Pagbasa3

41
GROUP II

Transcript of Pagbasa3

Page 1: Pagbasa3

GROUP II

Page 2: Pagbasa3

• BEED – Pre-school

Page 3: Pagbasa3

BEED – Pre-school

Page 4: Pagbasa3

BS SE - Filipino

Page 5: Pagbasa3

BS SE - Filipino

Page 6: Pagbasa3

BS SE- Filipino

Page 7: Pagbasa3

BS SE- MAPEH

Page 8: Pagbasa3

BS SE - Mathematics

Page 9: Pagbasa3

BS SE – English

Page 10: Pagbasa3

BS SE – Social Studies

Page 11: Pagbasa3

EPEKTO AT SULIRANIN SA PAGGAMIT NG BILINGUAL LANGUAGE

BILANG MEDIUM OF INSTRUCTION SA PAGTUTURO PARA

SA MGA PILING MAG-AARAL NG COLLEGE OF

EDUCATION SA UNIVERSITY OF

PERPETUAL HELP SYSTEM

LAGUNA

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 12: Pagbasa3

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 13: Pagbasa3

• Ang Bilingual Educational System ay isang sistema ng edukasyon kung saan gumagamit ng dalawang wika sa pagtuturo ng mga guro sa paaralan. Ito ay naglalayon na masanay ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin, kung saan parehong ginagamit ang predominant language at mother-tounge language ng mga mag-aaral.

• Ang Department of Education (DepEd) at Comission on Higher Education (CHED) ay nagsagawa ng mga pag-aaral kung paano maipapatupad ng abisa ang bilingual education sa mga paaralan sa buong bansa.

• Nagsimula ang sistemang ito noong panahon pa ng pananakop. Ang mga praile o Espanyol na pari ang nagtuturo ng mga pilosopiya sa salitang Latin (ang predominant language noon) at sinasalin nila sa Kastila.

Page 14: Pagbasa3

• Nang dumating ang mga Amerikano, malaki ang naging impluwensya ng salitang English sa bansa. Mula nang makamit natin ang kalayaan, ang gobyerno ay nagpatupad ng Bilingual system sa pagtuturo sa mga eskwelahan. Ang nagsilbing predominant language ay English at Filipino naman ang mother-tounge language.

• Dahil na rin sa pamamayagpag ng salitang English di lamang sa

bansa pati sa buong mundo, nagiging superyor ito sa Filipino. Naging-daan ito upang mawalan ng saysay at diwa ang ating wikang pambansa. Nakwestyon din ang layunin ng bilingual education at ang bisa ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ilalim ng sistemang ito. Nagkaroon kami ng ideya na magsagawa ng pag-aaral ukol sa mga epekto at suliranin sa problemang ito.na maaring may kinalaman sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Page 15: Pagbasa3

• Sa kabuuan, ang layunin ng pamanahong-papel na ito ay matukoy ang mga epekto at suliranin sa paggamit ng Bilingual system bilang medium of instruction sa pagtuturo ng mga mag-aaral batay sa mga sariling ideya , karanasan at konsepto sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa kolehiyong Education sa UPHSL.

• Ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Bakit nagpatupad ang pamahalaan ng bilingual system sa pagtuturo sa mga paaralan? 2. Anu-ano ang positibong salik ng paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sa mga asignatura ng isang mag-aaral? 3. Anu-ano ang negatibong salik ng paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sa mga asignatura ng isang mag-aaral?

Page 16: Pagbasa3

• Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang paggamit ng bilingual system bilang medium of instruction sa pagtuturo , ay may kaukulang epekto sa mga mag-aaral.

• Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapakipakinabang sa

mga sumusunod: Sa Mga Mag-aaral… Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiaambag upang malinawan ang kaisipan ng mga mag-aaral kung paano magiging madali ang mabisang pagkatuto sa mga mahihirap na asignatura.

Page 17: Pagbasa3

Sa Mga Guro… Magsisilbing monitor ang pag-aaral na ito sa paraan ng kanilang pagtuturo at mabatid nila an saloobin ng kanilang mga estudyante sa mga gimagamit nilang method sa pagtuturo ng mga aralin. Sa Mga Mananaliksik Sa Hinaharap… Pagdamutan at kaluguran ninyo sana ang aming nakayanan. Sana ay makatulong at magsilbing batayan para sa mas masusing pag-aaral tungkol sa paksang ito.

