Mudra o madrasta filipino version

Post on 30-Nov-2014

182 views 2 download

Tags:

description

tagalog version of our research. :))

Transcript of Mudra o madrasta filipino version

MUDRA O MADRASTA:

PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL SA KALIDAD NG RELASYON SA PAGITAN NG MGA MADRASTA AT ‘STEPCHILDREN’ SA PILING

BAYAN SA LALAWIGAN NG RIZAL

Sinasabing ang ina ang pinaka-mahalang tao sa buhay ng isang bata, dahil siya ang pinagmulan ng kalinga at alaga sa kanyang paglaki. Ang isang ina ay siyang nagbibigay ng walang kondisyon na pag-ibig, suporta at isang modelo sa kanyang mga anak.

Ang pagiging isang madrasta ay isang nakakabahalang posisyon sa pamilya. Isa itong hamon sa bawat ina. Para sa kanya, ang pinakamahirap sa kanyang kalagayan ay ang pagiging pangalawa sa puso ng kanyang asawa. Siya ay dapat handa sa lahat na paghihirap na kanyang kahaharapin sa kanyang buhay sa piling ng pamilya ng kanyang asawa.

Ang pananaliksik na ito ay nakaayon sa Saligang Batas ng Bansa: Artikulo Blg. 2, Ika-13 Seksyon.

Ang teoryang pumaloob sa pananaliksik na ito ay ang ‘Attachment Theory’ ni John Bowlby…

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ipakita ang kalidad ng relasyon sa pagitan ng mga madrasta at ‘stepchildren’ sa Piling Bayan sa Lalawigan ng Rizal.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibo-kwalitatibong pananaliksik sa penomenolohikal na lapit para pag aralan ang kalidad ng relasyon ng madrasta at ‘stepchildren’ sa pamamagitan ng may istrukturang katanungan kasama ang iba pang maka-Pilipinong metodo ng pananaliksik tulad ng pagmamasid- masid, pagdadalaw-dalaw at pakikipagkwentuhan.

Batay sa mga metodong ginamit sa pananaliksik para sa mga kwento ng ‘stepchildren’ at mga madrasta, ang mga resulta ay ang mga sumusonod:

Kasalukuyang Edad ng

‘Stepchildren’

Edad ng ‘Stepchildren’ ng

Mabyudo ang Kanilang Ama

Edad ng ‘Stepchildren’ nang magsimulang tumira sa

kanila ang kanilang Madrasta o nang makasal ang Madrasta sa kanilang

Ama

Kasarian ng ‘Stepchildre

n’

Posisyon ng ‘Stepchildren’ sa

Kasalukuyang Pamilya

Posisyon ng ‘Stepchildren’ sa Unang Pamilya

Pinakamataas na Antas na Nakamit

Para sa Madrasta

Kasalukuyang Edad ng Madrasta

Edad ng Mabyuda

Edad nang mag-asawa Muli o Magsimulang

Tumira sa Pamilya ng ‘Partner’

Trabaho ng Madrasta

Bilang ng Sariling Anak

Haba o Tagal ng Relasyon

Estado ng Relasyon

Personal na Buwanang Kita

Sales

1st Qtr2nd Qtr3rd Qtr4th Qtr

Kapwa madrasta at ‘stepchildren’ ay nakaranas ng pagbabago sa struktura ng kanilang pamilya, lalong lalo na ang bagong asawa ng kanilang ama na may iba pang mga anak na namumuhay bilang isang masayang pamilya.

Batay sa kalagayan ng kanilang pamilya, maraming pagbabago ang naranasan ng ‘stepchildren’ at kung paano sila nakakakuha ng mababang hati dahil paglaki ng kanilang pamilya na nakakaapekto sa kanilang personal, pakikisalamuha, at sa kanilang pag-aaral. Datapwat, sa panig ng madrasta, pagbibigay halaga sa sa oras at pagtatalaga ng prayoridad ay mahalaga sa pamamahala sa bagong pamilya.

Ang pagbabagong naganap sa buhay ng ‘stepchildren’ ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto, kahit na ang pagbabagong ito ay nagdala sa kanila upang maging malapit sa kanilang pamilya at sa kabila ng mga negatibong pagababago, hindi nila sinisi ang pagkukulang na kanilang magulang at masasamang bagay na nangyari sa kani kanilang pamilya.

Hindi naging madali para sa parehong kalahok na magkaroon ng magandang relasyon at maging malapit sa isat isa sa mabilis na panahon. Tiwala, pagiging malapit at respeto ay na obserbahan dahil pagtawag ng panglan gaya ng “mommy”, “mama” o “tita”. Sa makatuwid, hindi lahat “blended” na pamilya ay “dysfunctional” pamilya o may hndi magandang relasyon sa isa’t isa.

Ang isang malaking pamilya ay hindi makakaiwas sa mga kakulangan sa pinansiyal na aspeto at maayos na ugnayan dahil sa dumaraming pangangailangan at pang-indibidwal na pagkakaiba.

Ang pagmamahal ay nagbubunga ng panibagong pagmamahal sa kabila ng mga sakripisyo at suliranin kung kaya’t ang matatag na ugnayan ng mga miyembro ng pamilya ay mapapanatili sa bawat henerasyon.

MARAMING SALAMAT PO!

Pananaliksik nila:Matignas, Christian L.

Aguas, Ginalyn I.Salenga, John Carlo I

Gammad, Mary Anne L.

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEMPililla Campus

MARAMING SALAMAT PO!

Pananaliksik nila:Matignas, Christian L.

Aguas, Ginalyn I.Salenga, John Carlo I

Gammad, Mary Anne L.

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEMPililla Campus