NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging...

19
NOBENA KAY SAN JOSE

Transcript of NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging...

Page 1: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

NOBENA KAY SAN

JOSE

Page 2: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

ST. JOSEPH HYMN

REF:

ST JOSEPH DEAR WE PRAISE THEE AND SING

THY WONDROUS POW’R OH! NEVER FAIL TO AID

US IN EVERY NEED HOUR.

1. THINE AID CAN’T THOU REFUSE US WITH JESUS IN THY ARMS

AND ALL THY LOVE OVERFLOWING UPON HIS INFANT CHARM. (REF.)

2. SWEET SPOUSE OF MARY TEACH US

THY ARDENT ZEAL AND LOVE THAT RAISE THY HEART’S AFFECTIONS

ALL EARTHLY THINGS ABOVE. (REF.)

3. LET LOVE OF JESUS ONLY OUR ASPIRATIONS FILL

BE IT OUR TRUEST PLEASURE TO DO HIS HOLY WILL. (REF.)

Page 3: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

MGA PANALANGIN NG NOBENA Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Pagsisisi

Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, sapagkat Ikaw nga ang Diyos ko na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo at nagtitika naman akong magkumpisal ng mga kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

Pagbati Kay San Jose

Pinupuri kita, o butihing San Jose, isang taong sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat ikaw ang napili Niya bilang esposo ng Kanyang kalinis-linisang Ina at Amang-tagapag-alaga ni Jesukristo. Sa iyo ay ipinagkatiwala ang pag-aalaga sa pinakabanal na lupa. Sa iyo ay ipinadala ang isang anghel upang ihayag ang mga kahanga-hangang misteryo ng Pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos at ang banal na kalooban Niya sa aking kaligtasan.

Page 4: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

O aking Ama at tagapagtanggol, San Jose, isang malaking biyaya sa iyo na mabuhay na kasama ni Jesus at Maria, makibahagi sa kanilang galak at kalungkutan, mag- aruga sa pamamagitan ng trabaho, at maging matiisin sa lahat ng pagsubok. Sinunod mo rin ang lahat ng mga udyok ng langit nang buong katapatan at inihandog mo ang iyong buhay sa Diyos nang buong pagtitiwala.

San Jose, ang banal na buhay mo nawa ay maging uliran sa akin, at kung sakaling ang paggawa ng mabuti ay maging mahirap sa akin, ipagkamit mo na ako’y magkaroon ng biyaya at lakas ng loob na sumunod sa iyong mga yapak, ikaw na nagpakita ng mabuting halimbawa sa isang pamumuhay sa piling ng Diyos.

Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin sila na kasama mo. Siya nawa.

Paghahandog kay San Jose

Dakilang San Jose, banal na esposo ng Ina ng Diyos at amang-tagapag-alaga ng Niño Jesus, inihahandog ko sa iyo ang buong buhay ko, kasama ng aking mga kaisipan, damdamin at gawain. Nagpapasalamat din ako sa iyo sa lahat ng biyayang nakamtan ko sa Diyos na iyong pamamagitan, at nawa’y ang lahat ng ito’y makatulong sa akin upang makarating ako sa buhay na walang hanggan.

Alalahanin mo, mahal kong pintakasi at tagapagtanggol, ang aba kong buhay ay hingin mo kay Jesus at Maria na ako’y

Page 5: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

pagkalooban nila ng biyayang mabuhay na isang tunay na Kristiyano. Itinataas ko ang aking isip at puso sa iyo at hinihiling ko na ako’y ipanalangin mo upang magtamo ng mga pagpapala ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus at kalinis-linisang Puso ni Maria.

Masdan mo ako sa iyong harapan na nagsusumamo sa iyong bendisyon at humihingi ng iyong tulong upang magkamit ako ng galak at kasiyahang-loob sa aking mga gawain. Patnubayan mo ang lahat ng aking mga nasa at nang ako’y maging dapat sa biyaya ng mabuting kamatayan. Alang-alang kay Jesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

Tanging Panalangin sa Unang Araw

O dakilang San Jose, uliran ng isang buhay na tigib ng pananampalataya, pagningasin mo sa akin ang gawang kabanalang ito at nang ang lahat ng gawain ko’y masalig sa pananampalataya sa Diyos. Maging gabay ko sana ang pananampalatayang di-magmamaliw, sapagkat ang buhay ko’y nangangailangan ng aliw sa mga pagsubok at tukso laban sa kalinisan.

