ibang paraan at higit na makilala ang mga lokal

    na akda; subalit ayon sa mga gurong partisipante ng panayam, higit na mapakikinabangan sana

    ang mga pagbabagong ito kung sila’y nabigyan ng sapat na panahon upang maging pamilyar sa

    mga bagong araling kanilang ituturo at kung kumpleto lamang ang kanilang mga kagamitan

    mula sa course outline hanggang sa mga libro. Dahil ang paghahandang ito ay hindi

    naipagkaloob ng Kagawaran ng Edukasyon, higit na naging mahirap para sa mga guro ang

    sumabay sa mga pagbabagong dulot ng K-12 program.

    Bukod pa rito, pinalitan rin ng K-12 ang dating discipline-based ng spiral approach sa

    Mathematics at Science. Ang ibig sabihin nito, ang dating purong algebra, trigonometry,

    geometry at finite math na itinuturo sa bawat taon ay ituturo na ng sabay-sabay sa bawat taon.

    Gayundin ang earth science, biology, chemistry at physics para sa Science. Ang kalalabasan nito

    ay dugtungan ng mga aralin simula grade seven hanggang grade twelve. Sinusuportahan ito ng

  • 28 | R a m o s

    principal ng MaSci at ng DepEd bilang higit na mabisang paraan raw ng pagtuturo ng siyensya at

    matematika.

    Kabaligtaran naman nito ang mariing sinasabi ng mga guro na hindi magiging mabisa at

    nakasasagabal lamang sa mga guro ang spiral approach na ito. Bukod sa malaking hamon sa mga

    guro ang magturo ng lahat ng disiplina sa maiksing panahon lamang ng paghahanda, maraming

    libro at materyales ang gugugulin rito na hindi rin naman naipagkaloob ng DepEd. Ayon sa isang

    gurong nakapanayam ng mananaliksik, dehado rito ang mga guro, lalo ang mga matatandang

    guro na nasanay na sa discipline-based dahil ito ay biglaan at kailangang magturo ng panibagong

    mga leksyon ang mga matatandang guro. Hindi rin daw ito magiging mabisa sapagkat may mga

    bakasyon sa pagitan ng bawat taon at hindi natin maaasahan ang mga magaaral na maaalala ang

    lahat ng kanilang natutunan at gugulin rin ng mga guro ang ilan sa kanilang mga oras upang

    muling balikan ang mga napagaralan sa nakaraang taon. “Feeling ko pinahaba lang talaga nila.

    Pero kung dineretso nila yan, sapat na ang four years. Lalong babagal [sa K-12] dahil

    kailangang magrecall everytime,” ayon sa isang gurong nakapanayam ng mananaliksik. Bukod

    sa babagal ang pagtuturo ng mga guro, madodoble pa ang kanilang trabaho dahil sa spiral

    approach ng K-12 program.

    Isa pa sa mga inaalala ng mga guro ng MaSci ay ang pagtatanggal ng TLE at THE

    subjects sa kanilang K-12 curriculum. Ito ay nangangahulugang magtatanggal sila ng mga

    gurong nagtuturo ng TLE at THE. Ayon naman sa principal ng MaSci, sinusubukan na nilang

    kausapin ang mga gurong matatamaan nito at kinukumbinsi nilang magturo na lamang ng ibang

    subheto kung ayaw nilang umalis ng MaSci. Kung ang planong ito ay itutuloy ng administrasyon

    ng MaSci ay hindi pa tiyak at ang usapin ng pagtanggal ng TLE at THE subjects ay hindi na rin

    nasasakop ng pagaaral na ito.

  • 29 | R a m o s

    Ayon sa mga guro, hindi na nasusunod ang pagiging Pilot Science High School ng MaSci

    sapagkat nililimitahan ng K-12 ang mga leksyon at araling ituturo ng mga guro. Anila, “before

    we can discuss whatever we want but now we are anchored in Philippine Literature.” Sila’y

    nagpakita ng panghihinayang sapagkat hindi katulad ng dati, kaunti lamang ang kanilang

    naituturo sa kanilang mga magaaral sa ilalim ng K-12 dahil sila’y kailangang sumunod sa kung

    ano lamang ang dapat nilang ituro sa isang araw. Kapansin-pansin na naiinsulto at naiinis ang

    mga guro habang sumasagot sa panayam sapagkat binababa raw ng K-12 ang kalidad ng mga

    magaaral at guro ng MaSci at sila’y ihinihilera na lamang sa hanay ng mga regular public high

    schools.

    Ang bias ng K-12

    Ayon sa mga guro ng Filipino at Social Studies “ang emphasis ng K-12 ay English,

    Math at Science. Iyong ibang subjects, hindi na nila priority.” Higit na pinapaboran ng K-12

    program ang mga major subjects katulad ng English, Math at Science lalo na ang English. Ito ay

    sa kadahilanang sa dinami-rami ng mga leksyon at kagamitang kinakailangan upang maipatupad

    ng maayos ang K-12, ang mga kagamitan at leksyon lamang sa English na subheto ang

    kumpleto. Mababakas rin ito sa paraan kung paano sumagot ang mga guro ng Filipino at Social

    Studies na itinuturing na minor subjects lamang. Ayon sa isang gurong kinapanayam ng

    mananaliksik, “Kami sa Filipino talagang walang-wala… masakit sa kalooban na ang

    kagawaran ng Filipino ay pinapabayaan. Masakit sa kalooban kasi dapat pantay. Pantay

    na itrato, pantay na atensyunan…” Hindi umano pantay ang pagtrato sa lahat ng subheto hindi

    lamang ng DepEd kundi ng administrasyon ng Manila Science HighSchool. Kung ito ay tungkol

    sa pagiging labor export oriented ng Adminstrasyong Aquino ay maaari ngang higit na

  • 30 | R a m o s

    pagtuunan ng pansin ng DepEd ang English kompara sa ibang asignatura, subalit ito ay hindi na

    saklaw ng pagaaral na ito.

