e p i l o g u e

23

Click here to load reader

Transcript of e p i l o g u e

Page 1: e p i l o g u e

E P I L O G U E

 

I felt sort of dizzy that time habang nakahiga pa ako noon sa may hospital bed, I was still unconscious then of where I was. Nagtataka talaga ako noon, everything was white and so I thought I was in heaven which was I was sort of weird because if I committed suicide the only place I know I’ll land was hell because taking away your life is not very acceptable up there.

 

“Annika, naririnig mo ba ako? Annika?”

 

Then that’s when it hit me. I was laying on the bed, everything was white, I was hearing the continuous beeps of the machines that was attached to me… I was in the hospital. I survived. And I wondered how?

 

“Annika… hey… magsalita ka naman oh…”

 

I blinked a few times before I steadied my focus to the girl in front of me who was trying to get my attention, sobrang nagtataka ako noon ng makita ko siya with worried eyes, “Y-yuri?”

 

Tinatanong ko nung mga panahong yun ang sarili ko kung anong ginagawa niya sa hospital, bakit siya andun noon sa tabi ko pagkagising ko? Bakit siya worried sakin? Bakit siya umiiyak? Hindi ba galit siya sakin? O baka panaginip lang yun?

 

 

"Annika!" lumapit sakin si Yuri hanggang sa nakayakap na siya sa magkabilang balikat ko habang nakabaon yung luhaan niyang mukha sa bandang balikat ko din, "Baliw ka ba? Bakit mo tinangkang magpakamatay?"

 

Inangat na ni Yuri ang mukha niya kaya nagtapat ang mga mukha namin.

 

"Yuri... Bakit ka nandito? Hindi ba galit ka sakin?"

 

"Hindi ako galit sayo kundi sa nagawa mo... Yun ba ang dahilan kung bakit ka tumalon sa may tulay?"

 

Iniling ko yung ulo ko ng marahas habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.

 

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko Yuri... Galit ka sakin, di ako pinapansin ng mga kaklase natin... Tapos... Tapos si Kirby... Niloko niya lang din pala ako. Tapos, tapos," nahihirapan akong dugtungan ang bawat salita ko dahil sa paghikbing ginagawa ko, "Tinawagan ko nanay ko pero binabaan niya lang ako... Yuri, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko nung mga panahong iyon, mag-isa na lang ako... Ang hirap at ang sakit sa pakiramdam ang maging mag-isa lang... Wala kang karamay, wala kang mapagsabihan ng mga dinaramdam mo, walang magpalakas ng loob mo... Sobrang hirap, di ko na kinaya..."

 

Iyak ako ng iyak nun habang nakahiga ako, patuloy naman akong pinapatahan ni Yuri sa pamamagitan ng paghagod ng buhok ko, "Ssh, ssh. Andito na ako Annika, ssh... Wag ka ng umiyak. Di ka na mag-isa. Sorry kung nagawa kitang iwan Annika... Sorry..."

 

"Bakit ka nagso-sorry sakin, ako naman yung nakagawa ng mali sayo..."

 

Ngumiti ng konti si Yuri, "May nagawa din ako sayong mali."

 

Page 2: e p i l o g u e

"Ha?"

 

"Nung mga panahong nagso-sorry ka sakin, di ko tinatanggap ang sorry mo."

 

"Pero... Hindi naman kasi talaga katanggap tanggap ang sorry ko, ang laki ng kasalanan ko sayo... Hindi mapapaltan ng isa o sampung sorry ang pananakit at panloloko na ginawa ko sayo..."

 

Umiling si Yuri habang nakapagkit pa rin ang isang weary smile sa kanyang mukha, "Lahat ng tao nagkakamali pero paano maitatama ng tao ang mali niya kung hindi siya mapatawad ng taong nagawan niya ng mali?"

 

"Nagpadala ako sa galit ko sa ginawa mo Annika, naging makasarili din ako at hindi nakinig sa paghingi mo ng apology at hinayaan at pinagmasdan lang kitang macast-out sa klase. Sorry Annika for not giving you a chance..."

 

"Ayokong para sa lalaki lang magaaway tayo, mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa sa kahit sinong lalake, ayaw kitang ipagpapalit. Kaya Annika... Bati na tayo, please? Miss na kita eh." (T3T)

 

 

 

Minsan sa buhay natin bigla biglaan na lang magdidilim ang lahat at babagsak ang mundo natin, andyan yung babahain tayo ng luha, makakaramdam tayo ng sobra sobrang lungkot at pagsisi habang pinagmamasdan nating lumayo ng lumayo ang mga taong importante satin. Pero minsan din naman ay parang brown out lang yan, pag nagdilim ang mundo mo, wag kang magpapanic, wag kang matatakot dahil di rin naman magtatagal ay magkakailaw din at babalik din ang liwanag sa mundo mo. Pero kung matatagalan ang brown out na ito sa buhay mo, wag kang magalala dahil ang kelangan mo lang gawin ay mangapa sa mga sulok sulok o tabi tabi ng mga magsisilbing flashlight at ilaw para magbigay ng kahit konting liwanag, munti man ay sapat na para maging pagasa mo habang iniintay na muling magliwanag ng tuluyan ang mundo mo.

 

Pagkatapos ng iyakan namin noon ni Yuri sa ospital ay nagkabati na kami, sabi ni Yuri na di naman daw sapat na dahilan ang isang lalaki para buwagin naman ang isang bagay na mahalaga tulad ng pagkakaibigan namin.

