Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

44
1 of 44 Tinig Mula sa Ibaba at sa Labas: Kritik ng Globalisasyon Tungo sa Pagbuo ng Alternatibong Adyendang Sosyo-Ekonomiko Para sa Bansang Pilipinas (Voices from Below and Beyond: A Critique of Capitalist Globalization Towards the Formation of An Alternative Socio-economic Agenda for the Philippines) David Michael M. San Juan De La Salle University-Manila [email protected] Key words: Globalisasyon (Globalization), Ekonomiks (Economics), Usaping Pandaigdig (International Affairs), Kapitalismo (Capitalism), Kaunlaran (Development) ABSTRAK (English translation on the next page) Mahigit sansiglo pagkatapos maihayag ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, nananatiling dukha ang mayorya ng mga mamamayang Pilipino. Sa mga nakaraang taon ay patuloy na dumausdos ang ranggo ng bansa sa Human Development Index (HDI) ng United Nations. Mahigit sansiglo na rin mula nang maging sunud-sunuran ang Pilipinas sa mga kanluraning hulwaran ng kaunlaran (development models) gaya ng kapitalistang globalisasyon. Sunud-sunod na administrasyon sa kontemporaryong kasaysayan ang naging masugid na tagapagpatupad ng mga patakarang sosyo-ekonomikong ipinapataw ng International Monetary Fund (IMF), World Bank at World Trade Organization (WTO). Samakatwid, malinaw na ang

description

Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

Transcript of Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

Page 1: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

1 of 44

Tinig Mula sa Ibaba at sa Labas: Kritik ng Globalisasyon Tungo sa Pagbuo ng

Alternatibong Adyendang Sosyo-Ekonomiko Para sa Bansang Pilipinas

(Voices from Below and Beyond: A Critique of Capitalist Globalization Towards

the Formation of An Alternative Socio-economic Agenda for the Philippines)

David Michael M. San Juan

De La Salle University-Manila

[email protected]

Key words: Globalisasyon (Globalization), Ekonomiks (Economics), Usaping

Pandaigdig (International Affairs), Kapitalismo (Capitalism), Kaunlaran (Development)

ABSTRAK (English translation on the next page)

Mahigit sansiglo pagkatapos maihayag ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit,

Cavite, nananatiling dukha ang mayorya ng mga mamamayang Pilipino. Sa mga

nakaraang taon ay patuloy na dumausdos ang ranggo ng bansa sa Human

Development Index (HDI) ng United Nations. Mahigit sansiglo na rin mula nang maging

sunud-sunuran ang Pilipinas sa mga kanluraning hulwaran ng kaunlaran (development

models) gaya ng kapitalistang globalisasyon. Sunud-sunod na administrasyon sa

kontemporaryong kasaysayan ang naging masugid na tagapagpatupad ng mga

patakarang sosyo-ekonomikong ipinapataw ng International Monetary Fund (IMF),

World Bank at World Trade Organization (WTO). Samakatwid, malinaw na ang

Page 2: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

2 of 44

matinding paghihikahos ng sambayanang Pilipino ay direktang resulta ng aplikasyon ng

kapitalistang globalisasyon sa bansa. Sa ganitong diwa, layunin ng papel na ito na

bumuo ng panimulang kritik sa kapitalistang globalisasyon sa Pilipinas bilang batayan

ng pagbuo ng isang alternatibong adyendang sosyo-ekonomiko. Bibigyang-pansin sa

papel na ito ang mga “tinig mula sa ibaba at labas,” ang tinig ng mga anak-dalita at ng

mga kilusang panlipunang iniluwal ng deka-dekadang pakikibaka para sa mas

makatarungang lipunan, ang mga tinig na karaniwang etse-pwera sa nakalipas na

sansiglo ng pagbubuo (o baka mas akmang sabihing “panggagagad”) ng mga hungkag

na programang sosyo-ekonomiko sa mga pangunahing tagapagsulong ng kapitalistang

globalisasyon.

ABSTRACT

One hundred years after Philippine independence was declared at Kawit, Cavite,

a great majority of Filipino citizens remain poor. In the past years, the country’s rank in

the United Nations’ Human Development Index (HDI) steadily declined. One hundred

years have passed too since the Philippines became subservient to western

development models such as capitalist globalization. Successive administrations in

contemporary history became ardent implementors of socio-economic policies imposed

by the International Monetary Fund (IMF), the World Bank and the World Trade

Organization (WTO). Thus, it is clear that the miserable poverty of the Filipino people is

the direct result of applying capitalist policies in the country. Within this context, this

paper aims to produce a preliminary critique of capitalist globalization in the Philippines

as a basis in formulating an alternative socio-economic agenda. This paper focuses on

the “voices from below and beyond,” voices of the poor and the social movements

Page 3: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

3 of 44

precipitated by decades of struggles for a more just world, voices that are usually

marginalized and sidelined in the past century of creating (or perhaps it’s more apt to

