13 malalaking proyekto ng mamamayan ugnayan PhP285 · PDF filesimulan na ni Mayor Gonzales Sa...
Transcript of 13 malalaking proyekto ng mamamayan ugnayan PhP285 · PDF filesimulan na ni Mayor Gonzales Sa...
ugnayan
�
OFFICIAL PUBLICATION OF THE CITY OF MANDALUYONG Vol. 2 No. 1 / January - June 2006
13 malalaking proyekto ng mamamayan
PhP285 milyong halaga ng mga proyekto sa lungsod, pinasimulan na ni Mayor GonzalesSa layon ni Mayor Neptali “Boyet”
Gonzales na lalong itaas ang quality of
living sa Mandaluyong, iniutos niya ang
agarang pagpapatupad ng PhP285 mil
yong halaga ng infrastructure projects
para tugunan ang mga pangangailangan
sa dagdag silidaralan, pagsasaayos ng
ilang mahahalagang kalsada sa lung
sod, at ang overall beautification cam
paign. Agad namang pinasimulan ni
Mayor Gonzales ang labintatlo (13) sa
mga proyektong ito na nagkakahalaga ng
PhP188 milyon.
Pinangunahan ni Mayor Gonzales ang groundbreaking ceremony bilang pasi
mula ng construction ng 28 classrooms ng Pedro P. Cruz Elementary School.
ugnayan
�
Muling pinatunayan ni Mayor Gonzales ang kanyang pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan nang ilaan niya ang PhP80 milyon para sa pagpapagawa ng mga dagdag na gusali, silidaralan at ground improvement para sa ilang paaralan sa lungsod.
Ayon kay Mayor Gonzales, ang mga proyektong ito ay bahagi ng kanyang layuning paghandaan ang patuloy na pagtaas ng enrolment sa mga public schools. “Walang classroom shortage sa ating lungsod,” ani Mayor Gonzales. “Pero dahil batid na natin ang nagiging increase sa mga pumapasok o lumilipat sa ating mga public schools, dapat lang na handa ang ating mga paaralan. Hindi
mainam para sa mga magaaral na mailagay sa isang katayuan na hindi sila makapagaral ng mabuti dahil hindi natin inihanda ang mga pasilidad na kakailanganin nila.” Inaasahan na kapag natapos ang mga proyektong ito sa aspeto ng edukasyon, lalong gaganda ang kasalukuyang bilang na 37 estudyante sa bawat classroom. Ito ang kabuuan ng mga proyektong binigyan ng prayoridad ni Mayor Gonzales:
EdukasyonConstruction of Pedro P. Cruz Elem. School (addi-tional 28 classrooms) Construction of 9 de Pebrero Elem. School (addi-tional 16 classrooms)Construction of 4-storey building and 48-class-rooms, and ground improvement of Isaac Lopez Integrated School
•
•
•
Habang tinatapos ang pinapagawang Isaac Lopez Integrated School sa Barangay Vergara, ang mga classrooms ay nagagamit na ng mga
estudyante sa elementary at high school levels.Pinasimulan na ang pagpapaganda ng mga center islands sa
kahabaan ng Boni Avenue, at pagsasaayos ng ilang mga kalye sa lungsod tulad ng Sanggumay St. sa Barangay Plainview.
ugnayan
�
Improvement of sidewalk and Perimeter Fence of City HallImprovement of Plant Box along Boni and RTU SidewalkImprovement of PNP/Fire Pocket Park
Peace and OrderCommunity Precinct in Barangay Hulo
“Prayoridad ng aking administrasyon ang pagunlad ng Mandaluyong,” ani Gonzales. “Una na sa lahat ay ang katiyakan ng kinabukasan ng ating mga anak sa pamamagitan ng edukasyon. Pangalawa, ito ay nangangahulugan ng maayos na mga kalsada na kung saan ay dapat din nating natutugunan ang suliranin ng baha tuwing tagulan. Umaasa ako na sa pamamagitan ng mga proyektong ito, higit na magiging maalwan ang buhay at kilos ng mga tagaMandaluyong.” u
•
•
•
•
Construction of Bonifacio Javier National High School (additional classrooms/offices)
Drainage/Road ImprovementPinagtipunan St., Barangay Hagdan Bato Libis/Ba-rangay Bagong SilangSanggumay St., Barangay PlainviewM. Gonzaga St., Barangay Hagdan Bato ItaasA.T. Reyes St., Barangay PoblacionKings Road, Barangay Highway HillsWack Wack Road, Barangay Wack Wack-Greenhills EastJ. Luna St., Barangay Bagong SilangRev. Aglipay, Barangay PoblacionJ. Luna, Barangay Bagong Silang
Urban RenewalImprovement of City Hall Park
•
•
•••••
•••
•
Ang A. T. Reyes, King’s Road, at Pinagtipunan (mga larawan pababa) ay kabilang sa mga kalsadang binigyangpansin ni Mayor Gonzales.
Makikita sa mga larawan ang magiging anyo ng Maysilo Circle pagkatapos ng pagpapaganda rito.
ugnayan
�
Mayor Gonzales “bayani” ng Gawad Kalinga at tagaMandaluyong
Dingding na yero, butasbutas na bubong, dikitdikit na mga bahay at hindi kaayaayang kapaligiran. Ito ang dating lugar na tinitirhan ng pamilya Austria, dating squatter sa Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City.
Sa loob ng halos limang dekada, ito ang sitwasyon ng pamilya ni Violeta Austria, 64anyos na residente ng lungsod. Bagaman tatlong palapag ang kanilang bahay noon, nagtitiis ang kanyang anim na anak, isang manugang at tatlong apo sa kanilang sitwasyon. Aniya, sa loob ng maraming taon nababalot ang kanilang lugar ng takot dahil hindi nila alam kung kailan susugod ang demolition team na gigiba sa
kanilang mga barungbarong. Dagdag ni Aling Violy, makailang ulit na ring natupok ang kanilang mga bahay bunsod ng sunog.
Natapos lamang ang kanilang pangamba nang mabigyan sila ng karapatan
ng pamahalaang lungsod na manirahan sa lupang kanilang kinatitirikan sa tulong na rin ng Gawad Kalinga (GK). Ang dating squatters, ngayon ay homeowners na. “Ngayon, mas maayos na ang buhay namin. Hindi na kami kinakabahan na baka dumating ang demolition team. Hindi na rin kami namumroblema na baka tumulo sa niluluto ko ang tubig na galing sa kapitbahay namin,” ani Aling Violy. Dagdag niya, maliit man ang tinitirhan nila ngayon, nakikita
na rin ang pagangat ng kanilang pamumuhay.
Sa pasimula ng panunungkulan ni Gonzales, nagalok ang GK ng 300 housing units sa lungsod bilang bahagi ng kanilang 777 program. Ito ay sinangayunan ni Gonzales ngunit naliitan siya sa bilang ng housing units.
“Bakit 300 lang? Gawin nating 1,000 units,” hamon ni Gonzales sa GK.
Bahagyang natigilan ang grupo, ngunit nangako si Gonzales sa GK na matutupad ito sa panahon ng kanyang panunukulan. Ngayon, sa 18 buwang panunungkulan ni Mayor Gonzales, ang bilang ng mga housing units na naitayo na o ipapatayo pa ay umabot na sa 910.
May walong (8) social housing sites sa Mandaluyong na pinagtutulungan ng pamahalaang lungsod at GK. Ang mga ito’y kinabibilangan ng GK Zontaville na tinitirhan ngayon
ng 46 pamilya na dating squatter sa Barangka Itaas at Esteban St. Ang naturang pabahay ay naitayo sa tulong ng Zonta Club of Manila.
Nasa 112 na pamilya naman mula sa Pantaleon St., ilang
Si Mayor Gonzales at Tony Meloto, pangulo ng Gawad Kalinga
GK Zontaville at isa sa mga units nito. Bilang tulong sa programa ng lungsod at Gawad Kalinga, itinayo ng MERALCO ang Sibol School para sa mga batang naninirahan sa Zontaville. Ito ay balak ding itayo sa iba pang GKCity of Mandaluyong housing sites.
ugnayan
�
lehitimong kawani ng pamahalaang lungsod, at residente ng Brgy. Namayan ang nakinabang sa GK Castañeda sa pakikipagtulungan ng SM Foundation, Immaculate Conception Academy Alumni Association at eTelecare Manila.
Sa GK Concepcion (itinaguyod ng pamilya ni Raul Concepcion) nasa
300 pamilya ng Barangay Buayang Bato ang mapalad na nabigyan ng bahay. Sa kasalukuyan, umabot na sa 200 bahay ang malapit nang matapos. Nasa 24 na pamilya naman ang nabigyan para sa GK Busilak o PinongSisang Bernardo GK Village.
