Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

15
Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang May mga pagpapahalaga at birtud na batayan ng kabutihang panlahat. Matatamo lamang ang kabutihang panlahat kung sama- sama at kolektibong maipapamuhay ang mga pagpapahaagang ito. Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagtataguyod sa Katotohanan at Karunungan, Pagmamahal at Pagpapamalas ng Kabutihang-loob, at Katatagan ng loob sa gitna ng mga suliraning dulot ng alitan Kaguluhan at Kahirapan.

description

Aralin 14 - Pagmulat sa Katotohanan , Paglaya sa Kamangmangan PSSLC 3.1 Nakakikilala ng katotohanan at karunuingan sa gitna ng masalimuot na kalakaran.

Transcript of Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Page 1: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Birtud Para sa Kabutihang

Panlahat, Aking NiIinang

May mga pagpapahalaga at birtud na batayan ng kabutihang panlahat. Matatamo lamang ang kabutihang panlahat kung sama-sama at kolektibong maipapamuhay ang mga pagpapahaagang ito. Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagtataguyod sa Katotohanan at Karunungan, Pagmamahal at Pagpapamalas ng Kabutihang-loob, at Katatagan ng loob sa gitna ng mga suliraning dulot ng alitan Kaguluhan at Kahirapan.

Page 2: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Panlahatang Kasanayan : Nalilinang ang mga pagpapahalaga at birtud na nakapag-aangat sa antas ng kamalayan para sa kabutihang panahat.

Aralin 14 : Pagmumulat sa Katotohanan, Paglaya sa Kamangmangan

PSSLC 3.1 : Nakakikilala ng katotohanan at karunuingan sa gitna ng masalimuot na kalakaran

Page 3: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Pagmulat sa Katotohanan ,

Paglaya sa Kamangmangan

“ Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos... tapat na nanghahawakan sa salita ng katotohanan.”

2 Timoteo 2 : 15

Page 4: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Ayon kay A.B. Simpson

“ Ang bawat mahalagang bagay ay itinatago ng Diyos upang iyon ay maging gatimpala sa pagtitiyaga at pagigigng masigasig, ngunit ito ay isang kabiguan sa tamad na kaluluwa. Ang lahat sa kalikasan ay nagmamarot sa mga tamad. Ang kaong ay nakukubli sa matinik na bao nito; ang perlas ay nakabaon sa kailaliman ng dagat; ang ginto ay nakabaon sa mabatong sinapupunan ng kabundukan; ang mga hiyas ay nakukuha lamang kapag natibag na ang batong nakukulong dito; ang mismong lupa ay nagbibigay ng masaganang ani matapos lamang paghihirapan ng magsasaka. Kaya, ang katotohanan at ang Diyos ay Kailangang pakahanapin at tuklasin.”

Page 5: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Pagpapayaman ng Konsepto

Ang katotohanan ang pamantayan ng pagpapahayag kung ano ang ginagawa, naikita, iniisip at nadarama ng isang tao. Ang katotohanan ay mahirap matamo sa isang lipunan hindi makatarungan. Lalo na kung ang lipunan na kinabibilangan mo ay bulag sa katotohanan. Kaya tungkalin ng lahat ng manunulat na ilantad ang katotohan na walang labis at walang kulang, na nagpapakita lamang ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan.

Page 6: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Ang moral na obligasyon sa paglathala ng katotohanan ay mainaw na nakasaad sa Banal na kasulatan, Juan 8:32

“ Malalaman ninyo ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo”. Bukod dito. Sinasabi na si Cristo ang Katotohanan, at kung atin siyang makikilala ay lalayo tayo sa pang-aalipin ng kasalanan. Karunungan o kaalaman ay mabuti pa sa hiyas. Ito’y walang kapantay at nagbibigay ng talas ng kaisipan (Kawikaan 8:11-12).

Page 7: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Kahalagahan ng karunungan ayon kay

Haring Solomon: Mapalad ang taong nakasumpong ng

talinoAt ang nagsisikap umunawa ay nagtatamo

Higit pa sa pilak ang pakinabang nitoSa alinmang alahas ay higit ang karununganAt walang kayamanang ditto ay maipapantay

Mahabang buhay ang dulot ng kaalamanMay taglay na kayamanan at may bungang

karangalanAliwalas ang landasin ng taong may

kaalamanAt puno ng kapayapaan ang lahat niyang

arawMapalad ang taong may taglay na

karununagnPara siyang punungkahoy na mabunga

kailanman. (kawikaan 3:13-18)

Page 8: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Kagaya ng sinabi ni Solomon:

“Education i s a treasure that cannot be steal by others” .

Page 9: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Sa kabilang dako, ayon nga kay Francis Bacon, may

apat na hadlang sa pagkilala sa katotohanan:

Ikalawa ay ang impluwensya ng kaugalian. May mga kaugaliang sinusunod lamang dahil nakagisnan na at bahagi na ng tradisyon. Ang mga ito ay hindi na dapat ipagpatuoy kung makasisira na at hindi na naaayon sa hinihingi ng panahon.

Una ay ang pagsunod sa isang liko at hindi karapat-dapat na nangunguna. Karaniwan nang sinasabi sa atin na dapat sundin ang mga nakatataas at nangunguna sa atin.

Ikatlo ay ang popular prejudice na ibig sabihin ay masamang palagay o pagpapalagay, padalusdalos na pagpapasya.

Ikaapat at panghuli ayon kay Bacon ay ang pagtatago ng kamangmangan.

Page 10: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Ang apat na nabanggit ay pawing

maling turo at nagliligaw

sa atin sa katotohanan

o ika nga hadlang sa pagkilala sa katotohanan

.

Page 11: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Paglinang ng Kakayahang

Magsaliksik ngKatotohanan

Sa isang nagbabago at umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, ang bawat isa sa atin ay may pananagutan sa kanyang sarili, pamilya, pamayanan at lipunang kinabibilangan. Gaya nag pagpasya at mamili ng mga bagay na may kinalaman sa ating buhay at lipunan. Kung kaya, kailangang maging mapanuri ang isang tao kung ito masasabing totoo dahil ang taong nabubuhay sa katotohanan ay kayamanan at kaagapay tungo sa makatotohananng kaunlaran ng lipunan at ng bansa.

Page 12: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Narito ang ilang pamamaraan upang

malinang ang kakayahang magsaliksik at mamuhay sa

katotohanan.

Magbasa ng mga tama at napapanahong babasahin at literatura.

Hubugin ang hilig o ugali ng pagtatanong o pagkakaroon ng mapanuring kaisipan.

Page 13: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Maging mahinahon at matalino sa pagtanggap ng mga impormasyon o balita.

Magsikap na magsaliksik at mag-imbestiga sa mga isyu at pahayag.

Patingkarin/palakasin o pasiglahin ang partisipasyon sa mga debate at malayang talakayan ukol sa samutsaring isyung panlipunan (focused group discussion).

Page 14: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Manalangin at huminigi ng inspirasyon mula sa Diyos.

Magkaroon ng obhetibo at moral na batayan sa paghahanap ng katotohanan.

Page 15: Birtud Para sa Kabutihang Panlahat, Aking NiIinang

Special Thanks to:

The EndLea Sandra F. Banzon