use the term “copying”) empty socio-economic programs from the main adherents of

capitalist globalization.

~~~

Isandaa’t labindalawang (112) taon mula nang lumaya ang Islas Filipinas sa

kolonyalismong Espanyol at mahigit isandaang (100) araw mula nang pasinayaan ang

pamumuno ng ika-15 pangulo ng bansa, inihayag ng United Nations sa taunang ulat na

tinaguriang Human Development Index (HDI) na nasa ranggong ika-97 ang Republika

ng Pilipinas sa talaan ng 169 na bansa sa buong daigdig. Sa simpleng pagpapahayag,

mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto ng edukasyon,

kalusugan at kita. Nasa ika-77 puwesto ang bansa noong 2000 at ika-66 naman noong

1990. Pinatutunayan ng samu’t saring estadistika ang ganitong dumadausdos na

kalagayan ng Pilipinas.

Matinding Kahirapan sa Panahon ng Globalisasyon

Ayon kay Senador Edgardo Angara, 70% ng mga Pilipino (o 70 milyong

mamamayan) ang nabubuhay nang mas mababa pa sa 42 piso o 1 dolyar bawat araw –

ang halagang itinakda ng United Nations na diumano’y kailangan ng isang tao upang

mabuhay nang disente (Torregoza, 2010). Kung tutuusin, lubhang mababa at malayo

na sa reyalidad ang sukatan ng United Nations (isaalang-alang halimbawa, na ang

Page 4: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

4 of 44

isang karaniwang student meal sa University Belt ng Metro Manila ay nagkakahalaga

ng 30 – 80 piso) kaya posibleng mas malaki na ang aktwal na bilang ng mga Pilipinong

dukha kaysa sa mga isinasaad ng opisyal na estadistika. Tumutugma ang pahayag ni

Senador Angara sa 69% ng mga Pilipino na nagsasabing sila’y “mahirap” batay sa

isang survey na isinagawa ng Ibon Foundation noong Abril 2010. Sa isang pag-aaral

naman ng Food and Nutrition Research Institute/FNRI (isang ahensya ng gobyerno)

noong 2008, mayroong 4,000,0000 batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang

pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas (Alexandra 2009). Sa pagtataya

naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY), may 30,000,000

Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor (2008). Malaking

porsyento sa kanila ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Batay

naman sa datos ng National Statistics Office/NSO (2010), halos 3,000,000 Pilipino ang

walang trabaho at mahigit 7,000,000 naman ang kulang sa trabaho o underemployed.

Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa

sariling bansa, halos 3,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para

magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment

Administration/POEA (2006). Sa tantya ng POEA, maaaring umabot ang bilang na ito

sa 4,000 kada araw kung isasama ang mga Pilipinong hindi dokumentado ang pag-alis

para magtrabaho sa ibang bansa. Ayon sa iba’t ibang pagtataya, ang bilang ng mga

Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mula mahigit 8,000,000 (Congressional Planning

and Budget Department-Philippine House of Representatives, 2006) hanggang

10,000,000 (Cruz, 2010).

Page 5: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

5 of 44

Bato, Noodles, Prostitusyon at Surrogate Ulam: Kakaibang Sukatan ng Kahirapan

Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di karaniwang sukatan ng kahirapan.

Iniulat ng Agence France Presse (2008) na 3,000 sa 50,000 residente ng Baseco (isang

komunidad ng mga maralita sa Maynila) ang nagbenta ng isang bato nila sa mga

dayuhan. Batay sa isang report ng Philippine Daily Inquirer (2010), pati mga menor de

edad ay napipilitan nang magbenta ng kanilang bato. Marami ring Pilipino ang

nagbebenta ng dugo, ngipin at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding

kahirapan. Walang kagatul-gatol na inamin ng isang 60-taong donor ang dahilan ng

pagbebenta ng kanyang dugo sa ulat ni Etolle (2008): “Ang pagbebenta ng dugo ko ang

tanging moral na trabahong alam ko, kaysa naman magnakaw.” Ayon naman kina

Yrasuegui at Esselborn (2008), bagamat ilegal ang prostitusyon sa bansa ay may

“800,000 prostitute ang nakatira at nagtatrabaho sa Pilipinas. Kalahati sa kanila ang

menor de edad.”

Tinalakay naman noong Abril 29, 2010 sa ispesyal na edisyon ng Sine Totoo

(programang dokumentaryo) ng GMA 7 ang matinding kagutuman na dinaranas ng

maraming Pilipino, sa isang episode na pinamagatang “Philippine Agenda: Gutom.” Sa

nasabing episode ay aktwal na inilahad ang karanasan ng mga pamilyang Pilipino na

kumakain ng tira-tirang pagkain mula sa basura (tinatawag na “pagpag” o “kaning-

baboy”) o kaya’y mga isdang nakalalason na nahuhuli sa maruming katubigan ng

Manila Bay. Inihayag ni Florencio (2003) sa isang pananaliksik na maraming Pilipino na

rin ang kumakain ng kanin na tinambalan ng “surrogate ulam” gaya ng toyo, kape,

mantika ng baboy, asin, pulang asukal, bagoong at iba pa. Ang lumang euphemism sa

pagdaralita – “pagdidildil ng asin” – ay literal na nagaganap at malaganap na. Tila

Page 6: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

6 of 44

pinagpala pa nga ang mga nakakakain ng kanin at “surrogate ulam” dahil ayon sa

Global Call to Action Against Poverty/GCAP-Philippines (2008), “Para sa maraming

mahihirap na pamilya, ang instant noodles na naglalawa sa sabaw ay kumpletong

pagkain na.” Katunayan, ang pagbebenta ng murang noodles ay bahagi na ng isa sa

mga programang kontra-kahirapan ng pamahalaan na tinaguriang “Tindahan Natin.” Sa

ilalim ng nasabing programa ay tinitiyak ng gobyerno ang pagkakaroon ng sapat na

suplay ng at access sa murang noodles at bigas para sa mga maralita. Kaugnay nito,

ayon sa Flour Fortification Initiative (2010), isang internasyunal na network ng mga

kumpanya, NGOs at mga akademista na naglalayong isulong ang paglalagay ng

bitamina/nutrient sa harina, tumaas ng 11% bawat taon ang pagkonsumo ng noodles ng

mga Pilipino sa nakaraang 10 taon.

Pagdaralita sa Ika-21 Siglo: Resulta ng Isandaang Taon ng Kabiguan ng

Kapitalistang Globalisasyon

Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang

habang mabilis na umuunlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas makro-

ekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down

ba sa mga ordinaryong mamamayan ang tahas na progresong makro-ekonomiko nila),

nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas sa kabila ng

lubos na pagyakap ng bansa sa sistemang kapitalista at mga preskripsyon ng huwad na

globalisasyon. Sa isang panayam sa Manila Times (2010), inamin ng Puno ng United

Nations Information Center sa Maynila na si Therese Debuque na tila natatalo ang

bansa sa digmaan kontra kahirapan: “Mula 1990, ang antas ng matinding kahirapan [sa

Pilipinas] ay tumindi sa halip na maibsan.” Inihayag din ni Debuque na hindi maganda

Page 7: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

7 of 44

ang performance ng Pilipinas sa pagkamit ng tinatawag na millennium development

goals – ang mga pangunahing layuning itinakda ng 192 bansang kasapi ng United

Nations at mahigit 20 organisasyong internasyunal upang masugpo ang matinding

kahirapan sa buong daigdig, noong taong 2000 (Bauzon 2010).

Melodramatikong naibuod ng ekonomistang si Alejandro Lichauco – na nagtapos

sa prestihiyosong Harvard University – ang kalunos-lunos na kalagayan ng

sambayanang Pilipino mula noon hanggang ngayon sa ilalim ng kapitalistang

globalisasyon, sa aklat na “Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass

Poverty” (1986): “Ito’y isang lipunan kung saan ang mga kabataan ay walang

inaasahang magandang bukas; kung saan tinitiis ng mga magulang ang paghihikahos

ng kanilang mga anak, at binabagabag sila ng pag-iisip sa madilim na kinabukasan ng

kanilang mga anak; kung saan ang mga malalakas ang katawan ay napipilitang iwan

ang kanilang pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa; kung saan ang mga

matatanda at ang mga may-kapansanan ay mag-isang namumuhay nang walang

tulong; isang lipunan kung saan ang mga siyentista, guro, alagad ng sining, lingkod-

bayan, mga propesyunal at mga sundalo ay walang trabaho kundi man kulang ang

sweldo...kung saan ang isinilang nang dukha ay namumuhay sa karukhaan at

namamatay ring dukha.”

Sa mga nakaraang dekada ay tuluy-tuloy na pinairal ng sunud-sunod na

administrasyon ang sistema ng kapitalismong nakakiling sa pribadong sektor, sa

konteksto ng huwad na globalisasyon – kapitalistang “globalisasyon” na pumapabor

lamang sa ekonomya ng mauunlad at industriyalisadong bansa at ilang indibidwal na

kasosyo nila sa mga bansang Third World. Samakatwid, makatwiran lamang na ibaling

Page 8: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

8 of 44

ang kritisismo sa kawalan ng kaunlaran sa kahungkagan ng kapitalistang globalisasyon

bilang isang programang sosyo-ekonomiko. Tinalakay ni Madeley (2003: 6-8) sa

panimula ng aklat na “A People’s World” ang pagiging huwad ng pangakong

pagkakapantay-pantay at kaunlaran sa ilalim ng globalisasyon. Sa halip na

pagkakapantay-pantay, isang dambuhalang pagkakahati ng daigdig ang iniluwal ng

globalisasyon ayon kay Madeley: ang daigdig ng mga globalizer na binubuo ng mga

makapangyarihang korporasyong transnasyunal kasama ang pamahalaan ng mga

mauunlad na bansa na karamiha’y nasa Kanluran laban sa daigdig ng mga bansang

globalized, ang mga bansang dukha na karamiha’y dating kolonya ng mga bansa sa

Kanluran. Sa ganitong konteksto ipinahayag ni Khor (1995) na sa pananaw ng mga

mamamayan ng Third World, ang “globalisasyon” ay walang iba kundi ang tinatawag na

o pagpapatuloy ng “kolonisasyon” sa mga nakaraang siglo. Kung ituturing na propesiya

ang ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal ay maaaring tawaging

bagong “tanikalang diyamante,” ang kapitalistang globalisasyong ipinapataw sa bansa.

“Tanikala” sapagkat patuloy nitong inilulubog sa karukhaan at pagkaalipin ang

sambayanan, at “diyamante” sapagkat may mapanlinlang na kislap ang mga huwad na

pangako nitong binalot ng mataginting na retorika gaya ng “malayang kalakalan,”

“daigdig na walang hanggahan (boundaries),” “kapatiran ng sangkatauhan” atbp.

Apatnapung Bilyunaryo sa Daigdig ng Mga Dukha

Malinaw na nabigo ang kapitalistang globalisasyon na magdulot ng tunay na