Sa piling ni Jesus at Maria, tulungan mo akong makibahagi sa lahat ng mga karapatan at pagpapala ng katubusan sa mga anak ng Diyos at tanglawan mo ako upang magampanan ko ang lahat ng aking tungkulin sa Diyos, sa aking sarili at sa aking kapwa tao.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang

Page 6: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin sa pagsisiyam na ito, kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama namin sa karangalan ng Banal na Angkan.)

Ang Memorare

Alalahanin mo, kalinis-linisang esposo ni Maria, San Jose, na kailanman man ay di narinig na may lumapit sa iyo na hindi mo pinakinggan. Ako na rin ang saksi na ang iyong pagtangkilik sa mga dumudulog sa iyo ay hindi mo kailanman ipinagkait.

Dahil sa bagay na ito, tigib ng pagtitiwala sa iyong kapangyarihan kay Jesus, ako’y humaharap sa iyo at humihingi ng iyong kalinga at saklolo. Huwag mong siphayuin ang aking pagsamo kundi ito’y iyong dinggin at ihandog sa Diyos upang lalong maging karapat-dapat sa kanyang kalooban. Siya nawa. Mga Dalit sa Banal na Angkan

Jesus, Maria, at Jose, bendisyonan mo kami at ipagkaloob sa amin ang biyayang ibigin ang Inang Santa Iglesya at nawa’y matupad namin ang aming pangako na mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng gawa at mabuting halimbawa.

Jesus, Maria, at Jose, bendisyonan mo kami at ipagtamo ninyo sa amin ang biyaya ng lakas ng loob na ingatan namin ang aming pananampalataya at ipagtanggol ito sa mga kaaway.

Page 7: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Jesus, Maria, at Jose, bendisyonan mo kami at ipagkaloob ninyo sa amin ang biyaya na tumulong sa lalong ikalalaganap ng pananampalatayang Kristiyano, upang ang kaligtasang inihandog ni Kristo sa krus ay pakinabangan ng lahat ng kinapal.

Huling hibik

San Jose, turuan mo akong umibig sa trabaho at bigyan ng lakas sa gitna ng kahirapan.

San Jose, ipag-adya mo ang Santa Iglesya sa lahat ng kanyang mga kaaway.

San Jose, kupkupin mo ako bilang isang tunay na anak. Litanya kay San Jose

Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo , pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami. Diyos ama sa langit, maawa ka sa amin. Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin. Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin. Santisima Trinidad na iisang Diyos at tatlo sa pagka-Persona, maawa ka sa amin. Santa Maria,* San Jose, Bunying anak ni David,

Page 8: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Ilaw ng mga patriarka, Esposo ng Ina ng Diyos, *Ipanalangin mo kami. Kalinis-linisang tanod ng Birhen, Inaring Ama ng Anak ng Diyos, Maingat na tagapagtanggol ni Kristo, Puno ng kabanal-banalang angkan, San Jose, katapat-tapatan, San Jose, kaibit-baitan, San Jose na lalong mahinahon, San Jose na lalong masunurin, San Jose na lalong matapatin, Salamin ng pagtitiis, Maibigin sa kahirapan, Uliran ng mga manggagawa, Kaluwalhatian ng namamahay, Tagapagtanggol ng mga birhen, Tanggulan ng mga angkan, Aliw ng namimighati, Pag-asa ng mga may sakit, Pintakasi ng naghihingalo, Sindak ng mga demonyo,* Tagapagtangkilik ng Santa Iglesya,* Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan,

Patawarin mo kami, Panginoon namin. Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan, Pakapakinggan mo kami, Panginoon namin. Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan, Maawa ka sa amin.

Page 9: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Tayo’y manalangin.