 

Kinailangan ko magstay noon sa ospital for about 3weeks for observation and medical care dahil nung bumagsak daw ako sa tubig ay napasama daw ang naging impact ng

paghampas ng likod ko sa tubig kaya magu-under go daw ako sa isang buwang therapy to make sure na maging maayos ang likod ko. Fortunately daw hindi napasama ang tama ng ulo ko sa tubig kasi baka pag nagkataon daw baka naging mitsa yun ng buhay ko at buti na lang din ay hindi rin ako tumama sa mga bato, nagkaroon ako ng konti at maliliit na galos sa katawan at medyo masakit ang braso ko. All in all daw, wala naman nangyaring malala sakin. According to them, I was lucky to survive such fall.

 

 

Sa pagstay ko sa ospital ay dinalaw din ako ng mga kaklase ko. Nagsorry din sila sakin sa inasal daw nila, naging mapanghusga daw sila masyado. Humingi din naman ako ng tawad at nagkaayos na kaming lahat.

 

Masayang masaya talaga ako noon, sobra. Kahit na... Di man lang ako binisita ni Kirby at lalo na ni mamma... Sabagay paano niya ako bibisitahin kung hindi niya naman alam na naospital ako and moreover, hindi niya naman na alam ang nangyayari sa buhay ko dahil eversince then ay wala na siyang pakelam sakin at hanggang sustento na lang siya. Pero di ko kasi kelangan ng sustento niya, pagmamahal niya kelangan ko. Pero I have had enough dramas, simula ng makaligtas ako sa fall na yun ay nagbago na ang pananaw ko sa buhay.

 

Page 3: e p i l o g u e

 

It was a second chance from me.

 

Actually I was grateful to God that he gave me a second chance because to tell the truth, I actually regret committing suicide. For me... it was the most stupid and cowardly thing I've ever done in my life.

 

 

Sa second chance ko, nagsimula akong mabuhay ng masaya at optimistic sa mga bagay bagay. Napagtanto ko rin na marami din naman pala talagang nagmamahal sakin, hindi man ako mahal ng mamma ko o kaya ni Kirby... andyan naman sina Yuri, mga magulang ni Yuri na tinuring na din akong sarili nilang anak dahil madalas akong tambay sa bahay ni Yuri, andyan din yung mga circle of friends ko, andyan din yung mga kaklase ko na nagpapahalaga sakin at nirerespeto ako bilang president ng klase, andyan din yung mga teachers ko pati yung adviser namin na nage-encourage sakin na magsikap at wag sumuko sa magulong mundo na ito.

 

 

Siguro kong namatay ako ng tuluyan sa pagtalon ko sa tulay hindi ko mararamdaman ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kelanman mapapagtanto na may mga

nagmamahal pala talaga sakin. Ngayon alam ko na na hindi solusyon ang pagpapakamatay, matatakasan mo nga ang kalungkutan pero makukuntento ka na lang bang takasan ito? Di ba mas masarap sa pakiramdam yung alam mo sa sarili mong hindi mo tinakasan ang kalungkutang hatid ng mga problema mo, kinalaban mo itong mga ito at higit sa lahat, diba masarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga problemang yun kahit gaano man sila kadami, kahit patong patong na sila, ay nagawa mong magpakatatag upang malagpasan ang mga ito, ngumiti at hindi sumuko sa lahat ng iyon?

 

Sa buhay na ito, up and down ang mga pangyayari. Minsan pa nga mas marami ang “Down” kesa sa “Up” pero once na maramdaman mo yung “Up” na yun sa buhay mo, kahit gaano man sila kakonting beses mangyari sa buhay mo, ay sobrang sarap sa pakiramdam at sobrang saya mo na para bang wala ng bukas. Sa tingin ko worth it harapin ang sampung “Down” o kahit dalawampu pa basta lang makaranas ng isang “Up”.

 

 

Pero sa pagbabago ng mga pananaw ko sa buhay, sa pagiging optimista ko ngayon sa mga bagay bagay, isa lang tao ang dapat kong pasalamatan...

 

 

Siya yung taong nagligtas sakin.

 

 

Tanda mo niyo ba yung lalaking madalas kong sabihan ng unggoy, nakakainis, nakakairita, abnormal, sira ulo, mayabang, makulit, baliw, autistic, walanghiya, prangka, masakit magsalita, panget, nakakadiri, syokoy at ang biggest jerk na nakilala ko sa buhay ko?

 

 

Yeah, si Seven Astute.

 

 

He also jumped off the bridge to save me from the painful and deadly fall.

 

 

Can you believe that? I used to call him a jerk but now I call him my “saviour”.

But really, if I have to review the past events in my life... He's not really the jerk here.

 

 

Page 4: e p i l o g u e

He might be annoying, he might have blackmailed me, he might have asked me to do stuff for him but really, he's not such a jerk.

 

 

The true jerks here was me and Kirby.

 

 

 

Nanloko kami ng tao, nanakit kami ng damdamin, mga sarili lang namin ang inisip namin, nawalan kami ng pakelam sa nararamdaman ng iba. That's what jerks are, right?

 

 

 

After that episode in my life, I came across Kirby once again... I wanted to be angry with him for playing with my feelings as well, I wanted to shout at him, curse him and throw things at him but I did none of what I've mentioned but instead I smiled weakly at him.

 

 

Another thing that I've learned in this second life, bearing grudges is your own burden so if you want true happiness you'll have to learn to forgive those people who have done you wrong, no matter how bad they have hurt you. It may take time to heal the pain they have caused you but forgiving is one of those medicines you'll need to take in order to heal completely.