Page 18: Pagbasa3

• Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga epekto at suliranin ng paggamit ng bilingual system bilang medium of instruction sa pagtuturo batay sa mga sariling karanasan at konsepto ng mga mag-aaral. Kaakibat ng pag-aaral na ito na makapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga hinaharap na problema ng bansa sa larangan ng edukasyon. Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa animnapung (60) piling mag-aaral sa College of Education sa University of Perpetual Help Laguna.

Page 19: Pagbasa3

• Bilingual Educational System – ay isang sistema ng edukasyon kung saan gumagamit ng dalawang wika sa pagtuturo ng mga guro sa paaralan. Ito ay naglalayon na masanay ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin, kung saan parehong ginagamit ang predominant language at mother-tounge language ng mga mag-aaral.

• CHED (Comission on Higher Education) – ay isang sangay

ng gobyerno na nasa pamamahala ng DepEd na may awtoridad sa

kolehiyo at unibersidad sa bansa.

• DepEd (Department of Education) – ay isang departamento

ng gobyerno na namamahala sa larangan ng edukasyon at mga may kaugnay rito.

Page 20: Pagbasa3

• Mother-Tounge Language – ay tawag sa dayalekto na kinamulatan ng isang tao sa kanyang lugar na sinilangan

• Praile - ay tawag sa mga paring Espanyol sa

panahon ng pananakop sila ang nagsilbing propesor ng mga aristrokato at ilustrado noon.

• Predominant Language - ay tawag sa wikang

ginagamit ng maraming tao sa isang lugar. Ang English ang nagsisilbing predominant language sa buong mundo sa kasalukuyan.

Page 21: Pagbasa3

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 22: Pagbasa3

• Ayon sa pag-aaral ni Camilla Vizconde, isang mananaliksik sa Center for Educational Research and Development (DERD) at English Professor ng College of Education sa Unibersidad ng Sto.Tomas (UST); dumarami ang gumagamit ng bilingual educational system sa Pilipinas. Mas pinahahalagahan ng mga student teachers ang paggamit ng English sa pagtuturo ng lectures, habang ginagamit nila ang Filipino bilang pantulong upang mas madaling mintidihan ng mga estudyante ang kanilang itinuturo.

Page 23: Pagbasa3

• Ang mga resulta ay nagpakita na ang 85 na bahagdan ng mga respondente ay gumagamit ng English at Filipino sa pagtuturo sa kadahilanang naniniwala sila na ito ang pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng mga estudyante. Samantalang 15 na bahagdan ng mga respondente ay naniniwala na ang salitang English ay isang wika na para sa tunay na edukado.

Page 24: Pagbasa3

• Ayon sa Teaching 101: Classroom Strategies for Beginning Teacher, 2009; ni Jeffrey Glanz, ang mga estudyante sa buong mundo ay kalimitang gumagamit ng bilingual di lamang sa edukasyon, maging sa sarili nilang tahanan. Tinuturuan na sila ng salitang English bago pa man sila ipasok sa mga eskwelahan.

• Mula naman sa Learning Through Language ni Fred Genesse,

mas epektibo ang paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sapagkat may mga estudyante na nahihirapan sa pag-intindi ng kanilang lectures sa salitang English at may mga mag-aaral naman na nagiging proficient kapag gumagamit ng nabanggit na wika.

Page 25: Pagbasa3

• Natuklasan naman sa Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon; 2011, ni Rolando Bernales, na dito sa bansa, may mga taong naniniwala na mas mababa ang tingin nila sa wikang Filipino at mas superyor ang English bilang wikang akademiko. Ito ang pangunahing problema ng ating bansa sa paggamit ng bilingual system, sapagkat natatabunan ng wikang English ang Filipino na dapat pantay laman ang turing dito. Subalit sinabi rin ni Bernales na hindi naman kailangan itakwil ang salitang English at dayuhang wika. Wala namang dapat ikumpetensya sa pag-aaral ng wika. Mainam pa ang paggamit nito, hindi nga lamang ituring na superyor ang isa sa isa.

Page 26: Pagbasa3

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 27: Pagbasa3

• Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptib-analitik kung saan ang aming tinangkang ilarawan at suriin ay ang mga sariling karanasan at pananaw ng mga mag-aaral ng College of Education sa kolehiyo higgil sa mga epekto at suliraning naidudulot ng paggamit ng bilingual system bilang medium of instruction sa pagtuturo na mga asignatura.

Page 28: Pagbasa3

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral sa departamento ng Education sa University of Perpetual Help System Laguna sa taong akademiko 2012 – 2013. Dahil sa ang kailangan lamang ay animnapung respondente (60), ipinamahagi ang sarbey-katanungan sa animnapung (60) mag-aaral mula sa piling departamento ng University of Perpetual Help System Laguna na humantong sa ganitong distribusyon.