O Diyos na sa Iyong maibiging paglingap ay nalugod na piliin si San Jose na esposo ng Iyong kabanal-banalang ina, ipagkaloob Mo, isinasamo namin, na kaming nagpupuri sa kanya bilang tagapagtanggol sa lupa, ay maging dapat na ariin din siya na tagapamagitan sa langit. Alang-alang kay Jesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

Pangwakas na Panalangin

O dakilang San Jose, magdalang-lugod ka sana sa akin upang tanggapin ang pag-aalay kong ito ng mga panalangin at pagpapakasakit upang ako’y maging karapat-dapat sa iyong mga pagpapala, ikaw na aking ama, tagapagtanggol at tanglaw sa aking kaligtasan.

Ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na puso at maalab na pamimintuho sa Diyos. Gayon din, mangyari nawang ang lahat ng aking mga iniisip, sinasalita at ginagawa ay maayon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pagsaklolo sa akin.

O Banal na Jose na amang-tagapag-alaga kay Jesus at esposo ni Maria, ipanalangin mo ako araw-araw sa kanila, upang sa bisa ng grasya ng Diyos ay makarating akong maluwalhati sa tunay na hantungan ng aking buhay. Siya nawa.

Mga Paghibik

O San Jose, ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na pamumuhay.

Page 10: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

San Jose, maligtas nawa ako sa iyong pamamagitan. San Jose, ipanalangin mo ako ngayon at sa oras ng aking

kamatayan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. (Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito.)

Tanging Panalangin sa IKALAWANG ARAW

Maluwalhating San Jose, idalangin mo na ang pag-asang Kristiyano ay tumahan sa aking puso. Ito nawa’y magsilbing liwanag, aliw at tanggulan ko sa buhay. Sa pamamagitan nito’y malayo sana ako sa diwa ng mundo upang ang aking mga pag-iisip at damdamin ay laging matuon sa langit.

Ito rin sana’y maging gabay ko sa aking mga pagkilos at gawain upang ako’y maging karapat-dapat na makatulad mo sa oras ng kamatayan sa piling ni Jesus at Maria.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtam ko ang layunin sa pagsisiyam na ito kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKATLONG ARAW

Page 11: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Maluwalhating San Jose, papag-alabin mo sa aking puso ang ningas ng iyong pag-ibig, upang ang Diyos ang siyang maging panguna at tanging layunin ng aking pagmamahal. Bayaan mong ang aking kaluluwa ay mamalagi sa biyayang nagpapabanal, at kung sakaling sumapit sa akin ang kalungkutan na ako’y magkasala nang mabigat, ipagtamo mo sa akin ang lakas ng loob upang mabawi kong muli ang buhay makalangit sa pamamagitan ng isang tapat na pagsisisi. Mangyari nawang sa tulong mo ay ibigin kong lagi ang Diyos at manatiling kaisa Niya.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtam ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKA-APAT NA ARAW

Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong maunawaan ko ang kadakilaan ng kalinisan sa pamumuhay. Turuan mo akong ingatan ang kabanalang-asal na ito sa aking puso, sa aking mga pag-iisip at sa aking mga gawain sa pamamagitan ng panalangin, ng pagbabantay at ng paglayo sa lahat ng tao, lugar at bagay na makapaghuhulog sa akin sa kasalanan. Ipagkamit mo sa Diyos na maipag-adya ko ang aking puso sa lahat ng

Page 12: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

damdaming mahalay upang ako’y makatulad sa iyo at kay Jesus at Maria na halimbawa sa dakilang kalinisan.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa Ikalimang Araw

Maluwalhating San Jose tulungan mo akong maunawaan na ang kababaang loob ay siyang saligan ng lahat ng kabanalang gawa, at ipagkamit mo sa Diyos na ako’y manatiling mababang-loob sa harap ng Panginoon na siyang bukal ng lahat ng kabutihan na tinatamasa ko ngayon. Ipagtamo mo ng biyaya upang ako’y kumilala sa Diyos sa lahat ng bagay at nang ako’y magpakumbaba at maging maibigin sa katotohanan at kababaang loob.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.)