    Negatibong epektong dulot ng K-12

    Nang tanungin na ang mga partisipanteng guro tungkol sa mga positibo at negatibong

    epekto ng K-12 para sa kanila, napansin ng mananaliksik na nagbago ang tono ng lahat ng guro

    at naging mas matapang ang paraan nila ng pananalita. “Ayon ang programa nila at bilang

    empleyado ng pamahalaan, wala kaming magagawa. Susunod lang kami. Although pwede

    kaming magvoice out, at the end of the day, susunod pa rin kami.” Ito ay nagpapakita na ang

    K-12 ay hindi tinatanggap ng mga guro subalit pinipilit na lamang nila itong ipatupad sapagkat

    ito ang atas ng pamahalaan. “Wala akong nakikitang positive effect ng K-12 para sa amin,”

    ayon sa isang gurong kasama sa panayam. Ito na halos ang sumatutal ng bahaging ito ng

    panayam na isinagawa ng mananaliksik. Bukod sa nabawasan na ang monopolyo ng mga guro sa

    impormasyon, wala nang ibang positibong epekto ang K-12 para sa mga guro kung kaya naman

    tutungo na tayo sa mga negatibong epekto ng K-12 sa mga guro.

    Una ay ang kawalan ng dagdag sahod para sa mga guro. Ayon sa DepEd, ang pagbabago

    sa programa ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa sweldo at kailangang maghintay ng

    mga guro na magpasa ng batas ang Kongreso upang madagdagan ang kanilang sweldo.

    Ayon pa sa ibang mga guro, minadali ang K-12 kung kaya naman minamadali ngayon ng

    mga guro na ipatupad ito sa kanilang mga klase at sa huli, ang mga guro ang dehadong partido sa

    pagkakatupad nito.

    Problema rin ng mga guro bukod sa adjustment ay ang pagkaka-compress ng ilang mga

    asignatura. Ani ng isang guro, “sa K-12 sa social studies, naging 3 times a week na lang siya.

  • 31 | R a m o s

    Dati kasi four times a week yon. Dumami iyong loads naman. Kahit three times a week,

    maraming teaching loads ang social studies teachers.”

    Bukod pa sa disadvantage na dala ng spiral approach, iginigiit rin ng mga guro na ang K-

    12 ay higit na nararapat sa mga regular public high schools at hindi sa MaSci sapagkat

    nililimitahan nito ang pagkatuto at pagtuturo ng mga magaaral at guro. Talo rin umano ang mga

    guro sapagkat kulang na kulang ang mga kagamitang ibinigay ng DepEd at ang mga guro ay

    gumagastos pa mula sa kanilang sariling bulsa upang maipatupad lamang ang bagong programa

    sa loob ng kanilang klase.

    Napansin ng mananaliksik na naging mas seryoso ang mga partisipante at bukod sa mga

    nabanggit, negatibo rin ang pagtingin ng mga guro sa K-12 sapagkat hindi nila naibabahagi ang

    lahat ng kanilang nalalaman upang higit na mapagbuti ang pagaaral ng mga magaaral na siyang

    kaganapan ng pagiging isang guro. Ito ang mga intangibles na hindi ikinokonsidera ng

    pamunuan ng MaSci at ng Deped at hindi rin ng quantitative na pananaliksik.

    Depensa ng mga administrador para sa K-12

    Depensa mismo sa DepEd official at sa mga guro, isa pa sa mga indikasyon na hindi

    handa ang mga guro at ang buong Kagawaran ng Edukasyon ay ang kawalan o dili kaya ay

    kakulangan ng mga modules para sa mga guro at mga estudyante. Aminado ang DepEd na

    kulang nga ang mga module na kanilang ibinigay sapagkat “subject for revision” pa ang mga

    module na ito at hindi pa ito maaaring i-mass produce. Ayon sa kinapanayam ng mananaliksik na

    opisyal ng DepEd, ito lamang ang problemang kanilang kinahaharap ngayon sa K-12 program at

    ito’y isang “minor problem” lamang na masosolusyunan sa lalong madaling panahon dahil sa

    kanilang inilaang milyong piso para sa pagma-mass produce ng mga module para sa mga guro at

  • 32 | R a m o s

    estudyante. Kontra naman ng mga guro, hindi muna dapat ipinatupad ang K-12 kung ang mga

    takda at ang mga leksyon ay hindi pa pulido at hindi pa tuluyang kumpleto. Ayon sa isang

    katugon, “Sana niresolve muna nila iyong ibang problema. Salary grades, perennial na

    kakulangan sa mga facilities, iyong hindi pantay na ratio ng teachers sa students, hindi

    iyong gagawa ng bagong program na hindi pa nareresolve iyong mga problema dati.

    Ngayon eh di lalong lalaki ang problema.” Dahil dito, panibagong problema na naman ang

    kinahaharap ng mga guro sa pagpapa-produce ng kanilang materyales mula sa kanilang sariling

    bulsa.