Sa Agudo, mayroong lupain ang pamahalaang lungsod sa lugar na ginawa na ring housing site ng proyektong pabahay ni Gonzales. Ang lugar ay tatawaging GK AgudoSM Foundation Village, kung saan 36 pamilya ang makikinabang sa isang housing site at 62 pamilya naman sa pangalawang lupain na popondohan naman ng isang grupo mula sa Hawaii.
Para sa GK AgudoHinahon,
nasa 68 pamilya ang nakinabang sa proyekto. Sa kasalukuyan, ay nakikipagusap ang GK sa mga posibleng sponsors nito tulad ng East West Bank, Handmaids of the Lord Hawaii, Mega World at SM Foundation. Sa GK Maria Clara ay 24 pamilya ang tulungtulong upang
pangunahing prayoridad ng liderato ni Gonzales. Layon nito na maiangat ang antas na kabuhayan ng mga tagaMandaluyong sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na bahay at kaayaayang kapaligiran na makatutulong rin sa patuloy na pagunlad ng lungsod.
Noong Nobyembre 2004, isang
pledging session ang ginanap sa WackWack Golf and Country Club, kung saan inimbitahan ni Gonzales ang business community at civicminded individuals upang makiisa sa programa ng pabahay.
Milyonmilyong pisong halaga ang nakalap ng grupo ng araw na iyon bilang suporta sa programang pabahay na ito ni Gonzales at GK. Kabilang sa mga ito ay ang Zonta Club of Manila, Immaculate Conception Academy Alumni Association, eTelecare Manila at SM Foundation. Kasama rin ang pamilya Concepcion ng RFM, Couples for Christ at pamilya Bernardo ng Barangka at ilang mga indibidwal.
Malaking pasasalamat naman ang
hatid ni Gonzales sa GK at sponsors dahil sa patuloy na suporta sa proyektong pabahay ng lungsod.
“Isa lamang ang nais ko — ang mabigyan ng maayos na tirahan at magandang pamumuhay ang mga maralitang tagaMandaluyong,” ani Gonzales. u
matapos ang kanilang mga bahay. At sa GK Calbayog, 24 pamilya naman ang makikinabang sa sinimulang proyektong ito.
Bukod dito, tumutulong din ang GK sa community building program ng pamahalaan lungsod para sa programang pabahay ni Gonzales sa Abella Compound at San Miguel. Nasa 183 pamilya naman ang
makikinabang sa proyektong ito.Dahil sa malaking suportang
ipinakita ni Gonzales, itinanghal na “bayani” ng organisasyon ang ama ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay parangal dito ng “Gawad KalingaBayani Award.”
Ang proyektong pabahay ay isa sa
Groundbreaking ng GKSM Foundation Village sa Agudo. Kasama ni Mayor
Gonzales si Ms. Debbie Sy, kinatawan ng pamilya ni Henry Sy, at si Ms. Connie
Angeles ng SM Foundation.
GKCastañeda
GK–PinongSisang Bernardo VillageGK–Calbayog
GKConcepcion GKMa. Clara
ugnayan
�
Murang pabahay handog ni Gonzales sa 183 pamilya
ay ibibigay sa mga kwalipikadong empleyado ng city hall na tulad ng marami ay umaasam din ng mura ngunit disenteng pabahay.
Isa pang pabahay ang kasabay
Sa pakikipagtutulungan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at Asian Development Bank (ADB) sa pamahalaang lungsod, dalawa (2) pang proyektong pabahay ang sinisimulan ngayon ng Mandaluyong na magbibigay ng permanenteng tirahan sa 183 maralitang pamilya ng lungsod.
Isang tatlongpalapag na mediumrise condominium na mayroong 126units ang itatayo sa San Miguel, Plainview. Pinangunahan ni Mayor Neptali Gonzales II, Vice Mayor Jesse Cruz, Sangguniang Panlungsod, at Barangay Chairman Ryan Mendoza ang pagbasaglupa nito kamakailan.
Ang katuparan ng pabahay sa San Miguel ay mistulang hulog ng langit para sa 59 apektadong pamilya sa naturang lugar na matagal na ring nangarap ng legal at disenteng pabahay. Ang natitirang 67 units naman
ring ginagawa sa Abella Compound sa Barangay MabiniJ. Rizal para sa 57 pamilya.
Ang dalawang proyektong ito ay pagkakagastusan ng PhP32 milyon ng PRRC sa ilalim ng subloan agreement sa ADB.
Sinabi ni Mayor Gonzales na ang pabahay na ito ay babayaran ng mga benipesaryo sa loob ng 15taon sa murang halaga lamang. “Ang babayaran lang ng bawat pamilya ay maaaring hindi hihigit sa PhP2,000 kada buwan,” aniya.
“Ang proyektong ito ay katuparan ng ating mga pangarap na sariling pabahay,” ani Gonzales. “Agad natin itong tatapusin para makapagsimula tayo ng matiwasay na bagong buhay.”
“Marami na rin tayong pabahay na nagawa para sa ating mga mahihirap na mamamayan,” sabi niya. “Lahat ng ito ay nagawa natin na hindi gumastos ang lungsod kahit singko. Ako ay nagpapasalamat sa lahat na nakiisa sa hangarin kong mapabuti ang buhay ng lahat lalo na ng mga maralita.” u
Pabahay sa ilalim ng Community Mortgage Program, sinisimulan para sa 168 pamilya
May 168 pamilya sa dalawang
(2) barangay ang makikinabang
sa pabahay sa ilalim ng Com
munity Mortgage Program
(CMP) sa lungsod.May 123 pamilya sa Barangay
Highway Hills at 45 naman ang sa Barangka Drive ang makikinabang sa programang ito na ngayon ay inaayos na ng Welfareville Commission (WelCom), ang opisinang itinalaga ng punong lungsod para tumutok sa proyekto.
Sa Mandaluyong, pitong (7) homeowners association na ang naitatag
para sa proyektong ito: Kapalaran, United Kapalaran, Phase IPasillo II Calbayog, Pasillo 3 Kapitbahayan, Pasillo 5 Calbayog, at Busilak homeowners associations.
Pinakamalaking proyekto ang sa Pasillo 5 Calbayog kung saan 38 pamilya ang maghahati sa 607 sq.m na lote.
Sa pamamagitan ng kanikanilang organisasyon, ang grupo ay uutang sa Social Housing Finance Corporation, sangay ng National Home Mortgage Finance Corp.
Ang CMP ay isang paraan ng pabahay para sa mga informal settlers o squatters ng lugar. Sa programa, tinutulungan sila sa pagbili ng lupang kinatatayuan o tatayuan ng kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pautang na may mababang interes lamang.
Sa CMP, puwedeng humiram ng pera para sa pagbili ng lupa, site development at pagpapatayo ng bahay. Ang pinakamataas na puwedeng
ipahiram kada pamilya ay P120,000 na babayaran sa loob ng 25taon sa interes na 6 percent per annum.
Pinaliwanag ni Mike Beriña ng WelCom na para masiguro ang tagumpay ng proyekto ay nagsasagawa sila ng masusing oryentasyon sa mga miyembro sa kanilang responsibilidad sa pagbayad ng kanilang buwanang amortisasyon.
“Sa tuwing naaantala ang kanilang pagbayad ay malaki ang interes nito kaya dapat ay pursigido ang grupo na mabayaran ang buwanang responsibilidad nito sa ahensiya,” pahayag ni Beriña.
Maganda ang CMP sa dahilang binibigyan nito ng pagkakataon ang informal settler na mabili ang lupang kinatatayuan ng kanyang bahay sa mababang halaga lamang. Sa ganitong konsepto, untiunting nawawala ang squatting sa Mandaluyong.
Ang CMP ay isa rin sa mga proyektong pabahay ni Mayor Neptali Gonzales. u
San Miguel Housing Project
Abella Compound Housing Project
ugnayan
�
Pagpapabuti ng serbisyo sa Mandaluyong City Medical Center, kinilala ng DOHMatapos ang maraming taong pagpupunyagi ng pamahalaang lungsod para pagibayuhin ang ser
bisyong pangkalusugan nito, kinilala kamakailan ng Department of Health ang Mandaluyong City
Medical Center (MCMC) bilang isang ganap na tertiary hospital.
Ang pagkilala ay iginawad sa MCMC sa pamamagitan ni Dr. Alfredo L. Lo, medical director ng nasabing ospital noong February 27, 2006. Sinasabi ng DOH na pumasa ang ospital sa itinakda nilang licensing requirements tulad ng pagkakaroon ng sapat at epektibong administrative service, clini
cal service, nursing service, ancillary service at accredited training program.
