FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020....

21
1 FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 1 Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat 12

Transcript of FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020....

Page 1: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

1

FILIPINO sa

PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 1

Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

2

Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Development Team of the Module

Writer: Eugenia M. Solon

Editors: Jennifer Armamento/ Lorna P. Almirante

Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas

Moderator: Marivic M. Yballe

Illustrator: Andre Angel O. Erasmo

Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo

Management Team:

Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief

Mr. Isaiash T. Wagas Education Program Supervisor-LRMDS

Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

3

Panimula

Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon na kung saan

naharap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagitan

nito maaaring maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa bahay lamang.

Ang sariling gawang modyul na ito ay malaking tulong sa mga kabataang mag-aaral

upang magbigay ng mga panimulang kaalaman at karunungan tungkol sa akademikong

pagsulat at pagsulat para sa pagtatrabaho. Maaaring sa mga pangyayari ngayon

mailalahad nila ang kanilang mga saloobin o mga isyung dapat pagdiskusyonan sa

pamamagitan ng pagsulat. Tinalakay rito ang mga kahulugan, kalikasan, at mga

katangian, mga bahagi at mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin tulad

ng abstrak, bionote, talumpati, replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbay-

sanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon, korespondensyang opisyal,

agenda, katitikan ng pulong, press release at panukalang proyekto. Layunin nitong

palawakin at palalimin ang pang-unawa mo sa mga sulating ito.

Upang hindi mahuli sa tawag ng globalisasyon kailangang hangga’t maaga pa ay

magsanay na sa pagsulat. Ang mundo ay puno ng kompetisyon, sa pagtatapos ng

Senior High School ay kailangang hawak mo na ang buong kaalaman at kahusayan sa

limang makrong kasanayan: ang pagbasa, pagsasalita, pakikinig, panonood at ang

pagsulat. Layunin ng modyul na ito na hasain ang iyong kaalaman sa mga

akademikong sulatin bilang paghahanda sa iyong propesyonal na buhay. Sa paggawa

ng modyul na ito isanaalang-alang ang pagtugon sa mga kahilingan ng bagong

kurikulum. Idinsenyo sa trak na nakaangkla sa mga gawaing pang akademik.

Inihanda ang mga gawain sa modyul upang makatugon sa iba’t ibang track na

kinukuha. May mga gawaing akademiko, teknikal bokasyonal, pansining, pandesinyo at

pang-isports.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

4

Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi

dito inilatag ang mga layuning inaasahang matatamo sa pagtatapos ng

modyul. Ito ang nais iparating ng sumulat sa mga mag-aaral at matamo

lamang ito gamit ang ibang pamamaraan sa pagturo tungo sa

pagkatuto.

ito ang bahaging tinataya ang kakayahan at kaalaman ng mag-

aaral sa mga araling dapat n’yang matutuhan kung anong aspeto

sa laranga ng pagsusulat ang dapat pang palawakan at

paglinangin.

ito ang mga gawaing sinubok ang dating alam ng mag-aaral bilang

panukat sa kanilang natotohan.

dito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral

sa Filipino sa Piling Larang Akademik sa pamamagitan ng

paglalatag ng mga Gawain na sila mismo ang nakadiskubre sa

araling tatalakayin.

ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa sa aralin, ang konteksto ng

paksang tatalakayin upang malinang ang mga makrong kasanayan ng

mga mag-aaral.

dito ipinahahayag ang mahahalagang pag-unawa tungkol sa

paksang tinalakay.

dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-isipan

ang kabuluhan ng mga kaisipang nabasa niya bago tumuloy sa

kasunod na pagtatalakay.

dito sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa

kabuuan ng aralin.

ito ay mga aktuwal na mga gawaing humahamon sa mga mag-aaral na

ilapat ang kanyang natutuhan sa mga aktuwal na sitwasyon o

makatotothanang mga konteksto. Ang mga gawaing ilalatag ay susubok

sa mga gawaing tulugon sa iba’t ibang track.

dito tinataya ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral kaugnay

sa kabuuang araling tinatalakay. Ito ang bahaging makapaglikha

ang mga mag-aaral sa sarili nilang kaparaanan bunga ng

pagkatutu sa araling tinatalakay.

ito ang mga karagdagang babasahin na magbibigay ng pagpapalawig

sa pagtatalakay sa susubok at hahasa sa tibay na pag-unawa ng mga

mag-aaral bunga ng pagkatuto. Maari itong nakalimbag o mula sa

internet.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

5

SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

PANIMULANG PAGTATAYA

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng

tamang sagot.