kaunlaran sa mga mamamayan ng bansa. Mismong ang dating pangulo ng Estados

Unidos na si Bill Clinton (2010) ang nagsabing “malubha ang kawalan ng

pagkakapantay-pantay sa daigdig kaya hindi lubos na maitaguyod ang paglago ng

Page 9: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

9 of 44

ekonomya na makapag-aahon sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas sa kahirapan,

makapagbibigay sa lahat ng magandang edukasyon, at makapagbibigay sa lahat ng

oportunidad na makakuha ng trabaho o makapagsimula ng magandang negosyo.” Ang

daigdig kung saan walang pagkakapantay-pantay na tinutukoy ni Clinton ay walang iba

kundi ang sistema ng kapitalismo at huwad na globalisasyon na nagpapayaman sa dati

nang mayaman at walang ganap na kaunlarang idinudulot sa naghihikahos na

sambayanan.

Sa kabila ng matinding karukhaan ng maraming Pilipino, kagulat-gulat na may

apatnapung bilyunaryo rin sa Pilipinas. Ayon sa isang ispesyal na ulat ng Forbes

Magazine Asia (2010), “(a)ng pinakamayayaman sa Pilipinas ay may kabuuang yaman

na nagkakahalaga ng $22.8 bilyon, isang kapuri-puring 39% na antas ng pagtaas mula

sa $16.4 bilyon ng nakaraang taon,” sa kabila ng pandaigdigang krisis-pinansyal na

hindi pa ganap na nalulutas. Akmang-akma ang ganitong estadistika sa paglalarawan ni

Papa Benito XVI (2009) sa kalagayan ng daigdig sa kanyang kauna-unahang encyclical

letter na pinamagatang Caritates in Veritate (Pag-ibig sa Katotohanan): “Ang yaman ng

daigdig ay palaki nang palaki, ngunit ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay pataas

nang pataas...Sa mga mahihirap na lugar, may ilang pangkat na nagtatamasa ng

superdevelopment... na hindi katanggap-tanggap kapag itinapat sa mga umiiral na

sitwasyon ng kalunus-lunos na paghihikahos ng ibang mamamayan. Nagpapatuloy ang

pag-iral ng eskandalosong kawalan ng pagkakapantay-pantay.”

Page 10: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

10 of 44

Krisis ng Kapitalistang Globalisasyon sa Daigdig

Wala nang mas matibay pang argumento sa pag-abandona sa kapitalismo at

“globalisasyon” kundi ang mismong pandaigdigang krisis-pinansyal na nagsimula at

patuloy pa ring nananalasa sa numero-unong bansang kapitalista, ang Estados Unidos.

Mahusay na naipaliwanag ni Michael Moore sa dokumentaryong “Capitalism: A Love

Story” (2009) ang kahungkagan ng kapitalismo sa ekonomya. Inilahad ni Moore kung

paano nalugi ang mga dambuhalang pribadong bangko sa Amerika dahil sa kanilang

pagiging ganid sa tubo, at kung paano sila nakapagmaniobra upang makakuha ng

bilyun-bilyong dolyar na pondong pansalba sa pagkalugi (bail-out funds) na mula sa

buwis ng mga mamamayang biniktima ng kanilang pagiging gahaman sa salapi. Kung

talagang episyente ang kapitalismo, bakit kakailanganin pa ng mga kapitalistang

korporasyon ang tulong ng gobyerno sa panahong dumanas ito ng pagkalugi? Hindi

ba’t “sinolo,” “kinopo” o sinarili ng mga kapitalistang korporasyon ang tubo sa panahong

maganda ang negosyo? Bakit sa panahon ng pagkalugi’y nais nilang magpasalba sa

pamahalaan at taumbayan? Malinaw kung gayon na hungkag at bangkarote na ang

padrong kapitalista kung episyente at pangkalahatang kaunlaran ang layunin sapagkat

ni hindi nga nito kayang iligtas ang kanyang sarili! Walang ipinag-iba sa payat at

naghihingalong linta ang kapitalismo na di kayang mabuhay sa kanyang sarili – isang

parasitikong organismong nakaasa sa kanyang kulang-palad na biktima. Hindi kataka-

takang inihayag na ng ilang akademista ang pagpasok ng daigdig sa panahong post-

kapitalismo at post-globalisayon.

Mismong ang mga paring Amerikano ay namulat na sa kapalpakan ng

kapitalismo gaya ng ipinakikita sa ilang eksena sa dokumentaryong “Capitalism: A Love

Page 11: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

11 of 44

Story” (“Kapitalismo: Isang Kuwento ng Pag-ibig”). Sa tanong na “Kasalanan ba ang

kapitalismo?” narito ang sagot ni Padre Dick Preston ng Michigan: “Para sa akin at para

sa marami sa atin, ang kapitalismo sa ngayon ay masama (evil). Ito’y labag sa lahat ng

mabuti (good). Ito’y kontra sa kapakanan ng nakararami (common good). Ito’y kontra sa

pagmamalasakit. Ito’y kontra sa lahat ng mga pangunahing relihiyon. Kapitalismo ang

bagay na tinutukoy sa mga banal na kasulatan, partikular sa ating mga banal na

kasulatan, na di makatarungan. At sa Kanyang sariling paraan, bababa ang Diyos at

wawasakin ito. Mali ang kapitalismo at dapat itong buwagin.” Higit pang matalas ang

depinisyon ni Padre Peter Dougherty sa kapitalismo: “Ito’y imoral. Ito’y obscene. Ito’y

nakagagalit (outrageous)! Ito’y talagang matinding kasamaan. Ito’y matinding

kasamaan.” Binigyang-laman naman ng isang obispo ang dahilan ng gayong mariing

pagpuna ng Simbahan sa kapitalismo: “Tila hindi nakapag-aambag ang sistema sa

kapakanan ng lahat ng tao at ito ang dahilan kung bakit sa kanyang mismong kalikasan

(nature) ay taliwas ito sa tinuro ni Hesus na nagsabing ‘Pagpalain ang mga dukha, sa

aba ng mga mayaman.’ Mula ‘yan sa ebanghelyo mismo ni San Lukas.”

Ang kapalpakan ng kapitalismo ay awtomatikong nangangahulugan ng

kapalpakan ng “globalisasyon” sapagkat kapitalista ang sistemang ipinatutupad ng mga

internasyunal na ahensyang promotor ng “globalisasyon” gaya ng World Trade

Organization, International Monetary Fund at World Bank. Ayon kay Padre Pedro

Salgado, isang Dominikanong eksperto sa ekonomiks (1997: 384-385): “gaya ng

International Monetary Fund, binibigyang-diin ng World Bank ang pagyakap ng mga

bansang nangungutang sa patakarang malayang kalakalan...Sa pamamagitan ng

malayang kalakalan, ang mga mahihirap na bansa’y nabibitag sa kumunoy ng kanilang

Page 12: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

12 of 44

karukhaan...ang malayang kalakalan ay nangangahulugang kayamanan para sa mga

mayayamang bansa, mas matinding kahirapan para sa mga mahihina...Sa ilalim ng

patakaran ng WTO (World Trade Organization) maaaring tambakan ng halos lahat ng

produkto ng mga mayayamang bansang industriyal ang mga pamilihan sa Third World,

sa gitna ng bukas at walang habas na malayang kalakalan. Gaya ng kitang-kita sa lahat

ng kumpetisyon, ang malakas ang nangingibabaw.” Hungkag kung gayon ang

ipinamamaraling “malayang kalakalan” ng “globalisasyon” at kapitalismo: “malaya” ang

mga bansang may malakas na ekonomya na pagsamantalahan ang mga bansang

mahihina” at “global” ang saklaw ng kalakalan ngunit hindi global ang pakinabang.

Maihahambing sa isang dambuhalang arena ang kapitalistang globalisasyon:

“malayang” makilahok ang bawat bansa, ngunit hindi pinaghihiwalay ang mga feather

weight at heavy-weight, alalaon baga’y isang free-for-all na suntukan, bugbugan at

minsa’y patayan ang namamayani.

Case Study ng Kapitalistang Globalisasyon sa Pilipinas: Aliping Masunurin,

Luging-lugi pa rin

Pinatutunayan ng karanasan ng Pilipinas ang pag-iral ng ganitong hindi

makatwirang labanang free-for-all. Mula sa pagtataguyod ng parity rights, patakarang

dekontrol, deregulasyon ng industriya ng langis, pagpapataw ng value-added tax sa

mga pangunahing bilihin, kontraktwalisasyon ng mga mangggagawa, pagtatanggal ng

taripa (buwis sa mga produktong imported), tuluy-tuloy na pangungutang sa

International Monetary Fund (IMF) at World Bank, pribatisasyon ng mga pangunahing

industriya at public utilities (gaya ng tubig at kuryente), higit na pagdurusa at

Page 13: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

13 of 44

paghihikahos lamang ang idinulot ng kapitalistang globalisasyon sa mayorya ng mga

Pilipino.

Sa maagang bahagi pa lamang ng implementasyon ng “malayang kalakalan” sa

pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos mula 1909-1941, kitang-kita na ang

disbentahe ng kapitalistang globalisasyon (na walang iba kundi aplikasyon ng

“malayang kalakalan” sa buong mundo) sa mga bansa gaya ng Pilipinas na hindi pa

industriyalisado. Ayon kay Lichauco (1982: 26-27), “32 taon pagkatapos ng

pagsasabatas ng malayang kalakalan noong 1909, wala pa rin tayong kahit anong

industriyang naitatayo. Nanatili tayong isang ekonomyang agrikultural na nag-iimport ng

halos lahat ng ating kailangang yaring produkto (finished goods)…” Hindi nagtapos sa

deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 1946 ang “malayang

kalakalan.” Sa pamamagitan ng Bell Trade Act na ipinataw sa taon ding iyon ay

nagpatuloy ang pananalasa ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas. Sinundan pa ito ng

patakarang dekontrol na ayon mismo sa noo’y Pangulong Diosdado Macapagal ay

ipinatupad ng kanyang administrasyon alinsunod sa rekomendasyon ng International

Monetary Fund (Lichauco, 1982: 36-37). Nagdulot ito ng matinding krisis sa kabuhayan

ng mga Pilipino bunsod ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng mga

eksport ng Pilipinas (Villegas, 1982: 51) kaya naman noong 1965 ay natalo sa

kampanyang re-eleksyon si Macapagal (Lichauco, 1982: 37).

Tuluy-tuloy na ipinatupad ng mga kontemporaryong rehimen mula kay Marcos

hanggang kay Ramos ang patakarang “malayang kalakalan” sa utos ng IMF at World

Bank. Rumurok (nag-peak) ang walang habas na pagyakap ng bansa sa kapitalistang

globalisasyon sa panahon ni Ramos, nang ipatupad ang malawakang “liberalisasyon”

Page 14: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

14 of 44

ng import sa pamamagitan ng pagbabawas at pagtatanggal sa mga taripa (buwis sa

imported na produkto). Naging isang malawak na duty-free zone ang bansa. Unti-unting

nasaid ang koleksyon ng buwis ng pamahalaan kaya naman ipinataw ng

administrasyong Ramos ang noo’y 10 porsyento pa lamang na value-added tax upang

“bawiin” sa taumbayan, ang kitang itinapon nito sa hangin (foregone revenue), bunsod

ng pagtatanggal at pagbabawas ng taripa. Bumaha ng imported na produkto na

nagbunsod ng pagsasara ng mga maliliit at midyum na negosyong Pilipino. Kaya

naman sa pagsambulat ng Krisis-Pinansyal sa Asya sa mga huling taon ng dekada 90,

matinding pagdaralita ang dinanas ng sambayanang Pilipino. Mismong ang noo’y

kalihim ng Department of Trade and Industry na si Jose Concepcion ay nagpahayag ng