“Sa madaling salita, ang ating ospital ay may sapat nang kagamitan at kakayahan para lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan,” ani Dr. Lo. Ang tertiary level ang pinakamataas na antas na iginagawad ng DOH sa mga pambubliko at pribadong ospital sa ban
sa bilang tanda ng dekalidad na serbisyo nito.
Natutuwa siyang ibalita na ito ang bunga ng pagpupunyagi ng administrasyon ni Mayor Neptali Gonzales II para lalong pagibayuhin ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
“Walang humpay ang suportang ibinuhos ni May
or Gonzales sa ospital mula ng siya ay naupo bilang alkalde,” dagdag ni Lo. “Mabuti naman at sa wakas ay binigyan ang lahat ng ito ng kaukulang pansin at pagkilala.”
Matatandaan na kamakailan lang ay tinustusan ng pamahalaan ang pagpapaayos ng lumang gusali ng ospital at mga karagdagang gamit na umabot sa halagang
Isang malaking bahagi ng pangkalahatang health care program ni Mayor Gonzales ang pagpapahusay ng serbisyo ng Mandaluyong City Medical Center kaya’t malaking halaga ang ginugol ng pamahalaan upang maipa
ayos ito. Kapansinpansin ang pagiging maaliwalas ng ospital ngayon, bagay na pinuri ng
mga residenteng naseserbisyuhan nito.
ugnayan
�
PhP42 milyon. Pinasinayaan ito noong Pebrero lamang bilang bahagi ng selebrasyon ng lungsod kaugnay ng ika61 at ika12 anibersaryo ng ating katubusan at pagiging lungsod.
Maliban dito ay pinasinayaan din ang mga bagong kagamitan ng ospital tulad ng dialysis room, medical intensive care unit, pediatric ICU, at neonatal ICU. Pinahusay din ang operating, labor at recovery rooms, surgical ward at lalong pinalawak ang outpatient department at iba pang ancillary services. Nagkaroon din ng karagdagang operating tables at ilaw, intensive care unit beds, anesthesia machine, incubator, hemodialysis machine, cardiac monitor, suction machines at pulse oximeters.
Sa nakararaming mahirap na mamamayan ng lungsod, ang mga pagbabagong ito ay kanilang ikinatuwa. Sabi ni Aling Leony na taga Welfareville Compound: “Ang laki ng iginanda ng ating ospital ngayon, at nararamdaman mo na mas masigla at mainam ang serbisyo ng ating mga doctor at nurses doon.” Aniya, madalas siya doon dahil sa kanyang sakit sa bato.
“Ang pagkakaroon lang ng isang incubator sa ating ospital ay malaking bagay na para sa ating mga inang nanganganak dito,” ani naman ni Dr. Pecos Camarines, isa sa ating mga OBGynecologist sa MCMC. “Gumagaan din pati ang trabaho naming mga doctor dito sa ospital dahil sa mga maaayos na kagamitan at bagong pasilidad,” dagdag pa niya. u
Employees’ Clinic: alay ni Mayor Gonzales sa mga kawani ng lungsod
Alam n’yo na ba na mayroon
ng sariling klinika para lamang
sa mga empleyado ng lungsod?Ito ay matapos paglaanan ni May
or Neptali M. Gonzales ng sapat na pondo at kagamitan ang Employees Clinic sa pamamahala ni Dra. Myra CastañedaAng.
Ayon sa kanya, may mga 40 empleyado ang nagpapasuri sa kanya arawaraw. Aniya, malimit sa mga kawani ang sakit na highblood, ubo’tsipon, allergy, skin disease at migraine.
Maliban kay Dra. Ang, may dalawa (2) pang consultant doctors na tumutulong sa kanya sa klinika upang lalong matugunan ang samu’tsaring problema sa kalusugan ng tagacity hall. Ang kanyang asawang si Dr. Franklin Ang ay consultant natin sa ENT at si Dr. Lito Batoon naman ang sa Opthalmology.
Sinabi ni Dra. Ang na ang klinika ay may limang (5) pangunahing serbisyong binibigay sa mga empleyado: blood pressure monitoring, general consultation, FBS, Cholesterol at ECG, hearing test, at ENT at Opthalmology.
Kung may isang bagay kang unang mapupuna sa Employees Clinic natin ngayon, iyon ay ang kaayusan ng klinika. Ito ay may sapat na kagamitan tulad ng apat (4) na hospital beds, doppler machine, audiometer at ECG machine.
Kada Lunes, Miyerkules at Huwebes ang araw ng konsultasyon.
Martes ng umaga ang konsulta sa mata at hapon naman ang konsulta sa ENT. Kada Biyernes naman ng umaga ang FBS, ECG at cholesterol testing.
“Malaki ang pasasalamat namin kay Mayor Boyet dahil sa pagpapagawa niya ng sariling clinic para lamang sa mga kawani dito,” sabi ni Leony Dela Cruz ng CPDO.
“Arawaraw kong minomonitor ang presyon ko at maginhawa ko itong nagagawa dahil maayos ang clinic natin at hindi nawawalan ng doctor,” aniya.
“Dati kailangan pa namin makisiksik sa mga pasyente galing sa baran
gay,” dugtong niya. “Madalas, kahit kailangan mo ng checkup o pagsangguni sa doctor, di mo na ginagawa kasi kita mo pa lang na punungpuno ang health center, mawawalan ka na ng ganang pumasok pa.”
Ang employees clinic sa ngayon ay bukas sa lahat anumang oras. Kahit ang dental services tulad ng konsultasyon ay pwede rin kay Dra. Ang dahil siya ay licensed dentist
din.Bukod sa mga nabanggit, may
bago na rin tayong Mandaluyong City Health Laboratory kung saan ang mga pagsusuri tulad ng urinalysis, fecalysis, blood exam at xray ay maaari nang maavail kung sino man ang may kailangan dito. u
Ang bagong XRay Laboratory ng City Hall
ugnayan
�
PhP1,000 monthly allowance ng kawani ng Mandaluyong inaprubahan ni Mayor GonzalesSa gitna ng lilim ng Semana Santa, umalingawngaw ang saya ng mga kawani ng city hall nang aprubahan ni Mayor Neptali M.Gonzales II para sa 3,416 empleyado ng pamahalaang lungsod ang karagdagang PhP1,000 allowance kada buwan.
Sa isinagawang regular na Monday morning program noong Abril 10, nilagdaan ni Gonzales sa harap ng mga empleyado ang tsekeng bahagi
ng P48 milyon na taunang budget para sa dagdag allowance na ito. Ang pondo ay ang kabuuang halaga na ibibigay bilang karagdagang incen
tive ng mga kawani sa taong ito.Ayon kay Gonzales ang pagbibigay
ng buwanang allowance sa empleyado ay batay na rin Circular Order
No. 20062 na ipinalabas ng Department of Budget and Management na ibinatay naman sa Administrative Order 144 ni Pangulong Gloria MacapagalArroyo.
Paliwanag ni Gonzales na bagaman mas malaking pondo ang ilalabas ng pamahalaang lungsod, mas malaking tulong naman ito sa mga empleyado. Mula ng maupo
42 bago at maliliwanag na poste binuksan sa Barangay Addition Hills
Mandaluyong City “pinaliwanag” ni Mayor GonzalesAng datirating madilim na lugar ng Martinez Street, Barangay Addition Hills ay napuno ng liwa
nag matapos buksan ni Mayor Neptali M. Gonzales II ang 42 poste ng ilaw sa kahabaan ng natu
rang kalsada noong Marso.
Ngayon ay mas kaayaaya na itong daanan hindi lamang ng mga residente kundi maging ng mga motorista.
Naging maliwanag ang kapaligiran ng isang kilometrong haba ng Martinez matapos na buksan ang maliliwanag na ilaw ng 42 poste na mayroong layong 23 metro bawat isa.
Ang pagsasaayos ng poste at paglalagay ng mas maliliwanag na ilaw sa lugar ay bahagi ng peace and order program ni Gonzales, kung saan layon nitong lalong mapaganda ang lungsod at mabigyan proteksyon ang mga motorista na dumaraan sa mga kalye ng Mandaluyong.
Naniniwala si Gonzales na ngayong mas maliwanag na ang Martinez Street ay higit pang mababawasan ang kriminalidad sa lugar.
Anang alkalde, responsibilidad ng
lokal na pamahalaan na proteksyunan ang mga residente, motorista at bisita ng lungsod.
Ang Martinez Street ay isa sa pangunahing kalsada ng lungsod na kadalasang dinaraanan ng mga motorista patungo sa ibang lugar
ng Metro Manila. Ito ay bahagi ng Addition Hills, ang pinakamalaking barangay ng Mandaluyong na mayroong 70,000 residente.
