Personal Preparedness Guide (Filipino)

download Personal Preparedness Guide (Filipino)

If you can't read please download the document

description

Personal Preparedness Guide (Filipino)

Transcript of Personal Preparedness Guide (Filipino)

  • GABAY SA PAGHAHANDA SA KALAMIDAD PARA SA MGA MAY KAPANSANAN

  • Gabay sa Paghahanda sa Kalamidad 2

    Totoo na ang kalamidad ay maaaring mangyari kailanman at saanman, may babala man o wala. Naapektuhan nito ang lahat ng tao, subalit hindi ito nangangahulugang wala na tayong magagawa sa harap ng mga kalamidad.

    Ang pagiging handa para sa mga kalamidad ay maaring makabawas sa epekto nito sa iyo.

    Ang pagkilala sa mga peligro sa iyong kapaligiran at sa mga posibleng mangyari kapag may kalamidad ay makakapagpatibay ng iyong kakayahang matiyak ang iyong kaligtasan.

    Ang pag-iisip ng mga maaari mong kailanganin pagdating ng kalamidad at paghanda para sa mga ito ay makatutulong sa mas madaling pagharap sa sitwasyon pagkaraan ng isang kalamidad.

    Ang pagiging handa ay nangangahulugang mas-kakaunting tulong o suporta ang iyong kakailanganin sa panahon ng kalamidad at pagkatapos nito.

    Ang kaalaman at kahandaan ay katumbas ng mas malaking posibilidad na ikaw ay makakaligtas at makakabangon mula sa kalamidad.

    Bakit kailangan kong maging handa?

  • 3 para sa mga may Kapansanan

    Ang booklet na ito ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman at mga palaisipan na tutulong sa iyong simulan ang proceso ng paghahanda sa kalamidad kasama ang iyong pamilya at pamayanan. Ito ay gagawin sa isang paraan kung saan isinasang-alangalang ang iyong mga kakayahan at kapasidad na maaring makatulong sa iyo at sa iba sa oras ng kalamidad.

    Para sa mga tagapag-alaga at kamag-anak ng mga taong may kapansanan at sa pamayanan sa pangkalahatan, ang booklet na ito ay tutulong sainyo na matiyak ang kaligtasan ng mga taong may kapansanan oras na dumating ang kalamidad.

    Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay maari ring magamit para mailigtas ang mga nakatatanda, ang mga may pangmatagalan o malubhang karamdaman, pati na rin ang mga buntis na malapit na ang kabuwanan.

    Paano ako matutulungan ng booklet na ito?

    Bukod sa pagbibigay impormasyon at praktikal na kaalaman para sa iyong pansariling kahandaan, ang bawat bahagi ng booklet na ito ay mayroon ding mga Puntong Palaisipan. Ang mga puntong ito ay tutulong sa iyo na pag-isipan kung paano mo masisimulang gamitin ang kaalaman na nakuha mo sa bawat bahagi ng booklet para makabuo ng isang planong akma at ayon sa iyong pangangailangan at sitwasyon. Ang pagninilay-nilay sa mga tanong na ito ay makatutulong sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo upang masukat ang iyong kahandaan para sa kalamidad.

    Hindi kinakailangang tapusin ang lahat ng mga gawain ng madalian. Halimbawa, bawat araw maaaring magbasa lamang ng iisang bahagi ng booklet at sagutan ang mga palaisipan para lang sa bahaging ito. At kinabukasan, maari mong ituloy ang proseso

    Paggamit ng booklet na ito

  • Gabay sa Paghahanda sa Kalamidad 4

    Paano ka maaring maapektuhan ng kalamidad

    Ang kalamidad ay nagdudulot sa paghinto ng normal na takbo ng isang pamayanan at

    nagdadala ng malawakang epekto sa tao at kawalan sa kagamitan, ekonomiya at sa

    kahinaan o ng isang tao o pamayanan. Ang epekto ng isang kalamidad ay

    maaring lumabis sa kakayahan ng isang tao na harapin ito.

    Ang unang hakbang sa pagiging handa para sa mga kalamidad ay ang pag-unawa kung

    paano ka maaring maaapektuhan nito.

    Ang kalamidad ay makaka-apekto sa buong pamayanan ngunit ang epekto nito sa

    bawat isa ay ayon din sa taglay na kahinaan at angking kakayahan ng isang tao.

    Ang mga sumusunod ay iilan lamang halimbwa kung paano maaring makaimpluwesiya

    ang iyong kapansanan sa magiging epekto ng kalamidad sa iyo:

    Binabawasan ng kalamidad ang kakayahan mong protektahan ang iyong sarili.

    Maaring hindi ka makagalaw o makakilos dahil sa paglaala ng iyong kapansanan, sa pagkawala

    ng iyong assistive device o pagkasira ng iyong bahay at kapaligiran.