batikos sa mga hakbang ng pamahalaan: “ang patakarang liberalisasyon ng import ang

dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ng 700,000 manggagawa at pagkamatay ng mga

maliliit na lokal na industriya” (Lichauco, 2005: 71). Naglaho ang industriya ng gulong,

papel, sapatos at kemikal sa Pilipinas dahil sa liberalisasyon ng import. (Lichauco,

2005: 13) at maging ang mga malalaking negosyo gaya ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI),

Caltex at Matsushita Electric Philippines ay naapektuhan (Lichauco 2005: 14-15).

Naghayag ng pagkalugi ang HLI dahil sa pagbaha ng imported na asukal. Isinara

naman ng Caltex ang refinery sa Batangas dahil natatalo na ito ng kumpetisyong dulot

ng mas malalaking refinery sa ibang bansa. Nagsara naman ang pabrika ng colored TV

ng Matsushita Electric Philippines dahil sa pagbababa ng taripa sa mga imported na

produkto. Binigyang-diin naman ni Dr. Edberto Villegas (2000: 54), propesor sa

Unibersidad ng Pilipinas na sa kabila ng pagiging pinakamasunurin ng Pilipinas sa IMF,

ang bansa rin ang pinakaapektado ng pagsambulat ng Krisis-Pinansyal sa Asya noong

Page 15: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

15 of 44

mga huling taon ng dekada 90 batay sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa

Pilipinas (11%) na higit na mataas sa mga karatig-bansa gaya ng Thailand – 5.5%;

Malaysia – 5.3%; South Korea – 6% at Indonesia – 8%.

Pangunahing tagapagmana ni Ramos ang administrasyong Arroyo sa

pagpapatupad ng kapitalistang globalisasyon. Ipinagpatuloy nito ang patakarang

liberalisasyon sa iba’t ibang industriya gaya ng semento na negatibo pa rin sa

pangkalahatan ang epekto. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Divina M. Edralin (2003), full

professor sa De La Salle University-Manila “(n)agbigay lamang ng oportunidad ang

globalisasyon sa mga korporasyon, partikular sa mga transnasyunal na korporasyong

gaya ng Cemex, Holcim, at Lafarge na palakihin ang kanilang puhunan, palawakin ang

kanilang conglomerates, at unti-unting maisakatuparan ang monopolisasyon ng

industriya ng semento sa daigdig.” Nagdulot din ang globalisasyon ng “pagpapaliit ng

lakas-paggawa” (downsizing) sa industriya ng semento sa bansa, bagay na nagpahina

sa mga unyon at sa kolektibong kakayahan ng mga manggagawa na ipaglaban ang

kanilang mga karapatan, at nagpatibay lalo sa kapangyarihan ng mga korporasyon

(Edralin, 2003).

Pinasimulan din ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang liberalisasyon ng industriya

ng asukal sa pamamagitan ng Executive Order No. 857 na nagbigay-pahintulot sa

National Food Authority dahil na mag-angkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal

sa kabila ng mariing pagtutol ng mga lokal na prodyuser ng asukal (Corpuz, 2010).

Tinatayang 2,000,000,000 piso ang mawawalang kita sa gobyerno dahil sa walang-

taripang (duty-free) importasyon ng asukal. Hindi rin naprotektahan ng administrasyong

Arroyo ang industriya ng sapatos at garment sa bansa. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Niels

Page 16: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

16 of 44

Beerepoot (2008) ng University of Amsterdam, nahirapang makipagkumpetensya ang

industriya ng sapatos sa Marikina sa pagdagsa ng mga murang produkto mula Tsina at

tila naghihingalo na rin ang industriya ng garment sa bansa dahil sa pamamayani ng

Cambodia, Tsina at Vietnam sa larangang ito. Ani Beereport, nagdulot ng malawakang

pagsasara ng mga pabrika at tanggalan sa trabaho ang ganitong sitwasyon. Nitong

Nobyembre 2010 ay ibinalita naman ang pasya ng Department of Labor and

Employment (DOLE) na payagan ang outsourcing ng 2,600 trabaho sa Philippine

Airlines (PAL). Idinahilan ng pangasiwaan ng PAL ang matinding kumpetisyon na dulot

ng “globalisasyon” sa pagpupumilit nito na isagawa ang outsourcing na walang iba

kundi pinagandang pangalan sa kontraktwalisasyon ng mga regular na trabahador. Ilan

lamang ang mga ito sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng

kapitalistang globalisasyon.

Protesta Kontra-Globalisasyon sa First World

Dapat bigyang-diin na ang mga simpleng mamamayan sa buong daigdig ay

apektado rin ng kapalpakan ng kapitalistang globalisasyon. Sinasalamin ng mga

mataginting na protesta sa Gresya, Espanya, Belgium, Pransya at South Korea noong

2010 ang kabiguan ng kapitalistang globalisasyon sa pagdudulot ng kaunlaran sa

mayorya ng mga mamamayan. Malinaw na mailalagay sa konteksto ang mga

pandaigdigang dambuhalang protestang kontra-kapitalismo at -globalisasyon kung

isasaalang-alang ang isang epekto ng walang rendang globalisasyon sa ekonomya ng

daigdig ayon sa Association pour la Taxation des Transactions financières et pour

L’Action Citoyenne/ATTAC (Association for the Taxation of the Financial Transactions

and for Citizen’s Action): “…80 porsyento ng internasyunal na daloy ng salapi ay

Page 17: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

17 of 44

nakakonsentra sa halos 20 bansa na kumakatawan lamang sa 22 porsyento ng

populasyon ng daigdig” (Fisher at Ponniah, 2003: 41). Maging ang mga mamamayan sa

First World ay nagpoprotesta dahil hindi rin sila nakinabang sa bilyun-bilyong dolyar na

tubo ng mga dambuhalang kumpanyang transnasyunal. Bunsod nito, inilarawan ng libu-

libong kalahok sa World Social Forum na isinagawa sa Porto Alegre, Brazil ang

kahungkagan ng kapitalistang globalisasyon sa isang Manipesto ng mga Kilusang

Panlipunan: “Lahat ito’y nangyayari sa konteksto ng pandaigdigang resesyon. Sinisira

ng neoliberal na modelong ekonomiko ang mga karapatan, pamumuhay at kabuhayan

ng mga mamamayan. Gamit ang lahat ng paraan upang protektahan ang halaga ng

kanilang mga sapi (shares), nagtatanggal ng mga manggagawa, nagbabawas ng sahod

at nagsasara ng mga pabrika ang mga kumpanyang multinasyunal, at pinipiga nila ang

kahuli-hulihang sentimo mula sa mga manggagawa. Ang mga pamahalaang

humaharap sa ganitong krisis ekonomiko ay tumutugon sa pamamagitan ng

pribatisasyon, pagbabawas ng pondo para sa panlipunang serbisyo at permanenteng

paglimita sa karapatan ng mga manggagawa. Ang resesyong ito’y naglalantad sa

katotohananng ang pangakong paglago at kaunlaran ng neoliberalismo ay isang

kasinungalingan” (Fisher at Ponniah, 2003: 348-349).

Tinig Mula sa Ibaba at Labas

Sa gitna ng kabiguan ng kapitalistang globalisasyon na magluwal ng kaunlaran

para sa nakararami, nararapat lamang na mag-isip na ng panibagong alternatibo ang

mga Pilipino. Sa ganitong diwa, ang pananaliksik na ito ay naglalayong makabuo ng

isang alternatibong pambansang adyendang sosyo-ekonomiko para sa bansang

Pilipinas – isang tinig mula sa “ibaba,” ang tinig ng mga dukha at tinig mula sa “labas,”

Page 18: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

18 of 44

ang tinig ng mga non-government organization (NGO) at mga kilusang panlipunan na

mula sa at kasama ng mga dukha – silang laging etse-pwera sa pagbabalangkas ng

mga kinopyang padrong sosyo-ekonomiko. Isang programang sosyo-ekonomikong

nakasulat sa wikang higit na naiintindihan ng bayan ang hangad maisakatuparan ng

papel na ito, sa gitna ng daan-daang tomo o volume ng mga artikulo, pananaliksik,

papel, sanaysay, ulat, tesis at disertasyon tungkol sa paglutas ng kahirapan ng bansa,

na sa kasamaang-palad ay karaniwang nakasulat sa akademikong Ingles.

Mula Kay Charice Pempengco Hanggang sa Mga Tagabalangkas ng Programang

Sosyo-ekonomiko: Bansang Unggoy?

Nang ihayag ni Freddie Aguilar na “unggoy” si Charice Pempengco dahil sa

panggagaya sa mga banyagang mang-aawit (Nicasio, 2009), maraming Pilipino ang

nagalit kay “Ka Freddie.” Hindi matanggap ng mga Pilipino ang katawagang “unggoy”

na salamin ng pagiging mangongopya, manggagagad, o ng kulturang pamimirata sa

ginagawa ng iba; samakatwid baga’y ang panggagaya sa anumang makitang ginagawa

ng mga Amerikanong dinidiyos, na walang ipinag-iba sa isang matapat na alagang

unggoy na ginagagad ang bawat kilos ng among trainer (halaw sa Ingles na kasabihang

Monkey see, monkey do). Marahil, kung nabasa ng mga Pilipinong nagalit sa tinuran ni

“Ka Freddie” ang mabalasik na pangaral (o baka nga propesiya) ni Jose Rizal sa

pamamagitan ni Simoun sa ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo,” mapag-iisip-isip

nilang higit pa sa kultural na “pang-uunggoy” ang ginagawa ng sambayanan at lalo na

ng pamahalaang Pilipino.

Page 19: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

19 of 44

Ani Simoun: “Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa Espanya gamit

ang mga kwintas na rosas ngunit ang totoo, iginagapos n’yo siya sa pamamagitan ng

mga kadenang matibay pa sa diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng

Hispanisasyon ng inyong mga pag-uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong

hinihingi ay pagpapatiwakal, ang pagkawasak ng inyong pagkamamamayan, ang

pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng diktadura! Magiging ano kayo

sa hinaharap? Isang bansang walang sariling diwa, bansang walang laya, lahat ng

taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto! Nagmamakaawa kayong

lukuban ng Hispanisasyon at ni hindi man lang kayo nahihiya!” Upang higit na

maintindihan ang rekontekstwalisasyon ng sinabi ni Simoun, palitan ng “IMF, WTO at

World Bank” ang “Espanya” at palitan naman ng “kapitalistang globalisasyon” ang

“Hispanisasyon.” Malibang itakwil ng bansang Pilipinas ang banyagang padrong sosyo-

ekonomiko gaya ng kapitalistang globalisasyon na bigo sa pagluluwal ng kaunlaran

para sa sambayanan, mananatili ang mga “depekto” ng ekonomya ng bansa, mga

depektong hiniram lamang kasama ng buong sistemang sosyo-ekonomiko ng bansa sa

kasalukuyan. Sa isang talumpati sa forum na nagkakahalaga ng 25,000 piso ang

pagdalo, inamin ni Bill Clinton, dating pangulo ng Estados Unidos, na nakasama ang

kolonisasyon ng Amerika at Espanya sa Pilipinas. Nilinaw sa pagsusuri ni Esposo

(2010) na “ang kaunlaran ng Pilipinas ay hinahadlangan ng pakikialam ng Estados

Unidos sa ating mga usaping pampulitika at pang-ekonomya” hanggang sa

kasalukuyan.

Sa ganitong konteksto, dapat burahin ng mga Pilipino sa kanilang kolektibong