Ayon naman kay city engineer Conrad Anciado, ang mga inilagay na ilaw sa mga poste ay pasado sa itinakda ng international road safety standard kung saan kinakailangan na ang bawat bombilyang gamit ay 250 watts.
Siniguro ni Anciado na pinalitan lahat ng 250watts na bombilya ang dating 160watts na ilaw sa mga poste. Aniya, mas magiging madali na ang pagmamaneho ng mga motorista dahil sa mas maliwanag na ang daan.
Nauna nang pinaliwanag ng mga bagong poste ni Gonzales ang Poblador at Gonzales Streets sa Barangay Hagdan Bato Libis noong nakaraang Disyembre. u
Ang pagsisindi ng mga ilaw noong Marso na pinangunahan ni Mayor Boyet Gonzales at ni Engr. Conrad Anciado.
Nilagdaan niMayor Gonzalesang pagbibigay ng dagdagna allowancesa mga kawani ng City Hall.
ugnayan
�0
si Gonzales bilang alkalde ng Mandaluyong noong 2004, siniguro nito na hindi niya pababayaan ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod na kanya namang isinakatuparan.
Kaya naman puro papuri sa butihing mayor ang sambit ng mga empleyado matapos na ihayag ni Gonzales ang bagay na ito.
“Malaking tulong ang PhP1,000 para sa pamilya ko. Sa hirap ng
buhay ngayon, kailangan talaga ng dagdag para sa pangarawaraw na gastusin. Maraming empleyado ang tuwangtuwa sa magandang balitang ito ni mayor,” ani Tony de Jesus ng CPDO.
Kasabay nito, nanawagan naman ang alkalde sa mga empleyado na patuloy na paghusayin ang serbisyo at maging matipid sa paggamit ng office supplies upang makabawas sa
gastusin ng pamahalaang lungsod.Bukod sa bagong aprubang al
lowance, ang mga empleyado ay tumatanggap din ng isang sako ng bigas bawat taon. Gayundin, sa panunungkulan ni Gonzales nasa 363 empleyado ang matagal nang naghihintay ng promosyon ang naiangat sa posisyon matapos na aprubahan nito ang kanilang nakabinbin na promosyon. u
Mas malaki ang kinita ng Mandaluyong noong 2005 kaysa 2004
Dahilan din umano sa mataas na koleksyon ang matagumpay na pagtutupad sa “Oplan Bilis Bayad” ng pamahalaang lungsod noong nakaraang Enero.
Siniguro ni Gonzales na mapupunta sa mga pangunahing proyekto ng pamahalaang lungsod ang naturang halaga partikular na sa konstruksyon at rehabilitasyon ng mga paaralan, silidaralan, pasilidad ng ospital at ilan pang social services projects.
Ang pagsasaayos ng sistema ng koleksyon ng buwis ay kabilang sa pangunahing prayoridad ng administrasyong Gonzales.
Naniniwala si Gonzales na susi sa kaunlaran ang pagkakaroon ng epektibong sistema ng koleksyon ng buwis upang matugunan ang mga programa ng pamahalaang lungsod sa edukasyon, kalusugan at iba pang programa para sa mga tagaMandaluyong.
Kasabay nito, umabot naman sa 13 porsyento o PhP58.90 milyon ang itinaas ng kita ng lungsod sa unang tatlong buwan ng 2006 kumpara sa kinita nito noong nakaraang taon.
Batay pa rin sa ulat ng city Accounting Department, lumalabas na PhP510.9 milyon ang nakolekta ng pamahalaang lungsod mula buwan ng Enero hanggang Marso 2006.
Lumalabas na 13 porsyento ang itinaas ng kita ng lungsod kung ikukumpara sa kita noong 2005 sa parehong tatlong buwan, kung saan nakakolekta lamang ng PhP452 milyon. u
Nadagdagan ng PhP129.84 milyon ang kaban ng yaman ng lungsod ng Mandaluyong noong 2005 matapos na kumita ang pamahalaang lungsod ng kabuuang PhP1.38 bilyon noong nakaraang taon mula sa koleksyon ng buwis.
Batay sa rekord ng Accounting Department ng lungsod, umabot sa PhP966.7 milyon ang nakolekta ng lungsod mula sa local income nito; PhP69.2 milyon
mula sa permits at licenses; PhP33.78 milyon mula sa service income; PhP10.46 milyon sa business income at PhP300.8 milyon mula sa donasyon, interest income, internal revenue allotment (IRA) at sale of fixed assets.
Ayon pa sa rekord, 10 porsyento ang itinaas ng kita ng lungsod noong 2005 na PhP1.38 bilyon kumpara sa PhP1.25 bilyon lamang noong 2004.
Ikinatuwa naman ni Mayor Neptali M. Gonzales II ang pagtataas sa koleksyon ng buwis ng lungsod. Aniya, ito ay resulta ng epektibo at maayos na pagpapatupad sa sistema ng koleksyon ng buwis ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Treasury Department.
Malaking tulong ang taunang OPLAN BILIS BAYAD sa pagtaas ng kita ng Mandaluyong
ugnayan
��
Buong Mandaluyong may tubig na
Wala na ang mga panahon ng pila balde sa Mandaluyong. Bawat sulok ng lungsod ngayon ay nararating na ng tubig.
Dahil sa pagpupursige ng pamahalaang lungsod at ng Manila Water Co., Inc. (MWCI) na mabigyan ng tubig ang bawat bahay at sulok ng lungsod sa lahat ng oras, lahat na ng 27 barangay sa lungsod ay may maganda nang daloy na tubig, 24/7.
Sa ulat ng Manila Water kay Mayor Neptali M. Gonzales II kamakailan, ipinagmalaki nila na ang buong lungsod ay may “24hour water availability” na at may
“improved water pressure” na nasa 712psi (ito ay dating nasa 06 psi lamang noong 1997). Dagdag pa rito, ang tubig sa Mandaluyong ay may mataas na kalidad (excellent water quality) na pasado sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).
Base sa kanilang record, noong 1997 ay sampung porsiyento lamang ng lungsod ang may tubig, at lima lang sa kabuuang 27 barangay ng Mandaluyong ang may sapat na tubig. Dahil na rin sa mga lumang
tubo na butasbutas ay kadalasang marumi ang hinahatid na tubig sa mga bahay, kung kaya kadalasan din itong nagiging sanhi ng sakit sa mga bata ng komunidad.
Noong 2005, matatandaang mahigit PhP500 milyon ang ginugol ng Manila Water para mapalitan ang mga lumang tubo ng tubig sa halos lahat ng sulok ng Mandaluyong. Malimit humingi ng paumanhin noon
ang punong lungsod sa publiko dahil sa walang humpay na paghuhukay sa mga kalsada.
“Natutuwa akong makita na ang mga sakripisyo natin sa paggawa ng mga lansangan ay napalitan naman ng magandang sitwasyon,” wika ni Gonzales. “Ngayon, hindi na natin
problema ang tubig, lalo’t naging mahigpit ang pakikipagugnayan ng Manila Water sa atin.”
Ngayong 2006, may siyam (9) na proyektong nakahain ang MWCI na pawang mga mainline replacements at valve insertions sa mga lugar ng San Joaquin, Shaw, Ilaya, Limay, Plainview East, Schuyler, Ideal at Wackwack. Sisiguruhin ng mga ito na mapanatili ang kalidad ng daloy
ng tubig sa lahat ng oras sa lungsod.
“Isang pagpapala sa atin ang magkaroon ng isang very responsible at very efficient na water concessionaire tulad ng Manila Water,” sabi ni Gonzales. “Sila’y may puso kung gumawa at hindi mahirap pakiusapan. Maraming salamat sa kanila,” pagwawakas niya.
Sa parte naman ng Manila Water, pinahayag nila ang katuwaang makapartner si Mayor Gonzales sa pagsulong ng magandang patubig sa lungsod. “Tulad niya ay hangad din namin na mabigyan ng tubig
ang lahat ng sulok sa Mandaluyong,” ani Ric Pile ng Manila Water. “Mahirap itong gawin sa mga mataong lugar na dikitdikit ang mga bahay, pero dahil tulongtulong ang lokal na pamahalaan at Manila Water dito ay nagawa nating ayusin ang daloy ng tubig para sa lahat.” u
Mga magaaral ng Mandaluyong Science High School, may buwanang allowance na
Sa kagustuhang lalong maiangat ang kalidad ng edukasyon sa tanging science high school ng lungsod, pinagpasyahan ni Mayor Neptali “Boyet” Gonzales na bigyan ng monthly allowance ang mga estudyante ng City of Mandaluyong Science High School (CMSHS).
Ang kabuuang 645 na estudyante ng CMSHS ay tumatanggap ng allowance na PhP3,000.00 sa buong taon.