    Ang pagbabago sa iyong kapaligiran ay maaring maging hadlang sa iyong

    paghingi ng tulong o sa paghahanap ng mga maaring tumulong sa iyo.

    Ang mga daan na nakasanayan o rutang pamilyar sa iyo ay maaaring masira. Ang mga linya ng

    komunikasyon ay maaaring bumagsak. Ang iyong tagapangalaga pati na ang mga relief

    workers ay maaaring mahihirapan makarating sa iyo dahil sa mga nasirang daan.

  • 5 para sa mga may Kapansanan

    Maapektuhan din ng kalamidad

    ang mga taong inaasahan mo

    upang tulungan ka.

    Maaaring umasa ka sa iyong pamilya,

    kapitbahay at mga kaibigan, pero sa

    panahon ng kalamidad, may posibilidad

    na hindi na sila makakatulong sa iyo.

    Maaari kasi nilang unahin ang pansarili

    nilang kapakanan, possible din na sila

    maaaring makapag-abot ng tulong sa

    iyo.

    Ang kalamidad ay maaaring

    magdulot ng sikolohikal at emosyonal na pagkabalisa at trauma.

    Sinuman na maapektuhan ng kalamidad ay maaaring mag-panic at hindi malaman ang

    gagawin dahil sa pagkabigla, pagkatakot at trauma. Ngunit para sa ibang tao, ang mga

    emosyong ito ay maaaring makapagpalala ng isang karamdaman o makadagdag sa taglay na

    kapansanan.

    Ang mga natatangi mong pangangailangan ay maaaring hindi matugunan ng mga

    ahensiya ng gobyerno at mga relief organization.

    Pagkatapos ng kalamidad, ang uunahin ng mga relief worker ay ang pagbigay ng mga

    pangunahing pangangailangan ng pangkalahatan gaya ng pagkain, tirahan, at tubig. Ang mga

    personal mong pangangailangan gaya ng gamot o ng iba pang kagamitan tulad ng wheelchair,

  • Gabay sa Paghahanda sa Kalamidad 6

    Ang mga evacuation center ay maaring hindi accessible o maginhawa para sa iyo

    at sa iyong mga pangangailangan.

    Ang mga evacuation center ay maaaring hindi akma sa iyong partikular na kalagayan.

    Halimbawa, kung ikaw ay may kapansanan sa pagkilos, maaari kang mahirapang gumalaw sa

    loob ng evacuation center o makarating at makagamit ng mga pasilidad gaya ng kubeta kung

    ang pagkakagawa ay hindi ayon sa iyong pangangailangan. Posible ring hindi naisasama sa tala

    sa evacuation center ang mga may kapansanan - dahilan upang ang mga impormasyon

    patungkol sa iyong mga pangangailangan ay hindi makarating sa mga relief workers at

    kinauukulan.

    MGA PALAISIPAN

    Anu-ano ang mga peligro sa lugar kung saan ka nakatira at sa

    kapaligiran nito?

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    At sa iyong pinagtatrabahuhan o paaralan?

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

  • 7 para sa mga may Kapansanan

    Pagisipan ang iyong particular na sitwasyon at kalagayan. Ano ang mga bagay

    na maaring magpalala ng epekto ng kalamidad sa iyo?

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    Sa iyong pananaw, alin sa mga puntong

    natalakay ay maaari mong maranasan sa

    p a n a h o n n g i s a n g ka l a m i d a d ?

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    ___________________________________________

    Ano ang iyong gagawin sa mga sitwasyong ito,

    at ano ang magagawa mo ngayon para mapaghandaan na ang mga ito?

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

  • Gabay sa Paghahanda sa Kalamidad 8

    Paano ako maghahanda para sa kalamidad?

    Dumalo sa mga pagtitipon tungkol sa Disaster Risk Reduction o DRR.

    Palawakin ang iyong kaalaman tungkol

    sa mga peligro, kalamidad at epekto

    nito sa pamamagitan ng pagdalo sa mga

    DRR meeting sa iyong pamayanan. Mula

    rito, matututunan mo kung paano

    naghahanda sa kalamidad ang iyong

    pamayanan at kung paano mo

    matutulungan ang iyong sarili.

    Matututo rin ang iba sa iyo! Halimbawa,

    puwede mong maipakita sa kanila kung

    paano dapat tulungan o alalayan ang

    mga may kapansanan sa oras ng

    kalamidad.

    Maki-

    Maki-isa sa mga gawain na tumutukoy sa mga peligro at kakayahan ng pamayanan.

    Magbahagi sa pamamagitan ng pagtiyak na nakilala at na-mapa ang mga taong may

    kapansanan at pagbanggit ng mga posible mong pangangailangan. Huwag kalimutang mag-

    alok ng anumang tulong kaya mong ibigay. Halimbawa, magprisinta na mamahala sa paglilista

    o tumulong sa paghahanda ng pagkain sa evacuation center.

    PALAWAKIN ANG KAALAMAN AT IBAHAGI ITO SA IBA