    Sa kabilang banda naman, iginigiit ng principal at ng DepEd na marapat lang na

    ipinatupad ang K-12 ngayong taon. Sinusuportahan rin nila ang spiral approach na tinututulan

    ng mga guro at iginiit na higit na maraming positibong epekto ang spiral approach kaysa sa

    nakasanayang discipline-based na siya namang isinusulong ng mga guro. Ayon sa principal na

    mariing dinedepensahan ang K-12 program ng MaSci, kanyang pinaniniwalaan na makabubuti

    ang K-12 para sa MaSci at sa buong bansa. Ito ay sa kadahilanang siya mismo ay nagsaliksik at

    gumawa ng comparative study sa pagitan ng mga paaralan sa Tokyo, Japan na gumagamit ng K-

    12 program at sa MaSci na noon ay nasa 10-year program pa lamang. Ayon sa kanya, talagang

    maayos ang K-12 program sa Japan at maraming advantage ito kompara sa 10-year program.

    Ito ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pagta-triangulate ng mga

    pakikipanayam sa DepEd, punong-guro at mga guro ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng

    Maynila. Dahil sa mga ito, naging mayaman sa datos ang pananaliksik na ito at higit na magiging

    konkreto ang teorya na ang mga guro ay hindi pa ganap na handa para sa pagpapatupad ng K-12

    program ngayong taon.

  • 33 | R a m o s

    Diskusyon

    Ang mga resulta ng pananaliksik na ito pati na rin ang triangulation na isinagawa ng

    mananaliksik sa pagitan ng mga administrador at mga guro ng Mataas na Paaralang Pang-Agham

    ng Maynila ay umaayon sa teorya ng mananaliksik na ang mga guro ng Mataas na Paaralang

    Pang-Agham ng Maynila sampu ng kanilang mga kasamahan sa iba pang mga mataas na

    pampublikong paaralan ay hindi pa ganap na handa sa pagpapatupad ng K-12 program sa loob

    ng silid-aralan.

    Pansin ito kaagad noong simula pa lamang ng paghingi ng permiso para sa

    pakikipanayam. Naging sobrang haba ng prosesong ito na sinimulan noong unang linggo ng

    Disyembre ng nakaraang taon at ibinigay lamang ng Division of City Schools Manila ang

    kanilang permiso noong unang linggo ng sumunod na taon. Kaparehas rin nito ang nangyari sa

    Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila na higit na mahaba ang ginugol na oras bago

    ipagkaloob ang permiso ng Punong-guro samantalang ang mga gurong nakakausap ng

    mananaliksik sa Facebook ay sinabihan na magtungo lamang sa kanilang silid-aralan o faculty

    office sa kanilang libreng oras. Ang mga ito ay mga indikasyon na ang K-12 program at ang

    kasalukuyang estado nito sa mga pampublikong paaralan ay isang maselang usapin; at hanggat

    maaari ay limitado lamang ang impormasyong kanilang ibibigay. Mabuti na lamang at

    pinagbigyan ang mananaliksik na makipanayam sa Assistant Superintendent ng Division of City

    Schools Manila at sa mga guro at punong-guro ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng

    Maynila.

    Sa kabila ng mga ito, napansin ng mananaliksik ang pagkakaiba sa mood at atmosphere

    sa pagitan ng mga guro, punong-guro at ng DepEd official. Ang mga panayam sa mga guro ay

  • 34 | R a m o s

    maalwan lamang at hindi gaanong pormal. Napansin ng mananaliksik ang agad na pagiging

    komportable ng mga kinapanayam na guro at hindi na halos kinailangan ng mga tanong upang

    maging matagumpay ang panayam. Nagsilbi itong parang kuwentuhan. Bagamat ang iba ay play

    safe pa noong simula, naging mas agresibo ang mga gurong partisipante noong naglaon ang

    panayam. Sinabi nilang positibo ang epekto ng K-12 programa sa kanilang mga guro noong

    simula, subalit sa kabuuan ng panayam, nabatid ng mananaliksik na halos ang pagiging globally

    competitive lamang ng mga estudyante ang kanilang nabanggit na positibong epekto sa kanila ng

    K-12 at ang mga sumunod ay puros na negatibong epekto ng K-12 para sa kanila. Kapansin-

    pansin rin ang pagsasabi muna ng mga gurong partisipante ng “wag mo akong irereport ha”

    bago namin simulan ang paguusap. Ipinaliwanag naman ng mananaliksik at kanila rin namang

    nabasa na ang kanilang bawat sagot at ang kanilang pagkakakilanlan ay mananatiling tago at

    matapos nito ay naging komportable naman na silang sagutin ang mga tanong.

    Sa kabilang banda naman ay halos nagkakaisa ang punong-guro at ang DepEd official na

    partisipante sa panayam sa kanilang katwiran na ang K-12 ay hindi lamang para sa mga

    estudyante kundi pati na rin sa mga guro at kanilang isinusulong ang programa kahit sa panayam.

    Kompara sa mga panayam ng mananaliksik sa mga guro, stiff at masyadong pormal ang

    atmospera sa panayam sa punong-guro at sa DepEd official. Napansin rin ng mananaliksik ang

    pagiging defensive ng dalawang opisyal.

