Paggawa ng mabuti sa kapwa

19
Paggawa ng Mabuti Sa Kapwa By: Angelica Mae A. Cadungog

description

 

Transcript of Paggawa ng mabuti sa kapwa

Page 1: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Paggawa ng Mabuti Sa Kapwa

By: Angelica Mae A. Cadungog

Page 2: Paggawa ng mabuti sa kapwa

I expect to pass through this world but once; any good thing therefore thet I can do, or any kindness that I can show to my fellow creature, let me do it now; let me

not defer or neglect it, for I shall not pass this way again.( Grellet S.)

Page 3: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Ipinapaunawa ang halaga ng paggawa ng kabutihan para sa kapwa bilang isang

mahalagang misyon ng tao sa kanyang buhay.

Page 4: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Nasa puso mo rin ba ito?

Page 5: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Kinukuha ni Lord nang maaga ang mababait sa mundo at tumatagal ang buhay ng

“masamang damo”

Page 6: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Saan na nga ba nakatuon ang

edukasyon ng mga kabataan sa Paarala’t

Tahanan?

Page 7: Paggawa ng mabuti sa kapwa

• Nakasentro ito sa paghubog ng mga mag-aaral na matalino, puno ng ambisyons sa buhay, palaging buhay ang pagnanais na makamit ang pinapangarap sa buhay, magaling na manunulat o kaya ay magaling sa matematika.

Page 8: Paggawa ng mabuti sa kapwa

WALA ISA MAN SA MGA ITO ANG MAY KINALAMAN SA PAGGAWA NG MABUTI SA

KAPWA.

Page 9: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Saan Nakatuon ang Pagpili ng

isang kabataan?

Page 10: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Isang kabataan na:

• Nakahandang gawin ang lahat para makamit ang kanyang pangarap

• Pinipilit gawin ang lahat kahit labas sa sariling kakayahan makuha lamang ang ninanais

• Maalaga at laging nakahandang dumamay.

• Marunong na makiangkop

Page 11: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Isang kabataan na:

• Labis ang katalinuhan • Sensitibo sa pangangailangan ng kanyang kapwa at sa pangyayari sa paligid( Kottler, 2000)

Page 12: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Kottler, 2000

• Ito ay may kinalaman sa costumer’s satisfaction

• A person’s feelings of pleasure or disappointment resulting from comparing a products perceived performance(or outcome) in relation to his or her expectations.

Page 13: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Upang makagawa ka ng mabuti paraa sa iyong kapwa, mahalaga na

taglay mo ang KABUTIHANG LOOB.

Page 14: Paggawa ng mabuti sa kapwa

KABUTIHANG LOOB

• Ito ay isang personal na katangian na nagtutulak sa isang tao upang maging sensitibo sa pangangailangan ng kanyang kapwa at gumawa ng personal na pagkilos upang pagsikapang matugunan ang pangangailangang ito.

Page 15: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Sabi ni Strait( World Mission, 2010):

• Ang kabutihang loob ay higit sa gawa, ito ay saloobin, pagpapahayag, pagtingin, pagdama.

• Ito ay anuman na nakapag-aangat sa isang tao.

Page 16: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Ang kabutihan ang simula ng lahat. Ito ay isang bukal na pinagmulan ng ibang pang mga birtud at halaga, katulad ng katapatan, pagpapatawad, tiyaga, pagiging bukas-palad at iba pa. Patuloy ang pagdaloy ng mga ginintuang birtud at halaga habang lumalalim at mas nagiging dalisay ang kabutihang iyong ibinibigay sa iyong kapwa.

Page 17: Paggawa ng mabuti sa kapwa

HINDI MADALI ANG GAWING BAHAGI NG ISANG TAO ANG GUMAWA NG KABUTIHAN SA KAPWA. DAHIL SA MARAMING IMPLUWENSYA SA IYONG PALIGID KAILANGANG TAGLAYIN MO ANG MAHAHALAGANG MGA KASANAYAN. NARITO ANG TATLONG PANGUNAHING KASANAYANG KAILANGAN KAILANGAN SA PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA.

1. Mahalagang unawain at tanggapin mo ang iyong tungkulin sa lipunan. Lahat tayo ay bahagi ng lipunan. Walang sinoman sa mundo ang kayang mabuhay ng mag-isa. Kailangan mo ang iyong kapwa upang ikaw ay lumago at maging ganap. At dahil ikaw ay kabahagi ng lipunan kaakibat nito iyong pananagutan dito. Lagi mong tandaan na hindi ka nabubuhay sa mundo para sa iyong sarili lamang. Ang pagtanngap sa iyong pananagutan na ito ang magtuturo sa iyo na magkaroon ng malalim na pagnanais na maisakatuparan ang paggawa ng mabuti sa iyong kapwa.

Page 18: Paggawa ng mabuti sa kapwa

2. Mahalagang laging pairalin ang pagiging matiyaga. Ang pagtulong kung minsan ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. Kung minsan mayroon kang kailangang isuko para lamang mapanindigan mo ang paggawa ng kabutihan sa isang tao. Ang kawalan ng pasensya ang magiging balakid upang ito ay iyong pagtagumpayan.

3. Mahalagang pagsikapan na laging ilagay una ang kapwa bago ang sarili.Nakahanda ka bang ipagpaliban ang iyong pansariling interes at pangangailangan para sa iyong kapwa? Kaya mo bang unahing isipin ang kapakanan ng iba kaysa sa iyong sarili? Kung oo, magiging madali na lang sa iyong yakapin ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa.Ayon kay Mayerhoff sa aklat ni Ozinga(1999) na Altruism, ang tunay na kabutihan ay nangangahulugan ng paggawa ng mabuti sa kapwa na may pagsasakripisyo sa kanyang bahagi, sa kabilang banda ang pagiging makasarili ay nangangahulugan ng pagawa ng mabuti para sa kapakinabangan ng sarili kahit pa ito ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo ng ibang tao. Kailangan mong matutunan na labanan ang pagiging makasarili upang magawa mong bahagi ng iyong buhay ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa

Page 19: Paggawa ng mabuti sa kapwa

Kapag naisaisip at naisapuso ang mga kasanayang ito, hindi na magiging mahirap ang paglalapat nito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Mahalaga rin isaisip at isapuso ang mga sumusunod na pamamaraan upang mas mahigpit mong mayakap ang paggawa ng mabuti para sa iyong kapwa.

1. Ang paggawa ng mabuti ay nagsisimula sa pagkakaroon ng pamamalasakit.

2. Ang paggawa ng mabuti ay nangangailangang may layuning maghanap ng pagkakataon upang makagawa ng mabuti sa kapwa.