LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

7
Filipino 6 1 Inihanda ni: Mauie Flores LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com © FILIPINO 6 Lourdes School of Mandaluyong Pagsasanay Para sa Unang Katlong Taong Pagsusulit MAGKASINGKAHULUGAN at MAGKASALUNGAT: Isulat ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay magkasinghulugan at MS naman kung ang pares ng salita ay magkasalungat. _______ _______ _______ _______ _______ 1. Ang komedor sa bahay ng aking lola ay napakalaki hindi katulad ng aming silid-kainan dito sa condominium. 2. Si Ramon, ang representante ng aming klase sa talumpatian, ang siya ring kinatawan ng paaralan sa Tagisan ng Talino sa Pagbasa ng lungsod. 3. Binilin ni Nanay kay Ate na umuwi ito ng maaga para siyay hindi balisa sa gabi. Panatag na ang loob ni Nanay kapag kaming lahat ay nasa bahay na. 4. Magalang ang batang Pinoy hindi katulad ng ibang lahi na kayang maging lapastangan sa matatanda. 5. Tila aking naririnig ang panaghoy ng Inang Kalikasan. Daing niya ang patuloy na pagsira ng tao sa mundo. KLINO: Ayusin ang mga sumusunod na listahan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinapahayag nito. Isulat ang mga bilang 1-3 sa ibabaw ng bawat salita (1 pinaka-mahina) 6. 7. 8. 9. 10. nahuhumaling malambot makitid humahagulhol maalinsangan nababaliw mahina makipot umiiyak mabanas nalulugod marupok masikip lumuluha mainit DENOTASYON/KONOTASYON: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang kahulugang ipinapahiwatig ay isang denotasyon o konotasyon at ibigay ang kahulugan ng salita ayon sa iyong pagkakaintindi. Tandaan: Denotasyon Literal na kahulugan ng salita. Konotasyon Malalim na kahulugan ng salita; maaring positibo o negatibo ang ihinahatid na mensahe. Halimbawa: Ang mga ama ang haligi ng tahanan. Konotasyon Pinagkukuhan ng lakas ng pamilya. Inaanay na ang haligi ng aming bahay. Denotasyon - Poste ng bahay. 11. Ang kapal ng librong pinapabasa sa amin sa Filipino. ___________________ - _______________________________________________

description

FILIPINO 6Lourdes School of MandaluyongPagsasanay Para sa Unang Katlong Taong Pagsusulit

Transcript of LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Page 1: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 1 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

FILIPINO 6

Lourdes School of Mandaluyong

Pagsasanay Para sa Unang Katlong Taong Pagsusulit

MAGKASINGKAHULUGAN at MAGKASALUNGAT: Isulat ang MK kung ang mga salitang

may salungguhit ay magkasinghulugan at MS naman kung ang pares ng salita ay

magkasalungat.

_______

_______

_______

_______

_______

1. Ang komedor sa bahay ng aking lola ay napakalaki hindi katulad ng

aming silid-kainan dito sa condominium.

2. Si Ramon, ang representante ng aming klase sa talumpatian, ang

siya ring kinatawan ng paaralan sa Tagisan ng Talino sa Pagbasa ng

lungsod.

3. Binilin ni Nanay kay Ate na umuwi ito ng maaga para siya’y hindi

balisa sa gabi. Panatag na ang loob ni Nanay kapag kaming lahat

ay nasa bahay na.

4. Magalang ang batang Pinoy hindi katulad ng ibang lahi na kayang

maging lapastangan sa matatanda.

5. Tila aking naririnig ang panaghoy ng Inang Kalikasan. Daing niya ang

patuloy na pagsira ng tao sa mundo.

KLINO: Ayusin ang mga sumusunod na listahan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng

kahulugang ipinapahayag nito. Isulat ang mga bilang 1-3 sa ibabaw ng bawat salita

(1 – pinaka-mahina)

6.

7.

8.

9.