    Mula sa mga resultang nakalap ng mananaliksik ay lumutang ang limang makabuluhang

    ideya ang lumutang na kumumpirma sa teorya ng mananaliksik hinggil sa kakulangan sa

    kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng K-12. Minarapat ng mananaliksik na ituring

    ang mga ito na K-12 readiness indicators at ito ay ang: 1) pagtanggap sa programang K-12, 2)

    mga preparasyon o paghahanda sa ilalim ng K-12, 3) mga pagbabago sa leksyon at curriculum,

  • 35 | R a m o s

    4)mga pangangailangan ng mga guro at 5) negatibong epekto ng K-12 sa mga guro. Ayon sa

    limang indicator na ito na lumutang sa mga panayam, wala ni isa ang natugunan ng maayos ng

    Kagawaran ng Edukasyon kung kaya naman ang mga guro ng MaSci ay hindi pa handa sa unang

    taon ng K-12.

    Ang mga guro ang pangunahing tagapagpatupad ng programang K-12 sa mga paaralan, at

    kaugnay ng mga kakulangan sa mga pangangailangan ng mga guro, mahirap asahang magiging

    handa ng lubos ang mga guro kung ang mga kagamitang ipinagkaloob ng kanila ay hindi sapat.

    Tahasang sinabi ng isang gurong partisipante na ang seminar na isinagawa ng DepEd ay

    patungkol lamang sa K-12 at hindi sa kung papaano ito magiging doable sa classroom setting.

    Ayon rin sa kanya, “Hindi lang ang teachers kundi ang buong educational system hindi pa

    ready.” Ito ay isang mabigat na patunay na ang kahandaan ng mga guro ay hindi nakasalalay

    lamang sa kanila kundi pati na rin sa Kagawaran ng Edukasyon na siyang responsable sa lahat ng

    ito.

    Ang mga tugon ng mga guro na silang mga pangunahing tagapagpatupad ng programang

    K-12 ay tumataliwas sa lahat ng mga paliwanag ng punong-guro at ng DepEd na positibo lamang

    ang epekto ng K-12 para sa mga guro. Hindi rin marapat na ipatupad ang programang K-12 kung

    ang mga teaching materials ay subject for revision pa ayon mismo sa DepEd. Bukod pa rito,

    walang major o minor problem kung ang usapin ay ang sistemang pang-edukasyon sapagkat ang

    lahat ng ito ang huhubog sa utak ng kabataan, at balewala ang mga pagbabago sa sistema ng

    edukasyon kung hindi rin lang ito maipatutupad ng maayos.

    Bukod pa rito, ang pagaaral ng punong-guro sa K-12 program ng mga high schools sa

    Japan ay hindi mabisang depensa pabor sa pagpapatupad ng K-12 program sa bansa. Dapat

  • 36 | R a m o s

    isaisip na ang sistemang pang-edukasyon ng isang bansa ay hindi one size fits all na sistema.

    Hindi mahusay na pangangatwiran ang assumption na gagana ang sistema ng ibang bansa sa

    ating bansa sapagkat ang ating lipunan ay may ibang pangangailangan kompara sa iba. Ang

    educational system ng isang bansa ay dapat tailor made ayon sa mga pangangailangan ng ating

    kabataan at mga kaguruan. Bagamat mahusay ang ginawang pagaaral ng punong-guro para

    lamang isulong ang K-12 program sa bansa, hindi ito sapat upang sabihing magiging mabisa ang

    K-12 para sa mga magaaral at mga guro.

    Hindi rin nakatulong para sa kahandaan ng mga guro ang biglaang pagpapatupad ng K-12

    program lalo na’t malaki ang mga pagbabagong dulot nito sa mga guro lalo ng Agham at

    Matematika. Ang pagbabago mula sa discipline based approach sa spiral based approach ay isa

    sa mga malaking problema ngayon ng mga guro lalo na ang mga nakatatandang guro na nasanay

    na sa discipline based approach. Sa ilalim ng K-12 ay mapipilitan silang mag-recall o muling

    magaral ng mga asignaturang hindi nila naituturo noon sa klase. Nangangailangan ito ng

    puspusang adjustment sa bahagi ng mga guro at ang limang araw na seminar noong bakasyon ay

    hindi sapat upang paghandaan ng mga guro ang mga pagbabagong ito. Mahihirapang

    makaagapay ang mga nakatatandang guro sa ganito katindi at kabilis na pagbabago dahil sila’y

    nasanay na sa discipline based approach, at ayon sa gurong partisipante sa panayam, “kung

    tatanungin ang lahat ng teachers, ang mas preferred talaga nila, discipline based at walang

    boboto sa spiral.” Ayon pa sa kanya, “kayang bunuin ng four years pero dahil sa spiral approach

    na putol-putol, humaba lang sa six years at mas mabagal ang pagkatuto dahil kailangang mag-

    recall ng lesson from time to time.”

    Ayon rin sa mga guro, hindi na dapat pinalitan ang programa ng edukasyon bagkus ay

    dapat niresolba ng DepEd at ng gobyerno ang mga problema hinggil sa taon-taong kakulangan sa

  • 37 | R a m o s

    mga libro, guro, suweldo, silid-aralan at mga pasilidad. Ayon sa isa pang gurong partisipante sa

    pagaaral na ito, “sana niresolve muna nila iyong ibang problema. Salary grades, perennial na

    kakulangan sa mga facilities, iyong hindi pantay na ratio ng teachers sa students, hindi iyong

    gagawa ng bagong program na hindi pa narereesolve iyong mga problema dati dahil lalong lalaki

    ang problema.” Hindi sapat na baguhin lamang ang programa dahil ang mga pasilidad ang

    magdedetermina kung magiging matagumpay nga ba o hindi kung ano man ang programang

    pang-edukasyon na mapipiling ipatupad ng pamahalaan. Ang karagdagang dalawang taon sa

    hayskul kasabay ang nakabinbing problema sa mga pasilidad sa mga paaralan ay magbubunga

    lamang ng higit na maraming problema kaysa mabuting resulta.