 

 

Kirby told me that he didn't really meant it, there was a certain person named Memo who ordered him to play this so called “human chess game” or something like that and that Memo guy told him to trick me about his feelings towards me. I don't know who is this Memo guy and what was his purpose for this manipulating game and I also don't know if Kirby was just making it up. But whether it's true or not, I don't really care anymore. I'm over him and I've also forgiven him. It took us a long time, about a year, to be friends again but I'm glad to have our friendship back again. But there was nothing more, we're just really friends and none of us are expecting something more than that.

 

 

And as for me and Seven, I thanked him for saving me. And guess what kung anong natanggap ko sa kanya? Isang sapak.

 

Oo, sinapak ako ng sira ulong iyon.

 

 

“Arouchhh!!! Bakit mo ako sinapak? Kalalabas ko lang ng ospital, gusto mo na agad akong pabalikin dun? Ansama mo!” =3= *pouts*

 

“Para yan sa katangahan mo, akala mo ba kamuntik na rin akong mamatay!” galit na sinigawan niya ako nun habang nasa hallway kami ng mga 4th year. Lunchbreak nun at nagpunta ako sa may classroom niya para makausap siya ng personal kasi di niya ako dinalaw sa ospital. Psh, katampo. -___-

 

 

“Eh sino ba may sabi sayong sundan mo ako at tumalon ka din at iligtas ako? Kundi ka rin naman isa't kalhating eng eng. Saka OA mo ha, galos nga lang natamo mo, di ka nga naospital kaya anong pinagsasasabi mo dyan na kamuntik ka ng mamatay. Psh.” -___-

 

 

Sa pagligtas sakin ni Seven ay wala namang nangyaring grabe sa kanya dahil tama ang pagtalon niya sa tulay, pauna ang kamay at

Page 5: e p i l o g u e

ulo, tama ang diving position niya kaya walang nangyari sa kanya. Pero nagkaroon siya ng konting konti at maliliit na galos sa may braso niya na natamo niya sa maliliit na bato.

 

 

 

“Muntik ng mamatay ang puso ko dahil sayo!”

 

 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

 

 

“Ha?”

 

 

“Alam mo ba sobrang natakot ako nang makita kong inilaglag mo ang sarili mo sa tulay at habang bumabagsak ka, buong akala ko ay tuluyan ka ng mawawala at hindi ko man lang masasabi ang nararamdaman ko para sayo na noo'y katutuklas ko lamang!!!”

 

 

 

Narinig ko ang sigawan at tukso ng mga studyante na noo'y nasa may hallway din at narinig lahat ng mga sinabi ni Seven, nung una hindi agad nagload sa isipan ko yung mga sinabi niya pero nung nakarating na siya sa utak ko at nagprocess na lahat ng sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at bago ko pa matanong kay Seven kung ano mismo yung ibig sabihin niya sa mga sinabi niya ay wala na siya sa harapan ko.

 

Tinalikuran niya na ako at nakita kong naglalakad na siya palayo sakin sa may hallway habang nakapamulsa.

 

 

“Seven!!!” hindi niya ako nililingon at patuloy lang siya sa paglalakad kaya naman hinabol ko siya at nung maabutan ko siya ay hinawakan ko siya sa may braso niya at hinila ito upang iharap siya sakin.

 

 

“Seven, anong ibig mong sabihin? Nararamdaman mo? Para sakin ba? Ano yung nararamdaman mo?”

 

 

Tinignan niya lang ako saglit at agad agad niyang iniiwas ang tingin niya habang namumula ang mukha niya, “W-wala!!!”

 

 

Sabay hila niya ng kamay niya paalis sa hawak ko at tatalikod na sana ulit pero hinigit ko lang ulit siya sa kamay niya, “Seveeeeen. Uy, ano ba yun?”

 

 

Di siya umiimik, di rin siya humaharap sakin. Patuloy lang ako sa pangungulit sa kanya.

 

 

“Seven, sabihin mo naman sakin ohhhh. Uy unggoy, magsalita ka naman,” may hinala na ako noon pa sa gusto niyang ipahiwatig pero kinukulit ko siya kasi for some unknown reasons ay gusto kong marinig mismo sa bibig niya yung mga salitang iyon.

 

 

“Seveeeeeeeeeen naman eee! Tsk, bahala ka na nga!” binitawan ko na siya at tinalikuran

Page 6: e p i l o g u e

na nang mapagisip isip kong wala na talaga siyang balak umimik pa sakin.

 

 

Pero pagtalikod ko at habang naglalakad na ako sa hallway sa may direksyon pabalik sa classroom ko ay narinig ko siyang sumigaw.

 

 

“Yung nararamdaman ko sayo... Mahal kita, Annika!”

 

 

 

 

Napatigil ako sa paglalakad at agad agad napalingon, “HA?!”

 

 

Narinig ko yung sinabi niya, loud and clear pero nabigla talaga ako sa sinabi niya na akala ko nagkamali lang ako ng pakinig.

 

 

“Wala, sabi ko bingi ka!!!”

 

“Hindi kaya, sabi mo mahal mo ako!!!”

 

“Narinig mo naman pala eh!” ngumiti siya at tumalikod na muli sakin.

 

 

 

 

Pagkatapos ng eksenang yun sa hallway, sino bang magaakala na ang isang playboy, chickboy, gago, jerk, baluga, abnormal na tulad ni Seven ay manliligaw sakin?

 

Yup, nanligaw siya... pero balasubas naman manligaw yun. Hindi marunong. Psh. -__-

 

Pero di bale na, pinakilig niya naman ako ng husto. Isa rin siya sa mga dahilan kaya nagawa kong makapagmove on  sa mga masasaklap na pangyayari sa buhay ko.