Page 13: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

(Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa Ika-anim Araw

Maluwalhating San Jose, uliran sa pagtitiis at pagpaparaya, turuan mo ako na magtaglay din ng ganitong kabanalang asal na siya kong kailangan sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok sa buhay na itong tigib ng hapis. Ipagkamit mo sa Diyos at kay Maria na ang halimbawa nila sa pagpapakasakit at pagtitiis ay mapagkunan ko ng aral upang tumibay sa aking pag-asa sa kaligayahan sa kabilang buhay na aking tunay na hantungan.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa Ika-Pitong Araw

Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong maging mahinahon sa lahat ng bagay at nawa’y ang kabanalang-asal na ito ay laging magpaalaala sa aking huling hantungan. Nawa’y agapayanan ako ng kahinahunang ito sa aking mga gawain at nang maipag-adya ako sa lahat ng mga panganib ng katawan at kaluluwa. O tapat at mahinahong esposo ni Maria, lingapin mo ang aking mga kahinaan at kasalanan upang ito’y

Page 14: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

mapagbayaran ko at nang magkamit ako ng patawad sa Diyos. Lukuban mo ako ng iyong kahinahunan upang ang lahat ng aking mga panukala at hakbang ay magsilbing gabay sa kaligtasan.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa Ika-Walong Araw

Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong mapalakas ko sa aking sarili ang diwa ng pagsunod sa batas ng Diyos, ng Santa Iglesiya at ng aking lipunan, katulad din ng pagsunod mo sa kalooban Diyos sa iyong tahanan sa Nasaret. Ipagkamit mo sa akin na taglayin ko ang diwa ng pagiging masunurin sa isip at sa puso, upang sa tahanan at sa lugar ng aking trabaho at libangan ay maghari din ang pagsunod sa may kapangyarihan. Maging gabay sana kita sa landas ng kabanalang-asal na ito.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

Page 15: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa Ika-Siyam Araw

Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong maunawaan ko ang kahalagahan ng kahirapan upang yumabong sa akin ang diwa ng pag-ibig sa paggawa tulad ng ipinakita mong halimbawa sa iyong tahanan sa Nasaret. Idalangin mo na magkaroon ako ng diwang ito sakali mang magkapalad akong magtamo ng kayamanang makalupa upang pahalagahan nang higit ang mga kayamanang makalangit. Tulungan mo ako na gamitin ang mga bagay sa lupa na daan at kasangkapan ng pagtungo sa langit.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin ako kay Santa Mariang Birhen na makamtam ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa. (Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan.) (Sundin ang mga panalangin sa Unang Araw, maliban dito)

Panalangin kay San Jose sa Oras ng kamatayan

O maluwalhating San Jose, na ginugunita kong namatay sa piling ni Jesus at Maria, ipagkamit mo sa akin at sa lahat ng mahal ko sa buhay, ang biyaya na magkaroon ng isang

Page 16: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

pamumuhay na tulad sa iyo, at nang ako’y mamatay katulad mo rin sa piling nila. Nawa’y ang kamatayan ko’y mapuspos ng kapayapaan at kalinisan ng budhi upang dumating ang sandali na makapiling ko kayo sa walang hanggang kaligayahan sa langit.

Banal na tagapag-alaga ni Jesus at esposo ni Maria, ikaw na patron ng mabuting kamatayan, tulungan mo ako sa sandaling tawagin na ako ng makatarungang Hukom na si Jesukristo upang humarap sa Kanya at magsulit sa lahat ng aking mga ginawa. Kung ang mga mata ko’y hindi na makakita, kung ang tinig ko’y bahaw na, kung ang hininga ko’y dumadalang na, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin at tulungan mo agad akong mahimlay sa iyong piling.

O San Jose, ipanalangin mo ako ngayon at sa oras ng kamatayan.

Jesus, Maria at Jose, ibinibigay ko sa inyo ang aking puso’t kaluluwa.

Jesus, Maria at Jose, tulungan ninyo ako sa pagkalagot ng aking hininga

Jesus, Maria at Jose, iligtas ninyo ang aking kaluluwa.

