ANGKAN NG WIKA

20
Southwestern University Graduate School College of Arts, Sciences and Education Master of Arts in teaching major in Filipino (MAT-F) Filipino 501 Angkan ng Wika Ulat ni: Bb. Donna G. Delgado

Transcript of ANGKAN NG WIKA

Page 1: ANGKAN NG WIKA

Southwestern UniversityGraduate School

College of Arts, Sciences and EducationMaster of Arts in teaching major in Filipino (MAT-F)

Filipino 501

Angkan ng Wika

Ulat ni:

Bb. Donna G. Delgado

Page 2: ANGKAN NG WIKA

ANG WIKA WIKA AT ANG TEORYA SA PINAGMULAN NITO Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.( Henrey A. Gleason )

Teoryang Bow-wowTeoryang Ding-dongTeoryang Pooh-poohTeoryang Yo-he-hoTore ng Babel

Page 3: ANGKAN NG WIKA

MGA PRINSIPAL NA PINAGMULAN NG WIKA

1. INDO-EUROPEAN (pinakamalaking angkan)

A. GERMANIC

a. English-Frisian

b. Dutch-German

c. Scandivian

 

B. CELTIC

a. Breton

b. Welsh

c. Irish

d. Scots

 

   

Page 4: ANGKAN NG WIKA

C. ROMANCE

a. Portuges

b. Espanyol

c. Pranses

d. Italyano

e. Rumanian

f. Sarinian

g. Rhato-Romanic

h. Haitian-Creole

i. Catalan/Galician

j. Latin

D. SLAVICa. Ruso

b. Byelorussian/

Ukrainian

c. Polish

d. Czech

e. Slovak

f. Serbo-Croatian

g. Bulgarian

C. BALTIC

a. Lithuanianb. Latvian

Page 5: ANGKAN NG WIKA

5. AFRO-ASIATICA. Semitic

a. Ebreo

b. Arabik

c. Maltese

d. Assyrian

e. Aramaic

f. Phoencian

B. Hamitic

a. Egytian

b. Berber

c. Cushitic

d. Chad

C. Manade

D. Kwa

E. Sudanic

F. Bantu

2. FINNO-UGRIANA. Finnish

B. Estonian

C. Hungarian

D. Lappish,Mordvinia,

E. Cheremiss

3. ALTAICA. Turkic

B. Mongol

C. Manchu-Tangus

4. CAUCASSIANA. South Caucassian

B. North Caucassian

C. Basque

Page 6: ANGKAN NG WIKA

6. KOREAN

7. JAPANESEA. Niponggo

B. Ryuku

8. SINO-TIBETANA. Tibeto-Burma

a. Tibetan

b. Burmese

c. Garo

d. Bodo

e. Naga

f. Kuki-Chin

g. Karen

9. MALAYO-POLYNESIAN (sumunodnapinakamalakingangkan)

A. Indonesian

a. Tagalog

b. Bisaya

c. Ilocano

d. Pampango

e. Samar-Leyte

f. Bicol, atb. Ng

Pilipinas

g. Chamerrong

Guam

Page 7: ANGKAN NG WIKA

B. Malay

a. Malaya

b. Batak

c. Balinese

d. Dayak

e. Makassar

C. Micronesian

D. Polynesian

a. Hawaiian

b. Tahitian

c. Samoan

d. Maori

E. Melanesian

a. Fijian

10. PAPUAN

11. DRAVIAN

A. Telugu

B. Tamil

C. Kannarese ng

Kanara

D. Malayalam

12. AUSTRALIAN

13. AUSTRO-ASIATICA. Munda

a. Santoli

b. Klasi

c. Nicolabarese

d. Palauag

e. Wa

f. Mon

Page 8: ANGKAN NG WIKA

III. ANG ANGKANG MALAYO POLINESYO AT ANG WIKA SA PILIPINAS

Ang rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang Indonesyo.

May pangkat na lumikas sa kanluran patungong India, Indo-Tsina at Indonesia.

May pangkat na lumikas sa Indonesia ang siyang nakaabot sa Pilipinas Formosa (Taiwan) at iba pang kapuluan sa Pasipiko.

Iisa ang pinagmulan ng iba’t ibang sistemang pagsulat noon, ang Alibata.

Ang ALIBATA ay mula sa Alifbata ng Arabia na pumasok sa Pilipinas nang maitindig ang emperyong Madjapahit sa Java.

Page 9: ANGKAN NG WIKA

ANG LINGGWISTIKA

Page 10: ANGKAN NG WIKA

A. Kahulugan ng Linggwistika

- Maagham na paraan ng pag-aaral ng wika na naglalayong malinang ang paraan sa mabisang paglalarawan sa wika.

5 Proseso ng Maagham na Paraan:

1. Pagmamasid

2. Pagtatanong

3. Pagklasipika

4. Paglalahat

5. Pagberipika at Pagrebisa

Page 11: ANGKAN NG WIKA

B. KAHALAGAHAN NG LINGGWISTIKA

1. Pagpaplano at Paggawa ng mga patakarang pangwika.

2. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.

3. Pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika.

C. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA DAIGDIG

Mambabalarilang Hindu ang kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.

Sa mga wikang Griyego at Latin unang nagkaanyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito.

Ika-19 na siglo naging malaganap ang linggwistika. Linggwistikang Historikal ang kauna-unahang disiplina sa

linggwistika na naglalayong mapapatotohanan ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan.