 

 

Dati sabi ko sa sarili ko nung mga panahong binablackmail ako ni Seven at lagi siyang naka-asungot sa kung saan man ako naroon na ang pogi ni Seven, di ko made-deny sa sarili ko na he's really attractive pero bukod sa kay Kirby lang nakatuon ang atensyon ko noon ay sinabi ko din sa sarili ko na gwapo man at attractive si Seven ay there's only 1% percent possibility for me to have my eye on him lalong lalo na ang mainlove, sabi ko dati, imposible yun, I hated him pero sabi nga nila 1% man ay isang posibilidad din kaya ignoring 99%....

 

 

I fell inlove.

 

 

Especially after he confessed me the meaning of those pictures in his memory card.

I told him he was creepy to be such a stalker pero sa loob loob ko, napapangiti ako dahil sa totoo lang sa tingin ko it was very sweet of him.

 

 

Lumipas ang ilang buwan, nadagdagan ang laman ng memory card niya.

 

Page 7: e p i l o g u e

Hindi na lang solo shots ko.

 

 

Picture ko na ang nandun sa memory card niya, picture ko na kasama siya.

 

 

 

Di ko rin aakalain na seryoso pala sakin si Seven, nung sinabi niyang gusto niyang manligaw ay di ko na siya nakita pang nakikipaglandian (what a term, ahaha) sa ibang babae. Inabot din ng ilang buwan ang panliligaw niya dahil ayaw ko siyang sagutin agad dahil it also took me months to fell inlove with that annoying guy.

 

 

At nung graduation ball namin, dun ko na siya sinagot.

 

 

Naging kami pagkatapos. Sobrang inlove kaming dalwa na pati si Yuri ay kinikilig samin.

Si Yuri naman nung mga panahong iyon ay madalas pinapakita sakin na masaya siya pero alam ko na malungkot talaga siya dahil hindi pa rin talaga siya nakakapagmove on kay Kirby, nagu-guilty ako nung mga panahong iyon dahil alam ko na ako ang may kasalanan ng pagdudusa niya kaya naman laking pasasalamat ko ng dumating si Jared sa buhay niya. Si Jared yung masugid na manliligaw ni Yuri, ayaw talagang magpaligaw ni Yuri dahil nga parang ayaw niya na muna mapunta sa isang relationship after ng nangyari sa kanila ni Kirby pero pursigido talaga si Jared kaya sa huli ay napapayag na niya si Yuri na ligawan niya ito. Hanggang summer nga ay nanliligaw si Jared at sinundan niya pa ng university si Yuri sa panliligaw niya, diba ang sweet?

 

 

Kami naman ni Seven, nagpatuloy yung relasyon namin hanggang college kahit magkaiba kami ng university na pinasukan. Di naman magkalayo yung university namin kaya tuwing lunchbreak, paminsan minsan ay nagkikita kami at sabay kumain o kaya naman sa uwian ay pupuntahan niya ako sa university ko para ihatid ako sa bahay namin. Tuwing sabado o kaya linggo naman ay lumalabas kami ng magkasama.

 

 

“I pronounce you man and wife.”

 

Nadistract ako sa pagmu muni muni ko sa nakaraan nang marinig ko ang anunsyo ng pare.

 

Nagtayuan ang lahat sa loob ng simbahan at nagpalakpakan nang humarap ang mga bagong kasal at nagsimula ng maglakad palabas ng simbahan.

 

 

Pumapalakpak din ako habang may mga ngiti sa labi ko.

 

 

After 8years, nakakatuwang makitang yung lalaking minsang minahal ko ay masayang kasama ang babaeng para talaga sa kanya. Di ako nasasaktan, masaya talaga ako para sa kanya.

 

 

Masaya ako para kay Seven.

 

 

 

Page 8: e p i l o g u e

 

Akala niyo siguro once na naging kami ay kami na pang habambuhay? Hanggang sa kahuli hulihan?

 

 

Hmmm... Akala ko din eh.

 

 

Akala ko talaga si Seven na yung para sakin, nung college kami, sobrang inlove na inlove kami sa isa't isa. Mag 4years din ang inabot ng relasyon namin. Diba sobrang tagal? Akala ko talaga yun na yun eh, akala ko kami na talaga ni Seven hanggang sa huli. Akala ko siya na yung pakakasalan ko balang araw pero hindi pala...

 

 

Ewan ko kung paano nangyari yun, hindi ko na masyadong matandaan dahil matagal na rin namin. Basta isang araw na lang nagkaroon kami ng pagkakalabuan sa relasyon namin, normal na samin yun eh, sa almost 4yrs ng relasyon namin marami na kaming na-encounter na away na halos kamuntik ng mauwi sa break up. Nagkaroon na nga rin kami ng mangilan ngilang cool off. Madalas hindi pagkakaintindihan ang dahilan at yun na nga yung nangyari nung araw na yun,

nagkalabuan kami... tapos ewan ko, siguro napagod na rin si Seven sa napapadalas naming pagtatalo kaya isang araw sinabi niya sakin na break na daw kami. Sinabi niya sakin na parang nagfe-fade na daw yung nararamdaman niya para sakin.

 

 

Siyempre hindi ko natanggap yung mga sinabi niya.

 

 

Pero wala akong magagawa kundi irespeto ang gusto niyang mangyari, we broke up.

 

 

Umiyak ako ng umiyak.