“Lahat ay natutuwa sa ganitong pangyayari,” ani ng ama ng isang first year sa CMSHS. “Bilang magulang, natutuwa kami sa suportang iginagawad ng lungsod sa pagaaral ng aming mga anak. Isang tunay na positive reinforcement ito para sa kanila.”
Sinabi naman ni Mr. Rosarito Septimo, principal ng naturang paaralan, na ang incentive na ito ng kanilang estudyante ay bunga na rin ng pagpupunyagi ni Dr. Florencia Domingo, Division of City Schools Superintendent ng lungsod.
Aniya, “Siya talaga ang nagsikap na maisakatuparan ito para sa CMSHS. Buong puso rin kaming nagpapasalamat kay Mayor Gon
zales dahil inaprubahan niya ito ng walang pasubali. Tunay ngang basta para sa edukasyon ng kabataan ng lungsod, ang suporta ni Mayor ay maaasahan.”
Sinabi ni Septimo na binibigay nila ang stipend kada tatlong buwan, kung kaya may PhP900 lump sum na natatanggap ang mga bata. Ito naman ay ginagamit ng mga magaaral sa kanilang mga gastusin sa klase.
Matatandaan na ang CMSHS ay paboritong proyekto ni Mayor Gonzales kahit noong siya ay nanunungkulan pa bilang kongresista ng lungsod. Siya ang nagpatayo ng eskwelahang ito na ginastusan ng umabot sa PhP79.5 milyon. u
ugnayan
��
Mayor Boyet at Queenie Gonzales, the best para sa GLMPC members
“The best si Mayor at si Ma’am Queenie.”Ito ang madamdaming pahayag ni Celeste Villanueva,
44, residente ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City at dalawang taon nang miyembro ng Green Ladies Movement (GLM) at Green Ladies MultiPurpose Cooperative (GLMPC).
Hindi napigilan ni Aling Celeste ang mapaiyak habang binibigkas niya ang kanyang pasasalamat kay Mayor Neptali M. Gonzales II at sa First Lady ng lungsod na si Queenie P. Gonzales dahil sa tulong na ibinibigay ng GLMPC sa mga miyembro nito.
Ayon kay Aling Celeste, sa halagang PhP5,000 na inisyal na pautang ng GLMPC sa mga miyembro nito ay malaking pagbabago ang hatid nito sa kanilang kabuhayan kasama ng kanyang mga kamiyembro.
Ang PhP5,000 na kanyang hiniram sa kooperatiba ay ginamit niyang puhunan sa kanyang sarisari store. Ngunit hindi nagtagal ay ipinasara niya ito at nagtayo ng piggery sa Pangasinan.
Matapos na bayaran ang PhP5,000 loan, muli itong umutang ng PhP10,000 para itustos sa pagkain ng kanyang alagang baboy. Aniya, dalawang beses nang nanganak ang kanyang alaga na malaking tulong para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang chief yard ng isang kompanya ng barko sa Bahamas at tatlo (3) sa kanyang apat (4) na anak ay nagaaral. Dalawa rito ay
nasa kolehiyo.Ani Aling Celeste, bagaman kahit papaano ay kumikita
ang kanyang asawa sa ibang bansa, iba pa rin umano ang may sariling kita lalo pa’t napakahirap ng buhay ngayon.
Dagdag niya, hindi praktikal na ang lalaki lamang ang naghahanapbuhay sa magasawa.
“Ngayon lang ako natuwa na miyembro na ako ng Green Ladies. Natutuwa ako kay Mayor dahil simula ng maupo siya, duon ko lang naramdaman ang tulong (ng gobyerno). Ngayon lang ako nakapunta sa city hall,” anito.
“Nasisiyahan talaga ako dahil nakakatulong sila sa tao. Marami akong nakitang improvement mula ng maupo si Mayor, ang pagbabago hindi lang sa sarili nila kundi talagang para sa tao. Talagang galing sa puso ang pagbibigay ng tulong. Nakikita sa gawa, malaki ang pagbabago pati sa tao, hindi nagkokontrahan, lahat ay concern kay Mayor,” naiiyak niyang pahayag.
Si Aling Celeste ay isa lamang sa 555 kasalukuyang kaanib na nakinabang sa kooperatiba ng Green Ladies
Movement.Ang GLMPC ay itinatag ni Gonzales taong 2003
noong siya ay congressman pa lamang at pormal na nagsimula ang operasyon nito noong Agosto 2004 na mayroon lamang PhP1 milyon na pondo. Ang halaga ay
Mula sa kaliwa pataas, cooking demonstration sa tulong ng Mommy Academy ng ABC5; ang mga kaanib ng kooperatiba na nabigyan ng livelihood assistance loan; at ang mga bagong kaanib ng GLM na nanumpa sa harap ni Mam Queenie Gonzales; pamamahagi ng sapatos sa mga bata.
ugnayan
��
GLM: Patuloy na umaalalay tungo sa kaunlaran ng mga taga Mandaluyong
Sa mahigit na sampung
taong pagkakatatag, patuloy
pa ring inaalalayan ng Green
Ladies Movement (GLM) ang
mga kababaihan ng lungsod
tungo sa kaunlaran.Sa pangunguna ng Presidente
nitong si Queenie Gonzales, kabiyak ng ating butihing mayor, ang GLM ay tumutugon sa iba’tibang pangangailangan ng mga kababaihan mula sa paglunsad nito ng kooperatiba noong 2004 hanggang sa pagkakaroon nito ng mga makabuluhang gawain sa lungsod. Ayon kay Queenie, malaki ang pasasalamat niya sa kababaihan sa patuloy nitong pagsuporta sa mga serbisyo ng lungsod at sa pagpapahalaga nito sa bawat pamilya.
Noong Disyembre 2005, marami ang naantig sa kwento ng buhay ni Jaime “Jimmy” Ballesteros ng barangay Vergara. Si Jimmy at ang kanyang pamilya ay nakatira sa sementeryo. Kapos man sa karangyaan ay pinilit pa rin niyang iahon ang kaniyang pamilya kahit na may karamdaman ang kanyang asawa.
Pinagkalooban siya ng pedicab ni Gng. Gonzales, financial assistance ni Mayor Gonzales, mga damit at groceries nina Konsehal CheChe PabloSantos at Baby Pillas at Kapitana Lily Dela Cruz. Binigyan naman ng scholarship grant ang kanyang tatlong anak at pagkakataong maipagamot ang kaniyang asawa.
Ayon kay Jimmy, malaking tulong ang binigay ni Gng. Queenie at Mayor Gonzales sa kanila upang maiangat niya ang pamumuhay ng kanyang pamilya. “Ngayon ay may sarili na akong pedicab, hindi na ako nanghihiram at mula sa aking kita ay kumakain na ng tama ang aking pamilya. Nakita ko na rin ang
sigla sa aking asawa. Katuwang ko na siya ngayon sa gawaing bahay. Nagaaral na rin ang aking mga anak ngayong pasukan.” Ang tulong na pinagkaloob sa kanya ng GLM at ng lungsod ay dumating sa panahong lubos ang pangangailangan nila at kanya itong pangangalagaan at paha
halagahan. Samantala, umabot sa 51 kababai
han ang nakinabang sa kasalang bayan na isinagawa noong Pebrero 13 sa city gymnasium sa pangunguna pa rin ng samahan.
Matagumpay ding ipinagdiwang ng lungsod ang Women’s Month noong Marso na tinaguriang “Ganda ng Nanay Ko” sa pakikipagtulungan nina Konsehal CheChe PabloSantos at Baby Pillas.
Ayon kay Queenie, ang pagdiriwang ay bilang pasasalamat sa kababaihan ng Mandaluyong dahil sa kontribusyon ng mga ito sa patuloy na pagunlad ng lungsod.
Aniya, ang beauty makeover ay
malaking tulong sa kababaihang nangangailangan ng pahinga at pagrerelaks dahil sa trabaho at pag
aalaga sa kanilang pamilya.Daandaang kababaihan ang
nakinabang sa iba’tibang beauty makeover at medical examination na ginanap noong Marso 8. Kasama na rito ang mga libreng serbisyo tulad ng pagpapagupit, facial treatment, pedicure at manicure, mga medical
mula sa social fund ni Pangulong Gloria MacapagalArroyo, kung saan babayaran ito ng kooperatiba sa loob ng limang taon.
Layunin ng kooperatiba na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga kababaihang residente ng Mandaluyong na pawang miyembro nito.