Isa Pang Panalangin Para Sa Mabuting Kamatayan

O mapalad na Patriarka ng pintakasi ng buong daigdig, ikaw ay pinaglingkuran ng Diyos Anak na rin sa Nasaret at umalalay sa Kanya at kay Mariang iyong esposa, sa iyong mga huling sandali sa iyong buhay ay inaalagaan din nila hanggang sa ikaw ay mahimlay.

Page 17: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Sa pagsapit din ng sandaling ito sa akin, nawa’y ilawit mo ang iyong tulong upang ako’y matulad sa iyo na sa pagkamatay masalalay ako sa mga bisig ni Jesus at Maria. Siya nawa.

Himno kay San Jose (Ng mga taga-Gagalangin)

O Poong San Jose, pintakasing ibig Tanggulan at lakas, buong pananalig, Kami’y ipag-adya sa mga panganib Kami nawa’y kupkupin ng langit. O Poong San Jose na mapaghimala Sa mga panganib, sa hirap, sa digma Kami’y laging iligtas sa madlang sakuna Kami’y laging iligtas sa iyong andukha.

Koro: Maligayang nayon itong Gagalangin Ang bawat pangarap, adhika’t dalangin Ay namumulaklak na parang bituin Dahil kay San Jose at mag-inang Birhen

Dalit Kay San Jose

Sa pitong ligaya’t sakit Na sumaiyo, aming inawit Kami ay iyong kalarahin At iligtas sa panganib Kaming lahat ay pakamtan Ng ligayang walang hanggan.

Page 18: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Koro: Jose kami’y kaawaan Sa buhay at kamatayan

V. Si Jose’y inihalal bilang panginoon ng pamamahay ni Kristo. R. At parang may ari ng buo niyang kayamanan.

Panalanging Panlahat kay San Jose

Maluwalhating San Jose, bukod pinagpala sa lalaking lahat: nang matapos mong mapaglingkuran at makalinga ng buong pagsinta si Jesus at Maria; nang mangyaring maganap mo nang buong kasipagan ang lahat ng utos ng Diyos at ang lahat ng itinitibok ng iyong puso; nang mapuspos ang iyong kaluluwa ng mga tangi at kahanga-hangang kabanalang gawa na pinag-aralan mo kay Jesus at Maria: inibig ng Diyos na gantihin ang mga pagpapakasakit mo sa Banal na Angkan ng Nasaret, ng isang kamatayang tunay na banal at maligaya.

Alang-alang sa mga karapatan mong ito, ay idalangin mo ako na makibahagi rin naman sa pagpapalang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

O mahal kong pintakasi at tagapagtanggol, ipamagitan mo ako sa Diyos na mapuno ang aking kaluluwa ng biyaya sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng banal na Eukaristiya habang ako’y nabubuhay at lalung-lalo na sa oras ng aking pagkakasakit at sandali ng pagpanaw sa daigdig.

Page 19: NOBENA KAY SAN JOSE · 2021. 5. 2. · Dumating nawa ang sandali na sa iyong pamamagitan, ay maging dapat ako sa mga pagpapala ni Jesus at Maria upang sa langit ay makapiling ko rin

Huwag mong ipahintulot na ako’y mapahamak sa kamay ng aking mga kaaway at pagindapatin mo akong magkamit ng pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulad sa iyong kabutihang asal sa tahanan. Mangyari nawa na sa pagpanaw ko sa mundo ay kaagad kong makapiling ka sa langit, sa paligid ni Jesus at Maria na akin ding pintakasi. Alang-alang kay Jesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

Panalangin sa Misa ni San Jose

Hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, na alang-alang sa mga karapatan ng asawa ng iyong kabanal-banalang ina ay saklolohan Mo kami upang makamtam namin sa kanyang pamamagitan ang hindi namin matamo sa sariling kakayahan.

Iniuukol namin sa Iyo, O Panginoon, ang bayad ng aming paglilingkod at mapakumbabang hinihiling na alang-alang sa mga karapatan ng Iyong Anak na si Jesukristong aming Panginoon, ay ingatan Mo sa amin ang iyong mga kaloob.

San Jose, ipanalangin mo kami.