 

 

Ang sakit eh, mahal na mahal ko na talaga noon si Seven.

Nahirapan akong tanggapin na wala ng “kami” at ang pinakamahirap tanggapin sa lahat ay yung sinabi niyang nawawala na daw yung dating nararamdaman niya para sakin.

 

 

Sabagay, hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente at isa na dun ang damdamin ng tao.

 

 

Masakit man at iniyakan ko man ng todo pero hindi pumasok sa isip ko ang magpakamatay ulit, hindi na kelanman pa pumasok sa isip ko na gawin yun dahil nung iligtas ako ni Seven noon ay nakatatak na sa isip ko na ang pagpapakamatay ay hindi isang solusyon. Hindi ka kelanman magiging masaya kung magpapakamatay ka.

 

 

Marami akong mga bagay na ginawa para makalimutan yung sakit at para makapagmove on ako kay Seven, naghang out ako ng mas madalas pa kesa sa dati sa mga kaibigan ko, nanunuod ako palagi ng comedy at horror films at as much as possible iniiwasan ko muna noon ang manuod ng love stories or dramatic stories, kain din ako ng kain noon lalo na ng ice cream, ang sarap kasi sa pakiramdam ng ice cream, nakakagaan ng loob. Ang daming paraan para maibsan yung sakit, dahan dahan ay nagagawa kong makapagmove on.

 

 

Page 9: e p i l o g u e

At ewan ko kung kelan nangyari pero basta nagising na lang ako isang araw, hindi na ako umiiyak at hindi na siya yung unang taong pumasok sa isip ko para sa araw na yun. Nagising na lang ako na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Nakapagmove on na ako totally.

 

 

Pero kahit wala na kami ni Seven ay naging magkaibigan rin naman kami pagkatapos, kung hindi man kami para sa isa't isa atleast maging kaibigan ko man lang siya dahil si Seven, isa siya sa mga taong pinapahalagahan ko at ayoko siyang mawala.

 

 

Lumabas na ako ng simbahan at umalis na matapos ihagis ng ngayon ay asawa na ni Seven ang bulaklak nito, nasambot ito ng isang babaeng hindi ko kakilala. Hindi na ako pupunta pa sa reception ng kasal dahil may business flight pa ako mamayang gabi.

 

 

Bumalik na lang ako sa bahay ko upang ayusin ang maletang gagamitin ko para sa flight ko. Umidlip ako saglit pagkatapos at pagdating ng alas ocho ay dumiretso na ako sa airport.

 

 

Habang nasa may airport na ako at nasa waiting area ako ay napagdesisyunan kong kalikutin ang cellphone ko dahil wala akong magawa, ang tagal pa kasi ng ipaghihintay ko.

 

 

Habang pinagmamasdan ko yung mga photo sa gallery ng cellphone ko ay napadako ako sa isang lumang photo na kahit kelan ay hindi ko binura, galing pa yun sa lumang cellphone ko at binluetooth ko lang sa bagong cellphone ko.

 

 

 

Yung photo ay mukha ni Seven na sobrang lapit sa screen at hinaharangan ang isang statue. Iyon yung first photo ko ni Seven, it was an accidental picture, retreat pa namin yun nung 4thyear highschool kami at yun yung time na binigyan kami ng free day at naggala ako sa may park ng mag-isa. Ang balak ko pa nga noon ay yung statue ang pipicture-an ko pero bigla bigla ay nag-appear si Seven sa harapan ko at sinimulan akong inisin.

 

 

 

“Haay, nakakamiss.” pagbubuntong hininga ko habang pinagmamasdan ko ang larawan niya sa cellphone ko.

 

Wala na talaga akong nararamdaman para kay Seven pero minsan hindi ko maiwasang ma-miss yung mga panahong magkasama kami ni Seven. He's been a big part of my life.

 

 

Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang inis na inis pa ako kay Seven pero tignan mo na lang ngayon, nagmature na yung unggoy na yun at may asawa na.

 

 

Natatawa tuloy ako sa sarili ko sa mga panahong inisip ko dati at in-imagine ang sarili ko sa may altar kasama si Seven, sobrang inlove kasi ako dati at ang laki ng paniniwala kong siya na yung pakakasalan ko talaga balang araw.

 

 

Pero si Seven, parte lang siya ng buhay ko at hindi siya yung nakatakda sakin. Kumbaga sa fairy tale na ito, siya ang knight in shining armour ko pero hindi siya ang prince charming ko...

Page 10: e p i l o g u e

 

 

Kung sinuman yung prince charming na iyon... sana dumating na siya, gusto ko na kasi siyang makilala.

 

 

 

 

Click!

 

 

Nadistract ako sa thoughts ko nang makarinig ako ng “click” ng isang camera. Pag-angat ko ng ulo ko ay tumama ang paningin ko sa isang lalaki sa katapat kong upuan na may hawak ng isang cellphone na may camera na nakaangat.

 

 

At nung magtama ang paningin namin at napagtanto ng lalaking ito na nahuli ko siya ay nagpanic siya, “Pakshet, nakalimutan kong tanggalin sound effect ng camera!”

 

 

Natawa na lang ako sa nagpapanic at nahihiyang itsura ng lalaki sa tapat ko.

 

 

Hmmm... 

 

There is always a camera that captures me. 