“Ang pagbibigay ng tunay na serbisyo publiko ay bahagi ng sinumpaan ni Mayor Gonzales at maging ng inyong lingkod sa mga tagaMandaluyong. Kaya naman walang sawa ang aming pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan,” ani Queenie. u
Pinagkaloob ni Ma’am Queenie ang handog ng GLM kay Jimmy Ballesteros.
ugnayan
��
examinations tulad ng breast examination, pap smear, bone scan, eye checkup, ECG, reflexology, bunot ng ngipin at iba pang dental services.
Nagkaroon din ng hair coloring at styling competition para sa mga hair
stylist ng lungsod na dinaluhan ng batikang hairstylist na si Ricky Reyes upang magbigay ng inspirational talk. Pagkatapos ng kompetisyon ay hina
rana naman nina Rey Valera at ng grupong Saling Ket ang kababaihan ng lungsod.
Kaalinsabay sa selebrasyon, umabot sa halos 2,000 kababaihan ang sumali sa Job Fair na pinangunahan
din ng GLM sa pakikipagtulungan ng Public Employment Services Office ng lungsod.
Miss Mandaluyong 2006nological University (RTU) na ipinagkaloob naman niya sa kanyang kapatid na magaaral ng kolehiyo sa susunod na taon.
Mula naman sa barangay Highway Hills ang naging 1st runnerup ng kompetisyon na si Rossann Robles. Nasa ikaapat na taon na si Rossann sa kursong Mass Communication sa La Consolacion College. Nagkamit din siya ng scholarship grant na tulad ni Dionglay ay inilipat din sa kanyang kapatid.
Si Giovanna Marcantonio ay ang tinanghal naman na 2nd runnerup mula sa barangay Daang Bakal na kumukuha ng kursong Advertising sa Assumption College.
Napakapalad naman ni Karen de Vera ng Brgy. Old Zaniga sapagkat sa kanya ipinagkaloob ni Giovanna ang scholarship grant na napanalu
nan niya. Naging 3rd runnerup naman si
Jamela Aisha Alindogan naman mula sa Barangay WackWack. Si Jamela ay isang freelance model at TV host.
Si Andrea Dimalanta na isang freelance model na kumatawan sa barangay Buayang Bato ang 4th runnerup.
Sa ikalawang taong paghawak ng GLM sa Miss Mandaluyong pageant, edukasyon pa rin ng bawat kababaihan at kabataan ng lungsod ang
Lima sa 27 kandidata ng
Miss Mandaluyong 2006 ang
pinalad na manalo sa taunang
beauty and brains competition
ng pamahalaang lungsod na
pinangunahan ng Green Ladies
Movement (GLM). Sa unang pagkakataon ay nag
karoon ng kanikaniyang kandidata ang 27 barangay ng lungsod.
Tinanghal bilang Miss Mandaluyong 2006 ang kinatawan ng barangay Bagong Silang na si Raquel Dionglay, 19anyos at kumukuha ng kursong Bachelor in Cooperatives sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Umabot sa kalahating milyon ang naiuwing premyo ni Raquel, kasama na rito ang “Sponsors’ Award” at scholarship grant sa Rizal Tech
Sa ilalim ng Republic Act 6949, itinakda ang Marso 8 bilang National Women’s Day. Gayundin, sa ilalim ng Proclamation No. 227 pinagtibay ang buwan ng Marso bilang Women’s Month.
Sa ngayon ay patuloy na tumutugon ang GLM sa mga pangangailangan ng kababaihan sa lungsod. u
Ang “GANDA NG NANAY KO” na ginanap sa pagdiriwang ng Women’s Month.
ugnayan
��
binigyan ng importansya nito.
Ayon kay Ma’am Queenie Gonzales, presidente ng GLM at maybahay ng butihing mayor, hindi lamang patalbugan ng kagandahan ang kompetisyon kundi tagisan ng talino.
“Sa isyu ng kababaihan at kabataan, dapat hindi lang tayo nakatuon sa pisikal na kagandahan kundi pati na rin sa kagandahan
MADAC Social Integration ProgramLalong pinalakas ng Mandaluyong AntiDrug
Abuse Council (MADAC) ang kampanya laban
sa droga sa pamamagitan ng Social Integration
Program nito.Nais ng MADAC na tulungang magbago ang mga
drug dependents sa pamamagitan ng social integration program. Ang programa ay binubuo ng mga iba’tibang gawain tulad ng preventive education, rehabilitation, aftercare at counseling.
Ayon kay ViceMayor Jesus Cruz, ang vice chairman ng MADAC, hindi lamang tumutukoy ang programa sa mga drug dependents kundi pati rin sa pamilya at sa mga kaibigang maaaring makatulong sa kanilang pagbabago.
Upang lalong maintindihan ang programa, pinuntahan ng Ugnayan ang isa sa kanilang pangunahing activity, ang “aftercare”. Dito ay nagkakaroon ng iba’tibang activities ang mga galing sa rehab tulad ng group at spiritual sessions, sports at recreations at ang community services tuwing Biyernes ng hapon.
Ayon kay Cookie (di tunay na pangalan), isa sa mga nakasama namin sa activity na mahigit sampung taon na gumamit ng droga, at ngayon ay tumutulong sa programa ng MADAC, malaki ang naitutulong ng programa upang magkaroon ng direksyon ang isang buhay pagkatapos marehab.
Aniya, ang MADAC ay isang lugar na pwede kang makapag openup ng problema at makatulong sa mga dating drugdependents na tuluyang nagbabagong buhay.
Ang MADAC ay bumibisita sa mga drug dependents na tagalungsod sa Center for the Ultimate Rehabilitation of Drug Dependents (CUREDD). Ayon sa chief ng CUREDD na si P/Supt. Bonaparte Francisco, napakahalaga ang pag
bibisita ng MADAC. Paglabas ng mga drug dependents ay may magpa followup sa kanila at gagabay para di na bumalik sa paggamit ng droga.
Bukod sa pagbisita sa CUREDD, pinupuntahan din ng MADAC ang pamilya ng mga drug dependents. Naniniwala ang MADAC na malaki ang partisipasyon ng mga taong nakapaligid sa kanila kaya sinama nila ito sa programa.
Upang tuluyang baguhin ang mga dating drug depen
ng puso at isip,” aniya. “Mahalagang sangkap ito sa paghubog natin ng kinabukasan para sa bayan.”
“Ang babae ay may mahalagang papel sa ating komunidad. Tayo ang tagahubog ng buhay ng ating mga anak, kaya dapat ay may sapat tayong kaalaman, kagandahan, at kahandaan para sa papel na ito,” pagtatapos niya. u
Ms. Mandaluyong 2006 and Her Court
Malaking tulong sa mga rehabilitated drug dependents ang aftercare counseling sessions ng MADAC sa kanilang tuluyang pagiwas
sa droga.
ugnayan
��
dents, tinutulungan ang mga ito ng MADAC na makabalik sa eskwela, kumuha ng skills training, humanap ng trabaho o magtayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng livelihood program.
Kamakailan ay isinagawa ng MADAC ang Trainer’s
Training on Basic Counselling in School upang makatulong sa programang preventive education. Layon ng MADAC na palakasin pa ang preventive education upang mailayo ang mga kabataang hindi pa nalululong sa ipinagbabawal na gamot. u
Mandaluyong Police Station, Best Police Station sa Metro ManilaNagbunyi ang Lungsod ng Mandaluyong matapos na kilalanin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Mandaluyong City Police Station bilang “Best Police Station” sa Metro Manila para sa taong 2005.
Bukod dito, ginawaran din ang istasyon bilang “Best in Crime Response” ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng programa nitong Patrol 117. Natanggap din ni Police Chief Ericson Velasquez ang
“Cavalier Award” for police operations mula sa Philippine Military Academy.
Malaki naman ang naging pasasalamat ni Mayor Neptali M. Gonzales II kay Velasquez dahil sa matagumpay na pagpapatupad nito ng kaayusan sa lungsod.
Ani Gonzales ang paggawad sa lungsod bilang pinakamahusay na istasyon ng pulis sa buong Kalakhang Maynila ay isang malaking karangalan hindi lamang sa pamunuan ng pulisya at pamahalaang lungsod kundi maging sa mga residente nito.
“Isa itong pagpapatunay na ang Mandaluyong ay ligtas para sa mga residente nito at sa mga nagnanais na bumisita sa lungsod. Ito ay resulta rin ng pagkakaroon ng bukas na
linya at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad,” anang alkalde.
Kaagapay din ng tagumpay na ito ang patuloy na pagbibigay suporta ng liderato ni Gonzales sa pulisya tulad nang pagbibigay nito ng anim na bagong patrol car noong Marso. Ito ay bukod pa sa ibinigay na isang pa
trol car ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Mula ng maupo sa pwesto, nakapagpatayo na rin si Gonzales ng anim na community precincts at 48 na Bantay Bayan Outpost sa iba’t ibang barangay ng lungsod. Kabilang sa mga lugar na napatayuan ng Bantay Bayan Outpost ay ang Barangay Addition Hills (10 outpost), Barangka Ibaba (4), Barangka Ilaya (4), Barangka Itaas (4), Daang Bakal (1), Buayang Bato, Burol at Bagong Silang.