10.

nahuhumaling

malambot

makitid

humahagulhol

maalinsangan

nababaliw

mahina

makipot

umiiyak

mabanas

nalulugod

marupok

masikip

lumuluha

mainit

DENOTASYON/KONOTASYON: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang

kahulugang ipinapahiwatig ay isang denotasyon o konotasyon at ibigay ang

kahulugan ng salita ayon sa iyong pagkakaintindi.

Tandaan:

Denotasyon Literal na kahulugan ng salita.

Konotasyon Malalim na kahulugan ng salita; maaring positibo o negatibo

ang ihinahatid na mensahe.

Halimbawa: Ang mga ama ang haligi ng tahanan.

Konotasyon – Pinagkukuhan ng lakas ng pamilya. Inaanay na ang haligi ng aming bahay.

Denotasyon - Poste ng bahay.

11. Ang kapal ng librong pinapabasa sa amin sa Filipino.

___________________ - _______________________________________________

Page 2: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 2 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

12. Ang kapal ng mukha ng magnanakaw na iyan!

___________________ - _______________________________________________

13. Hindi siya tiwala sa kanyang mga tao. Pakiramdam niya’y may ahas dito.

___________________ - _______________________________________________

14. Maraming ahas sa masukal na gubat.

___________________ - _______________________________________________

15. Makitid ang eskinita patungo sa aming bahay.

___________________ - _______________________________________________

16. Makitid ang utak ni Pedro at ayaw na niyang makinig pa sa iba.

___________________ - _______________________________________________

ANALOHIYA: Piliin ang pares na makakabuo sa analohiya. Isulat ang sagot sa patlang.

17. Ang dahon ay sa halaman at ang _____.

a. damo ay sa lupa

b. buto ay sa kalansay

18. Ang itaas ay sa ibaba at ang _____.

a. loob ay sa labas

b. Hilaga ay sa Silangan

19. Ang burol ay sa bundok at ang _____.

a. ilog ay sa karagatan

b. dagat ay sa tsunami

20. Ang kotse ay sa gasoline at ang _____.

a. tubig ay sa yelo

b. katawan ay sa pagkain

OPINYON o KATOTOHANAN: Isulat ang O kung ang pangungusap ay nagpapahayag

ng opinyon at K kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan.

_______

_______

_______

_______

_______

21. Nagtatanim ang mga magsasaka sa ilalim ng init ng araw.

22. Para sa akin, ang mga basurero ay mahalagang katulong ng

pamayanan.

23. Pinakanakakatawa ang mga pelikula ni Dolphy.

24. Masaya ang magkaroon ng maraming kapatid.

25. Ginagamit ang lapis sa pagguhit.

SANHI at BUNGA: Kumpletuhin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat

ng sanhi o bunga nito. Pagkatapos, tukuyin kung ang iyong isinulat ay sanhi o bunga.

Isulat ang sagot sa patlang.

__________

__________

__________

__________

26. _________________________ kaya pinagalitan siya ng kanyang mga

magulang.

27. Tahimik ang buong klase ni Bb. Tan kaya _________________________.

28. _________________________dahil binisita siya ng kanyang mga apo.

29. Nagpasalamat si Mang Tony sa kanyang mga kapitbahay

_________________________.

Page 3: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 3 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

__________ 30. Dali-daling hinabol ni Ana ang kanyang maliit na kapatid

_________________________.

PANGUNAHING DIWA: Basahin ang tula sa ibaba at ibigay ang pangunahing diwa ng

bawat saknong nito

31. ________________________________

32. ________________________________

33. ________________________________

34. ________________________________

35. ________________________________

SANGKAP NG KWENTO: Basahin ang kwento sa ibaba at kumpletuhin ang talaan ng

mga sangkap ng kwentong ito. (36-45)

Ang Alamat ng Makopa

Noong unang panahon, namumuhay ng tahimik at masaya ang mga mamayan

sa isang malayong bayan sa Laguna. Ang lugar na ito ay kilala sa pagkakaroon ng

mga mamamayang masisipag at madasalin. Walang away sa kanilang lugar at ang

lahat ay nagkakasundo.