kamalayan ang maling kaisipan na ang pag-akit sa dayuhang pamumuhuan o foreign

Page 20: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

20 of 44

investment ang susi sa pag-unlad ng bansa. Higit na praktikal na tigilan na ang pag-asa

sa mga dayuhang mamumuhunan dahil sa mga nakaraang taon mas malaki pa ang

naiambag na pera ng mga OFWs sa ekonomya ng Pilipinas kaysa sa mga foreign direct

investment. Halimbawa, noong 2009, $17,350,000,000 ang naisampang remittance ng

mga OFW kumpara sa $1,590,000,000 foreign direct investment. Panahon nang

simulan ang proseso ng pagbuo ng bansa at pagtatakwil sa pagsandig sa mga

dayuhan, na itinatagubilin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga isinulat.

Sa kanyang malapropetikong Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas Isang

Siglo Mula Ngayon), hinulaan ni Rizal na sasakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas.

Sa aklat na ito’y inihayag niyang lalaya ang sambayanang Pilipino sa kamay ng

Espanya at “marubdob na ipagtatanggol ang kalayaang nakamit sa pamamagitan ng di

kawasang dugo at sakripisyo” laban sa mga bagong mananakop. Sa halip na mga

pinunong namamalimos sa statehood ng Pilipinas (ang tahas na pagsakop ng Estados

Unidos sa Pilipinas) o kaya’y parity rights para sa mga dayuhan, pinangarap ni Rizal

ang sambayanang magluluwal “ng mga taong sisibol sa kanilang lupain...,”

“...magsisikhay na lumakad sa maluwang na daan ng kaunlaran...” at “kikilos nang

sama-sama upang patibayin ang kanilang lupang tinubuan...” Binigyang-diin ni Rizal

ang kahalagahan ng kalayaang ekonomiko bilang pundasyon ng kalayaang pulitikal,

samakatwid baga’y ang pagsandig sa sarili (self-reliance) tungo sa kaunlaran sa

pamamagitan ng mga industriyang sariling-sikap: “At ang mga minaha’y bubuksan

upang iluwal ang ginto para maibsan ang kanilang karukhaan, bakal para sa sandata,

tanso, tingga at uling...”

Page 21: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

21 of 44

Taliwas sa preskripsyon ni Rizal hinggil sa pagsandig sa sariling lakas at

abilidad, nakabibingi ang ingay ng pamamalimos ng mga administrasyon, kasama na

ang administrasyong Aquino para sa dayuhang puhunan na inaakalang magsasalba sa

bansa. Nakalimutan na nila ang datos na nasa aklat ng Amerikanong mananaliksik na si

William Pomeroy (1992) sa bawat isang dolyar na puhunan ng mga dayuhang

korporasyon sa Pilipinas, tumutubo sila ng $3.68, at $2 rito ang ipinadadala nila sa

kanilang bansa. Ang datos ni Pomeroy ay kinalap noong 1970s, at inaasahang sa

pagkakaroon ng higit na episyenteng proseso sa lansakang produksyon o mass

production bunsod ng modernong teknolohiya, kakambal ang mababang pasahod sa

mga panahong ito, tiyak na lalong malaki ngayon ang tinutubo ng mga dayuhang

korporasyon sa Pilipinas, tubo na hindi naman nila inilalagak sa mga negosyo rito, kundi

ipinadadala nila sa kani-kanilang bansa. Ayon pa kay Salgado (1997: 132),

monopolisado rin ng mga dayuhang korporasyon ang mga pautang ng bangko

sapagkat “sa bawat 4 dolyar na dinala sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan,

humihiram sila ng 100 dolyar sa mga lokal na bangko.” Higit na nakikinabang kung

gayon, ang mga multinasyunal, kaysa sa mga Pilipino, sa kasalukuyang sistema.

Malinaw kung gayon, na sa proseso ng pagkamit ng pambansang kaunlaran, hindi

dapat umasa sa dayuhang pamumuhunan.

Unang Hakbang sa Sanlibong Milyang Lakbayin: Maghanap ng Puhunan

Sa halip na dayuhang puhunan ay katutubong puhunan ang dapat gamitin ng

mga Pilipino sa pagpapaunlad ng bansa. Dapat ihinto ang pagbabayad ng utang

panlabas (foreign debt) at bawasan ang pambayad sa lokal na utang (domestic debt)

para magkaroon tayo ng pera na magagamit sa implementasyon ng mga repormang

Page 22: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

22 of 44

sosyo-ekonomiko. Upang maisagawa ito, kailangang ipawalang-bisa ang awtomatikong

paglalaan ng badyet para sa utang sa pamamagitan ng pagbabasura sa Section 31 ng

Presidential Decree 1177 (isang batas na ipinataw ng diktadurang Marcos), at gayundin

sa Section 26, Chapter 4, Book VI ng Executive Order 292 (Administrative Code of

1987) na eksaktong kopya ng Section 31 ng PD 1177. Nakasalalay sa hakbang na ito

ang ikapagtatagumpay ng anumang repormang sosyo-ekonomiko: masaklap na

katotohanan na walang reporma kung walang pera.

Sa nakalipas na 10 taon (2000-2010), 5,600,000,000,000 piso ang nagastos ng

bansa sa pagbabayad ng utang. Ngayong 2010, 746,000,000,000 piso ang nakalaang

pambayad-utang sa pambansang badyet (halagang halos sapat na upang tumbasan

ang yaman ng 40 pinakamayamang tao sa Pilipinas na nagkakahalaga ng

754,400,000,000 piso ayon sa pagtataya ng Forbes Magazine Asia). Sa 2011, mahigit

823,000,000,000 piso ang nakalaan sa pagbabayad ng utang. Kung tutuusin,

napakaraming pabrika na ang maitatayo sa halagang ito pa lamang.

Sa kasamaang-palad, ang utang ng bansa ay nagpapatung-patong habang

bayad nang bayad ang pamahalaan. Sa pagtatapos ng administrasyong Estrada, ang

utang ng bansa ay nasa 2,170,000,000,000 piso lamang. Sa pagtatapos ng rehimeng

Macapagal-Arroyo, ang kabuuang utang ay lumobo na sa mahigit 4,000,000,000,000

piso (Pebrero 2010), at inaasahang aabot muli sa 5,000,000,000,000 sa pagtatapos ng

2010. Dapat tandaan na sa panahon din ni Macapagal-Arroyo ay nagbayad ang

Pilipinas ng halagang 5,100,000,000,000 piso! Hindi kataka-takang tinatawag na debt

trap ng ilang akademista ang ganitong sistemang ipinataw ng IMF at ng World Bank,

kung saan “...tinitiyak ng malayang kalakalan na ang kayamanan ng Third World ay

Page 23: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

23 of 44

mapupunta sa First World, bagay na nagtutulak sa una na lalo pang mangutang nang

mangutang” (Salgado, 1997: 384). Habang nagbabayad ng utang ay lalong lumalaki

ang utang sapagkat ginagamit ang mga bagong utang upang bayaran ang mga lumang

utang. Hindi ginagamit ang malaking bahagi ng bagong utang upang maglinang ng mga

industriyang kumikita at tumutubo nang malaki. Gaya ito ng pagkuha nang pagkuha ng

salapi sa bangko at pagkatapos ay pagsusunog sa pera.

Ang tawag ng panahon: ihinto ang pagbabayad ng utang sa 10 taon, gamitin ang

pera bilang puhunan sa pagtatayo ng mga industriya at modernisasyon ng agrikultura,

at pagpapatupad ng iba pang reporma. Pagkatapos ng 10 taon, kakayanin na ng

ekonomya ng bansa na bayaran ang lahat ng utang. Ang paglimita sa at/o pagtigil ng

pagbabayad ng utang ay ginawa na ng mga bansang gaya ng Peru, Argentina, Brazil,

Mexico, at Romania (Lichauco, 1988: 250-268) kaya naman kahit sa gitna ng

pandaigdigang krisis-pinansyal ay higit pa ring maunlad ang kanilang ekonomya kaysa

sa ekonomya ng Pilipinas. Ayon sa datos ng 2010 United Nations Human Development

Index Report, nakalalamang ang mga bansang ito sa pangkalahatang kaunlaran, batay

sa kani-kanilang ranggo: Peru - 63; Argentina - 46; Brazil - 73; Mexico - 56; Romania –

50 (kumpara sa ranggong ika-97 ng Pilipinas). Nilinaw ni Lichauco (1988: 267) ang

dahilan ng ganitong “pangungulelat” o kawalan ng kaunlaran ng Pilipinas na kahiya-hiya

kung ihahambing sa relatibong pag-unlad ng ibang bansa: “Lahat ng mga umuunlad na

bansa ay may mga pasaning utang panlabas, ngunit sa pangkalahatan, ang mga utang

na ito’y ginamit upang pondohan ang pagbuo at paglinang ng isang matibay na

istrukturang industriyal, gaya ng ginagawa ng Brazil at South Korea. Kakaiba ang

Pilipinas sapagkat ang kanyang mga utang nakuha sa pangakong hindi gagamitin sa

Page 24: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

24 of 44

pagpopondo ng industriyalisasyon ng bansa…” Hanggang sa kasalukuyan ay totoong-

totoo ang analisis ni Lichauco: wala pa ni isang proyektong pagtatayo ng industriya ang

naipangutang ng gobyerno ng Pilipinas. Kahit sa programang sosyohang publiko-

pribado (public-private partnership o PPP, na walang iba kundi pinagandang termino

lamang para sa napatunayan nang palpak na programang Built-Operate-Transfer/BOT

ng mga nakaraang administrasyon) ng administrasyong Noynoy Aquino ay walang

nababanggit na pagtatayo ng industriya.

Pagtatakwil sa Ninakaw na Utang

Upang magkaroon ng karagdagang pondong pangkaunlaran, dapat ding igiit o

ipagpilitan ang pagtatakwil o repudiation ng mga utang na ninakaw lamang ng mga

pulitiko noon. Ayon sa isang pananaliksik ng African Forum and Network on Debt and

Development o AFRODAD (2007), mula 1986 hanggang 2006 ay nagbayad ang mga

Pilipino ng US$1,900,000,000 billion, ¥23,000,000,000 at CHF (Swiss Franc)

107,100,000 sa mga nagpondo ng pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Ang nasabing plantang nukleyar na itinayo sa panahon ng diktadurang Marcos ay

maanomalya sapagkat over-priced ang halaga, itinayo sa paanan ng Bundok Natib (na

isang bulkang dormant) na nasa fault line din, at ni hindi nakalikha ng kahit isang

megawatt ng kuryente. Isa lamang ang BNPP sa mga halimbawa ng maanomalyang

utang na dapat itakwil at huwag bayaran. Mahalaga sa prosesong ito ang makipag-

ugnayan sa iba pang bansang Third World upang maisulong ang pagbura o

pagbabasura sa utang ng Third World sa mga bansang First World gaya ng

itinataguyod ng internasyunal na network ng mga aktibistang kontra-utang, ang Jubilee

South. Maaari ring pumasok sa mga kasunduang debt-for-Millennium Development

Page 25: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

25 of 44

Goals swap gaya ng isinusulong ni UP Prof. Leonor Briones (dating Pambansang Ingat-

Yaman ng Pilipinas), kung saan binubura ang utang ng bansa, kapalit ng paglalaan ng

mas malaking pondo sa edukasyon, kalusugan at iba pang mga pangunahing

serbisyong panlipunan.

Upang magkaroon ng karagdagang pondo para sa mga hakbang na

makapagpapasampa ng pera sa kaban ng bayan o mga income-generating projects na

magagamit sa mga repormang sosyo-ekonomiko, dapat ibalik ang taripa o buwis sa

imported na produkto na mayroong katumbas o katulad sa Pilipinas gaya ng asukal,

sapatos atbp. Malaki ang kitang nawala sa gobyerno bunsod ng mga kasunduan sa

“malayang kalakalan” sa ilalim ng kapitalistang globalisasyon. Halimbawa, ayon sa