    Hindi rin nakatulong sa kahandaan ng mga guro ang kawalan ng due process hinggil sa

    pagpapatupad ng K-12 program. Ayon sa isang guro ng MaSci, hindi raw nagkaroon ng

    consultation process bago ipatupad ang programa. Dahil biglaan ang pagpapatupad ng programa,

    hindi katakataka ang resulta ng pagaaral na ito na nagpapatunay na hindi pa nga lubusang handa

    ang mga guro para sa K-12 program. Hindi ito dahil sa kulang ang kaalaman ng mga guro

    bagkus ay nagkulang ang Kagawaran ng Edukasyon at ang pamahalaan sa pagpapalaganap ng

    impormasyon na ipatutupad na nga ang K-12 program ngayong taon. Ang resulta nito ay ang

    hindi maalwang pagtanggap ng mga guro sa programa at ang hindi pagiging ganap na handa ng

    mga guro. Bilang mga pangunahing tagapagpatupad ng programa, dapat ay kinonsulta muna ng

    Kagawaran ang mga guro dahil hindi magiging mabisa ang anumang programa kung hindi ito

    gamay o hindi ito sinusuportahan ng tanang kaguruan. Hindi rin kapakipakinabang ang

    hakbanging ito ng DepEd sapagkat hindi nito napagtitibay ang relasyon ng DepEd sa kanyang

    mga empleyado.

  • 38 | R a m o s

    Ayon pa sa principal ng MaSci, aalisin na nila ang mga programang katulad ng

    Technology and Livelihood Education at Technology and Home Economics sa kanilang

    curriculum. Bagamat hindi ipinaliwanag ang dahilan sa pagpapatupad nito, isa rin ito sa mga

    problema ng mga guro ng Manila Science na pokus ng pagaaral na ito. Bukod sa pagkakaitan

    ang mga magaaral ng pagkakataong matuto ng mga bagay-bagay na labas sa mga pang-

    akademikong gawain, pinagkakaitan rin ng pagkakataon ang mga guro na magturo ng mga

    naturang subheto na kanilang ginagawa sa loob ng mahabang panahon. Ayon sa principal ay

    hinihimok na nila ang mga guro ng TLE at THE na magturo ng ibang asignatura subalit

    ipinakikita nito ang mababang regard sa mga subhetong ito at pati na rin sa mga gurong

    nagtuturo. Batid ng mananaliksik na kung ito ay matutuloy, mahihirapan ang mga gurong

    magturo ng mga bagong araling hindi nila gamay, at kakabit na rin nito ang hirap ng mga

    estudyanteng matuto sa ilalim ng isang guro na higit na bihasa sa ibang larangan. Pinipilit ang

    mga guro na magturo ng ibang asignatura kung ayaw nilang lisanin ang MaSci at ito ay

    intellectual prostitution sa parte ng mga guro. Isa ito sa mga bagong problemang natuklasan ng

    mananaliksik habang isinasagawa ang pagaaral na ito subalit hindi na ito sakop ng pagaaral.

    Ang mga resulta ng pananaliksik na ito kabilang na ang diskusyon ay nagpapatunay na

    hindi pa nga ganap na handa ang mga guro sa bansa sa pagpapatupad ng K-12 program. Ang

    kakulangan sa kahandaan ng mga guro sa pagpapatupad ng K-12 ay hindi lamang nakasalalay sa

    kanilang mga sarili kundi sa Kagawaran ng Edukasyon at sa pamahalaan. Hindi nasasaklaw ng

    pagaaral na ito kung kailan magiging ganap na handa ang mga guro para sa pagpapatupad ng

    K-12 subalit napatunayan ng pananaliksik na ito na ang mga guro ay hindi pa lubusang handa at

    magiging matagumpay lamang ang ang bagong programang pang-edukasyon kung magiging

    handa ang Kagawaran at ang pamahalaan.

  • 39 | R a m o s

    Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa kahandaan ng mga guro ng Mataas na

    Paaralang Pang-Agham ng Maynila sa pagtuturo ng K-12. Lumitaw sa pagaaral na ito ang

    posibleng disolusyon ng Technology and Livelihood Education at Technology and Home

    Economics na isang epekto ng pagpapatupad ng K-12 program sa isang Special Science High

    School subalit hindi na ito saklaw ng pagaaral kung kaya naman magiging interesanteng paksa

    ito ng mga susunod pang pagaaral tungkol sa K-12 program.

    Konklusyon

    Napag-alaman sa pananaliksik na ito na ang kahandaan ng mga guro ng Manila Science

    High School sa pagpapatupad ng K-12 ay mahirap alamin dala na rin ng mga agam-agam ng mga

    guro tungkol sa kanilang seguridad at ang pagiging mailap ng principal at ng DepEd. Bagamat

    inaasahan na ng mananaliksik ang negatibong reaksyon ng mga guro hinggil sa isyu at ang

    pagiging defensive ng principal at ng DepEd, naging higit na malinaw ang mga motibo at ang

    mga opinyon ng bawat partisipante tungkol sa pambansang isyu na ito. Totoo ngang hindi pa

    handa ang mga guro ng Manila Science High School, subalit ang kakulangan sa kahandaang ito

    ay hindi lamang nakasalalay sa mga guro kundi sa mga aktor sa likod ng programang ito. Ang

    mga guro lamang ang pangunahing tagapagpatupad ng programa kung kaya naman ang kanilang

    kahandaan at ang kanilang kakayahan ang mariing kinukuwestiyon.