Page 29: Pagbasa3

• Ang mga datos ay kinapapalooban ng mga numero, dami, katotohanan at mga tala na ginagamit upang maging batayan sa paglikha ng kongklusyon.

• Ayon sa depinisyon na ibinigay ni Good, ang kwestyoner o talatanungan ay isang planadong listahan ng mga pasulat na tanong na nag-uugnay sa isang tiyak na paksa, na naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan sa mga respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente.

• Ang kwestyoner ay balangkas ng mga tanong kung saan kapag ito ay

nasagutan ng may kaayusan at katapatan ng mga napiling respondente ay makakatulong sa pagdagdag ng mga kinakailangang impormasyon upang makumpleto ang isinasagawang pananaliksik. (Calderon at Gonzales).

Page 30: Pagbasa3

• Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng sarbey-kwestyoner sa mga piling respondente sapagkat ito ang pinaka madaling paraan upang makapangalap ng impormasyon. Ang mga piling respondente ay mga mag-aaral at sila ay may sapat na kaalaman sa pagbabasa, pagsulat at pagsagot sa mga talatanungan na aming pinasasagutan.

• Nangulekta din ng mga datos ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet at maging sa mga babasahin.

Page 31: Pagbasa3

• Sapagkat ang dahilan ng proyektong ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang antas (degree), sa pag-aaral na ito ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat baryabol sa talatanungan, mga karanasan nila at pananaw hinggil sa epektong naidudulot ng paggamit ng Bilingual System sa pagtuturo ang tanging inalam ng mga mananaliksik. Sa madaling sabi, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mananaliksik.

Page 32: Pagbasa3

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 33: Pagbasa3

GRAP 1

Mga dahilan kung bakit ang Bilingual Educational System sa bansa.

Page 34: Pagbasa3

GRAP 2

Mga positibong salik ng paggamit ng Bilingual Educational System sa pagtuturo ng mga

asignatura.

Ang

Page 35: Pagbasa3

GRAP 3

Mga negatibong salik ng paggamit ng Bilingual System sa pagtuturo.

Page 36: Pagbasa3

University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

COLLEGE OF EDUCATION

Page 37: Pagbasa3

Layunin Kongklusyon Rekomendasyon

1. Bakit nagpatupad ang pamahalaan ng bilingual system sa pagtuturo sa mga paaralan?

Sa aming ginawang sarbey, marami ang nagsabi na ang dahilan kung bakit pinatupad ang Bilingual Educational System sa bansa ay upang mabigyan ng linaw ang mga leksyong di-gaanong naiintindihan ng mga mag-aaral. Madaming mga estudyante ang hindi nakakaunawa ng kanilang mga aralin sapagkat minsan wala silang kaalaman sa mahihirap na paksa. Nahihirapan din ituro ng mga guro ang isang salita na walang wastong kapareha sa isang wika.

Ang aming mairerekomenda para sa unang suliranin ay kung maaari ay hindi lamang sa mga asignaturang Social Studies, Science at Mathematics gumamit ng Bilingual System , maari ring gamitin ito sa English subject kung may mga malalalim na kahulugan ang mga salita.

Page 38: Pagbasa3

Layunin Kongklusyon Rekomendasyon

2. Anu-ano ang positibong salik ng paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sa mga asignatura ng isang mag-aaral?

Ang positibong salik ng Bilingual Educational System sa pagtuturo ng mga asignatura sa isang mag-aaral ay magkakaroon ng daan sa pagsisimula upang mahimok ang kanilang kakayahan at kasanayan.

Ang paggamit ng Bilingual System ay makakapagpataas ng self-confidence ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga aralin. Hindi na sila mahihiya at matatakot sa pagsagot ng English sapagkat maaari nilang gamitin ang wikang Filipino na pangback-up.

Page 39: Pagbasa3

Layunin Kongklusyon Rekomendasyon

3. Anu-ano ang negatibong salik ng paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sa mga asignatura ng isang mag-aaral?

May mga negatibong salik din ang paggamit ng Bilingual Educational System, isa na rito ang pagiging superyor ng wikang English sa wikang Filipino at ang pagtibay ng kaisipang kolonyal.

Mas maaring isaisip at ituro ng mga guro sa mga estudyante na kailangan maging pantay ang tingin nila sa dalawang wika at malaman nila na walang superyor sa wikang English at Filipino, na pantay ang kahalagahan nito.

Page 40: Pagbasa3

MGA KATANUNGAN NG MGA

EBALWEYTOR

Page 41: Pagbasa3