H Distance Education for Elementary Schools SELF...

10
H E K A S I 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Transcript of H Distance Education for Elementary Schools SELF...

H E K A S I

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG

IKATLONG REPUBLIKA

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

1

GRADE V

PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

Natatandaan mo ba ang pinsalang idinulot ng digmaan sa panahon ng Hapones?

Pagmasdan ang larawang nasa ibaba.

Maraming Pilipino noon ang walang palagiang hanapbuhay. Ang edukasyon ng mga mamamayan ay hindi angkop sa papasukang hanapbuhay. Kulang sila sa mga kasanayang kinakailangan sa mga gawaing nais nilang pasukan. Maging ang mga magsasaka ay nawalan ng lupang masasaka.

Sa modyul na ito matutuhan mo ang mga paraang ginawa ng pamahalaan

upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa. Game ka na ba?

ALAMIN MO

2

Isulat mo sa iyong notebook ang sagot. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_______1. Karaniwang hanapbuhay noong panahon ng Hapon

_______2. Pananalapi sa panahon ng

Hapon _______3. Pinangasiwaan ang pagbibili

at pamamahagi ng bigas at butil

_______4. Nilikha upang magkaroon ng

pantay na pamamahagi ng paninda sa buong bansa

_______5. Nilutas ang mga suliranin sa

produksyon at pagbibili

a. Bigasang Bayan (BIBA)

b. Pambansang

Korporasyon sa Pamamahagi (NADISCO)

c. Sanggunian sa

Pagpaplano ng Kabuhayan (NEC)

d. Buy and Sell e. Mickey Mouse money f. KALIBAPI

Upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa, sinikap ng pamahalaan na

magpatupad ng mga patakaran at programa sa mga mamamayan.

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

3

Isa sa mga ito ay ang pamamahagi ng lupa sa mga maliliit na magsasaka. Nagkaroon ng batas tungkol sa reporma sa lupa. Dito nabigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga magsasaka.

Pinabuti ang sistema ng edukasyon. Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng mga kursong bokasyonal at teknikal, gayundin ang kagandahang-asal at pagmamahal sa kulturang Pilipino.

Nagpatayo ang pamahalaan ng mga karagdagang paaralan upang higit na

maraming mag-aaral ang makapasok ng libre.

4

May mga pribilehiyo na inihandog sa mga batang mahihirap ngunit matatalino.

Inilunsad din ang programa sa pagpaplano ng pamilya upang masugpo ang paglaki ng populasyon.

Nagpahiram ang pamahalaan ng mga puhunan sa mga mangangalakal upang magamit sa pag-angkat ng mga makinang pang-industriya.

5

Ang pagtangkilik sa mga gawang local o gawang Pilipino ay nakatulong sa pagkakaroon ng matatag at maunlad na kabuhayan.

Mga Paraang Isinagawa ng Pamahalaan sa Pagpapabuti ng Kabuhayan ng Bansa

Pagpa-pautang sa

mga manga-ngalakal

Batas sa Reporma sa

Lupa

Kursong Bokasyonal at Teknikal

Pagtangkilik sa Gawaing

Pilipino

Programa sa Pagpaplano ng Pamilya

6

Isulat mo ang iyong sagot sa notebook. Panuto: Itambal ang hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B

_______1. Nabigyan ng pansin ang mga magsasaka

_______2. Nagkaroon ng kursong

bokasyonal _______3. Pangunahing suliranin sa

kabuhayan ng bansa _______4. Naging suliranin ng mga

pabrika at pagawaan _______5. Nagpaunlad sa kabuhayan ng

bansa

a. Edukasyon b. Pagpapautang sa mga

mangangalakal c. Pagpaplano ng

Pamilya d. Pilipino e. Reporma sa Lupa

Nagsagawa ng iba’t-ibang paraan ang pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa.

Anuman ang naging suliraning pangkabuhayan ng bansa, gumagawa ng mga paraan ang pamahalaan sa ikalulutas nito. Sumasang-ayon ka bas a ginawang paraan ng pamahalaan? Bakit/bakit hindi?

PAGSANAYAN MO

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

7

Alin sa mga ito ang iyong pipiliin? Ipaliwanag mo ang iyong sagot.

Isulat mo ang iyong sagot sa notebook. Panuto: Anong paraan ang isinagawa ng pamahalaan sa pagpapabuti ng

kabuhayan ng bansa. Isulat ang titik ng tamang sagot. Pumili ng sagot sa talaan na nasa loob ng kahon.

_______1. Ang isang mag-aaral na mahirap ngunit matalino ay nakapag-

aral ng libre. _______2. Naisabatas ito upang ang isang magsasaka ay magkaroon ng

lupang masasaka. _______3. Inilunsad ito upang masugpo ang paglaki ng populasyon. _______4. Nagpahiram sa mga negosyante bilang puhunan sa pang-

industriya. _______5. Pagtangkilik sa sariling produkto at hindi gawang dayuhan.

GAWIN MO

PAGTATAYA

A. Batas sa Reporma sa Lupa B. Programa sa Edukasyon C. Pagpaplano sa Pamilya D. Programang Pilipino Muna E. Pagpapautang sa mga Mangangalakal

8

Alin sa mga paraan na isinagawa ng pamahalaan ang nakabuti sa

kabuhayan ng bansa? Bakit?

Ilarawan mo ito at isulat mo ang iyong sagot sa likod ng isinalarawan

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.