    Napatunayan sa pag-aaral na ito na ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng

    K-12 ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga sarili kundi sa mga mas malalaking aktor

    katulad na lamang ng principal at ng DepEd mismo. Ang pag-amin ng isang gurong partisipante

    sa panayam na sila’y hindi handa ay naguugat pa sa higit na malaking usapin ng kakulangan sa

    paghahanda hindi lamang ng mga administrador ng paaralan kundi ng buong Kagawaran ng

  • 40 | R a m o s

    Edukasyon at ng pamahalaan. Ang kakulangan ng DepEd sa paghahanda para sa K-12 ay

    malaking problema hindi lamang sa mga magulang at mga magaaral kundi pati na rin sa mga

    guro na siyang facilitator ng pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Hindi na-satisfy ng DepEd at ng

    mga guro ang mga indicators na inilatag ni Denise Chalmers ng University of Western Australia

    sa pagsukat ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo subalit ito ay hindi nakasalalay lamang sa

    mga guro kundi sa lahat ng bumubuo ng educational system ng bansa.

    Hindi man handa ang DepEd para sa K-12, ang mga guro ay nagkukusang punan ang

    mga pagkukulang ‘pag dating sa mga materyales at mga modules. Nagse-self help na lamang ang

    mga guro at ayon mismo sa kanila at sa principal ng paaralan, mahusay at resourceful ang mga

    guro sa kabila ng mga kakulangang kanilang nararanasan. Nakalulungkot lamang isipin na ang

    mga materyales na ibinibigay ng mga guro sa mga magaaral ay nanggagaling rin mismo sa

    kanilang kakarampot lamang na sahod. Kahit pa gaano ka-resourceful at kahusay dumiskarte ng

    mga guro ay malilimitahan pa rin sila ng kakulangan sa pondo at isa rin ito sa mga isyung

    kaakibat ng pagkakatupad ng K-12.

    Sa pag-aaral na ito nalaman ng mananaliksik na ang sisi sa kakulangan sa kahandaan ng

    mga guro ay nasa pamahalaan at sa Kagawaran ng Edukasyon. Kahit gaano kahusay depensahan

    ng principal at ng mga administrador ang programang K-12, at kahit gaano maging madiskarte

    ang mga guro ay hindi ito sasapat kung binabalak ng pamahalaang ipatupad ng tuloy-tuloy ang

    K-12. Upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng bagong programang ito, kailangang

    tugunan ng DepEd ang pangangailangan ng mga guro sa pagsasanay, seminar, mga kagamitan at

    iba pa. Marapat ring solusyunan ng pamahalaan ang nakabimbing problema natin sa kakulangan

    ng mga paaralan, silid-aralan, mga kagamitan, mga guro at ang mababang pasahod sa mga ito.

  • 41 | R a m o s

    Oo nga’t may mga isinagawang paghahanda ang DepEd subalit ito ay hindi sapat para sa

    mga guro. Dapat pahalagahan ng Kagawaran ang mga gurong empleyado nito dahil sa kanila

    nakasalalay ang ikatatagumpay ng programa. Dapat ay maging handa muna si Brother Armin

    Luistro, sampu ng kanyang mga kasamahan sa Kagawaran ng Edukasyon bago natin asahang

    maging handa ang mga guro sa pagpapatupad ng K-12. Yayakapin at ipapatupad lamang ng

    mahusay ng mga guro ang K-12 program kung kanilang makikitang ang kanilang Kagawaran ay

    ganap na handa at ang lahat ng kanilang mga pangangailangan ay maibibigay.

    Hindi man tiyak kung kailan magiging ganap na handa ang tanang kaguruan at ang

    Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagbabagong dulot ng K-12, napagalaman ng pananaliksik

    na ito na masalimuot ang unang taon ng K-12. Hindi handa ang lahat ng partido mapa magulang,

    estudyante, guro at DepEd, at mahusay na maipapatupad lamang ang bagong programang ito

    kung ang mariing paghahanda ay pangungunahan ng gobyerno.

    Kung seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng K-12, iminumungkahi ng

    mananaliksik na ayusin ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga kakulangang nakita sa

    pananaliksik na ito. Kailangan ng masusing paghahanda upang higit na mapagtagumpayan ng

    mga guro at ng DepEd ang ikalawang taon ng K-12 program. Dapat resolbahin ng DepEd ang

    mga problema mula sa mga seminar hanggang sa pagsasaayos ng mga pangangailangan sa silid-

    aralan at pasahod sa mga guro.

    Sa kabilang banda, hindi pa rin iniaalis ng mananaliksik ang posibilidad ng pagbalik at

    pagibayo ng DepEd sa nakasanayang 10-year program na mapagtatagumpayan rin naman

    katulad ng mga Scandinavian Countries katulad ng Iceland, Finland at Denmark kung mariin

    lamang itong susuportahan ng pamahalaan.

  • 42 | R a m o s

    Appendises:

    FPIC Letter:

    Isang magandang araw po sa inyo. Ako po si Gabriel Justine T. Ramos, mag-aaral ng

    Agham Pampolitika sa Unibersidad ng Pilipinas Manila. Ako po ay nasa ika-apat na taon na at

    kasalukuyan po akong kumukuha ng asignaturang Political Science 198 (Special Problems in

    Political Science). Ako po ay naatasang magsaliksik tungkol sa isang isyu sa ating bansa at

    layunin kong ilapat ang aking mga natutunan sa Agham Pampolitika upang bigyang resolusyon

    ang aking napiling isyu.

