LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

7
Filipino 3 1 Prepared by: Mauie Flores LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com © FILIPINO 3 Lourdes School of Mandaluyong 2 nd Trimester Exam Isulat ang mga salitang-ugat ng bawat salita sa patlang. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ 1. kalikasan 2. bumubuo 3. masakit 4. nagtanim 5. pamamasyal 6. magaganda 7. pupuntahan 8. ipaliwanag 9. sariwain 10. ikuha Isulat sa patlang kung ang salita ay payak, maylapi, inuulit, o tambalan. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ 1. isulong 2. lagi-lagi 3. inihaw 4. balik-tanaw 5. Pilipinas 6. kalaro 7. bahay-bahayan 8. kapit-bisig 9. aalisin 10. pagkain Bilugan ang pandiwang ginamit sa talata sa ibaba. Pumunta kami sa Vigan noong nakaraang bakasyon. Humanga ako sa mga lumang bahay na bato na nakatayo pa rin hanggang ngayon. Nag-iingat ang mga tao sa kalsada ng Calle Crisologo dahil ito ay gawa pa rin sa bato. Hindi dumadaan dito ang mga sasakyan. Inikot naming ang plaza at dumalaw sa kanilang lumang simbahan. Kumain kami ng longganisang Vigan at bumili rin si Nanay ng pang-pasalubong. Napakaganda talaga ng Vigan. Nais kong bumalik uli sa susunod na bakasyon.

Transcript of LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Page 1: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 1 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

FILIPINO 3

Lourdes School of Mandaluyong

2nd Trimester Exam

Isulat ang mga salitang-ugat ng bawat salita sa patlang.

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

1. kalikasan

2. bumubuo

3. masakit

4. nagtanim

5. pamamasyal

6. magaganda

7. pupuntahan

8. ipaliwanag

9. sariwain

10. ikuha

Isulat sa patlang kung ang salita ay payak, maylapi, inuulit, o tambalan.

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

1. isulong

2. lagi-lagi

3. inihaw

4. balik-tanaw

5. Pilipinas

6. kalaro

7. bahay-bahayan

8. kapit-bisig

9. aalisin

10. pagkain

Bilugan ang pandiwang ginamit sa talata sa ibaba.

Pumunta kami sa Vigan noong nakaraang bakasyon. Humanga ako sa mga

lumang bahay na bato na nakatayo pa rin hanggang ngayon. Nag-iingat ang

mga tao sa kalsada ng Calle Crisologo dahil ito ay gawa pa rin sa bato. Hindi

dumadaan dito ang mga sasakyan. Inikot naming ang plaza at dumalaw sa

kanilang lumang simbahan. Kumain kami ng longganisang Vigan at bumili rin

si Nanay ng pang-pasalubong. Napakaganda talaga ng Vigan. Nais kong

bumalik uli sa susunod na bakasyon.

Page 2: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 2 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

Magsulat ng mga pandiwa sa mga patlang upang mabuo ang mga pangungusap.

1. ____________________ kami ng radyo upang mabantayan ang pagdating ng

bagyo.

2. ____________________ ng maraming kandila si Nanay sa tindahan para mayroon

kaming ilaw kung sakaling mawalan ng kuryente.

3. Si Tatay naman ay ____________________ ang kotse sa garahe upang hindi ito

mabagsakan ng mga matutumbang puno.

4. Malakas na ang buhos ng ulan at ihip ng hangin kaya ____________________ ko

ang mga bintana.

5. ____________________ kami bago matulog at hihingi ng tulong at gabay mula sa

Panginoon.

Isulat ang tamang anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong.

(guhit)

(pasyal)

(hawak)

(kwento)

(bihis)

(walis)

(sulat)

(laba)

(basa)

(bilang)

1. _____________________ kami ng larawan ng aming bahay

bukas sa paaralan.

2. _____________________ sila Nene at Boy kahapon kasama

ang kanilang Lolo at Lola.

3. _____________________ ko ng maiigi ang tali ng lobong

kabibili ko pa lamang.

4. _____________________ ko ngayon kay Ate yung nangyari

kanina sa palaruan.

5. _____________________ ako kaagad pagdating ko mamaya

sa bahay para makapahinga na.

6. _____________________ si Lola kaninang umaga sa harap ng

bahay.

7. Huwag kang malikot. _____________________ ako ngayon ng

liham para sa aking kaibigan.

8. Bukas na lang daw _____________________ an gaming

labandera. Mahina kasi ang tubig ngayon.

9. _____________________ ko na ang aklat na yan noong

kamakalawa kaya alam ko na ang kwento.

10. Mamaya, _____________________ ako ng sampu bago ko sila

hahanapin isa-isa.