 

- FIN -

Property of Haveyouseenthisgirl.yolasite.com

 

AUTHOR'S NOTE:

so yeah, didn't like the outcome? Weird ba at hindi sila nagkatuluyan? BWAHAHAHA. Sorry kung ang iba sa inyo ay hindi magugustuhan ang ending dahil alam kong prefer niyong magkatuluyan sina Annika at Seven pero in this story  I just want to make it as realistic as possible... All of you know na hindi naman sa lahat ng pagkakataon hindi nagkakatuluyan sa huli yung mga taong gusto nating magkatuluyan. Hindi sa lahat ng pagkakataon na makakakita kayo ng mga taong sobrang inlove na inlove sa isa't isa ay sigurado na kayong sa huli ay sila talaga. 

 

This is not a tragic story, this is a happy ending... err actually it's not, it's a new beginning for Annika. :)

 

Atsaka para maiba naman! bwahaha. lagi na lang nagkakatuluyan ang mga bida ee, kasawa na XD

 

Umm yung downloadable pdf at word copies, I'll provide it soon sa may website ko, tignan tignan niyo na lang after a week. Ganun din sa wattpad compilation. 

 

Ayun po, salamat po sa lahat ng nagbasa ng story na ito. Salamat po sa na-appreciate ang story at sa mga nagcomment. Sana po suportahan niyo pa po ako sa iba ko pa pong mga stories na ipopost ko.

 

 

Pagkatapos po nito ay ipopost ko po ang fantasy-romance story na "SHE DIED".

 sa link: http://youtu.be/VTQt2zxktZo

 

I will post "SHE DIED" soon kaya abangan niyo na lang po sa website ko or sa wattpad profile ko.

Page 11: e p i l o g u e

11 Ways to Forget your Ex-boyfriend --- 6 [way---6]

... Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung mysterious sender ng letters. Hindi na sana magugulo ng ganto ang isipan ko kung hindi ko lang natanggap ang letter number 6 sa may bulsa ng pants ko na sinuot ko nung araw na pumunta ako sa bar. What the eff?! I mean wala talaga akong matandaan, umm.. konti... pero hindi sapat yung konting natatandaan ko para masolve ko 'tong mystery na 'to.

#6. Entertain suitors.

Pinagmasdan ko ulit yung letter na kanina ko pang hawak, halos gusot gusot na nga eh.

"Ang hirap nyan i-solve, hindi pa man din handwritten. Pa-finger print test kaya natin, anong say mo?"

Sinapak ko(friendly sapak) si Kate, "Gaga.

Magpapa-finger print test pa tayo para lang dito? Alam mo ba kung magkano yun? Sira ka talaga."

"Aray naman oh," hinimas himas nya muna yung parteng sinapak ko, "Eh that's the only idea I have. Sige nga, sa tingin mo paano mo masosolve yan?"

"Ewan ko. Pero ayaw kong magpafinger print test! Ang mahal mahal kaya nun unless ii-sponsor mo ako!"

"Mukha mo! Problema mo yan hindi naman akin, bakit ako gagastos."

"Idea mo eh!"

"Wag mo na lang isolve, hayaan mo na lang kung sino yan. Sundin mo na lang sinasabi dyan. I'm sure na balang araw, makikilala mo rin sya or magpapakilala din sya sa'yo. I don't believe na walang balak magpakilala yang taong yan, I know you're important sa taong yan kaya ginagawa nya yang mga yan... at alam mo ba?"

Bigla sya nagseryoso, "Sigurado ako kilala mo

yang taong yan."

"Ha?!" hindi ko inexpect yun pero now that Kate had mentioned about it... maaari nga, that's not even impossible.

"That person might be someone who's always watching you."

"Talaga? Sino kaya sya..."

"Baka stalker mo! HAHAHA!"

"Sasapakin ulit kita, ang ewan mo talaga."

"Hala ka Sena, magingat ka sa gabi baka sinusundan ka nun hanggang sa bahay. awooo." para talagang tanga 'tong bestfriend ko, tinatakot pa ako. Mamaya seryoso tapos tignan mo ngayon, parang ewan. Ewan ko ba bakit nagkabestfriend akong may toyo sa utak. Kaya nga I don't believe sa kasabihang, birds of the same feathers flock together 'coz we're absolutely not with the same feathers! >.<

Page 12: e p i l o g u e

"Ewan ko na nga sayo," tumayo na ako, "Pupunta na ako sa taekwando club."

Nagrest lang muna kasi kami sa may canteen after class kasi meron pa namang ilang minutes bago magstart yung mga clubs na sinalihan namin.

"Ayiie. Pupuntahan mo dyowa mo?"

"Ha? Anong dyowa ka dyan?" ang bakla talaga ng mga terms nitong bestfriend ko.

"Asus. Deny ka pa, if I know kayo na ni Trey."

"WHAT?! Okay ka lang? Hindi kaya." bigla akong nalungkot, "Ni hindi nga ako pinapansin eh..."

"Crush mo nuh?" biglang lumapit si Kate sa mukha ko kaya napaurong naman ako.

Nilagay ko lang yung kamay ko sa mukha nya at tinulak sya palayo sa mukha ko, "Pumunta ka nga sa club mo."

"Tss. Denying pa eh." hindi ko na lang sya

pinansin at umalis na lang.

Crush ko nga ba? Sige na, hindi ko na idedeny. Gwapo naman si Trey eh, tapos mabait, tapos sweet, tapos... TAPOS NA, AYAW KO NG MAGDESCRIBE. Oo na, sige na hindi ko na idedeny sa sarili ko talaga na crush ko si Trey pero hanggang dun lang. Hindi naman masamang magka-crush diba? Crush lang naman... ata.

"AAHHHH!" inuntog untog ko yung ulo ko sa isang malapit na wall at pagkatapos nagcontinue na rin ako sa paglalakad papuntang club. Para talaga akong tanga kung anu anong pumapasok sa isip ko.