Sa simbahan ng bayang ito ay may malaking gintong kampana. Itinuturing

itong kayamanan ng mga mamamayan. Iniingatan nila ito at inaalagaan upang

hindi mawala ang taglay nitong kinang. Nagsisilbi itong inspirasyon sa kanilang

buhay. Gayon na lamang ang pagkainggit ng ibang bayan sa kanilang lugar.

Naniniwala ang mga ito na ang gintong kampana ang dahilan kung bakit ang

bayang iyon ay napakasagana.

Isang araw, may mga masasamang loob na nagbalak nakawin ang gintong

Page 4: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 4 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

kampanang ito. Sa kabutihang palad ay nalaman nila ito agad at ibinaon sa lupa sa

likod ng simbahan. Nang dumating ang mga masasamang loob ay wala silang

dinatnang gitnong kampana. Sa galit ng mga ito ay pinatay nila ang mga taong

nasa loob ng simbahan.

Tuluyan nang hindi nalaman ng ibang tao kung saan naitago ang gintong

kampana. Hanggang isang araw ay bigla na lamang may tumubong puno sa likod

ng simbahan. Ang balat ng bunga nito ay mapula habang ang loob naman ay

parang bulak sa puti. “Hugis kopa ng alak ang bunga!” sambit ng ilan. At magmula

noon ay tinawag na ang punong ito na makopa.

Pamagat: _____________________________________________________________

Tauhan: _____________________________________________________________

Tagpuan: _____________________________________________________________

Suliranin: _____________________________________________________________

Aral: _____________________________________________________________

Kasukdulan

Pataas na Aksyon

Wakas Pangunahing Pangyayari

Pababang Aksyon

Page 5: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 5 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

KAYARIAN NG SALITA: Ano ang kayarian ng mga salita sa ibaba? Isulat sa patlang

kung payak, maylapi, inuulit, o tambalan.

________________

________________

________________

________________

________________

46. ituloy

47. minsan-minsan

48. sinaing

49. agaw-buhay

50. bundok

________________

________________

________________

________________

________________

51. okra

52. kapanalig

53. lutu-lutuan

54. hawak-kamay

55. gugupitin

Isulat sa patlang kung ang nababanggit ay pangungusap, parirala, o sugnay.

Tandaan:

Pangungusap Grupo ng mga salitang may buong diwa. Ito ay may simuno

at panaguri at maaaring mabuo ng dalawang sugnay.

Parirala Grupo ng mga salitang walang buong diwa.

Sugnay Grupo ng mga salitang may buong diwa ngunit parte ng

isang pangungusap. Mayroon din itong simuno at panaguri.

May mga sugnay na maaaring ihiwalay sa pangungusap na

pinagmulan (sugnay makapag-iisa). Mayroon namang may

simuno at panaguri ngunit hindi buo ang diwa (di-makapag-

iisa).

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

56. sila ang nagsabi

57. ang kumain

58. ang mga tao sa simbahan ay nagsiluhod

59. suklayin ang buhok

60. napakalamig naman dito

61. kapag bumibili ng bigas si Ate

62. mabilis natapos ang palabas kagabi

63. natulog siya

64. sampung mga daliri

65. si Kuya Kim

66. Pumili ng isang sugnay na makapag-iisa mula sa mga nakalista sa itaas.

________________________________________________

67. Pumili ng isang sugnay na di-makapag-iisa mula sa mga nakalista sa itaas.

________________________________________________

Page 6: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 6 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

BANTAS: Tukuyin ang bantas na inilalarawan ng bawat pangungusap. Piliin ang sagot

mula sa nakalista sa ibaba. Isulat ang bantas lamang.

Tuldok (.)

Kuwit (,)

Tutuldok (:)

Tandang pananong (?)

Tandang padamdam (!)

