Dedicated to growing disciples for Jesus Christ. Facts of ...
Living As Disciples of Christ
description
Transcript of Living As Disciples of Christ
Welcome to our
Doctrine Seminar
Pamumuhay Bilang mga Alagad ni Kristo
Ika-10 Panayam
(I)Ang Moral na
Taga-pagpaganap: Ang Tao
Ano ba ang Kristiyanong moral na buhay?
Ito ang tawag na maging mapagmahal na tao, isang buhay na kasama ng iba sa pamayanan, sa harap ng Diyos, bilang pagtulad kay Jesukristo.
Ayon kay Kristo…
Nakasalig ang dangal ng tao sa kanilang pinagmulan, kahulugan at hantungan – ang Diyos.
Sumasampalataya tayo na…Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao na
Kanyang kalarawan at kawangis,Tinubos tayo sa pamamagitan ng
dugo ni Kristo,Pinabanal sa pamamagitan ng
Espiritu Santo na nananahan sa atin,
Sumasampalataya tayo na…
Tinatawag ang lahat ng tao na maging mga anak ng Diyos,
Nakatalaga ang tao para sa buhay ang walang hanggan.
(II)Mga Taong Nasa
Karanasan
Ang tao ay likas na bukas at nakikipag-
ugnayan sa iba.
Walang taong nag-iisa.
Umuunlad tayo sa ganap nating pagkatao sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Ang ating pagiging tao ay nangangahulugan ng pagiging…
Sa pamamagitan ng iba (paglilihi, pagsilang at pagpapalaki sa atin),
Sa pagiging kasama ng iba (pamilya, kaibigan, kapit-bahay, kasama sa trabaho),
Sa pagiging para sa iba (sa pag-ibig at paglilingkod).
Ang Pagkilos ng Diyos sa Tao
Nilikha ang tao bilang mga taong panlipunan (social beings),
Tinubos ni Kristo ang tao bilang isang sambayanan,
Kumikilos sa tao ang Espirito Santo kasama natin bilang bayan ng Diyos na naglalakbay tungo sa pangkalahatang hantungan natin sa Diyos.
Ang tao ay nilalang na may kamalayan
at batid ang kanyang panlabas ng kilos.
Ito ang batayan ng moral na pamumuhay.
Ang Tao ay espiritu na nasa katawan.
(“Embodied Spirit”)May pagkakaisa ang
katawan at kaluluwa.
Ayon kay San Pablo…“Hindi ba ninyo alam na ang inyong
katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos… Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.” (1 Cor 6:19-20)
Ang mga tao ay mga manlalakbay na nasa
daan…… unti-unting nagiging ganap sa ating sarili sa paglipas ng panahon.
Bawat tao ay natatangi, subalit ang lahat ng tao ay pantay-pantay pa rin.
Bawat tao ay tinatawag na ilarawan ang Diyos sa
kanyang bukod-tanging paraan, na tayo lamang ang
makagagawa at walang ibang maaaring pumalit sa
ating lugar.
“Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.”
(Isaias 43:1)Pantay-pantay man ang lahat ng
tao, may bukod-tanging kakanyahan pa rin
ang bawat isa.
(III)Kalayaang Pantao
Likas sa tao ang maghangad ng kalayaan
Kalayaan mula sa kahirapanKalayaan mula sa
kamangmanganKalayaan mula sa pagkaalipin ng
iba
Sa buong mundo, ang mga tao ay kumikilos tungo sa
paglaya ng mga tao sa lahat ng uri ng pagkaalipin bunga ng pulitika, ng kultura at ng
ekonomiya, atbp.
Huwag nating iisipin na ang kahulugan ng
pagiging malaya ay “magagawa ko na ang
gusto ko.”
Ang kalayaan ay may kakambal na
pananagutan.
Malaya tayong gumawa ng mabuti, subalit wala tayong layang gumawa ng masama.
“Kayo ay malaya, subalit ang kalayaan ay huwag gagawing
dahilan sa paggawa ng masama.” (1 Pedro 2:16)
Ano ba ang dapat maging batayan ng “mabuti?”
Ang sariling kagustuhan ba?Madali at maginhawa
Ang opinyon ba ng tao?Ang gusto na nakararami?
Iisa lamang ang “Mabuti” walang iba kundi ang
Diyos.
Ang Diyos ang dapat maging batayan kung ano ang mabuti
o masama.
Si Kristo ang katotohanan.
Siya ang Katotohanan na magpapalaya sa tao.
(Juan 8:32)
Ang pinaka malaking hadlang sa tunay na kalayaan ay ang
kasalanan.
Ang pamumuhay sa kasalanan ay pagka-alipin sa kasamaan.
Ang Espiritu Santo ang magpapalaya sa atin mula
sa kasalanan at kamatayan.
Ang tunay na kalayaan ay kalayaan tungo sa
pag-unlad bilang ganap na tao at bilang mga
ganap na anak ng Diyos.
May plano ang Diyos para sa lahat ng
kanyang mga anak.
Isang buhay na ganap at kasiya-siya.
(Juan 10:10)
(IV)Budhi
Ang budhing moral ang pahiwatig ng Batas ng Diyos na nagpapaliwanag kung ano ang
mabuti at kung ano ang masama.
Ito ang nag-uudyok sa atin na gawin ang mabuti at iwasan
ang masama.
Kumikilos ang budhi bilang pinaka malapit na
pamantayang moral kapag pinaninilayan ang mabuti sa
masama.
Paghubog ng BudhiAng ating budhi ay hinuhubog sa
loob ng ating pamilya, paaralan, simbahan at lipunan na ating ginagalawan.
Dahil dito, ang budhi ay pwede ring mali, kung mali ang pagkahubog sa atin.
Paghubog ng Budhi
Kailangan hubugin ang tamang budhi batay sa katotohanan ng Diyos.
Ang Budhing KristiyanoUpang mahubog ang budhi ng
isang alagad ni Kristo, ang susi ay si Kristo at ang Kanyang Espiritu, na nararanasan sa loob ng Simbahan, ang sambayanan ni Kristo.
Budhing KristiyanoDapat hubugin ang budhi sa
Salita ng Diyos at sa Turo ng Simbahan na galing sa mga Apostol.
Tatlong Dimensiyon ng Gawaing Moral
1.Ang kilos na pinili2.Ang layunin3.Ang kalagayan