presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

5
Filipino Presentasyon ng mga Datos v Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral at interpretasyon. v Calderon at Gonzales: nagtukoy ng tatlong paraan ng presentasyon ng mga datos na nakalap sa pananaliksik: Ø Tekstwal Ø Tabular Ø Grapikal Tekstwal na Presentasyon v Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos v Layunin: upang maipokus ang antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal v Ayon kay Bernales et al: kailangan nitong taglayin ang mga ss na katangian – Ø Kaisahan: pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata Ø Kohirens: pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan Ø Empasis: pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon. v Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga sumusunod na katangian: Ø Malinaw: ang mga pangungusap ay hindi Malabo o hindi maaaring magbunga ng iba’t ibang interpretasyon Ø Tuwiran: iwasang maging paliguy-ligoy ang mga pahayag. § Tandaang ang tekstwal na presentasyon sa pananaliksik ay isang teknikal na sulatin at hindi isang akdang literari o malikhain. Ø Maikli: sa teknikal na pagsulat, ang brevity ay isang pangangailangan Ø Wasto ang grammar: kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa pagbabaybay at sa paggamit ng mga bantas. Ø Lohikal: kailangang lohikal ang pagkakasunod-sunod. § Maaaring ayusin ang mga datos: · Mula sa pinakamalaki/pinakamataas hanggang sa pinakamaliit/pinakamababa o ang kabaligtaran nito · Mula sa pinakasignipikant hanggang sa pinakainsignipikant o kabaligtaran nito. · Mula sa pinakakompleks hanggang sa pinakasimple o kabaligtaran nito. · Mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma o kabaligtaran nito · Mula sa una hanggang sa huli o kabaligtaran nito · Mula sa pinakamalayo hanggang sa pinakamalapit o kabaligtaran nito § Depende sa uri at kalikasan ng mga datos na inilalahad sa teksto.

description

Summary of Chapter 2, pagbasa at pananaliksik

Transcript of presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

Page 1: presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

Filipino

Presentasyon ng mga Datos

v  Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral at interpretasyon.

v  Calderon at Gonzales: nagtukoy ng tatlong paraan ng presentasyon ng mga datos na nakalap sa pananaliksik:

Ø  Tekstwal

Ø  Tabular

Ø  Grapikal

Tekstwal na Presentasyon

v  Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos

v  Layunin: upang maipokus ang antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal

v  Ayon kay Bernales et al:  kailangan nitong taglayin ang mga ss na katangian –

Ø  Kaisahan: pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata

Ø  Kohirens: pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan

Ø  Empasis: pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon.

v  Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga sumusunod na katangian:

Ø  Malinaw: ang mga pangungusap ay hindi Malabo o hindi maaaring magbunga ng iba’t ibang interpretasyon

Ø  Tuwiran: iwasang maging paliguy-ligoy ang mga pahayag.

§  Tandaang ang tekstwal na presentasyon sa pananaliksik ay isang teknikal na sulatin at hindi isang akdang literari o malikhain.

Ø  Maikli: sa teknikal na pagsulat, ang brevity ay isang pangangailangan

Ø  Wasto ang grammar: kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa pagbabaybay at sa paggamit ng mga bantas.

Ø  Lohikal: kailangang lohikal ang pagkakasunod-sunod.

§  Maaaring ayusin ang mga datos:

·         Mula sa pinakamalaki/pinakamataas hanggang sa pinakamaliit/pinakamababa o ang kabaligtaran nito

·         Mula sa pinakasignipikant hanggang sa pinakainsignipikant o kabaligtaran nito.

·         Mula sa pinakakompleks hanggang sa pinakasimple o kabaligtaran nito.

·         Mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma o kabaligtaran nito

·         Mula sa una hanggang sa huli o kabaligtaran nito

·         Mula sa pinakamalayo hanggang sa pinakamalapit o kabaligtaran nito

§  Depende sa uri at kalikasan ng mga datos na inilalahad sa teksto.

Tabular na Presentasyon

v  Ginagamit ay isang istatistikal na talahanayan

v  Ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang sistematiko

v  Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak, at nauunawang anyo.

Grapikal na Presentasyon

v  Grap: isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa isa pang baryabol o mga baryabol sa anyong palarawan o diagramatik (calderon at gonzales)

v  Mga pinakagamiting grap:

Ø  Layn grap

Page 2: presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

§  Ginagamit upang ipakita ang pagbabago ng baryabol

§  Epektib kung nais na ilantad ang trend o pagtaas, pagdami o pagsulong ng isang tiyak na baryabol

Ø  Bilog na grap (circle o pie graph)

§  Upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o praksyon ng isang kabuuan.

