Bakit Zero Remittance Day?

download Bakit Zero Remittance Day?

of 1

Transcript of Bakit Zero Remittance Day?

  • 7/29/2019 Bakit Zero Remittance Day?

    1/1

    OFW ka ba? O may kamag-anak, kaibigan o

    kakilalang OFW?

    Sa Setyembre 19, minsan pa nating ideklara ang natatangingaraw na ito bilang zero remittance day. Abutin natin angpinakamaraming OFW para ipagpaliban muna ng isang araw angpagpapadala ng remittance sa Pilipinas, sa araw na ito na anibersaryong pagkaltas ng OWWA ng $25 sa bawat kontrata ng OFW.

    Bakit zero remittance day? Sapagkat sa kabila ng pagnanais

    ng sambayanan na alisin ang pork barrel, patuloy na nagpapatumpik-tumpik, nangliligaw, nagpapalusot at nagmamaniobra ang mga opisyalng gobyerno para mangunyapit sa pork barrel, itago lang ito sa ibangpangalan at, higit sa lahat, iligtas ang pork barrel ni Pangulong Aquinona pinakamalaki sa lahat.

    Ang ating remittance, na umabot na sa US$21 bilyon nitong2012, ay deka-dekada nang pinakikinabangan ng gobyerno. Milyonesang pumapasok sa Pilipinas bawat araw mula sa pawis at dugo ng mgaOFW. Sinasalba na nga ng OFW ang ekonomiya ng Pilipinas pero angremittance ay kinakaltasan pa ng documentary stamp tax na umaabotng $1.4 milyon bawat buwan.

    Hindi sa lahat ng panahon ay madidiktahan tayo nggobyerno. May mga panahong tulad nito na aangkinin natinang kapangyarihang itanggi sa gobyerno ang ating remittance. Isangaraw lang, pero mahalaga para iparating ang ating mensahe sagobyerno at makiisa sa pakikibaka ng sambayanan.

    Sinong OFW ang hindi magagalit sa napakalaking kaban ngbayan na nilulustay sa luho at katiwalian, samantalang milyongmamamayan ang itinutulak na magtrabaho sa ibang bayan dahil sakahirapan at desperasyon?

    Sinong OFW ang hindi magagalit na sa kabila ng mga buwis atbayarin na kinakaltas sa OFW ay kapos at kakarampot ang mga

    serbisyo tulad ng pagpapauwi sa mga stranded sa Saudi, Egypt atSyria?

    Sinong OFW ang hindi magagalit na papalaki nang papalaki angpork barrel pero binabawasan naman ang taunang badyet para sa mgaserbisyong ligal, medikal, repatriation, re-integration, scholarship, at ibapa na nakalaan sa OFW sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong

    Aquino?Sa natatanging araw ng Setyembre 19, sa pagtanggi nating

    magpadala ng remittance, malakas nating itambol ang atingkahilinganalisin ang pork barrel, panagutin ang mga kurap, at ilaanang pondo para sa serbisyo para sa OFW at mamamayan!

    Alisin ang P1.5 trilyong pork ni Aquino na halos kalahati na ngpambansang badyet ng Pilipinas!

    Alisin ang P25 bilyong pork ng mga senador at kongresista!

    Alisin ang P300 bilyong pork ng local government unit, mula saantas probinsya, syudad, munisipyo hanggang barangay!

    Higit sa lahat, ilaan ang pondong ito para sa mga pangunahingpangangailangan ng sambayanan tulad ng pagkain, trabaho, tirahan,kalusugan, edukasyon, at iba pa.

    Nalalapit na ang Setyembre 19. Iparating natin ang zeroremittance daysa pinakamaraming OFW sa mundo. Pausukin na angmga cellphone sa text at tawag, mag-post sa Facebook, Twitter,Instagram, email, blog at mga website, Youtube at iba pa, atkalampagin ang mga istasyon ng radyo, telebisyon at diaryo.

    Ikawing natin ang OFW sa ibat ibang panig ng mundo sa iisangprotesta sa US man o Canada o Latin America, Middle East o Africa,

    Asia-Pacific o Europa, o kahit sa alinmang bansa na ni hindi pa natinkilala o narinig pero may OFW na.

    Hudyat na ito ng koordinadong galit ng OFW laban sakatiwalian. Dapat lang mangamba ang gobyernong ito sa namumuonglakas ng OFW at pamilya sa buong mundo.

    Sobr a na, tama na, pork b arrel i-abol is h na!

    MIGRANTE INTERNATIONAL