1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman

sa paraang nakalimbag,

A. Pakikinig

B. Pagbabasa

C. Pagsasalaysay

D. Pagsusulat

2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at

bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

A. Paglalahad

B. Paglalarawan

C. Pagsasalaysay

D. Pangangatuwiran

3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng

mga pangyayaring aktuwal nas naganap.

A. Paglalahad

B. Paglalarawan

C. Pagsasalaysay

D. Pangangatuwiran

4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o

argumentong pumapanig o sumasalungat sa isyung nakahain sa

manunulat.

A. Paglalahad

B. Paglalarawan

C. Pagsasalaysay

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

6

D. Pangangatuwiran

5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,

palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar,

o pangyayari.

A. Paglalahad

B. Paglalarawan

C. Pagsasalaysa

D. Pangangatuwiran

II. Sabihin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Kung MALI, salungguhitan

ang salitang napagkamalian at isulat ang tamang sagot sa katapat nito.

6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa

notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon

ng kaniyang ginagawang pag-aaral.

8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na

kuwestiyonable.

9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari

hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-

uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t

ibang disiplina.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

7

Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong

pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-c-101)

Mga Dapat asahan sa modyul na ito:

a. naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan

ng akademikong sulatin

b. nakabubuo ng pagpapatunay sa pinanindigang paniniwala

c. nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagpapalawak sa inilalahad

na konsepto

d. natutukoy ang kahalagahan na akademikong sulatin bilang isa sa

pangangailangan ng lahat ng kurso

Modyul 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

8

Panimulang-Gawain :

Maalaala Mo Kaya !

Panuto:

Gawain Blg.1: Magbalik-gunita. Isulat sa hagdan ang mga sulating naranasan.

Ang pinakaunang baitang ay ang sulating unang natutuhan hanggang sa huling baitang

na s’yang pinakahuling natutuhan. Maaaring magdagdag ng mga baitang kung

kinakailangan.

Ang dami na pala ninyong natutuhan kung karanasan sa pagsusulat ang pag-

uusapan. Sige nga dagdagan natin ang banga ng inyong kaalaman kung gaano kaya

katibay ang inyong mga kasanayan sa pagsulat.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

9

Kaya ninyo pa ba?

Gawain Blg. 2: Panindigan Ko!

Batay sa mga nakatala sa bawat hagdan, alin dito ang pinakamadali,

ang katamtaman at ang pinakamahirap. Mabigay ng pagpapatunay. Isulat

ang sagot sa mga nakalaang hugis.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

10

Magaling! Nagpapatunay lamang na bihasa na kayo sa larangan ng Pagsusulat

ng mga iba’t ibang uri na mga sulatin.

Tuklasin:

Sisirin Ko !

Ano kaya ang dahilan ng mga indibiduwal na awtor kung bakit sila

nagsusulat? Isulat sa concept web ang sagot.

Malinaw na inilahad sa concept web na ang awtor ay may tiyak na dahilan kaya

siya sumulat. Mula sa mga naunang mga gawain atin ng mahuhulo kung ano kahulugan

at katuturan ng pagsulat.

Ano ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat? Kailan naging Akademikong Pagsulat?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

11

Ano-anong sulatin ang maituturing na pang-akademiko? Alin dito ang naranasan

mo sa pagsusulat? Mahirap ba o madali? Bakit? Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

May liwanag ng mababakas sa inyong isipan kung ano ang punto ng ating

talakayan. Sige ipagpatuloy lang ang pagsagwan mabingwit din natin sa dulo ang katas

ng karunungan.