isang ulat ng Philippine Daily Inquirer (October 2010), 15,600,000,000 piso ang

mawawalang kita (foregone revenue) ng gobyerno sa taong 2010 dahil sa iba’t ibang

kasunduan sa “malayang kalakalan” gaya ng Association of Southeast Asian Nations’

(Asean) Trade in Goods Agreement o ATIGA at Japan-Philippines Economic

Partnership Agreement (JPEPA).

Ibayong pagkawasak ng mga industriyang Pilipino bunga ng matinding

kumpetisyon ang idudulot din ng ganap na pagpapatupad ng China-Asean Free Trade

Area (CAFTA) ayon sa pagsusuri ni Rep. Walden Bello (2010), na isa ring kilalang

akademista at mananaliksik sa larangan ng pulitika at ekonomiks. Maaga pa rito ay

nagbabala na si Dr. Alfredo Robles, Jr. (2007), propesor sa International Studies

Department ng De La Salle University-Manila hinggil sa “mga huwad na pangako ng

malayang kalakalan sa pagitan ng ASEAN at ng European Union.” Sa tantya ni Robles,

ang pagpapatupad ng “malayang kalakalan” sa pagitan ng European Union (na may

Page 26: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

26 of 44

mas matatag at episyenteng industriya) at ng ASEAN (na karamihan sa mga bansang

kasapi ay hindi pa gaanong matatag ang mga industriya) ay tiyak na magdudulot ng

paghina ng sektor ng pagmamanupakura sa ASEAN, bagay na maaaring magdulot ng

malawakang kawalan ng trabaho kung hindi mapalalawak ang sektor agrikultura at

serbisyo (malls, call centers atbp.). Binigyang-diin din ni Robles na kung talagang nais

ng bansa na pumasok sa “malayang kalakalan,” kailangan nitong paghandaan ang

pagkawala ng malaking kita bunsod ng pag-aalis ng taripa. Sa kaso ng Pilipinas na

wala pang gaanong maipagmamalaking industriya, tiyak na ang lubos na pagkawasak

ng mga natitira pang nakatayong industriya na tila naghihingalo na, gayundin ang

pagkabangkarote o bankruptcy ng pamahalaang baon na sa utang. Samakatwid, ang

pagbabasura sa “malayang kalakalan” sa kasalukuyan, sa panahong hindi pa kayang

makipagsabayan ng Pilipinas sa matinding kumpetisyon, ay isang makatwiran at

matalinong panawagan. Maisasalba nito ang Pilipinas sa lalong pagkabaon sa utang at

makapagbibigay ito ng karagdagang pondong magagamit sa pagbubuo at

pagpapalakas ng mga industriyang Pilipino.

Bukod sa pagbabalik ng mga taripa sa imported na produkto, maaari ring

magpataw o mag-impose ng buwis sa mga produktong luho o luxury goods gaya ng

sports utility vehicles, Apple laptops, Rolex watch, diamond jewelry atbp. Makabubuti

ring pag-aralan ang pagpapataw o imposition ng buwis sa mga big-time financial

transaction, partikular ang paglalabas ng dolyar at/o puhunan/investment sa Pilipinas at

pagpapataw ng special tax sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa (na kahawig ng

mga proposal sa Estados Unidos). Dapat ding seryosohin ang pagbawi sa mga ninakaw

na kayamanan ng bayan ng mga nakaraang diktador at pulitiko.

Page 27: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

27 of 44

Mula sa Baul ng Kasaysayan: Mga Solusyong Di Pa Nasusubukan

Gamit ang puhunang mula sa pagpapahinto ng pagbabayad ng utang at iba

pang nabanggit na iskemang income-generating, maisasakatuparan na ang mga

pangunahing reporma na siyang magiging gulugod o backbone ng pag-unlad ng bansa:

ang tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura, at makabansa at

pambansang industriyalisasyon. Ang mga pangunahing repormang ito ay matagal nang

panawagan ng anak-dalita sa Pilipinas. Halimbawa, noong 1935, idinaos ang kauna-

unahang halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng Komonwelt. Sina Manuel

Luis Quezon, Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay ang tatlong kandidato sa

pagkapangulo. Bagamat natalo si Aglipay nina Quezon at Aguinaldo sa bilang ng boto,

dapat maitatak sa kasaysayan ang kandidatura ni Aglipay bilang kauna-unahang

pagtatangka ng isang makabayang kandidato na kamtin ang pagkapangulo upang

simulan ang pagpapaunlad ng Pilipinas. Ibinandila ni Aglipay ang programang reporma

sa lupa at pambansang industriyalisasyon (Pomeroy, 1992: 91-93). Sumunod sa

kanyang yapak ang isa pang dakilang makabayan na sumubok din sa eleksyong

pampanguluhan, walang iba kundi si Senador Claro M. Recto. Bagamat di gaanong

kapansin-pansin ay posibleng sina Senador Manuel Villar at Sen. Jamby Madrigal na

ang naging tagapagmana ng sinimulan nina Aglipay at Recto batay sa kanilang mga

plataporma de gobyerno noong nakaraang halalan na pawang nagbibigay-diin sa

reporma sa lupa at industriyalisasyon. Ang mga solusyong kanilang inihapag ay

pawang di pa nasusubukan. Pagkatapos ng isandaang taong kapalpakan ng

kapitalistang globalisasyon, panahon nang isigaw ng sambayanan: “Ang bayan naman!”

Page 28: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

28 of 44

Lupa Para Sa Tagabungkal

Dantaong problema na ang kawalan ng reporma sa lupa, ang matibay na kontrol

ng iilang pamilya sa mayorya ng lupa sa Pilipinas, ang sistemang kahawig ng lumang

pyudalismo sa Europa noong Edad Media (Middle Ages). Tinatayang 60% ng mga

lupang agrikultural sa bansa ay kontrolado ng mga mayayamang pamilya na bumubuo

sa 13% lamang ng populasyon ng bansa, at 7 sa 10 magsasaka ang walang sariling

lupa (Ibon Foundation, 2008). Ang ganitong konsentrasyon ng lupa sa iilang pamilya

ang dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng bansa at kawalan ng sapat na trabaho

para sa mayorya ng mga mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008). Ang pagliit ng share ng agrikultura sa

pambansang ekonomya – na bunga ng kawalan ng reporma sa lupa – ay nagresulta rin

ng matinding kahirapan at kawalan ng oportunidad para sa maraming taga-probinsya.

Ayon sa World Factbook ng Central Intelligence Agency (CIA), 34% ng lakas-paggawa

ng bansa ay nasa agrikultura, 15% ang nasa industriya at 51% naman ang nasa

serbisyo (call centers, fastfood chains, malls at iba pa). Hindi uunlad ang Pilipinas kung

patuloy itong aasa sa sektor ng serbisyo. Ang pagbibigay-prayoridad lamang sa sektor

ng agrikultura at industriya ang makapagsasalba sa bansa, gaya ng pinatunayan ng

Japan, South Korea, Tsina at iba pang karatig-bansa.

Mula kay Rizal sa “El Filibusterismo” hanggang kina Amado V. Hernandez sa

“Mga Ibong Mandaragit” at Rogelio Sicat sa “Tata Selo” ay naging pangunahing paksa

ng mga obra maestra sa panitikang Filipino ang magsasakang inagawan ng lupa, ang

magsasakang alipin ng asendero, ang magsasakang simbolo ng karukhaan at

pagkaalipin ng sambayanang Pilipino. Pagpapatunay ito ng nagnanaknak na suliraning

Page 29: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

29 of 44

panlipunan na nangangailangan ng agad na kalutasan. Sa aktwal, malaking bahagi ng

mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines-New

People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang naakit sa programa ng nasabing

grupo na libreng lupa para sa mga magsasaka na isinasaad sa “12-puntong Programa”

ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang sangay-pulitikal ng CPP-

NPA. Ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), bukas ito sa

pagpirma mga kasunduang nakatuon sa mga repormang sosyo-ekonomiko, kabilang na

ang reporma sa lupa, gaya ng isinasaad sa panukala nitong Concise Agreement for an

Immediate Just Peace (CAIJP) noong 2005. Kaipala’y magdudulot din ng kapayapaan

ang reporma sa lupa.

Dapat isailalim sa reporma sa lupa ang lahat ng mga hacienda sa Pilipinas sa

pamamagitan ng libreng pamamahagi o distribusyon ng mga parsela sa mga

magsasakang walang sariling lupa. Upang maisabalikat ang episyenteng pagpapatakbo

ng mga lupang isinailalim sa reporma, dapat tulungan ang mga magsasaka sa

pagtatayo ng mga kooperatiba na papalit sa mga lumang management board ng mga

hacienda. Dapat pangasiwaan o iadminister ng pamahalaan ang pagbuo ng mga

kooperatiba ng magsasaka sa tulong ng mga organisasyon ng mga magsasaka upang

lalong maging produktibo ang pagbubungkal sa lupa. Ang mga kooperatiba ang

magpapatibay sa pagkakaisa ng mga magsasaka tungo sa mabilis at mas episyenteng

produksyon, na higit pa sa produksyong pinamahalaan ng mga management board na

wala namang kongkretong kaalaman at direktang karanasan sa pagsasaka. Wala nang

mas huhusay pa sa pamamahala ng mga sakahan kundi ang mga magsasaka mismo.

Page 30: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

30 of 44

Sa pamamagitan ng mga kooperatiba ay magiging maayos, episyente at mabilis din

ang daloy ng tulong-pinansyal ng pamahalaan sa mga magsasaka.

Ayon kay Steve Suppan, Senior Policy Analyst ng Institute for Agriculture and

Trade Policy/IATP (2008), “(b)agamat patuloy na nauungusan ng produksyon ng

pagkain ang paglago ng populasyon (ayon sa Food and Agriculture Organization), ang

paglaganap ng gutom ay resulta rin ng kakulangan ng salaping pambili ng pagkain at/o

kawalan ng access, o kontrol sa, mga resource na nakalilikha ng pagkain. Ang access

sa mga resource na ito – lupa, tubig, input, pagsasanay, teknolohiyang post-harvest,

transportasyon, pautang...atbp. – ay mahalagang bahagi ng pakikibaka para sa

kasapatan sa pagkain.” Sa konteksto ng Pilipinas, ang reporma sa lupa ay

magtatagumpay lamang kung patitibayin ang mga kooperatibang pansakahan na

magtitiyak sa matibay na suporta ng pamahalaan sa sektor agrikultura – mula sa

pagtatanim hanggang sa transportasyon ng ani gaya ng binanggit ni Suppan – at

magpapatibay rin sa pagtutulungan ng mga magsasaka at iba pang mga katuwang ng

sektor agrikultura gaya ng mga mananaliksik.

Kakabit ng kooperatibasisasyon ng mga hacienda sa pamumuno ng mga

magsasaka, dapat ding pasimulan ang modernisasyon ng agrikultura sa bansa. Malaki

ang papel na gagampanan nito ng mga kooperatiba at/o organisasyon ng mga

magsasaka, at mga kolehiyo, unibersidad at mga sentro sa pananaliksik sa bansa,

partikular ang mga nangungunang paaralan na maunlad na ang pananaliksik sa

larangan ng siyensya at teknolohiya. Ang modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak

sa kasapatan sa pagkain ng bansa. Ang kasapatan sa pagkain ay isa ring porma ng

pagtitipid sapagkat ang importasyon ng pagkain ay ginugugulan ng dolyar. Sa nakalipas