Ang napatayuan naman ng Community Precincts ay ang mga lugar ng Barangay Hagdan Bato Itaas (2), Hagdan Bato Libis (1), Harapin ang Bukas (1), Highway Hills (4), Hulo (2), Mabini J. Rizal (1), Malamig (5), Mauway (2), New Zaniga (5), Old Zaniga (1), Pleasant Hills (3), Vergara (2), Namayan, Poblacion, San
Jose, Plainview at WackWack.
Gayundin, dahil na rin sa kabutihang loob ng Edsa ShangriLa Hotel, ipinatayo nito ang Police Community Precinct 4 sa ShawCrossing noong Hulyo 2005, kung saan ito ang naging sentro ng tatlong presinto ng central business district ng lungsod, ayon kay P/C Insp. Raul Siriban, hepe ng naturang istasyon.
Ayon kay Siriban malaking tulong sa komunidad ang pagpapatayo sa PCP4 dahil naging mas malakas ang “police visibility” sa mataong lugar na ito ng Mandaluyong, kung saan limang malls ang kanilang binabantayan.
Nauna ng ipinahayag ni NCRPO Chief Vidal Querol ang kahusayan ng Mandaluyong Police dahil na rin sa isa ang lungsod sa mayroong pinakamababang antas ng kriminalidad sa Metro Manila. u
Ang mga bagong police patrol cars ng lungsod; pagtanggap ni
Mayor Gonzales ng donasyong police patrol car mula kay G.
Dodie King ng PAGCOR
ugnayan
��
MENSAHE
Ipinaabot ko ang aking taos pusong pagbati
sa mga tagapamuno ng ugnayan sa ikatlong
edisyon nito.Bilang inyong kinatawan sa Kongreso at taga
paglingkod publiko, hangarin ko ang maiangat ang kabuhayan ng bawat anak ng Mandaluyong. Dahil dito, isinakatuparan natin ang ilang mga proyektong imprastraktura, programang pangedukasyon at mga gawaing pangkabuhayan upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan sa hamon ng bawat isyung hinaharap ng ating bansa.
Mahalagang malaman ng bawat mamamayan ng Mandaluyong ang pagsusumikap ng aking tanggapan sa pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod, na malampasan ang hamon ng globalisasyon at ng mga kaganapan sa ating bansa. Kaya nga’t napakahalaga ang patuloy nating pagtangkilik sa bawat edisyon ng ugnayan, sapagkat ito’y nagsisilbing instrumento ng pagkakaunawaan sa pagitan ng tagapamuno sa ating lokal na pamahalaan at ng masang Mandaluyong. Ang bawat edisyon nito ay sumasalamin sa ginagampanang papel ng ating mga tagapamuno sa ating lokal na pamahalaan ukol sa paglilingkod bayan.
Patuloy kayong makakaasa sa aming walang kupas na dedikasyon at pagsusumikap na mabigyan ng mas maliwanag na bukas ang ating mga mamamayan, lalo’t higit ang mga kabataan.
Ang aking Tanggapan ay mananatiling bukas para sa lahat.
Patuloy na nakikiisa,Benhur
Congressman
MENSAHE
Isang mainit na pagbati sa lahat ng ating mga
kababayang naninirahan man o naglilingkod sa
Lungsod ng Mandaluyong.Sa nakaraan na anim na buwan, ating naipama
las na ang 2006 ay isa na namang masaganang taon para sa lungsod. Ang ating Sangguniang Panlungsod na kung saan ang inyong lingkod ang siyang presiding officer, ay nakapagpatibay ng apat (4) na ordinansa at apatnapu’t isang (41) resolusyon simula Enero ng taong ito. Patuloy ang pagdaloy ng mga imbestor lalunglalo na sa larangan ng teknolohiya o sa tinatawag na “call centers”.
Sa pangunguna ng TPMO na sa akin din po naiatas ang pagiging pansamantalang chairman, patuloy din ang masusing pagaaral sa pagsasaayos ng daloy trapiko sa kabuuan ng lungsod. Patuloy din ang mga kilos at pagbibigay serbisyo upang ating mapagwagian ang laban kontra sa pinagbabawal na gamot sa pangunguna naman ng MADAC na kung saan ako ang hinirang na “Chief Action Officer”.
Marami pang ibang mga proyekto na pangangat kabuhayan ng ating mga kapuspalad na kababayan ang ating isinusulong at ipinatutupad sa tulong at pakikipagugnayan sa mga pribadong sector at indibidwal na nagpapahalaga sa kapakanan ng ating bayan.
Sa buong suporta ng ating mahal na Punong Lungsod, ng ating kinatawan sa Kongreso, at ng mga kasapi sa Sangguniang Panlungsod, ang inyo pong lingkod ay tumutupad ng mga gawaing iniatas ng batas, ng mga mamamayan at ng Panginoon, nang maayos at may malinis na hangarin para sa pagunlad ng ating mga kababayan sa mahal na Lungsod ng Mandaluyong.
Maraming Salamat po.
Atty. Jesus C. CruzPangalawang Punong Lungsod
ugnayan
��
ang pamahalaang lungsod sa anumang suhestiyon na maibibigay ng mamamayan ng lungsod. u
Kung may Manileño ang
Maynila, Davaoeño ang Davao
at Palawaeño ang Palawan,
ang Mandaluyong City ay
magkakaroon naman ng Man
daleño.
Sa umuunlad na siyudad tulad ng Mandaluyong, napapanahon na magkaroon ng katawagan ang mga tao na naninirahan dito sa halip na simpleng residente ng Mandaluyong o tagaMandaluyong ang itawag sa kanya, ayon kay Konsehal Teresita
“Baby” Pillas.Gayunman, ayon kay Pillas
nangangailangan ng suporta at pagapruba sa mismong residente ng lungsod upang tuluyang umusad ang balakin na ihain ang panukalang ordinansa sa Sangguniang Panlungsod na magpapatibay sa katawagang
“Mandaleño” sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay Pillas, nais muna ni Mayor Neptali M. Gonzales II na masiguro ang pulso ng kanyang nasasakupan bago ito maihain sa konseho. Aniya, plano niyang magsagawa ng survey sa mga residente upang malaman ang kanilang saloobin sa panukala.
Plano rin ng konsehal na magsagawa ng essay writing contest sa public high schools upang makuha naman ang opinyon ng kabataan.
“Mahalaga na makuha ang pulso ng tao bilang pagapruba na rin sa panukalang ito,” ani Pillas.
Dagdag nito, nauna nang nakatanggap ang konseho ng isang liham mula sa isang residente ng lungsod na nagnanais na tawagin ang mga tao ng Mandaluyong na “Mandalueño”, ngunit aniya, mayroon kahirapan itong bigkasin.
Gayunman, sinabi nito na bukas
Ako’y isang Mandaleño
Ang kuwento ng sirena sa City Hall
Umalingawngaw sa dapithapon ang papalayong tunog ng firetruck ng lungsod. “May sunog!,” ang sabi ng isang babae. “Saan kaya banda?,” tanong niya. “I’m sure hindi seryoso yan,” ani naman ng isa. “Kasi sana tumunog na ang sirena natin para ipaalam kung may sakuna.”
Ang sirenang ito na naririnig natin pagsapit ng alasotso ng umaga, alasdose ng tanghali at alassingko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at tumatagal ng isa’t kalahating minuto ay hindi lamang hudyat para sa mga kawani ng lungsod kundi nagsisilbi din itong babala sa mga mamamayan sa papalapit na mga sakuna tulad ng bagyo, sunog at iba pang mga emerhensiya.
Ayon kay Oscar Arceo, hepe ng Disabled Persons Affairs Division, nagumpisa ang pagkakaroon ng sirena noong panahon ni Mayor Renato Lopez (19721980). “Nahinto ito pagkatapos ng panunungkulan niya at nirevive
na lang ng dating alkalde at ngayon ay Chairman ng Comelec na si Ben Abalos (19871997),” wika niya.
Nang mga panahong iyon, lahat ng pangunahing lungsod sa Metro Manila ay may kanyakanyang sirena na nagbababala sa mga nasasakupan nito.
Ayon sa kasaysayan, noong panahon ng Kastila ay kampana naman ang ginagamit na communication medium. Ito ang naghahatid ng babala, paalala o hudyat ng pagdadalamhati o kasiyahan. Kung kaya kadalasan ang mga simbahan noon ay nasa mataas na lugar upang malawak
ang maaabot ng tunog ng kampana nito.Noong panahon ng Hapon naman ay
ginagamit ang sirena upang ipabatid sa mamamayan ang babalang may parating na kaaway at kailangang magingat o magtago. Ito rin ay pangunahing simbolo ng komunikasyon.