§  Ang kabuuang hinati-hati ay maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya’y ng multidimensyonal na bilog na kahawig ng isang pie.

Ø  Bar grap

§  Epektib na gamitin upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit pang baryabol sa pamamagitan ng haba ng bar.

Ø  Piktograp

§  Presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan sa isang baryabol.

Huling Tagubilin

v  Kailangang sikaping maging malinaw at akyureyt ang presentasyon ng mga datos na nakalap.

v  Kailangang gamitin ang kumbinasyon ng tekstwal at tabular o grapikal na presentasyon

v  Kailangang maging consistent ang mga datos na inilalahad sa teksto at sa talahanayan o grap.

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

a.           Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at informasyon at ang disenyo ng pananaliksik.

b.     Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng importanteng datos

c.  Huwag gumawa ng mga deduction, inference, at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.

d.   Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na yang mga pinagbatayan ng mga kongklusyon.

e.     Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang muli.

f.       Gawaing maikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.

g.     Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o informasyon sa lagom.

Konklusyon

a.     Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at informasyong nakalap.

1.  b.      Dapat masagot ng tumpak at maayos ang mga katanungang  tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

c.      Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga faktwal na napag-alaman sa inkwiri.

d.  Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirekatang efekto ng mga datos o informasyong nakalap.

e. Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang informasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesifik na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.

f.   Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan sa validiti at relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangang kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil, baka, at iba pa.

g.     Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw, at panahon ng pag-aaral.

Page 3: presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

h.     Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong-papel. Samakatwid,ang isang diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa kongklusyon.

Rekomendasyon

a. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa investigasyon.

b.  Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral.

c.  Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.

d.     Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa individwal, pangkat, tanggapan, o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.

e.  Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay iyon.

f. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti, at populasyon upang maverifay, maamplifay  o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.

  -Ito ay matatagpuan sa katapusan ng isang papel-pampananaliksik. Ito rin ay kadalasang tinatawag na talasanggunian.

Ito ay gumaganap sa mga sumusunod ng tungkulin:

a. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghaguan ng mga ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na hinalaw,

b. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman,

c. Nagbigay ng mga karagdagang informasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik,

d. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may

katotohanan ang mga nakalap na informasyon ng isang mananaliksik, at

e. Nagbigay ito ng kredebilidad sa pananaliksik na isinagawa

Mga batayang informasyon na kailangang matukoy sa talasanggunian

a. Awtor o mga awtor

b. Pamagat

c. Lugar ng publikasyon

d. Pablisher o tagalimbag

e. Petsa o Taon ng pagkalimbag

f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

Mga Tagubilin

a. Aklat na may awtor

Aguino, B. 1990. The taming of the millionare.

New York: Random House.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.

                        San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House, Inc.

b. Aklat na may dalawa o higit pang awtor

Davis K. & Newstorm J. 1989. Human behavior in organization.

New York: Mc Graw-Hill.

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.  

        2000.  Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya  

        Publihing House Inc.

Page 4: presentasyon at interpretasyon ng datos reviewer

c. Inedit na volyum ng isang aklat

Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining 

ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

Darling, C.W., Shields, J. & Villa V.B. (Eds.). 1998. Chronological looping in 

                   political novels.Hartford: Capitol Press.

d. Mga hanguang walang awtor o editor

Webster’s new colligiate dictionary. 1961.Springfield,

MA: G and G Merriam

The personal promise pocketbook. 1987. Makati:

Alliance Publishers, Inc.

e. Multi-volyum, inedit na akda

Nadeau, B. M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol 4). Lincoln: 

                      University of Nebraska Press

f. Di- nalathalang disertasyon, tisis, pamanahong papel

De Jesus, Armado F. 2000. Institutional research capability and performance at the  

                       University of   Santo Tomas: Proposed model for managing research in  

                       private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST.

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa  

                    pagsasalin   ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP  

                    Diliman.

g. Mga artikulo mula sa jornal, magazin, dyaryo, newsletter

Dauz, Florentino. 2003, Agosto 10. Ang bayan ng Gapan,

Kabayan, 4.

Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net Guide

Magazine, 88-98.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa

wikang pambansa. Lagda, 12-20.

g. Mga hanguang elektroniko

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

                http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph

http://atin-americanliterature.edu.ph