Ipagpatuloy ang nasimulan upang madagdagan pa ang kaalaman.

Tampok na Aralin:

May iba’t ibang dahilan ang tao

sa pagsusulat. Para sa iba ito ay

nagsisilibing libangan sapagkat sa

pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa

iba ang kanilang ma ideya at mga

kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-

siya para sa kanila. Sa mga mag-aaral

na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng

pagsusulat ay ang matugunan ang

pangangailangan sa pag-aaral bilang

bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

12

ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng

pagtatamo ng kasanayan.

Sinabi naman ni Badayos” ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang

bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang

wika o pangalawang wika man”.

Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at

isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”.

May kanyang ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is rewriting, a

good writer is wasteful, he saws and shapes and cuts away, discarding wood…The

writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance

of fine raw materials”

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “ Ang pagsulat

ay ekstensyon ng ika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,

pagsasalita at pagbabasa”.

Kaya naman sa, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsulat ay isa rin

sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog ang mag-aaral sapagkat

ditto masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa

iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayan

tulad ng pakikinig, pagbasa at panonood,

madalas ang isang indibiduwal na

gumagawa nito aykumukuha o

nagdaragdag ng mga kaalaman sa

kanyang isipan. Subalit, sa pag-

sasalita at pagsusulat ang taong

nagsasagawa nito ay nagbabahagi

ng kanyang mga kaisipan at

nalalaman tungkol sa isang tiyak

na paksa sa pamamagitan ng

kanyang sinabi at isinulat.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

13

Mahalagang Kaalaman

Akademikong Pagsulat

Ano-ano na ang naisusulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang tungkol sa iyong

hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media

account? Nagsulat ka na ba ng sanaysay na nagpapaliwanag ng pananaw sa isang

isyu?

Ang pasulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan

ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang

magpahayag ng saloobin at bumuo ng magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang

mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang matugunan ang

mga akademiko at propesyonal na pangangailangan.

Ano ang akademikong pagsulat?

Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may

kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng

pagsulat na kailangan ang mataas na antas na pag-iisip. Ang mahusay na manunulat

ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip, May kakayahan siyang mangalap

ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal,

magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.

Samakatuwid ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nag-

aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga

akademiko o propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak, bionote,

panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng

bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan ng pulong

(minutes of the meeting),posisyong papel, at agenda. Itinuring ding akademikong

sulatin ang photo essay at lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge .

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

14

Ang lente ng karunungan ay ihanda na, sa tibay ng iyong paliwanag masubok na! Pagnilayan:

S

Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

Tinalakay sa unahan ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng

pagsulat at ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat , kaya n’yo na bang ipaliwanag

ang ibig ipakahulugan ng bawat awtor.

Sige nga sipatin natin! Isulat ang nabuong pagpapakahulugan sa hugis dahon

ng pahina.

Mabilin (2012)

Badayos

Keller

Donald Murray

Pick at Buckingham

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

15

Dugtungan Mo Ako upang Diwa Ko ay Mabubuo

Tumpak napakahusay! Talagang pinahanga n’yo ako. Ang tatas at katas ng

inyong pagpapakahulugan ay pinagpatibay sa kahusayan ng inyong pagsulat bilang isa

sa mga sandata sa pagtatamo ng karunungan at kaalaman sa tawag ng kompetisyon

sa virtual na mundo.

Sa aking pagkaunawa ang

Akademikong Pagulat ay

________________________________

________________________________

________________________________

________

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

16

Subukin ang Natutuhan

Tuklas-Dunong !

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang kabibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?

_______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat? Pangatuwiranan

ang sagot.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________.

3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano

ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap?

______________________________________________________________________________.

4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng

akademikong teksto?

________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________.

Suri-lapat Sumulat ng reflective journal upang maipahayag ang natutuhan sa aralin. Bumuo ng limang talata na may lima hanggang pitong pangungusap.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

17

Tayahin

Kaya Ko ‘To

Bumuo ng pick-up lines o hugot lines bilang sintesis hinggil sa kahulugan at

katuturan ng pagsulat.