Panipi (“ “)

Gitling ( - )

______

______

______

______

______

______

______

68. Ginagamit upang maipakita ang matinding damdamin.

69. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa liham-pangalakal at sa

unahan ng isang listahan o serye ng mga salita.

70. Ginagamit pagkatapos ng pangungusap na pasalaysay, pautos, daglat,

inisyal, bilang na Romano at Arabiko, malaki at maliit na titik sa balangkas,

o pagbibigay ng talaan.

71. Ginagamit upang ihiwalay ang serye, pagkatpos ng oo o hindi sa simula

ng pangungusap, pagkatapos ng bating panimula at bating pangwakas

sa liham-pangkaibigan, pagsulat ng tirahan at petsa, at sa hugnayang

pangungusap.

72. Ginagamit sa pagkukulong sa isang pahayag, sa pagsusulat ng pamagat

ng mga artikulo, sanaysay, panayam, kabanata, at maikling kwento.

73. Ginagamit sa pagitan ng unlaping nagtatapos sa katinig at sa salitang

ugat na nagsisimula sa patinig, sa pagitan ng unlapi at pangngalang

pantangi, sa pagitan ng ika- at tambilang, at sa pagitan ng tambalang

salita.

74. Ginagamit pagkatapos ng isang tuwirang tanong.

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA: Magbigay ng pangungusap na walang paksa

ayon sa uring hinihingi.

Halimbawa: Padamdam

Patanong

75. Eksistensyal - Nagsasaad ng pagkamayroon.

______________________________________________________________________________

76. Penominal – Nagsasaad ng kalagayan ng panahon o tiyak na kondisyong

panglipunan.

______________________________________________________________________________

77. Pormulasyong Panlipunan – Nagsasaad ng pakikipagkapwa.

______________________________________________________________________________

78. Patanong – Kung nagtatanong.

______________________________________________________________________________

79. Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin.

______________________________________________________________________________

Page 7: LSM Grade 6 Filipino 1st Trim Exam SY 2012 -2013

Filipino 6 7 Inihanda ni: Mauie Flores

LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com ©

Isulat sa patlang kung payak, tambalan, hugnayan, o langkapan ang mga

pangungusap sa ibaba.

Tandaan:

Payak Pangungusap na isang diwa lang ang tinatalakay. Ito ay

maaaring payak o tambalang aksa o tambalang panaguri.

Tambalan Pangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan o higit pa.

Binubuo ito ng dalawa o higit pang payak na pangungusap.

Ginagamitan ito ng pangatnig na magkatimbang.

Hugnayan Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at

sugnay na di-makapag-iisa at nagpapakita ng relasyong sanhi

at bunga. Ginagamitan ito ng kung, nang, bago, upang,

kapag, dahil, at sapagkat.

Langkapan Pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapag-

iisa at sugnay na di makapag-iisa.

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

80. Nanalo si Jamie sa eleksyon at natuwa ang buong klase sa

kanyang pagkapanalo.

81. Ang pagiging madasalin ay mahalaga upang tayo ay mapalapit

sa Diyos dahil Siya ang dakilang lumikha.

82. Gaganda ang iyong buhay kung susundin mo ang payo ng iyong

mga magulang.

83. Masakit ang aking lalalamunan.

84. Liliban sa trabaho si Papa ngayong araw at ang buong pamilya

ay dadalaw kay Lolo sa ospital.

85. Pinatawad ni Jose ang mga kaibigan at sila’y sama-samang

naglakad upang pumasok sa paaralan.

86. Napuyat ako kagabi dahil sa pagsusulit na ito.

87. Ang mga mag-aaral ay sasayaw ng tinikling at ang mga guro ay

aawit ng “Bayan Ko.”

88. Nakakain na kami bago pa sila dumating.

89. Dumating ang panahon ng tag-gutom at ang kanilang ama ay

nabahala kung saan sila kukuha ng pagkain.

90. Si Manuel Quezon ang Ama ng Wikang Filipino.