Pagdiretso ko sa club, pumasok na agad ako sa changing room ng mga babae. Habang nagpapalit ako may biglang pumukaw sa attention ko, may narinig akong mga babaeng naguusap.

"Are you going out with our instructor?" tanong nung isang babae dun sa isang girl na naglalagay pa lang ng kanyang taekwando uniform.

"Yeah, he asked me out the yesterday."

"Talaga? Omg. You're one lucky bitch, ang gwapo kaya ni Trey! Tsaka matagal ka na ring nanliligaw dun ah!"

"Nanliligaw?! Hindi ah!"

"Fine, stalking!"

"Gaga! It's what you call following your heart! And see? Nasundan ko na rin ang puso ko and we're already dating."

Halos masamid ako kahit wala naman akong iniinom o kinakain dahil lang dun sa narinig ko. Binagalan ko ang pagbibihis ko para marinig ko pa ang usapan nila.

"But you know what, he's very hot and fast."

"Fast? How so?" O.O

"At our first date, we already kissed." tapos tinuro nung girl yung lips nya.

"There?! Omg."

After that, after ng mga narinig ko, ewan ko nakaramdam ako ng inis. I felt that somehow someone betrayed me. Ewan ko. Basta, binilisan at tinapos ko na ang pagbibihis ko at

Page 13: e p i l o g u e

dire-diretso ng lumabas ng changing room, nadanggil ko pa nga sila eh, nakaharang masyado sa daan eh.

"Ouch, ano ba."

"Sorry ha, ang liit kasi nung daan." narinig ko pang nainis sila sakin after kong sabihin yun pero hindi ko na sila pinansin at dire diretso na sa paglabas.

Nung nagsimula na ang practice at andun na si Trey, hindi nya rin ako pinapansin katulad ng dati nyang ginagawa. So wala na syang pakelam sakin dahil meron na syang kadate? Ganon? Well, I'm not bitter. I don't care, walang pansinan, edi wag. Sino ba sya? He's nothing in my life. Hindi ko sya kilala. I just better put myself in the back , sa pinakadulo para malayo sa kanya. Baka kasi masipa ko lang mukha nya pag malapit ako sa kanya eh.

"Okay, we'll be having partner training today. 1 on 1, 'kay? Your partners will be the one on your side."

Lumingon ako sa kanan ko pero nakita ko may partner na sya, pag tingin ko naman sa kaliwa

ko ay wala ng tao. Ayy ganun? Oo nga pala nasa dulo ako and were in an odd number so.. wala akong partner? Oh well. I'd practice by myself.

"Instructor, wala syang partner!" biglang sumigaw yung katabi ko at tinuro ako. Sisipain ko 'tong katabi ko eh, sinabi pa. Hindi na nga napansin, sinabi pa! Argh.

"Oh," ayan napansin tuloy ako ni Trey, "Oo nga pala, odd numbers tayo ngayon. Guess, there's no choice."

Bigla syang lumapit papunta sakin sa dulo, "I'll be your partner today."

Great. OH GREAT. Geez.

"Ok," nagpilit na ngiti lang ako.

"Okay, we'll have a 1 on 1 match and since you're a white belter, I'll not give any attacks. I'll only go on defense."

"Okay whatever, let's start." hindi pa sya

nakakaready ay sumipa na agad ako pero nakailag sya.

"Woah, wait. Hindi ko pa sinasabi ang go---" hindi ko na sya pinatapos magsalita at sumuntok naman ako.

"Wait, wait." ilag lang sya ng ilag habang umaatake ako.

Naiinis ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Sobrang laki ng inis ko sa kanya ngayon na gusto ko syang bugbugin. Wala akong pakelam kahit labas na sa rules ng 1 on 1 ang ginagawa ko, basta sinusuntok at sinisipa ko lang sya. Nakakainis lang kasi lagi syang nakakailag.

"Wait Sena, t-teka!" hindi ko sya pinapakinggan, lahat ng tinuro nya sa club na 'to ay gagawin ko sa kanya.

"Sena, tama na!" nabigla ako pagsuntok ko sa kanya ay nahawakan nya yung kamay ko at bigla akong iniikot kaya naman ako ay nakatalikod sa kanya habang hawak nya yung kamay ko.

Page 14: e p i l o g u e

"Aray ko! Yung braso ko bitiwan mo! Ano ba!" pero hindi nya binibitiwan ang kamay ko.

"Ano ba problema mo? Hindi ka nakikinig kanina. Una, sinuway mo yung rules ng pagmamatch sa taekwando, hindi ka nagbow at basta ka na lang nanugod. Pangalawa, dire-diretso ko sa pagsugod na para bang punching bag ang tingin mo sakin." tumigil ang lahat at tumahimik, lahat sila nakatingin samin, "Pangatlo, bakit ka umiiyak?"

Hindi ko namalayang naiyak na pala ako, pinunasan ko yung luha ko gamit yung free hand ko.

"Hindi ako umiiyak, bitawan mo nga kamay ko." sinubukan kong tanggalin ang kamay ko pero hindi nya binibitawan.

"Sena... anong problema?" mukhang worried sya pero ayaw kong magpadeceive sa mukha nyang yun.

"Wala ka ng pakelam dun kaya pede ba bitawan mo kamay ko!" hinila ko ng malakas ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya, medyo masakit yun pero nagawa ko namang makaalis sa hawak nya at umalis na ako sa practice hall. Nagdiretso agad ako sa changing room at nagpalit agad dun habang dire diretso ang pagtulo ng luha ko.