Page 31: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

31 of 44

na mga taon ay libu-libong tonelada ng bigas ang inimport ng bansa. Sa halip na mag-

import, mas makabubuting gamitin sa modernisasyon ng agrikultura ng bansa ang

pondong dating ginagamit sa pag-aangkat ng bigas. Sa pamamagitan ng

modernisasyon ng agrikultura ay matitiyak din ang pagkakaroon ng sapat na hilaw na

materyales o raw materials para sa mga industriyang itatayo sa bansa. Walang

magiging matibay na gulugod o backbone ang pambansang industriyalisasyon kung

hindi magiging moderno ang agrikultura sa bansa. Sa kabuuan, ang pagsigla ng

agrikultura na dulot ng reporma sa lupa at modernisasyon ng sektor na ito ay

magpapalapad sa pamilihan at magreresulta sa pagsigla ng ekonomyang agrikultural

na magluluwal na karagdagang kapital para sa pagtatayo ng mga industriya

(Ecumenical Institute for Labor Education and Research Inc./EILER, 2010).

Trabaho at Kaunlaran Para sa Lahat

Sa kabilang banda, hindi rin magiging ganap ang kaunlaran ng Pilipinas kung

makukuntento na lamang ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng agrikultura. Kailangang

isulong ang pambansa (national) at makabansang (nationalist) industriyalisasyon o

pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino

at magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa. Napakarami nang tomo o volume

ang naisulat ng mga makabayang akademista gaya nina Alejandro Lichauco

(“Nationalist Economics”), Renato Constantino (“The Nationalist Alternative”), Lorenzo

Tañada, Claro M. Recto, Edberto Villegas hinggil sa pagsasakatuparan ng pambansa at

makamasang industriyalisasyon. Naghihintay na lamang ang mga ito ng

implementasyon.

Page 32: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

32 of 44

Dapat bigyang-prayoridad ang industriya ng pagkain, petrolyo, enerhiya, kemikal,

gamot, bakal at mineral, tubig, kuryente, komunikasyon, transportasyon at iba pang

mga industriyang malaki ang gampanin sa pagpapaunlad ng bansa at pagsusuplay ng

mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa mga mamamayan. Natural lamang

na gobyerno ang magtaguyod ng prosesong ito sapagkat ang pribadong sektor o ang

sektor ng mga malalaking negosyante ay may makasariling adyenda, samantalang ang

gobyerno ay inaasahang magsusulong ng interes ng buong sambayanan. Binigyang-

diin ni Lichauco (1988 : 127-129) ang superyoridad ng gobyerno bilang tagapagsulong

ng industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong

personalidad ng sambayanan. Kung gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng

kapangyarihang soberanya ng mga mamamayan, mula sa kapangyarihang mag-

imprenta ng pera, hanggang sa kapangyarihang linangin at patakbuhin ang patrimonya

ng basa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong negosyo…” Ibinigay na

halimbawa ni Lichauco ang Unyong Sobyet (dating unyon ng mga republikang

pinangungunahan ng Rusya) at Tsina upang patunayan ang lakas ng isang

pamahalaan sa pagbuo ng mga industriya nang wala halos tulong mula sa mga

pribadong kumpanya, lokal man o dayuhan.

Sa kaso ng Pilipinas, napatunayan nang bigo ang anumang tangkang

industriyalisasyon na pinangunahan at pinangibabawan ng mga malalaking negosyante

sa pribadong sektor. Samakatwid, kakambal ng pambansa at makabansang

industriyalisasyon ang pagbabasura sa palpak na programang pribatisasyon at

deregulasyon ng mga pangunahing industriya. Maraming magagandang aral sa

pambansang industriyalisasyon at nasyonalisasyon ng mga industriya ang matututuhan

Page 33: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

33 of 44

ng Pilipinas sa Venezuela, Bolivia at iba pang mga umuunlad na bansa. Sa kaso ng

Venezuela, isinailalim sa kontrol ng gobyerno ang mga planta ng langis, kasama na ang

planta ng Exxon (isa sa pinakamalaking korporasyong petrolyo). Samantala, isinabansa

naman ng pamahalaan ng Bolivia ang mga minahan ng natural gas upang matiyak na

makikinabang sa kita nito ang lahat ng mga Boliviano at upang matiyak din ang

pagiging makakalikasan ng operasyon nito. Sa Pilipinas, ang pagsasabansa o

nasyonalisasyon ng mga umiiral na malalaking industriya ay magluluwal ng malaking

puhunan na magagamit para sa pagpapalago ng iba pang industriya at paglalaan ng

sapat na pondo para sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong

panlipunan. Halimbawa, ang Petron-Philippines ay tumubo ng 1,900,000,000 piso sa

unang quarter pa lamang ng 2010; ang Philex Mining (isa sa pinakamalaking

korporasyon sa pagmimina sa bansa ay tumubo ng 2,740,000,000 noong 2009; ang

MERALCO naman ay tumubo ng 6,000,000,000 pesos noong 2009 at ang SM Prime

Holdings (ang opereytor ng mga SM mall) ay tumubo ng 7,000,000,000 noong 2009.

Dapat alalahanin na ang pribadong sektor ay likas na may makasariling adyenda

kaya ang pribatisasyon ay tiyak na daan tungo sa kapahamakan gaya ng dinaranas ng

bansa ngayon. Ayon nga sa negosyanteng dating CEO ng Benpres (may-ari ng ABS-

CBN atbp. negosyo gaya ng Maynilad Water Services Inc.) na si Eugenio Lopez, Jr.,

“Tubo ang pangunahing dahilan kung bakit nagnenegosyo ang isang tao...” (Kalikasan-

Peoples Network for the Environment/Kalikasan-PNE at Water for the People

Network/WPN, 2008). Isang malinaw na halimbawa ng kapalpakan ng pribatisasyon sa

bansa ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng diesel sa kabila ng pribatisasyon ng

Petron at Malampaya natural gas fields, katambal ng deregulasyon ng industriya ng

Page 34: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

34 of 44

langis. Ayon sa Ibon Foundation, ang presyo ng diesel ngayong 2010 ay mas mataas

ng 175% kumpara sa presyo nito siyam na taon na ang nakaraan. Ayon naman sa

Kalikasan-PNE at WPN (2008), bigo rin ang pribatisasyon ng tubig dahil mula sa 7.21

piso at 4.02 piso kada metro kubiko ng tubig sa Maynilad at Manila Water noong 1997,

lumobo na ang halaga nito sa 32.91 piso at 33.42 piso noong 2008. Sa pagmimina ay

bagsak din ang pribatisasyon gaya ng pinatunayan ng mapanirang sistema ng

Marcopper at Placer Dome (kontrolado ng mga dayuhang pinautang ng Asian

Development Bank) sa Marinduque na nakasira sa pinagkukunan ng kabuhayan ng

20,000 residente dahil sa malawakang pagtagas ng lason mula sa minahan tungo sa

katubigan (Ibon Databank, 2008). Sa San Miguel, Bulacan ay napabalita naman ang

kagimbal-gimbal na pagkawasak ng mga bundok bunsod ng pagmimina ng limestone

ng mga pribadong kumpanya. Hindi lamang pala ang sambayanan ang talo sa

pribatisasyon, kundi pati ang inang kalikasan sapagkat tubo lamang ang pangunahing

adyenda ng mga pribadong korporasyon. Ang pamumuno lamang ng pamahalaan sa

pambansang industriyalisasyon at ang nasyonalisasyon (o pagpapatigil ng

pribatisasyon at deregulasyon) ng mga industriya ang makatitiyak na ang mga likas na

yaman ng bansa ay magagamit nang maayos para sa kapakanan ng sambayanan nang

di gaanong nakasisira sa kalikasan.

Independent Variable: Pamahalaang Tunay na Naglilingkod sa Sambayanan

Gayunman, dapat isaalang-alang na ang pagtatagumpay ng pamahalaan bilang

pangunahing pwersa sa pansamantalang pagpapahinto ng pagbabayad ng utang,

pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, industriyalisasyon at nasyonalisyon ng

mga industriya ay nakasalalay sa legal na assumption na ang pamahalaan ay dapat

Page 35: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

35 of 44

maglingkod sa kapakanan ng nakararami (bagay na malayo pa sa reyalidad kung

titingnan ang kasalukuyang dami ng kaso ng katiwalian sa pamahalaan). Kakambal ng

panawagang pagbuo at pagpapatupad ng alternatibong adyendang sosyo-ekonomiko

sa pamumuno ng gobyerno, ay ang pagtiyak na magiging malinis at matapat ang mga

lingkod-bayan sa pamahalaan, gaya ng nararapat. Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa

ng mga repormang pulitikal gaya ng pagsasabatas ng konstitusyunal na probisyon na

nagbabawal sa mga dinastiyang pulitikal at mga batas na magpapatibay pa sa

representasyon ng mga grupong marginalized (gaya ng sistemang party-list) ay dapat

isagawa. Sa kasamaang-palad, “madugong proseso” ang pagpapatupad ng mga

repormang pulitikal sapagkat kontrolado ng mga pinakamayayamang pamilyang

asendero at negosyante ang malaking bahagi ng pamahalaan. Batid ng elite na ang

demokratisasyon ng pulitika ay nangangahulugan ng pagbubukas ng mga bulwagan ng

kapangyarihan sa masa. Sa mas malawak na partisipasyon ng mga ordinaryong

manggagawa, magsasaka at iba pang mga anak-dalita sa pulitika, laban sa tradisyunal

na paghahari ng mga asendero at negosyante, tiyak na hahantong sa tunggalian ng

mga interes ang mga labanan sa sangay lehislatibo, ehekutibo at hudisyal ng

pamahalaan. Sa ganitong konteksto, natural lamang na hadlangan ng elite ang ganap

na demokratisasyon ng pulitika, bagay na hindi maaaring manatiling permanente.

Darating ang panahon na magpapantay ang kapangyarihan ng elite at masa sa

sistemang pulitikal ng bansa. Sa panahong iyon, ganap na igigiit ng masa ang reporma

sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang alternatibo sa mga hungkag na

pangako ng kapitalistang globalisasyon habang ipaglalaban naman ng elite ang

pananatili ng kapitalistang globalisasyon na nagbigay sa kanila ng monopolyo sa

Page 36: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

36 of 44

kapangyarihang pulitikal at ekonomiko sa bansa sa nakalipas na mahigit isang siglo.

Kasangga ng mga elite ang IMF at World Bank at ang mga dambuhalang multinasyunal

at transnasyunal na korporasyong tiyak na masasagasaan ng anumang tangkang

reporma sa lupa at industriyalisasyon ng bansang Third World. Sa ikauunlad ng

Pilipinas, maliwanag kung sino ang dapat manaig. Isang bukod na pananaliksik pa ang

kailangan upang sagutin ang tanong na “paano sila makapananaig?”

Bibliyograpiya:

Alave, Kristine. 4M malnourished Filipino children: Rising costs to increase number FNRI.

05 July 2008. Philippine Daily Inquirer.

<http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080705-146662/4M-

malnourished-Filipino-children>

Date of Access: 14 November 2010

Alexandra, Kreisl. “Malnutrition in the Philippines – perhaps a Double Burden?” Journal

für Ernährungsmedizi. 2009. Berlin: Verlagshaus der Ärzte GmbH.

< http://www.kup.at/kup/pdf/8113.pdf >

Date of Access: 14 November 2010

African Forum and Network on Debt and Development (AFRODAD). Illegitimate Debt &

Underdevelopment in thePhilippines: A Case Study. 2007. Harare, Zimbabwe: AFRODAD.

Agence France Presse. Desperately poor Filipinos sell kidneys. 18 April 2008.

< http://www.abc.net.au/news/stories/2008/04/18/2221064.htm>

Page 37: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

37 of 44

Date of Access: 15 November 2010.

Balana, Cynthia. Health Forum Hot Issue: Kids now used as organ donors. 11 November

2010. Philippine Daily Inquirer.

<http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101111-302577/Kids-now-

used-as-organ-donors>

Date of Access: 15 November 2010

Bauzon, Camille. RP losing war vs. extreme poverty. 17 July 2010. Manila Times.

<http://www.manilatimes.net/index.php/component/content/article/42-rokstories/21730-

rplosing-war-vs-extreme-poverty>

Date of Access: 15 November 2010

Beerepoot, Niels. Local Outcomes of Globalization: Manufacturing Decline and Labor

Response in the Philippine Garment and Shoe Industries. 2008. Quezon City:

Philippine Journal of Labor and Industrial Relations.

< http://journals.upd.edu.ph/index.php/pjlir/article/viewFile/1545/1492 >

Date of Access: 12 November 2010

Bello, Walden. The China-Asean Free Trade Area: Propaganda and Reality. 14 January 2010.

Makati City: Philippine Daily Inquirer.

< http://opinion.inquirer.net/viewpoints/columns/view/20100114-

247344/The-China-Asean-Free-Trade-Area-Propaganda-and-Reality>

Date of Access: 12 November 2010

Page 38: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

38 of 44

Clinton, Bill. Embracing Our Common Humanity (Address at the Manila Hotel).

10 November 2010.

Congressional Planning and Budget Department-Philippine House of Representatives.

Facts in Figures: May 2006.

< http://www.congress.gov.ph/download/cpbd/fnfofw.pdf>

Date of Access: 14 November 2010

Corpuz, Gerry Albert. Philippine sugar industry in bitter position. 05 February 2010.

<http://www.upiasia.com/Economics/2010/02/05/philippine_sugar_industry_in_bitter_position/7740/>

Date of Access: 12 November 2010

Cruz, Tonyo. Thanking overseas Filipino workers for saving the economy. 2010.

<http://asiancorrespondent.com/tonyo-cruz-blog/thanking-overseas-filipino-workers-for-

saving-the-economy>

Date of Access: 14 November 2010.

Domingo, Ronnel. Oil tariff removal, trade pacts to cost gov’t P15.6B. 18 October 2010. Makati

City: Philippine Daily Inquirer.

http://business.inquirer.net/money/topstories/view/20101018-298290/Oil-tariffremoval-trade-pacts-to-

cost-govt-P156B

Date of Access: 12 November 2010

Ecumenical Institute for Labor Education and Research Inc. (EILER). Tunay na Repormang

Page 39: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

39 of 44

Agraryo at Makabayang Industriyalisasyon ang Solusyon sa Krisis Pangkabuhayan. 23

October 2010. University of the Philippines-Diliman, Quezon City: EILER

Globalization Lecture Series 2.

Edralin, Divina M. Are the Cement Industry and its Workers Victims of Globalization? 2003.

Manila: De La Salle University.

<http://www.dlsu.edu.ph/research/centers/cberd/pdf/bus_focus/cement_industry.PDF>

Date of Access: 12 Novermber 2010

Esposo, William M. He came, he saw and he made a sales pitch. 14 November 2010. Manila:

The Philippine Star.

Etolle, Nestor. Cops raid illegal blood bank. 19 December 2008. The Philippine Star.

<http://www.philstar.com/microsite/noynoy-first-100-

days/article.aspx?articleId=425126&publicationSubCategoryId=65>

Date of Access: 14 November 2010

Fisher, William F. and Thomas Ponniah. (eds). Another World Is Possible: Popular

Alternatives to Globalization at the World Social Forum. 2003. New York: Zed

Books, Ltd. 41; 348-349

Florencio, Cecilia. Food and Nutritional Status of Filipinos and Nutrition

Integration. 2003. Quezon City: UP-Diliman.

< http://www.up.edu.ph/oldsystem/florencio.pdf >

Date of Access: 14 November 2010.

Page 40: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

40 of 44

Flour Fortification Initiative. FFI Country Information: Philippines. 2010.

< http://www.sph.emory.edu/wheatflour/Philippines.php>

Date of Access: 14 November 2010

Global Call to Action against Poverty (GCAP)-Philippines. Philippine Poverty

and Inequality Situation (as of March 2008).

< http://www.preda.org/main/archives/research/documents/r09073001.html>

Date of Access: 14 November 2010.

Ibon Foundation Inc. Ibon Facts and Figures: Datos sa Isang Sulyap. April-May 2008.

________________. Ibon Facts and Figures (Student Edition): Lessons from Mining

Liberalization: Case of Marinduque. September-October 2008.

Ibon Foundation Inc. at Pagbabago! People’s Movement for Change. Voter’s Education Kit on

the May 2010 Elections: The People’s Criteria. May 2010.

Jose, Vivencio R. (ed). Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the

Philippines. 1984. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

Kalikasan-Peoples Network for the Environment (Kalikasan-PNE) at Water for the People

Network (WPN). Water Privatization. 2008.

Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY). Batayang Kurso ng Maralitang Lungsod. 2008.

< http://www.mediafire.com/?wdity0fmhym >

Date of Access: 14 November 2010.

Page 41: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

41 of 44

Khor, M. Address to the International Forum on Globalization. 1995. New York.

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Peasants’ Report During the Forum on Economic, Social

and Cultural Rights: Violations and Remedies.” Kabuhayan, Karapatan, Katarungan:

Reports Presented During the Forum on Economic, Social and Cultural Rights:

Violations and Remedies. 2008. Quezon City: IBON Foundation Inc.

Lichauco, Alejandro. “The International Economic Order and the Philippine Experience.”

Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R.

Jose. 1984. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies. 12-48.

________________. Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and

the Philippine Crisis. 2005. Manila: Citizen’s Commitee on the National Crisis. 13-15; 71

________________. Nationalist Economics. 1988. Quezon City: Institute for Rural

Industrialization, Inc. 250-268; 127-129

________________. Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass Poverty.

1986. Quezon City.

Madeley, John. A People’s World: Alternatives to Economic Globalization. 2003. New York: Zed

Books, Ltd. 6-8

Makilan, Aubrey. Once Again, the OFW Saves the Day for RP Economy. 2006.

< http://www.bulatlat.com/news/5-46/5-46-ofw.htm>

Date of Access: 14 November 2010

Moore, Michael. (director). Capitalism: A Love Story. 2009. USA: Overture Films.

Nam, Suzanne. The Philippines' Wealthiest. 07 July 2010. Forbes Asia.

Page 42: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

42 of 44

< http://www.forbes.com/2010/07/06/philippines-richest-henry-sy-wealth-philippines-rich-

10.html>

Date of Access: 14 November 2010.

National Democratic Front of the Philippines. 12-Point Program of the National Democratic

Front of the Philippines.

http://ndfp.net/joomla/index.php?option=com_content&task=view&id=42&Itemid=60&limi

t=1&limitstart=6

Date of Access: 15 November 2010.

_______________ . NDFP proposes concise agreement to end civil war and achieve just peace

immediately.

<http://ndfp.net/joomla/index.php?option=com_content&task=view&id=351&Itemid=53>

Date of Access: 15 November 2010.

Nicasio, Nonie. Freddie Aguilar says Charice Pempengco and Arnel Pineda proved that Pinoys

are monkeys. 06 July 2009.

< http://www.pep.ph/news/22360/Freddie-Aguilar-says-Charice-and-Arnel-Pinedajust-proved-that-

Filipinos-are-%22monkeys%22 >

Date of Access: 12 November 2010.

Pomeroy, William. The Philippines: colonialism, collaboration, and resistance. 1992. USA:

International Publishers Co., Inc. 91-93

Rizal, Jose. Political and Historical Writings. 1976. Manila: National Historical Institute,

Page 43: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

43 of 44

_________. El Filibusterismo. Leon Ma. Guerrero (trans.). 1965. London: Longman Group

Ltd.

Robles, Alfredo Jr. The False Promises of an ASEAN-EU FTA. 2007.

< http://www.caramasia.org/enews/2007/JUne/Critic%20EU%20ASEAN%20FTA.pdf >

Date of Access: 12 November 2010.

Salgado, Pedro. Second Edition: Social Encyclicals: Commentary and Critique. 1997. Manila:

Lucky Press, Inc. 132; 384-385

Scholte, Jan Aart. Globalization: A Critical Introduction (Second Edition). 2005. New York:

Palgrave Macmillan.

Sunstar Newspaper. Unemployed Filipinos stand at 2.8M. 17 March 2010.

< http://www.sunstar.com.ph/network/unemployed-filipinos-stand-28m>

Date of Access: 14 November 2010.

Suppan, Steve. “Challenges for Food Sovereignty” The Fletcher Forum of World Affairs. Vol.

32:1 Winter 2008. USA: Tufts University. 111-123

Torregoza, Hannah. National budget called impractical. 07 September 2010. Manila

Bulletin.

<http://mb.com.ph/articles/276015/70-filipinos-live-p42-a-day-budget>

Date of Access: 14 November 2010

United Nations Development Program. Human Development Report 2010 - 20th Anniversary

Edition The Real Wealth of Nations: Pathways to Human Development. November 2010.

Page 44: Paper-Alternatives to Capitalist Globalization

44 of 44

<http://hdr.undp.org/en/reports/global/hdr2010/chapters/en/>

Date of Access: 15 November 2010.

Villegas, Edberto. “Debt Peonage and the New Society.” Mortgaging the Future: The World

Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R. Jose. 2006. Quezon City: Foundation

for Nationalist Studies. 49-74.

_______________. Global Finance Capital and the Philippine Financial System. 2000. Manila:

Institute of Political Economy. 54

Yrasuegui, Magnolia at Priya Esselborn. Philippines: Women struggling to achieve

sexual equality. 12 January 2009.

< http://www.dw-world.de/dw/article/0,,4465029,00.html >

Date of Access: 14 November 2010.