Ayon kay Pablo Castro, ang namamahala sa pagpapatunog ng sirena sa takdang oras, ito ay ginagamit din ng lungsod sa tuwing may emerhensiya gaya ng sunog. Aniya, ang sirenang ito ay lumangluma na at inaayos lamang nila kung nagkakaroon ng sira. Ito ay isa sa mga simbolo ng ating pagiging tagaMandaluyong.
“Ito pa ang orihinal na sirena na unang ginamit noong panahon ni Mayor Lopez,” sabi niya. “Sa pagkakaalam ko, ginamit din ito noong panahon ni Mayor Domingo (19801986), Mayor Abalos Sr. at ngayon nga kay Mayor Gonzales,” dagdag pa niya.
Kaya sa susunod na maririnig mo ang sirena, tingnan ang relos. Kung ito ay hindi oras ng pagpasok o uwian, may ibang pahayag ito. Alamin! u
Sang-ayon ka ba
sa panukalang Mandaleño ang itawag sa
mga taga-Manda-luyong?
Ibigay ang inyong feed-back sa tanggapan ni Konsehala Baby Pillas, o sa Public Information
Office.
ugnayan
��
Hazard Pay ng street sweepers, dinoble ni Mayor Gonzales
Mula PhP500 ay ginawang PhP1,000 kada buwan ang hazard pay ng ating mga street sweepers. Ito ay matapos aprubahan noong Enero ni Mayor Boyet Gonzales II ang 50 porsiyentong umento para sa kanila bilang kanyang pagkilala at pagpapahalaga sa kasipagan at kontribusyon ng mga ito sa kalinisan at kaunlaran ng lungsod. Naigawad ang increase makaraan ang dalawang taon.
Si Evelyn Andrade Aglian, 14taon nang street sweeper ng lungsod, ay may 11 anak. Ang kanyang asawa ay walang permanenteng trabaho. Aniya, talagang napakaliit ang PhP500 na hazard pay sa katulad nilang malimit ay bilad sa araw at panganib sa lansangan. Gayunpaman, pinasasalamatan niya ito bilang dagdag sa kinikita niyang PhP5,082 kada buwan.
Noong Pebrero, natuwa siyang malaman na lalong pinaigting ni Mayor Boyet ang suporta sa kanilang opisina lalo nang aprubahan nito ang PhP500 dagdag sa kanilang hazard pay, kung kaya naging PhP1,000 na ang buwanang hazard pay nila.
“Sa tulad kong malaki ang pamilya, bawat piso ay mahalaga,” ani ni Aling Evelyn. “Nagpapasalamat nga ako kay Mayor Boyet. Napatunayan kong malaki ang pagpapahalaga niya sa maliliit na kawaning tulad ko. Maaasahan talaga namin si Mayor,” aniya.
Ikinuwento ni Aling Evelyn na karamihan sa kanila sa ESC ay may malalaking pamilya at kadalasan ay walang trabaho ang mga asawa. “Kaming mga maliliit na empleyado ng lungsod ang parating nabibigatan sa mga hamon ng buhay, at kadalasan ay sumasala sa pagkain,” kwento niya. “Pero sa suporta at pakikiisa na pinapakita sa amin ni Mayor Boyet mula nang siya ay namuno, gumagaan ang lahat.”
“Malaking bagay din yung ginagawa niyang pacontest sa amin kada taon,” dagdag pa ni Aling Evelyn na ang tinutukoy ay ang paligsahan ng bawat grupo ng street sweepers sa pagandahan ng kanilang lugar na nasasakupan. Ang nagwawagi ay may papremyong PhP50,000, PhP30,000 at PhP20,000 kada grupo. “Hindi man ako kasali sa mga nanalong grupo, masaya pa rin ako para sa aking mga kasamahan dito dahil malaki ang premyo,” aniya.
“Ito ay bilang pagkilala ko sa inyong kasipagan at kahusayang mapanatiling malinis at maayos ang ating kalsada at buong kapaligiran,” ani naman ni Mayor Gonzales. Mayroong 160 street sweepers ang lungsod sa ilalim ng Environmental Sanitation Center (ESC). Sila ay hinati sa 14 na grupo para sa timpalak na ito.
Ngayong taon, anim (6) na grupo ang nagwagi sa nasabing timpalak dahil dalawang grupo ang ginawaran ng first, second at third place. Sa kabuuan, may PhP100,000 na pabuya ang binibigay ni Gonzales sa mga nanalo.
Nakuha ng grupo nina Norma Mansueto at Aida Ibusag ang ikatlong premyo, pumangalawa naman ang grupo nina Fani Gonzaga at Lorenzo Sajul, at nakuha naman ng grupo nina Edna Anciado at Alice Ramirez ang unang premyo. u
THE ACCUSING FINGER By Raymond Ang, La Salle Greenhills (Winner in the Feature Writing Contest
conduced by the Public Information Office last November 2005)
The number of unplanned pregnancies is at an all time high. The economy is in a slump. Moral values are deteriorating. With all these problems in today’s society, the most convenient thing to do is to turn our accusing finger at media.
For teenagers, media is life. Television, radio, movies and print have become indispensable parts of their daily lives. These form part of a direct influence on what we think, say, wear, buy and do. Such is the power of media.
Recently, more and more people are jumping on the “anti—media” band wagon. They blame the media for everything that’s wrong in our beloved country’s economy, moral state, politics, and spiritual wellness. They who say that unplanned pregnancies happen because teenagers see actors engaging in premarital sex on TV should be clear on who they are referring to. Say the economy is dying because investors are shying away as a result of media’s description of our country’s economy. Moral values are deteriorating because the media is selling sex.
Although these accusations have merits and raise some good points, we should also realize that people in media are not the only ones to be blame. We as a society have also contributed our fair share. After all, isn’t it us who buy magazines that patronize loose living? Isn’t it the politicians who set examples for the next wave of politicians whether to be corrupt or not? Isn’t it our government that does commit the “negative” things reported in the newspapers? Aren’t they just “doing their jobs?”
It’s the combination of forces that cause a boulder to move. Likewise, it is the combination of people and sectors that cause a society like ours to deteriorate. To push forward, we should all do our part. After all, we are a country made up of individu-als. Individuals must do his part for the country’s good. We are all in this together.
Masayang tinanggap ng mga kawani ng ESC ang balita ni Mayor Gonzales na dinoble ang kanilang hazard pay.
ugnayan
�0
TANGGAPAN NG PUNONG LUNGSODLungsod ng Mandaluyong1/F Kaban ng Hiyas BuildingCity Government Complex, Maysilo CircleCity of Mandaluyong
ugnayan editorial team Al C. Abainza • Lee AlvarezChan • Jena T. Balaoro • Marvin E. Capco • Rolly B. Alfaro • Rey P. Empaynado • Charlie F. Kelsey • Mary Ann F. Ampaya • Vicky N. Gubal • Arminda M. Mesina
Mandaluyong City naglaan ng PhP10M para sa notebooks at diaries para sa mga estudyanteNaglaan ng halagang PhP10 milyon si Mayor Neptali M. Gonzales II para sa notebooks at
diaries ng 44,000 estudyante ng lungsod ng Mandaluyong na pumapasok mula sa mga pampub
likong elementarya at high school.
Umabot sa 200,000 na notebook sa lahat ng estudyante sa elementarya at 14,850 na diaries para sa hayskul ang naipamigay ng pamahalaang lungsod. Ani Gonzales, ito ay tulong na rin sa mga magulang dahil sa malaking gastusin ng mga ito tuwing sasapit ang pasukan.
Para sa Grade 1 at 2, apat (4) na notebooks ang ibinibigay bawat isa; Grade 3, walo (8); at siyam (9) na notebooks para sa Grade 4 hanggang 6. Sa hayskul, binigyan ang bawat isa ng diary.
“Isa sa prayoridad ng aking administrasyon na
maitaas ang kalidad ng edukasyon ng mga pampublikong paaralan ng lungsod at kaakibat nito ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan tulad ng libro at silidaralan. Malaki ang aking paniniwala na sa pamamagitan ng kumpletong kagamitan at maayos na kapaligiran ay mas matututo ang mga estudyante,” ani Gonzales.
Mayroon 44,000
estudyante ang Mandaluyong. Sa kabuuang bilang, 29,000 ang nasa elementarya at 15,000 ang nasa sekondarya. Mayroon naman 16 public elementary schools at limang (5) high schools ang lungsod. u