Subok na ang galing ninyo sa umpisa pa lang ng talakayan. Dapat tandaan

na ang pagkatuto sa mga akademikong sulatin ay nakatutulong ng malaki sa paglinang

sa mga lohikal na pag-iisip, hinasa dito ang kritikal na pag-unawa, paglutas sa mga

suliranin, pagsusuri sa bawat pangyayari at pagtimbang - timbang sa bawat isyu tungo

sa pagkatuto sa mga bagay-bagay.

Maraming salamat sa paglalakbay ninyo sa buong modyul na ito. Nawa’y

anumang batis ng kaalaman ang napitas, ihasik sa isipan at kusang linangin ang

kasanayan sa pagsulat.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

18

Palawakin ang Kaalaman

Makatutulong ang mga sumusunod na web sites sa pagpapayaman ng iyong

kaalaman at kasanayan sa akademikong pagsulat.

http://owl.massey.ac.nz./academic-writing/what-is-academicwriing,php-

Tinatalakay rito ang kahulugan, katangian, at estruktura ng akademikong

pagsulat,

http://owl.englis.purdue,edu,/owl/section/1/2/- Makukuha rito ang mahahalagang

impormasyon tungkol sa mga teknik at pamamaraan sa pagsulat ng

akademikong sulatin.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

19

Susi ng mga sagot:

A. Panimulang Pagtataya

1. D

2. B

3. C

4. D

5. B

6. MALI

7. MALI

8. MALI

9. MALI

10. TAMA

B. Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!

Halimbawang Sagot:

a. Pagsulat ng liham

b. Pagsulat ng karanasan

c. Pagsulat ng buod

d. Pagsulat ng sanaysay

e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng

kuwento na likhang-isip

f. Pagbuo ng replektib dyornal

g. Pagbuo ng sariling talumpati

h. Pagbuo ng Pamanahong-papel

i. Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis

C. Tuklasin

Concept Web

Iba-iba ang sagot

Dulo ng Bituin

Iba-iba ang sagot

Kahon ng Karanasan

Depende sa angkop na karanasan ng sumulat

Mga Sulating Pang-akademiko:

Abstrak

Sinopsis/Buod

Bionote

Adyenda/Katitikan ng Pulong

Memorandum

Panukalang Papel

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Lakbay Sanaysay

Pagsusulat ng Talumpati

D. Pagnilayan

Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.

E. Tuklas-Dunong!

Iba-iba ang sagot Susi ng mga sagot:

A.Panimulang Pagtataya

1.D

2.B

3.C

4.D

5.B

6.MALI

7.MALI

8.MALI

9.MALI

10.TAMA

B.Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!

Halimbawang Sagot:

a.Pagsulat ng liham

b.Pagsulat ng karanasan

c.Pagsulat ng buod

d.Pagsulat ng sanaysay

e.Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng

kuwento na likhang-isip

f.Pagbuo ng replektib dyornal

g.Pagbuo ng sariling talumpati

h.Pagbuo ng Pamanahong-papel

i.Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis

C.Tuklasin

Concept Web

Iba-iba ang sagot

Dulo ng Bituin

Iba-iba ang sagot

Kahon ng Karanasan

Depende sa angkop na karanasan ng sumulat

Mga Sulating Pang-akademiko:

Abstrak

Sinopsis/Buod

Bionote

Adyenda/Katitikan ng Pulong

Memorandum

Panukalang Papel

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Lakbay Sanaysay

Pagsusulat ng Talumpati

D.Pagnilayan

Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.

E.Tuklas-Dunong!

Iba-iba ang sagot

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

20

TALASANGGUNIAN

Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2000. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010. Mabilin, Edwin, et.al. Transformatbiong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010. Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writin. Szentendre, Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern Europe, 2000. Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal). Metro Manila: Vival Publishing House.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODYUL-1... · 2020. 10. 1. · 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery

21

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark