NegoKart ni Mang Rancyro3.dole.gov.ph/fndr/mis/files/E-Kwento Vol_ 3 No_ 3.pdf · sa kanya at ng...

2
Volume 3, No. 3 March 2011 Official Publication of the Bureau of Workers with Special Concerns NegoKart ni Mang Rancy Si Rancy Diwa Malit o “Mang Rancy” sa mga nakakakilala sa kanya, 45 taong gulang, isang butihing padre de pamilya sa kanyang mabait na asawa’t anak, ay kilala bilang isang masipag na “street vendor “sa kanilang lugar dito sa may Sta Cruz, bayan ng Lubao, Pampanga. Si Mang Rancy ay hindi lang pangkarani- wang street vendor - siya ay may kapansanan dulot ng sakit na polio. Kahit hirap na hirap siyang kumilos at kumayod at nakapagtapos lamang sa antas ng elementarya, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanya para magsumikap at magtaguyod ng kanyang pamilya. Dati, si Mang Rancy ay kumikita lamang ng P2,000.00 kada buwan sa pagtitinda ng mga sari-saring chichirya at kung anu-ano pa. Hindi pa rin ito naging sapat para sa kanyang pamilya. Ang kanyang asawa sa kasalukuyan ay wala ring hanap buhay. Dahil dito, siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Noong magkaroon siya ng pagkakataon na maging benepisyario ng Negosyo sa Kariton (NegoKart) Project ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3, sa tulong at suporta ng

Transcript of NegoKart ni Mang Rancyro3.dole.gov.ph/fndr/mis/files/E-Kwento Vol_ 3 No_ 3.pdf · sa kanya at ng...

Page 1: NegoKart ni Mang Rancyro3.dole.gov.ph/fndr/mis/files/E-Kwento Vol_ 3 No_ 3.pdf · sa kanya at ng kanyang pamilya at para sa edukasyon ng kanyang anak. Ang DOLE, sa tulong ng local

Volume 3, No. 3 March 2011

Official Publication of the Bureau of Workers with Special Concerns

NegoKart ni Mang Rancy Si Rancy Diwa Malit o

“Mang Rancy” sa mga nakakakilala sa kanya,

45 taong gulang, isang butihing padre de

pamilya sa kanyang mabait na asawa’t

anak, ay kilala bilang isang masipag na

“street vendor “sa kanilang lugar dito sa

may Sta Cruz, bayan ng Lubao, Pampanga.

Si Mang Rancy ay

hindi lang pangkarani-

wang street vendor - siya ay may kapansanan dulot ng sakit na polio. Kahit hirap na hirap siyang kumilos at kumayod at nakapagtapos lamang sa antas

ng elementarya, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanya para magsumikap at magtaguyod ng kanyang pamilya.

Dati, si Mang Rancy ay kumikita lamang ng P2,000.00 kada buwan sa

pagtitinda ng mga sari-saring chichirya at kung anu-ano pa. Hindi pa rin ito naging sapat para sa kanyang pamilya. Ang kanyang asawa sa kasalukuyan

ay wala ring hanap buhay.

Dahil dito, siya lamang ang inaasahan ng kanyang

pamilya.

Noong magkaroon siya ng

pagkakataon na maging benepisyario ng Negosyo sa

Kariton (NegoKart) Project ng Department of Labor and

Employment (DOLE) Region 3, sa tulong at suporta ng

Page 2: NegoKart ni Mang Rancyro3.dole.gov.ph/fndr/mis/files/E-Kwento Vol_ 3 No_ 3.pdf · sa kanya at ng kanyang pamilya at para sa edukasyon ng kanyang anak. Ang DOLE, sa tulong ng local

local na pamahalaan ng Lubao sa ilalim ng pamamahala ni Hon. Mayor Mylin Pineda Cayabyab, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office

(PESO), ito ay nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay ni Mang Rancy, isang kabanata na puno ng pag-asa para sa kanya at sa kaniyang pamilya.

Ang mani-an at chichiryang pangkabuhayang kariton ni Mang Rancy, sa

halagang Php. 15,000.00 na ipinagkaloob ng DOLE, ay ginawang “custom-built” para sa kanyang pangangailangan, dahil naniniwala ang DOLE na

karapat dapat lang bigyan ng oportunidad ang mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili at kumayod para sa kanilang pamilya sa kabila ng kanilang

limitadong kapasidad.

Maliban doon, sa suporta ni Mayor Cayabyab, tumulong din ang lokal na

pamahalaan ng Lubao para sa mga karagdagang kapital para sa negosyo ni Mang Rancy, pati na rin ang unang tatlong buwan na bayarin sa social

security benefits niya tulad ng Social Security System (SSS) at Phil-Health. Ngayon, si Mang Rancy ay kumikita na ng humigit kumulang na P350.00 kada

araw, higit pa sa nakatakdang minimum wage sa Gitnang Luzon, o mahigit P 8,000 kada buwan, na

kahit papaano, ay nakakatulong na nang malaki sa kanya at ng kanyang pamilya at para sa

edukasyon ng kanyang anak.

Ang DOLE, sa tulong ng local na pamahalaan, at ng mga PESOs ay patuloy na magbibigay na

oportunidad sa tulong pangkabuhayan sa mga taong gustong tulungan ng kanilang mga sarili

dito sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng DOLE

Kabuhayan Program.

(Ulat ni Jerry Borja, DOLE RO3 Labor Communications Officer)

EDITORIAL BOARD

Publisher:

Bureau of Workers with Special Concerns

Chairperson: Dir. Chita DG. Cilindro

Editor-in-Chief: Joselito D. Manabat

Managing Editor: Maybelle P. Frianeza

Arts and Design: Jay B. Galasinao

Telephone Numbers:

404-3336, 527-2804, 527-5856,

527-5857, 527-3116, 528-0119

Telefax: 527-5858, 527-3097

Email: [email protected]

Webpage: www.bwsc.dole.gov.ph