Page 12: ANGKAN NG WIKA

Napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig gamit ang linggwistikang historical.

Si Blumentritt ang nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo.

Linggwistikang Istruktural ang sumunod sa historical na nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.

1870 – lumitawang IPA (International Phonetic Alphabet) na may humigit- kumulang 400 na simbolo bunga ng pangangailangan ng mga dalubwikang mga simbolong pamponetika at pamponemika nakakatawan sa iba’t ibang tunog.

1925-1955 nang lumaganap ang linggwistikang istruktural kung saan lumitaw ang ponema, na nagbibigay kapayakan sa pag-aaral ng palatunugan, at morpema, na nagbibigay kapayakan naman sa palabuuan ng salita ng isang wika.

Logical syntax na mas kilala sa transformational o generative grammar ang sumunod na lumitaw bunga ng pangangailangan ng mga philosophers, psychologist, anthropologist, at engineers ng wika na magagamit sa pagpapahayag ng karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na paraan.

Page 13: ANGKAN NG WIKA

Si Zelling Harris ang nakilalang nagunguna sa disiplinang ito, kung saan tinaguriang transistional figure mula sa linggwistikang istruktural tungo sa linggwistikang heneratibo.

Anthropological linguistic ang sumunod na modelong lumitaw na napaloob naman ang tagmemic model na nagbibigay-diin sa anyo (form) at gamit (function) ng wika.

Phrase-structure transformational generative model na sinasabing nag-ugat sa logical syntax, ang sumunod sa tagmemic model na nagbibigay-diin sa pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita sa kanyang sariling wika kung saan si Noam Chomsky ang namumukod-tangi sa disiplinang ito.

Generative semantics ang sumunod na lumitaw na nagbibigay-diin naman sa kahulugan na pinangungunahan ni Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe atb.

Mathematical o computational linguistics ang pinakahuling lumitaw na disiplina sa linggwistika na kasalukuyan ay hindi pa gaanong nalilinang.

Page 14: ANGKAN NG WIKA

D. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS

A. Panahon ng Kastila

Isinagawa ng mga misyunerong kastila, karamihan ay mga Heswita at Dominikano, ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas sa layuning mapalaganap ng mabilis ang kristyanismo.

Ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594 ang pinakadahilan kung kaya napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo.

4 na Orden: Kabisayaan - Agustinian at Jesuitas;

Pampangan at Ilocos – Agustinian;

Instik, Lalawigan ng Pangasinan at Cagayan –

Dominican;

Kabikulan – Franciscan.

Page 15: ANGKAN NG WIKA

B. Panahon ng Amerikano

Mga sundalong Amerikano ang nagsagawa ng pag-aaral sa wika sa layuning maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.

Pumalit sa sundalong amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa pagsusuring-wika nang pinalitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang military noong 1901.

Lumitaw angThe RGH Law In Philippine Languages noong 1910 at The Pepet Law in Philippine Languages noong 1912 ni Conant, kung saan tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Isa si Blake sa mga nangungunang linggwista sa larangan ng descriptive linguistics na naatasan ng pamahalaang Amerika na mag-aaral ng wika sa Pilipinas sa pamamagitan lamang ng mga impormante sa layuning makapagturo sa mga Amerikanong may balak magtungo sa Pilipinas.

Page 16: ANGKAN NG WIKA

Ang gramatika sa Tagalog ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas.

Ang Language noong 1933 ni Bloomfield na kinapalooban ng mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalog na sinasabing higit na maagham kaysa pag-aaral ni Blake, ang itinuturing na pinakamahalagang ambag nito sa linggwistika sa Pilipinas.

Si Cecilio Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistang Filipino na nagbibigay-daan sa taguri nitong “Ama ng Linggwistikang Filipino”.

Ang naipalimbag na manwal hinggil sa gramatika ng Wikang Pambansa, na nakabatay pa sa Tagalog, ang pinalamalaking ambag ni Lopez sa linggwistikang Pilipinas.

Page 17: ANGKAN NG WIKA

C. Panahon ng Kalayaan

3 Mahahalagang Pangyayari na Nakakaimpluwensya sa Pag-unlad ng Linggwistika sa Pilipinas:

1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong 1953 na nagbibigay-daan sa maraming linggwistang misyunero na magtungo sa Pilipinas upang mag-aral ng iba-ibang wika gamit ang mga karunungang nakamit buhat sa maunlad na paaralan ng Amerika.

2. Ang pagkakatatag ng Philippine Center For Language Study sa ilalim ng pamamahalang DECS (DEpEd) ng Pilipinas at University of California-Los Angeles, bunga ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles.

3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Filipino pagkaraan ng 1960 na mauuri sa dalawa:

- Ang mga linggwistang nagsipagtapos sa US.

- Mga linggwistang nagsipagtapos sa Pilipinas

Page 18: ANGKAN NG WIKA

3 Modelo sa Paglalarawang-Wika sa Pilipinas

1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan ng Tagalog.

2. Modelong Tagmemic ni Kennenth L. Pike

3. Modelong Transformational-generative ni Chomsky.

 

Page 19: ANGKAN NG WIKA

MGA SANGGUNIAN:

Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. 2003. Makabagong

Balarilang Filipino. Rex Book Store: Quezon City.

  ________________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.

Page 20: ANGKAN NG WIKA

MARAMING SALAMAT PO!