"Para akong tanga! Bakit ba ako naiyak, ano ba! Tumigil nga kayo!" pinagsasabihan ko yung mga luha ko habang harsh na pinupunasan ko sila. Ayaw nilang tumigl eh kahit pinagsabihan ko na. May sariling kusa ang mga luha ko, nakakainis, ayaw nilang sumunod sakin.

Inayos ko na mga gamit ko at lumabas na ng changing room pero paglabas ko nabigla ako na nandun si Trey sa tapat ng pinto. Nakaharang sya kaya naman hindi ako makalabas.

"Makikiraan." nakatungo lang ako.

"Anong problema Sena? Bakit ka umiiyak kanina?"

"Makikiraan po." hindi ko inaangat ang ulo ko.

Hindi sya kumibo sa pagkakatayo nya kaya naman tinulak ko sya, "Makikiraan!"

Pero ni hindi ko sya nagawang mapaalis sa daan, he was just too strong that he didn't budge when I pushed him. Tinulak ko sya ng tinulak habang nakatungo kaya bigla nyang hinawakan ang dalwang kamay ko, "Sena, sabihin mo sakin? Anong meron?"

"Pakelam mo ba?!"

"Wag kang ganyan Sena." seryoso nyang sabi.

"Ako?! Wag akong alin? Alam mo, bitawan mo na lang ako at uuwi na ako samin."

"Si Allen nanaman ba?" sa pagkasabi nyang yun mas lalo akong nainis.

"Hindi!" sa sinigaw kong yun sa kanya,

Page 15: e p i l o g u e

nabigla sya, he wasn't expecting my answer neither did I.

"H-ha? Eh ano... sino... paano?"

"Pede wag mo akong tanungin? Pede wag kang mag-alala? Pede wag kang ganyan? Pede layuan mo ako."

"Ha? Sena? Ano pinagsasabi mo?"

"Ewan ko rin sayo, hindi mo ako pinapansin dati pagkatapos nung nangyari sa mall tapos ngayon umaakto ka ng ganyan? Alam mo, ako ang walang problema eh, ikaw may problema. Saka wag kang umaktong ganyan, baka kung anong isipin nila satin. Baka kung anong isipin ng girlfriend mo satin..."

"Girlfriend? Sino?"

"Aba malay ko sayo! Sino ba kadate at hinalikan mo kahapon?! Pede ba, bitiwan mo na lang ako, pag nakita ka pa ng girlfriend mong hawak ang kamay ko baka magalit pa sakin yun. Ayoko ng gulo." hinihila ko talaga yung kamay ko sa pagkakahawak nya pero no match talaga ako sa isang black belter.

"Date? I was sick yesterday, pakiramdaman mo pa oh," bigla nyang nilagay ang kamay ko sa noo nya, mainit ng konti, "May sinat pa nga

ako oh! Sa tingin mo makikipagdate ako ng may lagnat? Hindi naman ako abnoy noh."

"Pero.. narinig ko kanina sa changing room na..."

Hindi nya ako pinatapos, "Sino nagsabi? Yung babae bang hanggang balikat ang buhok, tapos may taling dito sa may malapit sa labi? Yung nasa club natin?"

Tumango ako, "Sus, si Maika yun. Wag kang magpapaniwala dun, obsess yun sakin. Laging gumagawa ng mga kung anu anong chismis yun tungkol samin kahit hindi totoo. Kaya nga lang sumali sa club yun kasi sinusundan nya ako. Wag kang magpapaniwala dun."

"Ah ganun ba," ewan ko feeling ko bigla akong nakahinga ng maluwag.

Binitawan nya na yung hawak nya sa kamay ko at bigla syang ngumiti, "Were you jealous?"

Namula ata ako sa sinabi nya, "H-ha? Anong jealous? Hindi ah!"

He laughed at me, mukha atang obvious yung pagsasalita ko, parang natatarantang indenial.

"You were jealous! That's what's going on!"

"I am not!" kinagat ko yung labi ko dahil naiinis ako na naeembarrass.

"Yes you are. Admit it, you like me too right?"

"Ewan ko sayo! Padaan na lang!" tinutulak ko pa rin sya kasi nakaharang talaga sya sa daan.

"Sure, my princess." umisod sya sa daan ng nakangiti.

Dumaan na ako at sinigawan sya, "Don't call me princess!"

"Whatever you say, honey."

"Not even honey! Don't baptize me with such

Page 16: e p i l o g u e

names!"

"Okay Sena," tumatawa pa rin sya, nagdire diretso na lang ako sa paglalakad, ayaw kong lingunin sya kasi namumula ata ako sa hiya na ewan, "Ingat ka sa pag-uwi ah. Nga pala, catch!"

*boink*

Bigla akong napatigil sa paglalakad kasi mula sa likod ng ulo ko may naramdaman akong dumanggil pero hindi malakas, super light nga lang eh. Paglingon ko, wala na si Trey sa likod ko.

Hindi ko alam kung anong dumanggil sa likod ng ulo ko pero nung pagtungo ko, nakita ko sa sahig ang isang paper airplane.

Dinampot ko 'to thinking that it was the one na dumanggil sa likod ng ulo ko, nakita ko sa wings ng paper airplane na may nakasulat...

"Open" says at the left wing and "this" at the right wing. So I opened it to see what surprise there might be...

You've got me head over heels for you. Can I court you? - Trey

If I say "no", that'll be very stupid of me right?

Page 17: e p i l o g u e

Diary ng panget