    Akin pong napili ang isyu ng K-12 education program na ipinatupad ng inyong mabuting

    Kagawaran ngayong taon at nais kong malaman kung gaano at paano ninyo inihanda ang ating

    kaguruan sa pagtuturo sa ilalim ng nasabing programa. Napili ko ang isyung ito sapagkat ito’y

    napapanahon, at batid ko hindi pa gaanong nakapaglulunsad ng mga pag-aaral tungkol sa bagong

    isyung ito sa bansa. Nais po nating alamin kung talaga nga bang makatutulong ang pagdaragdag

    ng dalawang taon sa highschool upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa, at nais ko

    rin pong malaman kung handa nga ba ang ating mga kaguruan sa panibagong tungkuling

    nakaatas sa kanila bilang mga pangunahing tagasulong ng K-12.

    Kaugnay po nito, nais kong hingin ang inyong pahintulot para sa isang panayam.

    Kailangan po ito upang higit kong maunawaan ang isyung nais kong pagtuunan ng pansin. Ang

    panayam sa inyo ay makapagbibigay sa akin ng mga makabuluhang impormasyong aking

    kakailanganin sa pagsulong ng aking pananaliksik. Kung ako man po ay pagbibigyan ninyo ng

    kahit tatlumpung minuto lamang ng inyong oras, tatanawin kong malaking utang na loob ito at

    sinisigurado kong hindi lamang ako, kundi tayong lahat ang makikinabang sa magiging mga

  • 43 | R a m o s

    resulta ng aking pananaliksik. Makatitiyak po kayong pangangalagaan ko ang mga

    impormasyong ibabahagi ninyo sa akin, at tinitiyak ko rin po na hindi ko ihahayag ang inyong

    impormasyon at katauhan sa iba. Ang mga datos na inyong ibabahagi ay para lamang sa

    pananaliksik na ito at wala nang iba.

    Kalakip po ng aking liham ang ilan sa mga katanungan ko para sa ating panayam. Hindi

    po malilimitahan sa mga sumusunod na katanungan ang ating panayam, subalit dito po iikot ang

    daloy ng panayam natin. Nais ko rin po sanang i-audio record ang ating panayam upang mas

    maayos ko itong maisalin at magamit para sa aking pananaliksik. Muli po ay sinisigurado ko ang

    kaligtasan ng mga impormasyong ibabahagi ninyo sa akin at hindi po makokompromiso dito ang

    inyong seguridad.

    Kung kayo po ay may mga karagdagang tanong, maaari po kayong mag-mensahe sa akin

    sa pamamagitan ng text (09061871330) o e-mail ([email protected]). Sana po ay

    mapagbigyan ninyo ako sa aking kahilingan na ito at makakaasa po kayong ibabahagi ko sa inyo

    kung ano man ang aking mga matuklasan sa pag-aaral na ito. Maraming salamat po.

    Lubos na sumasainyo,

    Gabriel Justine T. Ramos

  • 44 | R a m o s

    Mga Katanungan para sa gurong kapapanayamin:

    1. Ano po ang buong pangalan ninyo? Anong asignatura ang inyong itinuturo at anong

    antas? Ilan po ang teaching load ninyo ngayong school year?

    2. Gaano na po kayo katagal nagtuturo?

    3. Ano po ang K-12 program para sa inyo?

    4. Bago po ipatupad ang K-12 program, naabisuhan po ba kayo na ito ay ipapatupad na

    ngayong taon?

    5. Anong klaseng paghahanda po ang inyong ginawa para sa pagpapatupad ng K-12?

    6. Ano-ano po ang mga hakbanging ginawa ng DepEd para sa mga guro bago ipatupad ang

    K-12 program? Nagkaroon po ba ng consultations, seminars, lecture demos, etc., bago ito

    ipatupad?

    7. Ano-anong mga uri ng suporta ang ibinibigay ng DepEd sa mga guro ngayong nasa ilalim

    na tayo ng K-12 program? Sapat ba ang mga ito upang maging mabisa ang pagtuturo sa

    ilalim ng K-12?

    8. Ano-ano ang mga pangangailangan ng mga guro upang higit na mapabuti ang kanilang

    paraan ng pagtuturo sa ilalim ng K-12? Naibibigay ba ito sa inyo o hindi?

    9. Kung mayroon man, ano-ano po ang mga pagbabago sa paraan ninyo ng pagtuturo

    ngayong ipinatupad na ang K-12?

    10. Kung mayroon man, may mga karagdagang leksyon po ba kayong ituturo o itinuturo

    simula nang maipatupad ang K-12?

    11. Anong mga teaching styles/teaching methods ang inyong ginagamit ngayon sa ilalim ng

    K-12?

  • 45 | R a m o s

    12. Ano po ang mga nakikita ninyong positibo at negatibong epekto ng pagpapatupad ng K-

    12 sa mga guro?

    13. Gaano po kahanda ang mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng K-12? Bakit?

    14. Sa palagay ba ninyo ay talagang makatutulong ang pagpapatupad ng K-12 sa

    pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa?

  • 46 | R a m o s

    Transkripsyon

    1. Dr. Aurora Franco, Assistant Superintendent of the Division of City Schools Manila

    Gabriel Justine T. Ramos:Maam, ano po ang buo nyong pangalan?

