EPP4_TG_U2 41

download EPP4_TG_U2 41

of 1

description

EPP_TG

Transcript of EPP4_TG_U2 41

  • DEPE

    D CO

    PY

    88

    buwang gulang pa lamang. Sama-sama silang nakatira sa isang bahay kasama ang nanay ni Aling Lita na si Aling Leoncia, 75 taong gulang. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mag-anak.

    Masaya ang mag-anak sa piling ng isat isa. Nagtutulungan, nag-uunawaan, nagbibigayan, naggagalangan, at nagpaparaya ang bawat isa kung kinakailangan.

    Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari biglang inatake sa puso si Aling Leoncia na naging dahilan ng pagkaparalisa ng kalahati ng kaniyang katawan. Naging alagain si Aling Leoncia at nangangailangan ng masidhing pag-aaruga at pag-aalaga ng bawat kasapi ng pamilya.

    Kinakailangan ding maghanap ng trabaho si Lala, upang may panustos sa gatas ng kaniyang anak. Kung kayat naging problema ni Aling Lita ang pag-aalaga kay Aling Leoncia at kay Lans, ang anak ni Lala.

    Nalaman ni Lirio at Lina ang problema ng kanilang ina. Nagprisenta ang dalawang bata na sila na ang mag-aalaga kay Aling Leoncia at kay Lans dahil natutunan na nila sa paaralan ang pag-aalaga sa matatanda, maysakit, sanggol, at nakababatang kapatid.

    Kung kayat natuwa si Aling Lita at si Lala.Paano kaya ang gagawing pag-aalaga ni Lirio at Lina kay

    Aling Leoncia at kay Lans?

    Sagutin ang sumusunod: Batay sa kuwento, sino-sino ang nangangailangan ng pag-

    aalaga ng mga kasapi ng pamilya? Paano kaya ang gagawing pag-aalaga nila Lirio at Lina kay Aling

    Leoncia at kay Lans?

    Mga Mungkahing Gawain:

    Unang Araw

    Gawain A:

    1. Pangkatin ang klase sa apat. Magtalaga ng lider at tagasulat ng sagot ang bawat pangkat.

    2. Mag brainstorming tungkol sa paksa: Paano ginagawa ang pag-aalaga sa matatanda.

    3. Itala ang mga ideya na ibinigay ng bawat kasapi ng pangkat sa manila paper.

    All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.