Page 3: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 3 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

Kumpletuhin ang talaan sa ibaba. Isulat ang iba’t-ibang anyo ng pandiwa ayon sa

panahong nakasaad.

SALITANG UGAT NAGANAP NAGAGANAP MAGAGANAP

bigay

inggit

ipon

lungkot

laro

Bilugan ang pang-uri na naglalarawan ng pangngalan na may salungguhit.

1. Noong unang panahon sa isang malayong kaharian sa Tsina ay may isang

matandang haring namumuno.

2. Ang hari ay may may tatlong anak na lalaki.

3. Ang bawat prinsipe ay binigyan ng hari ng isandaang gintong salapi upang

kanilang mabili ang pinaka-magandang bagay sa buong mundo.

4. Ang panganay na anak ay bumili ng isang magandang larawan.

5. Ang pangalawang anak naman ay nakabili ng magandang perlas sakay ng

kanyang itim na kabayo.

6. Ang bunsong prinsipe ay nakakita ng kahirapan at kalungkutan paglabas niya

ng kaharian.

7. Ang maawaing prinsipe ay nahabag kung kaya’t ibinigay niya ang kanyang

salapi sa mga naghihirap.

8. Nagalit ang kanyang mga nakatatandang kapatid sa kanyang nagawa at

sinabing siya’y isang hangal.

9. Ngunit ang amang hari ay natuwa sa kanyang mabuting puso.

10. Ang bunsong prinsipe ang ginawang bagong pinuno ng kaharian at siya’y

nagsilbi ng mahabang panahon.

Hanapin ang pang-uring nagpapakita ng antas na nakasaad sa loob ng panaklong.

1. Madaling abutin ang pangarap para sa isang batang masipag. (lantay)

2. Pinakamalinis na lugar sa aming bayan ang aming munting barangay.

(pasukdol)

3. Masaya ako at napaka-bilis matuto ng aking kapatid noong kami’y magbasa.

(lantay)

4. Mabuti na lang at simbait ng anghel si Gng. Cruz at pumayag siyang ipahiram

sa akin ang kanyang aklat. (pahambing)

5. Kung ako ang tatanungin, mas nakakapagod ang paglangoy kaysa pagtakbo.

(pahambing)

Page 4: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 4 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

6. Tahimik lang talaga si Mario pero siya ang pinaka-palakaibigan sa aking mga

kaklase. (pasukdol)

7. Maawain ang aking lola lalo na sa mga taong ubod ng hirap. (lantay)

8. Magsingtangkad kaya kami ni Ana? (pahambing)

9. Walang kasing-kuripot ang negosyanteng iyan kaya’t huwag na kayong umasa

pa ng regalo. (pasukdol)

10. Hindi ko gusto ang hari ng yabang na si Ernesto! (pasukdol)

Isulat ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay magkasinghulugan at MS

naman kung ang pares ng salita ay magkasalungat.

_________________

_________________

_________________

_________________

_________________

1. Gusto kong laging masaya ang aking mga magulang.

Kaya naman nagsusumikap akong mapaligaya sila.

2. Hindi importante kung ang tao ay mahirap o mayaman.

Ang mahalaga ay mabuti ang puso.

3. Mas nakakapag-aral ako sa isang lugar na tahimik. Kaya

lang maingay naman sa aking silid.

4. Mahalimuyak an gaming altar kapag nagsasabit ako ng

mabangong sampaguita.

5. Inakay ng inahin ang kanyang munting sisiw. Maliit kasi ito

at mahina pa.

Suriin ang salitang nakakahon. Bilugan ang titik ng kahulugan ng salita ayon sa

pagkakagamit sa pangungusap.

1. Bagay sa iyo ang damit na iyan.

a. magandang tingan

b. hindi tao, hayop, o halaman

2. Kumakain ka ba ng ginataang gabi?

a. kabaligtaran ng araw

b. isang uri ng halamang ugat

3. Tayo lang pala ang pupunta sa parke.

a. nakatindig at hindi nakaupo

b. isang panghalip panao

4. Nakatungo ang mga tao sa pagtanggap ng basbas ng pari.

a. papunta sa isang lugar

b. yumuko

5. Darating si Papa sa susunod na buwan!

a. binubuo ng 30 araw

b. nagbibigay liwanag sa gabi

Page 5: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 5 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

Isulat sa patlang ang naaangkop na sawikain o idyoma upang makumpleto ang diwa

ng pangungusap. Piliin ang iyong isasagot sa mga nakasulat sa loob ng kahon.

buto’t balat

anak-dalita balitang kutsero

halang ang bituka

balat-sibuyas

1. ____________________ ng gumawa ng krimen sa Maguindanao. Napakalaking

kasalanan ang pagpatay ng marming tao.

2. Hindi totoo ang mg kumakalat na ballita. Huwag kayong makiking sa

____________________.

3. Ang aking lolo ay tunay na ____________________. Hindi naman siya galling sa

isang mayamang pamilya.

4. Kumain ka ng marami araw-araw nang lumog ka naman at hindi magmukhang

____________________.

5. Huwag ka nang magtampo sa kanila. Tama na ang pagiging

____________________.

Basahin ang kwento sa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Ang Alamat ng Langaw

Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon at

may basura. Ang mga tao ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi

sila marunong maglinis ng kanilang mga bakuran. Ang mga bata ay laging

marurumi at hindi marunong maligo. Ngunit walang gumagawa ng hakbang

para luminis ang lugar. Kuntento lamang ang mga tao sa kanilang buhay

hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga tao.

Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng

kanilang mga kababayan. Iniutos ng hari na magkaroon ng mga grupo ng

tao na mag-iikot araw at gabi upang magbantay. Doon nila nakita ang

higanteng si Angaw.

“Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ” narinig pa

nila itong sinabi ni Angaw habang nag-iikot sa kadiliman ng gabi.

Isinumbong ito ng mga mamamayan sa hari.

Dahil doon, ipinagutos ng hari na magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng

kanilang bayan. Tinuruan din nila ang mga batang maglinis ng katawan.

Bumango at luminis ang bayan.

Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito. Nagtaka sila kung

anong nangyari kay Angaw. Sa kanilang paghahanap, nakita nilang ito’y

namatay na sa gutom dahil wala nang makaing maruruming tao. Inihagis

nila ang bangkay nito sa isang malalim na bangin kung saan nila itinapon

ang mga basura ng kanilang bayan.

Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala ang bangkay ni Amok at nagkarooon ng

Page 6: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 6 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

maraming lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw

upang maalala ang higanteng si Angaw. Tinabunan nila ang basura ng lupa

at nawala ang mga langaw na lumilipad-lipad.

Magmula noon ay hindi na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan

sa kanilang lugar at mga katawan. Ayaw na nilang bumalik ang mga

langaw sa kanilang lugar.

1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?

_________________________________________________________________________

2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?

_________________________________________________________________________

3. Bakit gustong-gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?

_________________________________________________________________________

4. Ano ang ginawa ng mga tao upang mapuksa ang higante?

_________________________________________________________________________

5. Ano ang kanilang natagpuan sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay

ng higante?

_________________________________________________________________________

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bilang 1

hanggang 5.

______

______

______

______

______

Naglinis ng pamayanan at katawan ang mga tao.

Kinain ng higante ang mga taong marurumi.

Namatay sa gutom ang higante.

Pinabayaan ng mga mamamayan na maging marumi ang

kanilang mga sarili at ang kanilang bayan.

Natagpuan nila ang mga insektong lumilipad-lipad sa bangin

kung saan nila itinapon ang bangkay ng higante.

Tungkol saan ang paksa ng bawat talata? Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Maraming kayong magagamit sa paglilinis ng bahay. Una na dito ang sabong

panglaba. Ginagamit ito sa paglalaba at sa pag-alis ng dumi sa mga gamit.

Maari ring gamitin ang suka sa pagtanggal ng mantsa.

a. Ang suka ay mabisang pangtanggal ng mantsa.

b. Ginagamit ang sabon sa paglalaba.

c. Ang suka at sabong panglaba ay mabisang panlinis.

2. Ang langaw ay isang insektong hindi nakakatuwa dahil marami itong sakit na

dinadala. Kumakapit ang mikrobyo sa mga paa nito sa tuwing dadapo ito sa

basura. Ang mikrobyo naman ay nalilipat sa pagkain kapag dumapo na ang

langaw. Maaaring magkasakit ang taong makakakain ng pagkaing dinapuan

ng langaw.

a. Nakakakuha ng mga sakit sa langaw.

Page 7: LSM Grade 3 Filipino 2nd Trim Exam SY 2009-2010

Filipino 3 7 Prepared by: Mauie Flores

LSM 2009-2010 www.the24hourmommy.com ©

b. Maliit lang na insekto ang langaw.

c. MIkrobyo ang dahilan ng sakit.

Basahin ang bawat talata at bigyan ito ng angkop na pamagat.

1. ______________________________________________________________

Si Severino Reyes ay isang dakilang kwentista. Marami siyang mga naisulat

na kwento na hanggang ngayon ay atin pa ring nababasa. Marami sa

kanyang mga kwento ay mga alamat na hango sa mga kwentong bayan.

2. ______________________________________________________________

Alam mo bang may mga ibig sabihin ang iba’t-ibang kulay. Halimbawa,

ang pula ay sagisag ng katapangan samantalang ang asul naman ay simbolo

ng kapayapaan. Kung mahilig ka sa puti, malamang ay mahilig ka sa mga

bagay na simple at malinis.