    Dr. Aurora Franco:ako si Dr. Aurora Franco, Assistant Superintendent of the Division of City

    Schools Manila.

    Gabriel Justine T. Ramos: okay po maam. Una po eh bakit nga po ba natin ipinatupad ang K-12

    program sa bansa?

    Dr. Aurora Franco: ang unang unang reason ng pagpapatupad nito ay ang mababang

    performance ng ating mga estudyante. And then, another reason ay ang ating mga graduates ay

    not recognized abroad. Kulang sila ng taon. And there are only two countries in the world yata

    na 10 years lang ang basic education at hindi nirerecognize iyon pagdating nila abroad.

    Halimbawa gumraduate ang bata dito, pag nag-abroad sila, hindi sila makakapagtrabaho babalik

    sila sa school para sa dalawang taon.

    Gabriel Justine T. Ramos: okay po maam. Itatanong ko lang po ano po iyong naging indicator ng

    low performance ng mga estudyante natin?

    Dr. Aurora Franco: eh di iyong NAT performance nila. Iyong National Achievement Test nila.

    So from there, nakita na mababa ang performance ng ating mga magaaral. Ibig sabihin hindi sila

    prepared para sa college. Kaya nga iyong mga tertiary schools nagcocomplain na bakit ganun

    ang mga estudyante, hindi pa makaintindi, hindi pa makapag-english. Ayun talaga iyong reason,

    and one more reason is for them to be recognized abroad, and another one is to prepare them for

    livelihood. For them to become productive. Even after highschool. Alam mo na naman ang

  • 47 | R a m o s

    structure hindi ba? Kinder to grade six, and then grade seven to twelve. Yung eleven and twelve,

    iyon yung years when students will really be prepared for college or for vocational. So

    pagkatapos nila ng grade twelve, they can either go to college or kung hindi pa nila kayang

    magcollege, pwede muna silang magtrabaho. Kasi they will be skilled by then. Kaya ang may

    malaking role doon ay ang TESDA. Kasi sa kanila under ang skills training. If you will look at

    the proposed curriculum ng grades eleven and twelve, makikita mo doon either specialization on

    academics or skills training. So mas maganda ang magiging products natin na grade twelve, kasi

    they can pursue higher education, and they can be productive. They can be employed already,

    kasi as of now, ang graduates natin 16 years old, and they are not yet employable. Minor pa sila,

    child labor iyon, illegal kapag nagtrabaho sila. Pero kapag sa K-12, gagraduate sila ng 18, and 18

    is employable. Iyon yung mga reasons kung bakit natin ipinatupad ang K-12. Ayon, oh ano pa?

    Gabriel Justine T. Ramos: sa unang taon po ng pagpapatupad ng K-12, sa palagay niyo po ba,

    naihanda natin ng husto ang mga teachers natin sa high school doon sa mga pagbabagong dulot

    ng K-12 program?

    Dr. Aurora Franco: sa ngayon naman, grade seven pa lang ang ating inimplement. At lahat ng

    grade seven teachers were trained before the beginning of the schoolyear, and all the learning

    materials that they need were also prepared, like mga curriculum guides, mga lesson exercise, so

    I think there is no reason why they cannot teach grade seven proper.

    Gabriel Justine T. Ramos: eh pano niyo pa po sila hinanda? I mean, ano po iyong mga readiness

    measures na ginawa ninyo, nagseminar po ba sila, iyong mga ganun po?

    Dr. Aurora Franco: ay oo. The least number of training was five days. Five straight days ang

    training, pero ang English was longer. Extensive iyon ha, in-house training iyon. Maski gabi

  • 48 | R a m o s

    mayroon silang session. Sa mga high school teachers, ang naghandle ng training ay TEI, o

    Teachers Education Institution, Ateneo, Centro Escolar, UE, ayun. Sila ang naghandle ng

    training ng mga teachers ng grade seven. And we have the curriculum guide prepared way before

    the training. For example, sa science, na-prepare na iyong guides, and they have a separate guide

    for teaching. So I think they are prepared. And one more thing is that, the lessons for grade seven

    are not that different from what they were teaching before. Siguro ang changes na malaki ay

    iyong sa grades eleven and twelve.

    Gabriel Justine T. Ramos: maam doon po sa grades eleven and twelve, ano po sa tingin niyo

    yung kailangang readiness measures para doon?

    Dr. Aurora Franco: ang course na tinetake ng ating department ngayon is that they are already

    coordinating with TESDA so that our vocational teachers would be able to take the qualifying

    exam for vocational subjects. By the time dumating na yung grades eleven and twelve, we are

    hoping na iyong mga teachers natin ay qualified na para sa pagtuturo ng skills training. Now

    another proposal is that, kasi magkakaroon ng two years gap ang tertiary. Two years wala silang

    estudyante kasi nag grades eleven and twelve. Ang proposal nila eh ang teachers from tertiary

    schools ang magtuturo ng grades eleven and twelve. Pero hindi pa naman iyon ang final. Those

    were the proposals made. Isa pang worry eh baka ang mga classroom, magkulang. One of the

    proposals is that, iyong rooms ng mga tertiary schools eh ipapagamit for highschool.

    Makikipagcoordinate ang highschools with tertiary schools with excess classrooms. So, those

    were the proposals. Iyong grade seven pa lang talaga ang malinaw and we are getting ready for

    the grade eight. Materials are already being prepared as of now, and then next summer, the

    teachers will be training